Podcast: Download (Duration: 6:04 — 8.0MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes
Sapat ang utos ng Panginoon, subalit nag-uumapaw ang kanyang awa. Manalanagin tayo sa Ama nang buong pananalig sa kanyang karunungan.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, panatilihin Mo kami sa Iyong pamamaraan.
Ang Simbahang Katolika nawa’y akayin ang kanyang mga miyembro sa daan ng katwiran at higit silang ilapit sa pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayo nawa’y matutong tumalikod sa kasalanan nang buong puso, habang nananatiling masunurin sa batas ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga hindi pa sumasampalataya nawa’y makinig sa Salita ng Diyos at maakay sila sa kaligtasang walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit, matatanda, nalulumbay at lahat ng nagdurusa nawa’y huwag nating kaligtaang lingapin, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga tapat na yumao nawa’y lumigaya sa buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming nasa Langit, sinusuri mo ang puso ng bawat isa at alam mo ang mga nilalaman nito. Palakasin mo ang aming puso upang sumamba kami nang tunay at buong pusong makapaglingkod sa kapwa ang aming mga kamay sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Biyernes, Nobyembre 21, 2025
Sabado, Nobyembre 22, 2025 »




{ 7 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ngayong palapit na ang pagtatapos ng Pangliturhiyang Taon ng Simbahan, ang ating paghahanda para sa Kapaskuhan ay nag-uudyok sa atin na maging handa sa pagdating ng ating Panginoon, ngayong palapit na rin tayo sa pagpasok sa Panahon ng Adbiyento. Kaya narinig natin sa Unang Pagbasa ang bersyon ng mga Hudyo kapag nagdiriwang sila ng isang banal na okasyon tuwing ika-25 ng Disyembre. Ito yung tinatawag na Hanukah, na sumasapit sa ikadalawampu’t limang araw ng buwan ng Kislev. Ginugunita nila ang muling pagtatalaga ng Templo sa Jerusalem sa loob ng walong araw, matapos itong mawasak nang lusubin sila ng mga taga-Babilonia. Kaakibat nitong pagdiriwang nila ng Hanukah ay ang kanilang paglilinis sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng paghahandog ng mga hain sa altar at pagpupuri sa Diyos dahil buong galak nilang natanggap ang kanyang awa at pagpapatawad. Kaya ang tradisyon ng mga Hudyo ay parang kasingtulad din natin ng pagdiriwang ng Adbiyento at Kapaskuhan bilang masayang pagtanggap at pagsalubong sa Haring naparito sa atin upang maging kaligtasan natin at tanda ng pag-ibig ng Diyos.
Ang Ebanghelyo natin ay tungkol sa Pagpapalinis ng Panginoong Hesukristo sa Templo ng Jerusalem. Matatandaan natin ito ang templong itinayo ni Haring Solomon para manahan ang Kaban ng Tipan. Subalit dahil sa pagkakasala ng mga taga-Juda, ang lungsod ng Jerusalem ay sinalakay, pati ang templo ay nawasak, at ang kaban ay kinuha. Ngunit ang mga Hudyo ay bumalik upang ipagkaisa ang nakahating kaharian ng Israel at Juda. At dito hinangad ni Zerubabel na itayo ang ikalawang templo. Kaya pinaganda ni Haring Herodes Magno ang templong ito. Ngunit makikita natin sa Ebanghelyo ngayon kung paano naging palengke ang templo. Kaya nang magalit si Hesus at biglang ipinagtabuyan ang mga bentahan, sinabi niya na ang templo ay ang bahay ng Diyos Ama, subalit ito ay ginawang pugad ng mga magnanakaw. Makikita natin ang pagpapahalaga sa kasagraduhan ni Hesus sa templo bilang tahanan ng Ama. Sa Ebanghelyo ni San Juan, ipinautos niya sa mga pinuno ng mga Hudyo na iwasak nila ang templo, at itatayo niya ito sa loob ng tatlong araw. At itinukoy rito ng Panginoon ay ang kanyang Katawan, na dadanas ng hirap at pagpapatay sa Krus, subalit mabubuhay na muli sa ikatlong araw. At nang maalala nito ng mga alagad, sila ay sumampalataya sa kanya at sa mga salita na kanyang ipinahayag.
Mga kapatid, malapit na tayong magtapos sa ating Taong Panliturhiya. Ngayong Linggo ay ang Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari. At sa susunod na Linggo ay papasok na tayo sa bagong taon sa Panahon ng Pagdating (Adbiyento). Inaanyayahan tayo na maghanda para sa Panginoon. Mayroon ding ikatlong tema ang Adbiyento, na ang tumutukoy rito ay ang pagdating ni Kristo sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. At isa rin sa pagkilala sa kanyang presensiya ay ang Sakramento ng Eukaristiya. Sa templo ng Diyos, ang Simbahan, ipinagdiwang natin ang Misteryo ng Pagpapakasakit at Muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo. At ang bawat Misa ay may hamon na tayo bilang Sambayanan ng Diyos ay ipadama ang kanyang kabanalan sa bawat tao, sa ating paggawa ng kabutihan at paglilingkod sa kanya.
Bilang bayan ng Diyos dapat igalang ang bahay dalanginan taimtim na manalangin at sama-samang magpuri sa Diyos na lumingap at
pumapatnubay sa ating lahat.
Connection of 1st Reading & Gospel
Anu-ano ang mga aral at hamon sa atin ng ebnaghelyo ngayon?
Sa paglilinis ni Hesus ng templo sa pamamagitan ng pagpapalayas ng palengke sa simbahan, ay ipinaalala sa atin na ang galangin natin ang bahay ng Diyos, na ito ay bahay dalanginan at hindi merkado. Kaugnay nito nais din ni Hesus na linisin natin ang ating mga sarili, sapagkat ang ating katawan ay templo din, templo ng espiritu santo. Kaya’t nararapat na wag mong babuyin ang iyong sarili pisikal man o mental at espiritwal. Talikuran mo ang pakiki-apid, pangangalunya, prostitusyon at masamang bisyo.
Katulad sa ebanghelyo, kung tayo ay taimtim na mananalangin, mananalig at ibinibigay ang buong tiwala sa Diyos ay walang kapahamakan na makakapasok sa atin.
Pagninilay ni Jess C. Gregorio:
Ang Templo ng Panginoon nuong hindi pa natubos ang sangkatauhan ay ang mga nakatayong gusaling batong sambahan ng mga namamanampalataya. Pagkatapos ng pagtutubos ni Kristo, ang panibagong templo kung saan nananahan ang Diyos ay ang ating pagkatao. Nilagakan ng sinugong Espiritu na kung saan natin siya sasambahin kahit saan, kahit anong oras, sa Espiritu at Katotohanan. Ano ang makikita sa templo na ito sa atin na kung saan ang Tatlong Persona ng Diyos Ama, Anak, at Espiritu ay naroon? Naiisip ba natin ito sa mga oras na dinudungisan natin ang ating sarili at ginagawang billboard ng ating self expression? Binababoy ba natin ang ating katawan sa paghahangad ng panandaliang saya? Ibinibilad ba natin at ipinaririwara ito upang tumawag lang ng pansin at papuri ng tao? Binabaliwala ba natin siya at pilit iwinawaksi sa trono niya? Ginagamit ba natin ang ating isipan at katawan para makaisa, makatapak, makasira, o di kaya ay makakitil ng ibang templo sa paligid natin? Sino ba ang pinapapasok natin sa templong ito, ang may ari o ang diyablo? O di kaya ay tuluyan nang ipininid ang kanyang templo para di na siya makapasok? Kung atin lang mapapagtanto kung gaano kahalaga sa Panginoon ang Templo ng Herusalem na bumago sa anyo ng isang maamong tupa at naging mabangis na leon sa galit, maiintindihan rin natin kung ano ang mararamdaman niya kung makita na binalasubas natin ang templong pinag alayan niya ng pagpapakasakit at kamatayan.
PAGNINILAY
Ang pagpunta sa simbahan ay madalas na nagpapabatid ng presensya ng Diyos sa atin. Ang simbahan ay tunay na isang “banal na lugar” kung saan maaari tayong magkaroon ng matinding pakiramdam na kasama natin ang Diyos. Napakaganda para sa atin na makasama si Hesus sa Banal na Sakramento. Ngunit ang pagiging nasa bahay ng Diyos ay hindi lamang ang lugar kung saan makakatagpo natin ang Diyos. Dapat tayong maging handa na maglaan ng oras sa bawat araw para tumuon sa ating kaugnayan sa Panginoon at sa Kanyang presensya sa atin. Marami sa atin ang may espesyal na lugar sa ating tahanan o sa ibang lugar kung saan maaari tayong “makatakas” mula sa pagiging abala ng buhay at makipag-ugnayan sa Diyos. Ang isa pang lugar na maaari tayong maantig ng presensya ng Diyos ay sa ating pakikipag-ugnayan sa iba. Sinabi ni Hesus na ang pakikitungo sa iba, lalo na ang may pinaka maliit na halaga, ay isang paraan ng pakikipag-ugnayan sa Kanya. Kung mas alam natin ang presensya ng Diyos sa atin, mas mabubuhay tayo ng buhay na nagpapakita ng ating kaugnayan sa Diyos. Nawa’y patuloy tayong magkaroon ng kamalayan sa presensya ng Diyos hindi lamang kapag tayo ay nasa simbahan, kundi pati na rin sa ating mga abalang araw.
Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming igalang ang Iyong banal na tahanan. Amen.
**
PAGNINILAY:
Lucas 19:45–48
“DEDICATION” – Panibagong Pagtatalaga
Sa mga Pagbasa ngayon, kapansin-pansin ang isang napakagandang paghahambing. Sa Unang Pagbasa si Hudas Macabeo (1 Macabeo 4:36–37, 52–59) ay nagbalik-kabanalan sa Templo,at si Hesus, ang Anak ng Diyos, ay naglinis din ng Templo (Lucas 19:45–48).
Sa unang tingin, magkapareho sila: parehong lumaban sa katiwalian, parehong nagpanumbalik ng kabanalan sa tahanan ng Diyos. Ngunit kapag tiningnan natin nang malalim, makikita natin ang malaking pagkakaiba ng dalawang paglilinis—isang pagkakaibang nagpapakita kung paano unti-unting inihahanda ng Lumang Tipan ang kaganapan ng Bagong Tipan sa pamamagitan ni Hesus.
Sa konteksto sa panahon ng mga Macabeo, ang Templo ay nilapastangan ng mga Hellenistic na hari.Inialay ang mga hayop na marumi, sinira ang altar, at binaligtad ang kanilang pananampalataya. Kaya’t nang mabawi nila ang Jerusalem, sinabi ni Hudas Macabeo: “Linisin natin at italaga muli ang Santuario.” At ginawa nila ito sa paraang ceremonial at liturgical: nagpalit sila ng bagong altar, nagalay muli ng tamang handog, nagtanghal ng walong araw na pagdiriwang — ang unang Hanukkah. Ang pokus ay rituwal na paglilinis, pagbabalik sa tamang pagsamba.
Sa konteksto ng Ebanghelyo naman (Lucas 19:45–48), ang Templo ay hindi marumi dahil sa paghamak ng mga dayuhan, kundi dahil sa kapwa nila Israelita na ginawang kalakalan at katiwalian ang tahanan ng Diyos. Ang nangyari ay hindi panlabas na pagsira, kundi panloob na katiwalian.Ang mga dapat na naglilingkod ay sila pa ang naging mapagsamantala.
Kaya’t pumasok si Hesus at sinabi:
“Ginawa ninyong pugad ng mga magnanakaw ang bahay ko.”
Hindi Siya naglinis dahil marumi ang altar, kundi dahil marumi ang puso ng mga tao.
Si Hudas ay naglinis ng estruktura ng Templo—isang panlabas na pagkilos. Layunin niyang ibalik ang pagsamba ayon sa utos ni Moises.
Ang paglilinis ay nakasentro sa batas at handog. Samantala si Hesus ay naglinis ng kalooban ng Templo—isang panloob na pagbabagong espirituwal. Layunin Niyang ibalik ang puso ng pagsamba ayon sa kalooban ng Ama. Ang paglilinis ay nakasentro sa pag-ibig, katarungan, at katapatan.
Ang ginawa ni Hudas ay paghahanda lamang.Ang ginawa ni Hesus ay kaganapan. Ang unang paglilinis ay isang anino ng kasaysayan… ang paglilinis ni Hesus ay ang katotohanan.
Si Hesus ang bagong Templo. Hindi na sapat ang istrukturang bato.Kay Hesus, ang mismong presensya ng Diyos ay hindi na nakatali sa gusali— Siya mismo ang Templo. Kaya’t ang paglilinis Niya ay bahagi ng paglipat:mula sa lumang pagsamba tungo sa panibagong buhay sa Kanya.
Ang tunay na dumi ay hindi nasa altar kundi nasa puso ng tao. Ito ang pinakamalaking paglalantad ni Hesus:ang pinakamasamang paglapastangan ay hindi mga maruruming hayop na iniaalay, kundi mga pusong nagugumon sa sa kasakiman kaysa kabanalan.
Ang paglilinis ng Diyos ay hindi lang isang gawain o isang pagdalaw.
Ang pagpasok ni Hesus sa Templo ay tanda ng paghuhusga at pag-ibig, hindi bilang parusa, kundi paanyaya: “Kung hayaan n’yo Akong linisin kayo, magiging tahanan Ko rin kayo.”
PAGNINILAY SA ATING PANAHON
Marami rin tayong “Templo” na dapat linisin: ang ating Simbahan na minsan nasasangkot sa pulitika, ang ating komunidad na may inggitan, ang ating pamilya na may sama ng loob, ang ating puso na may galit, yabang, o pagkamakasarili. At minsan, katulad ng mga nasa Templo noong panahon ni Hesus,hindi natin napapansin na tayo mismo ay nagiging dahilan ng paglalayo ng iba kay Kristo. Sa halip na bahay-dalanginan,nagiging pugad ng pagmamataas, intriga, o inggit. At sa harap nito, marahil sasabihin din sa atin ni Hesus: “Hayaan n’yo Akong linisin ang inyong puso.”
PAGSASABUHAY
Kilalanin kung anong bahagi ng buhay natin ang kailangang linisin.
Magpatawad at humingi ng tawad. Ibalik ang kabanalan sa paglilingkod sa Simbahan. Iwasan ang pagiging mapagsamantala o mapagmataas sa ministry. Gawing dalanginan ang ating tahanan at komunidad.
WORD OF THE DAY: “DEDICATION” – Panibagong Pagtatalaga
Tulad ng ginawa ni Hudas… Tulad ng ginawa ni Hesus…
Tayo rin ay tinatawag na magtalaga ng ating sarili bilang buhay na templo.
PANALANGIN: Panginoong Hesus, Linisin Mo ang aming puso tulad ng paglilinis Mo sa Templo. Tanggalin Mo ang lahat ng hindi mula sa Iyo — galit, inggit, yabang, at kasalanan.Gawin Mo kaming tahanan ng kabanalan,tulad ng Templong ibinalik ni Hudas,at higit pa,tulad ng bagong buhay na dala Mo sa Bagong Tipan.Turuan Mo kaming maging tapat, dalisay, at tunay na saksi ng Iyong pag-ibig.
Amen.
PAGNINILAY: Ngayong palapit na ang pagtatapos ng Pangliturhiyang Taon ng Simbahan, ang ating paghahanda para sa Kapaskuhan ay nag-uudyok sa atin na maging handa sa pagdating ng ating Panginoon, ngayong palapit na rin tayo sa pagpasok sa Panahon ng Adbiyento. Kaya narinig natin sa Unang Pagbasa ang bersyon ng mga Hudyo kapag nagdiriwang sila ng isang banal na okasyon tuwing ika-25 ng Disyembre. Ito yung tinatawag na Hanukah, na sumasapit sa ikadalawampu’t limang araw ng buwan ng Kislev. Ginugunita nila ang muling pagtatalaga ng Templo sa Jerusalem sa loob ng walong araw, matapos itong mawasak nang lusubin sila ng mga taga-Babilonia. Kaakibat nitong pagdiriwang nila ng Hanukah ay ang kanilang paglilinis sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng paghahandog ng mga hain sa altar at pagpupuri sa Diyos dahil buong galak nilang natanggap ang kanyang awa at pagpapatawad. Kaya ang tradisyon ng mga Hudyo ay parang kasingtulad din natin ng pagdiriwang ng Adbiyento at Kapaskuhan bilang masayang pagtanggap at pagsalubong sa Haring naparito sa atin upang maging kaligtasan natin at tanda ng pag-ibig ng Diyos.
Ang Ebanghelyo natin ay tungkol sa Pagpapalinis ng Panginoong Hesukristo sa Templo ng Jerusalem. Matatandaan natin ito ang templong itinayo ni Haring Solomon para manahan ang Kaban ng Tipan. Subalit dahil sa pagkakasala ng mga taga-Juda, ang lungsod ng Jerusalem ay sinalakay, pati ang templo ay nawasak, at ang kaban ay kinuha. Ngunit ang mga Hudyo ay bumalik upang ipagkaisa ang nakahating kaharian ng Israel at Juda. At dito hinangad ni Zerubabel na itayo ang ikalawang templo. Kaya pinaganda ni Haring Herodes Magno ang templong ito. Ngunit makikita natin sa Ebanghelyo ngayon kung paano naging palengke ang templo. Kaya nang magalit si Hesus at biglang ipinagtabuyan ang mga bentahan, sinabi niya na ang templo ay ang bahay ng Diyos Ama, subalit ito ay ginawang pugad ng mga magnanakaw. Makikita natin ang pagpapahalaga sa kasagraduhan ni Hesus sa templo bilang tahanan ng Ama. Sa Ebanghelyo ni San Juan, ipinautos niya sa mga pinuno ng mga Hudyo na iwasak nila ang templo, at itatayo niya ito sa loob ng tatlong araw. At itinukoy rito ng Panginoon ay ang kanyang Katawan, na dadanas ng hirap at pagpapatay sa Krus, subalit mabubuhay na muli sa ikatlong araw. At nang maalala nito ng mga alagad, sila ay sumampalataya sa kanya at sa mga salita na kanyang ipinahayag.
Mga kapatid, malapit na tayong magtapos sa ating Taong Panliturhiya. Sa darating na Linggo ay ang Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari. At sa susunod na Linggo ay papasok na tayo sa bagong taon sa Panahon ng Pagdating (Adbiyento). Inaanyayahan tayo na maghanda para sa Panginoon. Mayroon ding ikatlong tema ang Adbiyento, na ang tumutukoy rito ay ang pagdating ni Kristo sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. At isa rin sa pagkilala sa kanyang presensiya ay ang Sakramento ng Eukaristiya. Sa templo ng Diyos, ang Simbahan, ipinagdiwang natin ang Misteryo ng Pagpapakasakit at Muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo. At ang bawat Misa ay may hamon na tayo bilang Sambayanan ng Diyos ay ipadama ang kanyang kabanalan sa bawat tao, sa ating paggawa ng kabutihan at paglilingkod sa kanya.