Podcast: Download (Duration: 5:14 — 3.8MB)
Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan
Mga Gawa 12, 24 – 13, 5a
Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8
Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.
Juan 12, 44-50
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Memorial of St. Catherine of Siena, Virgin and Doctor of the Church (White)
Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
UNANG PAGBASA
Mga Gawa 12, 24 – 13, 5a
Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol
Noong mga araw na iyon, lumalago at lumalaganap ang salita ng Diyos.
Sina Bernabe at Saulo ay bumalik buhat sa Jerusalem nang maganap na nila ang kanilang tungkulin, at isinama si Juan na tinatawag ding Marcos.
May mga propeta at mga guro sa simbahan sa Antioquia. Kabilang dito sina Bernabe, Simeon na tinaguriang Negro, Lucio na taga-Cirene, Saulo at Manaen, kababata ng tetrarkang si Herodes. Samantalang sila’y nag-aayuno at sumasamba sa Panginoon, sinabi sa kanila ng Espiritu Santo, “Ibukod ninyo sina Bernabe at Saulo. Sila’y hinirang ko para sa tanging gawaing inilaan ko sa kanila.” Pagkatapos nilang mag-ayuno at manalangin, ipinatong nila sa dalawa ang kanilang mga kamay at sila’y pinayaon.
Kaya’t bumaba sa Seleucia sina Bernabe at Saulo, na sinugo ng Espiritu Santo, at buhat doo’y naglayag patungong Chipre. Nang dumating sila sa Salamina, ipinahayag nila ang salita ng Diyos sa mga sinagoga ng mga Judio roon. Kasama nila si Juan Marcos bilang katulong.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8
Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.
o kaya: Aleluya!
O Diyos, pagpalain kami’t kahabagan,
kami Panginoo’y iyong kaawaan,
upang sa daigdig mabatid ng lahat
ang iyong kalooban at ang pagliligtas.
Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.
Nawa’y purihin ka ng mga nilikha,
pagkat matuwid kang humatol sa madla;
ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa.
Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.
Purihin ka nawa ng lahat ng tao,
purihin ka nila sa lahat ng dako.
Ang lahat sa ami’y iyong pinagpala,
nawa’y igalang ka ng lahat ng bansa.
Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.
ALELUYA
Juan 8, 12
Aleluya! Aleluya!
Sinabi ni Hesukristo:
“Ako ang ilaw ng mundo
at buhay ng alagad ko.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Juan 12, 44-50
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, malakas na sinabi ni Hesus, “Ang nananalig sa akin ay hindi lamang sa akin nananalig, kundi pati sa nagsugo sa akin. At ang nakakita sa akin ay nakakita sa kanya. Ako’y naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang hindi manatili sa kadiliman ang nananalig sa akin. Kung mapakinggan ninuman ang aking mga salita ngunit hindi niya tuparin ito, hindi ko siya hahatulan. Sapagkat naparito ako hindi upang hatulan ang sanlibutan kundi upang iligtas ito. May hahatol sa sinumang magtakwil sa akin at hindi tumanggap sa aking mga salita; ang salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanya sa huling araw. Sapagkat hindi ako nagsalita sa ganang sarili ko lamang, kundi ang Amang nagsugo sa akin ang siyang nag-utos kung ano ang aking sasabihin at ipahahayag. At alam kong ang kanyang utos ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Kaya’t ang ipinasasabi ng Ama ang siya kong sinasabi.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Martes, Abril 28, 2026
Huwebes, Abril 30, 2026 »




{ 9 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ipinapakilala ni Hesus ang kanyang sarili bilang buhay na naparito upang tayo’y bigyan ng buhay na walang hanggan sa kabilang banda ng mundong ito. At upang ito’y mangyari, siya’y naparito sa sanlibutan upang sundin ang kalooban ng Ama sa pamamagitan ng kanyang pangangaral at kababalaghan. At sinabi niya na sinumang sumasampalataya sa kanya ay sumasampalataya rin sa Diyos Amang nagsugo sa kanya. At bilang katuparan ng ating pananampalataya ay inialay niya ang kanyang buhay sa Krus upang tayo’y mailigtas mula sa kasalanan. Subalit siya’y muling nabuhay upang tayo ay magkaroon ng bagong buhay at bagong pag-asa na sundin siya bilang ilaw ng sanlibutan. Bago siyang umakyat ng langit, nag-iwan siya sa atin ng misyon na dapat nating tudpin alang-alang sa Mabuting Balita. At sa kanyang pag-akyat sa kalangitan, ito’y isang tanda na ipaghahandaan niya tayo ng isang tahanan upang makapiling natin ang Diyos Ama.
Kaya ang inaasahan niya sa atin na gawing makabuluhan ang ating buhay dito sa lupa upang makamtan natin ang kaligayan ng buhay na walang hanggan sa kalangitan. Subalit binalaan din niya tayo na magkakaroon ng hatol, at alam natin ito ang Huling Paghuhukom na magaganap sa katapusan ng mundo. Ngunit hindi ito bilang pananakot sa atin, kundi isang paalala na habang tayo’y nabubuhay, dapat manaig sa atin ang kabutihan at pagmamahal, alang-alang sa ginawa ni Kristo nang siya’y mamatay sa Krus at muling nabuhay mula sa libingan. Kaya itong ating pananampalataya sa Panginoon ay nawa’y maging matatag at mabunga sa pamamagitan ng mga mabubuting gawain tungo sa kapwa na naayon sa pamantayan ng ating Diyos Ama.
Ano ang aral at hamon ng ebanghelyo ngayon?
Naparito si Hesus hindi para tayo ay husgahan kundi para iligtqs at isama sa kanyang kawan.
Kaya’t kung tayo ay nasa kadiliman ngayon at walang takot tayong gumagawa ng kasalanan ay magnilay tayo. Huwag nating tuluyang ilubog ang ating sarili sa kasalanan. Nariyan si Hesus upang tayo ay yakapin. Ang kailangan lamang ay pagsisihana natin ang mga gawang sala, Humingi tayo ng kapatawaran sa mga kapalaluang ito, at sikapin nating unti unting matalikuran ang paggawa ng kasamaan. At makakararamdam tayo ng tunay na kaligayahan, ng peace of mind at mamumuhay tayo ng wala ng pangamba sapagkat kapag panig tayo sa pag ibig, pag ibig din ang ating aanihin mula sa ating kapwa at kay Hesus.
PAGNINILAY
Gaano tayo kaseryoso sa
mga salita ni Hesus? Kung talagang tinatanggap at pinaniniwalaan natin ang itinuro ni Hesus, dapat meron
ebidensiya sa ating buhay niyan paniniwala. Ito ay makikita sa ating mga kilos o sa kung paano natin pakitunguhan ang mga tao. Ang maging mapagmahal
at hindi namimili, hindi malupit at mapanghusga. Ang maging mapagmahal at mapagtanggap sa iba, kahit na hindi tayo sumasang-ayon sa kanilang mga paniniwala o kilos. Para mabuhay
kung ano ang itinuro sa atin ni Hesus, taong mapagpatawad sa mga taong nakasakit sa atin ng malalim. Abutin ang mga taong nalulungkot o nahihiwalay.
Nawa’y tunay tayong maniwala at kumilos ayon sa mga salita ni Hesus at hindi basta basta magsabi ng, “Naniniwala ako,” ngunit walang katibayan ng ating paniniwala sa ating pang-araw-araw na buhay. Hindi tayo si Hesus, ngunit mayroon tayong kapangyarihang ibahagi ang pag-ibig, pagpapatawad, pag-aalaga at pagtanggap ni Hesus sa mga tao sa ating buhay.
Panginoong Muling Nabuhay, tulungan Mo kaming maging mambabasa at tagasunod ng Iyong salita araw-araw. Amen.
***
Ama Naming Dios Akoy Nananalig At Isinusuko Ko Ang Lahat Sa Akin Sa Ngalan Ni Hesukristo…Amen!
si Jesus ang katuparan ng Old at New Testament.
si Jesus at ang Ama ay iisa.
kung ipinihahayag.mo na si Jesus ay Diyos, Nagkatawang -Tao,namatay, at nabuhay na mag uli, ikaw ay may buhay na walang hanggan sa piling ng ating Ama.
sa ating kapanahunan sapat ba na sabihin natin na tayo ay sumasampalataya sa Diyos sa Salita?
ngunit wala sa gawa?
alalahanin natin na si Jesus ay muling nabuhay.
know that the Word became Flesh, died and rose again.
that is why believing the Word is not enough dapat ay ipahayag natin sa gawa.
na hanggang sa ating generasyon at susunod na henerasyon ay kapiling natin si Jesus.
Great is the love of God to all mankind kaya naman ipahayag natin ang ating pananampalataya sa gawa sa pamamagitan ng patuloy na pagtaggap natin kay Jesus na nakikipag- isa sa atin sa Banal na Eukaristiya.
24 hours, all our live, in our generation up to our next, next generstion. ay naghihintay sa Banal na Eukaristiya upang tanggapin ang inaalok Niyang makaisa natin Siya sa katawan, kaluluwa, at espiritu.
GREAT, SO GREAT IS THE LOVE OF GOD.
kaya naman ang pananampalataya na walang gawa ay patay.
nawa patuloy tayong pamunuan ng Banal na Espiritu na tinanggap na natin sa Sacramento ng binyag na si Jesus mismo ang nagtatag at nagkaloob at tinanggap natin sa kanyang kinatawan na si San Pedro na sa ating kasalukuyan ay ang ating Santo Papa Francisco.
magpatuloy tayo na tanggapin ang mga biyayang ito na pag perfect sa atin ng ating Panginoong Jesus into His perfection.
TO GOD BE THE HIGHEST GLORY!
SA KANYA ANG PAPURI, KALUWALHATIAN, KARUNUNGAN, LAKAS, KAPANGYARIHAN MAGPAKAILANMAN.!
Kapag pinili nating makinig kay Jesus, matatagpuan natin ang landas tungo sa buhay na totoo at ganap.
PAGNINILAY:
Juan 12:44-50
“Ako ang ilaw—hindi upang humatol, kundi upang magbigay-liwanag at magligtas.”
Sa Mabuting Balita ang pahayag ni Hesus ay puno ng awa at katotohanan. Siya ay hindi dumating bilang hukom—kundi bilang Ilaw.
“Ako’y naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang hindi manatili sa kadiliman ang nananalig sa akin. Kung mapakinggan ninuman ang aking mga salita ngunit hindi niya tuparin ito, hindi ko siya hahatulan.”
Sa pananaw ng teolohiya, si Hesus bilang Ilaw ng sanlibutan ay nagpapahayag ng isang mahalagang katotohanan:
Siya ang ganap na kapahayagan ng Diyos—ang liwanag na nagtataboy sa kadiliman ng kasalanan, kamangmangan, at kamatayan.
Ngunit kapansin-pansin ang Kanyang sinabi:
“Hindi ko siya hahatulan.”
Hindi ibig sabihin nito na walang pananagutan ang tao. Sa halip, ipinapakita nito ang puso ng Diyos—ang unang layunin Niya ay kaligtasan, hindi paghatol (cf. Juan 3:17).
Ang Salita ni Kristo mismo ang magiging batayan ng paghatol, hindi ang Kanyang personal na paghuhusga ng ipinahayag Niya ang salitang sa mga sandaling iyon.
Sa madaling salita:
•Ang liwanag ay dumating na—ang tanong ay: tinanggap ba natin ito o tinanggihan?
•Ang hindi pagsunod sa Kanyang salita ay parang pagpili na manatili sa dilim kahit may ilaw na.
Pagsasabuhay:
•Paano tayo tumutugon sa Ilaw?
Nakikinig tayo sa Salita ng Diyos araw-araw… ngunit isinasabuhay ba natin ito?
•Alam natin ang tama… ngunit pinipili ba natin itong gawin?
•May mga bahagi ba ng ating buhay na ayaw pa nating liwanagan ng Panginoon?
Ang tunay na pananampalataya ay hindi lang pakikinig—ito ay pagsunod at pamumuhay sa liwanag.
Hamong personal:
Ngayong araw, pumili ng isang salita ni Hesus na ating isasabuhay kahit maliit na bagay lang: pagpapatawad, kababaang-loob, o pagtulong.
Word of the Day: “LIWANAG”
Ang liwanag ay hindi lamang nakikita—ito ay sinusundan.
Kapag si Kristo ang ating liwanag, ang ating buhay ay nagiging direksyon para sa iba.
Panalangin:
Panginoong Hesus,
Ikaw ang Ilaw ng aking buhay.
Sa maraming pagkakataon, naririnig ko ang Iyong salita ngunit hindi ko ito naisasabuhay. Patawarin Mo ako sa mga sandaling pinili kong manatili sa dilim. Liwanagan Mo ang aking isip upang maunawaan ang Iyong kalooban, At palakasin Mo ang aking puso upang ito’y maisabuhay. Tulungan Mo akong maging liwanag din sa iba upang sa pamamagitan ng aking buhay, may mga kaluluwang makakita ng Iyong pag-ibig. Ikaw ang aking ilaw at kaligtasan, ngayon at magpakailanman. Amen.
Ang ang nanalig sa akin ay nanalig din sa Ama dahil siya may dalang liwanag at Ang liwanag nagbibiga sa atin ng katotohanan at dulot ng liwanag ay kaliwanagan nakikita lahat walang itinatago kaya nakikita mo rin Ang Ama na kasama ni Hesus. Ang taong namumuhay sa dilim at ayaw sa liwanag ay meron Ito itinatago . Kaya’t tayo nananalig Kay Hesus hayag dapat Ang ating paglilingkod at wala tayong itinatago at dapat nakikita sa atin si Hesus .
PAGNINILAY
Sa unang pagbasa, binigyan halaga ang pagpapalaganap ng salita ng Dios bilang pangunahing gawain ng mga alagad kung kaya’t hinirang at ibinukod ng Espiritu Santo sina Saulog (Pablo) at Bernabe.
“Noong mga araw na iyon, lumalago at lumalaganap ang salita ng Diyos.Sina Bernabe at Saulo ay bumalik buhat sa Jerusalem nang maganap na nila ang kanilang tungkulin, at isinama si Juan na tinatawag ding Marcos.May mga propeta at mga guro sa simbahan sa Antioquia. Kabilang dito sina Bernabe, Simeon na tinaguriang Negro, Lucio na taga-Cirene, Saulo at Manaen, kababata ng tetrarkang si Herodes. Samantalang sila’y nag-aayuno at sumasamba sa Panginoon, sinabi sa kanila ng Espiritu Santo, “Ibukod ninyo sina Bernabe at Saulo. Sila’y hinirang ko para sa tanging gawaing inilaan ko sa kanila.”
Sa gospel reading ipinahayag ni Jesus ang kahalagahan ng pakikinig sa salita ng Dios sapagkat ito ang hahatol sa tao sa araw ng paghuhukom. Napakahalaga ang pananalig kay Jesus sapagkat dumarating itong pananalig sa pamamagitan ng pakikinig sa salita o kautusan ng Dios (Roma 10:27) na nagreresulta ng kaligtasan at buhay na walang hanggan.
“Noong panahong iyon, malakas na sinabi ni Jesus, “Ang nananalig sa akin ay hindi lamang sa akin nananalig, kundi pati sa nagsugo sa akin. At ang nakakita sa akin ay nakakita sa kanya. Ako’y naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang hindi manatili sa kadiliman ang nananalig sa akin. Kung mapakinggan ninuman ang aking mga salita ngunit hindi niya tuparin ito, hindi ko siya hahatulan. Sapagkat naparito ako hindi upang hatulan ang sanlibutan kundi upang iligtas ito. May hahatol sa sinumang magtakwil sa akin at hindi tumanggap sa aking mga salita; ang salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanya sa huling araw. Sapagkat hindi ako nagsalita sa ganang sarili ko lamang, kundi ang Amang nagsugo sa akin ang siyang nag-utos kung ano ang aking sasabihin at ipahahayag. At alam kong ang kanyang utos ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Kaya’t ang ipinasasabi ng Ama ang siya kong sinasabi.”
Kumusta naman tayo. Binibigyan ba natin ng pangunahing halaga ang pagpapalaganap ng salita ng Dios upang marami ang maligtas at magkaroon ng buhay na walang hanggan? Kung ang hahatol sa tao ay ang salita ng Dios mismo, binibigyan ba natin ng panahon na aralin at pakinggan ang nilalaman ng biblia upang hindi tayo mahatulan sa impierno?