Podcast: Download (Duration: 6:34 — 3.1MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa
Pinaaalalahanan tayo ng Panginoong may kahulugan lamang ang buhay natin kung iniuugnay natin ito sa pananampalataya’t pag-ibig sa kanya. Hilingin natin ito para sa atin at sa buong sangkatauhan:
Bukal ng lahat ng kabutihan, dinggin mo kami.
Nawa’y ang buong Simbahan, sa pamamatnubay ng kanyang mga pinuno, ay laging magbigay ng malinaw na halimbawa ng katapatan sa pagtataguyod sa mga pagpapahalagang makalangit. Manalangin tayo.
Nawa’y maging mabuting halimbawa ang lahat ng magulang at guro sa kanilang mga anak at mag-aaral sa pagtatampok sa mga pagpapahalagang moral at espirituwal. Manalangin tayo.
Nawa’y lahat ng nakaririwasa ay maglaan ng kanilang yaman sa ikatutugon sa mga pangangailangan ng kanilang mahihirap na kapatid. Manalangin tayo.
Para sa lahat ng kaparian: Nawa’y tularan nila ang sipag, kababaang-loob, at kabanalan ni
Juan Maria Vianney, na kanilang patron. Manalangin tayo.
Panginoong Hesus, ikaw lamang ang makapagbibigay-kahulugan at direksiyon sa aming buhay. Tibayan mo ang aming pananalig sa ipinangako mong gantimpalang walang hanggan at tulutan mong maging laging saksi ang aming pag-uugali sa aming pinananaligan. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.
Pages: 1 2
« Sabado, Agosto 2, 2025
Lunes, Agosto 4, 2025 »




{ 7 comments… read them below or add one }
Sa Ebanghelyo, isinalaysay ni Hesus ang talinghaga ng mayamang hangal. Ang aral o puntong nais iparating ng Panginoong Hesus sa pamamagitan ng pagsalaysay ng talinghagang ito sa mga tao ay huwag isentro ang buhay sa mga kayamanan dito sa daigdig. Lalo’t higit ang mga kayamanan at iba pang mga bagay dito sa daigdig ay lilipas lamang. Maglalaho ang lahat ng bagay dito sa daigdig. Kapag isinentro natin ang ating buhay sa mga bagay na iyan, mawawalan ito ng kabuluhan. Ang buhay na nakasentro sa mga bagay dito sa daigdig ay walang saysay.
Ang aral na tinalakay ni Kristo sa Ebanghelyo ay binigyan rin ng pansin sa Unang Pagbasa. Walang kabuluhan ang lahat ng gawain ng tao para sa kanyang sarili. Ang kanyang pagsusumikap at pamumuhanan ay walang saysay. Ang lahat ng gawin ng tao ay magdudulot lamang ng sakit at hinanakit. Para bang ipinapahiwatig na ang buhay dito sa lupa ay walang saysay.
Hindi naman pinatatamaan ng manunulat ng Unang Pagbasa ang kasipagan. Ang kasipagan ay napakahalaga. Subalit, nagiging problema lamang ito kapag ang bawat isa’y inuudyok na maging sakim. Kapag kasakiman na ang motibo ng bawat isa na maging masipag sa kanyang paghahanap-buhay at pagsusumikap, mababaluktot ang kanyang mga pananaw. Iisipin niyang kayamanan ang nagpapaikot sa daigdig. Para sa mga sakim, walang magpapakuntento sa kanila. Habang nabubuhay pa sila sa daigdig na ito, kailangan nilang paramihin ang kanilang yaman. Wala na silang ibang hinahangad kundi ang kamunduhan.
Isang halimbawa ng isang taong sakim ay ang mayamang hangal sa talinghaga ng Panginoong Hesukristo sa Ebanghelyo. Ang tanging hangarin ng mayamang hangal na ito ay pagyamanin ang kanyang sarili. Sarili lamang ang iniisip ng mayamang hangal na ito. Iniisip ng mayamang hangal na ito na umiikot sa mga yaman dito sa daigdig ang buhay. Isinentro niya ang kanyang buhay sa kanyang mga yaman. Kaya, ang kanyang buhay sa lupa ay walang kabuluhan, tulad ng pinagtuunan ng pansin sa Unang Pagbasa. Ang kanyang pagsusumikap at paghahanap-buhay ay walang kabuluhan dahil ipinagpalit niya ang Diyos sa mga bagay dito sa daigdig na lilipas lamang. Sa halip na isentro sa Panginoon ang kanyang buhay, isinentro niya ito sa mga kayamanang lilipas rin pagdating ng panahon.
Paano natin bibigyan ng kabuluhan ang ating buhay? Si Apostol San Pablo mismo ang sumagot sa tanong na ito sa Ikalawang Pagbasa. Sinabi niyang ang mga bagay na nauukol sa langit ang dapat nating isipin (3, 2). Isentro natin ang ating buhay sa Diyos. Isapuso’t isaisip natin ang mga turo’t aral ni Kristo. Talikdan at tutulan ang mga tukso’t pang-aakit ng laman. Papasukin natin ang Panginoon sa ating buhay at iluklok Siya bilang hari ng ating mga buhay. Pairalin natin ang Kanyang kalooban. Kapag iyan ang ating ginawa, magiging makabuluhan ang ating buhay.
Magiging makabuluhan ang ating buhay kung ang Diyos lamang ay nasa sentro nito. Kapag Siya ang naghari sa ating mga puso, kapag pinahintulutan natin ang Diyos na tuparin ang Kanyang kalooban sa pamamagitan natin, magkakaroon ng saysay ang ating buhay. Kapag ang mga bagay dito sa daigdig, na maglalaho lamang pagdating ng panahon, ay ginawa nating hari ng ating buhay, sinasayang natin ang bawat sandali ng ating buhay. Sayang ang buhay natin kapag ang Panginoon ay wala sa sentro nito. Siya lamang ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating buhay. Kung ang Diyos ay wala sa sentro ng ating buhay, walang saysay ang ating buhay.
Ipinaskil ni Anton Ocampo sa 7:00 PM I-email ItoBlogThis!
http://pagnilayannatin.blogspot.com/2019/07/walang-saysay-ang-buhay-kung-wala-ang.html
REFLECTION: This Sundays, the Readings stress to us on the real treasure.
In the First Reading (Ecclesiastes 1:2; 2:21-23), a man named Qoheleth, meaning “a man of the assembly”, appears to a crowd and speaks about the vanity of human wealth. He denounces the people who often focus their minds too much on riches, even after each work. In the Second Reading (Colossians 3:1-5, 9-11), Saint Paul tells us that we should reject modern idolatry, which are vices, but rather trust in the Lord Jesus Christ who died and rose again for our sake. In the Gospel (Luke 12:13-21), a man asks Jesus to convince his greedy brother to share the inheritance. In fact, it was during that time that when a father is about to die, he entrusts the property of his wealth to his sons. Then Jesus warned the man and the crowds about the danger of greed. He then tells the Parable of the Rich Fool. The rich fool spends his life in luxury and money. At harvest, he tears down the old barns to make larger ones, where the grain and other goods shall be stored, then he makes marry because of the riches he has. But then one night, God decided to take his life away. Then Jesus concludes the parable, addressing that we should focus not on human riches, but on the riches of God.
My dear brothers and sisters, the Readings may seem very difficult for us to perceive and understand. It somehow denounces the possession of riches. But actually, money is not a bad thing, for it moves to cultivate our lands, progress the properties, and lifts up the person’s ability to save for his/her wants and more importantly needs in life. That goes with human power, for this is used by the government to promote the common good among the citizens and to safeguard one’s country. What is being stressed out is one of the seven capital sins pointed out by Christ: greed. If we use money and human power for vices, more than satisfactions, and discrimination towards others especially the poor and marginalized, then we have become selfish and greedy. That is why the message for us is that amidst all of these riches, we should rely on the true treasure, which is God himself.
Saint Ignatius of Loyola was in a hospital undergoing an operation of his leg, which was wounded by a canon during the Battle of Pamplona. Inspired by the life of Christ and those of the Saints especially Saint Francis of Assisi, he left his career and dedicated his life to God. He founded the Society of Jesus, which their motto is to serve the people “for the greater glory of God”. Ignatius composed two prayers which are related to the Readings today: (1) Take And Receive and (2) Prayer For Generosity.
So as we journey down this road, may we realize that amidst all the riches and wealth we have, it is the Lord that remains to be our one and lasting treasure. Like Saint Ignatius of Loyola, may we examine our lives to him by acts of charity towards others.
Walang halaga ang mga pansamatalang bagay dito sa lupa; pahalagahan ang mga makalangit at pang habang panahon. Sa binyag tayo’y inampong anak ng Diyos, kaya’t di tayo para sa lupa kundi para sa langit. Hangarin ang mga kayamanang magdadala sa atin sa langit, hindi ang makamundong kayamanang maglalayo sa atin sa Diyos.
PAGNINILAY: Ngayong Linggong ito, tinuturuan tayo ng ating liturhiya kung paano ba natin pinapahalagaan ang Diyos nang higit sa anumang tao o bagay, lalo na na sa kanya nagmumula ang tunay na kayamanan.
Ang Unang Pagbasa ay ang pahayag ng Mangangaral na nangangalang “Kohelet” – na ibig sabihin “ang tao ng sambayanan” – na walang kabuluhan ang lahat ng bagay sa mundong ito. Ngunit ang taong puno ng karunungan at kalaaman tungkol sa mga bagay na maka-Diyos ay lalo pang pagpapalain ang kanyang buhay, subalit ang taong hindi naman pinaghirapan o pinagsikapan ang kanyang buhay ay walang kabuluhan ang mararating nito. Kaya ito ang babala ni Hesus sa Ebanghelyo dahil sa isang hiling ng lalaking ipabahagi ng panganay na kapatid ang ari-arian ng kanilang ama, na iwasan ang anumang uri ng kasakiman, sapagkat ang tunay na estado ng buhay ay hindi lang nababase sa mga pamamay-ari ng tao. Kaya narinig natin sa Talinghaga ng Mayamang Hangal na ang mayamang lalaki sa parabula ay nagpatanim ng ubasan at yumaman at nagpakasaya, subalit sa gabing iyon ay binawian siya ng buhay mula sa Diyos. At nagtapos ang ating Ebanghelyo sa pahayag ni Hesus na ganito rin ang kapalaran ng mga taong makamundo sa mga kayamanan ng mundo, ngunit hindi naman mayaman sa mga espirituwal na bagay na nagmumula sa Panginoon.
Ipinapaalala sa atin ni San Pablo sa Ikalawang Pagbasa na kung tayo ay nabinyagan at naging kasapi ng Simbahan dahil sa Misteryong Paskwal ni Hesus, sikapin natin ang buhay kabanalan sa paghahangad sa kanya at sa mga espirituwal na bagay na mabuti hindi lang sa ating pananampalataya, kundi sa ating pagkikilos at pamumuhay sa daigdig. Iwasan natin ang anumang uri ng kasamaan at kasalanan, at patuloy na magpunyagi tunay sa kagandahang-loob ng Diyos. Mga kapatid, ang mga ito ang nagpapatunay na sa Diyos lamang nakasalalay ang tunay na kaligayahan, at hindi sa mga makamundong bagay. Ngunit hindi naman siya taliwas kung ang tao ay gusto yumaman, magkapera, at bumili ng mga bagong gamit na maaring mapakinabangan niya, ng kanyang pamilya, o kaya ng mga taong nangangailangan. Ang pinupunto lamang ng ating mga Pagbasa ay huwag natin gamitin ang mga materyal na bagay bilang instrumento ng kasakiman, na pansariling kaligayahan lang ang iniisip, imbes ng pangangalaga natin sa ating sarili at sa ibang tao. Huwag tayong makipag-alipin sa makamundong kalakaraan ngayon, subalit ituon at buong tapat tayong manindigan at magtiwala sa tunay na kaligayahan, sa tunay na tanging yaman, na ang Diyos lamang ang makakapagbigay nito. At sa bawat pagtanggap natin ng mga kaloob na ito, gamitin natin ito para sa paggawa ng kabutihan at katuwiran, lalong-lalo na sa ating kapwa. Sapagkat ang paghahangad sa kayamanan ng Diyos ay pagbabahagi nito sa iba.
PAGNINILAY:
“Ang Tunay na Kayamanan ay Nasa Diyos, Hindi sa binibigay ngMundo”
Ang mga pagbasa ngayong Linggo ay sama-samang nagbibigay ng malinaw na babala: huwag tayong mabitag sa pagkakamali ng pagsandig sa kayamanang pansamantala, sapagkat ang tunay na buhay ay nasa Diyos. Sa gitna ng abala nating pamumuhay, inaanyayahan tayo ng Salita ng Diyos na muling suriin kung saan nga ba talaga tayo “mayaman” o ano nga ba ang ating pinagiimbakan dito sa lupa.
Sa Unang Pagbasa – Mangangaral (1:2; 2:21-23) ipinagdidiinan ang mga bagay sa mundo na “Walang kabuluhan! Lahat ay walang kabuluhan!” Ipinapakita ng may-akda ang kabiguan ng isang tao na buong buhay ay nagsikap, nagpakapagod, ngunit ang lahat ng kanyang pinaghirapan ay mapupunta sa iba. Minsan, iniisip nating sulit ang lahat ng pagsisikap kung may gantimpala ito sa dulo—pero kung ang dulo ay kamatayan at ang bunga ay hindi natin mapapakinabangan, ano ang saysay?
Katulad ng nabanggit sa mayamang lalaki sa Ebanghelyo sa talinghaga ni Hesus na nag-ipon ng kayamanan, nagtayo ng mas malalaking imbakan, ngunit namatay kinagabihan—iniwan ang lahat. Ang pagkakapareho? Ang buhay ay hindi nasusukat sa dami ng ari-arian, ang lahat ng pinaghirapan ay walang kabuluhan kung ang mga ito ay hindi naka-sentro sa Diyos.
Sa Salmo 89 – “Poon, amin Kang tahanan noon, ngayon, at kailanman.”
Ang salmong ito ay isang panalangin ng pagkilala sa temporary existence ng tao: “Ituro mo sa amin na bilangin ang aming mga araw, upang kami’y magkaroon ng pusong marunong.” Hindi kayamanan ang hinihingi rito kundi karunungan—karunungang espirituwal, karunungang alam kung ano ang mahalaga sa buhay.
Kitang kita ang ugnayan sa mga Pagbasa: Ang karunungang ito ang kulang sa mayamang lalaki sa talinghaga. Sa halip na magpasalamat at ibahagi ang kanyang biyaya, ipinundar niya ang lahat para sa sarili. Hindi niya binilang ang kanyang araw na kasama ang Diyos.
Ang mga ito ay pinatotohanan sa Ikalawang Pagbasa – Colosas 3:1-5, 9-11 sinabi ni San Pablo na “Ituon ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit, hindi sa mga bagay na panlupa.” Si San Pablo ay tahasang tumutuligsa sa pamumuhay na sakim, mahalay, at makamundo. Hinihikayat niya ang mga Kristiyano na hubarin ang lumang pagkatao at isuot ang bagong pagkatao—ang pagkataong hinubog ni Kristo.
Ang mayamang lalaki ay larawan ng taong hindi “namatay sa dating pagkatao.” Siya ay nabuhay para sa sarili, hindi para sa Diyos. Hindi siya naging “bagong nilalang kay Kristo.”
Sa panghuli, ang mahigpit na paalala ng Ebanghelyo – (Lucas 12:13-21) na hindi dapat nakatuon ang puso sa materyal na kayamanan. Ang tao sa talinghaga ay may kasaganaan, ngunit naging hangal sa mata ng Diyos sapagkat akala niya ang buhay ng tao ay umiikot lamang sa yaman. Ngunit ang buhay ay hiram lamang at ang pagkatao ay sinusukat hindi sa bank account kundi sa relasyon sa Diyos.
Ang SYNTHESIS / BUOD NG PAGNINILAY:
Ang Mangangaral ay nagpapakita ng pagod na walang saysay at kabuluhan. Ang Salmo ay humihingi ng karunungang espiritwal. Ang Colosas ay nag-aanyaya ng pagbabagong-buhay kay Kristo. At ang Ebanghelyo ay nagbubunyag ng hangal na puso ng isang taong na naging mayaman sa mundo ngunit dukha sa kaharian ng Diyos.
Tanong sa ating sarili: Sa pagtatapos ng ating buhay, ano ang laman ng ating kaban—ari-arian o kabutihan? Naipon ba natin ang kayamanan sa langit o sa mundo lamang?
Panalangin:
Panginoon, Turuan Mo kaming mag-ipon ng kayamanang hindi nauubos, iyong kayamanang hindi inaagnas ng panahon—kundi ngpag-ibig, pananampalataya, at kabutihan. Huwag Mo kaming hayaang malunod sa kasinungalingan ng materyalismo. Punuin Mo ang aming mga puso ng tunay na karunungan upang mamuhay na may kahulugan, may layunin, at may Diyos sa sentro ng lahat. Amen.
MAGNILAY: Minumulto si Herodes ng nakaraan niyang kasalanan na akala niya natakasan na niya at lusot na siya. Si Hesus ang nagpaalala ng lahat niyang pagkakasala lalo kay Juan Bautista. Bagamat pinakamakapangyarihan pero pinatunayan lang niya na siya ang pinakamahina at pinakaduwag. Ginamit sana niya ang pribilehiyo ng kapangyarihan para gawin ang tama at sugpuin ang masama pero kabaligtaran ang nangyari. Hindi rin natin matatakasan ang mga kasalanan gaano man natin ito itago at ilihim. Pananagutan natin ito. Hangga’t may pagkakataon ituwid na natin ang mali. Anumang kapangyarihan meron tayo gamitin natin para gawin ang tama.
MANALANGIN: Panginoon, tulungan mo akong harapin ang mga naging mali ko sa buhay.
GAWIN: Matakot sa multo ng mga kasalanang ayaw mong panagutan.
Sa mga pagbasa ngayong Linggo, malinaw ang paanyaya ng Diyos: huwag tayong kumapit sa mga bagay ng mundong ito, sapagkat ang lahat ay lilipas. Sa Aklat ng Mangangaral, binigyang-diin na ang pagod ng tao upang mag-ipon ng kayamanan ay nauuwi lamang sa walang kabuluhan. Ipinapaalala ng Salmo na tanging sa Diyos mayroong tunay na tahanan at katiwasayan, kaya’t nararapat lamang na hingin natin sa Kanya ang karunungang magtuturo kung paano mamuhay nang may saysay.
Itinuturo naman ni San Pablo na ang buhay natin, bilang mga hinirang kay Kristo, ay dapat naka-angat sa mga bagay na makalangit, hindi sa makamundo. At sa Ebanghelyo, tinuligsa ni Hesus ang kasakiman ng tao sa pamamagitan ng talinhaga ng isang mayamang lalaking inipon ang lahat para sa sarili, ngunit namatay nang hindi inaasahan. Paalala ito na hindi masama ang magplano o mag-ipon, ngunit kung wala ang Diyos sa gitna ng ating layunin, ang lahat ay magiging walang kabuluhan.