Martes, Pebrero 24, 2026

February 24, 2026

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Kuwaresma
Martes

Sinabi sa atin ni Jesus na maaari nating tawagin ang Diyos bilang ating Ama, kaya’t taglay ang matibay na pag-asa, idulog natin sa kanyang harapan ang ating mga kahilingan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, basbasan Mo ang Iyong mga anak.

Ang Simbahan sa buong mundo nawa’y laging magpahayag ng matibay na pagtitiwala sa pagdating ng Kaharian ng Ama — isang kaharian ng pag-ibig, katarungan, at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa kabila ng mga kahirapan ng buhay, tayo nawa’y manatiling nananalangin at hindi magpadarang sa tukso, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng sapat na kakanin para sa ating mga pangangailangan sa araw-araw at ng kadakilaan ng puso upang patawarin ang ating mga kaaway, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at maging ang mga nangangalaga sa kanila nawa’y makatagpo ang Diyos sa kanilang pagpapakasakit araw-araw, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao na, ay makaharap nawa ang Diyos sa kanyang tahanang walang hanggang, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, nagpapasalamat kami sa iyo sa pagdinig mo sa aming mga kahilingan. Tulungan mo kaming laging magtiwala sa iyong pag-ibig at tanggapin ang iyong kalooban sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 9 comments… read them below or add one }

Reynald Perez March 7, 2022 at 7:07 pm

PAGNINILAY: Isang gawain na ipinapaalala sa atin ngayong Kuwaresma ay ang Panalangin. Ang panalangin ay ang ating personal na pakikipag-ugnayan sa Diyos. Maraming paraan tayong nagdadasal, kahit mula sa mga “prayer book” o kaya personal. Minsan nagdadasal tayong nag-iisa lamang o kasama ang grupo ng mga tao/buong komunidad. Subalit ang nais ipaalala sa atin ngayong Kuwaresma at sa lahat ng mga pagkakataon ang isang epektibong paraan ng panalangin.

At makikita natin dito sa Ebanghelyo nang ituro sa atin ng ating Panginoong Hesukristo ang Pater Noster, o mas kilala bilang “Ama Namin”. Dati sa kultura ng mga Hudyo, dapat igalang ang pangalan ng Panginoong Diyos ayon sa nasasaad sa Ika-2 Utos. Ngayon nang dumating si Hesus, itinuro niya sa atin na tawagin natin ang Diyos bilang “Ama” sapagkat katulad ng isang tatay na nagsisikap sa isang pamilya, ang ating Panginoon ay tunay na nagbibigay sa atin ng ating mga kahilingan ayon sa kanyang kagustuhan at kalooban. Ang Ama Namin ay isang magandang panalangin upang gawin natin sa ating personal na dasal ang ACTS: Adoration, Contrition, Thanksgiving, and Supplication.

Pinupuri natin ang Diyos dahil sa kanyang dakilang presensiya sa atin, at nagpapasalamat din tayo sa mga biyayang ipinagkalooob niya sa atin at sa ibang tao. Kahit tayo ay nagkasala, tayo ay patuloy na humihingi ng kapatawaran sa kanya at ang grasyang matutong patawarin ang pagkakasala ng ibang tao laban sa atin. At sa huli ay humihiling tayo sa Panginoon ng patuloy na patnubay sa atin at ang ibang tao rin. Ganito ang isang epektibong paraan ng panalangin sa Diyos. Kaya matindi ng babala ni Hesus na huwag nating tularan ang mga pagano na kapag nagdadasal, marami tayong sinasabi at paulit-ulit.

Ang tunay na panalangin ay dapat magmula sa ating mga puso. Sapagkat ang kagandahang-loob ng Panginoong Diyos ayon kay Propeta Isaias sa Unang Pagbasa ay katulad ng pagkakaroon ng mga kasaganaan ng iba’t ibang panahon sa ating klima. Nawa’y manahan ang kanyang salita sa ating buhay.

Reply

[email protected] February 24, 2026 at 8:58 am

Sa Dios Ang Lahat Ng Kapurihan…Amen!

Reply

RFL February 19, 2024 at 10:16 pm

Isaias 55, 10-11
Salmo 33, 4-5. 6-7. 16-17. 18-19
Mateo 6, 7-15

Napakaganda po ng panalanging itinuro sa atin ni Hesus. Why not? It is taught by the Lord Jesus Himself, ang Anak ng Diyos, showing us His humility towards the Father. It also reveals what we must really be concerned of as humans—little of our needs and more of the works of the Kingdom, bilang mga anak ng Diyos kay Kristo Hesus. Maaari nating dasalin ito as is or make it a pattern for our own personal prayers. Himayin natin ang nilalaman ng panalanging ito.

It shows us our relationship with God – Our Father in Heaven. Dahil sa ginawang pagliligtas ni Kristo, ibinigay sa atin ang pribilehiyo na maging anak ng Diyos.

It puts the Father in His rightful place – Holy is Your Name.

It reveals the purpose of God – Your Kingdom come.

It teaches us to submit to the will of God – Your will be done.

And His will encompasses all of the — earth as it is in Heaven.

Give us this day our daily bread – It taught us to tell Him our needs, and so we should not worry about tomorrow.

And forgive us our sins – we should ask Him for forgiveness.
As we forgive those who sin against us – In the same way that we ask to be forgiven, we ought to forgive another person who wronged us and seeks forgiveness from us.

Do not bring us to the test – we can ask the Lord to be gentle with us, to not bring us to severe testing that could result in falling into sin.

But deliver us from evil – but even then, we can ask the Lord to save us from all kinds of evil, even from the sin we just committed when our faith failed.

Amen. – Believe in Him to answer your prayer.

The moment we realize the true meaning of this prayer, we will never pray it monotonously ever again. We will pray it with meaning, with power. More so, kung ganito magdasal si Kristo, hindi ba dapat sumunod ang mga tagasunod Niya? Base our prayers from the pattern that Jesus presented us. Pray like Jesus. Amen.

Reply

Jess C. Gregorio February 20, 2024 at 5:46 am

Pagninilay sa Mabuting Balita ni Jess C. Gregorio:

Napaka makapangyarihan ng panalanging itinuro ni Hesus. Sakop lahat ng pangangailangan natin sa napakasimpleng paraan. Sa likod ng mga katagang ginamit niya, pansinin nyo na may pagkasunod-sunod ang mga ito. Para bagang tinuturuan tayo kung ano ang sasabihin sa ating magiging panalangin na personal. Sundan ang pagkakasunod-sunod nito gaya ng ginawa ni Kristo at itaas ang kakaibang pagsamba, pagsuko, hiling, kapatawaran sa ating kasalanan, at paglukob ng Kanyang kapangyarihan sa atin ayon sa ating karanasan at pangangailangan.
I. Papuri (Ama naming nasa langit,
sambahin nawa ang pangalan mo.)
Papurihan natin ang Diyos sa lahat ng naigawad sa atin. Buhay. Pagmamahal. Proteksiyon. Atbp.
II. Pagsuko (Ikaw nawa ang maghari sa amin,
sundin nawa ang iyong kalooban
dito sa lupa tulad ng sa langit.)
Aminin natin na hindi natin puwedeng angkinin ang anumang bagay sa mundo. Na ang lahat na maaarinnating maisip ay galing sa Diyos. Ang Kanyang plano nawa’y mamayani.
III. Paghiling (Bigyan mo kami ng pagkaing kailangan namin sa araw na ito;)
Hilingin nyo ang grasyang kailangan nyo pero para lang sa araw na ito. Ang grasya ay pang araw-araw lang.
IV. Kapatawaran at pagpapatawad (At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
tulad ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin.)
Humingi ng tawad sa lahat ng kasalanang nagawa. Banggitin ang mga pangalan ng mga naka away at patawarin sila.
V. Pagbabasbas ng Banal na Espiritu para magkaroon ng kakaibang kapangyarihan at proteksiyon (At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok,
kundi ilayo mo kami sa Masama!)
Itaas ang kasalukuyang pagsubok, kahinaan, at pangamba. Hilingin ang kapangyarihan na kailangan gaya ng wisdom, knowledge, healing, prophecy, discernment, praise, love, charity, hope, o ano pa man ang kailangan para mapagtagumpayan ang araw na ito. Ang kapangyarihan ay para lang sa araw na ito. Kung araw-araw nyo hihilingin mga iyan para na rin tayo nagkaroon ng pang matagalang kapangyarihan sa ating mga kamay na dulot ng Banal na Espiritu.
VI. Pagtatapos na Papuri. (Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan, magpakailanman! Amen.)
Pansinin nyo na ang panalangin ni Hesus ay nagsisimula sa papuri at nagtatapos sa papuri. Ito ang kaibahan natin sa mga hentil. Ang sikreto ng epektibong panalangin ay papuri. Hanggang hindi natin natutunan ang magsimula sa papuri at magtapos sa papuri, hindi natin mararamdaman ang ating mga panalangin.

Reply

Rex Barbosa February 20, 2024 at 4:20 pm

PAGNINILAY

Forgiveness… the Key to All Graces

Kung pinatawad ninyo unconditionally ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din tayo ng Diyos and everything follows. Isapuso natin na ang pagiging malinis sa harap ng Diyos dahil ito sng susi ng kanyang grasya.

Sambahin ang ngalan ng Diyos na naghahari sa atin at sundin ang kalooban niya dito sa lupa tulad ng sa langit. Ang hilingin lang natin ay ang ating pagkaing kailangan sa araw na ito. At huwag iharap sa mahipit na pagsubok at ilayo sa lahat ng masama.

Ayaw din niya ng walang katuturang salita kung nagdadasal,
dahil bago pa man tayo humingi alam na Niya ang ating pangangailangan.

Tulad ng nasabi ko, kung pinatawad ninyo unconditionally ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din tayo ng Diyos at lahat ng kahilingan ay kanyag ipagkakaloob ayon sa Kanyang nais.

Reply

Jovy Uy February 24, 2026 at 1:30 pm

Daily Bible Readings
24 February 2026

Isaias 55:10-11

Salmo 33:4-5, 6-7, 16-19

Mateo 6:7-15

PAGNINILAY

Sa unang pagbasa, sinasabi rito na ang salita ng Diyos ay tapat, tutuparin ang Kanyang mga balak, at magtatagumpay sa layunin kung bakit ito ipinadala. Ang salita ng Diyos ay makapangyarihan, buhay, at totoo, na nagbibigay ng katiyakan sa Kanyang mga pangako.

“Sinasabi ng Panginoon:
“Ang ulan at niyebe
paglagpak sa lupa’y di na nagbabalik,
aagos na ito sa balat ng lupa’t nagiging pandilig,
kaya may pagkai’t butil na panghasik.
Ganyan din ang aking mga salita,
magaganap nito ang lahat kong nasa.”

Mateo 4:4

“Ang tao ay nabubuhay
hindi lamang sa tinapay
kundi sa Salitang mahal
mula sa bibig na banal
ng Ama nating Maykapal”

Sa gospel reading, ipinapaalam ni Jesus kung paano manalangin ang mga alagad niya at gamitin ang salita ng Dios na nakaloob sa the Lord’s Prayer upang ang layunin nito ay matupad tulad ng ipinapahiwatig ng unang pagbasa.

“Ama naming nasa langit,
sambahin nawa ang pangalan mo.”

(Upang magkabisa itong salita ng Dios at matawag nating Ama ang Dios ay maging “anak” muna tayo ng Dios. Sinasabi na 1 Juan 3:8 at Juan 8:44 na kapag ang isang tao ay may kasalanan pa ay sa Diablo o anak ng Diablo parin siya kaya hindi ang Dios Ama ang tinatawag niya kundi ang ama niyang Diablo. Kaya maging anak ng Dios muna bago gamitin at tawagin ang Dios na Ama .)

“Ikaw nawa ang maghari sa amin, sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.”

(Sa oras na naging anak ng Dios ang tao, nababago ang prioridad niya sa buhay na kung dati ay pinansiyal na pangangailangan ng kanyang pamilya, inuuna niya ngayon ang kaligtasan ng “espiritu” ng kapamilya upang pagharian ng Dios ang mga puso nila at maging anak din sila ng Dios at maligtas din na siyang kalooban ng Dios ayon sa sinasabi sa 1 Timoteo 2:4).

“Bigyan mo kami ng pagkaing kailangan namin sa araw na ito”;

(Sinabi ng Jesus na alam na ng Ama ang materyal na pangangailangan natin bago pa natin ito hingin kung kaya’t ang mga anak ng Dios ay dapat magnais na makapakain ng purong na salita ng Dios ang kanilang “espiritu” na nabuhay muli o naging anak ng Dios upang lumago ito at mapaglabanan ang makamundong pagnanasa ng kanyang laman ayon sa sinasabi sa 1 Peter 2:2, Roma 7:14-25, 8:1-11, Juan 13:1-34, 15:1-7, 1 Juan 2:14).

“At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin.”

(Ang paghingi ng kapatawaran sa Ama at pagnanais na makapanumbalik sa Ama at maligtas subalit Itong pagpapatawad ay lubusang mapangyayari lamang sa paskal ni Jesus, ang araw na ialay niya ang kanyang buhay sa krus at muling pagkabuhay. At matapos maging anak ng Dios at magkasala sa laman ay ipinapaalala sa 1 Juan 2:1 at 1 Juan 1:8-9 na na meron na tayong tagapamagitan na si Jesus na tapat at banal magpatawad matapos nating aminin ang ating nagagawang kasalanan sa laman.

“At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok,
kundi ilayo mo kami sa Masama.”

(Nagpapatulong tayo na lumago sa patuloy na pakikinig ng salita ng Dios upang mapagtagumpayan natin ang mga tukso ayon sa pahiwatig ng 1 Juan 2:14).

Kumusta naman tayo, nagagamit ba natin ang salita ng Dios na nakapaloob sa THE LORD’S PRAYER sa tamang paraan upang matupad ang layunin nito para sa atin ?

Reply

Jovy Uy February 24, 2026 at 5:06 pm

BdKz February 24, 2026 at 5:09 pm

We forgive for our own peace, to be happier and more blessed.
Huwag maging biktima ng Last sadness syndrome.
Palitan ng –
LBS – Last Bless Syndrome
LGS – Last Grace Syndrome
Magpasalamat sa Diyos na laging nagpapatawad. Kaya tayo ay magpatawad din.
Ipasa ang pagmamahal sa iba para sa marami pang pagpapala.
Iwan, alisin at huwag ng dadalhin pa ang mga bigat sa puso natin.
Amen
-Father Jowel Gatus
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good
Thank You, Lord
#GvTuesday
Blessed2026

Reply

Ruel arcega February 25, 2026 at 6:33 am

Ang kuwaresma ay panahon upang palalingin ang ating mga panalangin. Upang higit natin ang ating Ama. Dahil pagnagbigay ang Diyos Ito upang tulungan tayo na tulad ng ulan na bumabagsak na di na bambalik sa langit. Kaya sa pagturo ni Hesus pagnanangin Tayo. Ganito una Ama namin nasa langit . Tumawag tayo sa kanya Makilalanayin siya . Dahil kailangan natin siya na tutulong sa atin .

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: