Miyerkules, Marso 17, 2021

March 17, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma
Miyerkules

Habang inilalapit natin ang ating mga kahilingan sa dambana ng Diyos, hingin natin ang lakas at pananampalataya upang makasunod sa kanyang kalooban.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, ikaw ang lahat sa amin.

Ang Simbahan nawa’y maging gabay ng kanyang mga kasapi sa daan ng kabutihan at dalhin sila sa pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang talikuran ang kasalanan nang buong puso at maging masunurin sa mga batas ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng nagdaranas ng pagsubok at pag-uusig dahil sa kanilang pananampalataya nawa’y magtiyaga at magtiwala sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang masundan ang halibawa ni Jesus at makiayon tayo sa kalooban ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatanggap ng ipinangako ng Diyos na buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, tulungan mo kaming iayon ang aming sariling kalooban sa iyong kalooban upang makapamuhay kami sa paraang ninanais mo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 1 comment… read it below or add one }

Sherwin D. Yanoria March 17, 2021 at 6:28 am

Ang pagmamahal ng magulang sa anak ay di kayang mapantayan ng sinumang tao. Kahit anong sama ng anak ay kayang patawarin ng kanyang magulang. Sa mundong ito, pinagpala ang mga magulang na biniyayaan ng mabubuting anak. Kaya sa ebanghelyo ipinapakita ang relasyon ng Diyos Ama sa Kanyang Anak. Ang Salita ng Diyos ang siyang gabay sa pag gawa natin ng kabutihan kung paano tayo magkakamit ng buhay na walang hanggan. Sabi nga sa ika-apat na utos igalang mo ang iyong ama at ina. Nawa’y maghari ang kapayapaan, pang-unawa, pagmamahal at pagpapatawad sa bawat tahanan.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: