Podcast: Download (Duration: 6:30 — 4.6MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes
Natitipon tulad ng napakaraming tao sa Ebanghelyo na nagugutom sa Salita ng Diyos, manalangin tayo nang may pananalig sa ating Amang nasa Langit na hindi nagpapabaya sa kanyang bayan sa kanilang pangangailangan.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ikaw ang aming tinapay, O Panginoon.
Ang Simbahan sa buong mundo nawa’y sumaksi sa salita at gawa sa pag-ibig at kalinga ng Diyos sa mga nangagugutom at nangangailangan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga lider ng mga bansa na may pinanghahawakang matatayog na posisyon at malawak na kapangyarihan nawa’y tumulong na maipamahagi ang kayamanan ng daigdig upang sa gayon wala ni isang bansa ang malagay sa panganib ng pagkagutom, manalangin tayo sa Panginoon.
Bilang isang komunidad, tayo nawa’y maging mga kapwa na babad sa pananalangin at maging laging handa sa pagbibigay ng ating panahon at karunungan sa pagtulong sa mga naghahanap ng kahulugan sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawa’y makaranas ng nananatiling pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga tapat na yumao nawa’y masiyahan nang walang maliw sa walang hanggang Hapag sa kalangitan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming nasa Langit, bigyang-pansin kaming nangangailangan ng iyong habag. Punuin mo ang aming mga puso ng iyong pag-ibig at huwag mo kaming ipahintulot na mawalay sa iyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Linggo, Agosto 3, 2025
Martes, Agosto 5, 2025 »




{ 7 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Sa ating Unang Pagbasa (Bilang 11:4b-15), narinig natin kung paanong nagreklamo ang mga Israelita dahil manna lang ang kinakain nila. Parang hindi nila maramdaman ang lasa nito, kaya’t ginawan nila ito bilang tinapay. Narinig ni Moises ang kanilang mga hinahing, kaya’t hiniling niya na siya’y patayin. Ngunit alam din niya na may kabutihang-loob dala ang Diyos sa bayang Israel kahit matitigas ng ulo ang mga taong ito.
Sa ating Ebanghelyo (Mateo 14:13-21), nasaksihan natin kung paanong pinakain ni Hesus ang limang libo. Makikita natin na siya ay mahabagin na Panginoon. Pinagaling niya ang mga maysakit at pinaupo niya ang mga tao. Sa awa at biyaya ng Diyos, dumami ang limang tinapay at dalawang isda upang makakain ang lahat ng naroroon. Natira ang ilang piraso ng tinapay na nakakapuno ng labindalawang bakol. Ibig sabihin nito na napakadakila ang Panginoon sa pagbibigay at pagbubusog. Kaya nga tuwing ipinagdiriwang natin ang Sakramento ng Banal na Eukaristiya, inaalala natin ang mahabaging pag-aalay ng buhay ni Kristo sa Krus upang tayo’y maligtas mula sa kasalanan. Tuwing tinatanggap natin siya sa Banal na Pakikinabang, tayo’y kanyang pinapalusog ng kanyang biyaya, at nais niyang manahan sa ating mga puso upang makabahagi tayo sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng awa.
Kaya sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y umapaw ang habag ng Panginoon sa ating mga buhay at maging maawaain tulad niya at ng Ama sa ating mga kapwa.
Maraming Salamat sa mga paliwanag mo sa araw araw na mga pagbasa tungkol sa Ebanhelyo at sa mga banal na kasulatan. Insan naging daan ito para maunawaan ko ang mga salita ng Diyos at ang dahilan kung bakit nagpakasakit para sa sangkatauhan ang panginoong Hesus. Ang tubusin tayo sa pagkakasala upang sa gayon hindi tayo parusahan ng amang nasa langit, Bagkus ay patawarin tayo sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagbubo nang kanyang sariling dugo habang nakapako sa banal na Krus. Kung sana ang lahat ng tao na nilalang ng maykapal ay maniniwala sa kanya, tayo ay mapupuspos ng pagmamahalan sapagkat ginawa niyang halimbawa sa lahat ang kanyang sarili upang ipamalas sa buong santinakpan ang pagmamahal na idinulot niya sa atin.
Narito ang mga aral at hamon ng pagbasa at ebanghelyo sa atin ngayong araw na ito:
Be grateful: Sa unag pagbasa ay ang pagrereklamo ng mga Israelita sa kanilang kinakain. Mga kapatid maging grateful tayo kung ang ating nakamit ma biyaya maliit man yan o malaki, laging tatandaan na mapalad ka pa din kumpara sa iba, wag kang magreklamo kung luma at may mga tulo ang bubong ng tinitirahan mo dahil ang iba ay wala, homeless, nasa ilalim lamang sila ng tulay at sa kalye. Sa pagkain sa iyong hapag kainan ipagpasalamat mo kahit yan ay delata o gulay lang dahil ang iba ay nagkakalkal ng basura, kahit panis ay kinakain, wag ka ding magreklamo kung pagid ka na sa trabaho dahil ang iba ay wala at hindi matanggap sa trabaho dahil may kapansanan, mas mapalad ka sa bulag, pilay, pipi at bingi. Magpasalamat sa bawat umaga dahil ikaw ay buhay pa at walang mabigat na karamdaman.
Walang imposible sa Diyos: Sa ating ebanghelyo ay mababasa ang pagpapakain ni Hesus ng limang libo galing sa dalawang isda at ilang tinapay. Kapatid anuman ang iyong dasal o kahilingan ay ipagkakaloob ni Hesus KUNG IKAW AY SUMASAMPALATAYA. Kapag ikaw ay nagdasal tanggalin mo ang worry at pangamba, ibigay mo ang lahat ng tiwala kay Hesus, sapagkat pag ikaw ay nangamba pa ibig sabihin ay humihina ang iyong pananalig. Let go and Let God. ibibigay ito ni Hesus ng buong buo siksik lilig umaapaw sa oras na na nais nya.
Maging mahabagin at generous: Tularan natin si Hesus sa ebanghelyo ngayon, sya nagpakita ng pagiging mahabagin at generous sa mga taong sumsunod sa Kanya. Kaawaan natin ang mga mahihina, pulubi, may mabigat na karamdaman, ang mga bilanggo, ang mga ngugutom at nauuhaw at tulungan, tulungan sa paraang hindi ipinagyayabang, sapagkat kung ito ay pakitang tao lamang ay kinuha mo na ang iyong gantimpala mula sa lupa o sa tao ngunit kung ang pagtulong ay iyong ipaglilihim maging sa iyong matalik na kaibigan, ang Diyos sa langit ang magbibigay ng gantimpala sa iyo.
The provocation was very great; yet Moses expressed himself otherwise than became him. He undervalued the honour God had put upon him. He magnified his own performances, while he had the Divine wisdom to direct him, and Almighty power to dispense rewards and punishments.
Gospel today:
Jesus’ action here in Matthew 14:13-21 highlights and confronts this injustice of the Roman world with an action that enacts God’s will to feed hungry people and that anticipates the coming age in which God will supply abundant food. Matthew’s scene is set in a “deserted place” or a “wilderness place.” Jesus had another idea: feed them right here with what we have. Taking the five loaves and two fish the disciples had on hand, Jesus blessed and broke the loaves and gave them to the disciples. The disciples fed the crowds, numbering five thousand men, plus women and children.
This story prods us to get up out of our comfortable chairs and throw ourselves into offering our resources on behalf of a needy world. It calls us to remember and to anticipate, to stand in the story, looking back and looking forward to instances of divine nourishment.
sa unang pagbasa makikita natin ang UNGRATEFULNESS ng mga Israelita.
na tunay na hindi nalugod ang Diyos.
nawa sa kwentong nabasa natin ay maituwid natin ang pagiging reklamador natin sa buhay.
na anumang situation natin sa buhay,
may kakulangan o kasaganahan meron tayo, iwasan natin ito,
instead hingin natin ang tulong ng ating Diyos Ama.
anumang meron tayong kinatatayuan sa buhay ay napakalaking advantage na idudulot ito sa ating buhay pananampalataya sa ating Diyos.
sa isang banda mapalad ang mga Israelita na may leader sila- si Moises, na may pusong pagmamalasakit na namamagitan sa kanila dahil kung hindi tiyak na sila ay naubos na sa ilang at tunay nga hindi sila nakarating sa lupang pangako.
kaya mahalaga din hingin natin na bigyan tayo ng ating Diyos ng isang leader na tunay na may pagmamahal at malasakit sa kanyang bayan para sa ating kapakanan and for our next generation.
Dahil kung zng leader ng ating bayan sy may wisdom ng katulad ni Solomon, moises,at King David, tiyak lahat tayo din kalugod lugod sa paningin ng ating Diyos.
sa ating Banal na Ebanghelyo.
makikita natin na unless na ang isang tao na hindi makaririnig ng Salita ng Diyos ay parang isang batang ligaw sa isang parke na walang naririnig.
kaya makikita natin sila na nakarinig ng Pagpapahayag ng Paghahari ng Diyos ng ating Panginoong Jesus,
sila ay may pagtitiis, pagmamahal sa Salita ng Diyos, na kung saan naandun si Jesus ay naandun din sila.
na sa ating kapanahunan ay ang Banal na Misa, mga spiritusl fellowships,mga recollections, etc na iniooffer ng ating simbahan at iba pang mga tinawag ng ating Panginoon na magpapahayag ng Salita ng Diyos sa ilalim ng ating Banal na Simbahan.
na tulad nung ating mga ninuno ay dapat din nating kinauuhawan.
makikita din natin kung gaano tayo kamahal ng ating Diyos sa pamamagitan ng pagpapakain ni Jesus ng Salitang nagbibigay Buhay kahit buhsy pa Niya ay Kanyang inialay para sa ating kaligtasan.
kaya napaka halaga na bigyan natin ng tuon na pakainin natin ang ating espiritual na buhay, na kung paano natin pinapakain, pinagkakaabalahan ang material natin buhay-
na alam nating temporal ang lahat ng mga ito
mas higit nating pagtuunan na pakainin ang ating kaluluwa ng mga Salita ng Diyos na siyang magdadala sa atin sa Buhay ng Walang Hanggan kapiling natin si Jesus after this life on earth.
at mahalagang misyon din natin at maipakilala ang ating Diyos sa ating mga anak.
To Go be the Highest Glory.
Bilang patotoo ko sa buhay
tinawag ako ng ating Diyos at the age of 25 yo.
simula noon pinatatag ng ating Panginnon ang aming pananampalataya sa pamamagitan ng mga ipinaranas Niyang pagpapagaling sa amin physically, espiritually.
tulad ng iba najaranas kami ng ibat ibang uri ng illnesses,
subalit dahil sa Kanyang mga Salita ng inukit Niya sa aming mga puso ,
na sa pamamagitan ng MATINDING PANININDIGAN NAMIN SA KANYANG MGA BANAL NA SALITA, naranasan namin ang mga himala ng pagpapagaling ng Diyos.
Our God is true to His Promises.
Our God knows everything in us.
Our God is faithful, what He says ay tinutupad Niya sa mga naninindigan ng Kanyang Banal na Salita.
Our God is God Almighty.
Our God is with us, within us till the end of time. Amen.
Sa Unang Pagbasa, nakita natin ang pagod ni Moises sa harap ng reklamo ng bayan — isang pasaning halos hindi niya kayanin mag-isa. Sa Ebanghelyo naman, si Hesus ay dumanas din ng pagod matapos mabalitaan ang pagkamatay ni Juan Bautista, subalit pinili Niyang maglingkod at magpakain sa napakaraming tao. Sa kabila ng limitadong tinapay at isda, naghimala Siya upang mapunan ang kanilang pangangailangan.
Ito ang diwa ng pagkapari na makikita kay San Juan Maria Vianney — ang pag-aalay ng sarili sa paglilingkod kahit sa gitna ng pagod at kakulangan. Siya’y simpleng pari ng isang maliit na parokya, ngunit sa kanyang kababaang-loob, malasakit sa mga makasalanan, at panalangin, naging daan siya ng maraming pagbabalik-loob sa Diyos.
Pagnilayan: Katulad ng tinapay at isdang inalay sa Ebanghelyo, iniaalay ko rin ba sa Diyos ang anuman ang mayroon ako, kahit kaunti, upang maging pagpapala sa iba?
PAGNINILAY:
“Jesus, the Bread of Life”
Sa Ebanghelyo, nakita natin si Hesus na nagpapakain sa limang libong katao gamit ang limang tinapay at dalawang isda. Ang tagpong ito ay hindi lamang isang himala ng pagpaparami, kundi isang sacramental prefiguration ng Eukaristiya — kung saan si Kristo mismo ang nagiging pagkaing nagbibigay-buhay sa atin.
Kapansin-pansin ang tugon ng mga alagad: “Paalisin na po ninyo ang mga tao upang makabili sila ng pagkain.” Isang praktikal na mungkahi — ngunit hindi ito ang puso ng Diyos. Sa halip na itaboy ang nangangailangan, sinabi ni Hesus, “Kayo ang magpakain sa kanila.” Dito natin makikita ang tunay na mukha ng Diyos: hindi tumatalikod sa pangangailangan ng tao, kundi nakikibahagi at nagbibigay mula sa kung anong meron tayo.
Katulad ni Moises sa Unang Pagbasa, marahil marami sa atin ang napapagod sa bigat ng tungkulin o pagkakalinga sa kapwa. Humihingi tayo ng saklolo sa Diyos, tulad ni Moises na tila nawalan na ng pag-asa. Ngunit sa gitna ng pagod, ang Diyos ay palaging handang umalalay. Pinapaalala Niyang hindi natin kailangang mag-isa. Ibinibigay Niya ang biyaya upang mapunan natin ang pangangailangan ng iba.
Ang “Bread of Life” ay isang pamagat ni Hesus na mas malalim ang kahulugan kaysa pisikal na pagkain. Sa Juan 6:35, sinabi Niya:
“Ako ang Tinapay ng Buhay; ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman.”
Ito’y nagsasaad na si Hesus mismo ang katuparan ng mana sa ilang — ang pagkaing mula sa langit na ibinigay ng Diyos upang buhayin ang Israel. Ngunit ang tinapay na iniaalok ni Hesus ay hindi panandalian, kundi panghabambuhay na biyaya, isang banal na pakikibahagi sa Kanyang buhay at kaligtasan.
Sa tuwing tayo ay nakikibahagi sa Banal na Eukaristiya, hindi lamang tayo nakakatanggap ng simbolo, kundi isang tunay na karanasan na tinatanggap natin ang mismong katawan, dugo, kaluluwa, at pagka-Diyos ni Kristo — ang mismong Bread of Life. Ibinibigay Niya ang Kanyang sarili upang tayo ay mapuspos, mapatawad, at mapalakas sa ating misyon bilang mga alagad.
Aral na Mensahe ng mga Pagbasa:
Una. Si Hesus ay hindi lamang nagbibigay ng tinapay — Siya mismo ang Tinapay. Tayo ay inaanyayahan na tanggapin hindi lamang ang Kanyang mga biyaya kundi Siya mismo bilang sentro ng ating buhay.
Pangalawa. Ang tunay na kabusugan ay matatagpuan lamang kay Kristo. Marami tayong hinahanap sa mundo — kasiyahan, seguridad, kapangyarihan — ngunit tanging si Hesus lamang ang makakapuno ng ating pagkauhaw sa pag-ibig at katotohanan.
Sa panghuli, ang bawat Eukaristiya ay paanyaya na tayo rin ay maging “tinapay” para sa iba. Gaya ni San Juan Maria Vianney na ginugol ang kanyang buhay sa paglilingkod at pagbibigay ng Sakramento ng Pakikipagkasundo, tinatawag din tayo ni Kristo na magpakain sa kapwa — sa pamamagitan ng malasakit, pag-unawa, at sakripisyo.
Suriin natin ang ating mga sarili:
-Tayo rin ba ay bukas ang puso na ibahagi kahit ang kaunti nating meron para sa kapakanan ng iba?
-Kapag tayo’y napapagod sa paglilingkod o sa buhay, ugali po ba nating lumapit sa Diyos at nagpapahinga sa Kanyang presensya katulad ni Moises kung siya nabibigayan sa katigasan ng mga puso ng mga Israelita?
Panalangin: Panginoon, Ikaw ang Tinapay ng Buhay. Sa bawat pagtanggap ko ng Iyong Banal na Katawan sa Eukaristiya, palalimin Mo ang aking pananampalataya at pagsunod sa Iyo. Tulungan Mo akong matutong ibahagi ang aking sarili sa iba — gaya ng Iyong halimbawa. San Juan Maria Vianney, huwaran ng kababaang-loob at debosyon, ipanalangin mo kami. Amen.
Jesus, the Bread of Life, feed us and strengthen us.
Bigyan Mo kami ng lakas upang maging tinapay para sa iba.