Podcast: Download (Duration: 8:56 — 6.3MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Kuwaresma
Patnubay sa Misa
Sa buhay natin ay napakaraming tukso, at kung minsan, tayo’y natitisod at nadarapa. Buong pagpapakumbaba at pagtitiwala nating hilingin sa Panginoon ang biyayang pahalagahan natin ang ating pananagutan at misyon sa buhay na tulad ng ginawa ni Hesus:
Panginoon, dinggin mo kami!
Para sa Inang Simbahan: Nawa’y manatili siyang tapat sa kanyang misyong magpahayag at magbigay-saksi sa Ebanghelyo sa kabila ng kahinaan ng marami niyang kasapi. Manalangin tayo!
Para sa Santo Papa, ating Obispo, at lahat ng namumuno sa atin: Nawa’y itaguyod nila ang mga pagpapahalagang espirituwal sa harap ng patuloy na panunuligsa ng materiyalismo, kalayawan, at komersiyalismo. Manalangin tayo!
Para sa lahat ng ating mga manggagawang pangkalusugan na tumutulong sa lahat ng may kapansanan: Nawa’y magtiyaga sila sa kanilang propesyonal na pangako at magtanim ng pag-asa sa mga nanghihinawa at nawawalan ng tiwala. Manalangin tayo!
Para sa lahat ng kasapi ng ating pamayanan, lalo na ang mga pamilyang matinding naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin: Nawa’y ang Panginoon ang kanilang maging pinakadakilang
kaibigan at saligan. Manalangin tayo!
Para sa lahat ng pamilyang hindi nagkakasundo nawa’y makatagpo sila ng lunas sa kanilang mga sugat sa pamamagi ng kapatawaran, pagtuklas sa yamang panloob na taglay ng bawa’t isa, sa kabila ng kanilang nagkakaibang pananaw, manalangin tayo!
Panginoong Hesus, bukal ng aming pag-asa at kaligtasan, panatilihin mo kaming laging tapat sa
iyo sa lahat ng pagsubok at tukso upang makabahagi kami sa iyong tagumpay. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpasa walang hanggan.
Amen!
Pages: 1 2
« Sabado, Marso 8, 2025
Lunes, Marso 10, 2025 »




{ 10 comments… read them below or add one }
Sa unang pagbasa iniutos ni Moises ang pag-aalay sa altar bilang pasasalamat sa Diyos na sa ksnila’y nagpapala.
Sa salmo ipinaaalala sa mga mananampalataya na sinumang sa tapat sa Diyos ay kanyang ililigtas sa anumang dusa.
Sa ikalawang pagbasa na ang sinumang manalig sa Panginoon sa kanyang puso ay mapapawalang sala at sinumang nagpapahayag nito sa kanyang labi ay maliligtas.
Sa ebanghelyo sa 40 days na pag aayuno ay tinukso ng diablo ang Panginoong Jesus. Ngunit mula sa kasulatang salita:”Huwag mong subukin ang Pangunoong mong Diyos!” nilisa ng diablo si Jesus.
Reflection; Sa kabuuan ipinaaalala sa atin ng Diyos ang kapangyarihan ng pananampalatayang nasa puso natin pagkat magmumula dito ang pagpapahayag natin sa kapangyarihan ng Diyos maging sa diablo ganun din ng tungkulin nating mag alay ng mula sa puso na siyang kalugod lugod sa Diyos.
Dalangin: Ama namin sa langit tulungan mo kaming maging matapat sa iyo; manalig ng taos-puso upang mula sa puso matapang naming maipapahayag ang mga salita mong maliligtas sa tanan. Ito’y samo’t dalangin namin sa pangalangan ng iyong anak na si Jesus na aming Pangunoon. Amen.
Pagninilay Lukas 4:1-13
Katawan, Kapangyarihan, at Kayamanan
Sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay, ako’y naantig sa Salmong Tugunan, “Poon ko, ako’y samahan sa dusa at kahirapan”, Isang panalangin ng pagtitiwala sa ating paglalakbay sa misteryo ng pagpapakasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay ng ating Panginoon na atin ding nararanasan sa ating buhay. Tayong lahat ay nagdurusa sa ating paligid, sabi nga sa kanta ng ASIN, “Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran? Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin”, iyan ang aking inaawit habang nadadaanan ang mga basura sa ilog palabas ng Divisoria. Mga iba’t-ibang basura na nakalutang sa tubig malapit sa mga bahay. Nakakatuwang pagmasdan maligo ang mga bata sa inaayos na kalsada kung saan kulay milo o ovaltine ang tubig na mababaw; mga damit na isa ng basahan sa alikabok. Asan ang mga taong dapat nag-aalaga sa ating kapaligiran? Ang mga magulang na dapat nag-aalaga? Nabanggit din ang Kahirapan, anong awa ko sa bago kung kaibigan na ang asawa ay maysakit sa hospital. Aanhin mo ang pera kung nakikita mo ang iyong mahal na lumalaban sa kanyang masakit na sakit. Hindi na alam kung saan maghahanap ng dugo na magpapatuloy ng buhay ng kanyang asawa’ kahit ang anak ay kailangang magsakripisyo mabuhay lang ang inang pinakamamahal. Tumingin ka naman sa iyong paligid, Nakikita at nararamdaman mo din ba ang dusa at kahirapan ng iba?
Sa ating Ebanghelyo, ipinakita ni Hesus ang kanyang katatagan bilang isang tao. Hindi siya nagpasindak na labanan ang tukso ng Diyablo. Bilang kanyang mga tagasunod tayo rin ay maykakayanan na kontrolin ang diyablo sa ating buhay sa pamamagitan ng pagdarasal kung saan nagsisimula ang araw n gating Panginoon. Sa ating pagdarasal kakambal nito ang Gawain ng paggawa ng mabuti sa paglaban ng tukso. Ang tukso ay hindi pa kasalanan, ito’y nagiging masama kung tayo’y nagpatukso dito na nagiging dahilan ng paglayo natin sa ating Panginoon. Halimbawa, ang dami nang ating kinakain ngunit nakakalimutan natin na meron tayong mga kapatid na walang makain. Tayo ay makapangyarihan ngunit nakakalimutan natin na tulungan ang iba na magkaroon ng trabaho at magkaroon ng sapat na sahod. Tayo ay may maraming yaman, malalaking bahay, at sasakyan ngunit nakakalimutan natin na maraming tao ang walang makain, walang laruan, nagiging dahilan tayo ng traffic sa kalsada, at marami pang iba. Asan ka dito? Saan ka higit na natutukso, sa kahinaan ng katawan, mataas na kapangyarihan, o maraming kayamanan? Anong dapat gawin para mabawasan ang dusa at kahirapan ng iba? Kung kinaya n gating Panginoon na malagpasan ang mga pagsubok na ito, kakayanin rin natin. Amen.
Katanungan:
Gusto makahingi ng mas malalim na pagka-unawa dito:
Ang “tukso ay hindi pa kasalanan”, ito’y nagiging masama kung tayo’y nagpatukso dito na nagiging dahilan ng paglayo natin sa ating Panginoon.
Para sa akin po ang salitang “tukso” ay isa ng kasalanan. O masama eto. Umaasa po sa inyong tugon tungkol dito.
bro ronald
SJP2 Parish-SJW Chapel MPC
PAGNINILAY: Sinimulan natin noong Miyerkules ng Abo ang Panahon ng Kuwaresma sa pagpapahid ng abo sa ating mga noo. Natunghayan natin na ang mga abong iyon ay simbolo ng ating pagkatao na may hangganan ang ating buhay, subalit may buhay na walang hanggan kung tayo ay tunay na nagsisisi at nagbabalik-loob sa Panginoon.
Ngayong Unang Linggo ng Kuwaresma, palagi nating naririnig sa Ebanghelyo ang salaysay ng Pagtukso ng Diyablo sa ating Panginoong Hesukristo (Taon K ayon kay San Lucas). Matandaan natin na matapos binyagan si Hesus sa Ilog Jordan, siya’y dinala ng Espiritu patungo ng disyerto. Dito siya’y nag-ayuno sa loob ng 40 araw at gabi hanggang sa punto na siya’y nagugutom. Kaya lumapit ang Diyablo sa kanya at nag-alok ng 3 tukso. Una ay ang tukso ng kasiyahan sa paghiling ng Diyablo na gawin ni Hesus ang mga bato para maging tinapay. Subalit ang tugon ng Panginoon ay hindi nabubuhay ang tao sa tinapay lamang. Ikalawa ay ang tukso ng kayabangan sa pagpapamana ng Diyablo ng lahat ng kaharian kung si Hesus ay magpapatirapa at sasamba. Subalit ang tugon naman diyan ng Panginoon ay ang Diyos Ama ang tanging dapat sambahin. At ang ikatlo ay ang tukso ng kapangyarihan na nais ng Diyablo ipagtihulog ni Hesus ang kanyang sarili upang sasagipin daw kamo siya ng mga anghel. Subalit sa huling pagkakataon ay tugon ng Panginoon ay hindi pwedeng subukin ang Diyos Ama. Kaya natalo ang Diyablo, at si Hesus ay pinangalagaan ng mga anghel.
Makikita natin sa 40 araw na pag-aayuno ni Hesus sa disyerto ang pakikiisa niya sa ating pagkatao bagamat siya rin ay may kalagayan na pagka-Diyos. Subalit ginawa ito upang iako ang ating pagkatao patungo sa Diyos. Siya ay ang bagong Adan na hindi katulad ng unang Adan na nagsuway sa utos ng Panginoong Diyos, siya naman ay naging masunurin sa dakilang kalooban hanggang sa kanyang kamatayan sa Krus. Tinuro niya tayo na labanan natin ang mga tukso ng buhay. Ang tukso ay hindi pa kasalanan, subalit kung tayo ay magbibigay rito, iyan ay isang ganap na pagkakasala.
Kaya ang Panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagpapanibago ng ating kalooban upang mas maging matatag ang ating relasyon sa Diyos at kapwa-tao. Patuloy tayo sa paggawa ng kabutihan at nawa’y talikdan natin ang mga masasamang gawain.
Sa unang linggo ng kuwaresma, ang ebanghelyo ay tungkol sa pagtukso kay Hesus. Ang Kuwaresma ay isnag paghahanda natin sa pasko ng pagkabuhay ni Hesus at ito rin ay para sa ating dadaanan at tatahakin landas upang makamit natin ang muling pagkabuhay namamakasam natin ang ating Ama. Ngunit ito’y hindi madali para sa atin, dahil kahit si Hesus tinukso ng Diabolo upang hindi niya makamit ang gantimpala ng Ama. Ang Tukso ay galing sa Diablo, dahil ang hangarin nito ay ilayo tayo sa Diyos , upang magkasala. Kayat ang Tukso ay galing sa Diablo. Ngunit ipinakita ni Hesus , kahit siya Diyos, siya tinukso, dahil si Hesus ay tunay rin tao. Kaya’t ang kayang tuksuhin ng diabolo ay tao.. Ngunit napagtagumpayan ito ni Hesus bilang tao, ay siyang ating magiging sandata para mapaglabanan ang tukso. Anu una ay si Hesus ay puspus ng Espiritu Santo. Doon natin makikita na si Hesus bilang tao , siya puspus ng Espiritu Santo. ibigsabihin ay walang puwang di kulang., kaya’t hindi nakapasok ang diablo sa kalooban ng Hesus bilang tao. Ito paalala sa ating kapag tayo ay puspus ng Espiritu Santo tayo ay puno ng katotohan at liwanag, Ngunit kung walang sa katotohaan, at wala sa liwanag , madalin kayang mahulog sa Tukso ng Diablo.
Ikalimang araw ng paanyaya sa atin na manumbalik sa Panginoon at manampalataya sa Mabuting Balita.
Tatlo lang ipinababatid ni Hesus sa atin ngayon sa ebanghelyo:
Una ay hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao. Ang kadalasang hinihiling ng tao ay ang makakain sa araw araw o kung anu anong materyal o makamanundong bagay. Nararapat na hilingin din natin lukubin tayo ng espiritu santo. Pakainin natin ang espiritu ng mga Saita ng Diyos, magbasa, makinig at magsaliksik ng Mabuting Balita at maniwala at isagawa ito. Kung nakakatag tayo ng ilang oras sa social media ay nararapat na mas bigyan natin ng oras ang maylikha ng lahat bagay sa mundo.
Pangalawa ay ang Diyos lamang ang sambahin mo. Sa kasalaukuyang panahon ay marami at iba iba na ang ating kinahuhumalingan o sinasamba. May sumasamba na sa pera, sa kapangyarihan o pwesto sa pulitika, sa mga ari arian, sa materyal na bagay, sa posisyon, sa kasikatan at ang mas masama ay may sumasamba pa sa mga Diyos diyosan. Alalalhanin mo kapatid na ang Diyos lamang ang dapat nating sambahin, bagamat maawain at mapagmahal ang Diyos, sya rin ay mapag imbot sa mga taong may ibang sinasamba.
Pangatlo ay ang wag mong subuking ang Diyos. Huwag natin subukan o subukin ang Diyos sa isang pangyayari bagkus ay ipanalangin ang ating inaasam ng taimtim. At habang tayo ay naghihintay na dinggin ni Hesus ay nararapat na sinusunod din natin ang kalooban nya.
UNANG Linggo ng Apatnapung Araw ng Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay
PAGNINILAY:
“Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.” (Mateo 4:4)
Ang Ebanghelyo ngayon ay naglalaman ng tagpo kung saan si Hesus ay tinukso ng diyablo sa ilang matapos ang apatnapung araw ng pag-aayuno at pananalangin. Sa pagsisimula ng Panahon ng Kuwaresma, tinatawag tayo ng Simbahan na tularan si Kristo sa Kanyang espirituwal na paghahanda—isang panahon ng pagsisisi, panalangin, at pag-aayuno bilang paghahanda sa Kanyang Muling Pagkabuhay.
Sa tatlong tukso na inilahad sa Ebanghelyo, makikita natin kung paano sinisikap ng diyablo na iligaw si Hesus mula sa Kanyang misyon:
Tukso ng pisikal na pangangailangan – Hinimok ng diyablo si Hesus na gawing tinapay ang bato upang mapawi ang Kanyang gutom. Ngunit sumagot si Hesus, “Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao.” Ipinapakita nito na ang tao ay hindi lang dapat nakatuon sa materyal na pangangailangan kundi sa Salita ng Diyos.
Tukso ng kapangyarihan at kasikatan – Inalok ng diyablo si Hesus ng kaluwalhatian ng mundo kapalit ng pagsamba sa kanya. Ngunit tugon ni Hesus, “Ang Panginoon mong Diyos ang dapat mong sambahin, at siya lamang ang dapat mong paglingkuran.” Nagpapaalala ito na ang tunay na kapangyarihan ay hindi galing sa mundo kundi sa pagsunod sa Diyos.
Tukso ng pagsubok sa Diyos – Hinikayat ng diyablo si Hesus na tumalon mula sa taluktok ng templo upang ipakita ang Kanyang pagiging Anak ng Diyos. Ngunit sinabi ni Hesus, “Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos.” Ito ay isang paalala na ang ating pananampalataya ay hindi dapat batay sa mga pagsubok kundi sa ganap na pagtitiwala sa Diyos.
Ang tatlong tukso na hinarap ni Hesus ay sumasalamin din sa mga tukso natin sa araw-araw:
1. Tukso ng materyalismo at labis na paghahangad ng yaman,
2. Tukso ng kapangyarihan, kasikatan, at kayabangan,
3. Tukso ng pag-aalinlangan sa Diyos at pagsubok sa Kanyang katapatan.
Sa pamamagitan ng panalangin, pag-aayuno, at kawang-gawa sa Panahon ng Kuwaresma, inaanyayahan tayo ng Simbahan na labanan ang mga tukso at maging mas matatag sa ating pananampalataya. Tulad ni Hesus, gamitin natin ang Salita ng Diyos bilang sandata laban sa tukso at manatiling tapat sa ating misyon bilang mga Kristiyano.
Manalangin tayo. Panginoon, sa Panahon ng Kuwaresma, tulungan Mo kaming maging matatag sa harap ng mga tukso ng buhay. Turuan Mo kaming mas bigyang halaga ang Iyong Salita, sumamba lamang sa Iyo, at magtiwala nang lubos sa Iyong kabutihan. Amen.
Unang Linggo po ng kwaresma, at panibagong paghahanda na naman ang ating paghahandaan sa ating paglalakbay bilang mga kristyano. Para sa ating paghahanda binigyan tayo ng tatlong haligi para magabayan tayo sa loob ng apatnapung (40 Days) araw ng ating paghahanda sa muling Pagkabuhay ng ating Panginoon Hesus na sinimulan natin noong Myerkules sa abo. Ang Panalangin, Paga-ayuno, Pangkawang-gawa.
At sa kabila ng ating paghahanda, hindi natin maiiwasan na maraming mga hadlang, mga sagabal, o mga tukso na nang aakit sa atin para tayo’y guguluhin, sirain ang ating attention sa pagsunod sa kalooban ng Diyos. Sa ating ebanghelyo, si Hesus din ay walang kawala sa tukso ng dyablo. Ang tukso ay para sa lahat na kahit ang Diyos ay nakararanas ng panunukso. Kaya sa ating pag hahanda, marapat lang na tayo ay maging pamatmatyag, mulat ang ating kaisipan sa katotohanan at kalooban ng Diyos para tayoy hindi madaling matisod sa ating paglalakbay.
Si Hesus, sa kanyang paglalakbay sa Jordan, ay kanyang pinaghahandaan /at siya’y puspos ng Banal na Espiritu at dinala siya sa Ilang. Ang Lugar na ito ay simbolo ng kamatayan/ kahirapan/pagdurusa sapagkat walang mapagkukunan ng pagkain ni kahit tubig ay wala. Kaya walang taong nakaka “survive”. Pero si Hesus, Hindi siya kumain, gutom na gutom/ ngunit dahil siya’y puspos ng Banal na Espiritu, hindi nagtagumpay sa kanya ang kamatayan, paghihirap at kahit ang panunukso ng dyablo sa kaya ay hindi nagtagumpay. Bakit? Sapagkat si Hesus ay nakatuon lamang sa kalooban ng kanyang Ama.
Karamihan sa atin ngayon, ay nag sisigawa ng Pilgrimage, tayo ay pumupunta sa mga simbahan na malalayo sa atin, kaya tinatawag tayong mga “Pilgrims/ Perigrino”. At bilang manglalakbay ay maklakbay ng kakaiba at may ka semplehan sa pananampalataya at kabanalan para mamunga ito ng pagbabagong loob. (__Experiences___)
Papaano tayo makapagbabagong loob kung sa ating paglalakbay ay natutukso na tayo sa mga bagay lalo’t higit na maganda sa paningin natin? Na sa halip, ang ating intensyon ay upang makakaranas ng katahimikan at makapagnilay-nilay para tayo’y magkaroon ng panibagong lakas, pisikal, mental at Espiritwal. (Pero iba ang kanilang pinagkukunan ng lakas heheh.)
Ang dyablo ay gumagawa ng paraan para tayoy linlangin. Ang gusto ng dyablo ay para sumbatan at sisihin natin ang Diyos. Yun ang papel ng dyablo sa buhay natin. Minsan aakitin tayo sa magagandang paraan hanggan sa tayo’y kakagat sa kanyang panunukso.
At ito ang mensahe para sa atin ngayon, habang nilalakbay nating ang panahon ng kwaresma na dapat buo at tapat tayong magdedebosyon para tayong lahat ay puspusin ng Banal na Espiritu na kahit anong tuksong dumarating sa ating buhay hinding hindi tayo madaling masisilaw bagkus isang tunay at ganap na pagsunod tungo sa buhay kabanalan.
Sana sa bawat hinto natin, magdasal po tayo, magpasalamat sa Diyos at ibahagi ang kanyang liwanag sa ating kapwa. Ang paglalakbay natin ay hindi lamang pisikal kundi espiritwal na Misyon upang mas lalo nating mapatibay ang ating tiwala sa Diyos.
Kaya, maging maingat po tayo sa tuksong bigay ng Mundo. Upang sa ating paglakbay, makapaghandog tayo ng ating mga sarili sa Diyos ng may kababaang loob, sa pamamagitan ng paghingi ng kapatawaran at pagsisi sa mga pagkukulang natin.
PAGNINILAY SA MABUTING BALITA:LUCAS 4:1-13 – by Bro. GLenn dela Cruz
Unang Linggo ng Kuwaresma
Marso 9, 2025
“LAKAS”
Sa Ebanghelyo ngayon, nakita natin kung paano hinarap ni Hesus ang tukso sa ilang. Matapos ang apatnapung araw ng pag-aayuno, dumating ang diyablo upang subukin Siya sa tatlong paraan: sa pisikal na pangangailangan (gawing tinapay ang mga bato), sa kapangyarihan (pagsamba sa diyablo kapalit ng lahat ng kaharian sa mundo), at sa maling paggamit ng pananampalataya (magpatihulog mula sa taluktok ng templo upang patunayan ang Kanyang pagiging Anak ng Diyos). Ngunit sa bawat tukso, nanatiling matatag si Hesus, ginamit ang mga Salita ng Diyos bilang sandata, at hindi nagpadala sa panlilinlang ng kaaway. Ang tagpong ito ay isang mahalagang aral para sa atin, sapagkat sa ating pang-araw-araw na buhay, hindi natin maiiwasan ang pagsubok. Ngunit sa pamamagitan ng “LAKAS” –
L – Lumapit sa Diyos,
A – Alamin ang Kalooban ng Diyos,
K – Kumapit sa Espiritu Santo,
A – Alisin ang Kasamaan, at
S – Sumandal sa Pananampalataya
matutulungan tayo nitong manatili sa biyaya ng Diyos.
L – LUMAPIT SA DIYOS
Ang unang hakbang sa paglaban sa tukso ay “Lumapit sa Diyos” sa pamamagitan ng panalangin at Kanyang Salita. Kapag tayo ay malapit sa Kanya, mas madali nating matutukoy ang mga bagay na hindi ayon sa Kanyang kalooban. Dapat nating simulan at tapusin ang ating araw sa panalangin, maglaan ng oras upang basahin ang Bibliya, at hanapin ang Kanyang presensya sa bawat desisyon natin. Kapag tayo ay nakaugat sa Diyos, mahirap tayong matinag ng anumang pagsubok.
A – ALAMIN ANG KALOOBAN NG DIYOS
Kasunod nito, dapat nating “Alamin ang Kalooban ng Diyos” upang hindi tayo madaling malinlang ng tukso. Minsan, ang kasalanan ay nagkukubli sa anyo ng mga bagay na maganda sa paningin, ngunit hindi pala ito ayon sa kalooban ng Panginoon. Kaya naman, dapat tayong maging mapanuri at tanungin ang ating sarili, “Ito ba ay makalulugod sa Diyos?” Ang tunay na kagandahan at kayamanan ay hindi matatagpuan sa makamundong bagay kundi sa pagsunod sa tamang landas.
K – KUMAPIT SA ESPIRITU SANTO
Mahalaga ring “Kumapit sa Espiritu Santo” sapagkat hindi natin kayang lumaban sa tukso gamit lamang ang ating sariling kakayahan. Si Hesus mismo ay napuno ng Espiritu Santo bago Siya dinala sa ilang, na nagpapakita na ang ating lakas ay nagmumula sa Diyos, hindi sa ating sariling pagsisikap. Dapat tayong humingi ng gabay sa Espiritu Santo sa ating pang-araw-araw na buhay at magsanay ng espiritwal na disiplina tulad ng pag-aayuno at pagsasakripisyo upang patatagin ang ating pananampalataya.
A – ALISIN ANG KASAMAAN
Kasabay nito, kailangang Alisin ang Kasamaan sa ating buhay. Hindi natin dapat bigyan ng puwang ang anumang bagay na maaaring maglayo sa atin sa Diyos. Kapag alam nating may isang sitwasyong maaaring magdulot ng tukso, dapat natin itong layuan. Mas mabuting lumayo sa panganib kaysa subukin ang ating sarili at mahulog sa kasalanan.
S – SUMANDAL SA PANANAMPALATAYA
Sa huli, ang pinakamahalagang sangkap sa ating pakikibaka sa tukso ay “Sumandal sa Pananampalataya”. Kapag tayo ay dumaraan sa pagsubok, huwag tayong mawalan ng pag-asa. Ang tukso ay pansamantala lamang, ngunit ang biyaya ng Diyos ay walang hanggan. Sa halip na bumigay sa panghihina, dapat nating ipagkatiwala ang ating buhay sa Panginoon, sapagkat alam Niyang higit ang ating pangangailangan kaysa sa ating sarili. Sa Lucas 4:13, iniwan ng diyablo si Hesus matapos ang lahat ng pagsubok, na nangangahulugang may hangganan ang tukso. Kapag tayo ay nanatiling matatag sa Diyos, darating din ang ating tagumpay.
Sa panahong ito ng Kuwaresma, gamitin natin ang LAKAS bilang ating gabay sa paglaban sa tukso. Lumapit sa Diyos upang palakasin ang ating espiritwal na buhay, Alamin ang Kalooban ng Diyos upang hindi tayo malinlang ng kasamaan, Kumapit sa Espiritu Santo upang hindi umasa sa sariling lakas, Alisin ang Kasamaan upang mapanatili ang ating kalinisan ng puso, at Sumandal sa Pananampalataya upang magtiwala sa plano ng Diyos. Ang buhay ay isang espiritwal na laban, ngunit sa tulong ng Panginoon, kaya nating mapagtagumpayan ang anumang tukso.
Panalangin:
Panginoon, sa bawat tukso na aming kinakaharap, bigyan Mo kami ng LAKAS upang manatili sa Iyong kalooban. Tulungan Mo kaming lumapit sa Iyo, alamin ang Iyong katotohanan, kumapit sa Iyong Espiritu, alisin ang anumang masama, at magtiwala sa Iyo sa lahat ng bagay. Amen.
unang pagbasa:
paano ba tayo sumamba sa ating Diyos?
una, ialay natin ang ating sarili bilang handog sa ating Panginoon.
2nd huag kang sasamba sa ating Diyos na wala kang dalang handog (love offering , tithes) nasa aklat ng Malakias.
ang pagbabalik ng iyong 10% tithes sa ating Diyos ay pagpapahayag at pagkilala mo sa iyong Diyos na ang lahat na meron ka ay mula sa ating Diyos.
ito ang kalugod- lugod na pagsamba sa ating Diyos.
sa Salmo:
ang Psalm 91 ay isang mabisang dasal at pagpapahayag natin ng ating pagtitiwala sa ating Diyos.
2nd Reading.
“MALAPIT SA IYO ANG SALITA, NASA IYONG BIBIG AT NASA IYONG PUSO.
what comes out from your mouth ay siyang laman ng iyong puso.
what you declare is what you get.
may kapangyarihan ang lahat ng lumalabas sa ating bibig.
nasa ating bibig nakasalalay ang ating buhay o kamatayan.
kaya ingatan mo ang bawat lumalabas sa iyong bibig.
kaya kung ipahayag ng iyong labi na si Jesus ay Diyos at sa Kanya ka lamang manalig,susundin mo ang bawat Salita ng Diyos, tiyak ang iyong kaligtasan sa buhay dito sa lupa at buhay na walang hanggan.
walang mabibigo sa sinumang tumawag sa Kanya.
maliligtas ang sinumang tumawag sa Pangalan ng Panginon.
tanong, sino ang iyong diyos? siya ba ang iyong sinusunod? siya ba ang pinaghahari mo sa buhay mo? o ikaw ba ang nasusunod. sa araw araw mong buhay o ang Diyos na iyong pinanaligan?
Ebangelio:
magagawa nating mapaglaban ang mga tukso kung susundin na Espiritu Santo na ipinagkaloob na sa atin nung tayoy bininyagan.
unang tukso.
ang mundong ito ay pinaghaharian ng kasamaan..huag tayong umayon sa mundong ito instead mamuhay tayo ayon sa kalooban, batas, tuntunin, Salita ng Diyos.piliin natin ang buhay na patungo sa kaligtasan ng ating kaluluwa. .
2nd tukso.
makikita mo na ang diyablo ay sinungaling
ang diyablo ay ama ng.kasinungalingan.
kaya kung umayon ka sa mundong ito upang paalipin sa kayamanan, fame, glory, posisyon,katiwalian, corruptions, droga pagnanakaw sa pera ng bayan, pagsisinungaling disloyalty, etc, then tunay na alipin ka na ng diyablo at hindi sa Maylikha sa iyo.
3rd tukso.
Never ever mock God.
hindi napapatawad ang nanglalait sa Espiritu Santo.
know that God is All Powerful, All Present, All Knowing
bend your knees adoring, worshipping our God.
He is the Alpha and Omega
The beginning and the end
Sa Kanya tayo magsusulit
totoong may angel dela guardia tayo upang tawagan ng tulong sa oras ng kagipitan at sa araw araw nating buhay.. i have daily prayers to my guardian angel.
we cannot mock God our Creator.
He knows everything in us.
huag mong subukin ang iyong Diyos.
KAYA SIYA LAMANG ANG ATING SUSUNDIN, SASAMBAHIN AT PANGLILINGKURAN HABANG TAYO AY PINAPAHIRAMAN NG BUHAY.
SUMAATIN NAWA ANG MGA GRASYA AT MABUKSAN ANG PANG UNAWA, PANINGIN, PANDINIG, AT ANG ATING PUSO UPANG MA RANASAN ANG KANYANG KALUWALHATIAN, UPANG MAKITA natin na Siya ANG PINAKABAL, AT MAKITA NATIN ANG NARARANASAN NATING KANYANG KATAPATAN SA ATING LAHAT.