Podcast: Download (Duration: 5:19 — 3.8MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Kuwaresma
Miyerkules
Manalangin tayo sa Diyos na ating Ama, ang nagbibigay ng lahat ng mabubuting biyaya, upang lagi nating sundin ang kanyang mga batas nang may bukas na loob tulad ni Kristo.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, loobin Mong sumunod kami katulad ni Kristo.
Ang Simbahan nawa’y maghatid sa mga tao ng liwanag ni Kristo sa pamamagitan ng pangangaral ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga mambabatas nawa’y magsagawa ng mabubuting batas para sa kapakanan ng mga tao, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y magpatupad ng mga batas at maghatid ng kalayaan at katarungan sa kanilang mga nasasakupan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang lahat ng tao nawa’y makilala ang Diyos at sundin ang kanyang mga batas na nakasulat sa kanilang mga puso, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit, mga kapuspalad, at mga nangungulila nawa’y mabigyan ng nararapat na pangangalaga, atensyon, at paggalang, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga namatay kay Kristo nawa’y pagkalooban ng pag-ibig at habag sa Kaharian ng Langit, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming nasa Langit, pagkalooban mo kami ng biyayang makasunod sa iyong mga utos, at magtaguyod ng iyong batas at salita sa lahat ng mga nasa ilalim ng aming pangangalaga. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Martes, Marso 10, 2026
Huwebes, Marso 12, 2026 »




{ 13 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang Kuwaresma ay panahon ng pagiging tapat sa Panginoon bilang tugon sa kanyang pag-ibig sa atin. At isa nang paraan ay ang pagsunod sa kanyang mga utos.
Ang Unang Pagbasa ngayon ay isang matuwid na paalala ni Moises sa mga Israelita na sundin at tudpin ang Kautusan ng Panginoong Diyos. Ito ay ang kanilang pangako pagkatapos ng pagkalikas sa kanila ng Diyos mula sa pagkaalipin sa Egipto. Kaya ito ang naging tipan ng Panginoon sa Israel na makilala nila na siya ang Diyos nila, at sila ang bayan niya. Kaya mahigpit na pinatatagubilin ni Moises na sundin nila ang utos ng Diyos habang binabantay ang sarili na hindi magkasala kailanman.
Ang Ebanghelyo ngayon ay ang pagsalaysay ni San Mateo sa Pangangaral ng ating Panginoong Hesukristo sa Kabundukan. Para sa ebanghelista, ang pokus ng kanyang panunulat ay upang ipakilala si Hesus bilang isang tao. At ipinakilala rin sa atin ang Panginoong Hesukristo bilang katuparan ng Kautusan. Kaya maririnig natin sa mga sumusunod na araw kung paanong tinupad ni Kristo ang mga utos ng Lumang Tipan at pinagpanibaguhin ang mga ito. Narinig natin ngayon na hindi naparito si Hesus upang buwagin ang Katusan, kundi tuparin ito. Bilang Anak ng Diyos, ipinapahalaga niya ang utos na ginawa ng kanyang Amang sa langit. Subalit alam rin niya na dahil siya ay isinugo sa mundo, siya ang magiging tanda ng kaligtasan ng sangkatauhan.
Kaya makikita natin na ang kanyang pakay sa pagtupad ng Kautusan ay upang gawin ito utos ng pag-ibig, kalayaan, at pagpapala. Pagpapala, sapagkat ang bawat utos na kailangang sundin ay magkaroon ng mabubuting kaloob, lalung-lalo na tungo sa kaayusan sa komunidad at mga relasyon ng tao sa Diyos at kapwa. Kalayaaan, sapagkat ang utos ang nagpapalaya sa mga taong nabibihag sa kasamaan at pagkasakim na dulot ng kasalanan at anupamang ikasisira ng relasyon ng tao sa Diyos. At sa huli ay pag-ibig, sapagkat ito ang kaganapan ng katuparan ng Kautusan, at ito ang pagkakilanlan natin sa iisang Diyos na Santatlo (Ama, Anak, at Espiritu Santo).
Kaya sa ating buhay pang-Kristiyano, tayo ay mga mamamayan ng mundo at mamamayan ng kalangitan. Ang bawat pagsunod natin sa batas ay dapat nagpapanibago sa tao tungo sa kanilang perspektibo sa buhay. Ito’y dapat maging daan ng pagpapala, kalayaan, at pag-ibig, na siyang ipinamalas ni Hesukristo kahit sa kanyang Pagkamatay sa Krus at Muling Pagkabuhay para sa kaligtasan ng tao.
Ang kuwaresma ay patuloy tayong inaayahan nang pagabablik-loob. ang Ebanghelyo ay bahagi ng sermon ni Hesus sa bundok ayong kay san Mateo. Anu ang kaugnayan nito sa panahon ito. Nais na tupdin natin ang batas. Dahil na parito ang Anak ng Tao upang sundin ang kalooban ng Ama, Dahil ang kasalan ay pumasok sa tao dahil hindi nila sinunud ang pinagbilin ng Diyos. Kayat ang pagsunod natin sa kalooban ng Diyos ang maglilitas sa atin upang matupad ang batas at magwawakas ang batas kung ito ay masusunod. Ang misyon nang bawat tao ay anu sumunod sa kalooban ng Diyos. Sabi nang pagnamatay ang tao sinasabi natin na natapos na ang misyon niya. Pero hindi lahat meron naman na namatay na hindi natupada ang misyon , Noon linggo ang ebanghelo ay patungkol na putilin natin kapag hindi na nagbunga ito. kaya’t pinaalalahan tayo na pudtin natin ang batas ng Diyos , sundin ang kalooban ng Diyos ang magmahal ayon sa kalooban niya//
Tayo ay halos nasa kalagitnaan na ng Kwaresma, ang panahon ng pagbabago at pagbabalik loob sa Diyos. Ang ebanghelyo ngayon ay isa na namang aral at hamon sa atin na kailangan natin ngayong banal na panahon ng Kwaresma.
Alam nyo ba na lahat tayo ay pari? Na may tungkulin na magpalaganap din ng Salita ng Diyos. Sinabi sa mga pagbasa ngayon na magunaw man ang lahat ng bagay sa mundo ay mananatili ang Salita ng Diyos. Kaya’ nararapat na makibahagi tayo sa pagpapalahanap nito. Umpisahan natin ito sa loob ng ating pamilya, ipaliwanag natin ang mga Mabuting Balita sa ating mga anak at apo, ang kahalagahan at gantimpalang matatanggap kung sususnod tayo sa kalooban ng Diyos o hindi natin gagawin ang mga ipinagbabawal sa sampung utos ng Diyos. Pagkatapos ay isunod natin ang ating mga kaibigan o kamag anak kung may pagkakataon. Nariyan ang social media na makakatulong sa atin sa pagbabahagi ng Mabuting Balita.
Ang layon natin ay mabigyang karunungan ang ating mga nakakasalamuha na matakot sa Diyos, magsisi, humingi ng kapatawaran at magsikap na matalikuran ang tukso at kasamaan. Hindi ito madali kung pakikinggan pero kung hindi natin sisimulan ay hindi natin malalaman na kaya pala natin itong gawin. Ipapaliwanag natin ang ating mga sariling karanasan na nakatagpo tayo ng tunay na kaligayahan sa Diyos. Magpapatotoo tayo sa tunay na kapayapaan ng puso’t isipan simula ng magkaron tayo ng relasyon kay Hesus.
Dahan dahan. Hindi mabilisan, pero kaya ng bawat isa sa atin na manghikayat na magbago at magbalik loob sa Diyos. Tulungan natin ang Mabuting Pastol sa paghahanap ng mga tupang naliligaw ng landas.
Maraming Salamat at goodluck sa iyong pagbabago kapatid…
Pinupuri at pinasasalamatan kita Panginoon Jesus Hesus sa Mabuting Balita ng kaligtasan .Panginoon patawad sa aking mga kasalanan.Salamat Panginoon binigyan mo muli ako ng pag-asa upang matuwid ko ang aking sarili sa katotohanan. ?
PAGNINILAY
Nakasaad sa ating pag-basa ngayong araw ay “Kaya’t sinumang magpawalang-halaga kahit sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayun sa mga tao, ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos.” tinuturo sa atin ng pag-basa na ang mga ginagawa natin ngayon ang daan kung saan man tayo nararapat sa pinakamababa o di kaya’y sa kalangitan.
Kaya’t hanggat maaga pa ay talikuran na natin ang ating mga kasalanan dahil tayo mismo ang gumagawa ng ating kapalaran, wala ng taong perpekto ngunit nagiging perpekto ang tao kung ito’y gumagawa ng kabutihan at tama sa kapwa kaya ngayon pa lamang lalo na’t panahon ng Kuwaresma ay magnilay tayo upang magbukas ang ating isip para kay Kristo.
Si Kristo’y niligtas tayo lupang sumama sakanya ngunit hindi ka susunod sakanyang mga yapak ay balewala lahat ng kanyang sakripisyo para sa atin. Mahal tayo ng Diyos hindi dahil siya ang lumikha sa atin bagkus mahal tayo ng Diyos dahil alam niyang lahat ng kanyang nilikha ay mabuti at nagpapakabuti.
Nawa sa pagninilay natin ngayon ay maging daan para tayo’y sumunod sa yapak ni Kristo, sinusubok tayo minsan ng Panginoon ngunit hindi yun dahil para parusahan tayo bagkus para tayo’y maging matatag at malakas para sa mga masbibigat pang papasanin natin na Krus hanggang sa dulo ng ating hininga.
Pagninilay sa Mabuting Balita ni Jess C. Gregorio:
Sadyang malayo ang kaisipan ng Diyos sa tao. Ang tao ay walang alam. Salat tayo sa karunungan. Mahina. Walang lakas. Puno ng takot at pangamba. Maligalig. Sablay sa maraming bagay. At dahil sa mga iyan, marami tayong hindi maintindihan. Bagama’t may yaman at katayuan sa lipunan ay malungkot at nangangailangan. Maraming dapat patunayan. Madaling masilaw sa kinang ng kamunduhan kaya madaling makagawa ng kasalanan. Mandaya. Magsinungaling. Magnakaw. Magyabang. Maging sakim. At marami pang gawain na nakasisira ng buhay.
Nakikita natin ang mga nangyayari kung ang tao ay humihigit pa sa Diyos. Lalong lalo na sa mga samahan na sa una ay pinalakas ng Banal na Espiritu at nakakagawa ng maraming himala. Nagkakaroon ng pagkawatak-watak at hindi pagkakaintindihan na mauuwi sa paghihiwalayan. Natural lang kasi umiiral ang tiwala ng kada isa sa kanilang tila angking kalakasan. Sa nais nating sumikat at mapansin, nawala sa isip natin na isa lang ang Tagapagturo. Siya rin ang gaganap sa lahat ng pinag uutos. Tayo ay lupa na naturingan, magwawakas tulad ng mundo na inaasahan. Kaya sa mga pagkakataong wala ang Espiritu sa ating kandungan, ang kalaban ang namamayani at magdudunong-dunungan. Iibahin ang Salita ng Diyos at ipagdidikdikan, na siya namang nagdadala sa marami sa kawalan. Kaya sa bawa’t galaw at salita, harinawang palakihin si Kristo at hindi ang mga sarili nating pakawala. Hilingin sa Banal na Espiritu na parating manguna at hindi ang mga sariling plano natin ang nagdidikta. Ang tanging paraan para hindi mawala ay ang tanggapin na tayo ay salat at mistulang walang magagawa. Kung hindi dahil sa Diyos, lakas at pananampalataya ay sadyang wala.
Tayo na kay Kristo ang pinaka mababa sapagkat angat Siya sa lahat ng ating gawa.
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON
ayon kay San Mateo 5, 17-19
PAGNINILAY
Si Hesus ang Katuparan ng Batas
Ang Batas ng Diyos ay Batas ng Pag-ibig sa Diyos at Kapwa
Araw-araw ay kailangan nating sundin ang mga Batas ng Diyos
at ng Tao na naaayon sa Batas ng Diyos.
Sinasabi sa atin ng Ebanghelyo ngayon na hindi nilalayon ni Hesus na sirain ang mga Batas ni Moises, bagkus, isulong at ipakita pagmamahal ng Diyos.
Talaga ba ay namumuhay tayo ayon sa batas ni Cristo-Hesus?
Ang Sino man gumanap at magturo na tuparin Ito ay pinakdakila sa harap ng Diyos. Ito ang dahilan bakit si Hesus ay Labis na kinalulugdan ng Diyos dahil bilang anak siya ay masunurin at Ito rin ang itinuturo sa atin ni Hesus . Maging masunurin sa kalooban ng Ama dahil ang hindi pagsunod dahilan ng pagbagsak ng tao pero ang oagsunod naman ang pagbangon natin sa kasalanan. At maiturin na dakila sa harap ng Ama.
PAGNINILAY:
Ikatlong Linggo ng Apatnapung Araw ng Paghahanda
Mateo 5:17–19
“Naprito ako hindi upang pawalang-bisa ang Kautusan kundi upang ito’y ganapin.”
Sa Mabuting Balita ngayon, nililinaw ni Hesus ang isang mahalagang katotohanan: Hindi Niya winasak ang Kautusan at mga Propeta sa halip Kanya itong tinupad at pinaging ganap.
Sa tradisyon ng Israel, ang “Kautusan at mga Propeta” ay tumutukoy sa buong banal na paghahayag ng Diyos sa Lumang Tipan. Ito ang pundasyon ng tipan ng Diyos sa Kanyang bayan. Ngunit sa pagdating ni Hesus, may bagong liwanag na ibinigay: ang tunay na kahulugan ng Kautusan ay hindi lamang pagsunod sa letra kundi pagsasabuhay ng diwa nito—ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.
Sa teolohiya ng Simbahan, si Hesus ang katuparan ng Lumang Tipan. Ang lahat ng batas, sakripisyo, at propesiya ay nagtuturo patungo sa Kanya.
Halimbawa:
•Ang sakripisyo sa templo ay natupad sa sakripisyo ni Kristo sa krus.
•Ang mga propeta ay naghanda sa pagdating ng Mesiyas.
•Ang kautusan ni Moises ay umabot sa kaganapan sa batas ng pag-ibig ni Kristo.
Kaya sinabi ni Hesus na kahit “ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan” ay hindi mawawala. Sapagkat ang bawat utos ng Diyos ay may layuning hubugin ang puso ng tao upang maging banal.
Sa madaling salita:
Ang Lumang Tipan ay pangako.
Ang Bagong Tipan ay katuparan.
At si Hesus ang sentro ng dalawang ito.
Mas Malalim na Hamon ng Mabuting Balita:
Hindi lamang tayo tinatawag ni Hesus na sumunod sa batas.
Tinatawag Niya tayong mabuhay ayon sa espiritu ng batas.
Ang tunay na katuparan ng kautusan ay:
•hindi lamang “huwag pumatay,” kundi magpatawad;
•hindi lamang “huwag magnakaw,” kundi maging mapagbigay;
•hindi lamang “huwag gumawa ng masama,” kundi gumawa ng mabuti
Ibig sabihin, ang Kristiyanong buhay ay hindi minimal obedience kundi radical love.
Pagsasabuhay:
Sa panahon ng Kuwaresma, magandang itanong natin sa ating sarili:
•Sinusunod ko ba ang utos ng Diyos dahil sa takot lamang, o dahil sa pag-ibig?
•Ang aking pananampalataya ba ay nasa salita lamang o nakikita sa aking gawa?
•Ako ba ay nagiging halimbawa sa iba sa pagsasabuhay ng ebanghelyo?
Ang sabi ni Hesus:
Ang gumaganap ng kautusan at nagtuturo nito ay magiging dakila sa kaharian ng Diyos.
Ibig sabihin, ang tunay na dakila sa mata ng Diyos ay ang taong ang buhay ay sumasalamin sa Kanyang kalooban.
Word of the Day: “KAGANAPAN”
Ang “kaganapan” ay hindi simpleng pagsunod sa batas.
Ito ay pagpapakita ng buong kahulugan ng utos ng Diyos sa pamamagitan ng pag-ibig.
Sa katauhan ni Hesus, ang kautusan ay hindi naging mabigat na pasanin kundi daan tungo sa kalayaan at kabanalan.
Ang Mabuting Balita ngayon ay nagpapaalala:
-Ang kautusan ng Diyos ay hindi kailanman lilipas.
-Si Hesus ang tunay na katuparan ng mga ito.
-Ang tunay na pagsunod ay nagmumula sa pusong nagmamahal sa Diyos.
Panalangin:
Panginoong Hesus,
Ikaw ang katuparan ng Kautusan at ng mga Propeta. Tulungan Mo kaming hindi lamang makinig sa Iyong salita
kundi maisabuhay ito araw-araw.
Linisin Mo ang aming puso upang ang aming pagsunod sa Iyong mga utos
ay magmula hindi sa takot
kundi sa tunay na pag-ibig sa Iyo.
Sa panahong ito ng Kuwaresma,
hubugin Mo kami upang maging mga saksi ng Iyong ebanghelyo
sa aming pamilya, komunidad, at simbahan. Nawa’y ang aming buhay
ay maging buhay na katuparan ng Iyong salita. Amen.
Daily Bible Reading
11 March 2026
Deuteronomio 4:1, 5-9
Salmo 147:12-15, 19-20
Mateo 5:17-19
PAGNINILAY
Sa unang pagbasa, ibinigay kay Moses ang mga kautusan ng Dios (ceremonial/offering, moral/10 commandments & civil laws) para sa Israel na sundin upang maayos silang makapasok sa lupang ipinangako ng Dios.
“Nagsalita si Moises sa mga tao: “Ngayon, mga Israelita, upang mabuhay kayo nang matagal at makarating sa lupaing ibinigay sa inyo ng Panginoon, unawain ninyong mabuti at sundin ang tuntuning itinuturo ko sa inyo.“Ngayon nga’y itinuturo ko sa inyo ang mga tuntuning ito upang sundin. Unawain ninyo ito at sunding mabuti. Sa gayun makikita ng ibang bansa ang inyong karunungan at lawak ng pang-unawa. Sa gayun, hindi nila mapipigilang sabihin ang ganito: ‘Ang bansang ito’y matalino at may malawak na pagkaunawa.’
Sa Salmo, ipinahayag ni haring David na tanging ang Israel lamang ang may mga pangako, mga kautusan ng Dios na wala sa katulad nating mga gentil (Roma 9:4-5, Efeso 2:11-12).
“Kay Jacob n’ya ibinigay ang balita at pabilin,
ang tuntuni’t mga aral, ibinigay sa Israel. Ang ganitong karapatan ay wala ang ibang bansa,
pagkat hindi nila batid ang utos na itinakda.
Purihin ang Panginoon!”
Sa gospel reading, sapagkat napatunayan ng Israel na hindi nila perpektong masunod lahat ang kautusan ng Dios, dumating si Jesus upang tuparin at ganapin ang mga kautusan sa pag-aalay para mapatawad ang pagsalangsang nila.
“Huwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang-bisa ang Kautusan at ang aral ng mga propeta. Naparito ako, hindi upang pawalang-bisa kundi para ipaliwanag at ganapin ang mga iyon. Tandaan ninyo ito: magwawakas ang langit at ang lupa, ngunit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga’t hindi nagaganap ang lahat. Kaya’t sinumang magpawalang-halaga kahit sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayun sa mga tao, ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos.”
Kumusta naman tayo. Naniniwala ba tayo na si Jesus ang kaganapan ng mga kautusan sa pag-aalay niya ng kanyang dugo o buhay para sa katubusan ng lahat ng kasalanan ng sangkatauhan (Efeso 2:11-13, Roma 11:11-25)?
“Ang Kautusan ay anino lamang at hindi lubos na naglalarawan ng mabubuting bagay na darating. Hindi ito nagpapabanal sa mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng mga handog na iniaalay taun-taon. Kung napatawad na nga ang mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng ganoong mga handog, wala na silang aalalahanin pa tungkol sa kanilang mga kasalanan, at hindi na sila kailangang mag-alay pang muli. Ngunit ang mga alay na ito ang nagpapagunita sa mga tao ng kanilang mga kasalanan taun-taon, sapagkat ang dugo ng mga toro at mga kambing ay hindi makakapawi ng mga kasalanan. Dahil diyan, nang si Cristo’y naparito sa daigdig…Bawat pari ay naglilingkod araw-araw at paulit-ulit na naghahandog ng pare-pareho ding mga handog, subalit ang mga iyon ay hindi naman nakakapawi ng kasalanan. Ngunit si Cristo ay minsan lamang naghandog para sa mga kasalanan, at iyo’y sapat na. Pagkatapos ay umupo siya sa kanan ng Diyos. Ngayo’y naghihintay siya roon hanggang sa lubusang pasukuin sa kanya ng Diyos ang kanyang mga kaaway. Samakatuwid, sa pamamagitan lamang ng isang paghahandog ay kanyang ginawang ganap magpakailanman ang mga nililinis ng Diyos.” (Hebreo 8:1-14).
Daily Bible Reading
11 March 2026
Deuteronomio 4:1, 5-9
Salmo 147:12-15, 19-20
Mateo 5:17-19
PAGNINILAY
Sa unang pagbasa, ibinigay kay Moses ang mga kautusan ng Dios (ceremonial/offering, moral/10 commandments & civil laws) para sa Israel na sundin upang maayos silang makapasok sa lupang ipinangako ng Dios.
“Nagsalita si Moises sa mga tao: “Ngayon, mga Israelita, upang mabuhay kayo nang matagal at makarating sa lupaing ibinigay sa inyo ng Panginoon, unawain ninyong mabuti at sundin ang tuntuning itinuturo ko sa inyo.“Ngayon nga’y itinuturo ko sa inyo ang mga tuntuning ito upang sundin. Unawain ninyo ito at sunding mabuti. Sa gayun makikita ng ibang bansa ang inyong karunungan at lawak ng pang-unawa. Sa gayun, hindi nila mapipigilang sabihin ang ganito: ‘Ang bansang ito’y matalino at may malawak na pagkaunawa.’
Sa Salmo, ipinahayag ni haring David na tanging ang Israel lamang ang may mga pangako, mga kautusan ng Dios na wala sa katulad nating mga gentil (Roma 9:4-5, Efeso 2:11-12).
“Kay Jacob n’ya ibinigay ang balita at pabilin,
ang tuntuni’t mga aral, ibinigay sa Israel. Ang ganitong karapatan ay wala ang ibang bansa,
pagkat hindi nila batid ang utos na itinakda.
Purihin ang Panginoon!”
Sa gospel reading, sapagkat napatunayan ng Israel na hindi nila perpektong masunod lahat ang kautusan ng Dios, dumating si Jesus upang tuparin at ganapin ang mga kautusan sa pag-aalay para mapatawad ang pagsalangsang nila.
“Huwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang-bisa ang Kautusan at ang aral ng mga propeta. Naparito ako, hindi upang pawalang-bisa kundi para ipaliwanag at ganapin ang mga iyon. Tandaan ninyo ito: magwawakas ang langit at ang lupa, ngunit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga’t hindi nagaganap ang lahat. Kaya’t sinumang magpawalang-halaga kahit sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayun sa mga tao, ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos.”
Kumusta naman tayo. Naniniwala ba tayo na si Jesus ang kaganapan ng mga kautusan sa pag-aalay niya ng kanyang dugo o buhay para sa katubusan ng lahat ng kasalanan ng sangkatauhan (Efeso 2:11-13, Roma 11:11-25)?
“Ang Kautusan ay anino lamang at hindi lubos na naglalarawan ng mabubuting bagay na darating. Hindi ito nagpapabanal sa mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng mga handog na iniaalay taun-taon. Kung napatawad na nga ang mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng ganoong mga handog, wala na silang aalalahanin pa tungkol sa kanilang mga kasalanan, at hindi na sila kailangang mag-alay pang muli. Ngunit ang mga alay na ito ang nagpapagunita sa mga tao ng kanilang mga kasalanan taun-taon, sapagkat ang dugo ng mga toro at mga kambing ay hindi makakapawi ng mga kasalanan. Dahil diyan, nang si Cristo’y naparito sa daigdig…Bawat pari ay naglilingkod araw-araw at paulit-ulit na naghahandog ng pare-pareho ding mga handog, subalit ang mga iyon ay hindi naman nakakapawi ng kasalanan. Ngunit si Cristo ay minsan lamang naghandog para sa mga kasalanan, at iyo’y sapat na. Pagkatapos ay umupo siya sa kanan ng Diyos. Ngayo’y naghihintay siya roon hanggang sa lubusang pasukuin sa kanya ng Diyos ang kanyang mga kaaway. Samakatuwid, sa pamamagitan lamang ng isang paghahandog ay kanyang ginawang ganap magpakailanman ang mga nililinis ng Diyos.” (Hebreo 8:1-14).
Naniniwala ka ba na pinabanal ka na Dios 2k taon na ang nakakaraan at nakakasiguro na na makakapasok sa kaharian niya kahit pumanaw ka ngayon?
Living a life with a purpose.
Its not what you do, but why you do it that really matters.
Victor Frankel – A man who have why can bear almost anyhow.
A commandments without passion is a prison.
A commandments with good reason becomes one passion, affection and expression of love.
The same task can change depending on our reason. What you do can be a labor or can be your duty or it can be your devotion.
Amen
-Father Jowel Gatus
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good.
Thank You, Lord.
Blessed2026
Praying for a healing heart, peace, and strength.
Thank You, Lord for a new day. Praying for a healing heart, peace, and strength. Amen #PeaceInMiddleEast #GvWednesday
Sinabi ni Jesus na hindi Siya naparito upang sirain ang Kautusan kundi upang tuparin ito. Ibig sabihin, ang mga utos ng Diyos ay hindi nawawala o nagiging walang halaga. Sa halip, binigyan ni Jesus ng mas malalim na kahulugan ang Kautusan—hindi lamang sa panlabas na pagsunod, kundi sa pagbabago ng puso.
Ipinapaalala sa atin ng Ebanghelyo na ang tunay na pagsunod sa Diyos ay hindi lamang salita kundi gawa. Ang taong tumutupad sa mga utos ng Diyos at nagtuturo nito sa iba ay magiging dakila sa Kaharian ng Langit. Kaya bilang mga Kristiyano, tinatawag tayong mamuhay ayon sa Salita ng Diyos at maging halimbawa sa iba.
Sa panahon ngayon, madaling balewalain ang mga utos ng Diyos dahil sa impluwensya ng mundo. Ngunit ang paalala ni Jesus ay malinaw: ang Salita ng Diyos ay nananatili magpakailanman. Ang pagsunod dito ang magdadala sa atin sa tunay na buhay.
Pagninilay:
Hinihikayat tayo ni Jesus na huwag lamang pakinggan ang Salita ng Diyos kundi isabuhay ito araw-araw, upang tayo at ang mga nakakakita sa ating pamumuhay ay mapalapit sa Diyos.