Martes, Mayo 12, 2026

May 12, 2026

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Martes

Bago umakyat sa Langit, ipinangako sa atin ni Jesus ang isa pang Katulong na makakapiling natin tulad niya.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ipadala Mo sa amin ang iyong Espiritu.

Ang ating mga pastor nawa’y magtalaga nang lubusan ng kanilang buhay sa pangangaral ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng kanilang pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang at guro nawa’y maging mga buhay na halimbawa ng pananampalataya para sa mga taong nasa kanilang pangangalaga, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang pagsikapang mabuti na gawin ang anumang nararapat upang ang Salita ng Diyos ay maging isang buhay na kapangyarihang magiging kaakibat ng lahat ng ating ikikilos, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga matatanda, mga nangungulila, at mga may karamdaman nawa’y ating ipadama ang ating habag, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng kapahingahan at bagong buhay sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, tagapagbigay ng lahat ng biyaya, masagana mong ipagkaloob sa amin ang iyong Espiritu upang makapamuhay kami nang may kabanalan at magsikap para sa pagdating ng iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 8 comments… read them below or add one }

Reynald Perez May 20, 2022 at 8:46 pm

PAGNINILAY: Habang tayo’y papalapit sa katapusan ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, ang Ebanghelyo ngayon ay bahagi ng mga diskurso ni Hesus bago siyang umakyat papuntang langit. Nangyari ito bago pa man maganap ang kanyang Misteryong Paskwal noong gabi nang siya’y nasa Huling Hapunan kasama ang 12 Apostol.

Narinig natin kahapon kung paano plinano ni Hesus na suguin ang Espiritu Santo upang maging Tagapagtanggol nila. Ngayon ay tila inuulit niya ang pahayag ng pagsusugo ng Tagapagtanggol, ang Espiritu, upang maging gabay ng mga alagad sa kanilang misyon. Ang Espiritu ang tanging maghuhubog sa ating pagkatao upang makilala natin ang tama at mali ayon sa pamantayan ng Panginoon, at hindi sa mundo. Marahil ay dinidikta tayo ng tao o kaya ng isang grupo na namnamin ang isang bagay na akala natin ito’y mabuti. Subalit di lingid sa ating kaalaman na tayo’y tinutukso na gumawa ng masama. Kaya uso ngayon ang sinasabing sumunod sa “good influence”, at huwag sa “bad influence”. Ang Espiritu Santo ay ang “great influence” sapagkat siya ang magpapahayag sa atin ang dakilang kalooban ng Ama ayon sa Mabuting Balita ni Hesukristo. Kung bubuksan lang natin ang ating puso sa kalooban ng Panginoon ay matatanggap pa natin ang mga biyayang nararapat sa atin ayon sa kanyang pamantayan.

Makikita natin sa Unang Pagbasa ang katatagan nina Pablo at Silas nang sila’y ipinaghagupit at tsaka ipinakulong. Habang sila’y umaawit ng mga imno, biglang nagkalindol at nawasak ang bawat selda. Akalain ng bantay na guwardiya na nakatakas ang mga bilanggo, kaya tinangka niyang magpakamatay. Subalit nagpakita sa kanya sina Pablo, Silas, at ang lahat ng bilanggo. Nagtanong ang guwardiya kung paano niyang makakamtan ang kaligtasan, at tugon ni Pablo na siya’y sumampalataya sa ating Panginoong Hesukristo.

Nawa’y patuloy tayo’y maging matatag sa ating pananampalataya sa Panginoon sa tulong ng Espiritu Santo.

Makikita natin sa Unang Pagbasa ang katatagan nina Pablo at Silas nang sila’y ipinaghagupit at tsaka ipinakulong. Habang sila’y umaawit ng mga imno, biglang nagkalindol at nawasak ang bawat selda. Akalain ng bantay na guwardiya na nakatakas ang mga bilanggo, kaya tinangka niyang magpakamatay. Subalit nagpakita sa kanya sina Pablo, Silas, at ang lahat ng bilanggo. Nagtanong ang guwardiya kung paano niyang makakamtan ang kaligtasan, at tugon ni Pablo na siya’y sumampalataya sa ating Panginoong Hesukristo.

Nawa’y patuloy tayo’y maging matatag sa ating pananampalataya sa Panginoon sa tulong ng Espiritu Santo.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño May 24, 2022 at 9:16 am

Come Holy Spirit!?

Idalangin natin na lukuban tayo ng Espiritu Santo, ito ang gagabay sa atin. Tutulungan tayo nito sa ating mga desisyon sa buhay. Ipaalala nya ang tama sa lhat ng ating iisipin, sa lahat ng ating sasabihin, at sa lahat ng ating gagawin. At kung pakikinggan natin ito ay kahit kailan ay hindi tayo mapapahamak.

Reply

Mel Mendoza May 7, 2024 at 5:26 pm

Ang Ebanghelyo ay ang patuloy na mga salitang binibitawan ni Hesus sa kanyang mga alagad tungkol sa kanyang napipintong Pag-akyat sa Langit sa nalalapit niyang pagganap ng pagmimisyon na iniatas ng Ama. Sa tagpo malungkot at tahimik na nakikinig ang mga alagad. Dahil wala naman pwedeng ikubli kay Hesus pinangunahan niyang sabihin na aakyat Siya sa langit upang ipadala ng Ama ang Espiritu na Siyang huhukom sa mga hindi nanampalataya sa ipinangaral Niya sa sanlibutan at ito ang magiging basehan ng paghuhukom. Ang Pag-akyat Niya sa langit ay isusugo naman ang Espiritu upang patuloy na gabayan ang mga alagad sa araw araw na pagmimisyon, at pangunahan ang mga ito magsalita ng katotohanan tungkol sa kaharian sa ikararangal ng Diyos at ang patuloy na pagpapatnubay sa kanila sa paghimok paggawa ng mabuti.

Sa araw araw nating pagiral nalalaman ang ating mga pagsuway kung may pagkakataong tinatanggihan natin na manahan sa atin ang Espiritu ng Diyos. Tayong mga Kristiyanong mananampalataya ay inatasan sa umpisa pa lang na maging daluyan ng banal na Espiritu upang maipalaganap ang katotohanan ng Kaligtasan na nakatala sa Banal na Kasulatan. Ang hamon sa atin, sa kabila ng ating mga personal na pinagdadaanan naisasakatuparan ba natin na maging daluyan ng biyaya ng katotohanan ng kaharian na ninanais ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu. Mga kapatid nawa’y sa tuwina makita sa atin na tayo ay pinaghaharian ng Espiritu ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga gawa lalo na higit sa ating pakikipag-kapwa.

Reply

Malou Castaneda May 7, 2024 at 6:33 pm

PAGNINILAY:
Ang medikal na propesyon ay nagpapagaling sa atin sa mga paraan na hindi pinangarap ng mga ilang taon lamang ang nakalipas. Sila ay “lumikha” ng isang bakuna sa Covid19 virus sa oras na naitala. Ang panlahatan komunikasyon ay naging posible para sa atin na malaman at tumugon sa krisis sa mundo tulad ng pandemya, kahirapan, digmaan sa Ukraine at mga natural na sakuna sa oras na naitala. at biswal na makita ang isa’t isa sa pamamagitan ng social media. Ito ay mga mahimalang palatandaan ng kamay ng Diyos na kumikilos. Ang Diyos ay gumagawa sa pamamagitan ng mga tao sa panahong ito ng kaguluhan, ngunit kailangan nating tingnan at makita ang pag-udyok ng Banal na Espiritu sa mga pagkilos ng mga nagsisikap na tumulong at maglingkod sa iba. Ang hamon natin ay patuloy na manalangin para sa karagdagang pagbuhos ng Banal na Espiritu. Handa pa rin ang Diyos na gumawa ng mga kahanga-hangang gawa. Ang kailangan lang nating gawin ay buksan ang ating mga mata at asahan na makita ang mga dakilang gawa na ginagawa ng Diyos.

Panginoong nabuhay na mag-uli, siklabin mo ang apoy ng Iyong pag-ibig sa loob namin. Amen.
***

Reply

Mel Mendoza May 12, 2026 at 10:02 am

PAGNINILAY:
San Juan 16, 5-11.

Sa Mabuting Balita (Juan 16, 5-11) isang madamdamin farewell statement ang ipinahayag ni Hesus sa Kanyang mga alagad:
“Ang pag-alis ko’y sa ikabubuti ninyo.”
Sa unang tingin, tila mahirap unawain ang sinabi ni Hesus. Paano magiging mabuti ang Kanyang pag-alis? Paano magiging biyaya ang pagkawala ng presensya ng Panginoon na kanilang kasama, nakikita, at nahahawakan?

Ngunit dito ipinapakita ni Hesus ang mas malalim na plano ng Diyos. Ang Kanyang “pag-alis” ay hindi pagtatapos kundi pagtataas. Ang Kanyang pagbabalik sa Ama — na lubusang matutupad sa Kanyang Pag-akyat sa Langit — ay daan upang ang Espiritu Santo ay maipagkaloob sa buong Simbahan.

Ang Ascension o Pag-akyat ni Hesus sa Langit ay hindi simpleng “pamamaalam.” Ito ay:
-pagluklok kay Kristo sa kaluwalhatian;
-pagtatagumpay laban sa kasalanan at kamatayan; at
-pagbubukas ng daan upang ang tao ay muling makabalik sa Ama.
Hindi iniwan ni Hesus ang Kanyang Simbahan. Sa halip, pinalawak Niya ang Kanyang presensya sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Noon, si Hesus ay kasama lamang ng mga alagad sa isang lugar; ngayon, sa pamamagitan ng Espiritu Santo, Siya ay nananahan sa puso ng bawat mananampalataya.

Napakalalim ng sinabi ni Hesus:
“Kung hindi ako aalis, hindi paparito sa inyo ang Patnubay.”
Sa theology ng Simbahan, makikita rito ang ugnayan ng:
Pagpapakasakit,
Muling Pagkabuhay,
Pag-akyat sa Langit,
at Pagdating ng Espiritu Santo sa Pentekostes.

Ang Ascension ay hindi paghihiwalay kundi “transition of presence.”
Mula sa pisikal na presensya ni Kristo tungo sa sacramental at spiritual presence Niya sa Simbahan.

At ano ang unang gawain ng Espiritu Santo?
1. Ipakilala ang kasalanan
Hindi upang kondenahin tayo, kundi upang akayin tayo sa pagsisisi at pagbabalik-loob.
2. Ipakilala ang tunay na katuwiran
Ang tunay na kabanalan ay hindi ayon sa pamantayan ng mundo kundi ayon kay Kristo na nasa Ama.
3. Ipakilala ang kahatulan
Ipinahayag ni Hesus na talunan na ang “pinuno ng sanlibutang ito.” Ibig sabihin, wala nang huling kapangyarihan ang kasamaan. Ang tagumpay ay nasa Diyos.

Kaya ang Pag-akyat ni Hesus sa Langit ay tanda na:
ang langit ay bukas para sa tao,
ang Espiritu Santo ay gumagawa sa Simbahan, at si Kristo ay naghahari magpakailanman.

Pagsasabuhay:
Minsan pakiramdam natin ay malayo ang Diyos kapag may lungkot, katahimikan, o matinding pagsubok. Tulad ng mga alagad, nalulungkot din tayo kapag pakiramdam natin “nawawala” ang presensya ni Hesus.
Ngunit ang Mabuting Balita ngayon ay nagpapaalala: Kapag tila tahimik ang Diyos, mas malalim Siyang kumikilos.

Ang Ascension ay paanyaya na:
-huwag lamang tumingin sa lupa kundi sa langit,
-huwag mabuhay sa takot kundi sa gabay ng Espiritu Santo, at
huwag kumapit lamang sa nakikita kundi manalig sa presensya ng Diyos na hindi nakikita ngunit tunay na buhay.

Bilang mga lingkod ng Simbahan, mahalagang tandaan: Ang tunay na misyon ay hindi lang nasa sariling kakayahan kundi laging nasa paggabay ng Espiritu Santo. Ang isang lingkod na bukas sa Espiritu ay nagiging instrumento ng katotohanan, kapayapaan, at pagbabagong-loob.

Word of the Day: “Patnubay”
Ang Espiritu Santo ang ating Patnubay — gumagabay sa isip, puso, salita, at paglilingkod. Hindi Niya tayo iniiwan kahit umakyat na si Hesus sa langit.

“Ang pag-alis ko’y sa ikabubuti ninyo.” (Juan 16, 7)

Panalangin:
Panginoong Hesus,
maraming salamat sapagkat ang Iyong pag-akyat sa langit ay hindi paglayo kundi paglapit Mo sa aming mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Kapag kami’y nalulungkot, palakasin Mo kami.
Kapag kami’y naliligaw, patnubayan Mo kami.
Kapag kami’y natatakot, paalalahanan Mo kaming Ikaw ay naghahari at nagtagumpay na laban sa kasalanan at kasamaan.
Espiritu Santo, aming Patnubay,
hubugin Mo ang aming isip at puso upang maging tapat kaming saksi ni Kristo sa aming pamilya, komunidad, at Simbahan.
Nawa’y sa aming paglilingkod ay makita ng tao hindi ang aming sarili kundi ang presensya ni Hesus na buhay at naghahari magpakailanman. Amen.

To God be the highest glory now and forever. Alleluia.

Reply

BdKz May 12, 2026 at 1:04 pm

If we want to escape from our cages, we must die while we are still alive.
Sometimes comfort becomes our prison.
Healing begins when comfort is challenged.
Excuses will not bring us to the top. Faith, Effort, and Discipline do.
Our pain is a wake-up call from God.
Some prisons cannot be escaped unless a part of us dies.
Pag namatay ang lumang ikaw doon, mag-uumpisa ang tunay na kalayaan.
No matter how much money and sin we do, it will not free us and make us happy.
Do not praise God because we don’t have any problems; praise God in the midst of our problems. Because God is everything, He will provide. Can help us escape whatever prison or cage we are in our lives.
Faith is not praising God after the storm has passed; Faith is praising God while we are in chains.
Fear in prisons while Faith liberates.
Nakakapagpalaya ang ating pananampalataya.
Hilingin natin sa Diyos na tulungan tayong mamatay sa ating mga loob para kamukha niya tayo ay mabuhay muli.
Kahit na masakit at mahirap, iwanan natin ang nakasanayang kulungan para sa tunay na saya at kalayaan.
Nawa’y ang Diyos na nagpalaya kina San Pablo ay palayain din tayo.
At ngayon pa lang ay magpuri at magpasalamat sa tulong ng Diyos.
Amen
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good
Blessed2026
Thank you, Lord, for a new day. Praying for a healing heart, peace, and strength. #BlessedEaster #PeaceInMiddleEast #GvTuesday

Reply

Jovy Uy May 12, 2026 at 5:02 pm

Sa unang pagbasa, ipinapahayag dito na walang makakapigil sa gawaing pagliligtas ng mga gentil kahit sa bilangguan kung saan naligtas ang bantay at kapamilya nang sinunod nila si apostol Pablo na manalig sila kay Jesus .

“Noong mga araw na iyon, dinaluhong sina Pablo at Silas ng mga tao, at matapos pahubaran ng mga pinuno, sila’y paulit-ulit na ipinahagupit, saka ipinabilanggo at pinabantayang mabuti. Ipinasok sila ng batay sa kaloob-looban ng bilangguan at ipinangaw ang mga paa.Nang maghahatinggabi na, sina Pablo at Silas ay nananalangin at umaawit ng mga imno, at nakikinig naman ang ibang mga bilanggo. Di-kaginsa-ginsa’y lumindol nang napakalakas, anupat nayanig pati ang mga pundasyon ng bilangguan. Pagdaka’y nabuksan ang mga pinto, at nakalag ang mga tanikala ng mga bilanggo. Napabalikwas ang bantay-bilangguan at nang makitang bukas ang mga pinto, hinugot ang kanyang tabak at tangkang magpakamatay sa akalang nakatakas ang mga bilanggo. Ngunit sumigaw si Pablo, “Huwag mong saktan ang iyong sarili! Narito kaming lahat!” Humingi ng ilaw ang bantay, patakbong pumasok at nanginginig na nagpatirapa sa harapan nina Pablo at Silas. Inilabas niya ang mga ito at sinabi, “Mga ginoo, ano po ang dapat kong gawin upang ako’y maligtas?” Sumagot sila, “Sumampalataya ka sa Panginoong Hesus, at maliligtas ka – ikaw at ang iyong sambahayan.” At ang salita ng Panginoon ay ipinahayag nila sa kanya at sa lahat ng nasa kanyang bahay. Nang gabi ring iyon, hinugasan ng bantay ang kanilang mga sugat, at nagpabinyag siya pati ang buo niyang sambahayan. Pagkatapos, sila’y isinama niya sa kanyang tahanan at hinainan ng pagkain. Galak na galak siya at ang kanyang buong sambahayan, sapagkat sila’y natutong sumampalataya sa Diyos.”

Sa gospel reading, ipinapahayag ni Jesus ang pagdating ng Espiritu Santo na gagabayan niya ang mga alagad kung paano sila magpahayag tungkol sa kasalanan ng tao, ang maling paraan nila upang mapatawad at sa kahatulan sa impierno.

“Ngayo’y paroroon na ako sa nagsugo sa akin. Wala isa man sa inyong nagtatanong sa akin kung saan ako pupunta. At ngayong sabihin ko sa inyo, natigib kayo ng kalungkutan. Ngunit dapat ninyong malaman ang katotohanan: ang pag-alis ko’y sa ikabubuti ninyo, sapagkat hindi paparito sa inyo ang Patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit kung aalis ako, susuguin ko siya sa inyo. Pagdating niya ay kanyang patutunayan sa mga tao sa sanlibutan na mali ang pagkakakilala nila sa kasalanan, at ipakikilala niya kung ano ang matuwid, at kung ano ang kahatulan. Mali sila tungkol sa kasalanan, sapagkat hindi sila nanalig sa akin; tungkol sa matuwid, sapagkat ako’y paroroon sa Ama at hindi na ninyo makikita; tungkol sa matuwid, sapagkat ako’y paroroon sa Ama at hindi na ninyo makikita; tungkol sa kahatulan, sapagkat hinatulan na ang pinuno ng sanlibutang ito.”

Kumusta naman tayo. Ipinangaral ba muna sa atin o ipinapangaral ba muna natin ang tungkol sa kasalanan, ang maling katwiran sa paglilinis ng kasalanan at ang kahatulan ? Mapait ba munang katotohanan ang narinig o naranasan natin tulad sa nangyari sa bantay sa kulungan bago narinig o naibigay sa atin ang solusyon ?

Ang mapait na katotohanan na dapat munang malaman nating mga gentil ay kahit wala tayong aktuwal na paglabag sa sampung utos ay makasalanan parin tayo dahil sa original sin o minanang makasalanang dugo ni Adan (Awit 51:5, Roma 5:12-13, Roma 2:14-15, Roma 9:4-5).

Pangalawa, na mali ang katwiran natin na aktuwal na partisipasyon tayo sa atin pagkaligtas sa kasalanan (Mateo 7:21-23, Efeso 2:8-9).

Pangatlo, na sa mga Israel/Hudyo lamang may kaligtasan kay Jesus sapagkat walang Dios at pag-asa ang mga gentil kung kaya’t walang pagsalang naitapon lahat tayong mga gentil sa impierno May apoy at uod na di namamatay (Marcos 9:45-46).

Reply

Dlanor321 May 14, 2026 at 9:01 am

Ramdam mo ba o naaalarm ka ba sa sinabi ng ating Jesus Maestro: “Darating ang oras na iisipin ng mga papatay sa kapwa na nag-aalay sila ng pagsamba sa Diyos.” Sa kalagayan ngayon ng Gitnang Silangan, nakikita natin ang parehong larawan. “Banal na tungkulin” daw ang kanilang pakikibaka laban sa Israel sabi ng Iran. Samantalang itinuturing naman ng Israel ang kanilang pagtatanggol bilang katuparan ng kanilang pananam-palataya at karapatan sa kinikilala nilang lupang pangako. Nagiging sandata ang religion para bigyang-katwiran ang digmaan. Pero kung susuriin natin sa liwanag ng Ebanghelyo bilang Kristiyano, kabaligtaran ang kanilang paniniwala. Ang karahasan, gawaing banal? Ang karahasan, kinokonsider na pagsamba? Paalala rin sa atin, huwag tayong maging bulag na naniniwala na may holy purpose ang karahasan. Malamang sinasabi natin, ginagawa ko ito para sa katahimikan ng lahat. Pero patatahimikin ka kaya ng iyong konsensya? Kaya i-welcome natin ang magandang pakikipag-ugnayan, respeto, at kapayapaan. Ipakita natin na ang ating pagiging Kristiyano, hindi nagdadala ng kamatayan kundi ng buhay at pagkakaisa. Limang araw na lang we will celebrate the 60th World Communications Day. Ito ang panawagan ng ating Simbahan na ang komunikasyon ay nagbubunga ng communion. Walang ibang paraan para sa kapayapaan kundi ang dialogue. May mukha tayo at tinig na mahalagang gamitin. Gamitin natin ang komunikasyon sa pagsulong ng buhay hindi kamatayan. Kapayapaan
hindi digmaan.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: