Miyerkules, Marso 31, 2021

March 31, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Miyerkules Santo

Habang nalalapit tayo sa Biyernes Santo, taglay ang pagtitiwala sa ating mapagmahal na Diyos, alalahanin natin ang mapanligtas na gawain ni Kristo na kanyang lingkod.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, basbasan mo kami sa dugo ni Kristo.

Ang mga nagdaranas ng hindi makatarungang pagdurusa nawa’y magtamasa ng pagpapaginhawa ng Panginoon sa pamamagitan ng kanilang malinis na budhi, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga sariling pagdurusa nawa’y magpalago ng ating pananampalataya sa Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kasama natin na nagpapaliban ng kanilang pangungumpisal bunga ng pagmamalaki, takot o katamaran, nawa’y maging bukas ang isip sa pangangailangan sa kapatawaran ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at lahat ng nagdurusa nawa’y makaranas ng nakapagpapagaling na presensya ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y makabahagi sa Muling Pagkabuhay ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos,
ibinigay mo sa amin ang halimbawwa ng iyong Anak upang ipakita sa amin kung paano mabuhay at mamatay. Nawa ay pagkalooban mo kami ng pananampalatayang kailangan namin upang makasunod sa kanya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.

Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Criste January 27, 2021 at 8:01 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Reynald Perez March 27, 2021 at 8:49 pm

PAGNINILAY: Ngayong Miyerkules Santo, ito’y popular na tinatawag bilang “Spy Wednesday” sapagkat inaala nitong araw na ito ang pagbubunyag ni Hesus sa kanyang traydor. Ito yung narinig natin sa Ebanghelyo noong si Hudas Escariote ay pumunta sa mga punong saserdote, matatanda ng bayan, eskriba, at Pariseo upang tanungin magkano ang ibibigay nila sa kanya kapag ibinigay niya si Hesus sa kanila. At nagkasunduan sila na pagbayaran siya ng 30 pilak. At hindi nagtagal noong si Hesus ay nasa Huling Hapunan kasama ang kanyang mga Apostol, nabagabag siya nang aminin niya sa lahat na mayroon isa sa kanila ang magkakanulo sa kanya. Labis nagtaka ang 11, at paisa-isang nagtatanong kung sila ba ang gagawa ng ganyang klaseng kasalanan. Tinukoy ni Hesus na ang taong iyon ay sabay na sumasawsaw sa mangkok kasama niya. Kaya lahat ay nagulat nang malaman nilang si Hudas pala ang traydor sa kanilang kasamahan. Agad umalis si Hudas kasama ang pera para bigyan ng pagkakataong hulihin ng mga pinuno at mga kawal nito si Hesus.

Marahil maraming taong nagtataka kung ano nga ba ang layunin ni Hudas Escariote kung bakit niyang ipinagkanulo ang Panginoon. At higit pa diyan, magtataka rin tayo kung bakit imbes na humingi siya ng tawad kay Kristo dahil inamin niyang nagkamali siya kaya itinapon pabalik ang pera sa Sanhedrin, ay nagpakamatay siya sa pamamagitan ng pagbibitay sa sarili. At marami nang mga eksperto sa Bibliya, teologo, at pati na rin mga patristikong ama ng ating Simbahan ay nagsulat ng kanilang mga pagninilay tungkol sa apostol na ito. At marahil may mga taong nais ipagtanggol si Hudas na kahit mali ang ginawa niya, hindi pa raw dapat natin husgahan ang kanyang pagkatao sapagkat siya’y nagsisi naman sa huli, kaya ang Diyos na ang may awa at hatol sa kanya. Anupamang bagay na iyon tungkol sa kanya na nais nating palalimin bilang mga Kristiyano, hindi pa rin mawawalay sa katotohanang ipinagkanulo ni Hudas Escariote si Hesus gamit ang 30 pilak. At ang aksyong ito ni Hudas ay nagbigay-daan sa mga pagkasunud-sunod na sinapit ng ating Panginoong Hesukristo ukol sa kanyang Pagpapakasakit at Pagkamatay sa Krus. Subalit nangyari ang mga bagay na ito bilang katuparan sa kalooban ng Diyos Ama para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

Narinig natin sa Unang Pagbasa ang Ikatlong orakulo ni Isaias tungkol sa Lingkod na Panginoon, na kahit siya’y pinagtaksilan, pinaglurhan, pinag-insultuhan, at pinagtawanan, si Kristo ay naging masunurin pa rin sa kalooban ng Ama. Alam ni Hesus na kahit siya’y sumigaw mula sa Krus na “Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan”, alam niya na may isang mabuting mangyayari kapalit ng kanyang pagdurusa. At iyon ay ang biyaya ng kaligtasan na kahit tayo’y nagkasala sa Panginoon, hindi niya tayo sinuko. Bagkus inalay niya ang kanyang buhay dahil sa tatlong bagay:
1. Upang makita natin ang kalagayan ng kasalanan at kung paano itong pinuputol ang ating relasyon sa kanya, na hindi dapat tayo’y mamuhay sa kasalanan.
2. Upang tayo ay magkaroon pa ng bagong pagkakataon na baguhin ang ating sarili at sumikap na gumawa pa ng katuwiran at kabutihan sa kapwa, alinsunod sa mga utos at atas niya.
3. Upang mapahalagaan natin ang kahulugan ng pagdurusa, na hindi dapat palaging iniisip na “kanyang parusa sa atin”, kundi upang mas maging matatag pa ang ating pananampalataya at pagsisikap sa kanya, na balang araw malalampasan natin ang bawat pagsubok.

Reply

Sherwin D. Yanoria March 31, 2021 at 6:31 am

Ang mga tao ay namumuhay ayon sa kagihawahan. Umiiwas kung masasaktan o di kaya ay mapapahamak. Kabaliktaran ito sa naging buhay ng ating Panginoong Hesukristo. Laging nasa peligro ang Kanyang buhay, mula ng Siya ay isilang hanggang sa paglaki. Handa Niyang ibuwis ang Kanyang buhay upang makapangaral tungkol sa Kaharian ng Diyos. Di niya inaalintana ang kapahamakan dahil sa pagmamahal Niya sa atin upang tayo ay maligtas sa kasalanan. Hanggang kailan natin kayang sumunod sa ating Panginoong Hesukristo, kahit ang kapalit nito ay ating kamatayan?

Reply

Ferdy Baetiong Parino March 31, 2021 at 8:16 am

Marami sa atin kapag nkaranas ng mga dagok at paghihirap sa buhay ay napapariwara, naglalasing, sinisira ang buhay at nagpapakasama at minsan ay nagagalit sa Diyos. Tularan natin si Hesus na tinangap ang lahat ng sakit maging kamatayan at sumunod pa din sa sa kalooban ng Diyos. Ibig din ipahiwatig ng ebanghelyo na kahit anong sama mo ngayon ay yayakapin ka ng Panginoon kung ikaw ay MAGSISI at tatalikdan na ang kasamaan. Sa simbahan, sa panalangin, sa Diyos tayo tumakbo kung tayo ay may mabigat na problema at hindi sa alak o kahit anong makamundong bagay. HINDI pa huli ang lahat…ang nagtrabaho sa ubasan mula umaga ay nakatanggap ng parehas na upa duon sa nagsimulang magtrabaho ng alas tres ng hapon.

Reply

Manee March 31, 2021 at 8:33 pm

Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo. ALELUYA AMEN!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: