Podcast: Download (Duration: 6:41 — 8.5MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules
Labis na mapagbigay ng biyaya, kagalingan, at kapatawaran ang Panginoon. Subalit ipinagwawalang-bahala natin ang mga ito. Nakakalimutan natin siyang pasalamatan. Dalhin natin ang ating mga panalangin sa kanya sa diwa ng pasasalamat.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa pasasalamat, tumatawag kami sa Iyo, Panginoon.
Ang Simbahan sa lupa nawa’y patuloy na hilumin sa kapangyarihan ng Espiritu Santo ang mga may wasak na buhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Atin nawang purihin at pasalamatan ang Diyos sa mga biyaya ng buhay, pananampalataya, kalusugan, kaligayahan, at alab ng pagmamahalan ng pamilya, kaibigan, at komunidad, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayo nawa’y laging magpasalamat sa lahat ng aspeto ng ating buhay para sa pag-ibig na ibinuhos sa atin ng Diyos noong angkinin niya tayo bilang kanyang mga anak, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit at mga nabibigatan sa buhay nawa’y makita ang katangi-tanging pag-ibig at kalinga ng Diyos sa pamamagitan ng pagmamalasakit ng kanilang mga kapamilya, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao nawa’y mapabilang sa mga banal sa pagsamba sa Diyos sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming Diyos, pinasasalamatan ka namin para sa aming mga buhay at sa bagong buhay na iyong ipinagkakaloob sa amin sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Martes, Nobyembre 12, 2024
Huwebes, Nobyembre 14, 2024 »




{ 5 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Magandang pahayag ang sinasabi ng Aklamasyon sa Aleluya ngayon, na sa bawat pagkakataon ay dapat magpasalamat tayo sa Panginoong Diyos, sapagkat ito ay niloob sa atin ng ating Panginoong Hesukristo. Kaya nga makikita natin sa Ebanghelyo ang pagtatagpo ni Hesus sa 10 ketongin. Ang sakit na ketong ay tinuturing na kahawaan na dapat ang tao ay umiwas sa mga ketongin. Alam ito ng mga 10 taong iyon, ngunit tila nga ba’y nakita nila kay Hesus ang Kapangyarihan ng Ama na nagpapamalas ng kabutihan kahit sa mga taong katulad nila. Nang lumapit sila kay Hesus upang ihiling ang kagalingan, biglang inutusan sila ni Hesus na pumunta sa mga pari sa Jerusalem upang gawin ng ritwal ng pagpapalinis. Kaya sumunod sila sa gawaing iyon, at hindi akalain nila na sila’y gumaling habang lumalakbay. Sila’y naging masaya at nagsipunta sa kanya-kanyang pagdiriwang. Ngunit mula sa 10 ketongin, iisa lang ang bumalik kay Hesus at nagpasalamat. At natunghayan ng Panginoon na siya’y isang Samaritano, isang itinuturing noon na kaaway ng mga Hudyo dahil raw sa ritwal nito na paganismo. Subalit ipinakita dito ang isang itinuturing na kaaway ng mga Hudyo ay sumampalatya at nagpasalamat kay Hesus sa ginawang paglilinis sa kanyang balat at pagwawasto ng buong katauhan. Kaya nga sa bawat pagpapala at magandang bagay na natanggap at narasanan natin, dapat mayroon tayong utang na loob na tinatanggap natin ang mga biyayang ibinigay sa atin ayon sa ating pagsisikap. At tayo’y inaanyayahan ni San Pablo na magpasakop sa mga pinuno hindi lang ng Simbahan at Pamahalaan, kundi ang bawat may awtoridad na higit pa sa atin. Ang hamon dito ay ang pagtanggi at pagbawalan ang bawat masamang bagay na ikasisira natin. Kaya kung tayo’y may utang na loob sa Panginoon sa bawat kabutihan niya sa atin, nawa tayo rin ay maging mga biyaya ng kabutihan at kagandahang-loob sa ibang tao na patuloy na maghari ang pagmamahal dito sa daigdig.
Palagi tayong magtiwala sa Diyos at magpasalamat sa lahat ng mga natatamo nating biyaya mula sa Kanya. Maraming pinagkakalooban ng biyaya ngunit hindi lahat ay marunong magpasalamat, at ang pasasalamat ay hindi lamang sa sa salita kundibgayun din ss gawa, inaasahan ng Panginoon na maibahagi din natin sa iba ang mga biyayang ating tinatanggap mula sa Kanya.
Panginoon kung meron man akong hinihiling na hindi mo pa ipinagkakaloob ay taos puso pa rin ang aking pananalig na ito ay iyong ipagkakaloob ng naaayon sa Iyong kagustuhanb sa tamang panahon. Amen
Lubos akong nagpapasalamat at nagpupuri sa D’yos at di magsasawang gawin ito araw araw.Pagkalooban nawa ako palagi ng Panginoon na maging mahinahon,banayad,hindi nagmamadali upang magawa ko ito araw araw.
Ang mga pagbasa sa araw na ito ay patungkol sa pananampalataya, pagpapagaling, at pasasalamat. Ang kwento ng sampung ketongin ay repleksyon ng mga imperfections ng bawat isa sa atin. Tayo ay inaanyayahan ng Ebanghelyo na suriin kung ano ang nangangailangan ng paghilom sa ating mga sarili. Hindi ito nalilimitahan sa sakit o karamdaman ng katawan lamang kung hindi ito ay sa lahat ng bagay na nagpaparumi sa ating pagkatao na unti unting nagpapahiway sa atin sa ating pamilya, kaibigan, komunidad at lalo higit sa Diyos. Sa madaling salita ito ay ang mga kasalanan, sapagkat ang paggawa ng kasalanan dito naguugat ang pagkaka-watak watak at hidwaan na naglalayo ng kalooban ng bawat isa.
Sa sampung pinagaling na isa lang ang nagpasalamat sa Panginoong Hesus, nagpapakita ito ng pagiging pagka-masarili ng tao na pagkatapos ipagkakaloob ang kahilingan napakadali ding malimutan ang Nagkaloob, o di kaya hindi tumimo sa puso ang kaloob dahil sa kaisipan na well-deserved naman ang pagpapalang natanggap. Ang pagpapasalamat ay isang natural na ugali ng taong na marunong kumilala sa mga tulong, pagdamay, pakikiramay at lahat ng mga kabutihan na ipinakita sa atin ng ating kapwa. Sa katunayan, ang dami natin dapat ipagpasalamat sa Diyos sa araw araw, sa buhay, kalusugan, at sa mga taong pinadala sa atin upang tayo ay hilumin sa iba’t ibang nating pangangailangan-mapa-pisikal, materyal, at espirituwal.
Ang pagpapasalamat sa paghilom na natanggap ng publikanong ketongin ay nagsimula ito sa pananampalataya na walang hindi nakapangyayari sa Diyos na ang awa’t habag Niya ay iginagawad sa lahat na walang itinatangi. Ito ay paanyaya din sa atin na tularan ang publikanong na sa kabila ng pagiging paganong makasalanan, tayo ay buong kababaang puso na magsumamo na tayo ay hilumin, akayin, at pakamtin ng awa at habag at laging manumbalik sa Diyos na may taus-pusong pasasalamat sa lahat ng Kanyang kabutihan. Amen.
Mas maraming biyaya ang taong marunong magpasalamat.
Magpasalamat sa pamamagitan ni Kristo Hesus sa kumpletong biyaya na natatanggap natin. Para sa mas maraming biyaya.
Magpasalamat ng may Kababaang loob sa mga biyaya na pinagkakaloob sa atin.
Amen.
God is good all the time,
All the time God is good.