Podcast: Download (Duration: 6:30 — 4.6MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes
Manalangin tayo ngayon sa ating Diyos Ama para sa katatagan na mapaglabanan natin ang mga tukso ng kayamanan at kasiguruhan.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, mapasaamin nawa ang kaharian mo.
Ang Simbahan nawa’y patuloy na magbigay ng kalinga at suporta sa mga napapabayaan at mga naghihirap ng ating lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga tinatawag na tagasunod ni Kristo nawa’y kanilang mapagtanto na mas mahalaga sa buhay ang pagkalinga sa iba at pangangalaga sa mga kapuspalad kaysa sa sarili, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang lahat ng tao nawa’y matagpuan ang karunungan na unahin ang paghahanap sa Kaharian ng Diyos at ialay ang kanilang buhay sa paglilingkod sa Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawa’y mabigyang kasiyahan at kalakasan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang ating mga yumaong kamag-anak at kaibigan nawa’y makasalo sa kasiyahan ng tagumpay ni Kristo sa Kaharian ng Langit, manalangin tayo sa Panginoon.
Makalangit na Ama, bigyan mo kami ng kalakasan ng loob na mamuhay sa karukhaan sa Espiritu at sumunod sa halimbawa ni Kristo na naging dukha upang kami ay umunlad. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Linggo, Marso 2, 2025
Martes, Marso 4, 2025 »




{ 5 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Ang Unang Pagbasa ay isang paalala ni Sirac na tayo’y magbalik-loob sa ating Panginoong Diyos. Tayong lahat ay tinatawag ng Diyos na maging mga anak niya muli sa kabila ng ating mga pagkakululang at pagkakasala. Nawa’y buong buhay nating ipagdangal siya at isabuhay ang kanyang presensiya sa ibang tao.
Ang Ebanghelyo ay isang pag-uusap ni Hesus sa isang mayayamang lalaki. Tinanong itong mamayamang ito kung ano ang dapat niyang gawin upang magkamit ang buhay na walang hanggan. Tumugon si Hesus na gawin niya ang nakasaad sa Sampung Utos/Dekalogo, at sigurado ng lalaki na mula pagkabata niya ay sinundan niya ang mga utos ng Diyos Ama. Subalit nang sabihin ni Hesus na ibenta niya ang kanyang mga ari-arian sa mga mahihirap at sumunod sa kanya, bigla na lang umalis ang lalaking mayaman dahil nalungkot siya sa nalamang marami siyang mga yaman sa buhay na hindi pwedeng ipagwalang-bahala.
Ang panawagan ng Panginoon na sumunod sa kanyang landas ay sadyang napakahirap sapagkat sino bang taong gustong ipagbenta ang lahat ng mayroon siya? Sa literal na konteksto, ang mga misyonerong nagpaparangal tungkol sa pananampalataya ay talagang iiwanan ang kanilang mga ari-arian upang itugon ang tawag ng Panginoon na maglingkod sa kanya. Ngunit ang tanong ay ninanais ba ni Hesus na ipamigay natin ang lahat nating ari-arian? Kung susuriin natin nang mabuti ang Ebanghelyo, hindi naman sinasabi niya na mali ang pag-aangkin sa mga tinuturing na yaman, sapagkat alam ni Kristo na pinaghirapan niya ng tao upang makagawa ng mabuting kinabukasan hindi lang para sa sarili, kundi para sa ibang kapwang-tao rin. Subalit ang hinihiling lang naman ni Hesus ay sa kabila ng lahat ng ating mga yaman at ari-arian ay dapat mas pahalagahan natin ang ating pananampalataya sa kanya at sa Ama.
Hindi dapat maging hadlang ang mga makamundong bagay sa pagkikilala sa Diyos na gumabay sa atin ng mga ito para sa ikauunlad ng tao, komunidad, at lipunan. Ang mga mayroon tayo ngayon ay lilipas din, subalit ang tunay na kayamanan sa langit ay ang makamit natin ang kaligayahan ng buhay na walang hanggan kasama ang Panginoon at ang kanyang mga Banal sa patuloy na pagsisikap na gumawa ng mga nararapat at mabubuting bagay ayon sa kanyang dakilang kalooban.
PAGNINILAY:
“Kay daling lumapit sa Diyos ng mga dukha, ngunit kay hirap sa mayayaman.”
Sa ebanghelyo ngayon, isang mayamang lalaki ang lumapit kay Hesus at nagtanong kung paano niya makakamtan ang buhay na walang hanggan. Ipinahayag niyang sinunod niya ang mga utos mula pa noong kabataan niya. Ngunit nang sabihin ni Hesus na ipagbili niya ang kanyang kayamanan at ipamigay sa mahihirap, siya ay nalungkot at umalis, sapagkat siya ay napakayaman.
Ipinapakita sa atin ng kwentong ito na ang kayamanan ay maaaring maging hadlang sa pagsunod at sa ating relasyon sa Diyos. Hindi dahil masama ang pagiging mayaman, kundi dahil maaaring mahulog tayo sa tukso ng pagtitiwala sa materyal na bagay kaysa sa Diyos. Ang yaman ay maaaring maging sanhi na nagpapahirap sa ating pagsunod kay Kristo nang buo at walang pag-aalinlangan.
Sa ating panahon, hindi lamang pisikal na kayamanan ang maaaring humadlang sa atin sa pagsunod sa Diyos. Maaaring ito rin ay ambisyon, katanyagan, kapangyarihan, o anumang bagay na inuuna natin kaysa sa Kanya. Itinuturo ni Hesus na dapat nating ilagak ang ating tiwala sa Diyos at hindi sa mga bagay na lumilipas na kasabay ng paglipas ng mundong ito.
Sa Unang Pagbasa mula sa aklat ni Sirak ay nagbibigay-diin sa walang hanggang awa at habag ng Diyos sa mga taong nagbabalik-loob sa Kanya. Inaanyayahan tayo na talikuran ang ating mga kasalanan at lumapit muli sa Panginoon, sapagkat Siya ay laging handang tumanggap at magpatawad. Ipinapaalala rin na ang buhay at malusog ang may kakayahang magpuri sa Diyos, kaya’t habang may sapat na panahon at pagkakataon, tayo ay dapat magbalik-loob at magpuri sa Kanya.
Ang hamon para sa atin ay suriin ang ating mga puso:
1. Ano ang kayamanang nagpapahirap sa atin na sundin si Kristo nang lubos? Handa ba tayong ipagkatiwala sa Diyos ang lahat upang makamit ang kanyang kaharian?
2. Ano ang mga hakbang na maaari kong gawin upang maging mas malaya sa pagkakagapos sa materyal na yaman?
Manalangin tayo. Panginoon, turuan Mo akong ipagkatiwala at ialay sa Iyo ang lahat ng aking ari-arian at ang aking sarili. Tulungan Mo akong huwag maging alipin ng kayamanan kundi maging bukas-palad sa pagtulong sa kapwa. Palakasin Mo ang aking pananampalataya upang lubos akong makasunod sa Iyong kalooban. Amen.
Lunes ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
Mark 10:17- 27
Malimit sa aking buhay may mga tanong ako…pero may gusto akong sagot. Para bang nakaprogram na dapat. Halimbawa gusto kong magpapaalam na sasama sa barkada. Itatanung ko “Inay pwede ga po akong sumama sa barkada?” pag humindi ako ay naiinis, kase ang gusto kong sagot sana ay “oo pwede akong sumama”. Sa aking hinuha ganun din ang taong ito nanagtanong kay Hesus may pasakalye pa siya na “Mabuting guro” ibig sabihin makakadagdag ito sa favor na gusto niyang marinig. Gusto rin niya matawag na Mabuti. Kaya inunahan na siya ni Hesus ng tanong bakit mo ako tinatawag na Mabuti… dahil gusto mong masabi ko rin sa iyo na Mabuti ka?… pero gusto kong ipabatid na tanging ang Diyos lang ang Mabuti. Dito tinitingnan din ni Hesus kung ang Espiritu ng katotohanan ay nasa taong ito. Dahill kung may Espiritu ng katotohanan sa kanya batid niya na si Hesus ay Diyos gaya ng pagbulalas ni Simon Pedro. (Maraming ibang relihiyon na itinatanggi na si Hesus ay Tunay na Diyos gamit ang ebanghelyong ito, pero ipinapahayag natin ang pananampalataya sa katotothanan na si Hesus ay Tunay na Diyos dahil tulad ni Simon Pedro ipinahayag ito sa atin ng Espiritu ng Katotohanan). At binaybay ni Hesus ang una at higit sa lahat na kailangan at yun ay pagsunod sa Utos. Sa mahahalagang utos. May mga lumilisan sa pananampalatayang Katoliko dahil sa mga pamanatayan at mga kautusang itinuturo ng Simbahan. Ang una pala ay ang mga utos. Maraming tao ayaw ng utos at hahanap sila ng paraan para pumabor sa gusto nila ang Diyos o ang simbahan. Halimbawa yung mga itinuturo ng Simbahan sa moralidad, hindi nila ito tinatanggap kaya doon palang tumalikod na sila. Itong mayamang binata ay hindi naman pumalya dito. Ano pa daw ba ang kulang so eto na… Higher level or second level ay ang pagtalikod sa buhay na ito upang yakapin ang buhay na walang hanggan. Ang buhay na walang hanggan pala ay ang pagtalikod sa buhay na meron tayo. “Ipagbili mo ang ari-arian mo at ipamigay sa mga dukha!” Ang hirap naman Lord… pero sagot si Lord nagtanung ka pero nung sinagot ka hindi mo naman tatanggapin… at namanglaw ang lalaki at malungkot na lumisan. Walang pong ibang sagot na ibibgay ang Diyos… pagnilayan natin ang ating buhay. Paano natin tinuturing ang mga kapuspalad? Kung hindi lahat ng ating ari arian nakakapagbigay ba tayo sa kanila? Nagsasakripisyo ba tayo para sa mga mahihirap? Ano ang meron tayo na pwede na nating ibigay sa mga nangangailangan? Ito ang higher level ng pagpunta sa buhay na walang hanggan. Pagpalain tayo ng Diyos.
ibig ng Diyos na mahalin natin Siya ng BUONGPUSO,BUONG ISIP, BUONG SALITA , BUONG GAWA, BUONG LAKAS AT BUONG KALULUWA.
AND IF YOU TRULY LOVE GOD, MADARAMA MO RIN ITO SA IYONG KAPWA.
KAYA NGA KAHIT KAAWAY NATIN MAMAMAHAL NATIN.
BECAUSE OF THE GRACES OF GOD.
KAYA NGA GOD ASKED US TO COME TO HIM, AND ASK ANYTHING IN YOUR HEARTFELT PRAYER .
ON THE FIRST READING, IT SHOWS THAT EVERYTHING COMES FROM HIM, WISDOM KNOWLEDGE…EVERYTHING AY MASAGANANG IBIBGAY NG DIYOS SA ATIN, HINGIN NATIN ITO.
AT HINDI PA NATIN hinihingi ipinagkaloob na Niya sa atin ang Kanyang Banal na Espiritu. with this hindi mo pa rin ba mamamahal ang Diyos?… na buhay ka, humihinga ka? nakakaunawa ka? may isip ka? nakakadama ka?
bilang tayo ay binigyan ng pang-unawa , hindi ba dapat unahin natin na bigyan ng panahon na makaisa Siya, makinig, maglingkod, bigyan ng panahon upang matuto sa Kanya for our gains, tanggapin Siya mismo sa Holy Mass na Siyang nagsasanctify at nagpupurify ng ating katawan ,kaluluwa at ispiritu.?
unshin natin ang PINAGMUMULAN NG.LAHAT MABUBUTING BAGAY, ANG ATING DIYOS, ANG PINAGMUMULAN NG LAHAT NG KAYAMANAN NG MUNDONG ITO.
BAKIT YUNG LALAKING MAYAMAN AY UMALIS?
DAHIL NAKATUON LAMANG SIYA SA MUNDONG ITO AT HINDI SA ATING PANGINOON NA PINAGMUMULAN NG LAHAT, NG KAYAMANAN, ETC.
SA PAGMAMAHAL, PAGSUNOD NATIN SA PANGINOON, GOD WILL GIVE US HIS KNOWLEDGE AND UNDERSTANDING.
NA SIYANG SUSI UPANG BUMUKAL SA ATING PUSO ANG PAG-IBIG NA IBIG NA DIYOS SA ATIN.
IN THIS WAY MAS MAPAPAHALAGAHAN MO NA ANG MGA MAKALANGIT NA BAGAY KESA SA MAKAMUNDONG BAGAY.
ANG IBIG NG DIYOS AY MAPAHALAGAHAN MO ANG MGA MAKALANGIT NA BUHAY AT ANUMANG MERON KA SA MUNDONG ITO YOU HAVE NO RESERVATION TO DISPOSE IT ANYTIME. PURELY TRUSTING, DEPENDING, AND FAITH ON HIM ALONE.
it was end of may my 4 children ay hindi pa namin na enroll sa school. ayaw namin mangutang, dahil sa puso namin God is our Provider. sa puso namin tanggap namin kung hindi sila makapag enroll sa school, but we believe in our heart that He will not allow our children na hindi makapag enroll. ito ang pag uusapnamin ng asawa not knowing that our conversation us already a prayer. that very day God sent a person to give the amount we need for their enrollment. To God be Glory. do not be afraid and doubt to stand firm on the promises of God.
THE WORD.OF GOD IS ACTIVE AND ALIVE TO THOSE WHO BELIEVE AND TRUST IN DEEDS.
Sa mga pagbasa ngayong Lunes, nakikita natin ang mahabaging mukha ng Diyos na laging handang tumanggap at magpatawad sa mga nagsisisi.
Tayo ay patuloy na inaanyayahan ng Panginoon na bumalik sa Kanya at talikuran ang ating mga kasalanan. Ipinaalala sa atin na ang ating buhay ay may hangganan, kaya’t mahahalagang magsisi habang tayo’y nabubuhay pa at may pagkakataon pa.
Sa ating pagtitiwala sa Diyos, maaari tayong makahanap ng kaligtasan at kalakasan. Siya ang ating kublihan, ang matatag na bato na ating masisilungan sa gitna ng mga pagsubok.
Gayunpaman, ang tunay na pagbabalik-loob ay hindi lamang pagsunod sa mga utos. Ito ay nangangailangan ng lubusang pagsuko sa Diyos, tulad ng ipinakita sa kwento ng mayamang binata. Nais niya ang buhay na walang hanggan ngunit hindi niya kayang isuko ang kanyang kayamanan para lubusang sumunod kay Hesus.
Naipaaalala sa atin na madalas, ang ating pagkakaron ng material na bagay o ang ating mga pag-uugali ay nagsisilbing hadlang sa ating pagsunod sa Diyos. Ngunit kung anuman ang imposible sa ating mga pagsisikap bilang tao, kaya at posible sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos.
Sa panahon nating ito, tinatanong tayo: Ano ang mga bagay na humihila sa atin palayo sa Diyos? Ano ang hindi natin kayang isuko? Tayo ba ay handang sumunod sa Kanya ng buong puso, at maging tunay na disipulo?
Ipagkatiwala natin ang ating mga sarili sa Diyos na nagmamahal at nagbibigay ng lakas sa atin. Dahil sa Kanya, ang lahat ng bagay ay posible.