Podcast: Download (Duration: 5:18 — 3.8MB)
Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Mga Gawa 8, 1b-8
Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a.
Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.
Juan 6, 35-40
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Wednesday of the Third Week of Easter (White)
UNANG PAGBASA
Mga Gawa 8, 1b-8
Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol
Nagsimula nang araw na iyon ang isang mahigpit na pag-uusig laban sa Simbahan sa Jerusalem. At liban sa mga apostol, lahat ng sumasampalataya ay nangalat sa lupain ng Judea at Samaria. Si Esteban nama’y inilibing ng mga taong may takot sa Diyos, at gayun na lamang ang kanilang panangis.
Samantala, sinikap ni Saulo na wasakin ang Simbahan: pinapasok niya ang bahay-bahay at kinakaladkad ang mga sumasampalataya at ibinibilanggo, maging lalaki’t maging babae.
Nangalat ang mga mananampalataya, at saanman sila makarating ay ipinangangaral nila ang Salita. Nagpunta si Felipe sa isang lungsod ng Samaria at ipinangaral doon ang Mesias. Nang mabalitaan ng mga tao at makita ang mga kababalaghang ginagawa niya, pinakinggan nilang mabuti ang sinasabi niya. Sapagkat ang masasamang espiritu ay umaalis sa mga taong inaalihan nito at sumisigaw habang lumalabas; maraming lumpo at mga pilay ang napagaling. Kaya’t nagkaroon ng malaking kagalakan sa lungsod na iyon.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a
Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.
o kaya: Aleluya!
Sumigaw sa galak ang mga nilalang!
At purihin ang Diyos na may kagalakan;
wagas na pagpuri sa kanya’y ibigay!
Ito ang sabihin sa Diyos na Dakila:
“Ang mga gawa mo ay kahanga-hanga.”
Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.
Ang lahat sa lupa ika’y sinasamba
awit ng papuri yaong kinakanta;
ang iyong pangala’y pinupuri nila.
Ang ginawa ng Diyos, lapit at pagmasdan.
Ang kahanga-hangang ginawa sa tanan.
Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.
Naging tuyong lupa kahit yaong tubig,
at ang nuno natin ay doon tumawid;
kaya naman tayo’y nagalak nang labis.
Siya’y naghaharing may lakas ang bisig.
Sangkalupaang nilalang,
galak sa Poo’y isigaw.
ALELUYA
Juan 6, 40
Aleluya! Aleluya!
Mabubuhay na totoo
ang lahat ng mga tao
na nananalig kay Kristo.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Juan 6, 35-40
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao: “Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom, at ang nananalig sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.
“Ngunit sinabi ko na sa inyo: nakita na ninyo ako, gayunma’y hindi kayo nananalig sa akin. Lalapit sa akin ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama. At hindi ko itataboy ang sinumang lumalapit sa akin. Sapagkat ako’y bumaba mula sa langit, hindi upang gawin ang kalooban ko, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. At ito ang kanyang kalooban: huwag kong pabayaang mawala kahit isa sa mga ibinibigay niya sa akin, kundi muling buhayin sila sa huling araw. Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama: ang lahat ng makakita at manalig sa Anak ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. At sila’y muli kong bubuhayin sa huling araw.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Martes, Abril 21, 2026
Huwebes, Abril 23, 2026 »




{ 10 comments… read them below or add one }
Sinisikap ko bang ipakalat ang pangangaral ng ating Mesiyas sa kabila ng pang-uusig na tinatanggap ng Simbahan? Tinuturing ko ba ang aking sarili bilang isang instrumento ng ebanghelisasyon? Si Hesus ba ay aking pinananaligan para sa handog na pagkaing nagbibigay buhay? O para sa mga materyal na bagay?
May pangako ang Diyos na bibigyan Nya ng buhay na walang hanggan ang mga taong nanalig sa Kanya.
Panginoon nawa’y pagkalooban mo nag buhay na walang hanggan ang aking mga ninuno, mga magulang na nagsipanaw na dito sa mundo, gayundin kaming mga sumasampalataya at nanalig na ipagkakaloob mo sa amin ang paraiso na Iyong pangako sa Iyong mga nilalang. Amen.
PAGNINILAY: Patuloy nating sinasariwa ang Muling Pagkabuhay ni Hesus ngayong Ikatlong Linggo bilang pagninilay sa diskurso tungkol sa Tinapay ng Buhay. Noong nakaraang Biyernes ay narinig natin ang pagpaparami ng tinapay at isdang nagpabusog sa higit ng 5,000 katao. Noong Lunes ay narinig natin ang paalala ni Hesus na sikapin ang pagkaing nagbibigay-buhay. At kahapon ay mismong idineklara ni Hesus ang kanyang sarili bilang Tinapay ng Buhay.
Ngayong araw na ito, patuloy itong deklarasyon ni Kristo tungkol sa kanyang sarili bilang tinapay na nagbibigay-buhay. Itong pagkakilanlan ni Hesus ay isang paanyaya ng pananampalataya, na kung saan tayong mga sumasampalataya ay hinihikayat na mas kilalanin pa natin siya nang buong pananalig. At kapag ginawa natin ito ay makikilala natin ang dakilang kalooban ng Diyos, na siya namang tinutupad ng Anak, ang ating Panginoong Hesus. At balang araw ay makakamtan natin ang buhay na walang hanggan sa katapusan ng ating mga buhay. Mga kapatid, maganda itong pahayag ni Kristo tungkol sa Tinapay ng Buhay.
Ang ating pananampalataya sa kanya ay isang paghahangad na mapabusog niya ang ating mga pagkagutom at pagkauhaw sa buhay. At makikita natin sa bawat pagdiriwang ng Eukaristiya ay pinapabusog tayo ni Hesus sa pamamagitan ng kanyang Salita at ng kanyang Katawan. ito ang biyaya ng buhay na nais niyang ipagkaloob sa atin. Ngayon naman kung tayo’y sumasampalataya na siya ang Tinapay na nagbibigay-buhay, paano kaya tayo patuloy na “nagbibigay-buhay” sa iba?
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao: “Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom, at ang nananalig sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman”
Masasabi natin na tayo ay lumalapit kay Hesus. Masasabi din natin na nananalig tayo kay Hesus. Pero sapat na ba ang mga ito? Kung tayo ay nananalig kay Hesus hindi sapat yung naniniwala lamang tayo na may Diyos, na si Hesus ang Diyos. Ang nararapat nating gawin upang makamit ang mga pangako nya para sa atin ay sundin amg kalooban nya.
Marami sa atin ang nanniniwala kay Hesus pero hindi nman nagbabago at patuloy pa din na gumagawa ng kasamaan. May mga Linggo linggo nagsisimba subalit hindi naman nagmamalasakit sa iba at hindi minamahal ang kapwa. May mga relihiyosa na tsismosa, naninirang puri, inggitera, mapamintas, mapanghusga, puro reklamo ang lumalabas sa bibig, sugarol, nanalalake o nambababae, nagnanasa sa hindi asawa o pag aari. Mayroon din nmang mga madasalin at nagsasalita ng mga galing sa bibliya pero hindi mo nakikita sa kanyang kilos.
Kapag tayo ay lumapit kay Hesus at nananalig tayo, magsisi tayo sa mga gawang sala, humingi tayo ng kapatawaran at sikapin na nating matalikura ang kasamaan upang makamit natin ang gantimpalang. buhay na walang hanggan, walang kagutuman at pagkauhaw.
Sa ating lahat na iisipin, sasabihin at gagawin at isipin muna natin kung tayo ay kalulugdan ni Hesus sa gawainh iyon. Gawin nating gabay sa pang araw araw na pamumuhay ang Salita ng Diyos at ang Mabuting Balita.
Salamat Sa Dios…AMEN!
MAGNILAY: Tayo ang umaayaw sa Diyos at hindi ang Diyos ang umaayaw sa atin. Walang inayawan ang Diyos maging ang mga nagtaksil sa kanya. Kahit inayawan natin siya, isang pagpaparamdam lang na nais nating bumalik sa kanya, walang kaabog-abog niya tayong muling tatanggapin. Ang totoo ay nang sandaling iwan natin siya agad na niyang kinasabikan ang ating pagbabalik. Hindi siya nagtatampo o nanunumbat sa maling ginawa natin. Hangad niya lagi ang mailigtas niya tayo at mabigyan ng buhay.
MANALANGIN: Panginoong muling nabuhay, huwag mo hayaang tuluyang mawalay kami sa iyo dahil sa aming kataksilan.
GAWIN: Hindi ka itinaboy ng Diyos kailanman. Huwag mo ring itaboy sinuman gaano man ang laki ng atraso niya sa iyo.
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON
ayon kay San Juan 6, 35-40
PAGNINILAY / ARAL ng Ebanghelyo
Napakagandang PANGAKO NG KALIGTASAN.
Madali lang kung susundin
Mahirap sa taong ayaw magkaruon ng
Buhay na Walang Hanggan.
Simple ang Kanyang pahayag:
ang LUMAPIT, MANALIG at SUMUNOD kay HESUS
ay muli niyang bubuhayin sa huling araw.
PAGNINILAY:
6:35-40
Sa Ikatlong Linggo sa Pasko ng Pagkabuhay patuloy natin natunghayan ang serye ng Diskurso ng Tinapay na Nagbibigay Buhay, at sa araw na ito malinaw ang pagpapahayag ni Hesus:
“Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay.”
Hindi lamang ito simpleng metapora—ito ay isang rebelasyon ng Kanyang pagka-Diyos at misyon.
Sa Lumang Tipan, ang Diyos ang nagbibigay ng manna sa ilang; ngayon, si Hesus mismo ang Bagong Manna, hindi lamang para sa katawan kundi para sa kaluluwa at buhay na walang hanggan.
Ang gutom at uhaw na tinutukoy ni Hesus ay hindi lamang pisikal—ito ay espiritwal na pagkauhaw ng tao sa kahulugan, pag-ibig, at kaligtasan.
Kaya ang sinasabi Niya:
•Ang lumalapit sa Kanya ay hindi na magugutom – sapagkat Siya ang kaganapan ng ating paghahanap.
•Ang nananalig sa Kanya ay hindi na mauuhaw – sapagkat Siya ang bukal ng buhay na hindi nauubos.
Ngunit may isang mas malalim pang katotohanan:
•Ang kaligtasan ay kalooban ng Ama, hindi aksidente.
•Ang bawat kaluluwa ay mahalaga—walang dapat mawala.
Ito ang puso ng Ebanghelyo:
Si Hesus ay hindi lamang Tagapagligtas—Siya ang Tagapangalaga ng bawat kaluluwa na ipinagkatiwala sa Kanya ng Ama.
At ang pangako Niya:
“Hindi ko itataboy ang sinumang lumalapit sa akin.”
Sa mundong puno ng pagtanggi, si Hesus ay walang itinataboy.
Sa mundong puno ng pagkabigo, si Hesus ay hindi sumusuko sa atin.
Word of the Day: “Lumalapit”
Ang pananampalataya ay hindi lang paniniwala—ito ay patuloy na paglapit kay Hesus.
Araw-araw, sa panalangin, sa Salita ng Diyos, at higit sa lahat, sa Banal na Eukaristiya.
Pagsasabuhay:
•Lumapit kay Hesus araw-araw – kahit sa simpleng panalangin o katahimikan.
Magtiwala sa Kanyang pagtanggap – walang kasalanan ang mas malaki sa Kanyang awa.
•Maging instrumento ng pagtanggap – huwag din nating itaboy ang iba, lalo na ang nangangailangan ng pag-ibig at pag-unawa.
•Pahalagahan ang Eukaristiya – dito natin tunay na tinatanggap ang “Tinapay ng Buhay.”
Panalangin:
Ama naming mapagmahal,
maraming salamat po sa Iyong Anak na si Hesus, ang Tinapay ng Buhay na bumaba mula sa langit.
Panginoong Hesus,
Ikaw ang aming kaganapan at kaligtasan. Tulungan Mo kaming patuloy na lumapit sa Iyo lalo na sa aming kahinaan at pag-aalinlangan.
Patatagin Mo ang aming pananampalataya, upang hindi kami magutom sa katotohanan at hindi mauhaw sa Iyong pag-ibig.
At sa huli, ipagkaloob Mo sa amin ang buhay na walang hanggan na Iyong ipinangako sa lahat ng nananalig sa Iyo.
Amen.
Every tree loses a leaf, and yet not one of them is worried.
Nothing is impossible with God.
Do not focus on what is falling in your life. Trust what is growing in your life.
Amen.
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good
Blessed2026
Thank you, Lord, for a new day. Praying for a healing heart, peace, and strength.
Blessed Happy Easter #PeaceInMiddleEast #GvWednesday
PAGNINILAY
Sa unang pagbasa, ipinahayag dito na kahit pinaghuhuli ni Saulo ang mga nanalig kay Jesus at naikalat, imbes na tumalikod sa kanilang kaligtasan kay Jesus ay lalo lamang silang nagpahayag nito sa iba bilang patunay na walang “backslider” sa tunay na naging alagad ni Jesus.
Samantala, sinikap ni Saulo na wasakin ang Simbahan: pinapasok niya ang bahay-bahay at kinakaladkad ang mga sumasampalataya at ibinibilanggo, maging lalaki’t maging babae.
“Nangalat ang mga mananampalataya, at saanman sila makarating ay ipinangangaral nila ang Salita. Nagpunta si Felipe sa isang lungsod ng Samaria at ipinangaral doon ang Mesias. Nang mabalitaan ng mga tao at makita ang mga kababalaghang ginagawa niya, pinakinggan nilang mabuti ang sinasabi niya. Sapagkat ang masasamang espiritu ay umaalis sa mga taong inaalihan nito at sumisigaw habang lumalabas; maraming lumpo at mga pilay ang napagaling. Kaya’t nagkaroon ng malaking kagalakan sa lungsod na iyon.”
Sa gospel reading, ipinahayag ni Jesus na kung ano ang kalooban ng Ama ay sinusunod niya. Ang kalooban ng Ama ay huwag pabayaang mawala kahit isa ang mga nakakita at nanalig sa kanya. Ito ay isasakatuparan ni Jesus kung kaya’t may kasiguruhan na hindi kailanman mawawala ang kaligtasang natanggap ng isang tao.
“At ito ang kanyang kalooban: huwag kong pabayaang mawala kahit isa sa mga ibinibigay niya sa akin, kundi muling buhayin sila sa huling araw. Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama: ang lahat ng makakita at manalig sa Anak ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. At sila’y muli kong bubuhayin sa huling araw.”
Kumusta naman tayo. Nawawala ba ang kaligtasan natin? Ito ba ay patay sindi? Naniniwala ka ba sa pangako ni Jesus na walang sinumang nakakita at nanampalataya sa kanya ay magiging “backslider”?