Linggo, Hunyo 21, 2026

June 21, 2026

Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Jeremias 20, 10-13
Salmo 68, 8-10. 14 at 17. 33-35

Panginoon, iyong dinggin
akong iyong ginigiliw.

Roma 5, 12-15
Mateo 10, 26-33


Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Twelfth Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Jeremias 20, 10-13

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Naririnig kong nagbubulungan ang karamihan.
Tinagurian nila akong “Kilabot saanman.”
Sinasabi nila, “Isuplong natin! Isuplong natin!”
Pati matatalik kong kaibiga’y naghahangad ng aking kapahamakan.
Wika pa nila, “Marahil ay malilinlang natin siya;
pagkatapos, dakpin natin at paghigantihan.”
Subalit ikaw’y nasa panig ko, Poon, malakas ka’t makapangyarihan;
madarapa ang lahat ng umuusig sa akin,
hindi sila magtatagumpay kailanman.
Mapapahiya sila sapagkat hindi sila magwawagi.
Mapapahiya sila habang panahon,
at ito’y hindi na makakalimutan.
Makatarungan ka kung sumubok sa mga tao,
Poon, Diyos na Makapangyarihan,
alam mo ang laman ng kanilang mga puso’t isip.
Kaya’t ikaw ang maghiganti sa mga kaaway ko,
ipinagkakatiwala ko sa mga kamay mo ang aking kapakanan.
Awitan ninyo ang Panginoon, inyong purihin ang Poon
sapagkat inililigtas niya ang mga api
mula sa kamay ng mga gumagawa ng masama.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 68, 8-10. 14 at 17. 33-35

Panginoon, iyong dinggin
akong iyong ginigiliw.

Dahilan sa iyo, ako’y inaglahi,
napahiyang lubos sa pagkaunsiyami.
Sa mga kapatid parang ako’y iba,
kasambahay ko na’y di ako kilala.
Ang pagmamahal ko sa banal mong templo,
matinding-matindi sa kalooban ko;
sa akin bumagsak, paghamak sa iyo.

Panginoon, iyong dinggin
akong iyong ginigiliw.

At sa ganang akin, ako’y dadalangin
sa iyo, O Poon, sana’y iyong dinggin
sa mga panahon na iyong ibigin;
dahil sa dakilang pag-ibig sa akin,
ang iyong pangakong pagtubos ay sundin.
Poon, sa buti mo’t pag-ibig sa akin,
sa aking pagtawag ako sana’y dinggin,
sa pagkahabag mo, ako ay lingapin.

Panginoon, iyong dinggin
akong iyong ginigiliw.

Kung makita ito niyong mga dukha,
sila ay sasamba sa laki ng tuwa.
Dinirinig ng Diyos ang may kailangan,
lingkod na bilanggo’y di nalilimutan.
Ang Diyos ay purihin ng langit at lupa,
maging karagata’t naroong nilikha!

Panginoon, iyong dinggin
akong iyong ginigiliw.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 5, 12-15

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid:
Ang kasalana’y pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan niya. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala. Nasa sanlibutan na ang kasalanan bago pa ibinigay ang Kautusan, ngunit walang pinananagot sa kasalanan kung walang Kautusan. Gayunman, naghari ang kamatayan mula kay Adan hanggang kay Moises, kahit sa mga tao na ang pagkakasala’y di tulad ng pagsuway ni Adan.

Si Adan ay anino ng isang darating. Ngunit magkaiba ang dalawang ito, sapagkat ang kagandahang-loob ng Diyos ay higit na di hamak kaysa pagsuway ni Adan. Totoo ngang nagdala ng kamatayan sa marami ang pagsuway ni Adan, ngunit malaki ang kahigtan ng kagandahang-loob ng Diyos at ng kaloob na dumating sa napakarami sa pamamagitan ng isang tao – si Hesukristo.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Juan 15, 26b. 27a

Aleluya! Aleluya!
Kayo at ang Espiritu
ang s’yang magpapatotoo
tungkol sa aral ni Kristo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 10, 26-33

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, “Huwag kayong matakot sa mga tao. Walang natatago na di malalantad o nalilihim na di mabubunyag. Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim, ulitin ninyo sa liwanag; at ang ibinulong sa inyo ay inyong ipagsigawan. Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi nakapapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo’y ang nakapapatay ng kaluluwa at katawan, sa impiyerno. Hindi ba ipinagbibili ang maya nang dalawa isang pera? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. Maging ang buhok ninyo’y bilang na lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa libu-libong maya.

“Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 17 comments… read them below or add one }

Reynald Perez June 17, 2020 at 12:25 pm

Pagninilay: Matapos nating ipagdiwang ang mga Dakilang Kapistahan ng ating Panginoong Hesukristo (Banal na Santatlo, Corpus Christi, at Mahal na Puso) pagkatapos ng Pentekostes, bumabalik tayo sa mga Linggo ng Karaniwang Panahon. Makikita natin sa napakahabang panahon, ang ating mga kaparian na sumusuot ng kulay na luntian/berde bilang tanda na si Kristo ay nagbibigay ng kasaganaan ng ating pangkaraniwang buhay. At siya ang ating tanging pag-asa, kaya ang katapusan ng Karaniwang Panahon, na siyang katapusan din ng Liturhikong Kalendaryo ng Simbahan, sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ni Kristong Hari. Kaya pinagninilayan natin sa pinakamahabang panahon ng ating Simbahan ang Pampublikong Ministeryo ng ating Panginoong Hesukristo, mula sa kanyang mga pangangaral hanggang sa kanyang mga makapangyarihan at mahabaging kababalaghan.

Tatlong beses sinabi ni Hesus sa Ebanghelyo na “Huwag kayong matakot.” Ito’y hindi lang pagdidiin, kundi isang paninigurado na hindi dapat sila matakot. Ang konteksto ng Ebanghelyo ngayon ay ang pagususgo ng Panginoon sa kanyang 12 Apostol sa mga nayon at bayan ng Israel upang ipangaral ang Mabuting Balita ng Paghahari ng Diyos at gumawa ng mga kababalaghan. At alam ni Hesus na may mga taong hindi tatanggap sa kanyang mga alagad. Kaya una niyang binilin sa kanila na ipagpag nila ang alikabok sa kanilang mga paa bilang patotoo para sa kanya. Ngayon ay nagbigay ng babala si Kristo tungkol sa banta ng tao laban sa mga saksi ng Mabuting Balita ng Diyos. Alam din niya na sa hantungan ng kanyang buhay, mararansan niya ang mga pang-uusig, pag-aalipusta, paguyuyurakan, at pag-iinsulto nang haharapin niya ang kanyang Pagpapakasakit. At batid rin ni Hesus na bagamat siya ay babalik sa Ama nating Diyos sa langit at isusugo niya ang kanyang mga Apostol at alagad upang ipagpatuloy ang misyon, sila rin ay hindi tatanggapin ng ibang tao at minsan nga ay kukutyain sila. Subalit pinapatibay ni Kristo ang kanilang katauhan sa pamamagitan ng pananamapalataya. Kaya hindi sila dapat matakot o mangamba, sapagkat kapiling nila ang Panginoon. Kaya pala sa buong Kasulatan, ang katagang “Huwag kayong matakot” ay inuulit ng 365 beses. At dahil alam natin na mayroong 365 araw sa 1 taon, parang araw-araw sinasabi sa atin ng Panginoon na huwag tayong mangamba. Pagkagising natin sa umaga, iyan ay isang pang-araw-araw na biyaya mula sa kanya, na binibigyan tayo ng panibagong simula upang sa lahat ng ating gawain, mapaginhawa man o mapahirap, kapiling natin siya. At ang mahalaga ay patuloy tayo sa pagiging saksi niya sa pagpapalaganap ng pagmamahal at kabutihan sa bawat isa.

Reply

Mercedes O. Perez June 19, 2020 at 12:48 pm

Salamat sa Diyos at lalung tumitingkad ang aking pananamplataya sa Kanya dahil sa salitang huwag kang matakot…kaya pala ang Diyos ay pag-ibig. sapagkat ipinadama pinatuklas ng Diyos ang pagmamahal Niya sa akin, nagkaroon ako ng sakit at hindi pangkaraniwang sakit..ngunit dahil mahal tayo ng Diyos pinagaling Niya ako..halos mag 15 years na ngayon ibinalik Niyang muli ang aking kalusugan..naalala ko ang salita Niyang “huwag kang matakot andito ako”….Mahal tayo ng Diyos lalu na ang taong nagsusumikap na maging matuwid..lahat ng kahilingan mo ay Kanyang tinutupad.Tapat Siya sa Kanyang pangako.. Marami pong salamat.

Reply

flor valencia July 21, 2020 at 11:41 pm

Napakaganda ng mensahe ng ating Panginoon kung saan sinabi niya sa banal na kasulatan na huwag tayong MATAKOT at MANGAMBA sa pangkat kapiling nating ang POONG DIYOS, tama po mga minamahal kong mga kapatid sa PANANAMPALATAYA, kung anumang PAGSUBOK ang dumating sa ating BUHAY huwag tayong MATAKOT ang ating PANGINOON ang bahala sa atin siya ang GAGABAY at PAPATNUBAYAN pa niya tayo sapagkat ang lumalapit sa kanya ay nagkakaroon ng MATIWASAY at PAPGPAPALA mula sa kanya Amen

Reply

Mel Mendoza June 22, 2023 at 1:44 am

Sa mga pagbasa sa Linggong ito ay naglalarawaran ng kahulugan ng isang pagiging Kristyano. Ito ay salita na para bang sinasabi na gaano ba kahirap ang sumunod sa ating Panginoong Hesukristo. Alam nating lahat na mga mananampalataya na hindi ganung kadali ang ipinakitang buhay ng ating Panginoon ng Siya ay makipamayan sa atin dito sa lupa. Bagamat Siya ay ang Diyos na totoo ang kapangyarihan ng kanyang pagka-Diyos ay ipinakita nya ito sa pamamagitan ng pag-ibig. Sa lahat ng Kanyang binatang dusa’t pasakit na ipinadanas sa kanya ng kanyang mga kaaway sinuklian nya ito ng pag-ibig hanggang sa kamatayan sa krus ang dalangin pa din nya ay “Ama patawarin ninyo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang mga ginagawa”. Sa ating mga buhay ang malaking tanong paano ba maging Kristyano na kung sa kabila ng kabutihan mo sa kapwa ay igaganti sa iyo ay kawalanghiyaan? Paano ba maging Kristyano kung kaliwa’t kanan sa ating lipunan ay nasasaksihan natin ang mga pumapatay, mga magnanakaw, mga naghahasik ng lagim at kaguluhan at kung pati ang ating simbahan ay pinagduduhan ng mga korupsyon at mga eskandalo at naapektuhan ng mga pampulitikang mga usapin? Mahirap. Parang walang kasigurahan ang buhay kahit gumawa ka ng mabuti kung napapaligiran ka naman ng kasamaan. Ito ang realidad ng buhay at mga isyu na halos araw araw ay ating kinakaharap nawawalan tayo ng katiwasayan. Sa ating ebanghelyo ito ay ang lunas sa mga matitinding hamong nabanggit. Sa salita ng pag-asang na ni ang ibong maya na makokunsidera na ibong walang halaga ay kailanman hindi pababayaan ng Panginoon na bumagsak sa lupa tao pa kayang iniwangis sa kanya ay hindi Niya iingatan? Nasa Diyos lamang ang tunay na kaligtasan at huwag mangangamba iasa at itaas sa kanya ang lahat ng mga alalahanin. Kung may pagkakataon man na tayo ay nakakalimot sa Diyos dahil sa mga dagok ng buhay na atin dinadaranas ang Diyos ay kailanman hindi makakalimot sa kanyang mga nilalang. Ang buhay Kristyano ay isang buhay na nakasentro kay Kristo at nakaugat ang isang pananampalaya na hindi dapat natitinag mapa-kahit anong unos pa ang dumating sa ating buhay. Sikapin natin mga kapatid na sa araw araw nating paglalakbay sa mundong ito ay lagi nating isama si Kristo sapagkat sa kanya lamang tayo makakasumpong ng payapang at tunay na kapahingahan, at mapayapang buhay.

Reply

Bro. NSP June 22, 2023 at 5:21 pm

MAHALAGA KA, kahit sa mga sandaling pakiramdam mo ay ubos na ubos ka na!

May mga pagkakataong tila ba nanliliit tayo sa ating sarili dahil sa kahihiyan na idinudulot ng ating mga kasalanan. Mga sandali ng ating buhay kung saan hindi natin makita ang tunay na halaga natin sa mundong ito. Mga kaganapang tila ba napagtatanto nating wala na tayong halaga pa, maaring sa trabaho, sa pag-aaral, sa kaibigan o sa pamilya. Mga pagkakataong maging tayo ay hindi natin makita ang halaga natin sa ating sarili.

Tandaan mong MAHALAGA KA, lalong higit sa mga mata ng Diyos. Mahalaga ka kahit sa mga sandaling walang naghahanap sayo, HAHANAPIN KA NG DIYOS. Mahalaga ka kahit sa mga sandaling walang nangangamusta sayo, ALAM NG DIYOS ANG PAKIRAMDAM MO. Mahalaga ka kahit sa mga pagkakataong walang pumapansin sayo, NARIYAN ANG DIYOS SA TABI MO. Mahalaga ka kahit sa mga sandaling walang nakakaappreciate ng mga ginagawa mo, ANG DIYOS AY HUMAHANGA SAYO. Mahalaga ka kahit sa mga pagkakataong ubos na ubos ka na, ANG DIYOS ANG MAGPUPUNO SAYO!

Sa mundong hindi makita ang ating halaga, may Diyos na kilalang kilala ka. Sabi nga sa ebanghelyo na maging hibla sa ating mga buhok ay bilang na lahat, at higit tayong mahalaga kaysa libo-libong maya. Sobrang halaga pala natin sa Diyos noh? Sapagka’t kilala nya tayo higit pa sa kung gaano natin kakilala ang sarili natin. Bakit? Sapagkat Mahal nya tayo at Mahalaga tayo sa kanya!

Binanggit rin sa ebanghelyo na “Walang natatago na di malalantad o nalilihim na di mabubunyag.” Wala naman talagang sikreto sa mundong ito, sapagkat anumang gawin mo ay nababatid at nakikita ng Diyos kahit saan ka magpunta o saan ka man magtago. Kaya’t wala tayong maipagmamalaki at maipagmamayabang sa Diyos.

Binibigyan tayo ng hamon ngayong ika-12 linggo sa karaniwang panahon na makita ang ugnayan ng Diyos sa bawat isa na tayo’y lubusan nyang kilala at lubos na pinahahalagahan niya. Tayo rin nawa’y hangarin nating makilala pa ang Diyos at pahalagahan siya na tunay na nararapat sa kanya. Hindi nagmamalaki, hindi nagmamayabang, bagkus maging isang buhay na nagpapatotoo kay Kristo.

(Pagninilay sa ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon | Taon A – Mateo 10, 26-33)

Reply

Bobby Javier June 25, 2023 at 6:43 am

Napakaganda ng mensahe ng Panginoon ngayon,, huwag kang matakot narito ako,,at sinabi sa ebanghelyo walang natatago na hindi nalalantad,,, Totoo po walang nalilihim sa panginoon,kahit ang iyong pagkatao mula ng ikaw ay isilang ay. alam na ng Panginoon ang patutunguhan ng iyong buhay,, Ang Panginoon alam ang atin sarili, pero tayo hindi nating alam ang atin sarili,, Amen po ba…..AMEN…

Reply

Buendia June 25, 2023 at 5:42 pm

Praise to you Oh Lord Jesus Christ.

Reply

tammy amar June 27, 2023 at 7:54 am

totoo talaga walang lihim na naitatago habang nabubuhay tayo sa mundong ito kasi kahit Anu pa yan sisingaw pa rin at maibubunyag ang katotohanan huwag tayo matakot na ibalita Ang ating naririnig maging saksi tayo sa harap nang ating Mahal na Panginoon dahil mahalaga tayo sa kanya at balang araw dadalhin niya tayo sa buhay na walang hanggan.

Reply

Belle June 17, 2026 at 9:25 pm

Kilala tayo ng Diyos higit pa sa pagkakilala natin sa ating sarili. Wala tayong maililihim sa mata ng Diyos. Trusting Him with all our heart and , soul is the only thing we can do in this life??

Reply

marcus caspillo June 18, 2026 at 3:07 pm

HUWAG KANG MANGAMBA O MATAKOT….LAGING PINA-ALAALA NG PANGINOON SA ATIN NA SA BAWAT HAKBANG NA ATING GAGAWIN O GAGAMPANAN…ITO MAY MAY KAUGNAYAN SA PAGSAMBA, PERSONAL NA GAWAIN, KASIHAYAHAN O KALUNGKUTAN….LAGI NIYANG IPINAALALA NA NARIYAN SIYA KASAMA NATIN….KAYA MAGANDANG PAGNILAYAN ANG AWIT NA HUWAG KANG MANGAMBA….

Huwag Kang Mangamba
[Chorus]
Huwag kang mangamba, ‘di ka nag-iisa
Sasamahan kita, saan man magpunta
Ika’y mahalaga sa ‘King mga mata
Minamahal kita, minamahal kita

[Verse 1]
Tinawag kita sa ‘yong pangalan
Ikaw ay Akin magpakailanman
Ako ang Panginoon mo at Diyos
Tapagligtas mo?at?Tagatubos

[Chorus]
Huwag?kang mangamba, ‘di?ka nag-iisa
Sasamahan kita,?saan man magpunta
Ika’y mahalaga sa ‘King mga mata
Minamahal kita, minamahal kita

[Verse 2]
Sa tubig kita’y sasagipin
Sa apoy ililigtas man din
Ako ang Panginoon mo at Diyos
Tapagligtas mo at Tagatubos

[Chorus]
Huwag kang mangamba, ‘di ka nag-iisa
Sasamahan kita, saan man magpunta
Ika’y mahalaga sa ‘King mga mata
Minamahal kita, minamahal kita
WE’RE NOT ALONE…JUST GO AND MAKE A STEP AND GOD IS WITH US ….CARRY US…AND NEVER LET US TO BE ASTRAY.

Reply

Mel Mendoza June 20, 2026 at 11:22 am

PAGNINILAY:
Mateo 10:26-33

Ang Ebanghelyo ngayon ay paulit-ulit na nagpapahayag ng isang mahalagang panawagan ni Hesus: “Huwag kayong matakot.” Tatlong beses Niya itong binanggit sa maikling talatang ito. Ipinapakita nito na alam ng Panginoon na ang isa sa pinakamalaking hadlang sa pagsunod sa Kanya ay ang takot—takot sa opinyon ng tao, takot sa pagtanggi, takot sa pagdurusa, at maging takot sa kinabukasan.

Ngunit hindi lamang simpleng pagpapalakas-loob ang ibinibigay ni Hesus. Ang Kanyang mensahe ay nakaugat sa katotohanang ang Diyos ay isang mapagmahal at mapagkalingang Ama. Kung ang mumunting maya ay nasa ilalim ng Kanyang pangangalaga, gaano pa kaya tayo na nilikha sa Kanyang larawan at tinubos ng dugo ni Kristo?

Kapansin-pansin na hindi sinabi ni Hesus na walang pagsubok na darating. Hindi Niya ipinangakong magiging madali ang pagiging alagad. Sa halip, ipinangako Niya ang Kanyang presensya at ang pagmamahal ng Ama sa gitna ng anumang pagsubok. Ang tunay na pananampalataya ay hindi kawalan ng takot kundi ang pagpili sa Diyos kahit may takot.

Sa pananaw ng teolohiya, ipinakikita ng Ebanghelyong ito ang dalawang dakilang katotohanan:
Una, ang Divine Providence (Mapagkalingang Pagkalinga ng Diyos)
Ang bawat maya at maging bawat hibla ng ating buhok ay kilala ng Diyos. Ipinahahayag nito na ang Diyos ay hindi malayong tagamasid lamang kundi isang Ama na personal na nakikibahagi sa buhay ng Kanyang mga anak.
Pangalawa, ay ang Public Witness of Faith (Pampublikong Pagsaksi ng Pananampalataya)
Ang pagiging Kristiyano ay hindi lamang pribadong debosyon. Ang pananampalataya ay dapat makita sa salita, gawa, pagpapasya, at paraan ng pamumuhay. Ang pagkilala kay Kristo sa harap ng tao ay tanda ng tunay na pakikipag-isa sa Kanya.

Damang dama natin ang puso ng Ebanghelyo, “Huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa libu-libong maya.” (Mateo 10:31)
Ito ang sentro ng Mabuting Balita ngayon. Ang Diyos ay nagmamahal sa atin nang higit kaysa ating naiisip. Kapag alam nating tayo ay mahal at iniingatan ng Ama, nawawala ang kapangyarihan ng takot at napapalitan ito ng pagtitiwala.

Pagsasabuhay:
1. Ipagkatiwala sa Diyos ang ating mga pangamba.
Sa tuwing may alalahanin, sabihin: “Panginoon, hawak Mo ang aking buhay; nagtitiwala ako sa Iyo.”
2. Huwag ikahiya ang ating pananampalataya.
Ipakita ang pagiging Kristiyano hindi lamang sa loob ng simbahan kundi sa tahanan, trabaho, komunidad, at social media.
3. Mamuhay nang may katapatan.
Ang anumang nakatago ay mabubunyag. Kaya piliin ang katotohanan kahit walang nakakakita.
4. Alalahaning mahalaga tayo sa Diyos.
Kapag nakakaramdam ng panghihina o kawalan ng halaga, balikan ang salita ni Hesus: “Higit kang mahalaga kaysa maraming maya.”

Word of the Day
“HUWAG MATAKOT”
Ito ang paulit-ulit na paalala ni Hesus sa Ebanghelyo ngayon. Tatlong beses Niyang sinabi ang mga salitang ito dahil alam Niyang maraming bagay ang maaaring magdulot ng takot sa Kanyang mga alagad—pagtanggi ng tao, pag-uusig, kabiguan, at mga pagsubok sa buhay.
Ngunit ang “Huwag matakot” ni Hesus ay hindi nangangahulugang mawawala ang mga problema. Ang ibig sabihin nito ay hindi tayo nag-iisa sa gitna ng mga problema. Kasama natin ang Diyos na nagmamahal, nag-aaruga, at gumagabay sa atin sa bawat sandali.

Panalangin:
Ama naming mapagmahal, salamat sa Iyong walang hanggang pag-aaruga. Kapag kami ay natatakot, turuan Mo kaming magtiwala sa Iyong kalooban. Bigyan Mo kami ng tapang na kilalanin at ipahayag si Hesus sa aming salita at gawa. Nawa’y manatili kaming tapat sa Iyo hanggang wakas. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Reply

dlanor321 June 20, 2026 at 4:02 pm

Ang aral ng Mabuting Balitang ito ay isang paanyaya na palayasin ang takot sa ating buhay. Binibigyan tayo nito ng kapanatagan na anuman ang harapin nating pagsubok, hindi tayo nag-iisa dahil mayroon tayong isang Ama sa langit na labis na nagpapahalaga at nagbabantay sa atin.
Naglalaman ng mga makapangyarihang paalala ni Hesus sa Kanyang mga apostol (at sa atin ngayon) tungkol sa pananampalataya, katapangan, at ang lalim ng pagmamahal ng Diyos.
Huwag Matakot sa Tao, Kundi Magtiwala sa Diyos. Ipinapaalala ni Hesus na ang tao ay kaya lamang saktan ang ating pisikal na katawan, ngunit ang Diyos ang may hawak ng ating walang-hanggang kaluluwa. Ang mensaheng ito ay hindi naglalayong takutin tayo sa impiyerno, kundi itinutuwid nito ang ating pananaw: mas dapat nating bigyang-halaga ang pagsunod sa kalooban ng Diyos kaysa sa takot sa opinyon o banta ng ibang tao.
Ang Dakilang Pagpapahalaga at Pagkalinga ng Ama. Ginamit ni Hesus ang napakagandang halimbawa ng mga ibong maya at ng bilang ng ating mga buhok:Kung ang maliliit at tila walang halagang mga ibon ay pinangangalagaan at hindi nalalaglag nang hindi alam ng Diyos, mas lalo na tayong mga tao.”Higit kayong mahalaga kaysa libu-libong maya.” Ipinapakita nito na personal, detalyado, at tapat ang pagmamahal ng Diyos sa atin. Alam Niya ang bawat pinagdaraanan natin.
Katapangan sa Pagpapahayag ng Katotohanan. Sinabi ni Hesus na “walang natatago na di malalantad.” Ang mga alagad ay tinawag upang ipagsigawan sa liwanag ang mga itinuro sa kanila sa dilim. Huwag nating ikahiya o itago ang ating pananampalataya at ang katotohanan. Sa modernong panahon, hamon ito na panindigan ang tama at mabuti kahit na hindi ito uso o kahit marami ang sumasalungat.
Ang Hamon ng Katapatan kay Hesus. May kaakibat na pananagutan ang ating relasyon sa Diyos. Ang pagkilala kay Hesus sa harap ng mga tao—sa pamamagitan ng ating mabubuting gawa, salita, at pamumuhay—ay nangangahulugan din ng pagkilala Niya sa atin sa harap ng Ama sa langit. Ang tunay na pananampalataya ay hindi palihim; ito ay isinasabuhay nang may paninindigan.

Reply

Jovy Uy June 21, 2026 at 12:16 am

Pagninilay

1. Sa unang pagbasa, si propeta Jeremias ay nanalangin at dumanas ng pag-uusig at ang kanyang karanasan ay maituturing na hula (propesiya) o anino ng mga paghihirap, pagtataksil, at tagumpay na naranasan ni Jesus.

Tulad ni Jeremias, si Jesus ay palaging pinag-uusapan at pinagbibintangan. Madalas siyang bulungan ng mga Fariseo, eskriba, at mga lider ng relihiyon. Naghanap sila ng mga dahilan, gaya ng paglabag sa Sabbath o pagpapatawad sa mga kasalanan, upang siya ay isuplong sa mga awtoridad at ipapatay (Mateo 26:3-4).

Ang taludtod na “Pati matatalik kong kaibiga’y naghahangad ng aking kapahamakan” ay kitang-kitang natupad kay Jesus. Siya ay pinagkanulo ng isa sa kanyang labindalawang apostol na si Judas Iscariote, at itinanggi naman siya ni Pedro nang siya ay arestuhin (Lucas 22:47-48, Lucas 22:54-62).

Ang mga lider ng relihiyon ay nagpadala ng mga espiya upang patibongin si Jesus sa kanyang pananalita, gaya ng tanong tungkol sa pagbabayad ng buwis (Lucas 20:20). Matapos ang mga panlilinlang na ito, siya ay tuluyan nilang dinakip, hinatulan, at ipinako sa krus.

Ayon sa talata, ang mga umuusig ay madarapa at mapapahiya. Bagamat pinatay ng tao si Jesus sa krus, hindi nagtagumpay ang kanyang mga kaaway kailanman. Sa pamamagitan ng kanyang Pagkabuhay na Mag-uli, napagtagumpayan ni Jesus ang kasalanan at kamatayan. Ang kahihiyan ng mga umuusig ay naging pang-habang-panahon sa kanilang pagkatalo sa plano ng Diyos.

Si Jesus ang nagdala ng kaganapan ng huling bahagi ng panalangin—siya ang nagligtas sa sangkatauhan mula sa kapangyarihan ng kasamaan at nagpakita ng katarungan at awa.

Ang kabuuang karanasan ni Jeremias ay nagpapakita na ang mga lingkod ng Diyos ay tunay na daranas ng pag-uusig, ngunit ang Diyos ang magiging matibay na sandigan at magbibigay ng huling tagumpay.

“Naririnig kong nagbubulungan ang karamihan.
Tinagurian nila akong “Kilabot saanman.”
Sinasabi nila, “Isuplong natin! Isuplong natin!”
Pati matatalik kong kaibiga’y naghahangad ng aking kapahamakan.
Wika pa nila, “Marahil ay malilinlang natin siya;
pagkatapos, dakpin natin at paghigantihan.”
Subalit ikaw’y nasa panig ko, Poon, malakas ka’t makapangyarihan;
madarapa ang lahat ng umuusig sa akin,
hindi sila magtatagumpay kailanman.
Mapapahiya sila sapagkat hindi sila magwawagi.
Mapapahiya sila habang panahon,
at ito’y hindi na makakalimutan.
Makatarungan ka kung sumubok sa mga tao,
Poon, Diyos na Makapangyarihan,
alam mo ang laman ng kanilang mga puso’t isip.
Kaya’t ikaw ang maghiganti sa mga kaaway ko,
ipinagkakatiwala ko sa mga kamay mo ang aking kapakanan.
Awitan ninyo ang Panginoon, inyong purihin ang Poon
sapagkat inililigtas niya ang mga api
mula sa kamay ng mga gumagawa ng masama.”

Reply

Jovy Uy June 21, 2026 at 12:17 am

2. Ang Salmo ay nauugnay kay Jesus dahil ito ay itinuturing na isang mesyanikong awit—ang mga karanasan at panalangin ni David dito ay nagsilbing hula o anino ng mga pagdurusa at tagumpay na mararanasan ni Kristo.

Sa talatang “Sa mga kapatid parang ako’y iba, kasambahay ko na’y di ako kilala,” ito ay tumutukoy sa katotohanan na si Jesus ay hindi rin pinaniwalaan at itinakwil ng Kanyang sariling mga kapatid (o kababayang Israel) noong una silang hindi nananampalataya sa Kanya.

Ang “Ang pagmamahal ko sa banal mong templo, matinding-matindi sa kalooban ko” ay direktang inugnay ng mga alagad kay Jesus nang Kanyang linisin ang Templo laban sa mga mangangalakal, na nagpapakita ng Kanyang matinding pagmamahal sa bahay ng Kanyang Ama (Juan 2:17).

“Dahilan sa iyo, ako’y inaglahi,
napahiyang lubos sa pagkaunsiyami.
Sa mga kapatid parang ako’y iba,
kasambahay ko na’y di ako kilala.
Ang pagmamahal ko sa banal mong templo,
matinding-matindi sa kalooban ko;
sa akin bumagsak, paghamak sa iyo.At sa ganang akin, ako’y dadalangin
sa iyo, O Poon, sana’y iyong dinggin
sa mga panahon na iyong ibigin;
dahil sa dakilang pag-ibig sa akin,
ang iyong pangakong pagtubos ay sundin.
Poon, sa buti mo’t pag-ibig sa akin,
sa aking pagtawag ako sana’y dinggin,
sa pagkahabag mo, ako ay lingapin. Kung makita ito niyong mga dukha,
sila ay sasamba sa laki ng tuwa.
Dinirinig ng Diyos ang may kailangan,
lingkod na bilanggo’y di nalilimutan.
Ang Diyos ay purihin ng langit at lupa,
maging karagata’t naroong nilikha!”

Reply

Jovy Uy June 21, 2026 at 12:19 am

3. Sa ikalawang pagbasa, ipinahayag na ang unang Adan ay nagdala ng espirituwal na kamatayan sa mga tao dahil sa ipinamana niyang orihinal na kasalanan (original sin) sa pamamagitan ng pagbubuntis. Ang kanyang makasalanang binhi o semilya na may dugo ay naisalin sa mga ipinaglihi, kaya natanggap ng bawat tao ang patay na espiritu (hiwalay sa Diyos o patay na relasyon sa Kanya). Dahil dito, kahit wala pang kautusan upang malaman ng tao ang kasalanang nagagawa niya, makasalanan pa rin siya sapagkat nasa loob (built-in) na niya ang nagkasalang dugo ni Adan.

Ang kasalanan ay hindi lamang isang aktuwal na paglabag kundi isang espirituwal na kondisyon na namana mula sa pagbagsak ni Adan. Ang bawat tao ay isinilang na may espirituwal na kamatayan o hiwalay sa Diyos, at ang katotohanang ito ay nakasaad sa Mga Awit 51:5 na nagsasabing tayo ay ipinanganak na makasalanan. Bagamat ang dala ng unang Adan ay kamatayan, ang dala ng ikalawang Adan na si Jesus ay biyaya ng walang hanggang buhay sa pamamagitan ng Kanyang banal na dugo.

Sa ikalawang pagbasa, ipinahayag na ang unang Adan ay nagdala ng kamatayan ng espiritu ng mga tao dahil sa ipinamana niyang kasalanan (original sin) sa pamamagitan ng pagbubuntis .

Ang kanyang makasalanang binhi o semilya na may dugo ay naisalin sa mga ipinagbuntis kaya natanggap ng bawat tao ang patay na espiritu (hiwalay sa Dios/patay na relasyon sa Dios) ayon sa nakatala sa Mga Awit 51:5. Kaya kahit wala pang kautusan upang malaman ng tao ang kasalanang nagagawa niya ay makasalanan parin siya sapagkat nasa loob (built-in) niya na ang nakasalanang dugo ni Adan .

Ang kasalanan ay hindi lamang isang gawa kundi isang espirituwal na kondisyon na namana mula sa pagbagsak ni Adan. Ang bawat tao ay isinilang na may espirituwal na kamatayan o hiwalay sa Diyos, at ang katotohanang ito ay nakasaad sa Mga Awit 51:5 na nagsasabing tayo ay ipinanganak na makasalanan.

Bagamat ang dala ng unang Adan ay kamatayan, ang dala ng ikalawang Adan na si Jesus ay biyaya na walang hanggang buhay sa pamamagitan ng banal/malinis niyang dugo .

“Ang kasalana’y pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan niya. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala. Nasa sanlibutan na ang kasalanan bago pa ibinigay ang Kautusan, ngunit walang pinananagot sa kasalanan kung walang Kautusan. Gayunman, naghari ang kamatayan mula kay Adan hanggang kay Moises, kahit sa mga tao na ang pagkakasala’y di tulad ng pagsuway ni Adan.
Si Adan ay anino ng isang darating. Ngunit magkaiba ang dalawang ito, sapagkat ang kagandahang-loob ng Diyos ay higit na di hamak kaysa pagsuway ni Adan. Totoo ngang nagdala ng kamatayan sa marami ang pagsuway ni Adan, ngunit malaki ang kahigtan ng kagandahang-loob ng Diyos at ng kaloob na dumating sa napakarami sa pamamagitan ng isang tao – si Hesukristo.”

Reply

Jovy Uy June 21, 2026 at 12:19 am

4. Sa gospel reading, isinabuhay at tinupad ni Jesus ang mga pahayag na ito sa pamamagitan ng Kanyang lubos na katapatan, tapang, at pag-ibig sa Ama—mula sa pangangaral nang hayagan, pagharap sa kamatayan sa krus nang walang takot, hanggang sa paggabay sa mga alagad na ipagpatuloy ang Kanyang gawain sa kabila ng pag-uusig.

Hayagang Pagpapahayag ng Katotohanan (“Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim, ulitin ninyo sa liwanag”):

Bago ang Kanyang pagpapakasakit, tahasan at buong tapang na ibinunyag ni Jesus sa publiko ang plano ng kaligtasan ng Diyos sa Jerusalem, sa mga sinagoga, at sa mismong templo.

Pagtanggap sa Kamatayan para sa Iba (“Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan”):

Ipinakita Niya ang lubos na pagtitiwala sa Ama nang harapin Niya ang pagpapako sa krus. Bagama’t pinatay ng mga tao ang Kanyang katawan, hindi nila kailanman naalis ang Kanyang Espiritu, na muling nabuhay at nagtagumpay laban sa kasalanan.

Lubos na Pagtitiwala sa Pag-aaruga ng Diyos (“Maging ang buhok ninyo’y bilang na lahat”):

Sa buong panahon ng Kanyang ministeryo, hindi nag-alinlangan si Jesus na ang bawat hakbang Niya ay nasa ilalim ng kalooban at proteksiyon ng Diyos Ama, kaya’t hindi Siya natakot sa mga banta ng mga makapangyarihang tao noon.

Pagkilala sa Ama sa Harapan ng Lahat (“Ang sinumang kumilala sa akin…”):

Si Jesus ang mismong modelo ng pagpapatotoo. Sa Kanyang mga himala, turo, at maging sa harap ng paglilitis sa Kanya ni Poncio Pilato, hayagan Niyang kinilala ang Ama, at nag-iwan Siya ng pangako ng kaligtasan.

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, “Huwag kayong matakot sa mga tao. Walang natatago na di malalantad o nalilihim na di mabubunyag. Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim, ulitin ninyo sa liwanag; at ang ibinulong sa inyo ay inyong ipagsigawan. Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi nakapapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo’y ang nakapapatay ng kaluluwa at katawan, sa impiyerno. Hindi ba ipinagbibili ang maya nang dalawa isang pera? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. Maging ang buhok ninyo’y bilang na lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa libu-libong maya.“Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit.”

5. Kumusta naman tayo? Nabatid na ba natin na ang nananalantay na dugo ni Adan sa ating katawan ang dahilan kung bakit ang mga gawa natin ay maituturing na maruming basahan (Isaias 64:6) o hindi nakaaabot sa kaluwalhatian ng Dios (Roma 3:23)? Nakasalig lamang ba tayo sa malinis na dugo ni Jesus bilang pantubos ng ating mga kasalanan upang maligtas?”

Reply

Ruel June 21, 2026 at 6:03 am

Huwag ka matakot sa mga tao ngunit Ang katakutajn ninuo ay yung nakakamatatay ng katawan at kalukuwa na magdadala sa atin sa imperno. Ang takot ay bahagi nang ating pagkatao Ang takot ay Ang pagpapailalim at takot ay pagsuko. Kaya’t nais nang ebanghelo na paayaya ni Hesus na huwag lang matakot sa kamunduhan dahil kung Ikaw ay matatakot sa kanila Hindi mo nakikilala Ang Diyos na Hindi ka niya pababayaan Ang Diyos na higit Ang kanyang habag at malasakit sa iyo aymakakamtan mo . Kaya’t Ang takot mo dapat ay Hindi sa mundo kundi magkaroon ka nang takot sa Diyos dahil Ito Ang simula ng karungunan mo sa Diyos. Na higit Monday’s mamahalin at tatabothan sa iyong mga pangangailangan na Hindi ka niya pababayaan.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: