Miyerkules, Pebrero 17, 2021

February 17, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa
Miyerkules ng Abo

Idulog natin sa Diyos ang ating mga pangangailangan sa simula ng Panahong ito ng Kuwaresma. Magtiwala tayong tutulungan Niya tayong magbagong-buhay. Ang ating sasambitin ay:

Amang nagpapabanal, dinggin Mo ang Iyong bayan!

Para sa mga namumuno sa Simbahan, upang matupad nilang may pagpapakumbaba ang kanilang mga tungkulin at nang madala ang Bayan ng Diyos sa banal na pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon!

Para sa lahat ng mga Kristiyano, upang sa taong ito ng Ekumenismo at Pag-uusap sa Pananampalataya ay magtulu- ngan silang mahanap ang landas tungo sa pagkakaisang bunga ng Binyag, manalangin tayo sa Panginoon!

Para sa mga namumuno sa ating bansa, upang sa kanilang pagiging lingkod-bayan ay mabago nila ang mga maling pamamaraan sa pamahalaan at sa ating lipunan, manalangin tayo sa Panginoon!

Para sa mga taong nababaon sa kayabangan, pagkahumaling sa kasarapang pangkatawan, at kasakiman, upang kayanin nilang iwanan ang mga ito at nang manariwa sa kanila ang mga bunga ng Sakramento ng Binyag, manalangin tayo sa Panginoon!

Para sa ating lahat na nagkakatipon sa pagdiriwang na ito, upang mapahalagahan natin ang kahulugan ng Sakramento ng Binyag at nang ang bisa nito ay mamalas sa ating pang-araw-araw na buhay, manalangin tayo sa Panginoon!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil sandali.)
Manalangin tayo!

Ama naming bukal ng kabanalan, isugo Mo sa amin ang Iyong Banal na Espiritu upang mala- banan namin ang mga nakasisira sa karangalang dulot ng Binyag. Tangkilikin nawa namin ang mga gawaing pang-Kuwaresma at nang kami’y maging tunay na mga alagad ng Iyong Anak na si Hesukristong aming Panginoon.

Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Edwarf N. Jamandron February 14, 2018 at 9:56 am

Salamat sa Diyos sa Kanyang mga paalala. Tulungan at gabayan nawa tayo ng Espiritu Santo na sa Panahon ng Kuwaresma ay matamo natin ang tunay na pagbabago para sa sa Kanyang kaluwalhatian. Amen

Reply

Mark Jefferson Magno January 1, 2021 at 6:02 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Reynald Perez January 22, 2021 at 10:42 am

PAGNINILAY: Ngayon ay sinisimulan natin ang 40-araw ng paghahanda para sa paggunita ng Misteryong Paskwal ng ating Panginoong Hesukristo, at ito’y tinatawag na Kuwaresma. At ang Panahon ng Kuwaresma ay palaging nagsisimula sa Miyerkules ng Abo. Ngayong araw na ito, tila nga ba’y ito ang pinakamaraming taong nagsisimba sa kani-kanilang parokya’t kapilya. Ang mga abo’y dating ipinapahid sa ating mga noo [na ngayo’y binubudbod sa ating mga ulo dahil sa pandemya] ay nagmula sa mga sinunog na palaspas at binasbasan ng banal na tubig. Sinisimbolo ng mga abong ito ang ating pagiging tao na may hangganan ang ating buhay sa mundong ito.

Kaya sinasabi sa Genesis 3:19 ay tayo ay nagmula sa alikabok at diyan din tayong babalik. Parang sa unang tingin ay nakakatakot ito, ngunit ang mangyayari sa atin matapos ang ating kamatayan ay bagong buhay sa kaluwalhatian kasama ang ating Paninoon. Kaya kapag tayo’y papahiran ng abo sa ating mga noo ngayon, alalahanin natin ang paanyaya ni Hesus sa Marcos 1:15 na tayo’y magsisi at magbalik-loob sa Diyos, at sumampalataya sa Mabuting Balita.

At ngayong Panahon ng Kuwaresma, 3 gawain ang ipinapaalala sa atin: (1) Ang Pag-aayuno (kasama ang Pangingilin), (2) Ang Panalangin, at (3) Ang Paglilimos. At si Hesus ay nagbigay ng isang matuwid na paalala na gawin natin ang mga ito hindi upang magyabang na tingin natin sa ibang tao na mas matuwid pa tayo, kundi kusang loob nang may kababaan ng kalooban na tayo’y nag-aayuno/nangingilan, nananalangin, at naglilimos upang mas maging matatag ang ating relasyon sa Diyos at kapwa tao.

Kaya nawa sa pagsisimula ng Panahon ng Kuwaresma, gawin nating makabuluhan ang 40 araw na ito sa tunay na pagsisisi, pagbabalik-loob, pagsasakripisyo, at paggawa ng kabutihan.

Reply

Sherwin D. Yanoria February 17, 2021 at 7:18 am

Ang paggawa ng mabuti ay hindi pakitang tao kundi taos puso. Ito ay naguugat sa pagmamahal ng tao sa Diyos at sa kanyang kapwa . Hindi na ito nangangailangan ng papuri o anumang parangal. Kaya ang Diyos na mismo ang magbibigay sa kanya ng parangal na siksik, liglig at umaapaw na biyaya. Walang nakakaligtas sa paningin ng Diyos lalo kung ang ginagawa ay kabutihan. Kaya nga sa panahon ng Kuwaresma, magandang pagtuunan ng pansin ang taos pusong pagbabalik loob sa Diyos, pagsisis sa kasalanan at pagaayuno.

Reply

Ujuan February 17, 2021 at 7:31 am

AMEN!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: