Podcast: Download (Duration: 6:06 — 4.4MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes
Ipanalangin natin ang ating mga pangangailangan bilang bahagi ng ating paglalakbay ng pananampalataya, bilang pagsunod kay Kristo patungo sa walang hanggang Jerusalem, ang ipinangakong mamanahin natin.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, madama nawa namin ang Iyong presensya.
Ang Simbahan nawa’y maging buhay na sagisag at instrumento ng pagkakaisa at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.
Bilang komunidad ng mga sumasampalataya, nawa’y hindi tayo magkahati-hati dahil lamang sa mga walang kwentang galit at hindi pinag-isipang paghusga, manalangin tayo sa Panginoon.
Atin nawang maiwasan ang gumawa ng mga dahilang umiwas sa ating pagtugon sa mga hamon ng pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga kasawian sa buhay o pagkakasakit nawa’y hindi makasagabal sa ating pagnanais na sundan si Kristo maging sa pagpapakasakit, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa mga tapat na yumao sana’y maibigay ang walang hanggang kaligtasan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming Diyos, huwag nawa kaming umatras o mag-atubiling lumakad nang pasulong sa paglalakbay tungo sa iyong Kaharian. Palakasin nawa ng mga panalanging ito ang aming pananampalataya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Miyerkules, Nobyembre 19, 2025
Biyernes, Nobyembre 21, 2025 »




{ 7 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Inilalahad ni San Lucas sa kanyang panunulat ng Mabuting Balita na ang planong pangkaligtasan ay inilaan ng Panginoong Diyos para sa lahat, maski Hudyo man o Hentil. Subalit sa pagkakataong ito ng Ebanghelyo ngayon (Lucas 19:41-44), dito sinasabing tumangis si Hesus habang nakatanaw siya sa lungsod ng Jerusalem. Ito ay isang natatanging lugar sa Banal na Lupain na ang tawag ay “Dominus Flevit,” na nangangahulugang “Tumangis ang Panginoon”. Bagamat ang mga Hudyo sa kapanahunan niya ay naniniwala sa kanilang lahi lamang mangyayari ang kaligtasan, hindi nila ito natuntunan sa pagdating ni Hesus. Kaya nasabi niya ang isang nakakalungkot na pangyayari tungkol sa pagwawasak ng Jerusalem. At sa kasasayan nga ay naganap ito noong taong 70 A.D. nang lusubin ng mga Romano ang Jerusalem at winasak ang lahat ng mga bahay, pati na rin ang Templo. Bago pa man mangyari ito, makikita natin sa pagkilos ng mga pinuno ng Judaismo kung paano hindi nila tinanggap si Hesus bilang Mesiyas, kaya’t pinausig nila ang mga Apostol at iba pang mga tagasunod ni Kristo, pinadakip, pinakulong, at pinahampas ng latigo upang manahimik. Kaya hanggang ngayon naghahanap pa rin ng mga Hudyo ng sinasabi nilang “totoong Mesiyas”, na hindi nilang namalaya’y dumating na ang ipinangakong kaligtasan sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesukristo.
Kaya ang hamon sa atin ay partikular ang Diyos sa mga taong tumatanggap sa kanya nang may buong pananampalataya at sumusunod sa kanyang dakilang kalooban. Kung tayo’y patuloy na sumasampalataya sa kanya, nawa’y tanggapin natin palagi siya sa ating buhay. Kaya huwag po nating ihadlang ang pakikinig sa tinig ng Diyos at pagsusunod sa kanyang mga utos.
Marami tayong pinupuna, napapansin natin ang kapintasan ng ating kapwa, pinupuna natin ang bawat pagkakamali ng tao, marami tayong nasasabi sa kapwa natin lalo na kung may nagawa itong iskandalo. Sa social media ay ng hilig nating pansinin ang ating mga nababasa at nakikita at nagbibigay tayo ng mga komento. Magaling din tayong maghusga sa ating mga nakikita. Sa positibong banda ay napupuna din natin ang ating mga hinahanggang tao, binibigyang halaga natin ang mga matataas na tao, ginagalang natin ang mga maybkapangyarihan at mayayaman. Pinapansin din natin ang mga taong may pakinabang tayo.
Ang Diyos ba ay napapansin mo din? Ang Diyos na may gawa ng lahat ng nakikita mo’ nararamdaman. Binibigyan mo din ba sya ng halaga? Pinaglalaanan mo din ba sya ng oras? Ginagalang mo din ba sya at sinusunod ang kanyang mga kautusan. 0 isinsantabi na lang natin ang Diyos lalo na kapag ikaw ay nakakaluwag sa buhay at walang problema. Nawala na ba ang takot mo sa Diyos habang naninira ng ibang tao, nakikiapid, nandaraya, nagdaramot sa nangangailanagan, matakaw sa pita ng laman, hindi nagpapatawad ng kapatid at nagnanasa sa hindi mo pag aari?
Kapatid, pansinin mo si Hesus… dahil kahit anong oras ay kaya nyang gibain kung ano man ang meron ka ngayon, kayamanan, posisyon, ari-arian, asawa’t mga anak, kalusugan at kapangyarihan. Sa isang iglap ay kaya nyang bawiin lahat maging ang iyong buhay, kaya’t paglaanan natin sya ng oras, igalang, sundin ang loob nya, katakutan at mahalin. Pansinin natin si Hesus.
Pagninilay ni Jess C. Gregorio:
Hindi ninanais ng Panginoon ang pagka gupo o paghihirap ng sino mang kawangis niya. Ang lahat ng masamang nangyayari sa atin ay galing sa ating paglayo sa grasya at pag wawaksi ng katotohanan. Nagkakaroon ng kapangyarihan ang kalaban sa atin at walang magawa ang Diyos. Sa dahilang pinagkalooban niya tayo ng free will, malaya tayo mamili ng ating patutunguhan at paniniwalaan. Kaya kahit siya ay naiiyak kung ang pinipili natin ay ang kasinungalingan at mga pita ng laman at kamunduhan, walang magagawa ang Panginoon upang ipagtanggol tayo sa ating kalaban. Malalaman natin na ang Panginoon ay nasa atin kung ang malimit
na binabahagi o pinatotoo natin ay mga tagumpay na ginagawa ng Panginoon kahit na sa pinaka malaking pagsubok na dinadaanan natin sa buhay. Wala siya sa atin kung puro pagkatalo at paghihirap ang namumutawi sa ating labi na para bagang mahina ang grasya at napakalakas ng pagsubok. Ang totoong namamanampalataya ay tahimik sa gitna ng pagsubok at maingay sa tagumpay. Katulad ng sasapitin ng Herusalem ang magiging kahihinatnan natin kung hindi natin papansinin ang pagdating ng Panginoon sa kanyang nais na pagliligtas sa atin.
sabi ng ating Dios Ama sa Deut. 30:19 saksi ko ang langit at lupa na ngayoy inilalahad ko sa inyo ang BUHAY O KAMATAYAN, AT ANG PAGPAPALA O SUMPA. KAYA ,PILIIN NIYO ANG BUHAY PARA KAYO AY MABUHAY NG MATAGAL. IBIGIN NINYO SI YAHWEH SUNDIN SIYA AT MANATILING TAPAT SA KANYA so that your descendants will live..
dahil sa kulang ng kaalaman patungkol sa kalooban ng Diyos at dahil na rin sa katigasan ng ulo ng tao kung kaya ay napapahamak.
itunuro na sa atin ng Ama piliin natin ang buhay upang hindi tayo mapahamak. nasa ating tamang pagpipili upang makamtsn natin ang buhay na ganap at kasiya-siya.
sabi din ni Jesus upang makamtan natin ang buhay na fanap at kasisiya nasa Malakias. 3:6
sino ba ang nagbibigay buhay? walang iba kundi si Jesus. Jesus is the way, the truth and life. no one can come to the Father except through Me. sabi ni Yahweh, manumbalik kayo sa akin at manunumbalik ako sa inyo….dalhin ninyo ng buong-buo ang inyong ikasampung bahagi at mga handog ng buing- buo sa tahanan ng Diyos …. Subukin ninyo ako sa bagay na ito, kung hindi ko buksan ang mga bintana ng langit ar ibuhos sa inyo ang masaganang pagpapala…….. Bakit ang mga tao ay sakitin, nagsisimba naman, nakikinig ng Salita ng Diyos ngunit patuloy pa rin na nakakaranas ng mga odds sa buhay. dahil dito sa pagnanakaw natin ng para sa Diyos. hindi natin ibinabalik ang para sa Kanya.
kaya nga dapat nating isabuhay sa araw araw ang Kanyang mga Salita upang maging tunay na saksi tayo ni Jesus. panindigan natin ang ating pananalig at pananampalataya sa Kanya katulad ng ating ninunong sina Abraham, isaac at Jacob.
kung tunay na sinusunod natin si Jesus bakit hindi natin mapaniwalaan na si Jesus mismo ay nakakaisa natin sa katawan, kaluluwa at espiritu kung tatangapin natin ng buong pananalig, pananampalataya at pagsamba na si Jesus mismo ang tinatanggap natin sa Banal na Eukaristiya . God is the one purifying us that is why He gave His only Begotten Son that whoever believes in Him shall not perish but have eternal life. Believing the Word , and the Word became Flesh, Dwelt among us.
if we only understand this deeply tiyak lahat ng ating gagawin ,iisipin ay ang Kanyang Banal na kalooban.
imagine , up to our generations, and all generations to come, the inaccessible God is accessible to us through the sacraments -Holy Eucharist He instituted. Great is Love.
kaya mga kapatid ituon at isabuhay na natin ang ating puso at isipan sa Salita ng Diyos at sa patuloy na pagtanggap natin sa Kanya sa Banal na Eukaristiya. Just receive Him in the Holy Eucharist ang He will perfect us in His Perfection.
testimonies.: tunay nga po na kung isabuhay natin ang mga napapakinggan, nababasa natin sa gabay ng Espiritu Santo tiyak dito pa lamang sa lupa ay mararanasan natin ang buhay sa langit. hindi nawawala ang mga tests sa buhay, kung tutuusin salat din kami financially ngunit dahil sa mga kakulangan namin na nararanasan ay doon namin nararanasan ang.pagjalinga ng Diyos. ginabayan ko ang akung mga anak ayon sa batas ,tuntunin etc ng Diyos kalo na ang pagbabalik ng 10% tithes nararanasan nila ang grasya sa oras ng kagipitan at pangangailangan pati na ang physical ng kagalingan.
sa ganitong nararansan namin ay lalong tumatatag ang.pagkapit, faith sa ating Panginoom.
PAGNINILAY :
Lucas 19, 41-44 — “At tinangisan ni Hesus ang Jerusalem”
“VISITATIO” (Pagdalaw ng Diyos)
Kapansin-pansin na sa Ebanghelyo ngayon, hindi gumagawa ng himala si Hesus, hindi Siya nangangaral sa malaking pulutong, at hindi rin Siya nakikipagtalo sa mga Pariseo. Sa halip, Siya ay nakatayo sa tuktok ng burol, nakatanaw sa Jerusalem ang lungsod na Kanyang minahal, pinaglingkuran ng tatlong taon Niyang pagmiministeryo, at pinaghirapan ibalik sa Diyos Ama at dito Siya napaluha. Hindi ito luha ng kahinaan.Hindi ito luha ng pagkatalo.Ito ay luha ng isang pusong-Diyos na lubhang nagmamahal ngunit hindi tinatanggap ang Kanyang paanyaya.
Nakikita ni Hesus ang kabuuan ng Jerusalem: ang kanilang kasaysayan ng pagtanggi sa mga propeta, ang ingay ng politika at kapangyarihan, ang bulag nilang pagkapit sa tradisyong hungkag, at ang paparating na pagkawasak ng lungsod dahil sa kanilang hindi pagtanggap sa “araw ng pagdalaw ng Diyos.” Sa likod ng pagluha Niya, naroon ang sigaw ng pag-ibig:“Kung nalalaman mo lamang… kung nalalaman mo lamang ang magdudulot sa iyo ng kapayapaan!”
At doon lumalabas ang pinakamalalim na misteryo ng Ebanghelyong ito: Umiiyak ang Diyos dahil ayaw tanggapin ng tao ang kapayapaan.
Ano ang laman ng luha ni Hesus?
1. Luha ng Propetang Tinatanggihan
Sa lumang tipan, umiiyak ang mga propeta tulad nina Jeremias sa pagkabagsak ng Israel. Si Hesus ngayon ang katuparan ng mga panaghoy na iyon ngunit higit pa sa propeta, Siya ang Anak ng Diyos. Ang Kanyang luha ay luha ng pusong nakakaalam ng kapahamakan ng taong lumalakad sa sariling kagustuhan.
2. Luha ng Tagapagligtas na Umaasa
Hindi umiiyak si Hesus dahil Siya ay tinalikuran—umiiyak Siya dahil alam Niyang nawawala ang tao sa landas ng buhay. Nananaghoy ang langit kapag ang tao ay tumatalikod sa pag-ibig.Ito ang divine empathy—ang Diyos na kayang masaktan dahil sa lubos na pagmamahal.
3. Luha ng Hustisya
Ang binanggit ni Hesus na pagkubkob at pagkawasak ng Jerusalem ay literal na nangyari noong AD 70. Hindi ito parusang intensyong manakit, kundi bunga ng kanilang pagwawalang-bahala sa Diyos. Kapag ang puso ng tao ay lumalayo sa Diyos, sumisilip ang dilim na magwawasak sa kaniya—hindi dahil sa Diyos, kundi dahil siya mismo ang pumili ng daan ng kapahamakan.
“Umiiyak kaya si Hesus sa ating panahon?”
Kung titingnan ng Diyos ang ating lipunan na puno ng hidwaan, galit, pagkakawatak dahil sa politika, paninira, corruption at mga maling balitabaka marinig din natin ang parehong panaghoy: “Kung nalalaman mo lamang ang magdudulot sa iyo ng kapayapaan…”
Umiiyak Siya sa bawat pamilyang watak dahil sa alitan.Umiiyak Siya sa bawat komunidad na pinaghaharian ng inggit at kaplastikan.Umiiyak Siya sa bawat parokya at ministry na nagiging larangan ng pagmamataas, paghahangad ng pagkilala at ambisyon imbes na paglilingkod.Umiiyak Siya sa ating bayan kapag higit na sinisikap ng tao ang kapangyarihan kaysa kabutihan.
At kung aaminin natin… may mga sandali ring pinapalungkot natin ang Panginoon kapag:mas inuuna natin ang sariling kagustuhan kaysa Kanyang kalooban,sinasarado natin ang puso sa pagpapatawad,inuuna natin ang galit kaysa kapayapaan,hindi natin pinapansin ang mga sandali ng Kanyang pagdalaw.
Pagsasabuhay: Paano natin “papahirin” ang luha ni Hesus?
1. Tanggapin ang Kanyang Pagdalaw (VISITATIO)
Ang Diyos ay dumadalaw sa pamamagitan ng: – Salita ng Diyos, – Misa, – mga taong ipinadadala Niya, – mga pangyayaring nagtutuwid sa atin, – katahimikan ng konsensiya. Huwag nating palampasin.
2. Piliin ang Kapayapaan na Mula sa Diyos
Hindi kapayapaan ng mundo, kundi kapayapaang bunga ng pananampalataya, kababaang-loob, at kabanalan.
3. Iwaksi ang Galit, Paninira, at Pagmamakasarili
Dito nasasaktan ang puso ni Hesus. Sa tuwing may alitan sa pamilya, ministry, o komunidad—nagdurugo ang puso ng Diyos.
4. Maging Instrumento ng “Shalom”
Bilang mga lingkod ng parokya, EMHC, COMRE, PPC, o simpleng mananampalataya,tayo ang dapat unang magpakita ng kapayapaan, katahimikan, at pagdadala ng presensya ng Diyos.
5. Magbalik-loob
Ang luha ni Hesus ay paanyaya.Ang tunay na pagsisisi ay hindi luha sa mata—kundi pagbabago ng puso.
Word of the Day: “VISITATIO” (Pagdalaw ng Diyos)
Ang Diyos ay laging kumakatok. Ang tanong: nakabukas ba ang ating puso? Jerusalem rejected her visitation— tayo sana ay hindi.
Panalangin:
Panginoong Hesus, Ikaw na lumuluha dahil mahal Mo kami, linisin Mo ang aming mga mata upang makita namin ang Iyong pagdalaw.Huwag Mo pong hayaang masayang ang Iyong biyaya sa aming buhay.Gawin Mo kaming bayan ng kapayapaan,pamilya ng pagmamahalan, at sambayanang nagbubuklod sa liwanag Mo.
Panginoon, sa bawat galit, alitan, o kaguluhan sa aming puso at lipunan, pagharian Mo kami ng Iyong tunay na shalom.Pahintulutan Mo kaming makatugon sa Iyong paanyaya upang ang Iyong luha ay mapalitan ng kagalakan sa aming pagbabalik-loob. Ito ang aming dalangin, sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
MAGNILAY: Hanggang ngayon ay tumatangis pa rin ang Panginoon sa tuwing magbubulag-bulagan at magbibingi-bingihan tayo sa kanyang salita at sariling gusto lang ang sinusunod. Para siyang magulang na nakikini-kinita ang kahihinatnan ng anak niyang matigas ang ulo. Nababasa niya ang magiging kapalaran ng anak bunga ng kanyang pagsuway kaya’t iniiyakan niya iyon. Ayaw man niya pero hahayaan na lang niyang matikmam niya ang pait ng mabigo sa pag-asang magigising siya sa kanyang pagkakamali at magbabago. Ganun ang nadama ni Hesus sa Jerusalem at nadarama sa atin ngayon tuwing babalewalain natin siya.
Sa Ebanghelyo natin ay pinaalaala na
Binigyan tayo ng Diyos ng KALAYAAN na pumili at gawin ang mga bagay na gusto nating gawin. Ngunit ang ating kalayaan ay dapat ding nakabatay sa pagpili ng mga bagay na magbibigay ng KALUWALHATI-AN sa Diyos. Unahin natin ang Diyos sa lahat ng ating ginagawa. Ito ay magbibigay liwanag sa madilim na bahagi ng ating buhay at kalinawan sa mga sandali ng kalituhan. Kilalanin natin na may mahinang bahagi sa ating sarili. Kaya kinakailangan na matanggap natin ang ating sarili – ang ating kahinaan at kalakasan upang makalaban tayo sa tukso. Palakasin at protektahan ang ating espirituwal na buhay sa pamamagitan ng patuloy na pagtanggap ng mga SAKRAMENTO at pagninilay sa Salita ng Diyos. Kung kilala natin ang ating sarili, maiiwasan natin ang mailalagay ang sarili sa mga nakakakompromisong sitwasyon. Gamitin ang ating mga kalakasan upang labanan ang kaaway ng kadiliman. Paligu-in ang ating espirituwal na buhay sa pamamagitan ng patuloy na pagsakripisyo. Maging mapagbigay. Ibahagi ang ating mga biyaya sa mga mahihirap para sa KALUWALHATI-AN ng Diyos.
GAWAIN: Itigil na ang pagmamatigas at pagbabalewala sa Panginoon. Ang tuwa Ng Panginoon ay magiging kalakasan natin.
PANALANGIN:
Panginoong Jesus, maraming beses na hindi ko napansin ang Iyong pagmamahal, dahil masyado akong abala sa pagmamahal sa mga bagay sa mundong ito. Alam ko na patuloy Mo akong minamahal sa kabila ng katigasan ng aking puso. Tulungan Mo akong mahalin Ka upang makapagbigay ako ng kaaliw sa Iyong Kabanal-banalang Puso.
Amen
Ang mga luha ay tanda ng lalim ng ating pag ibig.
Do not bury yourself with your dead.
Ipagpatuloy ang mabuting gawain na naumpisahan ng ating mga yumaong mahal sa buhay.
Sa gitna ng lungkot at luha ipagpatuloy pa rin na magmahal at sumunod sa kagustuhan ng Diyos.
Na ang ating mabuting gawain ay maging pagpapala natin at ng ating kapwa.
Amen.
Thank You, Lord.
#GvThursday