Podcast: Download (Duration: 6:11 — 4.4MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)
Patnubay sa Misa
Hangad nating maging dakila sa paningin ng Diyos. Puno ng tiwalang tayo ay tutulungan niyang maging dakila sa pamamagitan ng pagiging bukas-palad, ating sambitin:
Mapagbigay na Diyos, dinggin mo ang aming panalangin!
Para sa mga namumuno sa Simbahan, upang manguna sila sa pagpapahalaga sa mga dukha at aba sa ating pamayanan, manalangin tayo sa Panginoon!
Para sa lahat ng mga pari at mga namanata sa Diyos, nawa’y matuto silang magbigay ng lahat na siyang nilalaman ng kanilang mga sinumpaan, manalangin tayo sa Panginoon!
Para sa mga namumuno sa ating bansa, upang gawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para maiangat ang kalagayan ng mga naghihirap at nagigipit sa ating lipunan, manalangin tayo sa Panginoon!
Para sa mga taong maykaya sa buhay ngunit nagbubulag-bulagan sa pangangailangan ng kanilang mga kapatid na naghihikahos, upang mabuksan ang kanilang mga puso at ang kanilang mga lukbutan, manalangin tayo sa Panginoon!
Para sa ating lahat na nagkakatipon sa Lingguhang Eukaristiya, upang lumago tayo araw-araw sa pagpapahalaga sa mga maliliit at hinahamak sa ating paligid at magsumikap na sila’y maiangat, manalangin tayo sa Panginoon!
Para sa mga magulang na nagluluksa sa pagkamatay ng kanilang anak: nawa’y makatagpo sila ng suporta mula sa kanilang pamayanan at makatanggap ng kapayapaan at katiwasayan mula sa Espiritu Santo!
Ama naming mapagbigay, isugo mo sa amin ang iyong Banal na Espiritu upang mapuspos kami ng linaw ng mata para makita ang kahirapang pinagdaraanan ng aming mga kapatid. Pukawin mo ang aming mga puso at nang matugunan namin sa abot ng aming makakaya ang kanilang pangangailangan. Hinihiling
namin ito sa pamamagitan ng Anak mong talagang nagmahal sa mga maliliit, si Hesukristong aming Panginoon. Amen!
Pages: 1 2
« Sabado, Nobyembre 9, 2024
Lunes, Nobyembre 11, 2024 »




{ 7 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Malapit na pong tumapos ang Taong Panliturhiya ng ating Simbahan, at magsisimula naman ng isa pang bagong taon sa Panahon ng Adbiyento. Kaya nga ipinapaalala sa atin na ang pinakabasehan ng ating gawain ay pag-ibig, at ang hantungan ng ating pagmamhal ay kaligayahan ng buhay na walang hanggan sa kalangitan. Kaya makikita sa katauhan ng 2 biyuda sa Unang Pagbasa at Ebanghelyo ang kanilang katapatan sa paglilingkod sa Panginoon sa kabila ng kanilang katayuan. Sa kasaysayan ng Israel, itinuturing ng lipunan ang mga biyuda bilang mga taong hindi mahalaga at mga hindi na matulungan daw. Ito’y bahagi ng paningin ng mga tao noon ukol sa mga kababaihan, na hindi sila’y kasinglakas katulad ng mga kalalakihan. Ang mga babae raw ay nakadepende palagi sa lalaki kung ito’y ipagpapakasal. Subalit kung namatay man ang asawa ng babae, ang kanyang (mga) anak na lalaki ang pinaniniwalaang gagampanan ang biyaya ng pamilya. Ngunit kung pumanaw ang (mga) lalaking anak ng biyuda, siya’y itinuturing na hindi kailanman matutulungan. Bilang tugon, ipinahayag sa atin ng liturhiya na ang Panginoong Diyos ay matagal nang may lubos na awa at malasakit kahit sa mga taong kinakalimutan o kaya niyuyurakan ng lipunan, kasama na dito ang mga balo. Kaya nga ang babaing balo na taga-Sarepta ay pinag-utusan ni Propetang Elias na tanggapin ang propeta sa bahay nito. At inutusan din siya na bigyan si Elias ng tubig at magluto ng tinapay, subalit nagduda ng babae na baka mawalan ng harina. Pero siya’y nagtiwala sa Diyos sa tulong ni Propetang Elias, at ang sarong puno ng harina ay isang tanda na siya’y kinalulugdan ng Diyos. At isa namang biyuda ang ipinakilala sa Ebanghelyo na hindi katulad ng mga mayayamang taong naghandog ng malalaking salapi, siya’y naghandog ng dalawang kusing lamang. At siguro ang mga taong nakakita dito ay nag-iisip ng sama ng loob dahil sa liit na handog niya. Sa puntong iyon, pinuri ni Hesus ang disposiyon ng babaeng balo na kahit ang 2 kusing na mayroon siya na dapat gamitin niya sa kanyang mabuting kalagayan, inialay niya ito sa Diyos nang may buong puso. Kaya nga itinuturo dito sa Ebanghelyo ang pagbibigay na galing sa puso. Taliwas dito sa pag-uugali ng mga pinunong tumutuligsa kay Hesus katulad ng mga eskriba na nagpapakita ng kabaitan at kabanalan na akalain sila’y mas kalugud-lugod sa harap ng napakaraming tao. Kaya nga ang hamon sa atin na katulad ng Diyos na dakila sa kanyang awa at habag sa atin sa kabila ng ating mga kahinaan, tayo rin ay maging mga mabuting taong nagpapahayag ng pagmamahal at habag sa ibang tao, lalung-lalo na ang mga mahihirap. Kapag tayo ay nagbibigay, gawin natin ito nang taos puso at hindi yung parang napipilitan upang makita natin ang kahalagahan ng pagbibigay. At nawa’y tularan din natin ang 2 balo na patuloy tayong magtitiwala at maglilingkod sa Panginoon sa kabila ng mga problema at paghihirap natin sa buhay.
Mas kinalulugdan ng Diyos ang nagbibigay ng may kasamang sakripisyo. Amen.
PAGNINILAY: Malapit na pong tumapos ang Taong Panliturhiya ng ating Simbahan, at magsisimula naman ng isa pang bagong taon sa Panahon ng Adbiyento. Kaya nga ipinapaalala sa atin na ang pinakabasehan ng ating gawain ay pag-ibig, at ang hantungan ng ating pagmamhal ay kaligayahan ng buhay na walang hanggan sa kalangitan.
Kaya makikita sa katauhan ng 2 biyuda sa Unang Pagbasa at Ebanghelyo ang kanilang katapatan sa paglilingkod sa Panginoon sa kabila ng kanilang katayuan. Sa kasaysayan ng Israel, itinuturing ng lipunan ang mga biyuda bilang mga taong hindi mahalaga at mga hindi na matulungan daw. Ito’y bahagi ng paningin ng mga tao noon ukol sa mga kababaihan, na hindi sila’y kasinglakas katulad ng mga kalalakihan. Ang mga babae raw ay nakadepende palagi sa lalaki kung ito’y ipagpapakasal. Subalit kung namatay man ang asawa ng babae, ang kanyang (mga) anak na lalaki ang pinaniniwalaang gagampanan ang biyaya ng pamilya. Ngunit kung pumanaw ang (mga) lalaking anak ng biyuda, siya’y itinuturing na hindi kailanman matutulungan. Bilang tugon, ipinahayag sa atin ng liturhiya na ang Panginoong Diyos ay matagal nang may lubos na awa at malasakit kahit sa mga taong kinakalimutan o kaya niyuyurakan ng lipunan, kasama na dito ang mga balo.
Kaya nga ang babaing balo na taga-Sarepta ay pinag-utusan ni Propetang Elias na tanggapin ang propeta sa bahay nito. At inutusan din siya na bigyan si Elias ng tubig at magluto ng tinapay, subalit nagduda ng babae na baka mawalan ng harina. Pero siya’y nagtiwala sa Diyos sa tulong ni Propetang Elias, at ang sarong puno ng harina ay isang tanda na siya’y kinalulugdan ng Diyos. At isa namang biyuda ang ipinakilala sa Ebanghelyo na hindi katulad ng mga mayayamang taong naghandog ng malalaking salapi, siya’y naghandog ng dalawang kusing lamang. At siguro ang mga taong nakakita dito ay nag-iisip ng sama ng loob dahil sa liit na handog niya. Sa puntong iyon, pinuri ni Hesus ang disposiyon ng babaeng balo na kahit ang 2 kusing na mayroon siya na dapat gamitin niya sa kanyang mabuting kalagayan, inialay niya ito sa Diyos nang may buong puso. Kaya nga itinuturo dito sa Ebanghelyo ang pagbibigay na galing sa puso. Taliwas dito sa pag-uugali ng mga pinunong tumutuligsa kay Hesus katulad ng mga eskriba na nagpapakita ng kabaitan at kabanalan na akalain sila’y mas kalugud-lugod sa harap ng napakaraming tao.
Kaya nga ang hamon sa atin na katulad ng Diyos na dakila sa kanyang awa at habag sa atin sa kabila ng ating mga kahinaan, tayo rin ay maging mga mabuting taong nagpapahayag ng pagmamahal at habag sa ibang tao, lalung-lalo na ang mga mahihirap. Kapag tayo ay nagbibigay, gawin natin ito nang taos puso at hindi yung parang napipilitan upang makita natin ang kahalagahan ng pagbibigay. At nawa’y tularan din natin ang 2 balo na patuloy tayong magtitiwala at maglilingkod sa Panginoon sa kabila ng mga problema at paghihirap natin sa buhay.
Ang hamon at aral sa atin ng ebanghelyo ngayon ay Humility at Generosity.
Huwag nating tularan ang mga eskriba na ang nais ay ang pagpugayan sila, ang mga tanging luklukan sa sinagoga at upuang pandangal sa mga piging. Ang mga gawain at pag iisip na ganito ay puro kayabangan. Sa buhay nating ito ang lahat ay hiram natin sa Panginoon, magpakababa tayo hiwag nating hangarin na purihin tayo ng ating kapwa, kainggitan o kabiliban sa kung anong meron tayo. Huwag tayong mabuhay na; mapgkunwari at hambog para lamang makitang mas mataas at higit tayo sa iba, sapagkat kung gayon ay kinuha mo na ang iyong gantimpala dito sa lup at walang naghihintay na gantimpala sayo galing sa Diyos natin sa langit.
Tularan naman natin ang babaeng balo sa unang pagbasa at sa ebanghelyo. Maging bukas palad tayo sa mga lumalapit sa atin at humihingi ng tulong, kung qng ibibgay mo nman ang iyong sobra lang at hindi mo na kailangan ay walang bilang iyon sa mata ng Panginoon. Huwag kang matatakot na mawalan, magbigay ka lamang at tumulong at magtiwala sa Diyos na hindi masasaid ng kung anong meron ka pa, hindi matutuyo ang langis at masasaid ang lagayan ng harina.
Huwag maging mayabang at maging mapagbigay at si Hesus na ang bahala sayo, basta’t manalig ka lamang.
Purihin ang Diyos, tunay na ang mga anak mg Diyos ay nag-aalay ng buong buhay alamg alang sa kalooban ng Diyos.
Ang karakter ng babaing balo sa Ebanghelyo ay sumasagisag ng taong inuuna ang Diyos ng buong niyang kalakasan at yaman sa kabila ng kadaliitaan, at sariling pangangailangan. Ito ay paglalarawan ng pagbabalik-loob sa Diyos anumang bagay na meron tayo lagi nasa una sa talaan natin ang magbigay sa Diyos na hindi nalilimitahan sa pera lamang.
We are all gifted to give and to be a chanel of blessings to others. Hindi tayo nagbibigay dahil may kakayahan tayong magbahagi o kaya may sobra tayo kundi unang na nagkaloob sa atin ang Diyos, at tayong lahat ay inaasahan na maging daluyan din ng pagpapalang ito. Sa tuwing tayo nagbabahagi ng anumang bagay sa ating simbahan at sa ating kapwa dinadalisay nito ang ating mga puso na siyang ninanais ng Diyos sa lahat- ito ang pagaalay ng ating mga puso sa Kanya.
Nawa’y, sa gitna ng ating mga pansariling pangangailangan, matularan natin ang kwento ng balo sa Ebanghelyo, na patuloy na nagkakaloob mangahulugan man ito ng ating ikinabubuhay sapagkat makaisang daan na paulit-ulit Niya ito ibabalik, maaring hindi sa materyal na bagay kundi sa espirituwal. Ang hamon sa ating pananampalataya ay humanap tayo ng pamamaraan kung saan tayo laging makakatulong sa ating kapwa gamit ang mga biyayang ipinagkatiwala sa atin Diyos- oras, talento, yaman, at kalakasan.
panalangin na walang pagku-kunwari