Podcast: Download (Duration: 5:47 — 4.1MB)
PANALANGIN NG BAYAN
ENERO 3
Itinuturo ni Juan Bautista si Jesus bilang Anak ng Diyos. Ituon natin ang ating mga puso at isipan sa kanya sa ating pananalangin.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Itulot Mong maging mga saksi mo kami, O Panginoon.
Ang mga pinuno at kasapi ng Simbahan nawa’y maging masigasig na ipahayag si Jesus sa mga tao sa pamamagitan ng kanilang paglilingkod na hindi inuuna ang sarili, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nanunungkulan sa pamahalaan nawa’y hindi maghangad ng pansariling pakinabang kundi maglingkod sa abot ng kanilang makakaya para sa kapakanan ng bayan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga magulang nawa’y maunawaan na sa pamamagitan ng pagtuturo nila ng pananampalataya sa kanilang mga anak ay natutupad nila ang kanilang natatanging misyon na akayin ang mga tao patungo kay Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang lahat ng karamdaman at nagdurusa nawa’y makabatid na sila ay mahalaga sa mga mata ng Diyos at sila ay kinakalinga niya, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang ating mga kaibigan, na sa Binyag ay namatay kasama ni Kristo at ngayon ay natapos na ang paglalakbay sa lupa nawa’y makabahagi sa kapangyarihan at kaluwalhatian ng kanyang Muling Pagkabuhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming Diyos, tinupad mo ang iyong pangako sa amin sa paghahandog mo ng iyong Anak. Ipagkaloob mo sa amin ang biyayang maging tapat na mga saksi ng kanyang pagdating. Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Martes, Enero 2, 2024
Huwebes, Enero 4, 2024 »
{ 4 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Ang ating pagdiriwang ng Kapaskuhan ay isang pagtutunghayan sa Misteryo ng Pagkatawang-tao ng Panginoon. Pinagninilayan natin ngayon sa Ebanghelyo ang pagbibigay-saksi ni San Juan Bautista sa paghahanda ng daraanan ng Panginoon. At dito sa eksenang ito, ipinahayag niya si Hesus bilang “Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan”. Ang larawan ng kordero ay madalas ginagamit sa Lumang Tipan bilang abang alaga ng isang pastol. Sa pagdiriwang ng “Passover” ng mga Israelita, madalas ginagamit ang kordero sa pag-aalay ng sakripisyo bilang alaala sa pagpapala ng Diyos sa kanyang bayan. Kaya si Hesus ay ang Kordero ng Diyos sapagkat siya ang itinakdang Tagapagligtas na magliligtas sa atin mula sa ating mga kasalanan. Siya ang Lingkod ng Diyos ayon sa propesiya ni Isaias na ihahain bilang ganap na handog para sa pag-aalis ng mga kasalanan. At nakita ito ni Juan dahil sa kapuspusan ng Espiritu Santo. Kaya tayong lahat ay binibinyag hindi lang ng tubig, kundi ng Espiritung iyon dahil kay Kristong namatay at muling nabuhay para tayong maging mga kalugud-lugod na anak ng Ama. Kaya nga si San Juan Apostol sa Unang Pagbasa ay naghihikayat sa atin na ipadama ang pag-ibig ng Diyos sa isa’t isa sa paggawa ng katuwiran at kabutihan. Nawa mas kilalanin natin at palalim ang ating relasyon sa Diyos sa pagiging tapat sa kanyang dakilang kalooban.
Pagninilay ni Jess C. Gregorio sa Mabuting Balita:
Muli, nakikita natin na ang lahat ng patotoo ni San Juan Bautista ay katotohanang dala ng Espiritu Santo na nagbukas ng kanyang mga mata at isipan. Hindi niya lubos na nakikilala si Hesus nuon ngunit sa kapangyarihan ng Espiritu ay naipahayag niya na siya ang Kordero ng Diyos na mag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. Paano natin malalaman na ang Espiritu ay gumagalaw sa atin? Madali lang. Malalaman natin kung ang bawat galaw at salita natin ay matuwid at walang halong kapalaluan, walang pansariling ambisyon at papuring inaabangan, walang kalituhan at may kasiguraduhan, may kakaibang karunungan at katotohanang hindi mapagkakailaan, walang katiting na paghihinala sa mabuting kahihinatnan, at hindi nagdudulot ng takot sa mga nagiging galawan. Gayun din ang paraan para maramdaman ang Espiritu kanino man. Mararamdaman natin ang init at presensiya ng Panginoon sa kanila na magiging daan para matukoy at ituro mismo ang Kristong nananahan. Nagbabaga ang ating mga puso sa bawat salitang kanilang binibitawan. Walang takot na namumuo o pagdududang malimit ay gustong isingit ng kalaban. Walang paghihinala at walang takot sa puso ni Juan na kanyang sinabi bumaba ang Espiritung namasdan. At winika niya, “Nakita ko ito, at pinatototohanan kong siya ang Anak ng Diyos.” Ang tanging paraan para makita natin si Hesus ay sa Espiritu Santong taglay. Nawa’y manahan siya sa templong inilagay.
PAGNINILAY: Muli, nakikita natin na ang lahat ng patotoo ni San Juan Bautista ay katotohanang dala ng Espiritu Santo na nagbukas ng kanyang mga mata at isipan. Hindi niya lubos na nakikilala si Hesus nuon ngunit sa kapangyarihan ng Espiritu ay naipahayag niya na siya ang Kordero ng Diyos na mag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. Paano natin malalaman na ang Espiritu ay gumagalaw sa atin? Madali lang. Malalaman natin kung ang bawat galaw at salita natin ay matuwid at walang halong kapalaluan, walang pansariling ambisyon at papuring inaabangan, walang kalituhan at may kasiguraduhan, may kakaibang karunungan at katotohanang hindi mapagkakailaan, walang katiting na paghihinala sa mabuting kahihinatnan, at hindi nagdudulot ng takot sa mga nagiging galawan. Gayun din ang paraan para maramdaman ang Espiritu kanino man. Mararamdaman natin ang init at presensiya ng Panginoon sa kanila na magiging daan para matukoy at ituro mismo ang Kristong nananahan. Nagbabaga ang ating mga puso sa bawat salitang kanilang binibitawan. Walang takot na namumuo o pagdududang malimit ay gustong isingit ng kalaban. Walang paghihinala at walang takot sa puso ni Juan na kanyang sinabi bumaba ang Espiritung namasdan. At winika niya, “Nakita ko ito, at pinatototohanan kong siya ang Anak ng Diyos.” Ang tanging paraan para makita natin si Hesus ay sa Espiritu Santong taglay. Nawa’y manahan siya sa templong inilagay.
PAGNINILAY
Madaling masiraan ng loob sa buhay Kristiyano. Nasasaktan na tayo sa pagkumpisal ng parehong mga kasalanan, nagpapasalamat na hindi na tayo nagdagdag, ngunit nabigo na ang ating mga orihinal na kapintasan ay sumasalot pa rin sa atin. Kadalasan, ito ay dahil nakakalimutan natin na mahal tayo ng Diyos at handang baguhin ang ating mga kapintasan sa mga paraan ng biyaya. Si Hesus ay dumating bilang Kordero ng Diyos upang tayo ay gawing mga anak ng Diyos. Parehong hamon at kaginhawaan na malaman na ang Diyos, hindi ang ating sarili ang gumagawa ng pagbabagong ito sa loob natin, kung magtitiwala tayo sa Kanyang pag-ibig.
Panginoong Hesus, Kordero ng Diyos, salamat sa pagbibigay Mo sa amin ng buhay sa pamamagitan ng kamatayan para sa aming mga kasalanan. Amen.
***