Sabado, Abril 25, 2026

April 25, 2026

PANALANGIN NG BAYAN
Abril 25
San Marcos, Ebanghelista

Ipinahayag ni San Marcos ang Mabuting Balita ng tunay na Mesiyas, si Jesus na Kristo. Hilingin natin sa Ama na dinggin ang ating mga kahilingan para sa isang mundong nangangailangan ng pag-asang hatid ng Ebanghelyo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Maranasan nawa namin ang kabutihan Mo, Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y maging isang buhay na tanda ng tunay na malasakit at tapat na pangangalaga sa mga itinatakwil ng ating lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lumihis sa matuwid na landas nawa’y marinig ang tinig ni Kristo, ang Mabuting Pastol, na tumatawag sa kanila para magbalik sa kanyang kawan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataan nawa’y marinig ang tinig ng Panginoon na nananawagan sa kanila sa pagbabalik-loob at sa isang buhay na nakatalaga sa paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng nagdurusa o may karamdaman nawa’y makaunawa na mahal sila ng Diyos sa pamamagitan ng pangangalaga at pansin na ibinibigay natin sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makapasok sa pintuan ng kulungan ng mga tupa at magdiwang na kasama ng pastol at gabay ng kanilang mga kaluluwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, sa tulong ng mga panalangin ni San Marcos, tapat na ebanghelista, inilalapit namin sa iyo ang aming mga kahilingan sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 7 comments… read them below or add one }

Reynald Perez April 20, 2020 at 5:32 am

Pagninilay: Ngayon ay ang Kapistahan ng Ebanghelistang si San Marcos. Sa 4 na mga manunulat ng Mabuting Balita, si San Marcos ang pinakaikli at ang pinakaunang sumulat tungkol sa talambuhay ng ating Panginoong Hesukristo. Tinatapos niya ang kanyang Ebanghelyo sa pamamagitan ng pag-atas ni Hesukristo sa mga Apostol na humayo at ipahayag ang Mabuting Balita sa bawat nilalang. Lahat ng ipinangaral at ginawa ni Hesus ay kanilang ipapatuloy mula sa Jerusalem hanggang sa pinakadulong bahagi ng daigdig. At isa na rito na nakibahagi sa misyon ng mga Apostol ay si San Marcos. Naging malapit siya at ang kanyang pamilya kay San Pedro, at isa siya sa mga disipulong nanalangin upang mapalaya ang Apostol mula sa bilangguan at banta ng kamatayan ng hari. Naging kasamahan din siya ni San Pablo sa paglalakbay nito upang ipangaral ang Mabuting Balita, kasama ang kanyang pinsang si San Bernabe. Nang siya’y nasa Roma, siya’y naging kalihim ni San Pedro. Taong 66 A.D. nang isinulat ni San Marcos ang kanyang Ebanghelyo kahit may pang-uusig na ipinautos si Emperador Nero laban sa mga Kristiyano sa siyudad. Ang pokus ng ebanghelista sa kanyang panunulat ay ang pagkilala ng mga tao kay Panginoong Hesus bilang isang maawaing Tagapagligtas. Kaya ang simbolo ni San Marcos ay isang leon sapagkat siya’y nagkaroon ng lakas na isalaysay ang mga itinuro at ginawa ng mahabaging Panginoon sa kabila ng banta ng pag-uusig ni Nero. Nawa katulad ni San Marcos ay magkaroon tayo ng lakas at pananampalatayang ibahagi ang ating Panginoong Hesukristo sa lahat ng nilalang ng Diyos Ama.

Reply

Harrel M. Paycana April 24, 2026 at 2:08 pm

Magandang gabi mga kapatid kay Kristo, sa pagbabahagi po ngayong gabi para sa aking Gawain, ako po ay nakatalaga sa Gospel particular sa Marcos 16:15-20 , ito po ay tumatalakay sa Dakilang Utos o Great Commission ni Hesus bago Siya umakyat sa langit.

Sa akin pong Pagninilay, para sa akin ang Ebanghelyo po ay hindi isang lihim na dapat itago kundi isang biyaya na dapat pong ibahagi. Dito binibigyang-diin ni Hesus na ang pananampalataya ay may kalakip na responsibilidad. Hindi po sapat na tayo ay ligtas; tinatawag po tayo upang maging daluyan ng kaligtasan para sa iba. Ang pag-akyat po ni Hesus sa langit ay hindi nangangahulugang iniwan Niya tayo, kundi isang hudyat po ito na tayo ang Kanyang “kamay at paa” dito sa lupa upang ipagpatuloy ang Kanyang nasimulan.

Ang Mga Mahahalagang Aral po na aking natutunan dito ay UNA, ang Utos na Humayo, Binanggit po sa Marcos 16:15 na ang utos ay para sa “buong mundo” at “lahat ng tao.” Ipinapaalala po nito na ang pag-ibig ng Diyos ay walang pinipili at walang hangganan. IKALAWA, Kahalagahan ng Pananampalataya at Binyag, Dito po sinasabi sa atin na ang kaligtasan ay bunga ng paniniwala at pagtanggap sa sakramento ng binyag. Ang hindi paniniwala ay naglalayo po sa tao sa biyaya ng Diyos. IKATLO, Ang Kapangyarihan ng Pangalan ni Hesus, Ang mga tanda po tulad ng pagpapalayas ng demonyo at pagpapagaling ng maysakit ay hindi galing sa sariling lakas ng tao, kundi sa kapangyarihan po ng pangalan ni Hesus na sumasama sa mga sumasampalataya. IKA-APAT, Hindi po Tayo Nag-iisa sa Misyon, Bagama’t umakyat po si Hesus sa langit, sinasabi sa talata 20 na “gumagawa ang Panginoon kasama nila”. Ang Banal na Espiritu ang nagpapatunay at nagpapatibay sa ating mga ginagawa para sa Kanya. Pang-HULI, Pamumuhay Bilang Saksi, Ang pangangaral po ay hindi lamang sa salita kundi sa gawa. Ang pagiging mabuting halimbawa, pagpapakita ng pag-ibig, at pagtulong sa kapwa ay mga paraan din po natin ng pagpapahayag ng Mabuting Balita. Amen.

End of Sharing po.

Bro. Harrel M. Paycana
SLS Shepherding Tribe, Santa Rosa

Reply

[email protected] April 25, 2026 at 8:59 am

Sa Dios Lahat Ang Kapurihan Sa Ngalan Ni Hesikristo…AMEN!

Reply

Mel Mendoza April 25, 2026 at 9:31 am

PAGNINILAY:
Marcos 16:15-20)
Diin sa Salita:

Sa araw na ito ay Kapistahan ni San Marcos, ang Ikalawang
Manunulat ng Mabuting Balita. Ang tawag sa kanya ni San Pedro ay anak.
Ayon sa tradisyon, ang Ebanghelyo ni Marcos ay naglalaman ng pangangaral ni Pedro, na iningatan para sa Simbahan.
Ang buhay ni Marcos ay isinabuhay ang Dakilang Utos mula sa Mabuting Balita ngayon: ‘Humayo kayo sa buong mundo at ipahayag ang Mabuting Balita sa lahat ng nilikha.’”

Napakagandang pagnilayan ang mga talatang ito, “Sa pangalan ko’y magpapalayas sila ng mga demonyo… magsasalita ng ibang wika… hindi sila mapapahamak… at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang kamay.”

Ang pahayag na ito ni Hesus ay hindi lamang listahan ng mga himala—ito ay isang pagpapahayag ng kapangyarihan ng Kanyang Pangalan na ipinagkakatiwala sa mga sumasampalataya.
Sa pananaw ng teolohiya, ang “sa pangalan ko” ay hindi simpleng pagbanggit ng salita, kundi isang pakikiisa sa mismong Persona ni Kristo. Sa Ebanghelyo ni Marcos, ang Pangalan ni Hesus ay kumakatawan sa Kanyang awtoridad, presensya, at misyon.

Sa teolohikal na pananaw ito ay pakikibahagi sa misyon ni Kristo.
Ang mga tanda (signs) ay hindi para sa personal na kapurihan, kundi patunay na ang Simbahan ay nagpapatuloy sa gawain ni Kristo. Ang kapangyarihan laban sa demonyo ay tanda na ang kaharian ng Diyos ay nangingibabaw laban sa kasamaan.

•Spiritual Warfare, hindi Spectacle.
Ang “pagpapalayas ng demonyo” ay hindi lamang literal; ito rin ay paglaya mula sa kasalanan, takot, galit, at kasinungalingan. Ang tunay na laban ay nasa puso ng tao.
•Gift of Tongues bilang Misyon
Ang “ibang wika” ay sumasagisag sa kakayahan ng Simbahan na ipahayag ang Mabuting Balita sa lahat ng tao, lampas sa hadlang ng kultura at lengguwahe—isang alaala ng nangyari sa Pentecost.
•Proteksyon ng Diyos sa Misyon
Ang ahas at lason ay larawan ng panganib. Hindi ibig sabihin na hahanapin natin ang panganib, kundi ang Diyos ang nag-iingat sa mga tapat sa Kanyang misyon.
•Healing Ministry ng Simbahan
Ang “pagpapatong ng kamay” ay tanda ng pagpapasa ng biyaya—isang gawain na nagpapatuloy hanggang ngayon sa pamamagitan ng Simbahan, lalo na sa sakramento ng pagpapahid ng langis sa maysakit.

Sa mas malalim na pananaw hindi sinasabi ni Hesus na lahat ay gagawa ng parehong himala, kundi:
Ang bawat mananampalataya ay magiging daluyan ng Kanyang kapangyarihan sa paraang akma sa kanilang bokasyon.
Kung si Kristo ay tunay na nasa atin, ang kasamaan ay mawawalan ng puwang, ang takot ay mapapalitan ng lakas, at ang sugat ay magkakaroon ng paghilom.

Pagsasabuhay:
•Sa tuwing tayo ay nagpapatawad ? pinapalayas natin ang “demonyo” ng galit.
•Sa tuwing nagpapalakas tayo ng loob ng iba, nagsasalita tayi ng “bagong wika” ng pag-ibig.
•Sa tuwing nananatili tayong matatag sa gitna ng pagsubok, hindi tayo napapahamak sa “lason” ng mundo.
•Sa tuwing tayo ay nagdarasal para sa may sakit, nagiging instrumento tayo ng kagalingan.

Ang tanong: Nabubuhay ba sa atin ang kapangyarihan ng Pangalan ni Hesus, o nananatili lamang ito sa aking labi?

Word of the Day:
“Kapangyarihan sa Pangalan ni Hesus”
•Hindi ito mahika—ito ay buhay na relasyon kay Kristo na nagpapabago sa ating pagkatao at sa mundo.

Panalangin:
Panginoong Hesus,
Sa Iyong banal na Pangalan, ako’y Iyong pinapalakas at ginagabayan.
Linisin Mo ang aking puso sa anumang kasamaan, at gawin Mo akong daluyan ng Iyong kapayapaan at kagalingan.
Turuan Mo akong mamuhay hindi sa takot, kundi sa kapangyarihan ng Iyong pag-ibig.. Amen

Reply

Celine loveko April 25, 2026 at 1:22 pm

PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO ALLELUIA!

Reply

Jovy Uy April 25, 2026 at 9:56 pm

PAGNINILAY

Sa unang pagbasa, pinapalakas ni apostol Pedro ang loob ng mga alagad na magpatuloy sa pangangaral sapagkat ang Diyos parin ang nagbibigay ng lahat na ganapan sa kanyang hinirang sa gawaing pagliligtas ng espiritu ng tao kaya hinihingi sa kanila na manatili sa biyaya ng Dios.

“Pagkatapos ninyong magtiis ng maikling panahon, ang Diyos na bukal ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kaganapan, katatagan, at isang saligang matibay at di matitinag. Siya rin ang humirang sa inyo upang makihati kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Kristo. Sa kanya ang kapangyarihan magpakailanman! Amen.”

Sa gospel, tulad ng sinabi ni Pedro sa unang pagbasa na ang Dios ang panggagalingan ng lahat ng pagpapala, kaganapan at katatagan, ipinapahayag ni Jesus na ang kaligtasan ay sa Dios din magmumula sa pananalig lamang sa paskal ni Jesus sapagkat ang hindi sumampalataya dito ay mapaparusahan sa impierno . Sapagkat ang hanap ng mga Hudyo ay tanda ng pagkaligtas kung kaya’t binigyan sila ng tanda (1 Corinto 1:22, Efeso 2:8-9, Gawa 15:1-11).

“Noong panahong iyon: Nagpakita si Hesus sa Labing-isa at sinabi sa kanila, “Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita. Ang sumasampalataya at mabinyagan ay maliligtas, ngunit ang hindi sumampalataya ay parurusahan. Ang mga sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: sa pangalan ko’y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika; sila’y hindi maaano dumampot man ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang kamay.”

Kumusta naman tayo. Nanalig ba tayo na ang kaligtasan ay gawa lahat ng Dios sa paskal ni Jesus?

Reply

Jovy Uy April 26, 2026 at 10:19 pm

Sa unang pagbasa, pinapalakas ni apostol Pedro ang loob ng mga alagad na magpatuloy sa pangangaral sapagkat ang Diyos parin ang nagbibigay ng lahat na ganapan sa kanyang hinirang sa gawaing pagliligtas ng espiritu ng tao kaya hinihingi sa kanila na manatili sa biyaya ng Dios.

“Pagkatapos ninyong magtiis ng maikling panahon, ang Diyos na bukal ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kaganapan, katatagan, at isang saligang matibay at di matitinag. Siya rin ang humirang sa inyo upang makihati kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Kristo. Sa kanya ang kapangyarihan magpakailanman! Amen.”

Sa gospel, tulad ng sinabi ni Pedro sa unang pagbasa na ang Dios ang panggagalingan ng lahat ng pagpapala, kaganapan at katatagan, ipinapahayag ni Jesus na ang kaligtasan ay sa Dios din magmumula sa pananalig lamang sa paskal ni Jesus sapagkat ang hindi sumampalataya dito ay mapaparusahan sa impierno . Sapagkat ang hanap ng mga Hudyo ay tanda ng pagkaligtas kung kaya’t binigyan sila ng tanda (1 Corinto 1:22, Efeso 2:8-9, Gawa 15:1-11).

“Noong panahong iyon: Nagpakita si Hesus sa Labing-isa at sinabi sa kanila, “Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita. Ang sumasampalataya at mabinyagan ay maliligtas, ngunit ang hindi sumampalataya ay parurusahan. Ang mga sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan: sa pangalan ko’y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng ibang wika; sila’y hindi maaano dumampot man ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang kamay.”

Kumusta naman tayo. Nanalig ba tayo na ang kaligtasan ay gawa lahat ng Dios sa paskal ni Jesus?

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: