Linggo, Oktubre 5, 2025

October 5, 2025

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-27 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Patnubay sa Misa

Bilang pagtalima sa hamon ng Panginoong lumago tayo sa pananampalataya, at hatid ng pagtitiwala sa Kanyang mahabaging pag-ibig, idulog natin ang ating mga kahilingan:

Panginoon, pagtibayin Mo ang aming pananampalataya!

Para sa Inang Simbahan, ang katipunan ng mga tapat na sumasampalataya sa buong daigdig: nawa’y patnubayan Siyang lagi ng pananalig na nakatuon sa kalinga ng Diyos, sa kabila ng mga mahirap maunawaang mgapangyayari sa buhay. Manalangin tayo.

Para sa Santo Papa, mga obispo, at mga pari: nawa’y patuloy silang maging inspirasyon natin sa kanilang matatag na pananampalataya at pagsisikap para sa kabutihan ng mga inihabilin sa kanilang pangangalaga. Manalangin tayo.

Para sa mga nanghihina dahil sa sakit o malalaking pagkabigo: nawa’y palakasin sila ng kanilang
pananalig sa masuyuing Diyos tungo sa pagpapanibagong buhay. Manalangin tayo.

Para sa lahat ng misyonero: nawa’y hindi sila panghinaan ng loob sanhi ng kawalang pagpapahalaga sa kanilang pagsisikap, kundi patuloy na magtiwala sa Panginoong tanging nakababatid sa takdang oras ng pamumunga ng lahat ng kanilang gawang mabuti. Manalangin tayo.

Panginoon, sa Iyo ang larangan kung saan kami tinatawag para maglingkod, at sa Iyo rin ang lakas na kailangan namin upang kami’y mabungang makapaglingkod. Pagkalooban Mo kami ng kababaang-loob para tanggapin ito at ng lakas ng loob para magsikap sa paglilingkod sa Iyo. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 8 comments… read them below or add one }

Reynald Perez October 5, 2019 at 5:22 am

REFLECTION: The Readings for today remind us about faith. In the First Reading (Habakkuk 1:2-3; 2:2-4), we hear this minor prophet in the Old Testament named “Habakkuk” (Ang propetang mahilig magluto nang matagal. Hahaha, Joke lang). This name means “embrace”. In the passage, we see how this prophet moans over the destruction of Judah by the Babylonians. He asks God why he did not listen to his cry for help, instead allows him to see destruction of the city. The Lord replies by revealing a vision and asking Habakkuk to write it down, and the one who has faith shall be saved. In the Second Reading (2 Timothy 1:6-8, 13-14), Saint Paul reminds Saint Timothy, Bishop of Ephesus, to continue passing down the grace given by God, a spirit of power and self-control. He also exhorts us to be courageous with faith in preaching the Gospel, even in times of sufferings and difficulties. In the Gospel (Luke 17:5-10), the Apostles ask Jesus to increase their faith. But Jesus reminds them that wish can’t just be granted at once. He reminds them that they must have faith like a mustard seed, meaning to say, our belief and expression in God should begin in small matters, so that as time passes by, big fruits of abundance in our lives may be produced and handed down to others. Alongside, he tells a parable about the attitude of a servant, that we should not only depend on God and do nothing. “We are unprofitable servants” (v. 10). This is true because we serve others with kindness, and we do not expect anything in return. That is what is meant of expressing our faith in thoughts, words, and deeds.
My dear brothers and sisters, the Catechism of the Catholic Church (CCC) tells us that faith is one of the Theological virtues because “we believe in God and believe all that he has said and revealed to us, and that Holy Church proposes for our belief, because he is truth itself. By faith ‘man freely commits his entire self to God.’ For this reason the believer seeks to know and do God’s will. ‘The righteous shall live by faith.’ Living faith “work[s] through charity.” (CCC 1804). To have faith in God means that we believe in all he has done and revealed, and he wants us to share that faith with others with courage in him. It’s not only enough to hope for a miracle everyday, which is why the sad reality of prayer is that we only do this because we want something. No, rather we should remember our purpose in the world, why God placed us here, and what he mission he entrusted us to do. And that’s what Jesus reminds us, to be unprofitable servants of kindness and goodness towards others, since because that faith is like a mustard seed, it shall soon sprout into large bushes and tress of abundance in our life journeys. So as we journey down this road, let us express our faith and devotion to the Lord with courage and obedience to his will, especially in serving our brothers and sisters.

Reply

Julie B. Dorado October 3, 2025 at 6:18 pm

Ipinahihiwatig ng Ebanghelyo sa Linggong ito ang kahalagahan na pagyamanin natin ang ating personal na pananampalataya sa Panginoong Diyos. Ang pagtahak sa mabuting daan at sa patuloy na paggawa ng kabutihan sa ating kapwa na walang inaasahan na kapalit, ay mga gawa patungo sa pagyayaman sa ating pananampalataya.

Mula sa malilit na kabutihan, pagiging patas sa ating mga gawain ng walang pag iimbot na makalamang ang maghahatid sa atin sa piling ng Panginoon.

Tayo ay inaanyayahan ng Ebanghelyo na maging tunay na alagad ng Diyos sa isip, salita at gawa. Paggawa para sa kapwa na walang hinihintay na gantimpala. Dahil sa takdang panahon, ang gantimpala ay magmumula sa ating Panginoon. Amen.

Reply

Glicerio, Damoluan September 21, 2022 at 11:42 am

REFLECTION
LK 17: 5 – 10

The Gospel reveals the truth that believing God, we must not hesitate but believed in Him alone, no one else but Him.
The faith to God would not be taken for granted, allowing somebody’s input for the belief. We must devote and trust Him all the way through, the faith must be unshakable.
All good works and deeds He had showered in us for so many years ago should be nourished all time.
Only good deeds and works that let no one are left in the dark, shall be adored, protected and followed. Equality of thought and behavior shall be the best to live in this world. Unity, understanding, respect and faith would be the best thing we should always possessed. We shall treat each one according to the will of God.
Let us all exist united and live equally, happy and prosperous. Thank you Lord God.
Faith is not inheritance but behavior and true belief of all good things shown to us by our Lord.

Reply

ruel arcega September 27, 2022 at 11:21 am

Ang ebanghelo ay tungkol sa paghingi ng dagdag na pananampalataya sa Diyos. Ngunit ipinaliwag ng Panginoon na kung kasing liit ng butil ng mustasa ang iyong pananampataya ay sapat na. Dahil hindi hangad ng Diyos ang dami kund hindi ang katangian ng pananampalataya o quality. Napaka halaga na pinalalahanan tayo sa linggo ito at kamustahin ang quantility ng ating pananampalataya, ito ba ay pure at malinis. Dahil kahit maliit ang iyong pananampataya pero malinis at dalisay ito nagdudulot nang napakamahalagang kapangyarihan na malapit ka Diyos at ang Diyos na tangganggapin mo ay tutulong upang higit na lumakas ka at gabayan ka. Sabinga “God it’s enough, and to have God is to have pure faith.” Kaya maaring tanungin natin gaano kadalisay ang iyong pananalig sa Diyos. at ito’y malalaman mo kung sa lahat ng ginagawa mo hindi ka nag alala dahil ginawa mo amg kalooban ng Diyos at tinanggap mo ang kaloob ng Diyos at iyon ay sapat na.

Reply

Reynald Perez October 1, 2022 at 1:51 pm

PAGNINILAY: Paano nga ba natin nasusukatan ang kabutihang-loob ng Diyos? Ano nga ba ang ating tugon sa mga bagay na nangyayari, upang kilalanin natin na ang Diyos ay tanging may kayang tuparin ang anuman na ating pinagdadaanaan? Ang pinakasagot sa ating mga katanungan at pag-aalinlangan sa buhay ay pananampalataya, na ang ating kapasidad na patuloy na magtiwala sa Diyos at sa mga kabutihan na kanyang binibigay (sapagkat ang Diyos ay mabuti sa lahat ng aspeto ng buhay). Marahil tuwing Linggo & mga Pistang Pangilin, pinapahayag ng Simbahan ang Kredo o ang Simbolo ng Pananampalataya na tunay ngang sumasampalataya tayo sa Diyos na Santatlo na nagkaloob sa atin ng buhay at bagong buhay sa pamamagitan ng Paglilikha, Pagliligtas, at patuloy na Pagpapanibago. Ngunit paano nga ba natin dapat isabuhay ang pananampalatayang ito?

Halos 600 taong bago dumating ang Panginoong Hesukristo, nagpahayag si Propeta Habacuc sa ating Unang Pagbasa ang kanyang paghihinagpis sa nangyayari sa bayang Israel na tinapon sa pananakop ng mga mababangis na paganong bansa. Kaya dumadaing siya kung gaano pa katagal ang pagdudusahan ng taongbayan na patuloy na naghihirap. Kaya’t dininig ng Diyos ang panalangin ni Habacuc at ang tugon ay ang pangako ng pagliligtas, at ang senyales nito ay ang pananampalataya at pagtitiwala ng Israel sa Diyos na tumawag at humirang sa kanila. At ito rin ang panawagan sa bayang nalugmok sa kasalanan na magpanibago muli sa tipan na kanyang gagawin sa pamamagitan ng pagsusunod sa mga utos at turo na kanyang binigay. Kaya ang paanyaya ng Salmista sa pagtugon ay dinggin natin ang tinig ng Panginoon, at huwag nating salungatin ang kanyang panawagan ng pakikinig, pagsusunod, at pagsasabuhay ng kanyang mensahe ng kaligtasan. Ito ang kaakibat na mga dapat gawin upang maging mas makabuluhan ng ating pananampalataya.

Ipinapaalala naman sa Ebanghelyo kung paano nga ba natin itinataguyod ang ating pananampalataya. Hiniling ng mga Apostol na dagdagan ang kanilang pananampalataya. At simpleng sagot lang ni Hesus, na ang kanilang pananampalataya ay maging kasing tulad ng butil ng mustasa, na bagamat itinuturing na pinakamaliit sa mga butong itinanim ay kapag lumaki ay nagiging pinakamataas at pinakamalaki sa mga puno at punongkahoy para sa mga ibon na naninirahan nito. Kaya ang ating pananamapalataya sa Diyos ay ang ating pagpapalaganap ng kanyang Kaharian na nagsisimula sa mga maliit na bagay, ngunit patuloy na lumalago kung patuloy tayong manindigan sa kabutihan, kapayapaan, katarungan, at pagmamahal. At ang pananampalatayang ito ay nakikita rin sa paano tayong maglingkod at magsilbi, na ang hinahabol natin ay ang diwa ng ikaluluwalhati ng Diyos, na wala tayong tinaggap na pasubali o kapalit sa bawat kabutihang ginagawa o pinaglilungkuran natin. Sapagkat ang tunay na may pananampalataya ay gagawin pa rin ito, kahit wala inaasahang gantimpala na pisikal.

Mga kapatid, marami tayong pinagdadaanan sa mundong ito, kaginhawaan man o kapighatian. Ngunit tandaan po natin na ang pananampalataya natin ay magsisilbing daan upang maintindihan at makatagpo natin ang Panginoon. At ang pananamapalatayang ito ay isinasabuhay kahit sa pasimula ng mga maliiit na bagay, at gayun din maliit o malaki man ang ating maiambag na kabutihan ay hindi kailanma’y nag-aasam ng kapalit, sapagkat ang Diyos na ang bahala gumawa ng mabuting gantimpala. Kaya alalahanin natin sa pananamapalataya ang ipinahayag ni San Pablo kay San Timoteo sa Ikalawang Pagbasa, na hindi tayo binigyan ng Diyos ng kaduwagan, kundi ng lakas, pag-ibig, at pagpipigil sa sarili. Huwag tayong matakot, mangamba, at magduda, kundi patuloy na manalig at isabuhay ang pananalig.

Reply

Julie B. Dorado October 3, 2025 at 6:21 pm

Ipinahihiwatig ng Ebanghelyo sa Linggong ito ang kahalagahan na pagyamanin natin ang ating personal na pananampalataya sa Panginoong Diyos. Ang pagtahak sa mabuting daan at sa patuloy na paggawa ng kabutihan sa ating kapwa na walang inaasahan na kapalit, ay mga gawa patungo sa pagyayaman sa ating pananampalataya.

Mula sa malilit na kabutihan, pagiging patas sa ating mga gawain ng walang pag iimbot na makalamang ang maghahatid sa atin sa piling ng Panginoon.

Tayo ay inaanyayahan ng Ebanghelyo na maging tunay na alagad ng Diyos sa isip, salita at gawa. Paggawa para sa kapwa na walang hinihintay na gantimpala. Dahil sa takdang panahon, ang gantimpala ay magmumula sa ating Panginoon. Amen.

Reply

MEL MENDOZA October 4, 2025 at 11:20 am

PAGNINILAY
Lucas 17, 5-10
“Tungkulin”

Ang Ebanghelyo ay nagpapakita ng dalawang mahahalagang aral: una, ang pananampalatayang kahit maliit ay may kapangyarihan kung ito ay taos-puso; ikalawa, ang tunay na paglilingkod sa Diyos ay walang hinihintay na kapalit.

Ang sinabi ni Hesus tungkol sa alipin na nag-aararo o nagpapastol ay paalala na ang ating paglilingkod ay tungkulin at hindi transaksyon. Hindi tayo dapat maglingkod upang purihin o gantimpalaan, kundi dahil ito’y nararapat at kalugud-lugod sa Diyos. Tulad ng isang alipin, tinutupad natin ang ating tungkulin bilang mga anak ng Diyos—nagpapasalamat na tayo’y nakapaglingkod, hindi naghahanap ng pasasalamat.

Sa liwanag ng ikalawang pagbasa, ang Espiritu na kaloob ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng lakas, pag-ibig, at pagpipigil sa sarili upang maging matatag, lalo na sa gitna ng pagsubok. Kung paanong si Timoteo ay pinaalalahanan ni San Pablo na huwag ikahiya ang Ebanghelyo, gayon din tayo ay inaanyayahang magpatuloy sa pananampalataya at tapat na paglilingkod.

Pinaalalahanan tayo ng Ebanghelyo na maging tapat sa maliit na gawain at huwag maghanap ng papuri. Harapin ang pagsubok nang may lakas ng loob, sapagkat ang Espiritu Santo ang nagbibigay-tatag. Gawin ang lahat ng bagay bilang handog sa Diyos, hindi para sa sariling kapakinabangan.

Word of the Day:
“Tungkulin” – ang paglilingkod sa Diyos at kapwa ay hindi para sa papuri, kundi bilang katuparan ng ating pagkatawag bilang Kanyang mga anak.

Panalangin: Panginoong Hesus, turuan Mo akong maglingkod nang may kababaang-loob at katapatan. Palakasin Mo ang aking pananampalataya, upang maging handa akong tumupad sa aking tungkulin kahit walang kapalit na pasasalamat o papuri. Nawa’y ang bawat paglilingkod ko ay maging tanda ng aking pagmamahal at katapatan sa Iyo. Amen.

Reply

Noemi Belza October 4, 2025 at 12:46 pm

angkop po bang kantahin pang kumunyon ang PAGKABIGHANI para sa misa bukas?oktubre 05,2025.salamat po

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: