Podcast: Download (Duration: 8:56 — 10.6MB)
Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A)
Mga Gawa 2, 14a. 36-41
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6
Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.
1 Pedro 2, 20b-25
Juan 10, 1-10
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Fourth Sunday of Easter (White)
Good Shepherd Sunday
World Day of Prayer for Vocations
UNANG PAGBASA
Mga Gawa 2, 14a. 36-41
Pagbasa mula sa mga Gawa ng Mga Apostol
Noong araw ng Pentekostes, tumayo si Pedro at ang labing-isang apostol, at nagsalita siya nang malakas, “Dapat malaman ng buong Israel na itong si Hesus na ipinako ninyo sa krus – siya ang ginawa ng Diyos na Panginoon at Kristo!”
Nabagabag ang kanilang kalooban nang marinig ito, at tinanong nila si Pedro at ang mga apostol, “Mga kapatid, ano ang gagawin namin?” Sumagot si Pedro, “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at magpabinyag kayo sa pangalan ni Hesukristo upang kayo’y patawarin; at ipagkakaloob sa inyo ang Espiritu Santo. Sapagkat ang pangako’y para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo – sa bawat tatawagin ng Panginoong Diyos.”
Marami pa siyang inilahad upang patunayan ang kanyang sinabi, at nanawagan siya sa kanila, “Lumayo kayo sa masamang lahing ito upang kayo’y maligtas.” Kaya’t ang mga naniwala sa kanyang sinabi ay nagpabinyag; at nadagdag sa kanila ang may tatlunlibong tao nang araw na iyon.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6
Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.
o kaya: Aleluya.
Panginoo’y aking Pastol, hindi ako magkukulang.
Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan,
at inaakay niya ako sa tahimik na batisan,
binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan.
Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.
At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan
sa matuwid na landasi’y doon ako inaakay.
Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan,
hindi ako matatakot pagkat ika’y kaagapay;
ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang.
Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.
Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang,
ito’y iyong ginagawang nakikita ng kaaway;
nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan
at pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw.
Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.
Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong kabutihan,
sasaaki’t tataglayin habang ako’y nabubuhay;
doon ako sa templo mo lalagi at mananahan.
Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.
IKALAWANG PAGBASA
1 Pedro 2, 20b-25
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro
Mga pinakamamahal ko:
Pagpapalain kayo ng Diyos kung kayo’y maparusahan sa paggawa ng mabuti. Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkahirang sa inyo ng Diyos; sapagkat nang si Kristo ay magtiis para sa inyo, binigyan niya kayo ng halimbawang dapat tularan. Hindi siya gumagawa ng anumang kasalanan o nagsinungaling kailanman. Nang siya’y alipustain, hindi siya gumanti. Nang siya’y pahirapan, hindi siya nagbanta. Nanalig siya sa Diyos na makatarungan. Sa kanyang pagkamatay sa krus, dinala niya ang bigat ng ating mga kasalanan upang tuluyan na nating iwan ang pagkakasala at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Kayo’y gumaling sa pamamagitan ng kanyang mga sugat. Sapagkat nagkawatak-watak kayo gaya ng mga tupang naligaw, ngunit tinipon kayong muli ng Pastol at Tagapangalaga ng inyong mga kaluluwa.
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYA
Juan 10, 14
Aleluya! Aleluya!
Ako’y pastol na butihin
kilala ko’ng tupang akin;
ako’y kilala nila rin.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Juan 10, 1-10
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo ito: ang pumapasok sa kulungan ng mga tupa nang hindi sa pinto nagdaraan, ay magnanakaw at tulisan. Ngunit ang nagdaraan sa pintuan ay siyang pastol ng mga tupa. Pinapapasok siya ng bantay-pinto, at pinakikinggan ng mga tupa ang kanyang tinig. Tinatawag niya ang kanyang mga tupa sa kani-kanilang pangalan, at inilalabas sa kulungan. Kapag nailabas na, siya’y nangunguna sa kanila at sumusunod naman ang mga tupa sapagkat nakikilala nila ang kanyang tinig. Hindi sila sumusunod sa iba, bagkus pa nga’y patakbong lumalayo, sapagkat hindi nila nakikilala ang kanyang tinig.”
Sinabi ni Hesus ang talinghagang ito, ngunit hindi nila naunawaan ang ibig niyang sabihin.
Kaya’t muling sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo: ako ang pintuang dinaraanan ng mga tupa. Ang mga nauna sa akin ay mga magnanakaw at mga tulisan, ngunit hindi sila pinakinggan ng mga tupa. Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko’y maliligtas. Papasok siya’t lalabas, at makatatagpo ng pastulan. Kaya lamang pupunta rito ang magnanakaw ay upang magnakaw, pumatay, at magwasak. Naparito ako upang ang mga tupa’y magkaroon ng buhay – isang buhay na ganap at kasiya-siya.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Sabado, Abril 25, 2026
Lunes, Abril 27, 2026 »




{ 8 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Ang Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay ni Hesus ay mas kilala bilang Linggo ng Mabuting Pastol. Mababatid natin sa Bibliya na ang pagpapastol ay isa sa mga pinakatanyag na hanapbuhay ng mga tao sa Luma at Bagong Tipan. Makikita natin sa Aklat ni Exodo na si Moises matapos niyang takasan ang tangka ni Faraon at nakitungo sa Midian ay nagpastol sa kawan ng kanyang biyenang si Jetro. Sa nagliliyab na punongkahoy siya’y tinawag ng Panginoon upang magsilbi bilang gabay ng mga Israelita sa pagkalikas mula sa pagkaalipin. Si Haring David ay ang pinakabata sa mga anak ni Jesse, na siya’y nagsisilbing pastol sa kanyang kawan. Siya’y pinili ng Diyos na pahiran ni Samuel ng langis upang maging susunod na Hari ng Israel. Si Isaias ay isa ring pastol na pinili ng Diyos na maging propeta upang magpahayag tungkol sa pagdating ng Mesiyas. At si Hesus ay ang Mabuting Pastol ng ating mga kaluluwa dahil ang kanyang pakay ay akayin tayong lahat tungo sa kaligtasan. Bilang pastol, hindi niya nais tayo’y pabayaan sa kasalanan, ngunit tubusin sa pamamagitan ng kanyang pag-aalay ng buhay sa Krus at Muling Pagkabuhay. Makikita natin sa buong kasaysayan ng Bibliya na ang pagpapastol ay nagsisimbolo ng isang mahalagang tungkulin tungo sa tupa. Kaya sinasabi ng Salmo 23 na ang Panginoong Diyos ay ang Pastol na hindi tayo kailanma’y kukulangin sa buhay. Alam natin na ang pastol ay namamahala sa pangangaalaga ng kanyang kawan, at kapag ang isang tupa ay sumuway ay kanilang hahampasin nito ng tungkod upang sumunod. Makikita dito na alam ng pastol ang amoy ng kanyang kawan sapagkat gagawin niya ang lahat para sa ikabubuti ng lahat. Ganun rin ang Panginoong Hesus na siya ang Mabuting Pastol. Iba po ang pagiging mabait sa pagiging mabuti. Bilang Mabuting Pastol, si Kristo ang gumagabay sa atin patungo sa kanyang Ama. Ang kanyang pagiging mabuti ay makikita rin sa kanyang katuwiran at katarungan sa mga panahong tayo’y sumuway sa dakilang kalooban. Minsan nga’y sinabi ni Arsobispo Socrates Villegas: “Ang tungkod ni Hesus kapag tayo’y nagkakasala ay AWA.” Siya ang maawaing Pastol na nagmamahal sa atin sa kabila ng ating mga pagkukulang at pagkakamali sa buhay. Ipinakita niya ito nang ialay niya ang kanyang buhay upang tayo’y mailigtas at mas gawin pang matapat sa Diyos Ama. At dito’y ipinamana ni Hesukristo ang misyon ng pagpapahayag ng Mabuting Balita. At narinig natin sa Unang Pagbasa kung paanong tumindig sina Pedro at ang iba pang mga Apostol nang mangsimula silang mangaral sa mga tao. At marami nga sa mga narinig ay napabilang sa Sambayanan ng Diyos, ang Simbahang itinatag ni Kristo. At minsan na nga’y sinabi ni Hesus na hindi kailanma’y mananaig ang anupamang hakbang ng kasamaan laban sa Simbahan. Narinig din natin sa Ikalawang Pagbasa ang paalala sa atin ni San Pedro na ang Simbahan ay kailangang maging matatag sa kabila ng mga pagsubok at suliranin ng buhay. Tayong mga mananampalataya ay kailangang ipahigit ang ating pananampalataya sa Panginoon bagamat tayo’y dumadaan sa maraming mga pagdurusa, lalung-lalo ang mga nararasang sitwasyon. Matapos ng ating mga pagkaranas ng ginhawa at dusa sa lupang ibabaw, mararanasan natin balang araw ang kaligayahan ng buhay na walang hanggan. Kaya nawa tayo ay sumunod sa ating Mabuting Pastol sa pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga ng Mabuting Balita. Maging mabuting pastol din tayo sa ibang tao sa paggawa ng kabutihan at katuwiran sa kanila.
Pagninilay: Ang Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay ni Hesus bukas ay mas kilala bilang Linggo ng Mabuting Pastol na araw yun. Mababatid natin sa Bibliya na ang pagpapastol ay isa sa mga pinakatanyag na hanapbuhay ng mga tao sa Luma at Bagong Tipan. Makikita natin sa Aklat ni Exodo na si Moises matapos niyang takasan ang tangka ni Faraon at nakitungo sa Midian ay nagpastol sa kawan ng kanyang biyenang si Jetro. Sa nagliliyab na punongkahoy siya’y tinawag ng Panginoon upang magsilbi bilang gabay ng mga Israelita sa pagkalikas mula sa pagkaalipin. Si Haring David ay ang pinakabata sa mga anak ni Jesse, na siya’y nagsisilbing pastol sa kanyang kawan. Siya’y pinili ng Diyos na pahiran ni Samuel ng langis upang maging susunod na Hari ng Israel. Si Isaias ay isa ring pastol na pinili ng Diyos na maging propeta upang magpahayag tungkol sa pagdating ng Mesiyas. At si Hesus ay ang Mabuting Pastol ng ating mga kaluluwa dahil ang kanyang pakay ay akayin tayong lahat tungo sa kaligtasan. Bilang pastol, hindi niya nais tayo’y pabayaan sa kasalanan, ngunit tubusin sa pamamagitan ng kanyang pag-aalay ng buhay sa Krus at Muling Pagkabuhay. Makikita natin sa buong kasaysayan ng Bibliya na ang pagpapastol ay nagsisimbolo ng isang mahalagang tungkulin tungo sa tupa. Kaya sinasabi ng Salmo 23 na ang Panginoong Diyos ay ang Pastol na hindi tayo kailanma’y kukulangin sa buhay. Alam natin na ang pastol ay namamahala sa pangangaalaga ng kanyang kawan, at kapag ang isang tupa ay sumuway ay kanilang hahampasin nito ng tungkod upang sumunod. Makikita dito na alam ng pastol ang amoy ng kanyang kawan sapagkat gagawin niya ang lahat para sa ikabubuti ng lahat. Ganun rin ang Panginoong Hesus na siya ang Mabuting Pastol. Iba po ang pagiging mabait sa pagiging mabuti. Bilang Mabuting Pastol, si Kristo ang gumagabay sa atin patungo sa kanyang Ama. Ang kanyang pagiging mabuti ay makikita rin sa kanyang katuwiran at katarungan sa mga panahong tayo’y sumuway sa dakilang kalooban. Minsan nga’y sinabi ni Arsobispo Socrates Villegas ng Diyosesis ng Malolos na: “Ang tungkod ni Hesus kapag tayo’y nagkakasala ay AWA.” Siya ang maawaing Pastol na nagmamahal sa atin sa kabila ng ating mga pagkukulang at pagkakamali sa buhay. Ipinakita niya ito nang ialay niya ang kanyang buhay upang tayo’y mailigtas at mas gawin pang matapat sa Diyos Ama. At dito’y ipinamana ni Hesukristo ang misyon ng pagpapahayag ng Mabuting Balita. At narinig natin sa Unang Pagbasa kung paanong tumindig sina Pedro at ang iba pang mga Apostol nang mangsimula silang mangaral sa mga tao. At marami nga sa mga narinig ay napabilang sa Sambayanan ng Diyos, ang Simbahang itinatag ni Kristo. At minsan na nga’y sinabi ni Hesus na hindi kailanma’y mananaig ang anupamang hakbang ng kasamaan laban sa Simbahan. Narinig din natin sa Ikalawang Pagbasa ang paalala sa atin ni San Pedro na ang Simbahan ay kailangang maging matatag sa kabila ng mga pagsubok at suliranin ng buhay. Tayong mga mananampalataya ay kailangang ipahigit ang ating pananampalataya sa Panginoon bagamat tayo’y dumadaan sa maraming mga pagdurusa, lalung-lalo ang mga nararasang sitwasyon. Matapos ng ating mga pagkaranas ng ginhawa at dusa sa lupang ibabaw, mararanasan natin balang araw ang kaligayahan ng buhay na walang hanggan. Kaya nawa tayo ay sumunod sa ating Mabuting Pastol sa pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga ng Mabuting Balita. Maging mabuting pastol din tayo sa ibang tao sa paggawa ng kabutihan at katuwiran sa kanila.
PAGNINILAY:
Juan 10, 1-10
Linggo ng Mabuting Pastol
World Day of Prayer for Vocations
Sa Ika-apat na Linggo sa Pasko ng Pagkabuhay ay ipinagdiriwang din ng ating Simbahan ang Linggo ng Mabuting Pastol, sa Mabuting Balita ipinapakilala sa atin ni Hesukristo ang Kanyang sarili hindi lamang bilang Pastol kundi bilang Pintuan:
“Tandaan ninyo: ako ang pintuang dinaraanan ng mga tupa… Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko’y maliligtas
Angpahayag na ito ay puno ng lalim. Hindi lamang Siya gabay—Siya mismo ang daan, proteksyon, at kaligtasan.
Ang Puso ng Pastol sa Buong Kasaysayan
Hindi aksidente na sa Banal na Kasulatan, maraming pinili ang Diyos mula sa hanay ng mga pastol—tulad nina Moses at David. Ang pagiging pastol ay isang paaralan ng puso:
•Natututo ng pagbabantay;
•Nahuhubog sa pagmamalasakit;
•Nasasanay sa pagsasakripisyo;
•Lumalalim sa pagtitiis at katapatan.
Ang pastol ay hindi lamang nag-aalaga—ibinibigay niya ang kanyang sarili para sa kawan.
Kaya nang dumating si Hesus, hindi nakapagtataka na ginamit Niya ang larawang ito. Sapagkat Siya ang kaganapan ng lahat ng pastol—ang Mabuting Pastol na handang ialay ang Kanyang buhay.
Ang Mabuti vs Mabait: Ang Katangian ng Tunay na Pastol
Sa ating pagninilay, mahalagang maunawaan ang kaibahan ng mabait at ng mabuti:
•Mabait – maamo, mapagbigay, madaling pakisamahan
•Mabuti – tumatayo sa katotohanan, may paninindigan, handang magsakripisyo.
Si Hesus ay hindi lamang mabait. Siya ay mabuti.
•Hindi Niya kinukunsinti ang kasalanan, ngunit hindi Niya rin tinatanggihan ang makasalanan.
•Hindi Niya pinapadali ang daan, ngunit inaakay Niya tayo sa tamang landas.
Ito ang puso ng Mabuting Pastol—pag-ibig na may katotohanan.
“Ako ang Pintuan” – Isang Malalim na Katotohanan
Ang pagiging “pintuan” ni Hesus ay may tatlong mahalagang kahulugan:
Daan – Siya ang tanging daan patungo sa Ama;
Proteksyon – Siya ang bantay laban sa panganib;
Kaligtasan – ang sinumang pumasok sa Kanya ay magkakaroon ng buhay.
Noong unang panahon, ang pastol mismo ang humihiga sa bukana ng kulungan upang bantayan ang mga tupa.
•Siya ang nagiging “pintuan”—walang makapapasok o makakalabas na hindi dumaraan sa kanya.
Ganito si Hesus sa atin:
Siya ang nagbabantay, Siya ang sumasalo, Siya ang unang nasasaktan upang tayo ay maligtas.
Ang Babala ng Ebanghelyo: Ang mga “Magnanakaw at Tulisan”
Sinabi rin ni Hesus na may mga nauna na “magnanakaw at tulisan” na angkop sa ating kasalukuyang panahon.
Ito ay larawan ng:
-maling aral
-huwad na lider
mga tinig ng mundo na naglalayo sa atin sa Diyos.
Ngunit ang tunay na tupa ay nakikilala ang tinig ng Pastol.
Ang hamon sa atin ng Mabuting Balita:
Kaninong tinig ang sinusunod ko araw-araw?
Pagsasabuhay:
Sa ating panahon, tinatawag tayong maging pastol sa iba—lalo na sa pamilya, ministry, at komunidad.
Paano tayo magiging mabuting pastol?
Makinig sa tinig ni Kristo:
-sa Salita ng Diyos
-sa panalangin
-sa Simbahan
Maging mabuti, hindi lang mabait,
itaguyod ang tama kahit mahirap
magmahal nang may katotohanan at
alagaan ang ipinagkatiwala sa atin
-magmalasakit
-magtiyaga
-magsakripisyo
Ang tunay na pastol ay hindi tumatakas sa responsibilidad—
naninindigan siya para sa kapakanan ng iba.
Word of the Day: PASTOL
PASTOL – Isang taong hinubog ng Diyos upang magmahal, magbantay, at mag-alay ng sarili para sa kapakanan ng iba.
Panalangin:
Panginoong Hesus, Mabuting Pastol at aming Pintuan, salamat sa Iyong pag-akay at pagprotekta sa amin. Hubugin Mo ang aming puso upang maging tulad Mo— mapagkalinga, matatag, at handang magsakripisyo.
Tulungan Mo kaming makilala ang Iyong tinig at sundan Ka sa bawat araw ng aming buhay. Amen.
Ama Naming Dios Akoy Nananalig At Isinusuko Ko Ang Lahat Sa Akin..Sa Ngalan Ni Hesukristo…Amen!
PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO ALLELUIA ALLELUIA!
Ang linggo Ito ay patungkol sa Mabuting Pastol. Kaya’t Ang mga pag-basa ay pinakikita sa ating Ang katangian ipinakita ni Hesus bilang mabuting Pastol at kaugay rito siya Ang pintuaan ng mga tips nakikila Nila Ang kanilang Pastol. Isang ugnayan na kilala ng Pastol Ang kanyang mga tupa tinatawag sa kanilang mga panga lane, isang tanda na malalim na ugnayan at mga tupa kilala siya sa kanyang tinig. Ito’y pagmabuti balita ay meron din pinakikita na meron Pastol na tinatawag na magnanakaw at tupang pagpapahalaga dahil Ang Pastol mammals walang malasakit at pinapabayaan Ang kanyang mga tupa at hindi sa pinutaan dumadaan na gayun din Ang mga tupa. Si Hesus Ang mabuting tupa at pintuaan na dadaan sa kanya at papasakop sa kanyang hindi niya pababayaan at tupa namakikinig sa tinig niya tatanggap ng biyaya.
PAGNINILAY
Sa unang pagbasa, ipinahayag ni Pedro kung paano mapatawad at maligtas ang Israel sa ginawa nilang pagtakwil kay Jesus sa pamamagitan ng pagtanggap nila ng Espiritu Santo. Kaiba dito ang ipinagawa ng Dios kay Pedro para matanggap ang Espiritu Santo ng mga gentil sa Gawa 10:1-48.
“Noong araw ng Pentekostes, tumayo si Pedro at ang labing-isang apostol, at nagsalita siya nang malakas, “Dapat malaman ng buong Israel na itong si Hesus na ipinako ninyo sa krus – siya ang ginawa ng Diyos na Panginoon at Kristo!”abagabag ang kanilang kalooban nang marinig ito, at tinanong nila si Pedro at ang mga apostol, “Mga kapatid, ano ang gagawin namin?” Sumagot si Pedro, “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at magpabinyag kayo sa pangalan ni Hesukristo upang kayo’y patawarin; at ipagkakaloob sa inyo ang Espiritu Santo. Sapagkat ang pangako’y para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo – sa bawat tatawagin ng Panginoong Diyos.”
Sa Salmo, ipinahayag ni haring David na ang Panginoong Jesus ang tunay na Pastol ng mga kaluluwa .
“Panginoo’y aking Pastol, hindi ako magkukulang.
Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan,
at inaakay niya ako sa tahimik na batisan,
binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan. At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan
sa matuwid na landasi’y doon ako inaakay.
Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan,
hindi ako matatakot pagkat ika’y kaagapay;
ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang.”
Sa ikalawang pagbasa, ipinahayag na si Jesus bilang modelo natin. Na siya ang tunay na Pastol at Tagapag-alaga ng ating kaluluwa .
“Sa kanyang pagkamatay sa krus, dinala niya ang bigat ng ating mga kasalanan upang tuluyan na nating iwan ang pagkakasala at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Kayo’y gumaling sa pamamagitan ng kanyang mga sugat. Sapagkat nagkawatak-watak kayo gaya ng mga tupang naligaw, ngunit tinipon kayong muli ng Pastol at Tagapangalaga ng inyong mga kaluluwa.
Sa gospel reading, gumagamit muli si Jesus ng talinghaga bilang pintuang daraanan ng mga tupa upang maligtas at magkaroon ng buhay na walang hanggan. Noong nakaraang pagbasa ay ginamit ni Jesus ang talinghaga ng tinapay at alak bilang kanyang katawan at dugo na handog at alay sa Dios.
“Kaya’t muling sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo: ako ang pintuang dinaraanan ng mga tupa. Ang mga nauna sa akin ay mga magnanakaw at mga tulisan, ngunit hindi sila pinakinggan ng mga tupa. Ako ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko’y maliligtas. Papasok siya’t lalabas, at makatatagpo ng pastulan. Kaya lamang pupunta rito ang magnanakaw ay upang magnakaw, pumatay, at magwasak. Naparito ako upang ang mga tupa’y magkaroon ng buhay – isang buhay na ganap at kasiya-siya.”
Kumusta naman tayo. Natagpuan na ba natin ang Pastol ng ating buhay na tiyak na magdadala sa atin sa pintuan ng walang hanggang kaligtasan at walang hanggang buhay?
Si Hesus ang ating Mabuting Pastol, ang Kanyang tinig ay katotohanan, kabutihan, at buhay. Tayo bilang Kanyang mga tupa, ay tinatawag makinig at sumunod sa Kanya. Ngunit madalas, mas pinipili ang madaling. daan ng tukso kaysa sa mahirap ngunit tamang landas ni Kristo. Piliin natin pakinggan ang tinig ng Pastol, hindi ang boses ng kasalanan.