Podcast: Download (Duration: 9:00 — 10.6MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Kapistahan ng Panginoong Hesus, Ang Banal na Sanggol
Patnubay sa Misa
Sa pagpaparangal natin ngayon sa Sto. Niño, pagtuunan natin ang ating mga kabataan at ipanalangin ang kanilang mga pangangailangan:
Hesus, pakinggan Mo kami.
Nawa ang buong Simbahan, sa pamumuno ng Santo Papa, ang mga obispo, at mga pari, ay magpamalas ng natatanging praktikal na pagkalinga sa ating kabataan. Manalangin tayo.
Nawa lahat ng guro at ang mga nasa media ay makatulong sa pagkikintal sa ating kabataan ng mga tunay na pagpapahalaga at maka-ganyak sa kanilang magsabuhay ng mga ito. Manalangin tayo.
Nawa lumago ang ating mga kabataan sa katapatan at kalinisan sa kanilang pagsasabuhay ng pananampalatayang Katoliko. Manalangin tayo.
Nawa alagaan ng lahat ng magulang ang kanilang mga anak, tulad ng pag-aalaga nina Maria at Jose kay Hesus at tulutan nawang mahubog nila silang maging mabubuting mamamayan at mga masisigasig na kasapi ng Simbahan. Manalangin tayo.
Ama naming Lumikha, sa pagdiriwang namin sa kapistahan ng Banal na Sanggol, paunlakan mo ang aming pagdulog upang ganapin ang kanyang paghahain at ang kinamtan niyang kapatawaran ay pakinabangan namin sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.
Pages: 1 2
« Sabado, Enero 17, 2026
Lunes, Enero 19, 2026 »




{ 9 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang Simbahan sa buong mundo ay ipinagdiriwang ngayon ang Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon. Samantala dito sa Pilipinas, isang malaking biyayang ating ipinagdiriwang dahil ika-18 siglo, inaprobahan ng Vatikano ang ating debosyon sa Banal na Sanggol, ang Senyor Santo Nino, at ang Kapistahan nito tuwing Ikatlong Linggo ng Enero. Dalawang mahalagang bagay ang nais iparating sa atin ng Kapistahan ng Santo Nino:
1.) ANG PAGTANGGAP AT PAG-AANIB SA PANANAMPALATAYA. Malaking biyayang ating tutunghayan sa taong 2021 sa pagdiriwang ng Ika-500 Anibersaryo ng Kristiyanismo sa ating bansa. Taong 1521, dumating si Fernando Magallenes, isang Portuges na manlalakbay, sa ating bansa. Kasama niya ay ang Padre Pedro de Valderrama at Antonio Pigafetta. Ipinagkaloob niya kay Reyna Humaymay ang isang imahe ng Ninong Hesus at kay Raja Humabaon ang isang imahe ng Santo Cristo. Kaya tinanggap ng mga katutubo ang pananampalatayang Kristiyano. Itininanim ang krus, bininyagan ang mga tao, at idinaos ang Unang Misa sa Pilipinas. Pagkamatay ni Magallanes at pagbalik ng kanilang mga kasama, 44 taong nakapalipas at dumating ang grupo ng mga manlalakbay na si Miguel Lopez de Legazpi. Pero n’ung panahong iyon, nagkaroon ng digmaan at pag-aalitan dahil nasira ang mapayapang kolonisasyon, at maraming bahay sa Cebu ay nasunugan. Pero isang Juan Camus ay natagpuan ang Santo Ninong ibinigay ni Magallanes kay Juana. Kayumanggi ang mukha nito sapagkat ito’y nasunugan, subalit nakaligtas ang imahe sa pagkawasak. Ito ang pinakamatandang imahe dito sa Pilipinas, at matatagpuan ito sa Basilika Minore del Santo Nino, ang ina ng mga simbahan sa ating bansa. At laganap ang debosyong ito sa bansa, kaya inaprobahan ito ni Papa Inocencio XIII at ang Kapistahang ito tuwing ikatlong Linggo ng Enero. Ganyan ang turo ni San Pablo sa mga taga-Efeso na dahil sa Panginoong Hesukristo, minarapat tayong tawaging bilang mga anak ng Diyos Ama kahit tumanda pa tayo man sa pag-angkin natin sa pananampalatayng ito.
2.) ANG MISTERYO NG PAGIGING BATA. 500 BCE, ipinahayag ni Propeta Isaias na isang Sanggol ay magiging liwanag sa mga ninirahan sa kadiliman at ang Prinspie ng Kapayapaan sa buong mundo. Ito ay natupad sa katauhan ng ating Panginoong Hesukristo. Bagamat siya ay Diyos, nagkatawang-tao siya at natuto sa ordinaryong buhay ng tao. Naging bahagi siya ng isang pamilya kasama sina Birheng Maria at San Jose, pero higit sa lahat, siya’y naging masunurin sa kalooban ng Diyos Ama. Dahil sa pagiging magpakumbaba niya, naging masunurin siya hanggang sa kanyang Pagkamatay sa Krus upang matubos tayo mula sa kasalanan. At siya’y dinakala ng Diyos bilang Panginoon at Hari ng ating buhay. Tinuturo niya sa ating Ebanghelyo ngayon ang pagiging katulad ng isang bata. Sa Ingles, hindi ito “childish”, kundi “childlike”. Ganito rin ang pagtanggap ng indibidwal sa Kaharian ng langit katulad ng isang bata. Noong lumang panahon, ang mga bata ay minamalit ng lipunan sapagkat tinitingan sila bilang walang halaga. Pero ang nakita ni Hesus na mga katangian ng mga ito na dapat nating bigyang kahulugan: pagiging magpakumbaba, masunurin, at matulungin, lalung-lalo na sa mga nakakatanda. Araw-araw nating ipinagmamalaki ang mga tinanggap na biyaya sa paaralan, trabaho, pamilya, atbp. Lalung-lalo na sa mga nakatapos ng pag-aaral, ipinagmamalaki natin ang ating mga trabaho at kung anong posisyon kabilang tayo. Pero sa kabila ng ating mga tagumpay at nakamit na istado/posisyon, nawa’y tularan natin ang halimbawa ng Banal na Sanggol si Hesus, ang Senyor Santo Nino, sa pagiging magpakumbaba, masunurin, at matulungin sa bawat oras at pagkakataon ng ating buhay. Nawa’y mula sa mga tinanggap na biyaya, magagamit natin ang mga ito upang iangat ang mga ibang tao sa mahirap at abang lipunan.
Ngayon and Kapistahan ng Poon Sto. Nino, katatapos lng natin ipagdiwang ang kapistahan ng Poon Nazareno, isang paglalarawan na si Hesus ay may pasan ng Krus. isang napakalalim na debosiyon ng mga katolikong pilipino. Ngayon naman ay isa rin lumang debosiyon natin kay Hesus , isang larawan ng si Hesus ay bata, kay Nino ibat ibang pagsasalaraawan na batang nino Jesus, Ngunit ito’y nagpapahiwatig sa isang paraan upang maging dakila sa Ama, ang maging anak ng Diyos na masunurin. Dahil ito ang isang paraan ng pagiging dakila sa harap ng Ama. Ang paayaya sa atin na magpapakakababa, dahil tayo ay dadakilain ng Ama at itataas tayo. dahil tayo ay sumusunod sa kalooba ng Ama. At yung nagpapakataas, na hinidi sumusunod sa kalooban ng Ama, ay ibaba ng Diyos ay hindi nagiging dakila sa Ama. Kaya’t ang debosiyon natin sa Poon Nino ay hindi lang nabibigay sa atin ng pagpapala na dumarating higit tayo’y pagpapalain sa kabilang buhay kung tayo ay magpapakababa. Ang debosiyon ay papaanyaya na pagpapalalim ng ating pananamplataya para tayo ay lubos na kapagbalik-loob sa Diyos at tumulad sa isang batang masunurin,
Viva Sto Nino.
isang QUALITY ang tumitimo sa aking puso at laging nagpapaalala sa akin sa tulong at gabay ng Banal na Espiritu Santo ay ang humility and obedience ng ating Panginoong Hesukristo sa Kanyang Ama na ating Ama. Kung Siya ay Diyos at Taong totoo ay naging masunurin sa ating Amang Yahweh dapat tayo rin. tularan natin si Jesus. Kaya nga para makadesisyon tayo ng ayon sa kalooban ng ating Ama- lagi nating tanungin ang ating sarili ng ganito…. KUNG SI JESUS ANG NASA KALAGAYAN KO ANO ANG GAGAWIN NIBJESUS ? …Tiyak ang magagawa natin ay kalooban ng Diyos because GOD IS LOVE.
Sa Linggong ito, ipinahihiwatig sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo na tayo bilang mga mananampalataya at tagasunod ni Hesukristo Hesus ay patuloy na maging mapagkumbaba, masunurin at gumawa ng mga bagay na naaayon sa kalooban ng Diyos. Sana tayo ay makahalintulad sa mga bata, kay Niño Hesus, upang mapabilang sa pinaghaharian ng Diyos.
Sa ating kasalukuyang panahon bilang mga “adults”, wari maraming nakakalimot na magpakumbaba, sa paniniwala na sila ang nakaaangat dahil may pinag aralan, maraming alam sa pananampalataya, may salapi, mahusay mag salita. Madalas nais lang igiit ang kanilang pananaw sa paniniwalang iyon ang tama at hindi naiisip na ang sinasabi ay nakakasakit sa damdamin ng kapwa. Sa ganitong pagkakataon, sana ay balikan natin na may Panginoong Diyos na gabay sa kung ano ang tama. Ang maling gawi sa pananalita at paggawa ay maaaring maiwasan, kung isasa isip at isasa puso lang natin ang sinabi sa Mabuting Balita, “Ang sinumang nagpapakababa na kagaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng Diyos”
Kaya’t sa mga susunod na pagkakataon na tayo ay hinihila para maging mapagmataas, isipin natin ang isang bata, si Niño Hesus. Amen.
PAGNINILAY: Bukas, ipahihiwatig sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo na tayo bilang mga mananampalataya at tagasunod ni Hesukristo Hesus ay patuloy na maging mapagkumbaba, masunurin at gumawa ng mga bagay na naaayon sa kalooban ng Diyos. Sana tayo ay makahalintulad sa mga bata, kay Niño Hesus, upang mapabilang sa pinaghaharian ng Diyos.
Sa ating kasalukuyang panahon bilang mga “adults”, wari maraming nakakalimot na magpakumbaba, sa paniniwala na sila ang nakaaangat dahil may pinag aralan, maraming alam sa pananampalataya, may salapi, mahusay mag salita. Madalas nais lang igiit ang kanilang pananaw sa paniniwalang iyon ang tama at hindi naiisip na ang sinasabi ay nakakasakit sa damdamin ng kapwa. Sa ganitong pagkakataon, sana ay balikan natin na may Panginoong Diyos na gabay sa kung ano ang tama. Ang maling gawi sa pananalita at paggawa ay maaaring maiwasan, kung isasa isip at isasa puso lang natin ang sinabi sa Mabuting Balita, “Ang sinumang nagpapakababa na kagaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng Diyos”
Kaya’t sa mga susunod na pagkakataon na tayo ay hinihila para maging mapagmataas, isipin natin ang isang bata, si Niño Hesus. Amen.
PAGNINILAY:
Mateo 18, 1-5. 10
“Humility”
Viva Pit Señor Santo Niño! Sa Mabuting Balita ngayon, ibinabaligtad ni Hesus ang karaniwang pananaw ng mundo tungkol sa kadakilaan. Hindi kapangyarihan, talino, yaman, o katungkulan ang sukatan ng kaharian ng Diyos. Sa halip, itinuro Niya ang isang bata na mahina sa paningin ng mundo ngunit dakila sa mata ng Diyos.
Ang bata ay simbolo ng lubos na pagtitiwala, kababaang-loob, at ganap na pag-asa sa iba. Sa bata, walang maskara ng pagpapanggap; walang ambisyon ng kapangyarihan; tanging pusong bukas, umaasa, at nagtitiwala. Ito ang uri ng pananampalatayang nais ng Panginoon—pananampalatayang hindi komplikado, kundi buo at totoo.
Sa ganitong liwanag natin mas mauunawaan ang malalim na kahulugan ng debosyon sa Poong Santo Niño ang Diyos na nagpakumbaba, naging maliit, at hinayaang mahalin at kargahin ng tao.
Ang debosyon sa Santo Niño ang pinakamatanda at pinakamalalim na Kristiyanong debosyon sa ating bansa.
Noong 1521, ipinagkaloob ni Ferdinand Magellan ang imahe ng Santo Niño kay Reyna Juana ng Cebu bilang regalo at tanda ng kanyang pagbibinyag. Matapos ang ilang dekada, noong 1565, natagpuan muli ng ekspedisyon ni Miguel López de Legazpi ang parehong imahe sa isang nasunog na bahay himalang nanatiling buo, tanda ng pananatili ng pananampalataya sa kabila ng pagsubok.
Mula noon, naging puso ng Kristiyanismo sa Pilipinas ang Santo Niño hindi bilang simbolo ng kahinaan, kundi ng Diyos na nakikiisa sa ating pagiging tao.
Ang pinagmulan at Kahulugan ng Imahe ng Santo Niño. Ang imahe ng Santo Niño ay karaniwang inilalarawan bilang:
Isang batang Hesus na may korona at maharlikang kasuotan. May hawak na globus cruciger (mundo na may krus) – tanda ng Kanyang paghahari. Nakataas ang kamay sa pagpapala
Ito ay malalim na teolohiya:
•Ang Bata ang Hari
• Ang Kahinaan ang Lakas
•Ang Kababaang-loob ang Daan ng Kaligtasan.
Mga Kilalang Imahe ng Santo Niño sa Pilipinas ang ilan sa mga tanyag na debosyon at imahe ng Santo Niño ay:
•Santo Niño de Cebu – ang pinakamatanda at pinakapinagpipitagang imahe
•Santo Niño de Tondo – kilala sa mga debotong maralita
•Santo Niño de Pandacan
•Santo Niño de Malolos
•Santo Niño de Ternate
•Santo Niño ng Naic
•Santo Niño de Tacloban – naging simbolo ng pag-asa matapos ang bagyong Yolanda
Ipinapakita ng mga ito na ang Santo Niño ay Diyos na sumasama sa bawat lugar, bawat sugat, at bawat kwento ng Pilipino.
Sa katuruan ng ng Simbahan sa Debosyon sa Santo Niño
Ito ay: Hindi simpleng emosyonal na debosyon. Kundi pagpapahayag ng misteryo ng Incarnation. Ang Salita ay naging tao (Juan 1:14) Sa Santo Niño, ipinapaalala sa atin na:
Ang Diyos ay lumalapit, hindi nananakot; Ang pananampalataya ay relasyon, hindi lamang obligasyon;
Ang kabanalan ay nagsisimula sa kababaang-loob.
Ang debosyon sa Santo Niño ay humahamon sa atin:
Maniwala hindi dahil nauunawaan ang lahat, kundi dahil nagtitiwala tayo sa Diyos.
Pagsasabuhay:
Sa gitna ng pagiging komplikado ng mundo at ng simbahan, tinatanong tayo ng Santo Niño:
•Marunong pa ba tayong magtiwala tulad ng bata?
•Kaya pa ba nating magpakumbaba kahit may tungkulin at posisyon?
•May puwang pa ba sa ating paglilingkod ang simplicity at joy?
Ang tunay na debosyon sa Santo Niño ay hindi lamang paghalik sa imahe, kundi:
Pagiging maliit sa harap ng Diyos;
Pag-aaruga sa “maliliit” ng lipunan;
Paglilingkod nang may pusong bata—taos, tapat, at puno ng pag-asa
Word of the Day
Kababaang-Loob (Humility)
Ang lakas na nagmumula sa lubos na pagtitiwala sa Diyos, hindi sa sarili.
Panalangin:
Poong Santo Niño, Turuan Mo kaming maniwala hindi dahil malinaw ang lahat, kundi dahil nagtitiwala kami sa Iyong pag-ibig. Hubarin Mo sa amin ang kayabangan, takot, at pagmamataas, at bigyan Mo kami ng pusong tulad ng isang bata—mapagtiwala, mapagpakumbaba, at bukas sa Iyong kalooban. Nawa’y sa aming paglilingkod at pananampalataya, Ikaw ang patuloy na makita, sambahin, at mahalin.
Amen.
Child Look, Childish or Childlike….
Child Look ….kung ikaw ay 50 years old pero lagi ka nasasabihan na you look younger than your age tuwang tuwang tuwa tayo. gustong gusto natin. karamihan nga sa atin mga Kababayan masyadong concern sa itsura. pero ito ba ang sinasabi ni Hesus na tularan natin ang isang bayta?
Childish….kung ikaw ay 50 years old pero pabebe pa din, yung sinasabi na masyadong isip bata madalas itinuturing natin itong hindi kaaya aya. ang pagiging isip bata ay dapat nasa lugar. act like your age sabi nga nila. Kaya sigurado na hind din ang pagiging childish ang sinasabi ni Hesus na gawin natin…
Child like…. pagiging inosente. marahil ito ang gusto ni Hesus na taglayin natin bilang bata.
Ano ano ba ang mga ugali ng isang bata kaya siya ay mapapasama sa kaharian ng langit na dapat nating pulutin.
1. Nagtatampo pero hindi lumalayo. Ang bata madaling magtampo pero kailan man ang tampo niya ay hindi nagtatagal. Tayo bilang nakatatanda madalas dahil lang sa simpleng tampuhan may mga kaibigan, kapamilya at mga mahal sa buhay natin na halos buwan or taon na nating hindi kinakausap dahil sa simpleng tampuhan lamang
2. Nagagalit pero hindi nagtatanim. Natural lamang sa isang tao ang magalit. At hindi ligtas dito ang mga bata. Marunong din silang magalit pero ang galit nila isang simpleng sorry lang tanggal na at ang maganda sa kanila once nawala na ang galit wala na din ito sa kanilang isip at puso. Tayong nakatatanda, madalas yung isang simpleng galit hindi na natin makalimutan. Yung iba nga kapag galit may sinasabi pa sila na Kung ang Diyos ay kayang magpatawad sila ay hindi. Yung iba naman kapag may galit sinasamahan pa ng kagustuhang makaganti. Mata sa mata, ngipin sa ngipin. Sana lang may matutunan tao sa mga bata, marunong magalit pero never nagtanim at lalot higit sa lahat never nag isip na gumanti
3. Ang bata hind marunong magsinungaling. Ang mali ay nagiging tama sa mata ng bata kung ginagawa at ipinapakitang halimbawa ng mga matatanda. Madalas tayo pang nakatatanda ang nagtuturo sa mga batang magsinungaling. kapag may iniiwasan tayo sasabihin sa kanila sabihin mo wala ako. wag mo sasabihin sa tatay mo or sa nanay mo. Sa halip turuan sila ng katapatan madalas tayo pa nagtuturo sa kanila wag magsabi ng totoo.
Masarap maging bata pero hindi natin talaga maiiwasan ang pagtanda pero may mga ugali naman ang bata na pwede nating isabuhay kahit tayo ay matanda na.
Nawa ay patuloy tayong maging childlike sa mata ng Kapwa at sa paningin ng Diyos. Hindi childish hindi lang child look.
Amen
PAGNINILAY
Sa unang pagbasa, bagamat nasa kadiliman ang mga Israelita dahil sa paulit-ulit nilang pagkakasala sa Dios, inihula ni propeta Isaias ang maaasahan nilang hari na mamahala sa kanila, si Jesus.
“Sapagkat ipinanganak para sa atin ang isang sanggol na lalaki.
Ibinigay ang isang anak sa atin
at siya ang mamamahala sa atin.
Siya ang Kahanga-hangang Tagapayo, ang Makapangyarihang Diyos,
walang hanggang Ama, ang Prinsipe ng Kapayapaan.
Malawak na kapangyarihan at walang hanggang kapayapaan
ang ipagkakaloob sa trono ni David at sa kanyang paghahari
upang matatag ito at papanatilihin
sa katarungan at katwiran
ngayon at magpakailanman.”
Sa ikalawang pagbasa, isiniwalat ni apostol Pablo ang lihim ng Dios na plinano pa bago ang paglikha. Ito ay ang hinirang niyang Iglesia o “tayo” na napabilang na mga anak ng Dios sa pamamagitan ng pagibig ng Dios at pakikiisa kay Jesus.
“Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal dahil sa ating pakikipag-isa kay Kristo. At sa atin ngang pakikipag-isang ito, hinirang na niya tayo bago pa nilikha ang sanlibutan upang maging banal at walang kapintasan sa harapan niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo’y kanyang itinalaga upang maging mga anak niya sa pamamagitan ni Hesukristo…Nawa’y liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo ang ating inaasahan sa kanyang pagkatawag sa atin. Ito’y ang kaluwalhatiang inilaan niya sa kanyang mga hinirang.”
Sa gospel reading, nagbigay ng kamangha manghang payo si Jesus kung paano mapabilang sa paghaharian ng Dios, ang Iglesia. Ito ay sa pagiging katulad ng ugali ng isang bata na mapagkumbaba sa mga salita o utos ng Dios.
“Tandaan ninyo ito: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang tumatanggap sa isang batang ganito dahil sa akin ay ako ang tinatanggap.”
Sa kasaysayan ng Israel, makikita natin ang pagmamalaki nila sa pagpili ng tao na maghari at mamahala sa kanila imbes na pagharian sila ng Dios.
Nang ipanganak si Jesus, hindi sila nagpasakop o magpakumbaba sa kanya bilang Tagaligtas at Hari nila kundi itinakwil siya at ipinapatay. Subalit sa pagkabuhay ni Jesus muli ay ipinakita niya sa Israel na ang itinakwil nila ay ang Makapangyarihang Dios, Walang Hanggang Ama at Prinsipe ng Kapayapaan na mamahala at maghahari sa kanila forever ayon sa inihula ni propeta Isaias.
Subalit hanggang ngayon, ang Israel ay hindi pinapaniwalaan parin si Jesus kung kaya’t patuloy ang pagdidisiplina at pagpapakumbaba sa kanila ng Dios na umabot na ng higit sa 1900 taon .
Maraming patayan at paglalaban laban ngayon sa Middle East na sangkot ang Israel kaya maraming galit na bansa sa Israel.
Kumusta naman tayo. May panahon ba tayo na kilalanin ng lubusan si Jesus sa pagbabasa ng salita ng Dios sa biblia upang hindi natin siya maitakwil din at mamaling makilala siya tulad ng Israel na naghihintay parin ng kanilang Tagapagligtas at Hari.