Linggo, Nobyembre 23, 2025

November 23, 2025

PANALANGIN NG BAYAN
Pagkahari ng Panginoong Hesukristo sa Sanlibutan (K)
Patnubay sa Misa

Natitipon bilang mag-anak ng Diyos ngayong Dakilang Kapistahan ni Kristong ating Hari at Hari ng Sanlibutan, tayo’y maghain ng ating mga kahilingan sa Panginoon para sa mga pangangailangan ng sangkatauhan at ng ating sari-sarili. Tugon natin ay:

Panginoon, pagharian Mo kami.

Para sa Simbahan, ang Katawan ni Kristo: nawa Siya’y maging tunay na kasangkapan ng makaharing paglilingkod ni Kristo sa lahat ng tao sa pagtataguyod ng kapayapaan, pakikipagtulungan, at katarungan. Manalangin tayo.

Para sa Santo Papa, sa mga obispo, at kaparian: nawa manatili silang tapat sa kanilang pangakong maglingkod nang buong kababaang-loob at katapatan ni Kristo sa mahihirap at mahihina. Manalangin tayo.

Para sa mga nagsisikap upang maging buhay na katunayan ang pagiging hari ni Kristo: magtagumpay nawa sila sa kanilang pagsisikap na maghatid ng pagmamahal ni Hesus sa lahat ng kultura’t tahanan. Manalangin tayo.

Para sa lahat ng nagpapahalaga at namumuhay nang labag sa mga pangaral ni Kristo: nawa, tulad ng
nagsising magnanakaw, makilala nila ang kanilang pagkakasala at maging lubos na tapat kay Hesus, ang tunay nating Hari. Manalangin tayo.

Panginoon, ibinigay Mo sa amin si Hesus para maging aming Hari ng habag at pagmamahal. Pagindapatin Mo kami sa gayong kadakilang Hari at gawin Mo kaming mga sugo ng kanyang pagmamahal sa lahat. Isinasamo namin ito sa ngalan ni Hesus, na Iyong Anak na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 12 comments… read them below or add one }

Reynald Perez November 17, 2019 at 8:55 pm

Pagninilay: Sa isang lupain na pangalan ay Pride Rock, may mga hayop na nakatira dito. At ang kanilang hari ay si Mufasa. Si Mufasa ay makapangyarihan ngunit siya rin ay matulungin sa kanyang kapwa. Ang kanyang asawa ay si Sarabi, ang reyna ng Pride Rock. Isang panahon, isang batang leon ay ipinanganak sa kanila, at pinangalan itong Simba na siya ay magiging hari kasunod ni Mufasa. Ngunit may kapatid si Mufasa na ang pangalan niya ay Scar. Si Scar ay naiingit sa kanya dahil gusto niya maging hari, kaya naging taksil siya, at ang kanyang mga gwardya ay mga hiyena. Isang panahon ay masusubok sa buhay ni Simba. At nagkaroon ng isang stampede na hinahabol ng mga hiyena ang mga wildebeest, at si Simba ay nasa bangin pa. Ito ay isang balak ni Scar para itanggal sina Mufasa Simba para siya ang magiging hari. Pagkatapos iniligtas ni Mufasa ang kanyang anak, siya naman ay napahamak. Humingi siya ng tulong sa kanyang kapatid, ngunit sinabi ni Scar sa kanya, “Mabuhay ang Hari!” Nahulog ang hari sa bangin, at namatay. Nalungkost naman si Simba. Ngunit dinaya siya ni Scar at inakala na siya ay responsable sa pagkamatay ng kanyang ama, kaya siya ay tumakbo. Pero may mga ibang hayop na tumulong sa kanya na siya nga ang itinuturing ng hari gaya nina Timone, Pumba, Nala, at ang kanyang ama na nakita niya sa ulap. Sinabi pa naman ni Mufasa sa kanya, “Alalahanin mo kung sino ka: ikaw ang aking anak.” At ito ang nagsimula ang pakipaghiganti ni Simba kay Scar at ang mga hiyena. Sa huli, naligtas na ang Pride Rock, at si Simba at Nala ay nagkaroon ng isang anak. Si Simba ay halimbawa ng makapaglingkod na hari gaya ng ating Panginoong Hesukristo. Noong Disyembre 11, 1925, idineklara ni Papa Pio XI ang Dakilang Kapistahan ni Kristong Hari bilang pagtatapos ng kalendaryong pangliturhiya ng Simbahan. Ano bang klaseng hari si Kristo? Kapag sinabi natin hari, ito ay isang makapangyarihang tao, mayaman, pinuno, atbp. Ngunit iba si Kristo sa mga hari at pinuno ng sanlibutan. Siya ay makapagkumbaba, makapaglingkod, at masunurin sa Ama. Sina Simba at Mufasa nga ay ganun rin. Nakita natin ang mga imahe ni Kristong Hari, at siya ay nakasuot ng isang korona ng kaluwalhatian sa ulo niya. Ngunit noong siyang nagdudusa, ang sinuot niya ang isan korona nang may tinik dahil ipinapakita natin na siya ang Hari na nagdudusa para sa atin ayon sa mga propesiya ni Propeta Isaias. Siya rin ay nagmula sa lahi ng David dahil iniligtas niya tayo mula sa kasalanan. Noong siya ay ipinanganak, siya ay nakahimlay sa sabsaban bilang kanyang trono. Hinugasan niya rin ang paa ng kanyang mga alagad, at ibinigay sa atin ang Sakramento ng Eukaristiya bilang alaala sa kanyang pag-aalay ng kanyang buhay. Sa ating paglakbay sa daan, gaya ni Kristong Hari, tayo rin ay maging makapagkumbaba, makapaglingkod, at masunurin sa isa’t isa at sa iba.

Reply

Glicerio, Damoluan November 17, 2022 at 11:56 am

Pagninilay Lk 23: 35-43
Ang isang Hari ay tinuturing na makapangyarihan sa kanyang bayan. Mayaman at may mga sandatahan na naglinkod sa kanya.
Ang Panginoon ay naiba sa lahat dahil itinuring natin siya ang Hari ng sanlibutan. Siya ay makapagkumbaba, makapaglingkod, masunurin, maunawain at mapagmahal sa Ama ay sankatauhan.
Ang koronang nakapatong sa kanya kng pagmasdan ay puno ng tinik ngunit ito ay simbolo sa kaluwalhatian. Bumaba siya sa mundo upang pairalin ang katahimikan at nakahanda niyang patawarin at tangapin sino man.
Pero ano ang ganti ng mga tao sa kanya. Ipinako sa krus at nilait lait pa,binuhosan ng suka, asin at dinuraan pa.
Isang kriminal ang nagsalita di ba ikaw si Kristo ang hari, iligtas mo ang sarili pati na rin kami ngunit ung isa sumagot di ka naba kinilabutan tayo ay dapat lamang sa parusa sa ating mga pagkasala ngunit ang taong ito walang nagawang pagkasala na di dapat parusahan gaya natin. Ibinaling niya ang tingin kay Kristo at nagsalita Panginoon alalahanin mo ako kapag nasa kaharian kana Sinabi ni Hesus Kristo ngayon din sasama ka sa akin at sa iyo ang pagpatawad at gantimpala ng Diyos.
Dito narapat sundan natin ang yapak ni Hesus Kristo na maging makapagkumbaba, makapaglingkod, at mapagmahal sa kapwa. Hindi lang sa bukang bibig kundi sa gawain

Reply

Alfred Sugayan November 20, 2022 at 9:47 am

Purihin natin ang Dakilang Panginoon Diyos Hesu Kristo, ang Hari ng buong sansinukob, amen.

Reply

Iaj Nangia November 15, 2025 at 10:19 pm

” Alalahanin mo ako kung naghahari ka na “.
Sino ang naghahari sa aking puso?

Reply

Marietta Gonzales November 22, 2025 at 9:46 am

ANG PISTA NG KRISTONG HARI KATEKESIS

I. Ang pasimula ng mga Hari ng bansang Israel.

Noong una ang mga bansang Hentil o pagano ay pinamumunuan ng mga Hari, ang Sambayanang Israel na hinirang ng Diyos ay pinamamahalaan naman ng mga pastol, Propeta at Saserdote o pari, at si propeta Samuel ang namumuno at namamahala nang panahong iyon. At dumating ang panahong humiling ang matatanda ng Israel kay Propeta Samuel, na bigyan sila ng Hari gaya ng ibang bansa. Ang kahilingang ito’y ikinalungkot ni Samuel, gayunpaman isinangguni pa rin niya ito sa Diyos. At sinabi sa Kanya ng Diyos: “Sundin mo ang kanilang kahilingan , sapagkat hindi ikaw kundi Ako ang kanilang inaayawan na mamahala sa kanila. (I Samuel 8:4-9) At si Saul ang unang nahirang na Haring Israel, subalit siya’y hindi naging tapat sa Diyos, kaya’t ipinalit sa Kanya si Haring David, na naging kalugod-lugod naman sa mata ng Diyos, At sa kaniyang katandaan, siya’y pinalitan ng kanyang anak na si Haring Solomon, na nakalimot naman at tumalikod sa Diyos na nagdulot sa kanila sa kaparusahan ng Diyos, nahati sa dalawa ang kaharian ng Israel, nasakop ng kaaway at nadalang-bihag sa bansang Babylonia.

II. Ang Habag ng Diyos, Pangakong Tagapagligtas at Pagsilang ng Kristong Hari

Sa loob ng 70-taong pagdurusa at pagkaalipin sa Babylonia, sila’y kinahabagan at pinangakuan ng Diyos na sinabi: “Sa lahi ni David ay lilitaw ang isang Hari (Isias 11:10), ibibigay sa Kanya ang trono ni David. (Lucas 1:32-33) At lahat ng mga Hari at bansa ay gagaling, magpupuri’t maglilingkod sa Kanya (Awit 72:11) Ayon sa tala ng kasaysayan (Josephus the Historian) bago isilang si Hesus, ang bansang Israel ay 500-taon nang walang Hari at na sa ilalim ng kapangyarihan ng Imperyo ng Roma. Kaya’t itinalaga ng Roma si Herodes na Hari ng Israel. [34-4 B.C] Samakatuwid si Haring Herodes ng Israel ay iniluklok sa kanilang tungkulin ng kapangyarihan ng Gobyerno ng Imperyo ng Roma at di ng Diyos. Niloob ng Diyos na malihim ang pagsilang sa sanggol na si Hesus na tanging mga dukhang pastol at 3-Mago na pantas nahayag ang pagsilang ng tagapagligtas, dahil sa paghahangad ng kamatayan ng sanggol ng nakaupong hari na si Herodes.

III. Ang Ministerio ni Hesus at ang Paghatol ng Kamatayan

Inakala ng mga tao na si Hesus ang inaasahan nilang Hari na uupo sa trono ng palasyo ng Israel dahil sa Kaniyang mga ginawang mga tanda at himala, gaya ni Ciro ng Persia na nagligtas sa mga Israelita sa kamay ng Babylonia. Kaya’t sa hindi Nila pananalig kay Hesus, ipinadakip nila ito at nilitis ng mga pamunuan ng Templo. Inakusahan Siya na isang impostor o blashphemy o paglait na paglapastangan sa Diyos, na umaangking Anak ng Diyos. (Marcos 14:60-64) Na sanhi ng paghatol sa Kanya ng kamatayan sa krus. At ipinasulat ni Pilato na si ” Hesus Nazareno Hari ng mga Hudyo.” Matapos Siyang tanongin at matapos amenin ni Hesus na Siya ang Hari ng mga Hudyo.(Juan 18:33-38; 19:18-20)

IV. Ang paghuhukom ng Kristong Hari

Ayon sa aklat ng awit, ang Diyos ang Dakilang Hari na may likha ng Langit at Lupa. (Awit:45:3 ;46:5) Ang Diyos na si Yahweh. Kataastaasan na dapat katakutan. Siya’y Naghahari sa sangkatauhan. (Awit:47:2) Si Yahweh ay pupurihin sapagkat Siya’y darating, paririto sa daigdig, upang lahat ay hatulan.(Awit:46:13) Samakatuwid nahayag sa atin na ang Diyos na si Yahweh ang Dakilang Hari na makapangyarihan na may likha ng langit at lupa ay naghahari sa sangkatauhan at Siya’y paririto sa daigdig-upang ang lahat ay hatulan. Ang muling pagparito ng Panginoong Hesukristo sa kaisahan nila ng Ama, bilang Hari, upang hukuman ang lahat ng nangangabuhay at nangamatay na tao sa wakas ng panahon. (Kredo ng pananampalataya Artikulo 7) At nahahayag din sa atin na sinabi ng Panginoong Hesus, bago Siya umakyat sa langit na: “Ibinigay na sa Akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at lupa. (Mateo 28:18) At Siya”y babalik sa wakas ng panahon – bilang Hari upang hukuman ang lahat ng tao. (Mateo 25:31-46) Sa wakas ng panahon, darating ang Panginoong Hesukristo bilang Hari, kasama ang lahat ng mga anghel at luluklok sa Kanyang maringal na trono. Sa panahong iyon matitipon ang lahat ng nangabubuhay at nangamatay na tao. Upang hukuman at pagkalooban ng karampatan gantimpala ang mga nagpanaka-banal at ang nagpa-kasama ay sa kaparusahang walang hanggang. [Mateo 25:31-46]

Pagnilayan po natin at panaligan. Amen.

Reply

Dlanor November 22, 2025 at 7:15 am

VIVA CRISTO REY! | Today, we celebrate the Solemnity of our Lord Jesus, the King of the Universe.

The Church’s liturgical year concludes with this feast of Christ the King, instituted by Pope Pius XI in 1925 to celebrate the Jubilee Year and the 16th centenary of the Council of Nicaea.

Instituting this feast, Pope Pius XI proclaimed: “Pax Christi in regno Christi” (“The peace of Christ in the reign of Christ”). This feast was established and proclaimed by the Pope to reassert the sovereignty of Christ and the Church over all forms of government and to remind us Christians of the fidelity and loyalty we owed to Christ, who by His Incarnation and sacrificial death on the cross had made us both adopted children of God and future citizens and heirs of the Kingdom of Heaven. (Source: Vatican )

Reply

Joshua S. Valdoz November 22, 2025 at 11:11 am

Pagninilay sa Ebanghelyo (Lukas 23: 35-43):
Ang isang Hari ay tinuturing na makapangyarihan sa kanyang bayan. Mayaman at may mga sandatahan na naglinkod sa kanya.
Ang Panginoon ay naiba sa lahat dahil itinuring natin siya ang Hari ng sanlibutan. Siya ay makapagkumbaba, makapaglingkod, masunurin, maunawain at mapagmahal sa Ama ay sankatauhan.
Ang koronang nakapatong sa kanya kng pagmasdan ay puno ng tinik ngunit ito ay simbolo sa kaluwalhatian. Bumaba siya sa mundo upang pairalin ang katahimikan at nakahanda niyang patawarin at tangapin sino man.
Pero ano ang ganti ng mga tao sa kanya. Ipinako sa krus at nilait lait pa,binuhosan ng suka, asin at dinuraan pa.
Isang kriminal ang nagsalita di ba ikaw si Kristo ang hari, iligtas mo ang sarili pati na rin kami ngunit ung isa sumagot di ka naba kinilabutan tayo ay dapat lamang sa parusa sa ating mga pagkasala ngunit ang taong ito walang nagawang pagkasala na di dapat parusahan gaya natin. Ibinaling niya ang tingin kay Kristo at nagsalita Panginoon alalahanin mo ako kapag nasa kaharian kana Sinabi ni Hesus Kristo ngayon din sasama ka sa akin at sa iyo ang pagpatawad at gantimpala ng Diyos.
Dito narapat sundan natin ang yapak ni Hesus Kristo na maging makapagkumbaba, makapaglingkod, at mapagmahal sa kapwa. Hindi lang sa bukang bibig kundi sa gawain

Reply

LEO Aler Mabansag November 22, 2025 at 11:47 am

Ipanalangin natin sa Maunawain. mapagpatawa
at makapangyarihang Panginoong Hesus na ating Tagapagligtas s pamamagitan ng Kanyang Paghihirap at kamatayan na ang lahat na nagkasala sa pagtupad sa kani-kanilang mga tungkluin sa BayangPilipino ay magbalikloob na at hilingin ang dakilang awa ni Kriston rin Hari nanayin. Amen.

Reply

LEO Aler Mabansag November 22, 2025 at 11:49 am

Ipanalangin natin sa Maunawain. mapagpatawad
at makapangyarihang Panginoong Hesus na ating Tagapagligtas s pamamagitan ng Kanyang Paghihirap at kamatayan na ang lahat na nagkasala sa pagtupad sa kani-kanilang mga tungkluin sa BayangPilipino ay magbalikloob na at hilingin ang dakilang awa ni Kriston rin Hari natin. Amen.

Reply

Guilbert Poblite November 23, 2025 at 5:42 am

PAGNINILAY: Sa pagiging mukhang mahina naipakita ni Hesus ang lakas ng kanyang pagkahari!

Kahinahunan ang sandata ni Hesus sa pananakop sa mundo at hindi ang karaniwang dahas. Sa kanyang kahinahunan nahuli niya ang puso ng marami. Maging sa pagkabayubay sa krus nang ang lahat ay tumutuya sa kanya dahil naging larawan siya ng kahinaan at kabiguan bilang hari kahinahunan ang kanyang naging sukli. Pinakita niya ang kanyang lakas sa pamamagitan ng hindi pakikinig sa kanilang kantiyaw na bumaba sa krus. Hinding-hindi siya bababa ng krus. Nakasalalay dito ang katubusan at kaligtasan ng lahat. Kapag nagpadala siya sa kanilang panunukso at ginamit niya ang kanyang kapangyarihang bumaba sa krus bagay na ikasisikat niya sigurado mauuwi sa malaking kabiguan ang kanyang misyong tubusin ang lahat sa kasalanan. Pinili niyang magmukhang mahina sa tingin ng marami pero sa pamamagitan ng pagiging mukhang mahina niya talaga pinamalas ang kanyang lakas at kapangyarihan. Mas nanaig ang habag at pagmamahal sa sangkatauhang napaalipin sa kasalanan. Mukha man siyang natalo sa tingin ng iba pero ang totoo nagwagi siya dahil nangibabaw ang pag-big sa iba kaysa sarili na siyang pamantayan ng tunay na lakas.

Maraming takot sa mga salitang pagpapakumbaba, pagpaparaya, pagsasakripisyo at pagdurusa. Para sa marami nagpapahiwatig ito ng kahinaan at kabiguan. Pero nagkakamali sila. Sa ganitong paraan natin napapakita ang ating lakas. Mas makapangyarihan tayo kung kaya natin limutin ang sarili alang-alang sa malasakit at pagmamahal sa iba. Ikaw na ang magpakababa upang masalba ang nanganganib nang mawasak na relasyon. Ikaw na ang magparaya huwag lang mapariwara ang iyong minamahal. Ikaw na ang magsakripisyo alang-alang sa kaligtasan ng iba. Ikaw na ang magdusa upang gumaan ang dalahin ng iba. Sinong tinuturing na malakas ang kayang gawin ang mga ito? Ang rurok ng kalakasan ay ang pagiging handang mag-alay ng buhay alang-alang sa minamahal na pinakita mismo ni Hesus sa krus. Sa krus tunay ngang makapangyarihang hari ang Panginoon. Siya’y hari ng habag, ng awa at ng pag-ibig.

Maraming problema ang mundo dahil sa ating pag-uunahan. Gusto nating mauna at makarating sa itaas. Wala tayong pakialam hilahin man natin ang iba pababa. Sisirain mo ang sinumang hahadlang sa iyo para marating ang tuktok. Maraming problema ang mundo dahil nakatanim sa isip natin na kakompetensiya natin ang lahat. Dahil dyan tatalunin natin sila isa-isa. Sa huli ako ang magwawagi. Ako ang mamayagapag. Ako ang maghahari!

Kumakatok ang pagpapakumbaba sa puso mo. Kumakatok si Hesus na hari ng kapakumbabaan. Hindi natin kalaban ang iba kundi kapatid. Anumang kaibahan nila sa atin kapatid pa rin sila na dapat abutin. Kung may mamamayani man sa mundong ito sana ang pagkakasunduan, pagmamalasakitan at pagmamahalan. Kung may maghahari man walang iba kundi pag-ibig. Kung saan may pag-ibig naroon ang Diyos – namamayani at naghahari!

MANALANGIN: Panginoon, maghari nawa ang iyong pag-ibig sa puso naming lahat.

GAWIN: Gamiting sandata ang magpakumbaba upang talunin ang pwersa ng poot at pagmamataas.

Reply

Julie B. Dorado November 23, 2025 at 10:27 pm

Ang Ebanghelyo ay naka tuon sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas. Dito ay naipakita ang pagkakaiba ng pagiging hari ng ating mahal na Panginoong Hesukristo sa kanyang pagiging mababa ang loob, sa kanyang pagdurusa at pagbibigay ng kanyang buhay para sa atin. Taliwas ito sa tinaguriang hari sa ating panahon na kung saan ang isang hari ay nababalot ng karangyaan, kasaganaan, kapalaluan at pagiging abusado. Ang karaniwang sinasabi ay “Ang utos ng Hari ay hindi nababali dahil ang lahat ay dapat sumunod.

Subalit sa buhay ng Panginoong Hesukristo, itinuturo sa atin ang pagkakaroon ng pagmamahal dahil ang Panginoon mismo ay pagmamahal. Dahil sa kawalan ng pagmamahal sa puso ng mga tao, tayo ang madalas na napapalulong sa mga kasalanan. Kaya’t sa patuloy nating pagninilay, alalahanin natin na ang Kristong Hari lamang ang makakapagdala sa atin sa paraiso, hindi ang paghahari ng mga materyal na bagay sa ating makabagong panahon. Sa pag-ibig at pagmamahal sa Diyos lamang tayo makakatagpo ng tunay na kapayapaan at katahimikan ng puso. Amen.

Reply

MEL MENDOZA November 24, 2025 at 12:08 am

PAGNINILAY:
Lucas 23, 35-43
“Alalahanin”

Sa dulo ng buhay ni Hesus, sa mismong sandali ng Kanyang pagdurusa, lumilitaw ang isang nakamamanghang katotohanan: ang tunay na pagkahari ni Kristo ay hindi nasusukat sa kapangyarihan, kundi sa pag-ibig na handang magpatawad hanggang sa huling hininga.

Habang ang mga pinuno ng bayan, mga kawal, at maging ang isang kriminal ay nangungutya, si Hesus naman ay nagmamahal. Habang ang iba’y humihingi ng “himala” bilang patunay ng Kanyang pagka-Mesiyas, isa lamang ang humingi ng Kanyang awa: “Hesus, alalahanin mo ako.”

At dito makikita ang puso ng Ebanghelyo:
Ang isang pusong nagsisisi at lumalapit kay Hesus ay hindi Niya kailanman itinataboy.

THEOLOGICAL INSIGHT
1. Christ the King: A King Who Saves by Suffering
Sa teolohiya, ang tagpo sa krus ay tinatawag na “Enthronement of the Crucified King.”
Ang krus mismo ang trono ni Kristo. At sa trono ng pagdurusa ay ipinahayag Niya ang pinakamakapangyarihang salita: “Isasama kita sa Paraiso.”

Ipinakikita nito ang kakaibang lohika ng Diyos:
ang kaligtasan ay hindi dumadaloy mula sa lakas, kundi mula sa pag-aalay ng sarili.

2. The Good Thief: First Saint of the New Covenant
Ang mabuting magnanakaw, tradisyonal na tinatawag na Dimas, ay larawan ng bawat makasalanang handang magpakumbaba. Hindi siya humingi ng milagro.
Hindi niya tinanong kung bakit siya naghihirap. Ang sinabi lang niya: “Alalahanin mo ako.”

Sa teolohiya, ang Dimas ay itinuturing na:
unang tumanggap ng pangakong paraiso,
unang bunga ng Sakripisyo ni Kristo,
modelo ng perpektong pagsisisi (perfect contrition).

3. Salvation is Pure Grace
Hindi nagawa ni Dimas na:
makapaglingkod,
makapag-penitensiya,
o makapagsauli ng mga ninakaw.

Pero naligtas siya. Bakit? Dahil ang kaligtasan ay regalo, hindi gantimpala. At ang nag-iisang hiling niya ay isang puso: “Lord, remember me.”
Isang panalanging hindi tinatanggihan ng Diyos kailanman.

Ang tagpong ito sa krus ay nagpapaalala sa atin na walang huling oras para sa awa ng Diyos, at walang kasalanang hindi kayang patawarin ng pusong tumatawag sa Kanya.

Habang ang mundo ay tumitingin kay Hesus at nagsasabing:
“Kung Diyos ka, iligtas mo ang sarili mo,”
ang tunay na pananampalataya ay tumitingin at nagsasabing:
“Panginoon, ako ang iligtas Mo.”

Ang dalawang kriminal ay kumakatawan sa dalawang tugon ng tao sa Diyos:
ang mapangutya at mapagmataas,
at ang mapagpakumbaba at nagsisisi.

Hindi binago ni Hesus ang sitwasyon ni Dimas—hindi niya binawi ang parusa, hindi niya inalis ang pako—
pero binago Niya ang kanyang kalagayan sa harap ng Diyos.

At sa isang salita, mula sa pagiging kriminal, siya ay naging kapatid sa paraiso.

PAGSASABUHAY
Kilalanin ang ating mga kahinaan.
Ano ang mga “pako” ng kasalanan o kahinaan na kailangan natin ialay kay Kristo?

Huwag mahiyang lumapit kay Hesus.
Kahit ako’y pagod, sugatan, o nahihiya, sabihin ko sa panalangin: “Panginoon, alalahanin Mo ako.”

Magpatawad tulad ni Hesus.
Sa gitna ng sakit at hindi pagpapahalaga, piliing magpakumbaba, hindi gumanti.

Tingnan ang iba sa mata ng awa.
May “Dimas” din sa ating paligid—mga taong nangangailangan ng pangalawang pagkakataon.

WORD OF THE DAY “ALALAHANIN”
Sa Biblia, ang salitang ito ay hindi lamang “maalala.”
Ibig sabihin nito ay:
“gumanap, kumilos, iligtas, tumulong.”

Kapag sinabi nating “Panginoon, alalahanin Mo ako,”
ang ibig nating sabihin ay:
“Panginoon, kumilos Ka sa buhay ko.”

PANALANGIN:
Panginoong Hesus, Hari na nagahari sa krus,
sa Iyong pagpapakumbaba nakita namin ang tunay na kapangyarihan ng pag-ibig.
Patawarin Mo kami sa aming mga pagkukulang,
at yakapin Mo kami tulad ng pagyakap Mo kay Dimas.

Sa bawat sugat at kahinaan namin,
sa bawat takot at pagkadapa,
ito lang ang panalanging kaya naming sambitin:

“Hesus, alalahanin Mo ako kapag naghahari Ka na.”

Gawin Mo kaming mga alagad ng awa,
mga lingkod na marunong umunawa,
at mga Kristiyanong handang magpatawad at magmahal
sa gitna ng hirap.

Isama Mo kami, Panginoon,
hindi lamang sa Paraiso balang araw,
kundi sa buhay na banal ngayon.
Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: