Podcast: Download (Duration: 6:26 — 4.6MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes
Naniniwala sa habag ng Panginoon, lumapit tayo nang may pananalig sa ating Amang nasa Langit na ang ating mga panalangin ay pakikinggan:
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Amang mahabagin, pakinggan Mo kami.
Ang Simbahan nawa’y hindi magkulang sa kanyang tungkulin na tanggapin ang mga napapabayaan at mga itinuturing na yagit ng lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang ating gobyerno nawa’y makapagbigay ng mahusay na programang pangkalusugan at paigtingin pa ang kanilang pagsusulong ng malusog na kapaligiran, manalangin tayo sa Panginoon.
Bilang isang komunidad tayo nawa’y tumulong nang may pag-ibig at malasakit sa mga binabalewala ng lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga mahihirap at mga maysakit nawa’y makatagpo ng atensyon at tulong-medikal mula sa mga may mabubuting kalooban, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao kay Kristo nawa’y mabuhay sa tunay na kalayaan at kaligayahan ng Langit, manalangin tayo sa Panginoon.
Maawaing Ama, palalimin mo ang aming diwa ng habag at pang-unawa sa mga nagdurusa. Itulad nawa namin ang aming buhay kay Jesus na humanap ng kalayaan, kagalingan, at kapayapaan para sa bawat tao. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Miyerkules, Enero 14, 2026
Biyernes, Enero 16, 2026 »




{ 10 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay nagkukwento tungkol sa pagkatalo ng mga Israelita nang nilamang sila ng mga Filisteo. Sa ikalawang pagkatalo ay kinuha ng kalaban ang Kaban ng Tipan. Hindi inasahan ng mga Israelita na tatalo sila ng ganyan. Subalit sa kabila ng kanilang pagkabigo ay hindi sila pinabayaan ng Panginoon, Kaya makikita natin sa daloy ng kasaysayan, ang presensiya ng Diyos ay naroroon.
Patuloy nating pinagninilayan ang Pampublikong Ministeryo ng ating Panginoong Hesukristo. At ang Ebanghelyo ngayon ay ang pagtatagpo ni Hesus sa isang ketongin. Ang kultura dati ng mga Israelita ay umiwas sa mga taong may ketong sa kanilang balat upang hindi sila mahawa nito. Subalit itong ketongin ay mismong lumapit kay Hesus upang humiling kay Kristo. Siguro napatanto niya na si Hesus ay ang Mesiyas, at kahit pinagbabawalan siyang lumapit ayon sa kinaugalian, lumapit pa rin siya sa kanya upang ihiling na siya’y mapalinis. At mula sa bibig ni Hesus na may habag at malasakit ay winika ng paglinis ng kanyang balat. Kahit pinagbawalan ito na huwag ipaalam sa ibang tao ang nangyari, patuloy na ipinahayag ng lalaki ang kagandahang-loob ng kababalaghang ito. Makikita natin sa kwento ang dakilang awa ng Diyos na ipinahayag sa katauhan ni Hesukristo. At natunghayan ng ketongin ang kanyang pananampalataya kay Kristo na siya’y mapapagaling.
Siguro sa ating buhay ay may mga taong itinuturing na mga “ketongin” ng lipunan. Ito’y siguro mga taong iniiwasan natin o kaya ‘di natin pinapansin. Subalit ang mga Kasulatan ay malinaw na patuloy na dinidinig ng Diyos ang mga panaghoy ng mga mahihirap at nangangailangan.
Sa Unang Pagbasa ay natalo ang mga Israelita sa digmaan ng dalawang beses. Inakala din nila na kung nasa kanila ang kaban ng tipan ay hindi na sila magagapi. Ano ang aral sa atin ng pagbasang ito. Huwag nating ibatay ang mga bagay bagay sa ating sariling pang unawa. Ang Salita ng Diyos at ang Mabuting Balita pa din ang dapat nating gawing gabay, at ang kalooban ng Diyos at kautusan ang nararapat nating sundin. Isa pang aral ng pagbasang ito ay kung hindi pa panahon at hindi pa loob ng Diyos ay hindi mangyayari. Natalo man ang mga Israelita ngayon at sa pangalawang beses ay natalo muli ay darating ang panahon ng tagumpay sa oras at panahon na itinakda mg Panginoon. Ganun dun sa ating buhay kung hindi man dumarating ang iyong kahilingan sa ngayon ay maghintay kamlamang at ibibigay ito ng Diyos sa oras na mas makabubuti sa iyo.
Sa ating ebanghelyo namang mensahe ay walang hindi mapangyayari ang Diyos, Huwag tayong mawawalan ng pag-asa katulad ng ketongin sa kwento. Walang imposible sa Diyos kung ikaw lamang ay magtitiwala at mananampalataya ng lubos. Ang Diyos lamang ang ating pag-asa lalo na sa mga sitwasyong imposible na. Kaya’t ang aral na iniiwan sa atin nito ay manalangin, asahan ang tugon ng Panginoon at huwag ng mangamba.
Huwag kang susuko! Mahal ka ng Diyos!
Napakagandang reminder nito sa buong taon at sa mga darating pang panahon. Sa bawat aspeto ng buhay ay posibleng may kinakaharap o kakaharapin tayong mga problema at pagsubok, sa pamilya, sa trabaho, sa relationship, financial difficulties, health concerns at iba pa. Hindi rin dito ligtas ang mga pari, madre at iba pang relihiyosong lingkod ng Simbahan. Sabi nga, it’s either you came out of the storm, inside the storm or will go through a storm. At ang Panginoong Hesus na rin ang may sabi, “In this world you will have troubles. But take heart, I have overcome the world.” Dito sinabi ni Hesus ang realidad ng mundong ito, ngunit nagsabi rin Siya ng way out. Ang mga pagbasa natin ngayong araw na ito ay nagpapakita ng ganitong progression. Pinapakita dito ang habag at pag-ibig ng Diyos sa mga anak Niya. Mula sa kabiguan, pagsusumamo, pagtitiwala hanggang sa makamtam ang ninanais na kagalingan.
Sa Unang Pagbasa, nakaranas ng malaking problema ang Israel. Natalo sila sa digmaan mula sa mga Filisteo, hindi lang isa kundi dalawang beses pa. Nung una’y namatay ang 4,000 soldiers, at nung pangalawa’y namatay ang 30,000 soldiers ng Israel. Usually kapag natatalo sa digmaan ay kinukuha ang mga babae pati na rin ang mga kayamanan. At ang pinakamasaklap sa lahat, ang nag-iisang bagay na nagpapakita o nagpapaalala ng presensya ng Diyos, ang “Ark of the Covenant” kung saan dito natago ang Tablet ng 10 Commandments at tanda rin ng pangako ng Diyos, kinuha rin ng mga Filisteo. Kung ako ay nabubuhay ng panahong iyon marahil ay maitatanong ko, “pinabayaan na ba tayo ang Diyos?” Naitanong nyo na rin ba ito sa Kanya? Marahil para sa mga dumanas ng sobrang bigat na problema ay “Oo”.
Sa ating Salmo, inihayag ang kabiguan ng Israel ngunit kasama nito ay ang pagsasamo ng Psalmist sa pagliligtas ng Panginoon. Maging sa kabiguan, makikita natin kung gaano nagtitiwala ang Psalmist sa pag-ibig ng Diyos, “Poon kami’y iyong iligtas, pag-ibig Mo’y di kukupas.” Tayo ba ay may ganitong klaseng pagtitiwala sa Panginoon? O puro lang tayo reklamo sa Kanya?
Dito naman sa ating Mabuting Balita, naranasan ng isang ketongin ang habag ng Panginoong Hesus sa Kanya. Ang ketongin noon ay itunuturing na outcast ng society, at hindi lang outcast kundi makasalanan. Usually magkakasama sila ng iba pang mga ketongin. Ngunit ang ketongin na ito ay nagpakita ng profound example ng pananalig Niya sa Panginoong Hesus. Isang makasalanang outcast lalapit sa isang prominente at mabuting guro? “What chance do I have makalapit sa Kanya?”, marahil ay nasabi niya sa kanyang sarili. Marahil ay hindi siya sinamahan ng iba nyang kasama dahil pinanghinaan ng loob o di naman kaya’y di sila naniniwala sa Panginoon. Pero para sa ketongin na ito, hindi naging sagabal ang mga dahilan upang hindi siya magtry na lumapit sa Panginoon. At nung lumapit siya kay Hesus, nagpakita siya ng kakumbabaan, iniasa niya kay Hesus ang desisyon kung siya’y pagagalingin. Hanggang sa kanyang pagsasabi ng kanyang kahilingan, nandoon ang pagtitiwala ipagkaloob man ang hinihiling kung hindi. At dito nga, nahabag si Hesus at nangyari ang hiniling niyang kagalingan. Walang imposible kay Kristo! Napakabuti ng Panginoon!
Kagaya ng ketonging ito, tayo ay makipagtagpo sa Panginoon sa Simbahan, sa Banal na Misa, sa Banal na Komunyon, sa mga prayer groups at maging sa katahimikan ng ating puso. At ating alalahanin ang sinabi ni Kristo, “I am with you till the end of age.” At kung sino si Kristo, “Immanuel – God with us.”
Tayo’y maging tapat sa Kanya sa kabila ng mga pagsubok sa buhay at sa kabila ng kahinaan ng loob. Tayo’y sumunod sa Kanya sa kabila ng mga paghihirap na ating nararanasan. Magtiwala tayo sa Panginoon sapagkat Siya’y may dakilang pag-ibig at habag na walang katulad sa mga taong sa Kanya’y nagtitiwala at nagmamahal.
Amen.
Pagninilay sa Mabuting Balita ni Jess C. Gregorio:
Ninanais ni Hesukristo ang lahat ng mabuti para sa atin. Matuto lang tayo humiling ng may buong pananampalataya at pananalig.
muli po panginoon ang aming taos pusong pasasalamat saiyo sa patuloy na gabay sa amin at nawa po patuloy naming maunawaan at maging gabay lagi ang mga salita mo sa araw araw naming buhay…Salamat po.. Amen
Maraming salamat Lord Jesus Christ..sa bawat araw at Ora’s na kami ay itong pinagpapala at ginagabayan mo kami..lalo sa mga sandals na kami ay naghihina at nanglalamig sa aming mga pannampaataya sa iyo.hindi man kami karapatdapat Pero ikaw ang nag Sangat sa aming Maytag na pannampaataya sa iyo..maraming salamat sa bawat Umaga na kami ginigising mo upang patuloy Kamin maging malakas at muli ay makibaka sa buhay..Amen.
PAGNINILAY:
(Ayon sa mga Pagbasa)
Sa mga Pagbasa natunghayan natin ang isa pang tagpo sa pampublikong pagmininisteryo ni Hesus. Ang Kanyang patuloy na pagpapakita ng habag at awa sa mga taong higit na nangangailangan, at mga taong pauli-ulit na nakakaranas ng kabiguan.
Sa bawat yugto ng ating pananampalataya, dumarating ang mga sandaling tila sunod sunod ang pagdanas ng kabiguan, mga panalangin na parang hindi sinasagot, pagsusumikap na nauuwi sa pagkatalo, at paglilingkod na tila hindi namumunga. Sa ganitong mga sandali, sinusubok hindi lamang ang ating tiwala sa Diyos, kundi ang lalim at uri ng ating pananampalataya.
Sa Unang Pagbasa (1 Samuel 4, 1–11), natalo ang Israel hindi dahil mahina ang Diyos, kundi dahil sa maling pananampalataya ng mga Israelita na kanilang pinanghawakan. Matapos ang unang pagkatalo, hindi sila tumigil upang magsisi o magbalik-loob; sa halip, ginamit nila ang Kaban ng Tipan bilang pananggalang, na para bang isang anting-anting. Ang presensya ng Kaban ay inakala nilang garantiya ng tagumpay, kahit wala na sa kanila ang pagsunod, kabanalan, at tiwala sa kalooban ng Diyos.
Ang Diyos ay hindi maaaring kontrolin o gamitin ayon sa ating kagustuhan. Kapag ang pananampalataya ay naging ritwal na walang ugnayan, at simbolo na walang pagsunod, nagiging hungkag ito. Hindi ang presensya ng banal na bagay ang nagliligtas, kundi ang buhay na ugnayan sa Diyos na banal.
Ang Salmo ay ipinapakita ang pananampalatayang Umaaray Ngunit Hindi Bumibitaw.
Ito ay sigaw ng sambayanang sugatan nasaktan, napahiya, at tila itinakwil, ngunit patuloy na sumisigaw:
“Poon, kami’y ’yong iligtas, pag-ibig mo’y di kukupas.”
Ito ang pananampalatayang nasasaktan ngunit hindi sumusuko, nananaghoy ngunit hindi tumatalikod. Isang pananalig na bagamat may reklamo sa Diyos ngunit nangingibabaw pa din ang pagtitiwala, hindi pagtalikod.
Sa Mabuting Balita (Marcos 1, 40–45),
ipinangangaral dito ang ganap na pananampalatayang umaasa sa kalooban ni Hesus. Ang ketongin ay wala nang ibang sandigan—walang Kaban ng Tipan, walang ritwal, walang lakas kundi ang buong pagtitiwala kay Hesus. Hindi niya sinabi, “Pagalingin mo ako,” kundi: “Kung ibig po ninyo…”
Ang ipinakita ng ketogin ay rurok ng ganap na pananampalataya.
Hindi niya kinontrol ang Diyos; isinuko niya ang sarili sa kalooban ni Hesus. At bilang tugon, hinipo siya ni Hesus isang kilos na lampas sa batas, lampas sa takot, lampas sa pagkiling—isang haplos ng awa at pakikiisa. Ang kabaligtaran ng mga ipinakita ng mga Israelita sa Unang Pagbasa.
Ang himala ay hindi bunga ng lakas ng kahilingan, kundi ng pagtitiwala sa kalooban ng Diyos. Ang pananampalatayang ganap ay hindi lamang humihingi ng sagot, kundi handa ring tanggapin ang paraan ng Diyos.
Pagsasabuhay:
-Kapag ako ay nabibigo, bumabalik ba ako sa Diyos o ginagamit ko lamang Siya bilang solusyon?
-Ang aking pananampalataya ba ay nakasentro sa ritwal at gawain, o sa buhay na ugnayan kay Hesus?
-Kaya ko bang sabihin sa gitna ng sakit at pagkatalo:
“Panginoon, kung ibig Ninyo…”?
Nawa’y patuloy tayong maging bukás sa haplos ni Kristo, sa ating kahinaan, Siya ang lakas; sa ating pagkabigo, Siya ang pag-asa; sa ating pananampalataya, Siya ang ganap na katuparan
Word of the Day
PAGSUKO
Hindi kahinaan, kundi pinakamataas na anyo ng pananampalataya—ang isuko ang sarili sa kalooban ng Diyos at magtiwala na ang Kanyang “ibig” ay laging para sa ating ikabubuti.
Panalangin:
Panginoong Hesus, sa gitna ng aming mga pagkabigo at pagkatalo, linisin Mo ang aming pananampalataya. Huwag Mo kaming hayaang kumapit lamang sa mga banal na bagay ngunit malayo sa Iyong kalooban. Turuan Mo kaming magtiwala hindi sa simbolo, kundi sa Iyong buhay na presensya. Bigyan Mo kami ng pusong marunong magsabi:
“Kung ibig Ninyo, Panginoon.” Sa aming pagkapagod, hipuin Mo kami.
Sa aming sugat, ipadama Mo ang Iyong awa. At sa aming paulit-ulit na pagkabigo, ituro Mo sa amin ang daan ng ganap na pananampalataya.
Amen.
PAGNINILAY
Sa unang pagbasa, ipinapakilala sa atin ang Kaban ng Tipan (Ark of Covenant) na may nakapaloob na 2 tapyas ng kautusan ng Dios, tungkod ni Aron at mana bilang anino ni Jesus.
Ipinapaalala rin sa atin ang malaon nang pag-aaway sa lupang pangako sa pagitan ng mga Israelites at Palestinians (Filisteo). Natalo ang Israel sapagkat hindi nila ginamit ang Kaban ng Tipan (Ark of Covenant) ayon sa salita of utos ng Dios sa kanila. Ang kaban ng tipan ay ipinagawa ng Dios sa Israel bilang nakikitang pruweba na ang presensiya ng Dios ay nasa loob nito kung kaya’t dito dapat sumangguni, makipag-usap at mag-alay ang mga Israelita sa Dios.
Kaya imbes na sumangguni muna sa Dios kung ano ang gagawin nila para mapagtagumpayan ang kaaway, gumawa sila ng sarili nilang hakbang na dalhin ang Kaban ng Tipan .
“Ang mabuti’y kunin natin sa Silo ang Kaban ng Tipan. Baka kung nasa atin iyon ay iligtas tayo ng Panginoon sa ating mga kaaway.” At kinuha nga nila sa Silo ang Kaban ng Tipan at sumama naman ang dalawang anak ni Eli, sina Ofni at Finees.”
Sa Salmo ni David, ipinapakita ni haring David na iasa sa Dios ang kaligtasan o tagumpay sa pamamagitan ng pagtawag o pagkunsulta muna sa Dios.
Poon, kami’y ‘yong iligtas,
pag-ibig mo’y di kukupas.
Ngayo’y iyong itinakwil, kaya kami ay nalupig,
hukbo nami’y binayaa’t hindi mo na tinangkilik;
binayaan mo nga kami kaya kami ay tumakas;
lahat naming naiwanan ay sinamsam nilang lahat.
“Poon, kami’y ‘yong iligtas,
pag-ibig mo’y di kukupas.
‘Sa sinapit naming ito, mga Hentil ay nagtawa,
inuuyam kaming lagi, kami’y iniinis nila.
Pati bansang walang Diyos, sa gitna ng sanlibutan,
sa nangyari’y umiiling bilang tanda ng pag-uyam.”
Sa gospel reading, ipinakita na si Jesus ang katuparan ng mga nasa loob ng Kaban ng Tipan bilang Salita ng Dios na nagkatawang tao sa Juan 1:1,14 (2 tapyas ng mga kautusan), buhay na walang hanggan (namumulaklak na tungkod) at tinapay ng buhay (mana). Sa tagpong pinagaling ni Jesus ang ketongin, ipinakita dito na siya ang ating kagalingan o Tagapagligtas na dapat sanggunian at pakinggan . Subalit ang ketongin na gumaling at hindi dininig ang salita o bilin ni Jesus na huwag ipamalita.
“Noon di’y nawala ang ketong at gumaling ang tao. Pinaalis siya agad ni Hesus matapos ang ganitong mahigpit na bilin: “Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay pasuri ka sa saserdote. Pagkatapos, maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises, upang patunayan sa mga tao na ikaw ay magaling na.” Ngunit umalis siya at bagkus ipinamalita ang nangyari, anupat hindi na hayagang makapasok ng bayan si Hesus.”
Sa mga tagpong ito ipinapakita ang kahalagahan ng salita ng Dios na dapat pakinggan at isabuhay upang magkaroon ng tagumpay at kagalingan sa buhay.
“Heeding His words written in the bible is the best policy.”
Have a Servant spirituality.
Blessings without humbleness and obedience are lost.
Our God should be our Lord, our master.
If you will it, oh Lord. Victory is mine.
Para sa mas maraming pagpapala. Palakasin ang ugnayan araw araw sa Diyos.
-Father Jowel Gatus
Amen
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good
Thank You, Lord
#GvThursday
Blessed2026
May kagalakang lubos ang ating paglapit sa Diyos.
Sa ating Ebanghelyo ngayon ay ating natunghayan kung paanong pinagaling ni Hesus ang isang ketongin na lumapit sa Kanya.
Hindi lamang siya basta pinagaling sapagkat siya ay may ketong, kundi siya rin ay napagaling sa pamamagitan ng kanyang pananalig sa Diyos.
Alam niya kapag siya ay lumapit sa Diyos at nanampalataya ay maaaring gumaling ang kayang ketong. Kung kaya nga, lumapit siya kay Hesus. At sa kanyang paglapit ay makikita natin ang kayang panalalanig at pagsunod sa kalooban ng Diyos. Hindi siya ang nagpasya, bagkus ay sinabi niya kaya Hesus “Kung ibig po ninyo’y mapagagaling ninyo ako”.
Sapagkat noong unang panahon, kapag ang tao daw po ay may ketong siya’y itinuturing nila na marumi o makasalanan. Itinuturing na pinarusahan ng Diyos dahil sa pagkakasala. Kaya naman, alam ng taong may ketong kung kanino siya lalapit at mananalig, hindi lang upang mapagaling kundi upang mapawalang sala, at mailigtas. Sa pagpapagaling sa kanya ni Hesus, siya ay nabigyan ng bagong pag-asa. Mula sa kapahamakan na dulot ng ketong, siya rin ay nailigtas.
Nawa sa ating paglalakbay, patuloy tayong lumapit sa Panginoon at kilalanin Siya bilang ating tunay na Tagapagligtas. Lumapit tayo kay Hesus upang mapagaling maging ang ating pisikal na karamdaman, gayun din ay upang mailigtas tayo sa kapahamakang dulot ng ating kasalanan.
Tunay po ang sabi sa isang awitin “Sa Diyos lamang mapapanatag ang aking kaluluwa. Sa Kanya nagmumula ang aking pag-asa at kaligtasan”