Podcast: Download (Duration: 7:00 — 6.8MB)
Paggunita kay San Francisco Javier, pari
Isaias 25, 6-10a
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6
Lagi akong mananahan
sa bahay ng Poong mahal.
Mateo 15, 29-37
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Memorial of St. Francis Xavier, Priest (White)
Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules ng Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon
UNANG PAGBASA
Isaias 25, 6-10a
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
Sa araw na iyon:
sa Bundok ng Sion,
aanyayahan ng Panginoon ang lahat ng bansa,
gagawa siya ng isang piging para sa lahat
na ang handa’y masasarap na pagkain at inumin.
Sa bundok ding ito’y papawiin niya ang kalungkutang
naghahari sa lahat ng bansa.
Lubusan na niyang papawiin ang kamatayan,
papahirin ng Panginoon ang luha ng lahat;
aalisin niya sa kahihiyan ang kanyang bayan.
Kung magkagayon, sasabihin ng lahat:
“Siya ang ating Diyos na ating pinagtitiwalaan,
ang inaasahan nating magliligtas sa atin;
magalak tayo at ipagdiwang ang kanyang pagliligtas.”
Iingatan ng Diyos ang bundok na ito.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6
Lagi akong mananahan
sa bahay ng Poong mahal.
Panginoo’y aking Pastol, hindi ako magkukulang.
Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan,
at inaakay niya ako sa tahimik na batisan,
binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan.
Lagi akong mananahan
sa bahay ng Poong mahal.
At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan
sa matuwid na landisa’y doon ako inaakay.
Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan,
hindi ako matatakot pagkat ika’y kaagapay;
ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang.
Lagi akong mananahan
sa bahay ng Poong mahal.
Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang,
ito’y iyong ginagawang nakikita ng kaaway;
Nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan
at pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw.
Lagi akong mananahan
sa bahay ng Poong mahal.
Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong kabutihan,
sasaaki’t tataglayin habang ako’y nabubuhay;
doon ako sa templo mo lalagi at mananahan.
Lagi akong mananahan
sa bahay ng Poong mahal.
ALELUYA
Aleluya! Aleluya!
Panginoong nagliligtas
sa ati’y darating tiyak
mapalad syang makaharap.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Mateo 15, 29-37
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, nagbalik si Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. At siya’y umahon sa burol at naupo. Nagdatingan ang napakaraming tao na may dalang mga pilay, bulag, pingkaw, pipi, at marami pang iba. Inilagay nila ang mga maysakit sa harapan ni Hesus at kanyang pinagaling sila. Namangha ang mga tao nang makita nilang nagsasalita na ang mga pipi, gumaling na ang mga pingkaw, nakalalakad na ang mga pilay, at nakakikita na ang mga bulag. At nagpuri sila sa Diyos ng Israel.
Tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at sinabi, “Nahahabag ako sa mga taong ito, sapagkat tatlong araw na ngayong kasama ko sila at wala na silang makain. Hindi ko ibig na sila’y paalising gutom; baka sila mahilo sa daan.” At sinabi ng mga alagad, “Saan po tayo kukuha rito ng tinapay na makasasapat sa gayong karaming tao?” “Ilan ang tinapay ninyo riyan?” tanong ni Hesus sa kanila. “Pito po,” sagot nila, “at ilang maliliit na isda.” Ang mga tao’y pinaupo ni Hesus sa lupa. Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda at nagpapasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang mga iyon at ibinigay sa mga alagad para ipamahagi sa mga tao. Kumain ang lahat at nabusog; at nang tipunin nila ang mga tinapay na lumabis, nakapuno sila ng pitong bakol na malalaki.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Martes, Disyembre 2, 2025
Huwebes, Disyembre 4, 2025 »




{ 13 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay isang propesiya ni Isaias tungkol sa isang malalaking piging na inihanda ng Diyos sa langit upang maanyaya ang mga tao na makidalo. Sinasabi dito na ang mga inihanda sa mahabang lamesa ay puno ng kasaganaan mula sa mga prutas at iba pang mga ani. Sinisimbolo ng propesiya ni Isaias ang kagandahang-loob dulot ng Kaharian ng Diyos. Ito yung makakamtan natin na buhay na walang hanggan balang araw sa kahuli-hulian ng ating buhay sa daigdig.
Ang Ebanghelyo ay isang kababalaghan ni Hesus na may kaugnayan sa isa pang pangyayari. Kung alam po natin ang Pagpaparami sa 5 Tinapay at 2 Isda na nagpakain sa 5,000 katao (hindi kasama sa bilang ang mga kababaihan at kabataan), ang sipi ng Ebanghelyo ngayon ay tungkol sa pagpaparami naman ng 7 tinapay upang mapakain ang 4,000 katao (hindi binibilang ang mga kababaihan at kabataan noong panahong iyon). Makikita dito ang mahabaging puso ng Panginoon na tugunin ang pangangailangan ng tao na sila’y makakain at mabusog. Kaya nang may umalok sa kanya ng 7 tinapay, ito’y kanyang pinasalamatan sa Ama at biglang dumami ang mga tinapay. At sa napakaraming tinapay na ibinahagi at ipinarami ay 7 kabol ang pinagsamahan ng mga Apostol.
Ito’y nagpapatunay na ang Diyos ay nagbibigay higit pa sa kaya-kayang hihilingin ng tao. Sa katunayan, ibinigay niya sa atin si Hesus upang matunghayan natin sa ating mga buhay ang palaging pagtalima sa dakilang kalooban ng Ama mismo. At bago pa man lumisan si Hesus at dumanas ng kanyang Pagpapakasakit at Pagkamatay sa Krus, itinatag niya ang isang tipan na kung saan maalala natin ang kanyang naging sakripisyo para sa ating kaligtasan. Kaya tuwing tayo’y nagdiriwang ng Sakramento ng Eukaristiya, tayo ay patuloy na ipinagdiriwang ang gunita ng Misteryong Paskwal. Hindi naman natin literal na iaalay muli ang katawan ni Hesus, kundi naniniwala tayo na nariyan ang kanyang “Sakramental presence” sa bawat Misang ating dinadalo. At tuwing tinatanggap natin siya sa Banal na Pakikinabang, ang ating mga kaluluwa ay kanyang pinapalusog upang makinabang tayo balang araw ang kaluwalhatian ng buhay na walang hanggan.
Kaya ang Adbiyento ay dapat maging basehan natin tungo sa makabuluhang paghahanda sa pagdating ng Panginoon. Mahalaga kung tayo ay dumadalo sa Banal na Eukaristiya at isa pang magandang gawain ay ang pagiging “Eucharistic Christians” para sa ibang tao. Nawa’y patuloy natin isabuhay ang mga mensahe ng Diyos upang tayo ay maiakay niya patungo sa langit.
Ang unang pagbasa ay nagbibigay sa ating pag-asa na ang lahat ng hirap at kalungkutan ay papawiin ni Hesus kung tayo ay susunod sa kalooban nya.
Ang ebanghelyo natin ngayon ay pagapatunay na walang imposible sa Diyos. Pagpapagaling ng bulag, pipi, pingkaw at pilay, pagpapakain ng napakaraming tao gamit ang putong tinapay at ilang maliliit na isda.
Ngayong panahon ng Adviento habang hinihintay natin ang muling pagdating at pagsilang ni Hesus at magnilay tayo. Suriin natin ang ating mga sarili, tayo ay ba karapt dapat sa mga himalang ito ni Kristo?
Makaksama kaya tayo sa piging na ihahanda nya? Patapos na naman ang taon, ano ang mga pinag gagawa natin? Kalugod lugod sa Panginoon ang ating mga inisip, sinabi at ginawa? Natuoqd ba natin ang ating mga pangako sa Diyos? O puro kabalastugan lamang ang ating mga inatupag.
Mga kapatid, ang Diyos ay mahabagin, mapagbigay, nagpapagaling ng mga sakit na imposible na sa doktor, nagbibigay ng biyaya na hindi ko inaasahan. Lahat, as in lahat ay kaya nyang inigay at lahat ay kaya nyang gawin, Huwag mong sabihin na ikaw ay wala ng pangangailangan ng dahil ikaw ay mayroon ng lahat at nakaluluwag sa buhay. Pakatandaan mo na kung kaya nyang magbigay ay kaya nyang ding bawiin lahat sa isang iglap kung ano ang meron tayo maging ang iyong buhay at mahal mo sa buhay.
Kaya’t manatiling magpakababa at wag makakalimot sa Diyos, magpuri at magpasalamat at suklian sya sa pamamagitan ng pagmamahal at pagiging mapagbigay sa ating kapwa. Amen
Pagninilay ni Jess C. Gregorio:
Ang pagkain ang siyang nagbibigay buhay sa ating katawang tao. Ang di natin pagkain ng hindi tama ay magbibigay sa atin ng mga karamdaman. Ang walang makain at ang sobrang pagkain ay nakamamatay. Ang una ay sa gutom. Ang pangalawa ay sa sobrang katabaan na magpapahirap sa ating kasu-kasuan. Anupa’t ang lahat ng bagay na kulang o sobra sa buhay ay hindi maganda. Nahahabag si Hesus sa mga may sakit na dulot ng kanilang kapabayaan. Kaya lahat ay pinagagaling niya. Alam niya ang kahinaan ng tao sa lahat ng bisyong masasarap sa mundo na bagama’t masama ay pilit pa ring ginagawa. Iyan ang nagpapatunay na lahat ng ating ipinapasok sa ating bibig, puso, at isipan na makamundo ay magdadala sa atin ng masakit at masaklap na kahihinatnan. Pero iba ang uhaw at gutom sa Salita ng Diyos. Bagama’t wala ng ibang makain maliban sa kaunting tinapay at ilang isda na hango sa mundo, gumawa ang langit ng paraan upang ang “natural” ay maging “supernatural!” Ang gutom ay napawi, ang pangangailan ay naibsan, ang pag-aalala ay napakitan ng pagkamangha, at ang Salita ng Buhay na si Hesus ay natanggap ng may kaligayahan. Walang nagkulang. Bagama’t sobra pa at siksik, liglig, umaapaw pa ang mga natirang pagkain, walang ininda at bagkus gumaling pa ang mga kumain. Malinaw na pagkakaiba ng mga pagkaing makamundo at pagkaing galing sa langit. Sa aming community para sa mag asawahan, ang Couples for Christ, sa aming pagtitipon sa piling ng Presensiya ng Panginoon, pilit ipinababatid sa amin ang mga bagay na ito, na sapat na ang “One Solid at One Liquid” na pagsasaluhan. Iwas bisyo sa sobrang kain. Iwas sa mga sakit at karamdaman. Iwas sa katawakan at kalasingan. Matuon ang aming gutom at uhaw para lamang sa pagkaing hatid ng langit sa aming katauhan. Hayaan nating si Hesus ang magpakain sa atin. Tiyak na tayo ay gagaling at makikinabang. Ang ating pagkain ay ang Salita ng Buhay. Mahirap maipaliwanag. Magtiwala lang tayo katulad ng napakaraming pinakain niya sa kaunting tinapay at ilang isda.
PAGNINILAY
Kung saan may pagmamahal, hindi mahalaga ang dami. Pinagaling ni Hesus ang marami at pinakain ang mga tao ng pitong tinapay at ilang isda. Ang himala ng pag-ibig ay tulad na gaano man kaliit ang iniisip natin na dapat nating ibigay, sa sandaling malaya nating inilagay ang ating mga biyaya sa paglilingkod kay Hesus, sila ay nagiging walang hangganan, maaaring dumami at masisiyahan ang lahat. Ngunit kung saan may paninibugho at kasakiman kahit na ang kasaganaan ay hindi makakapawi. Ang pagkain sa bawat bansa ay maaaring pakainin ang mga tao kung mayroong pag-ibig dahil kung saan may pag-ibig ay mayroong pagbabahaginan. Nawa’y buuin natin ang ating relasyong pantao sa pag-ibig, kapayapaan, pagkakapantay-pantay, kaunlaran at katarungan.
Panginoong Hesus, nawa’y matuto kaming magkaroon ng hindi matitinag na pagtitiwala sa Iyong habag at pag-ibig. Amen.
***
Ang tagpo sa Ebanghelyo ay pagpapatotoo na may napaka-dakila napaka-mahabagin at napaka-mawain tayong Panginoong Hesus. Ang pagpapagaling Niya ng samu’t saring karamdaman at pagpapakain ng mga pagod na apat na libong (mahigit pa) katao sa pamamagitan lamang ng pitong tinapay at maliliit na isda ay pagpapakita na wala Siyang pinipiling tao basta ninanais lamang Niya na makinig, sumunod at sumampalataya at isabuhay ang mga ipingangaral Niya. Ang lahat ng mga ginawa ni Hesus ay pagpapakita ng mga himala, na Siya ay Diyos na nakapangyayari sa lahat.
Pwedeng sabihin na ang tinapay ay sumisimbolo ng pagkaing makalangit o ang pagkain ng buhay na si Hesukristo mismo. Walang pinagkaiba sa tuwing ipinagdiriwang natin ang Banal na Misa ang lahat ay nakikiisa at ang lahat ay sama-samang nakikinig at pinagninilayan ang Salita at pinagsasaluhan naman ang Katawan at Dugo ni Kristo sa Eukaristiya. Masasabi na tuwing may malaking piging na kung saan tayong lahat ay masayang inaanyayahan kasama nito ang pagpapasalamat sa pagkain ating pagsasalu-salohan. Kaya nga bago pa man ang kainan huwag kakalimutan ang pagpapasalamat sa biyayang matatanggap. Ang larawan sa Mabuting Balita ay tagpo ng isang masayang pagsasama-sama ng lahat ng tao na buong puso nakikinig, sumusunod at sumasampalataya kay Hesus. Sa madaling salita, masayang kasama si Hesus kasi lahat ng mga suliranin, sakit, gutom, uhaw, at karamdaman ay Kanyang pinapawi’t pinagagaling at lalo higit binubusog ang ating katawa’t kaluluwa.
Sa unang Linggo ng Pagdating ng ating Panginoong Hesus na may temang “Paghihintay” ay isa nanamang pagkakataon ng masayang paghahanda upang salubungin natin Siya sa Kanyang pagdating sa araw ng Kanyang Pagsilang sa Araw ng Pasko. Upang malugod na tayo na tumanggap sa Kanyang pagdating marapat lamang din na pagnilayan ang mga bagay na espirituwal. Kung si Birheng Maria ay inihanda na ng Diyos kahit pa noong ipinaglilihi pa lamang siya upang maging Ina ni Hesus na ating ipagdidiwang ang Dakilang Kapistahan ng Imaculada Concepcion ngayong December 8, ganun din naman tayo ay inaasahan na maging malinis upang malugod na matanggap ang Panginoong Hesus sa panahon ng kapaskuhan at sa lahat ng panahon. Isang paghahanda na walang materyal na kailangan katulad ng mga nakasanayang paghahanda na nawawala ang tunay na diwa ng Pasko. Nawa’y sa paghihintay natin sa pagdating ng ating Panginoong Hesus tumimo sa atin mga puso’t isipan ang kahalagahan ng pakikipagsundo at pagpapanibago ng ating mga sarili upang maging marapat na si Hesus ay ating matanggap.
PAGNINILAY:
Sa unang bahagi ng Ebanghelyo, binigyang-diin ang himala ng pagpapagaling ni Hesus. Ito ay hindi lamang sa ating mga physical impairment, kundi ang paghilom sa aspetong espirituwal din. Ang mga pipi ay nakapagsalita, ang mga bulag ay nakakita, at ang mga pilay ay nakalakad—mga simbolo ng espirituwal na pagbabalik-loob at muling pagkabuhay ng pananampalataya. Ang Diyos ay laging may malasakit sa kabuuang kalagayan ng tao—pisikal, emosyonal, at espirituwal. Hindi matatawaran ang habag ng Diyos sa mga dumudulog na may pagtitiwala sa Kanya. Makikita sa Ebanghelyo ang unfathomable ocean of mercy God.
Sa ikalawang bahagi ng Ebanghelyo, sa pagpaparami ng tinapay ang mensahe nito ay ang walang hanggang biyaya ng Diyos. Sa kabila ng limitadong mga mapagkukunan (pitong tinapay at ilang isda), ipinakita ni Hesus ang kapangyarihan ng Diyos na magbigay ng kasapatan sa lahat. Ito rin ay paalala sa atin na kapag ibinahagi ang biyaya, lalo itong dumarami ‘ika nga, God will bless you a hundredfold and abundantly. Ang pitong bakol na natira ay sumisimbolo ng sobra-sobrang biyaya ng Diyos na hindi nauubos, isang mensahe na ang Diyos ay higit pa sa sapat para sa ating mga pangangailangan.
Sa himalang ito ng pagpaparami ng tinapay at isda ayon sa ebanghelista na si San Mateo, si Hesus ay nagpakain ng 4,000 lalaki, bukod pa sa mga kababaihan at mga bata na hindi kasali sa bilang. Kaya’t kung isasama ang kanilang bilang, maaaring umabot ito sa libu-libo pa. Ang bilang na ito ay nagpapakita ng lawak ng habag ni Hesus at ng kasapatan ng biyaya ng Diyos na nagbibigay sa lahat ng ating mga pangangailangan.
Bukod sa literal na pagkain, ang tinapay ay sumisimbolo sa espirituwal na pagkain—ang Salita ng Diyos at ang Eukaristiya. Sa tuwing tumatanggap tayo ng Salita ng Diyos at ng Katawan ni Kristo, tayo ay nabubusog at napapalakas upang magpatuloy sa ating paglalakbay ng pananampalataya.
Tatlong araw na kasama ni Hesus ang mga tao, at siya mismo ang nag-alala sa kanilang kalagayan. Pinapakita na ang Diyos ay hindi lamang nagmamalasakit sa ating espirituwal na kaligtasan kundi maging sa ating pang-araw-araw na pangangailangan. Ang habag ni Hesus ang nagtulak sa kanya na gumawa ng himala.
Binhi ng Kamalayan:
1. Paano ko naibabahagi ang biyaya ng Diyos sa iba? Ang pagpaparami ng tinapay ay paalala na ang mga biyaya na ibinabahagi ay nagiging mas sagana.
2. Nakikita ko ba ang habag ng Diyos sa aking buhay? Sa kabila ng mga hamon, ang Diyos ay laging nagbibigay ng kasapatan sa ating mga pangangailangan.
3. Paano ko matutularan ang habag ni Hesus? Ang pagmamalasakit sa pangangailangan ng iba—pisikal man o espirituwal—ay tanda ng tunay na pananampalataya.
Ang Ebanghelyo ngayon ay paanyaya sa atin na magtiwala sa Diyos na nagbibigay-kasapatan at magbukas ng ating puso sa habag at pagbabahagi sa kapwa. Ang biyaya ng Diyos ay palaging sapat, basta’t tayo ay marunong magpasalamat at magtiwala.
Manalangin tayo. Panginoon, salamat po sa Iyong habag at walang hanggang biyaya. Tulungan Mo kaming magtiwala sa Iyong kabutihan at magbahagi ng aming tinatanggap sa aming kapwa. Gawin Mo kaming daluyan ng Iyong pag-ibig upang mabusog hindi lamang ang aming katawan, kundi pati ang aming kaluluwa. Amen.
Gaano kabuti ang Diyos?
Ang Diyos ay mabuting mabuti.
Panginoon ang aking pastol indi ako magkukulang.
Suriin ang sarili at ang paligid kung karapat dapat sa mga biyaya ng Diyos. – FR. FIDEL ROURA.
God is good all the time.
All the time God is good.
Amen.
sa unang Pagbasa ay propesiya ng Pagdating ng ating Dakilang Tagapaglistas- ang Panginoong Jesus.
Sa Pagdating ng ating Tagapagligtas ay may inihanda ang ating Diyos Ama Yahweh ng isang babaeng Walang Bahid-dungis ng Kasalanan – ourHoly Blessed Mother.
Ang ating Diyos ay nagkatawang-tao upang mamuhay sa ating piling physically.
nakaranas ng pagtitiis, paghihirap pagpapakasakit, at pag aalay ng sarili sa Krus ng Kslbaryo upang maipadama niya Ang Kanyang Unfathomable Love sa ating lahat.
sa ganitong paraan na pagpapskita ng Panginoom ng Kanyang Wagas na Pag ibig ss atin ay para huag na tayong magduda.
Inako ng ating Panginoong Jesus ang kaparusahang dapat tayo ang ipinako.
GREAT! GREAT! IS THE LOVE OF GOD ALLELUIA! ALLELUIA!
bago umakyat ng langit ang ating.Panginoong Jesus, nagtatag Siya ng mga Sacramento na kung saan sa ating pakikipag isa sa.pamamagitan nito ay natatanggap natin physically, espiritually ang mga grasyang nais ipagkaloob sa atin ng Panginoong Jesus.
dumating ang pag akyst Niya sa langit!
ipinakita Niya sa kanyang mga alagad ang Kanyang Kaluwalhatian! ALLELUIA!
kspiling natin ang ating Diyos Physically sa.mga Sacramentong itinatag ng ating Panginoong Jesus.
it is Jesus Hmself we are receiving in the Holy Eucharist. it is not a symbol IT IS JESUS HIMSELF. ALLELUIA!
IT IS JESUS himself in Sacraments sa katauhan ng mga Pari that Jesus Himself ang pumili sa kanila.
kaya nasusulat: MAPAPALAD ANG NANANATILING TAPAT HANGGANG WAKAS SA KANYANG BANAL NS TIPAN.. AMEN.
REFLECTION:
Matthew 15:29–37 “ABUNDANCE”
In the Gospel, we once again see Jesus not only preaching but truly dwelling among the people. He goes up the hill to teach them, but His ascent is not a distancing—it is an act of drawing closer to the wounded, the weary, and those thirsty for God’s love. As He remains in the quietness of the hill, people come to Him with various illnesses—the lame, the blind, the mute, the maimed, and many others.
In the eyes of society, they are the “useless,” the “pitiful,” the “lowly.” But in the eyes of Jesus, they are the most precious.
THE WIDE MISSION OF JESUS: HEALING THE WHOLE PERSON
The healing Jesus gives is not merely physical—it restores their dignity.
The blind do not only receive sight; they receive direction for their lives.
The mute do not only regain speech; they regain the ability to share love and communication.
The lame and maimed do not only walk again; they are restored to movement toward mission.
The miracle is not only healing—it is liberation.
THE COMPASSION OF JESUS: “I HAVE PITY ON THE CROWD”
This is the heart of the Gospel. The people have been following Him for three days—not just because of miracles but because of the hope His presence brings. Jesus knows they are hungry not only for bread but for worth, care, and justice.
So He says clearly:
“I do not want to send them away hungry, lest they collapse on the way.”
Jesus reveals that a true leader is not one who only speaks, but one who feeds, cares, refreshes, and strengthens.
THE MIRACLE OF THE SEVEN LOAVES AND A FEW FISH
The question of the disciples is also our question today:
“Where will we get enough?”
When we are lacking, when we are tired, when our strength, time, or abilities feel insufficient.
But in the hands of Jesus, the “little” becomes “abundant.” Seven—the number of joy, completeness, and holiness. The few small fish—simple offerings never to be underestimated.
Jesus gives thanks before the distribution. Here the miracle begins: Not in the quantity, but in thanksgiving to the Father and in self-giving.
THEOLOGICAL INSIGHT: GOD IS A GOD OF ABUNDANCE, NOT SCARCITY
God is not the God of “just enough.” He is the God of overflowing grace.
Seven baskets were left over—a sign of the new covenant, new nourishment, and new life.
This is not just a story of a miracle… It is an image of the EUCHARIST— The bread broken, shared, and given—like the Body of Christ that gives life to all who believe.
LIVING THE MESSAGE: HOW CAN I FEED OTHERS?
This Advent, the Lord calls us to be channels of His compassion.
Can I heal you through understanding?
Can I feed you through my time, care, or simply by listening?
Can I accompany you in your journey of faith?
Can I be the reason you give thanks to God?
We do not need to be wealthy or hold high positions. Our “seven loaves and little fish” are enough. Jesus Himself will multiply them.
WORD OF THE DAY: ABUNDANCE
The theme of God is not scarcity—it is abundance. When we offer from the heart, God multiplies and makes it fruitful.
PRAYER
Lord Jesus, You are the One who heals our wounds and gives life to our weary spirits. Teach us to trust that even the little we can offer becomes abundant and sufficient for many when touched by Your hands. Make us channels of healing, compassion, and genuine care. May we become part of feeding a hungry world—hungry for love, hope, and tenderness. Amen.
Ating pagnilayan Ang pagkilos ng mga Tao na inaasahan Ang Diyos. Sila’’y naglapitan Kay Hesus dahil puno sila ng pag asa na Ang lahat ng pangangailanga ay ibibigay ni Hesus. Na Tayo inaanyayahan na lumapit Kay Hesus at ipagkakaloob Ito sa atin. Gayun din si Hesus ibibigay niya Ang ating pangangailangan . Sa panahon ito tularan natin si Hesus na ibigay naglabis Ang kailangan ng Tao ay Hindi Ito magkukulang at Hindi sila magugutom.
PAGNINILAY: Ngayong araw ay Dakilang Kapistahan ni San Francisco Javier, ang Ika-limang Araw ng Pagno-nobena Mahal na Inmaculada Concepcion (sa pamamagitan ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay) at ang Unang Araw ng Pagno-Nobena sa Mahal na Birhen ng Guadalupe. Ang Unang Pagbasa ay isang propesiya ni Isaias tungkol sa isang malalaking piging na inihanda ng Diyos sa langit upang maanyaya ang mga tao na makidalo. Sinasabi dito na ang mga inihanda sa mahabang lamesa ay puno ng kasaganaan mula sa mga prutas at iba pang mga ani. Sinisimbolo ng propesiya ni Isaias ang kagandahang-loob dulot ng Kaharian ng Diyos. Ito yung makakamtan natin na buhay na walang hanggan balang araw sa kahuli-hulian ng ating buhay sa daigdig.
Ang Ebanghelyo ay isang kababalaghan ni Hesus na may kaugnayan sa isa pang pangyayari. Kung alam po natin ang Pagpaparami sa 5 Tinapay at 2 Isda na nagpakain sa 5,000 katao (hindi kasama sa bilang ang mga kababaihan at kabataan), ang sipi ng Ebanghelyo ngayon ay tungkol sa pagpaparami naman ng 7 tinapay upang mapakain ang 4,000 katao (hindi binibilang ang mga kababaihan at kabataan noong panahong iyon). Makikita dito ang mahabaging puso ng Panginoon na tugunin ang pangangailangan ng tao na sila’y makakain at mabusog. Kaya nang may umalok sa kanya ng 7 tinapay, ito’y kanyang pinasalamatan sa Ama at biglang dumami ang mga tinapay. At sa napakaraming tinapay na ibinahagi at ipinarami ay 7 kabol ang pinagsamahan ng mga Apostol.
Ito’y nagpapatunay na ang Diyos ay nagbibigay higit pa sa kaya-kayang hihilingin ng tao. Sa katunayan, ibinigay niya sa atin si Hesus upang matunghayan natin sa ating mga buhay ang palaging pagtalima sa dakilang kalooban ng Ama mismo. At bago pa man lumisan si Hesus at dumanas ng kanyang Pagpapakasakit at Pagkamatay sa Krus, itinatag niya ang isang tipan na kung saan maalala natin ang kanyang naging sakripisyo para sa ating kaligtasan. Kaya tuwing tayo’y nagdiriwang ng Sakramento ng Eukaristiya, tayo ay patuloy na ipinagdiriwang ang gunita ng Misteryong Paskwal. Hindi naman natin literal na iaalay muli ang katawan ni Hesus, kundi naniniwala tayo na nariyan ang kanyang “Sakramental presence” sa bawat Misang ating dinadalo. At tuwing tinatanggap natin siya sa Banal na Pakikinabang, ang ating mga kaluluwa ay kanyang pinapalusog upang makinabang tayo balang araw ang kaluwalhatian ng buhay na walang hanggan.
Kaya ang Adbiyento ay dapat maging basehan natin tungo sa makabuluhang paghahanda sa pagdating ng Panginoon. Mahalaga kung tayo ay dumadalo sa Banal na Eukaristiya at isa pang magandang gawain ay ang pagiging “Eucharistic Christians” para sa ibang tao. Nawa’y patuloy natin isabuhay ang mga mensahe ng Diyos upang tayo ay maiakay niya patungo sa langit.
Ang EUKARISTIA ang pinakamagandang bahagi ng PAGSAMBA na maari nating ibigay sa Diyos. Ang Ebanghelyong ito ay nagpapaalala sa atin na tayo ay BIYAYA! Dahil binigyan tayo ng Diyos ng pinakamahalagang REGALO – ang Kanyang BUGTONG na ANAK! Ang ADVIENTO ay panahon ng pagiral at pagninilay. Ang Panginoon ay sagana sa kakaunti, ngunit mayroon Siya ng lahat!
Ang Panginoon ay may Ina, Ama, at ang kanilang walang kundisyong pag-ibig. Unahin nating magpakumbaba, ang mga kinang ng panahon na ito upang maappreciate natin ang DAHILAN NG PANAHONG ITO – ang pagdating ng ating Tagapagligtas upang makibahagi sa ating pagkatao upang tayo ay maging karapat-dapat na makibahagi sa KANYANG Kasaysayan. Huwag nating hayaang ang ating PAG-ASA ay magmula sa materyal na kayamanan, kundi sa KANYANG KATAPATAN sa atin. Sa panahong ito, ang KALIGAYAHAN ay hindi magmumula sa pag-aari ng kayamanan sa mundo, kundi sa KAHIWAGAAN na tinanggap natin mula sa Diyos upang tayo ay matubos. Ang PAG-IBIG ay hindi na tungkol sa pag-ibig sa sarili, kundi tungkol sa ating kahandaang mamatay para sa isang kaibigan – tulad ni Kristo na nag-alay ng Kanyang buhay para sa ating lahat na Kanyang mga kaibigan. Ang pag-ibig ay ang pagbibigay natin sa iba upang tayo ay tumanggap.
GAWAIN: Magbigay ka Ng bahagi Ng Buhay mo upang ikaw ay tumanggap.
PANALANGIN:
Panginoong Jesus, Ikaw ang Tinapay ng Buhay. Iniaalay Mo sa akin ang Iyong Pinakamahalagang Dugo upang alisin ang aking mga kasalanan. Nawa’y lagi kong naisin na makipag-isa sa Iyo sa pamamagitan ng madalas na pagtanggap ng Iyong Pinakamahalagang Katawan at Dugo upang ako ay maging karapat-dapat na tumanggap ng buhay na walang hanggan.
Amen
The miracle is not only the food, but also the family God restores.
We eat because God wants us to be part of something larger.
Ang Diyos ay nagbibigay ng sobra sobra.
Ialay sa Diyos ang alalahanin at tayo ay mabubusog sa isip, salita at kaluluwa.
Amen.
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good.
Thank you, Lord.