Podcast: Download (Duration: 8:33 — 10.2MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Patnubay sa Misa
Kaisa ng lahat ng taong may mabuting kalooban, idulog natin sa Panginoon ang ating mga kahilingan para sa mga pangangailangan ng sangkatauhan at ng mga taong mahal sa atin. Ang sagot natin ay:
Panginoon, pakinggan Mo kami.
Para sa Simbahang Katolika, ang tanging mag-anak ng Diyos sa lupa: nawa lagi siyang maging Mabuting Balita sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng kanyang katapatan sa mga turo ni Hesus. Manalangin tayo.
Para sa Santo Papa, ang mga Obispo, at lahat ng mga pinunong espirituwal: nawa magtagumpay ang kanilang pagsisikap sa pagpapalago ng pagmamahalan at kapayapaan. Manalangin tayo.
Para sa mga nakatalaga sa pagtataguyod ng katarungan at kapayapaan: nawa magtagumpay ang kanilang pagsisikap upang ang sangkatauhan ay mabuhay sa pagkakasundo, pagtutulungan, at kasaganaan. Manalangin tayo.
Para sa mga tinatawagang maging tanging alagad: nawa maagap silang tumugon sa paanyaya ng Panginoon at bukas-palad na magpunyagi sa kanilang bokasyon nang may buong katapatan. Manalangin tayo.
Salamat, Panginoon, sa kaloob mong Banal na Kasulatan at sa pamamatnubay na dulot nito sa amin. Bigyan mo po kami ng biyayang isabuhay ang mensahe nito hanggang sa dulo ng aming buhay. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.
Pages: 1 2
« Sabado, Enero 24, 2026
Lunes, Enero 26, 2026 »




{ 10 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Matapos ang ating pagdiriwang ng Kapaskuhan at ng Kapistahan ng Santo Nino noong nakaraang Linggo, tayo ngayon ay nagbabalik na sa mga Linggo ng Karaniwang Panahon. Ang pinakamahabang panahon sa liturhiya ng ating Simbahan ay nagpapaalala sa atin na ang ordinaryong pangangaral ni Kristo ay nagpapakita ng katangi-tanging mga biyaya ng Diyos. Ang Ebanghelyo ngayon ay ang pagsisimula ng ministeryo ni Hesus sa Galilea. Una niyang ipinahayag ang pagbabalik-loob sapagkat narito na ang Kaharian ng Diyos. Ito ay tumutukoy sa Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos sa ating buhay, na dapat ang maghari sa atin ay kapayapaan, katarungan, at pag-ibig. Kaya si Hesus ay ang Liwanag ng mundo na nagpapalibot sa bayang naninirahan sa kadiliman. Ang ilaw ni Kristo ay siyang naging ilaw ng kanyang pakikimayan sa buhay ng tao upang turuan ito tungkol sa Paghahari ng Diyos Ama. Kaya si Hesus ay nangaral tungkol sa kanyang Ama at gumawa ng mga kababalaghan ng pagpapagaling sa mga maysakit. Kaya ito ang kaharian nais ipakita ng Panginoon na kung saan naroroon ang pagmamahalan, pagiging mapayapa, at matuwid na pamumuhay. At makikita natin ang ilaw ng Salitang iyon na naihahayag sa pagtawag ng tumugon sa kanyang anyaya na maging mga alagad niya. Tinawag ni Hesus ang kanyang unang apat na alagad na maging mga “mamalakaya ng tao”. Kung baga ito ang misyon ng Simbahan na ipahayag ang Mabuting Balita upang ang lahat ay mailigtas at maiako patungo sa Diyos nating Amang mapagmahal. At tayo rin bilang mga binyagang Katoliko ay inaanyayahang makibahagi sa misyon ni Kristo sa pangangaral ng kanyang Mabuting Balita at pagbibigay-saksi nito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Kung naroon ang ating pagmamahalan, pakikipagkasundo, at pagiging matuwid sa isa’t isa, naroroon ang paghahari ng Diyos bagamat ito pa’y ating inaasam na makamit balang araw.
Magandang Buhay sa Ating Llahat. Ako po ay member ng EMHC dito sa Holy Family Parish, Sudipen, La Union. Laking pasasalamat ko dito sa Awit at Papuri dahil kung minsan dito ako magkakaroon ng idea na sini-share ko kung ako ay nagka-conduct ng Community Communion Serve sa isang chapel na once a month lang makapunta ang aming Pari. God bless us all.
Ang Ebanghelyo sa Linggong ito ay tumutukoy sa mga pagbasa sa karaniwang panahon. Ang Panginoong Diyos ang tunay na liwanag sa ating madilim na landas at pamumuhay. Umasa tayo na sa ating paglapit sa ating Panginoon ang anumang kadiliman na ating dinaranas sa ating buhay, sa tamang panahon ay makakatagpo tayo ng kaliwanagan, kapanatagan at kapayapaan.
Sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo, ipinahayag ang pagsisimula ng pangangaral ni Hesus. Ang sabi niya, “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit ng maghari ang Diyos”. Ang paalalang ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa atin na pwedeng tayong kalugdan at bumalik sa ating Panginoon sa pamamagitan ng pagsisisi. Sa ating makabagong panahon, tayo ay inaanyayahan na magkumpisal at umiwas sa mga gawang makakasakit sa kalooban ng ating Panginoon. Ang pagiging mapagmataas, mapang abuso, pagmamalupit sa salita at sa gawa ay ilan sa ating mga gawi na mailalapit sa ating Panginoon para ihingi ng kapatawaran.
Nabigyang diin din sa Ebanghelyo, ang paggawa ni Hesus ng mga himala sa pagpapagaling sa may sakit. Ganito ang kapangyarihan ng ating Panginoon, kaya’t sa tuwina ay maaring tayong lumapit sa kanya para sa ating mga dalahin sa buhay na wari ay walang kalutasan, kagaya ng pisikal na sakit at ganoon din ang mental sa sakit at pangangailangan. Sa Panginoong Diyos, ang lahat ay mabibigyan ng kasagutan, minsan nga lamang ay natatagalan subalit huwag tayong bumitaw, sa halip ay maghintay sa kanya. Amen
Tinawag din sila ni Hesus. Agad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama, at sumunod kay Hesus.
sa buhay natin ano ba or sino sino ang kaya nating iwanan at talikdan para sa Diyos.
marami. pera. ari-arian, posisyon, katanyagan, bisyo, kasalanan.
lahat ng ito ay ang mga bagay o ugali na madalas naglalayo sa atin sa Diyos.
dito sa mundo, mapalad ka kapag marami kang pera. iginagalang ka kapag mataas ang posisyon mo o sikat ka. pero sa mundo ito ng tao ngunit sa mata at pananaw ng Diyos hindi kailanman pwedeng gawing passes sa pagpasok sa pinto ng langit ang materyal na kayamanan o ari arian o mataas na posisyon.
sana lang sa bawat pagtanggap natin sa paanyaya ng diyos nandun ang walang pagdadalawang isip. nandun ang hindi panghihinayang sa mga maiiwan natin. nandun sana yung pagkasabik na makapaglingkod.
sa ating ebanghelyo mahigpit at malinaw ang pangarap na binitiwan ni Hesus para sa ating lahat
“Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan, sapagkat malapit nang maghari ang Diyos.”
Pagninilay: Matapos ang ating pagdiriwang ng Kapaskuhan at ng Kapistahan ng Santo Nino noong nakaraang Linggo, Bukas Po, tayo ay nagbabalik na sa mga Linggo ng Karaniwang Panahon. Ang pinakamahabang panahon sa liturhiya ng ating Simbahan ay nagpapaalala sa atin na ang ordinaryong pangangaral ni Kristo ay nagpapakita ng katangi-tanging mga biyaya ng Diyos. Ang Ebanghelyo ngayon ay ang pagsisimula ng ministeryo ni Hesus sa Galilea. Una niyang ipinahayag ang pagbabalik-loob sapagkat narito na ang Kaharian ng Diyos. Ito ay tumutukoy sa Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos sa ating buhay, na dapat ang maghari sa atin ay kapayapaan, katarungan, at pag-ibig. Kaya si Hesus ay ang Liwanag ng mundo na nagpapalibot sa bayang naninirahan sa kadiliman. Ang ilaw ni Kristo ay siyang naging ilaw ng kanyang pakikimayan sa buhay ng tao upang turuan ito tungkol sa Paghahari ng Diyos Ama. Kaya si Hesus ay nangaral tungkol sa kanyang Ama at gumawa ng mga kababalaghan ng pagpapagaling sa mga maysakit. Kaya ito ang kaharian nais ipakita ng Panginoon na kung saan naroroon ang pagmamahalan, pagiging mapayapa, at matuwid na pamumuhay. At makikita natin ang ilaw ng Salitang iyon na naihahayag sa pagtawag ng tumugon sa kanyang anyaya na maging mga alagad niya. Tinawag ni Hesus ang kanyang unang apat na alagad na maging mga “mamalakaya ng tao”. Kung baga ito ang misyon ng Simbahan na ipahayag ang Mabuting Balita upang ang lahat ay mailigtas at maiako patungo sa Diyos nating Amang mapagmahal. At tayo rin bilang mga binyagang Katoliko ay inaanyayahang makibahagi sa misyon ni Kristo sa pangangaral ng kanyang Mabuting Balita at pagbibigay-saksi nito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Kung naroon ang ating pagmamahalan, pakikipagkasundo, at pagiging matuwid sa isa’t isa, naroroon ang paghahari ng Diyos bagamat ito pa’y ating inaasam na makamit balang araw.
Pagninilay: Matapos ang ating pagdiriwang ng Kapaskuhan at ng Kapistahan ng Santo Nino noong nakaraang Linggo, Bukas Po, tayo ay magbabalik na sa mga Linggo ng Karaniwang Panahon. Ang pinakamahabang panahon sa liturhiya ng ating Simbahan ay nagpapaalala sa atin na ang ordinaryong pangangaral ni Kristo ay nagpapakita ng katangi-tanging mga biyaya ng Diyos. Ang Ebanghelyo para bukas ay ang pagsisimula ng ministeryo ni Hesus sa Galilea. Una niyang ipinahayag ang pagbabalik-loob sapagkat narito na ang Kaharian ng Diyos. Ito ay tumutukoy sa Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos sa ating buhay, na dapat ang maghari sa atin ay kapayapaan, katarungan, at pag-ibig. Kaya si Hesus ay ang Liwanag ng mundo na nagpapalibot sa bayang naninirahan sa kadiliman. Ang ilaw ni Kristo ay siyang naging ilaw ng kanyang pakikimayan sa buhay ng tao upang turuan ito tungkol sa Paghahari ng Diyos Ama. Kaya si Hesus ay nangaral tungkol sa kanyang Ama at gumawa ng mga kababalaghan ng pagpapagaling sa mga maysakit. Kaya ito ang kaharian nais ipakita ng Panginoon na kung saan naroroon ang pagmamahalan, pagiging mapayapa, at matuwid na pamumuhay. At makikita natin ang ilaw ng Salitang iyon na naihahayag sa pagtawag ng tumugon sa kanyang anyaya na maging mga alagad niya. Tinawag ni Hesus ang kanyang unang apat na alagad na maging mga “mamalakaya ng tao”. Kung baga ito ang misyon ng Simbahan na ipahayag ang Mabuting Balita upang ang lahat ay mailigtas at maiako patungo sa Diyos nating Amang mapagmahal. At tayo rin bilang mga binyagang Katoliko ay inaanyayahang makibahagi sa misyon ni Kristo sa pangangaral ng kanyang Mabuting Balita at pagbibigay-saksi nito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Kung naroon ang ating pagmamahalan, pakikipagkasundo, at pagiging matuwid sa isa’t isa, naroroon ang paghahari ng Diyos bagamat ito pa’y ating inaasam na makamit balang araw.
PAGNINILAY:
Mateo 4, 12–23
Ang Mabuting Balitang ating narinig ay simula ng pampublikong misyon ni Hesus—isang simula na hindi marangya, hindi sa sentro ng kapangyarihan, kundi sa Galilea, sa lupain ng mga ordinaryong tao, ng mga mangingisda, ng mga itinuturing na nasa laylayan. Dito tumatanglaw ang liwanag ng Diyos sa gitna ng dilim, gaya ng ipinahayag ng propetang Isaias.
Ang pagkakabilanggo ni Juan Bautista ay tila wakas ng isang tinig, ngunit sa Diyos, ang wakas ay laging simula. Sa katahimikan ng bilangguan, nagsimula ang mas malakas na tinig: ang tinig ni Hesus na nag-aanyaya ng pagbabagong-buhay.
Sa talatang “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan…”
Ito ang unang ipinangaral ni Hesus.
Hindi muna himala.
Hindi muna pagpapagaling.
Kundi pagsisisi.
Ang pagsisisi (metanoia) ay hindi lang pagtalikod sa masama, kundi pagbabago ng isip, direksyon, at pamumuhay. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi lamang darating sa hinaharap ito ay narito na, at nangangailangan ng pusong handang magbago.
Hindi maaaring maghari ang Diyos kung ang kasalanan pa rin ang hari sa ating buhay.
Ang Pag-iwan ng Lambat: Tunay na Pagtugon sa Tawag
Tinawag ni Hesus sina Pedro, Andres, Santiago, at Juan habang sila’y naghahagis at naghahayuma ng lambat abala sa kanilang hanapbuhay, sa kanilang seguridad, sa kanilang nakasanayan.
At nang tinawag sila:
Iniwan nila ang lambat – simbolo ng kabuhayan at katiyakan
Iniwan ang bangka – simbolo ng kontrol at direksyon ng sariling buhay
Iniwan ang ama – simbolo ng relasyon at identidad
Ito ang radikal na pagtugon sa tawag ng Diyos.
Walang pagsunod kay Kristo na walang iniiwan.
Walang tunay na bokasyon na walang sakripisyo.
Ang Paghahari ng Diyos: Salita at Gawa
Ang huling bahagi ng Mabuting Balita ay buod ng misyon ni Hesus:
Nagtuturo – binubuksan ang isipan
Nangangaral – ginigising ang puso
Nagpapagaling – pinananariwa ang buhay.
Ang paghahari ng Diyos ay hindi abstrakto. Ito’y nahahawakan sa habag, nakikita sa paggaling, at nararanasan sa pagbabagong-loob.
Kung saan may paggaling, naroon ang paghahari ng Diyos.
Kung saan may pagsisisi, naroon ang tunay na kalayaan.
Hamon sa atin ngayon sa kasalukuyang panahon.
Tayo man ay tinatawag:
•Ano ang “lambat” na kailangang iwan?
•Anong kasalanan ang humahadlang sa paghahari ng Diyos sa ating puso?
•Handa ba tayong sumunod hindi lang kapag malinaw ang lahat, kundi agad—gaya ng mga apostol?
Panalangin:
Panginoon, tawagin Mo rin kami sa gitna ng aming araw-araw na gawain. Bigyan Mo kami ng lakas ng loob na iwan ang aming mga “lambat,” magsisi sa aming kasalanan, at hayaang Ikaw ang maghari sa aming buhay. Amen.
025/365 ?
***
PAGNINILAY ?
Sa Unang Pagbasa, nakita natin ang propesiya ni Isaias tungkol sa pagdating ng liwanag sa mga taong nasa kadiliman. Ang liwanag na ito ay tumutukoy kay Hesus, na nagdala ng pag-asa at kaligtasan sa mga tao.
Ang Salmo ay nagpapaalaba sa atin na ang Diyos ay ang ating tanglaw at kaligtasan. Siya ay lantaos at makakapagligtas sa atin sa mga pagsubok natin sa buhay.
Sa Mabuting Balita, nakita natin si Hesus na nagsimula ng kanyang misyon sa Galilea. Siya ay nagpakita ng pagmamahal at pag-aalaga sa mga tao, at tinawag ang mga apostol upang ipagpatuloy ang kanyang gawain.
Ang pagturo ni Hesus ay nagpapaalala sa atin na tayo ay tinatawag na magpakita ng pagmamahal at pag-aalaga sa iba, at ipagpatuloy ang kanyang gawain sa mundo. Kailangan nating magtiwala sa Diyos at magpatuloy sa pagmamahal at pag-aalaga sa iba, tulad ng ginawa ni Hesus.
PAGNINILAY
Sa unang pagbasa, inihula ni propeta Isaias ang pagdating ni Jesus sa Galilea sa Israel upang mangaral at iligtas ang mga tao dito na pinasok at impluwensiyahan sa pagkakasala ng mga Hentil.
“..ang Galilea ng mga Hentil.
Nakatanaw ng isang malaking liwanag
ang bayang malaon nang nasa kadiliman,
namanaag na ang liwanag
sa mga taong namumuhay sa lupaing balot ng dilim.
Iyong pinasigla ang kanilang pagdiriwang,
dinagdagan mo ang kanilang tuwa.
Tulad ng mga tao sa panahon ng anihan,
tulad ng mga taong naghahati ng nasamsam na kayamanan…”
Sa Salmo, pinapatunayan ni David na sa Panginoong Dios (Jesus) lamang siya nananalig na bibiyayaan siya ng buhay na walang hanggan bilang kalinga niya.
“Ako’y nananalig, ako’y mabubuhay
at sasaksihan ko ang ‘yong kabutihan
na igagawad mo sa mga hinirang.
Sa Panginoong Diyos tayo’y magtiwala;
tayo ay umasa sa kanyang kalinga!”
Sa ikalawang pagbasa, pinatunayan ni apostol Pablo na si Jesus lamang ang Dios na nagkatawang tao ang nagligtas sa atin mula sa kasalanan
“Si Pablo ba ang ipinako sa krus para sa inyo? Bininyagan ba kayo sa ngalan ni Pablo? Sinugo ako ni Kristo, hindi upang magbinyag kundi upang mangaral ng Mabuting Balita. Ipinangaral ko nga ito, ngunit hindi sa pamamagitan ng pananalitang batay sa karunungan ng sanlibutan upang sa gayo’y hindi mawalan ng kabuluhan ang kamatayan ni Kristo sa krus.”
Sa gospel reading, pinatotohanan at sinaksihan na si Jesus ang katuparan ng hula ni propeta Isaias.
“Nilibot ni Hesus ang buong Galilea. Nagtuturo sa mga sinagoga at ipinangangaral ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Pinagaling din niya ang mga tao sa kanilang mga sakit at karamdaman.”
Kumusta naman tayo, kanino natin inilagak ang ating kaligtasan? Sa ating sariling lakas o gawa ba? O sa tulong ng ibang tao ?
marqming salamt sa awit papuri,,ako po ay isang server s simbahan,hindi ako perpekto tao,at gusto ko lng mabago ang takbo ng aking buhay,,sa mga pagninilay na ito ako ay kumukuha n ideya at reflection s mga komento dito,,sa tuwing kami ay mayroon bible sharing,,slmt po s inyo nway pagpalain po ang lahat ng sumusunod ng kautusan ng ating panginoon diyos,,