Huwebes, Marso 20, 2025

March 20, 2025

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Kuwaresma
Huwebes

Habang inaalaala natin ang mga pangangailangan ng mga dukha, lumapit tayo sa ating Diyos na nagbahagi sa lahat ng kanyang kayamanan sa pagsusugo ng kanyang Anak sa mundo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng mga dukha, pagpalain Mo kami.

Ang Simbahan nawa’y ipadama ang habag ni Kristo sa mga dukha na nagpupunyagi para sa isang higit na makatarungang lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga natutuksong maging alipin ng kayamanan at kapanatagang dulot ng mga materyal na bagay nawa’y makaunawa na nagmumula ang espiritwal na kahirapan sa pagtangging magbahagi sa kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y tumanggap ng biyayang magpakita ng awa at habag, pag-unawa at pagiging bukas-palad sa mga nangangailangan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y palakasin ng init ng mapagmahal na presensya ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y makabahagi sa kaligayahan at kapayapaan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, sa iyong pag-ibig at habag, puspusin mo kami ng iyong nag-uumapaw na kabutihang-loob at tulungan kaming dumamay sa mga kapuspalad. Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 8 comments… read them below or add one }

Reynald Perez January 22, 2021 at 10:39 am

Pagninilay: Ang Panahon ng Kuwaresma bilang 40 araw ng paghahanda para sa Semana Santa at Pasko ng Muling Pagkabuhay ay panawagan sa atin patungo sa katapatan. At ang pagiging matapat ay makikita natin sa paggawa ng kabutihan sa kapwa. Subalit ang 2 Pagbasa ay tila’y nagpapakita ng kasalungat ng pagpapahalaga ito mula sa kasaysayan ng Israel at ang kapanahunan ng ating Panginoong Hesukristo.

Ang Unang Pagbasa mula kay Propeta Jeremias ay isang babala ng Panginoong Diyos laban sa bayang Juda sa pagiging masuwayin sa kanyang utos. Hindi natutuwa ang Panginoon dahil ang kanyang bayan ay tumatalikod sa kanya. Subalit ipinapahayag din dito na ang mga matuwid at may matatag na pananampalataya ay magkakaroon ng masaganang buhay. Kaya tayo ay inaanyayahan na magbalik-loob sa kanya at gumawa ng tama at mabuti.

Ang Ebanghelyo ay isang parabula ni Hesus tungkol sa Mayamang Lalaki at ang pulubing si Lazaro. Makikita dito ang dalawang katauhan ang isang mayaman (sa wikang Latin “Dives) at ang isang mahirap (sa wikang Latin “pauper). Si Lazaro ay kumakain lamang mula sa mga tirang mumog, at ang mga aso ay dumidila sa kanyang mga sugat. Samantala ang mayamang lalaki naman ay nakikipagsaya sa anumang kayamanang mayroon siya, ni hindi niya nabatid ang pulubi sa tabi ng kanyang pintuan. Kaya nang kapwa silang mamatay, ang mayaman ay naninginas sa apoy ni Gehena, samantala si Lazaro ay guminhawa sa kaluwalhatian ng langit. Kaya humiling ang lalaki kay Abraham na ipasugo si Lazaro sa kanyang bahay upang isawsaw ng daliri nito sa tubig upang hindi siya’y magduasa sa mga apoy.

Subalit ipinaalala ni Abraham nung ito’y namumuhay, ang naranasan niya ay ginahawa dahil sa mga ari-arian, samantala si Lazaro na nagmamalimos ay halos kakaunti o walang ginahawa. Kaya gusto ng lalaki na bigyang babala ang kanyang mga kapatid upang hindi sila’y magdusa katulad niya. Subalit ipinaala ni Abraham na kung hindi sila makikinig kina Moises at ang mga propeta, hindi sila maniniwala na mayroong muling pagkabuhay.

Makikita dito na kaya ang mayamang lalaki ay nagdusa sa impiyerno ay hindi dahil niyurakan niya si Lazaro, kundi malaki ang pagkukulang niya na bigyan ng pulubi ng bahagi ng kanyang ari-arian. Kaya ito yung tinatawag sa wikang Ingles na “sin of omission”. Kahit ang pagkukulang natin sa paggawa ng tama at mabuti ay isa ring kasalanan kung dapat manaig ang maganda ayon sa pamantayan ng ating Maykapal.

Kaya ngayong Panahon ng Kuwaresma, nawa’y sikapin natin na pahalagahan ang mga tamang gawain at mabubuting tungkulin tungo sa ibang tao, lalung-lalo na sa mga “Lazaro” na kinakailangan ng ating tulong.

Reply

Jojo Calderon March 4, 2021 at 5:51 am

Likas sa ating mga tao ang patunay bago tayo maniwala at magtiwala. Kagaya na lang ng isang mayamang hangal na nagpasasa sa kanyang kayamanan at gusto ng patunay upang maniwala sa paghahari ng Diyos. Karamutan, ito halimbawa ng kasalanan at itoy kusang loob na ang pagtulong sa kapwa ay makakatulong sa ating kaligtasan ng kaluluwa. Ang oagtulong sa kapwa ang kapalit ay buhay. Ang mayamang ito walang ibang kasalanan, hindi siya pumapatay, hindi sya nangalungya, sya ay mapagmahal sa kanyang mga kapatid . Ngunit hindi niya nauunawaan ano ang ibig sabhin ng humilidad na tumulong sa mga aba…Tayo minsan ay nakakalimot din sa ating kapitbahay , kumunidad sa simbahan , sa kalsada, tayo ay nagbubulagbulagan na kailangan pala nating tumulong sa kapwa.

Reply

Sherwin D. Yanoria March 4, 2021 at 6:32 am

Sabi nga ay, nasa huli ang pagsisisi. Kadalasan sa buhay, hindi alam ang kahihinatnan ng isang kilos, hangga’t hindi ito umaabot sa dulo. Ngunit kahit ito ay alam nilang mali, ginagawa pa rin lalo na kung walang nakakakita at nakakalusot. Lahat ng bagay ay may hangganan. Kaya nga gagantimpalaan tayo ng Diyos ayon sa ating ginawang kabutihan, may nakakakita man o wala. Nunit tiyak na kaparusahan sa mga taong gumagawa ng masama. Alam ng Diyos ang ating nasa puso at isip bago pa man ito gawin. Kaya paglabanan ang tukso, at iwaksi ang paggawa ng masama.

Reply

Annonymous March 4, 2021 at 8:53 am

Mapagpalang umaga po! Maari po ba magtanong? Ngunit paano po kung ang iyong tinutulungan, sa tingin mo ay namimihasa na. Hindi na siya gumagawa ng sarili niyang paraan at umaasa na lang sa tulong ng iba?

Maraming salamat po.

Reply

Ellen Puso Soriano March 9, 2023 at 5:47 am

Ang pagtulong kinakailangan ipamulat sa tamang pamaraan sa pangkabuhayan higit sa lahat ang salita ng DIOS ay ipahayag sa mga taong umaasa lamang sa mga tulong pang material o financial. Upang silay matutung kumilos at gawin ang tamang pamamaraan sa pamumuhay. Hwag hayaang abusuhin tayo dahil lang sa gusto nating makatulong. Kundi gawin ang tama at at nararapat. Itoy nangyayari lamang sa tulong ng DIOS at sa kanyang mga banal na aral. Na siyang gabay sa paggawa ng mabuti sa ating kapwa. Sapagkat ito ang utos ng panginoon.. Ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng pag-ibig mo sa iyong sarili.. At ibigin mo ang dios buong PUSO at kaluluwa.. Buo ang nais ng dios hindi kalahati o pangsamantala kundi habang buhay. At gawin ang tama at mararapat upang katulad ni Lazaro siya kapiling sa kaharian ng DIOS, samantalang ang isang mayamang nagpasasa sa kanyang kayamanan ay nagtiis sa apoy ng impyerno..

Panginoong JESUS MARAMING SALAMAT SA MINSAHI MO. NAWAY MAKAPUKAW ITO SA AMING ISIPAN SA PAGGAWA NG MABUTI SA AMING KAPWA, AT MATUTUNG SUMUNOD SA IYONG MGA UTOS.. TULONGAN MO KAMI AT PATAWARIN SA LAHAT NAMING KASALANANG NAGAWA ISIP AT SALITA

AT IADYA MO KAMI SA LAHAT NG MASAMA AMEN..

Reply

SAINTSPOT March 9, 2023 at 5:41 am

PLEASE SHARE AND SUBSCRIBE
https://youtube.com/watch?v=J1BygugjsXI&si=EnSIkaIECMiOmarE

GOSPEL REFLECTION:
Isa sa mga dahilan kung bakit napakalakas ang dating ng kuwentong ito ay dahil sa malinaw na paglalarawan ng pagkakaiba sa pagitan ng mayaman at ni Lazarus. Ang malaking kaibahan ay yung naging resulta ng kanilang buhay.

Alin ang nais mong maging, isang mayaman na namumuhay ng comfortable o mahirap lang na umaasa sa grasya?

Bagamat ang materyal sa mundo ay hindi masama sa loob at labas nito, may malaking tukso na kasama nito. Sa katunayan, hindi dapat balewalain ang malinaw na mapang-akit sa kayamanan at ang epekto nito sa kaluluwa. Yaong mga mayaman sa mga bagay ng mundong ito ay madalas na natutukso na mamuhay para sa kanilang sarili kaysa mabuhay para sa iba. Kapag nasa iyo ang lahat ng kaginhawaan na maiaalok ng mundong ito, madaling tamasahin ang mga kaginhawaan na iyon nang walang pagmamalasakit sa iba. At iyon ang malinaw na nakakaligtaang kaibahan.

Kahit mahirap, malinaw na mayaman si Lazarus sa mga bagay na mahalaga sa buhay. Malinaw na sa kanyang materyal na kahirapan, siya ay mayaman sa kawanggawa. Ang taong mayaman naman ay malinaw na mahirap sa pagkakawanggawa dahil nakatuon lang sa kanyang. Wala ang walang hanggang gantimpala. Wala ang pag-ibig. Wala.

Pagnilayan, ngayon, ang iyong ninanais sa buhay. Kadalasan, ang mga panlilinlang ng materyal na kayamanan ay nangingibabaw na ating pagnanasain. Sa katunayan, kahit na ang mga may kaunti ay madaling kainin ng pagkagahaman. Kayat hanapin at hangarin lamang ang walang hanggan. Hangarin ang pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapwa. Gawin mo itong tanging layunin sa buhay at sasamahan ka ng mga anghel.

Ikaw Panginoon ang aking tunay na kayamanan, pinili mong maging mahirap sa mundong upang ipakita sa amin na ang tunay na yaman pag-ibig at hindi ang mga materyal na bagay. Tulungan Mo akong mahalin ka aking Diyos, nang buong puso’t kaluluwa at mahalin din ang iba tulad ng pagmamahal Mo sa kanila. Nawa’y bigyan mo ako ng karunungan na unahin ang espirituwal na kayamanan na siyang tanging yaman na aking aangkinin para makamtan ang buhay na walang hanggan. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

Reply

Mel Mendoza March 19, 2025 at 11:36 pm

PAGNINILAY:
“Reckoning”

Sa Ebanghelyo ngayon, isinalaysay ni Hesus ang kwento ng isang mayamang lalaki at ng pulubing si Lazaro. Ang mayaman ay nagtamasa ng marangyang buhay, habang si Lazaro, na puno ng sugat at gutom, ay nakahandusay sa labas ng kanyang tahanan, umaasang makakakain man lang ng mumong nalalaglag mula sa hapag. Nang kapwa sila pumanaw, si Lazaro ay dinala sa piling ni Abraham- bilang gantimpala, samantalang ang mayaman ay nagdurusa sa Hades- bilang kaparusahan. Ang talinghaga ay pagpapakita na ang lahat ay may katapusan- the day of reckoning.

Ang kasalanan ng mayaman ay hindi dahil sa siya ay mayaman kundi sa kanyang pagkukulang na tumulong kay Lazaro—isang kasalanang pagkukulang o “sin of omission”. Hindi niya pinalayas si Lazaro, hindi siya naging marahas sa kanya, ngunit pinabayaan niya ito. Hindi niya ginamit ang kanyang kayamanan upang tumulong sa nangangailangan. Hindi siya naging mabuting katiwala ng pinagkaloob sa kanya.

Ang talinghaga sa Ebanghelyo ay pagsasalarawan ng isang magkasalungat na estado ng mga tao sa lipunan. Ito ay sumisimbolo sa patuloy na lumalaking pagitan ng mga naghihikahos at mga nagpapasasa sa buhay. Ang huli ay ang siyang maaring dahilan ng pagdurusa ng una. Walang nabanggit sa Ebanghelyo na may nangyaring pangaapi pero ang malinaw nilalarawan nito ang pagwawalang bahala ng maykaya sa buhay sa pangangailangan ng mga naghihikahos sa buhay. Masakit man sabihin, pero tunay na umiiral sa ating kasalukuyang mundo.

Sa simula palang ng araw ng Kuwaresma noong Miyerkules ng Abo, ay pinaalalahanan na tayo ng Ebanghelyo tungkol sa pagsisisi, pananalangin, paglilimos, at pagaayuno. Kaya naman ang mga pagbasa sa araw na ito ay isang panawagan tungkol sa pagpapakita ng kawanggawa, at pagpapakita ng awa sa ating kapwa.

Maraming pagkakataon sa ating buhay na maaaring hindi natin namamalayan ang ating mga pagkukulang. Maaaring hindi natin sinasadyang makasakit, pero nagkukulang tayong gumawa ng mabuti. Kapag may nangangailangan ng tulong, pero ipinagkikibit-balikat lang natin, kapag may nangangailangan ng pang-unawa pero hindi natin binibigyan ng pansin, kapag may dapat tayong gawin ngunit pinipili nating hindi kumilos—ito ay mga kasalanang pagkukulang.

Sa ating buhay-Kristiyano, tinatawag tayong hindi lamang umiwas sa kasamaan kundi gumawa ng mabuti. Sa dulo ng buhay natin sa mundo, hindi lamang tayo huhusgahan sa masasamang ginawa natin kundi pati na rin sa mga kabutihang hindi natin ginawa.

Pagsusuri ng sarili:
1. Mayroon bang pagkakataon sa aking buhay kung saan ako nagkulang sa paggawa ng mabuti sa aking kapwa?
2. Paano ko mas mapapansin at matutulungan ang mga “Lazaro” sa aking paligid?
3. Ano ang magagawa ko upang maging mas sensitibo sa pangangailangan ng iba?

Manalangin tayo. Panginoon, buksan Mo ang aking puso upang maging mas mahabagin sa aking kapwa. Tulungan Mo akong makita ang mga nangangailangan at bigyan ako ng lakas upang hindi lamang umiwas sa kasalanan kundi aktibong gumawa ng kabutihan. Amen.

Reply

Rosalinda M. Jubilado March 20, 2025 at 9:34 am

sa unang pagbasa at salmo kung babasahin natin at lilimiing mabuti makikita mo ang iyong SARILI kung ikaw ba ay namumuhay sa makamundong buhay o namumuhay ka ayon sa Banal na Kalooban ng ating Diyos.

ang taong namumuhay ayon sa Banal na Kalooban ng Diyos ay:
• tiyak gagatihan ng Diyos
• tiyak gagantimpalaan ng Diyos
•pagpapalain ang lahat ng nananalig at umaasa tangi sa Diyos.
•nagsasaliksik, nagninilay sa Salita ng Diyos 24 hours a day- meaning every word you speak, everything you do, every thought you think is all for the Glory of God.
•that God Almighty is our Greatest Protector if you do His Holy Will ALL THE TIME OF YOUR LIFE.
• THAT ALL THE TIME WE MUST BE AWARE ang laman ng ating puso…may KATAPATAN ba ito sa Salitang nagbubuhat sa sting Diyos. bec we are judge according sa laman ng ating puso at nalalaman ito mula sa ating bibig at gawa.
•shares his blessings : time, talent, treasures.anything that is in excess of your treasures is no.longer for you but it was given unto you to share it to the unfortunate that you meet everyday.. ang taong may tunay na pananalig at pag-asa sa Diyos nakalagak ay walang takot mawalan, maubusan bec truly.God is his only riches.
•ang umiibig sa Diyos ay umiibig sa kapwa.be aware: you can give without love but you csnnot love without giving. ang ibig ng Diyos ay bawat sinasabi mo, ginagawa mo is all out love from your heart. ibig ng Diyos na tularan natin Siya. minahal tayo regardless of who we are: ang Diyos ay hindi nagtatangi. lahat tayo ay pantay sa Kanyang paningin. kaya nga sabi ng ating Diyos: come to me as you are and in MY PERFECT LOVE I WILL PERECT YOU.
•ESTABLISH INTIMATE RELATIONSHIP WITH GOD. ang taong may intimate relationship sa Diyos; msy daily prayers, daily readings of Gods Words, daily prayer to the Holy Spirit, and remember every word we speak, everything we do, every path we wslk MUS BE A PRAYER TO GOD.

Ang taong namumuhay ng makamundong pamumuhay ay:
• ungrateful to God
• disobediece to the Holy Will of God
•disobediece to parents, to the authorities given by God.
•walang panahon makinig sa Diyos.
•busy sa pagpapayaman sa mundong ito.
• ang puso at isipan ay ipunin lahat ang kinikita para sa.kinabukasan niya. hindi nagbabalik ang para sa Diyos st naglalaan para sa.kapwa.
• walang pagmamahal, malasakit sa kapwa, sa bayan, sa nature, sapagkat tayo ay mga katiwala lamang ng Diyos. ang iniipon mong kayamanan ay hindi sa atin, tayo ay alulod lamang ng lahat ng mga ito.
• ang hindi naglalagak ng pananalig, pagtitiwala sa Diyos tiyak siya ay kabilang sa mundong ito tulad ng mayaman na napunta sa Hades.

mga kapatid , may panahon pa tayo, ang impyerno at buhay na walang hanggan sa piling ng ating Diyos ay totoo.
piliin natin ang kaligtasan ng ating kaluluwa.
huag natin mahalin ang inaalok ng mundong ito.
ang lahat ay may hangganan
lahat tayo ay mamamatay
at habang tayo ay nabubuhay ay pagkakataon kaloob sa atin ng Diyos.
we cannot mock God. He knows everything in our heart. be perfect and pure of heart.
God bless us all.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: