Martes, Pebrero 11, 2025

February 11, 2025

PANALANGIN NG BAYAN
Pebrero 11
Birhen ng Lourdes

Diyos ng hiwaga, nasa tabi ka namin at nalalaman mo kung ano ang bumabagabag sa amin. Kaisa ni Maria, ang Ina ng iyong Anak at amin ding Ina, tumatawag kami sa iyo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, umaasa kami sa Iyo.

Ang Santo Papa, mga obispo, mga pari, at mga relihiyoso nawa’y maging tapat sa kanilang pangako sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mananampalataya nawa’y palakasin ang kanilang pagtitiwala at pananalig sa iyong tulong at maging handa nawa silang sundin ang iyong kalooban, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinahihirapan ng mga natatagong sakit nawa’y magpasan ng kanilang krus nang buong tapang lalo na kung walang nakahandang dagling panlunas, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang namayapa naming mga kaanak at mga kaibigan nawa’y tumanggap ng kanilang gantimpalang Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, tulungan mo kami upang kami ay maging handang ipagkatiwala ang aming mga sarili sa iyo katulad ng ginawa ni Maria. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Sherwin D. Yanoria February 11, 2021 at 7:33 am

Tunay na ang Panginoong Hesus ay Diyos at Tao. Naipakita niya ang kanyang kapangyarihan ng hindi sinasadya dahil sa pagkakataon. Kahit alam niya na siya ay anak ng Diyos at kayang gawin ang anuman, nananatili sa kanya ang pagiging mahinahon at masunurin sa kanyang Ina. Napaka gandang halimbawa ang ipinakitang pagsunod ng Panginoong Hesus sa Kanyang Inang. Ang pagmamahal ni Hesus ang nangibabaw at pagpapakumbaba ang nagudyok upang sundin ang Mahal na Birhen. Hindi naman maikakaila ang laki ng pananalig ng Mahal na Birhen Kay Hesus. Kaya naman hindi binigo ni Hesus ang pananalig na ito. Kaya nga, humiling din tayo sa pamamagitan ng Mahal na Birhen, upang matupad ang ating panalangin kung ito ay makakabuti sa ating kaluluwa.

Reply

Touch my heart February 11, 2021 at 9:49 am

Salamat sa Diyos napakahalaga ng pamilya dito naganap ang unang milagro sa tulong ng ating Mahal na Ina Mama Mary. Happy Feast of Lourdes.? Ipagdasal natin ang bawat isa.

Reply

Guilbert Poblite February 11, 2025 at 5:46 am

MAGNILAY: Sinong mabuting anak ang hindi pagbibigyan ang pakiusap ng kanyang ina lalo na kung hindi naman ito pansarili lamang? Pero kahit pansarili ng ina ang kanyang kahilingan malugod at masaya itong pagbibigyan ng anak.

Ganito ang tingin lalo na nating mga Katoliko na nananalangin sa Mahal na Birheng Maria. Naniniwala tayo sa kapangyarihan ng kanyang pakiusap sa kanyang minamahal na Anak ang Panginoong Hesukristo. Naniniwala din tayo na hindi ito ipakikiusap ng Mahal na Ina kung taliwas ito sa kalooban ng Diyos. Kaya sa unang himala ng Panginoong Hesus na naganap sa mas maagang panahon sa pakiusap ng kanyang ina ang tanging sinabi ni Maria sa mga tagapaglingkod: Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.

Kapag nakikiusap tayo sa Ina ng Panginoon na ipakiusap tayo sa kanyang Anak handa at bukas tayo sa pagtupad ng kalooban ng Diyos anuman ito. Hindi ito para ipilit kung ano ang gusto natin. Sinasabi lang natin ang ating hinaing ngunit sa huli ang kalooban niya ang masunod nawa hindi ang atin. Kay Maria mismo natin natutunan ang mga katagang: Maganap nawa sa akin ayon sa wika mo.

MANALANGIN: Panginoon, ipanalangin nawa kami ng iyong Ina na walang ibang ipinakikiusap kundi ang kalooban mo.

GAWIN: Tumawag ka sa Ina ng Panginoon sa lahat mong pangangailangan.

Reply

lolita sebastian February 11, 2025 at 6:08 am

Salamat Mahal na Birhen Maria sa walang sawa mong pamamagitan sa amin mga panalangin, sa iyong anak na si Jesus, kami man ay nangangailangan ng himala mula sa iyobg anak na si Jesus, sa aming pananampalataya, na nawa palagi kaming makasunod sa kalooban mo, makita namin nawa palagi ang dakila mobg pag ibig sa amin, liwanagan mo nawa palagi ang aming pag iisip, at lagi namin maalaala ang kaligtasan ng aming kaluluwa. tulungan mo po at ipamagitan din ang aming Inang Bayan na nag hihikahos sa pananampalataya, mangibabaw nawa sa amin ang dakilang Pag ibig mo kaysa sa inihahain ng mundo, kaawaan mo nawa kami at kahabagan, Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: