Podcast: Download (Duration: 5:26 — 3.9MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Sabado
Si Jesus, na nakipamuhay sa mga tao upang maglingkod bilang pagsunod sa kanyang Ama, ay nagnanais na unahin natin nang higit sa lahat ang mga bagay na nakalulugod sa Diyos.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ikaw ang lahat sa amin.
Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y maging mga tunay na lingkod na kumikilos nang may pagmamalasakit na katulad ng ipinakita ni Kristo sa kanyang mga apostol, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y maging tapat sa kanilang mga pananagutan at makatupad sa kanilang mga tungkulin ayon sa diwa ng pag-ibig at paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nagdaranas ng kahirapan nawa’y tumanggap ng lakas mula sa Banal na Espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga may karamdaman nawa’y maunawaan na ang kanilang pagdurusa, kung titiisin bilang pakikiisa kay Kristo, ay maaaring maging biyaya, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang ating mga namayapang kamag-anak at mga kaibigan nawa’y magtamasa ng kapanatagan sa walang hanggang tahanan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama, binigyan ng iyong Anak ng higit na pagpapahalaga sa lahat ang mga bagay na makalulugod sa iyo, kahit humantong pa sa kanyang pagpapakasakit para sa sangkatauhan. Loobin mo na lagi namin siyang maparangalan sa tuwing ginagawa namin siyang pinakamahalaga sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Sabado, Mayo 23, 2026
Linggo, Mayo 24, 2026 »




{ 16 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ngayon ay palapit na tayo sa pagtatapos ng Panahon ng Pasko ng Muling Pagkabuhay. Bukas ay ang katapusan nito sa pagdiriwang ng Linggo ng Pentekostes, ang araw na bumaba ang Espiritu Santo sa mga Apostol. Ang mga pagbasa ngayon ay pumupunto sa katapusan ng mga pagsasalaysay nina San Lucas sa Gawa ng mga Apostol at San Juan sa kanyang Ebanghelyo. Subalit makikita natin na ang sinasabing katapusan ay simula pala ng isa pang panibagong yugto.
Narinig natin sa Unang Pagbasa ang katapusan ng Gawa ng mga Apostol sa pamamagitan ng isang panibagong misyon sa magiging sentro ng pananamapalataya: ang Roma. Sinasabi dito na halos lahat ng Kristiyano sa Jerusalem ay umalis mula sa lungsod iyon patungo sa Italya, sa kabisera ng bansa na Roma, upang magtatag pa ng mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay saksi sa Mabuting Balita ni Kristo. At sa tulong nina San Pedro at San Pablo, lumaganap pa ang pananampalataya. Ikinuwento ni Pablo ang kanyang karanasan habang siya’y nasa Jerusalem. Kaya siya’y umapela na hatulan ng Emperador ang kanyang kaso dahil sa kanyang pagkakakilanlan bilang isang Romano. At pinapatibay niya ang kanyang misyon na sa kabila ng mga banta ng mga Hudyo at ang iba pa niyang kaaway laban sa kanya, nanatili pa rin siya malakas sa pagpapahayag ng Mabuting Balita. Kahit natapos na ang isang pagsasalaysay ng buhay ng mga sinaunang Kristiyano sa Jerusalem at ibang mga karatig na probinsya, ito rin ay pasimula ng pagkilala ng buong mundo sa pananamapalatayang Kristiyano, na ipinamana rin sa atin bilang mga hinirang ng Diyos.
Ang Ebanghelyo ngayon ay ang katapusan ng salaysay ni San Juan. Ang pokus ng Ebanghelista ay ipakilala si Hesus bilang tunay na Diyos. Matapos ang pagpapakita ng Panginoon sa kanyang mga alagad sa dalampasigan ng lawa, ang kanilang almusal, at ang tatlong beses na pahayag ni Pedro ng pagmamahal sa Panginoon, tinanong ni Pedro ang alagad na sumandal sa kanya upang tanungin kung sinong magkakanulo sa kanya (ito yung panahong kasama ng mga Apostol si Hudas bago ito lumisan sa kanilang tinutuluyan para sa Huling Hapunan). Kaya itinuro niya kay Hesus si San Juan kung ano ang magiging kapalaran ng tinuturing na “minamhal na alagad”. Nagbigay rin si Hesus ng isang retorikal na tanong kay San Pedro na paano kung nais niyang mabuhay sa daigdig ang minamahal na alagad hanggang sa kanyang muling pagpaparito, at ang paanyaya’y sumunod sa kanya.
Kaya makikita natin ang huli ng kabanata ng pagpapahayag ni Hesus na siya ay tunay na Diyos, subalit noong panahong iyon, ito’y nagbigay hudyat sa misyon ng mga Apostol na ipahayag ang kadakilaan ng Diyos Ama sa pamamagitan ni Hesukristo, ang tunay na Diyos na nabubuhay kailanman. At sa huli, isinialaysay ni San Juan na marami pang ginawa si Hesus na hindi kailanma’y isinulat niya sa kanyang aklat. Kaya dito papasok ang ating Deposito ng Pananampalataya, na bukod sa Kasulatan, ang Tradisyon ay mahalaga rin dahil ito’y pinananaligan nating nanggaling sa panahon ng mga Apostol at ipinamana sa bawat miyembro ng Simbahan sa bawat henerasyon.
Mga kapatid, may mga bagay na mayroong katapusan. Subalit kung mayroong katapusan, may isang panibong simula na sisibol upang ipagpatuloy ang isang mabuting aspeto ng bagay na lumipas na. Kaya nga sa mga pangitain ni San Juan, sinabi ng Panginoong Hesus: “Ngayon, binabago ko ang lahat ng mga bagay” (Pahayag 21:5). Kung lahat ng panahon at bagay ay nagbabago, ganun din ang panawagan na tayo ay magbago.
Ikaw ba ay nakasangguni na sa manghuhula? May mga taong nakakakita raw ng pangyayari sa hinaharap. Kadalasan pumupunta ang mga tao sa kanila upang magpahula. Ang Diyos ang pinaka magaling na script writer. Tayo ang mga artista sa ating buhay. Iba’t-iba ang kapalaran ng mga mangangaral ng salita ng Diyos: Si San Pablo, San Pedro at San Juan. Ang Diyos lamang ang nakakaalam kung ano ang magiging buhay natin. Kaya nga ipagkatiwala natin sa Diyos ang ating buhay. Alam Niya ang mabuti para sa atin. Hindi Niya tayo pababayaan dahil mahal Niya tayo.
Minsan mo na bang nakwestyon si Hesus? May mga taong minsan ay nagtatampo pa or nagagalit sa Diyos dahil sa nangyari sa kanyang buhay. Or nawawalan ng pananalig dahil hindi dinidinig ng Diyos ang kanyang kahilingan. Sinabi ni Hesus sa ebanghelyo na “kung nais ko ay ano sa iyo? Kapatid, kahit anong gawin ng isang tao kung hindi loob ng Diyos ay hindi mangyayari, at kahit nman hindi mo inaasahan at may pagka imposible ay maari pa ding ipaganap ni Hesus kung nais nya. Ang sikreto ay ito, manatili tayong mababa, dahil kahit ano ang natamo mo ngayon ay sa isang iglap lang ay kayang bawiin o baliktarin ni Hesus katulad ng mga nangyari ngayong pandemya. Kapg ikaw ay nanalangin..magpakabuti ka, kahit gano pa katindi yang hiling mo ay walang imposible sa Diyos.. at kapag ikaw nanalangin wag ka nag mabalisa sapagkat pag ikaw aya nabalisa ibig sabihin ay mahina ang iyong pananalig bagkus ay pumanatag ka lamang at gumawa ng mabuti, magugulat ka na lamang na ang hinihiling mo ay diringgin nya sa hindi mo inaasahang panahon.. Ang formula at ito: magbalik loob sa panginoon +. Kahilingan =. BIYAYA
Sa Dios Lahat Ang Kapurihan Sa Ngalan Ni Hesukristo…Amen!
PAGNINILAY. DISCERN. Dakila kung umibig ang Diyos. Hindi ito nalilimitahan o nasusukat. Na kay Hesus ang pagpapasya. Ang kinakailangan lamang nating gawin ay magdasal, magnilay at sumunod sa Kanya. Saints have a past; Sinners have a future. Huwag mawalan ng pag-asa at huwag mo ding hayaang mawalan ng pag-asa ang iba. Huwag pabayaang malayo ang kapwa kay Hesus. Ito ang ating misyon – magsilbing tagapaghatid ng liwanag at pag-asa ating kapwa. Bawal judgmental.@
PAGNINILAY
Minsan tayo ay nababahala kapag ang iba, sa ating pananaw, ay mas gusto ng Diyos kaysa sa atin. Ang tugon ni Hesus: “Ano ang iyong alalahanin”? Kailangan nating magtiwala sa Diyos at sa pagiging makatarungan ng Diyos. Ngunit bilang mga tao, madalas tayong nag-aalala tungkol sa ating sarili at kung paano tayo tinatrato. Sa halip na magalak sa kung paano mahalin at biyayaan ng Diyos ang iba, nababahala tayo kung ang iba ay tila nabibigyan ng mas maraming talento o pagpapala kaysa sa atin. Kailangan nating matanto na kalooban ng Diyos na gamitin natin ang mga kakayahan at pagpapala na natatanggap natin para sa pagpapatibay sa isa’t isa. Hindi tayo inilaan upang makipagkumpitensya laban sa isa’t isa, bagkus gumawa para sa kabutiha ng lahat. Kaya, sa halip na laging magreklamo tungkol sa kung ano ang wala sa atin, o mainggit sa iba na tila mas likas na matalino, nawa’y magpasalamat tayo sa Diyos para sa kung ano ang mayroon tayo at makita kung paano natin ito magagamit para sa kapakanan ng iba.
Nawa’y nakatuon tayo sa ating sariling paglalakbay kasama si Kristo, sa halip na ikumpara ang ating sarili sa iba. Si Hesus ay may natatanging plano para para sa bawat isa sa atin.
Panginoong nabuhay na mag-uli, tulungan Mo kaming magtiwala sa plano ng Diyos para sa aming buhay. Amen.
***
UNANG PAGBASA
Mga Gawa 28, 16-20. 30-31
Magandang gabi po mga Ka-Shepherd, nais ko pong ibahagi ang aking maikling pagninilay at mga aral na aking natutunan mula po sa Unang Pagbasa , mula sa Mga Gawa 28:16-20, 30-31, dito po ipinapakita ang huling bahagi ng misyon ng Apostol Pablo habang siya po ay nasa ilalim ng house arrest sa Roma.
Sa pagbasa pong ito ay nag-iiwan po ng isang makapangyarihang larawan, ito ay ang isang apostol na nakakadena, ngunit ang Salita po ng Diyos ay malaya at walang hadlang. Si Pablo po ay dumating sa Roma hindi bilang isang malayang manlalakbay, Kundi isa pong bilanggo. Sa kabila po ng limitasyong ito hindi po siya nagpatalo sa lungkot o panghihina ng loob.
Sa mga aral naman po na aking natutunanan dito UNA po ay Hindi Hadlang ang Pagsubok sa Misyon, dito po ginamit ni Pablo ang kaniyang sitwasyon upang mas mapalapit sa mga tao. Kaya naman po dapat huwag nating hayaang pigilan ng mga suliranin sa buhay ang paggawa natin ng mabuti at pagbabahagi ng pag-asa sa iba. IKALAWA po dapat tayo ay Maging Bukas sa Lahat, dito nga po nabanggit sa bersikulo na tinanggap ni Pablo ang lahat ng pumupunta sa kaniya. Kaya naman mga kapatid tayo po ay tinatawagan ng Diyos na maging bukas ang ating puso sa kapwa, sama-sama po sana nating maipadama sa kanila ang pag-ibig ni Kristo. PANG-HULI po ay Ang Pag-asa kay Kristo ay Nagbibigay ng Lakas ng Loob, sa pagwawakas po sa aklat ng mga Gawa at sa paglalarawan na si Pablo po ay nangangaral nang “buong tapang at walang anumang hadlang”. Kaya naman mga ka-Shepherd kung ang atin pong buhay ay nakasandig sa Paghahari ng Diyos, magkakaroon po tayo ng lakas at tapang na harapin ang bukas nang may positibong pananaw. Amen.
Bro. Harrel M. Paycana
SLS Shepherding Tribe Santa Rosa
SALMONG TUGUNAN
Salmo 10, 4. 5 at 7
Poon, ang mga mabuti
ay kapiling mo parati.
Magandang gabi po mga kapatid sa SLS Shepherding Tribe, nais ko pong ibahagi ang aking maikling pagninilay at mga ilang aral na aking natutunan mula po sa Salmong Tugunan particular po sa Salmo 11:4, 5, 7 na may tugunang “Poon, ang mga mabuti ay kapiling mo parati.”
Sa salmo pong ito ay nagpapa-alaala po sa atin na hindi natutulog ang Diyos at nakikita Niya ang lahat. Sa kasalukuyang sitwasyon po natin sa mundong ito madalas nating nakikita ng kawalan ng katarungan, na tila na nagtatagumpay ang masasamang loob, subalit ang tugon na ito ay nagbibigay ng malalim na kapanatagan “Poon, ang mga mabuti ay kapiling mo parati.”
Ipinapakita din po sa atin ng salmo na ang Diyos ay nasa Kaniyang banal na templo at nagmamasid po sa lahat ng tao. Hindi po siya bulag sa mga paghihirap ng mga matuwid, at hindi po siya bingi sa ating mga dalangin. Tunay pong presensya ng ating Panginoon ay hindi lamang po isang gantimpala sa kabilang buhay, kundi ito po ay isang pangako ng proteksyon at gabay sa kasalukuyan. Kaya naman po para sa mga taong nagsisikap mamuhay nang tama sa kabila po ng mga tukso at pagsubok, kaya naman po ang salmong ito ay isang yakap mula sa Diyos na nagsasabing, “Huwag kang matakot, kasama mo Ako.”
Kaya naman kapatid dito natutunan po natin na Laging Nakatitig ang Diyos sa Puso Natin, Sinusubok man ng Diyos ang mabuti at masama, nakikita naman po niya ang bawat tapat na layunin at bawat sakripisyo na ginagawa natin para sa kabutihan, kahit po walang ibang nakakakita. Ganun din po na ang Kabutihan ay may Banal na Proteksyon, kaya naman po ang pananatiling mabuti ay hindi naman guarantee na mawawala na po ang ating mga problema, kundi garantiya po ito na hindi mo haharapin ang problema nang mag-isa, dahil ang Diyos po ay lagi nating kasama. Panghuli po ay batid natin lahat na May Hustisya ang Maykapal, dahil nga po ang Diyos ay matuwid, kaya iibigin din po niya ang mga gawang matuwid. Kaya naman ang mga taong namumuhay nang may integridad at katapatan ay makakaramdam po ng kaniyang masayang pagtanggap at pagpapala. Amen.
Bro. Harrel M. Paycana
SLS Shepherding Tribe Santa Rosa
MABUTING BALITA
Juan 21, 20-25
Mga ka-shepherd Magandang gabi po sa inyong lahat, nais ko pong ibahagi sa inyo ang aking maikling pagninilay at mga aral na aking natutunan sa Mabuting Balita mula sa Juan 21:20-25, ito na rin po ang huling bahagi ng Ebanghelyo ayon kay San Juan.
Dito po makikita ang pagtatagpo nina Jesus, Pedro, at ng mga “alagad na minamahal” (si Juan) na sumasalamin sa isang napakahalagang ugali ng tao, ang madalas na pagkumpara ng sariling buhay at tadhana sa iba. Nang tanungin po ni Pedro si Jesus kung ano ang mangyayari kay Juan, sinagot siya ni Jesus ng isang diretsahang paalala, “Kung ibig kong siya’y manatili hanggang sa aking pagbabalik, ano sa iyo? Sumunod ka sa akin!”
Kaya naman po sa pagninilay natin dito, ipinapaalala po sa atin ni Jesus na ang pagsubaybay sa Kaniya ay isang personal na tawag. Minsan o madalas, nawawalan tayo ng kapayapaan dahil tinitingnan natin ang buhay ng iba, kung bakit tila mas madali ang buhay nila, mas kaunti ang kanilang pagdurusa, o mas mabilis ang kanilang tagumpay. Ngunit alalahanin natin na ang paalala po ni Jesus kay Pedro ay paalala rin sa atin sa kasalukuyan.
Kaya naman ang mahahalagang aral na nakuha natin dito ay UNA, dapat nating iwasan ang Pagkumpara sa Kapwa, Ang plano po ng Diyos sa bawat tao ay natatangi. Ang pagkumpara natin ng espirituwal na lakbayin o takbo ng buhay sa iba ay nagdadala lamang ng inggit o panghihina ng loob, so dapat focus tayo sa sariling ugnayan sa Diyos. Bukod ito ang Personal na Tawag, “Sumunod ka sa akin!”, Ito po ang pinakahuling utos ni Jesus sa Ebanghelyo ni Juan. Kaya anuman po ang mangyari sa paligid natin, o anuman ang tadhana ng ibang tao, ang tanging tungkulin natin ay panatilihin natin ang katapatan sa pagsunod kay Kristo. Pang-huli, Ang Buhay ni Jesus ay Higit sa Kayang Isulat, Binanggit po sa dulo na kung isusulat ang lahat ng ginawa ni Jesus, hindi po sapat ang buong mundo para sa mga aklat. Ipinapakita po nito na ang kilos at himala ng Diyos ay patuloy na nagaganap sa ating buhay araw-araw, lampas pa sa mga nakasulat sa kasaysayan. Amen.
Bro. Harrel M. Paycana
SLS Shepherding Tribe Santa Rosa
PAGNINILAY:
21:20-25
Sa huling bahagi ng Ebanghelyo ni San Juan, makikita natin ang isang pinaka-tao na-taong damdamin ni Pedro: ang pag-usisa sa magiging kapalaran ng iba. Matapos siyang tawagin ni Hesus upang magmahal at maglingkod hanggang kamatayan, agad niyang tinanong:
“Panginoon, ano po naman ang mangyayari sa taong ito?”
Ngunit ang tugon ni Hesus ay malinaw, deretsahan at matalim:
“Ano sa iyo? Sumunod ka sa akin!”
Ito ay paalala na ang bokasyon at tawag sa paglilingkod ng Diyos ay personal. Madalas nating ikumpara ang ating buhay, paglilingkod, misyon, biyaya, o paghihirap sa iba. May mga pagkakataong nagtatanong tayo:
“Bakit siya pinagpala?”
“Bakit tila mas magaan ang kanyang landas?”
“Ano kaya ang plano ng Diyos para sa kanya?”
Ngunit hindi pagkukumpara ang sentro ng pagiging alagad kundi ang tapat na pagsunod kay Kristo.
Sa teolohiya ni John the Apostle, ang pagiging alagad ay hindi lamang tungkol sa kaalaman kundi sa malalim na relasyon kay Kristo. Ang “minamahal na alagad” ay larawan ng bawat disipulong nananatiling malapit sa puso ni Hesus. Samantalang si Pedro ay larawan ng Simbahan na tinawag upang mamuno at magpastol.
Magkaiba man ang kanilang misyon, pareho silang mahalaga. Ipinapakita rito na sa Simbahan, hindi pare-pareho ang tawag ng paglilingkod ngunit iisa ang Panginoong pinaglilingkuran. Ang kabanalan ay hindi paramihan ng gawain, ministry o paghahambingan ng misyon; ito ay katapatan sa ipinagkatiwala ng Diyos.
Sa huling talata sa Ebanghelyo ay may napakalalim na kahulugan:
“At marami pang ginawa si Hesus na kung susulating lahat, inaakala kong hindi magkakasya kahit sa buong daigdig ang mga aklat na masusulat.”
Hindi lamang ito poetic expression o simpleng pagmamalabis. Ito ay isang theological hyperbole — banal na paraan ng pagpapahayag na ang hiwaga, pag-ibig, at kapangyarihan ni Kristo ay hindi kailanman mauubos ng salita ng tao.
Ipinahihiwatig ni San Juan na:
ang mga ginawa ni Hesus ay higit pa sa naisulat, ang Kanyang pag-ibig ay higit pa sa maipapaliwanag, at ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi kayang ikulong sa anumang aklat. Dito natin mauunawaan na ang Ebanghelyo ay hindi lamang teksto kundi buhay na karanasan ng pakikipagtagpo sa Panginoon.
Kaugnayan ng Mabuting Balita sa Deposito ng Pananampalataya.
Ang huling pahayag na ito ni San Juan ay isa rin sa mga biblical foundations kung bakit naniniwala ang Simbahang Katolika na hindi lahat ng ginawa at itinuro ni Kristo ay naisulat sa Biblia.
Kaya ang kabuuan ng rebelasyon ng Diyos ay ipinagkatiwala ni Kristo sa Simbahan bilang tinatawag na Deposito ng Pananampalataya (Deposit of Faith).
Ito ay ipinapasa sa pamamagitan ng:
1. Sacred Scripture – ang nasusulat na Salita ng Diyos sa Biblia;
2. Sacred/Oral Tradition – ang mga aral at pamana ng pananampalatayang ipinasa ng mga Apostol sa salita, pangangaral, at pamumuhay;
3. at ng Magisterium ng Simbahan – ang awtoridad ng Simbahang pinapatnubayan ng Banal na Espiritu upang pangalagaan at ipaliwanag nang tama ang pananampalataya.
Kaya sinabi rin ni Paul the Apostle:
“Panghawakan ninyo ang mga tradisyong itinuro namin sa inyo, maging sa salita o sulat.”
— Second Epistle to the Thessalonians 2:15.
Mapapansin na hindi lamang “sulat” kundi pati “salita” ang ipinasa ng mga Apostol.
Kaya napakagandang pagnilayan:
Nagtapos ang aklat, ngunit hindi nagtapos ang gawain ni Hesus.
Hanggang ngayon ay patuloy Siyang kumikilos:
-sa Simbahan,
-sa mga Sakramento,
-sa Banal na Espiritu,
-at sa puso ng bawat mananampalataya.
Ang pananampalatayang tinanggap mula sa mga Apostol ay patuloy na iniingatan, isinasabuhay, at ipinapasa ng Simbahan sa bawat salinlahi.
Pagsasabuhay:
-Iwasan ang paghahambing ng buhay at paglilingkod sa iba.
-Ituon ang sarili sa tawag ng Diyos para sa iyo.
-Magtiwala kahit hindi mo nauunawaan ang buong plano ng Panginoon.
-Magbasa at magnilay ng Banal na Kasulatan habang nananatiling kaisa ng aral ng Simbahan.
-Maging buhay na patotoo ng pag-ibig ni Kristo sa pamamagitan ng kabutihan at paglilingkod.
Word of the Day: “Sumunod”
Ang tunay na alagad ay hindi abala sa buhay ng iba kundi nakatuon sa yapak ni Kristo. Ang pagsunod ay hindi lamang paglakad sa likod ni Hesus kundi pag-aalay ng buong sarili sa Kanyang kalooban.
Panalangin:
Panginoong Hesus, turuan Mo akong huwag mainggit o magkumpara ng aking buhay sa iba. Bigyan Mo ako ng pusong tapat at mapagkumbaba upang buong tiwala kitang masundan araw-araw. Nawa’y manatili akong tapat sa Iyong Salita, sa banal na Tradisyon ng Simbahan, at sa pananampalatayang ipinasa ng mga Apostol hanggang sa aming panahon. Amen.
To God be the highest glory now and forever. Amen!
Maraming Salamat po sa napakaganda at detalyadong repleksyon na iyong ibinahagi sa araw na ito. Pagpalain ka nawa palagi ng ating Panginoon.Amen
Maraming salamat sa maliwanag na pagninilay ng ebanghelyo. Gabayan ka nawa banal na espiritu sa iyong mga gawain. May the God Almighty bless you always. Amen
Maraming salamat sa maliwanag na pagninilay ng ebanghelyo. Gabayan ka nawa banal na espiritu sa iyong mga gawain. May the God Almighty blesses you always. Amen
Ito huling araw bago araw ng pentekostes . At Ang alagad ni Hesus nagtanong kay Hesus kung Anu mangyayari sa taong magkakanulo sa kanya isang concern o pag-aallala ngunit sinagot sila ni Hesus ako na bahala sa kanya isang.kayo sumunod sa akin . Dahil Hindi naman siya pababayaan nang ating panginoon. Dahil nais ni Hesus na ating palalalimin Ang ating pagsunod sa kanya. Ika-lawa Ang aklat Ang mabuting balita nasulat kung ito ay ating paniniwalaan isang instrumento para tayo maligtas . At Maraming nga bagay na ginawa si Hesus pero Hindi nanakasulat dahil ito masala na sa mga puso ng mga alagad. Kaya’t gamitin natin ito para mahayag Ang kadakilaan ng Diyos .
Nasukat mo na ba ang bawat palay na tumutubo sa bukid? Di ba iba-iba ang laki? Iisa ang araw ng pagtanim pero hindi lumalaki nang pantay-pantay. Katulad natin, iisa ang tumawag sa atin. Iisa ang nagbibigay ng lakas, pero iba-iba ang ating pag-unlad. Sa pagtawag sa atin ng ating Panginoong Hesukristo nagkakaiba ang bantag natin sa pagsunod sa Kanya. Kaya nang nagkukumpara na si Pedro sa isang kapwa niya alagad, pinuna ito ng ating Panginoong Hesukristo.
Kapanalig, hindi nakasalalay ang tunay na pagsulong sa paghahambing sa iba, kundi sa katapatan sa sariling tawag at misyon.Maging mahinahon tayo sa ating sarili at magtiwala sa Diyos. . Kung tinutukso na tayo ng pagkainggit, manatiling payapa, at bumalik sa tunay na hangarin ng Diyos sa atin.
Tingnan natin si Maria, ang Reyna ng mga Apostol, na kauna-unahang alagad ng ating Panginoong Hesukristo, Ayon sa kanya, siya ang unang tumanggap, nanalig at naglingkod sa Diyos. Siya ang obra maestra ng Diyos na puspos ng kadalisayan ang kalooban, kababaang-loob at nakatutuk ang paglilingkod sa Diyos. Kaya’t lumapit tayo kay Inang Maria. Bilang Reyna ng mga Apostol, itinatanghal niya ang Kanyang Anak nang buo Niyang buhay. Inaabot niya Siya sa atin. Buong galak niyang sinasabi: Hindi ako. Siya!
Pag uugali kung may problema sa buhay-
1Gratitude- pasasalamat, malinaw na blessing na pinag kaloob ng Diyos sa atin.
2Fortitude -matatag, wag susuko inid makikita nag mgandang ginagawa ng Diyos sa ating buhay. Lahat ng paghihirap ay may magandang dahilan.
3Servitude – maglingkod, wah inataying magong perpekto ang buhay bago tumulong. Magsilbi, magmahal at tumulong makikita na magiging perpekto ang buhay. God blesses those who serve.
We will be blessed in our life now and forever
Amen
-Father Jowel Gatus
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good.
Blessed2026
Thank You, Lord for a new day. Praying for a healing heart, peace, and strength. Amen #PeaceInMiddleEast #GvSaturday