Podcast: Download (Duration: 9:42 — 6.9MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Patnubay sa Misa
Sa harap ng mabigat at palagiang pangangailangan sa mga pari sa ating mga pamayanan, pakumbaba nating idulog ang ating mga kahilingan sa Panginoong bukal ng lahat ng pagpapala.
Panginoon, alalahanin Mo ang iyong bayan!
Para sa buong Simbahang Katolika, na bangka ni Pedro: Nawa’y patuloy na mangaral si Hesus sa mga bansa gaya nang siya’y nabubuhay pa rito sa lupa. Manalangin tayo!
Para sa Santo Papang sumunod kay Simon Pedrong mangingisda na taga-Galilea: Nawa’y magbunga ang kanyang misyong apostolika sa pamamatnubay ni Hesus, ang Dakilang Mamamalakaya. Manalangin
tayo!
Para sa mga pari at mga kasama nila sa kanilang misyon: Nawa’y maging masunurin sila sa turo ni Hesus at maging tapat sila sa kapakanan ng kanilang mga kawan. Manalangin tayo!
Para sa mga nahirang maging pari ng Simbahan: Nawa’y malugod silang tumugon at magsumikap sa mabuting gawa hanggang sa dulo ng kanilang buhay. Manalangin tayo!
Para sa lahat ng mambabatas at mga nanunungkulan: Nawa’y magkaroon sila ng lakas ng loob at talinong manguna sa pag-iingat at pagtatanggol sa buhay laban sa kultura ng kamatayan. Manalangin tayo!
Para sa lahat ng tao: Nawa’y kanilang igalang ang kabanalan ng buhay ng tao mula sa paglilihi rito hanggang kamatayan at tulungan ang lahat ng nagsisikap sa ganitong pagpapahalaga. Manalangin tayo!
Panginoong Diyos, bukal ng aming pag-asa at kaligtasan, patuloy Mo kaming pagkalooban ng maraming banal na katulong ni Hesus sa pagpapastol upang malugod at tapat Ka naming mapaglingkuran. Isinasamo namin ito sa ngalan ng Panginoon naming si Hesus. Amen!
Pages: 1 2
« Sabado, Pebrero 8, 2025
Lunes, Pebrero 10, 2025 »




{ 9 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Sikat sa katauhan natin kapag tayo’y tinatawagan na gawin ang isang bagay, tayo ay tila nga ba’y nahihiya sapagkat hindi tayo karapat-dapat dahil sa ating kalagayan sa buhay. Minsan ang pagiging hindi karapat-dapat ay siya pang tanda na tayo’y nararapat sa tungkuling iniaatas sa atin ng Panginoon. Kaya ang mga katauhan nina Propeta Isaias, San Pedro, at San Pablo sa mga Pagbasa ay nagpapakita sa atin na gaano mang kahina ang tao, patuloy na tumatawag ang Panginoon para sa magandang kinabukasan ng misyon.
Si Isaias ay tinawag na maging propeta mga 700 taon bago dumating ang Kristo, subalit nagpatirapa siya nang makita niya ang napakaraming anghel pati ang serapin na nasa luklukan. Dito nga’y nagsabi na siya’y aatras dahil sa kanyang kalagayan noon, subalit nang marinig niya ang tinig na nagtatanong sino ang magdadala sa liwanag ng tinig, at sumagot si Isaias na tutugon siya bilang propeta ng Diyos.
Si San Pablo ay kilala bilang dating Hudyo na umuusig sa mga Kristiyano. Subalit dahil sa grasya ng Diyos at ni Hesus, siya’y naging Apostol sa mga Hentil. Inamin niya sa mga Corinto na parang siya ay huli sa mga tinawag na maging Apostol upang ipangaral ang Mabuting Balita. Ngunit alam ni Pablo na naging mabuti ang Panginoon sa kanya hanggang sa puntong natunghayan niya ang pagmamahal nito sa kanya at ang panawagang maging tagapagdala ng Mabuting Balita hindi lang sa mga Hudyo, kundi pati na rin sa mga Hentil.
Si San Pedro na kilala sa pangalang Simon ay isang mangingisda. Ang Ebanghelyo ni San Lucas ngayon ay nagpapahayag ng mahabang salaysay ng pagtawag ni Hesus sa kanyang kauna-unahang alagad. Nabatid ni Hesus ang gawain ni Pedro, at isinalaysay ng lalaki kung paanong gabing-gabi nagtratrabaho sila subalit walang mahuli na isda. Kaya nang iniutos ni Hesus na ihagis ang lambat muli, biglang dumami ang mga isdang kanilang nahuli. At ipinasabi ni Pedro na lumayo sa kanya ang Panginoon, sapagkat siya’y isang makasalaanan. Subalit tiningnan ng Panginoon si Pedro at sinabing sumunod sa kanya upang maging mamalakaya ng mga tao. At ganun na nga sumunod sina Pedro, Santiago, at Juan kay Hesus at naging mga Apostol.
Walang taong pinipili ang Diyos sa panawagan ng misyon. Lahat ay tinatawag niya na magpahayag at magbigay-saksi sa Mabuting Balita tungkol sa kanyang paghahari. Ang kahinaan natin at ng ibang tao ay hindi dapat maging hadlang upang masundan natin ang iniuutos ng Panginoon. Ang mahalaga ay ang ating pagtugon sa tawag ng misyon upang mahalin at paglingkuran natin ang Diyos at kapwa-tao. Kaya ang Simbahan ngayon ay nagmamalakaya ng mga tao upang ipaalala sa atin ang daan tungo sa kabutihan na siya namang ikalulugod ng ating Panginoon. Kinakailangan nating ihagis ang lambat ng ating buhay sa pagtuturo at pagsasabuhay ng Mabuting Balita sa araw-araw na pamumuhay.
Ano ang aral ng mga pagbasa ngayon?
Sa Unang Pagbasa at Ebanghelyo parehas na inamin ng mga karakter na sila ay makasalanan at hindi karapat dapat sa mga biyaya ng Diyos.
Magpakababa tayo, matatandaan ang kwento ng dalawang nagdarasal sa templo, ay isa sinasabing wala syang nilalabag sa kautusan at nagpapamahagi sya ng kanyang yaman, ang nama ay naninikluhod at inaamin ang mga kasalanan at pinagsisihan. At ang huli ang kinalulugdan ng Diyos. Laging aalalahanin na ang nagmamakataas ay ibinabab at ang nagpapakababa ay itinataas. Humility.
I did my best but my best wasn’t good enough. Mga kapatid na sabi mo na din ba ito sa sarili mo? Yon ginawa mo na ang lahat pero nakaranas ka pa din ng kabiguan.
Habang pinagninilayan ko ito, naalala ko ang kwento ng mga kabataan na kilala sa pagiging aktibo sa simbahan. Sila ay tila na magkakapatid ang turing sa isa’t isa. Sapagkat may mga kuya’t ate sila na gumagabay sa kanila para mas lalo pang lumago ang kanilang pananampalataya. Subalit, isang araw nagkaroon ng di pagkakaunawaan ang grupo dahil sa di magandang ginagawa ng mga taong naging daan para sila lumago sa paglilingkod sa Diyos. Ang ilan nilang mga kuya ang sila mismong naging dahilan para maakay ang iba sa maling daan habang ang kanilang mga ate ay nagsusumikap na ipakita sa kanila ang tunay na paglilingkod kay Kristo. Mga kapatid, siguro sinabi din ng ibang kabataan na naniniwala sa kanilang mag kuya, I did my best but my best wasn’t good enough” o di kaya sinabi din ng mga ate nila sa ibang kabataan na naligaw ng landas, “I did my best but my best wasn’t good enough.
Sa ating ebanghelyo ngayon, si Simon Pedro at ang kanyang mga kasama ay buong gabi na nangisda subalit wala silang nahuli maski isa. Siguro sinabi din ni Simon Pedro sa sarili niya, “I did my best but my best wasn’t good enough. Kung atin babalikan ang ebanghelyo, mababasa natin na kung saan sila Simon Pedro ay nakakaranas ng kabiguan, pagsubok, at pagkakadismaya, doon naman dumating sa buhay nila si Hesus. Hiniram muna ni Jesus ang bangka ni Simon Peter at mula sa bangka ay nangaral si Jesus ng Mabuting Balita . Habang ang mga tao ay nasa baybayin ng Lawa ng Genesaret at nakikinig kay Jesus. Sinabi ni Jesus kay Simon Peter, “Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat upang manghuli.” Sa sandalling ito pwede naman humindi si Pedro sa utos ni Kristo. Alam ni Peter na hindi na iyon ang tamang oras ng pangingisda subalit sumunod pa din siya kay Kristo at hindi lang siya basta sumunod, nakipag cooperate siya sa mission ni Kristo sa pagsabi, “Guro, magdamag po kaming nagpagod at wala kaming nahuli! Ngunit dahil sa sinabi ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat.”
Kaya may tatlong punto na nais iparating sa atin ng ebanghelyo ngayon.
Una, tandan natin na si Kristo ang tumawag sa atin upang maging mangingisda niya. Kaya kung makaranas tayo ng discouragement dahil sa mga taong akala natin ay sasamahan tayo sa paglalabay tungo sa kabutihan. Tandaan natin, na si Kristo ang tumawag sa atin.
Pangalawa, kapag nasasabi natin sa sarili natin na, ‘ I did my best but my best wasn’t good enough. Tandaan natin na sa tuwing sinasama natin si Kristo sa desisyon natin sa buhay, lagi natin ginagawa ang ating best tulad ni Simon Pedro.
Pangatlo, tandaan natin na si Kristo ay 100 percent human, nasasaktan din siya sa tuwing ang Kanyang mga lingkod ay nagkawatak-watak at napapalayo sa Kanya. Kaya nawa, maging instrumento tayo na maging daan para maibalik ang mga taong nawawalan ng landas kay Kristo.
Ang Ebanghelyo ngayon ay paanyaya sa atin upang:
? Magtiwala sa Diyos, kahit sa mga panahong tila walang nangyayari sa ating pagsisikap.
? Tanggapin ang ating kahinaan, sapagkat ang Diyos ay nagpapatawad at nagpapalakas sa atin.
? Tugunan ang tawag ng Panginoon, dahil tayo ay may misyon sa mundong ito.
Nawa’y tulad ng mga unang alagad, masabi rin natin: “Oo, Panginoon, susunod ako sa Iyo.”
PAGNINILAY:
Sa ebanghelyo ngayon, ating nasaksihan ang pagtawag ni Hesus sa unang mga alagad, partikular na sina Simon Pedro, Santiago, at Juan. Matapos ang isang gabing walang huli, hinimok ni Hesus si Simon Pedro na muling ihulog ang lambat. Sa kanilang pagsunod, nakahuli sila ng napakaraming isda na halos mapuno ang kanilang mga bangka. Sa gitna ng pagkamangha, lumuhod si Pedro at sinabi: “Lumayo po kayo sa akin, Panginoon, sapagkat ako’y makasalanan!” Ngunit sa halip na lumayo, sinabi ni Hesus sa kanila: “Mula ngayon, magiging mamamalakaya na kayo ng mga tao.”
Ang kwentong ito ay nagpapakita ng dalawang mahalagang katotohanan tungkol sa pagmimisyon:
Una, ang pagtawag ng Diyos ay para sa lahat. Hindi hinanap ni Hesus ang mga pantas, mayayaman, o makapangyarihan upang maging unang tagapagpalaganap ng Mabuting Balita. Sa halip, pinili Niya ang mga simpleng mangingisda. Ipinapakita nito na ang bawat isa sa atin ay may lugar sa Kanyang misyon, anuman ang ating estado sa buhay. Sa ating sariling paraan, tinatawag din tayo ng Diyos na maging “mangingisda ng tao”—sa pamamagitan ng ating mga salita, kilos, at halimbawa ng pananampalataya.
Ikalawa, ang ating pagtugon sa tawag ay mas higit sa sariling kahinaan. Nang makita ni Pedro ang himala, agad niyang inamin ang kanyang pagiging makasalanan. Subalit hindi ito naging hadlang para gamitin siya ng Panginoon sa mas dakilang misyon. Ganyan din tayo—madalas nating maramdaman ang ating kakulangan kesa sa ating kakayahan upang maglingkod sa Diyos. Minsan ang pag-aalinlangan sa ating kakayahan ay nagiging hadlang sa atin pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ngunit sa pamamagitan ng Kanyang grasya, nagiging posible ang imposibleng gawain.
Sa Ikalawang Pagbasa, ipinaalala ni San Pablo sa mga taga-Corinto ang Mabuting Balitang kanyang ipinangaral—na si Kristo ay namatay, inilibing, at muling nabuhay ayon sa Kasulatan. Binanggit niya ang pagpapakita ni Kristo sa maraming saksi, kabilang siya mismo, na bagamat dating taga-usig ng simbahan, siya ay ginamit ng Diyos upang ipahayag ang Ebanghelyo.
Makikita sa dalawang pagbasa ang mga pangunahing tema:
Ang pagtawag ng Diyos sa mga hindi karapat-dapat. Si Pedro, isang mangingisda, ay nakadama ng pagiging makasalanan sa harap ng isang Makapangyarihan na Diyos, ngunit pinili pa rin siya ni Hesus upang maging alagad. Gayundin, si San Pablo na dating tag-usig ng simbahan ngunit tinawag ng Diyos upang maging isa sa mga pinakadakilang apostol. Pareho silang nagpakita ng kababaang loob at tinanggap ang biyaya ng Diyos upang maging instrumento ng pagmimisyon.
Ang Kapangyarihan ng Diyos sa Pagpapahayag ng Mabuting Balita. Sa Ebanghelyo, matapos sundin ni Pedro ang utos ni Hesus na ihulog muli ang lambat, naganap ang himala ng napakaraming huli. Ito ay sumasalamin sa bunga ng pananampalataya at pagsunod sa Salita ng Diyos—si Pedro ay pinagkatiwalaan sa pagmimisyon na higit pa sa kanyang inaasahan. Sa Ikalawang Pagbasa, binigyang-diin ni Pablo na ang Mabuting Balita ay hindi lamang bunga ng kanyang sariling pagsisikap, kundi dahil sa grasya ng Diyos na ipinagkaloob sa kanya.
Parehong ipinapakita ng mga pagbasa na ang Diyos ay hindi namimili ng perpektong tao para sa Kanyang misyon. Sa halip, tinatawag Niya ang mga taong handang magpakumbaba at magtiwala sa Kanyang kapangyarihan. Tulad nina Pedro at Pablo, tayo rin ay maaaring gamitin ng Diyos, sa kabila ng ating mga kahinaan, upang ipahayag ang Mabuting Balita at maging mangingisda ng tao.
Pagnilayan natin kung paano din tayo tumutugon sa tawag ng Diyos. Ang pagmimisyon ay hindi lamang para sa mga pari, madre, o tagapanguna sa simbahan. Tayong lahat ay tinatawag upang ipahayag ang Mabuting Balita sa ating sariling pamamaraan—sa ating pamilya, trabaho, at komunidad. Sa kabila ng ating kahinaan at limitasyon, patuloy tayong tinatawag ng Diyos upang maging kasangkapan ng Kanyang pag-ibig. Tayo ay ginawa Niyang mga katawan,bibig, at kamay, upang maging bahagi na ipalaganap ang Mabuting Balita ng kaligtasan sa sanlibutan.
Manalangin tayo. Panginoon, tulungan Mo akong maging bukas sa Iyong tawag. Tulad ng mga alagad, nawa’y magtiwala ako sa Iyong plano, kahit hindi ko ito lubos na nauunawaan. Gamitin Mo ako upang maging mangingisda ng tao, na magdadala ng Iyong liwanag sa aking kapwa. Amen.
“Huwag kang matakot; mula ngayon ay mamamalakaya ka na ng mga tao.” (Lucas 5:10)
Ng marinig ko ang mabuting Balita, napukaw ang aking puso sa sinabi ni Simon…. Panginoon lumayo po kayo sa akin, hindi ako karapatdapat.. akoy isang makasalanan na hindi karapatdapat sa panginoon., subalit sadyang dakila ang Pag ibig ng Diyos sa atin, anuman ang katauhan natin ay wala siyang sawa na naka subaybay sa atin, tulad ngayong umaga…ako ay kanyang kinakausap., ang tangi kong panalangin ng ako ay magising kanina, ay nagpasalamat ako sa panginoon, sa panibagong buhay at pag asa, at panalangin na nawa gawin niya akong maging isang mabuting tao., ito ang tugon ng panginoon sa akin., ang dakila niyang Pag ibig, Amen…..
Sa pagbasa, hindi madali ang manghikayat ng mga tao na maglingkod sa Diyos sapagkat batid natin ang ating pagiging makasalan pero ang Diyos ay hindi tumitingin kung ano ang nagawang natin pagkakamali kundi nasusuri nya puso kung ito’y totoo, handang magbago at magsisi
isa lang din ang natutunan ko, kung nais talaga ng isang tao na sumunod at maglingkod sa diyos, unahin baguhin ang sarili kasi sa pagbabago na yun , yan ay possible maging salamin ng iba upang maglingkod din para sa diyos.
sa lahat ng frustratiins, disappointments at mga bagay na hindi mo kontrolado sa sarili mong kakayanan..Ipaubaya nalang sa Diyos ang lahat dahil batid ko na walang di magagawa ang Diyos..
sabi nga ng Diyos, “my grace is sufficient for you, stay with me and keep your Faith”
Sa ating mga personal na buhay, madalas tayong magtangkang magtagumpay sa mga bagay na gusto natin, ngunit sa kabila ng ating pagpapagal, parang walang nangyayari. Minsan, hindi natin nakikita ang mga plano ng Diyos sa atin. Tulad ni Pedro, kailangan nating magtiwala at sumunod, kahit na hindi natin agad naiintindihan kung bakit. Ang pagsunod kay Jesus, kahit hindi natin alam kung anong magiging resulta, ay magdadala sa atin ng mga biyaya na higit pa sa ating inaasahan.
Sa ating buhay, marami tayong pagkakataon na mararamdaman nating hindi karapat-dapat sa tawag ng Diyos. Puno tayo ng kahinaan at takot. Ngunit si Jesus ay hindi naghahanap ng perpekto. Ang nais ni Jesus ay ang ating pagsunod at pagtangkilik sa Kanya. Tinutulungan tayo ng Diyos na magbago, at binibigyan tayo ng lakas upang magtagumpay sa Kanyang misyon. Katulad ni Pedro, tayo rin ay tinatawag upang maging bahagi ng misyon ng Diyos sa mundo, kahit na may mga takot tayo o mga pagkukulang.
Sa ating pang-araw-araw na buhay, madalas tayong makakaranas ng mga pagsubok at kabiguan. Tila ba ang ating pagsusumikap ay nauurong at walang nangyayari. Ngunit tulad ni Pedro, ang tawag sa atin ng Diyos ay magtiwala sa Kanya at sumunod sa Kanyang plano. Kung minsan, kailangan lang natin ng tamang pananaw at pagsunod upang makita ang mga himala at biyaya sa ating buhay. Ang kwentong ito ay nagpapaalala sa atin na sa kabila ng ating mga kakulangan at takot, ang Diyos ay palaging nariyan upang gabayan tayo sa ating landas.
Sa bawat hakbang ng ating buhay, nararapat lang na magtiwala tayo at sundin ang Kanyang mga kalooban, sapagkat Siya ang magbibigay sa atin ng tagumpay at buhay na mas makulay at puno ng layunin.
Isang mapagpalang araw sayo at sa iyong mga mahal sa buhay.
Noong tumugon ako sa isang paanyaya sa aming parokya upang mag exam sa seminaryo. Tanging ang ate ko lang na panganay ang nakakaalam kasi may entrance exam at allowance ko pagpunta sa seminary. Wala kasi akong pera noon. Masaya ako na magexam doon. Graduate na ako ng college noon at ng end na ako ng contract sa isang company sa Taguig Metro Manila. Sa hirap mag apply noong nakita ko ang nakalagay sa simbahan na entrance exam try ko nga ito kung ano ang maunang tatawag sa akin yun ang pupuntahan ko. T Alam ko naman na di ko kaya kasi noong elementary nag exam na rin ako sa San Carlos dahil mahina ako sa English language at may interview pa kami after na maipasa ko ang entrance exam. Iniwan ko ang interviewer na pari kaya di ako nakapasa. Kaya nabigla ako ng may dumating na letter na naipasa ko ang entrance exam sa seminary. Kaya ayun nag search in ako for 3days para malaman ko ang buhay sa loob. Sanay naman na ako nagiisa kaya di na ako nahirapan sa search-in. Kaya ayun daming struggle sa loob. Daming binabasa, daming prepaation para maging isang pari. Sa wakas natapos ko ang Philosohy. Subalit di nila ako pinatuloy dahil nga sa mga mali kong ginawa sa loob ng seminary. Kasi may pinagusapan kami noon na i dropped ko ang 2 subject baka daw mahirapan ako. Tumugon ako kasi 2 naman kami at may kasama ako kaya ok sa akin. Napaka smooth ng panahon ko na yun at tinatamad pa ako dahil dami akong vacant. Pero after ng sem na yun nahirapan ang classmate ko at tuluyan na siya nagpaalam sa seminary. Nalungkot ako dahil wala na akong kasabay. Kaya nilapitan ko ang registrar namin na kunin ko ang subject na yn ng first sem at second sem. Maganda ang ginawa niyang schedule ko at nakatapos ako at nakasabay ko rin yung ka batch ko. Problema naalala ng pari ang pinag usapan namin na manatili pa ako ng isang taon. Kaya ayun dahil doon nagpaalam na rin ako sa aming Rector na tuluyan na rin akong mag regency for 1year para mapagisipan kong mabuti ang aking desisyun kung tutuloy pa ako ng Theology. Nag stay ako sa parish ng aking mga magulang at doon ako nagserve nakilala ko ang aking mga kamag anak at nakita ko rin ang mga name ng aking mga lolo at lola sa kanilang pinaglakhan. Napagtuunan o rin ang aking girlfriend upang makilala ko talaga siya kung siya ay para sa akin. Pero naghiwalay kami. Bumalik na ako sa seminary after 1 year. Pero sadyang mapanubok ang aking pagtugon sa Diyos. Napagbintangan kami na may kahalikan sa seminary noong araw ng Family day. May mga malisyosong tao na nagsabi na kami ay kahalikan ng bisita ng aming kaklase. Dalawa kaming napalabas at di ako nakapagtuloy sa Theology. Yun ang araw na umiiyak ako dahil sa kanilang desisyon. Minahal ko na ang aking bokasyun na hindi na magaasawa at ihanda ko na ang aking sarili para sa pagtugon sa Kanya. Habang ako ay nasa labas di ko alam saan ako maguumpisa. Ayoko na sa ganitong araw ito na yung ginago ko ang aking sarili. Galit ang namutawi sa akin. Ewan di ko matanggap na di ko naman giawa yun. Para akong isang asong ulol na kaya ko naman gawin sa labas mga binibintang nila bakit sa loob pa. Sayang lang ang kumpisal kung di ako magsasabi ng totoo. Mahirap ang mapalayo sa pagtugon sa Diyos. Sana mapatawad mo ako Panginoon at mga taong napagbintangan ako dahil kasama pa rin kayo sa paghubog sakin.
Hanggang ngayun dala ko parin ang tawag Niya kahit ako ay nagkakasala pinapatawad pa rin Niya. May tatlo na akong anak at stable na sa work sa paghubog din sa mga kabataan. Kaya kung tayo ay tutugon habang buhay po tayo sa piling Niya kahit anong bokasyon meron tayo ngayun.
Salamat sa pagbababsa pagpalain ka nawa ng Maykapal at ilayo sa kapahamakan. Amen