Podcast: Download (Duration: 7:22 — 9.1MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal
Patnubay sa Misa
Sa pagdiriwang natin sa Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus ng ating Panginoon, buong pananalig nating idulog sa kanya ang ating mga kahilingan sa pag-asang ang mga ito’y kanyang ipagkakaloob. Tugon natin ay:
Sa iyong Krus at Muling Pagkabuhay, Panginoon, dinggin mo kami.
Para sa Inang Simbahan: Nawa’y ipangaral niya ang kapangyarihan ng Krus at panindigan ito laban sa mga panghalinang makamundo. Manalangin tayo.
Para sa Santo Papa, mga obispo, at lahat ng ating mga pinunong espirituwal: Nawa’y manatili silang maging tapat sa mensahe ng Krus at tuwina itong ipahayag. Manalangin tayo.
Para sa mga pinuno nating sibil at lahat ng nanunungkulan: Nawa’y igalang nila ang mga
pagpapahalaga ng lipunang Kristiyano na isinasagisag ng Krus, at ipagtanggol ang mga ito sa lahat ng panganib. Manalangin tayo.
Para sa lahat ng nagtitiis ng sakit, karukhaan, at diskriminasyon: Matagpuan nawa nila sa Krus ni Kristo ang lakas na kailangan upang ang kanilang kahirapan ay mabata nila nang may karangalan, pananalig, at pag-asa. Manalangin tayo.
Panginoong Hesus, kami ay iyong iniligtas sa pamamagitan ng pagpapakasakit mo sa Krus. Tulutan mong kami’y maging karapat-dapat sa pangako mong buhay na walang hanggan habang patuloy naming pinapasan araw-araw ang aming mga krus nang may pananalig, pag-asa, at pag-ibig. Ikaw na nabubuhay at naghahari nang walang hanggan.
Amen.
Pages: 1 2
« Sabado, Setyembre 13, 2025
Lunes, Setyembre 15, 2025 »




{ 5 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang ika-14 ng Setyembre ay pagdiriwang ng Pagtatampok ng Banal na Krus. Itinatag itong Kapistahan kasunod ng paghahanap ni Reyna Sta. Elena sa tunay na Krus ng ating Panginoong Hesukristo noong taong 324 A.D. Ang Krus ni Hesus ay tinaguriang simbolo ng Kristiyano, ngunit paano natin mauunawaan ang kahulugan nito?
Ipinakita sa Unag Pagbasa ang pagtatampok ni Moises ng isang ahas na yari sa tanso sa isang poste. Minasdan nito ng mga Israelitang nakagat ng mga ahas. Mula sa pagiging masuwayin at mareklamong bayan, sila’y nagsisi at naligtas sa pagkalason ng mga kagat.
Ipinahayag ni Hesus kay Nicodemio sa Ebanghelyo na ganyan rin amg mangyayari sa kanya nanh siya’y itataas mula sa daigdig nito upang ang mga sumampalataya sa kanya ay mabubuhay magpakailanman. At itong pagtatampok niya sa Krus ay ang plano ng Panginoong Diyos Ama na minahal tayong lahat. Kahit tayo’y nagkasala at tumalikod sa kanya, ibinigay sa atin ang kaligtasang tinupad ni Kristo na kanyang Anak, upang palalim natin ang pananampalataya sa kanya at magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Sa kapanahunan ni Kristo, ang pagpapako sa krus ay isa sa mga brutal na parusang ipinatong sa mga itinuturing na criminal at rebelde. Kaya’t marami sa mga Hudyo ay itinuturing ang simbolo ng krus bilang parusa at kahihiyan. Ngunit nang si Hesus ay mismong ipinako sa Krus, ito’y naging simbolo ng bagong pag-asa at tagumpay sapagkat pagkatapos ang kanyang pagkamatay riyan ay ang Muling Pagkabuhay. Kqya ang Banal na Krus ay tinuturing na Puno ng Buhay na magkaiba roon sa Puno ng Kaalaman ng Mabubuti at Masasama sa Aklat ng Genesis. Si Hesus ay itinuturing na bagong Adan sapagkat kung si Adan ay sumuway sa Diyos sa pagkain ng prutas nang may pagmamataas, siya naman ay sumunod sa kalooban ng Diyos sa pag-aalay ng kanyang buhay sa Krus, at tayo’y nagkaroon ng buhay na mas makilala natin ang tunay na Diyos ng ating buhay.
Kaya’t ipinaalala sa atin ni San Pablo sa Ikalawang Pagbasa ang “kenosis” o ang pag-aalay ng buong sarili ni Hesus nang may kababang-loob na sundin ang plano ng Ama. Dahil siya’y nagpakumbaba, siya’y idinakila nang may pangalang higit pa sa lahat upang makilala natin siya bilang halimbawa ng pagiging matapat sa dakilang kalooban. At kasama na rito sa pagiging masunurin ay ang pagpapasan ng mga krus ng buhay na sumasagisag sa lahat ng ating mga pagdurusa at paghihirap. At nawa’y alalahanin natin na kasama natin ang Panginoon at kumapit sa kanya habang dumadaan sa mga ganitong pagsubok nang may lubos na katapatan sa kanyang dakilang kalooban.
Sa unang pagbasa, ang lahat ng matuklaw ng ahas ay hindi mamamatay at maliligtas kung titingin sa nakataas na tansong ahas. Ganuon din ang nais ipahayag ng ating ebanghelyo ngayon. Ang sinumang gumagalang at tumitingala sakay Hesus na nakabayubay sa krus ay maliligtas. Ano man ang iyong pinagdaraanan ngayon kapatid, kahirapan, karamdaman, kalungkutan, kaguluhan o anupang dagok mg buhay ay wag kang lalong magpariwara, bagkus ay tumingala ka, sumpungin mo ang krus ng kaligtasan, kay Hesus ka lumapit, idaing sa kanya lahat at maniwalang sya lamang ang ating pag asa, si Hesus na din ang maysabi na “kumatok ka ikaw ay pgbubuksan, humingi ka at ikaw ay bibigyan”. Basta’t manalig ka lamang ng buong puso at kaluluwa, at sundin ang kalooban nya, sundin sa pamamagitan ng hindi pagsuway sa sampung utos, at matatamo mo ang Gloria, ang tunay na kaligayahan na hindi kayang bilihin ng pera.
Ang tugon ko sa inyu o sa iyo ay maraming salamat sa pag lalahad ng mga mabubuting balita at nabibigyan ng kahulugan at kabuluhan sa buhay ng tao itoy ayun sa mga nakakabasa ng inyung pagninilay.
PAGNINILAY:
Juan 3, 13-17
Ang Krus ay hindi katapusan ng lahat, kundi pintuan tungo sa walang hanggang buhay.”
Sa ating pananampalataya, ang krus ay hindi lamang tanda ng pagdurusa kundi sagisag ng pinakadakilang pag-ibig ng Diyos. Sa mundo kung saan ang krus noon ay simbolo ng kahihiyan, pagkatalo, at kamatayan, ito’y ginawang tanda ng tagumpay at kaligtasan dahil kay Kristo. Sa Ebanghelyo, ipinaalala ni Hesus kay Nicodemo na kung paanong itinaas ni Moises ang ahas sa ilang upang ang mga Israelita ay maligtas, gayundin kailangang itaas sa krus ang Anak ng Tao upang ang lahat ng manalig ay magkamit ng buhay na walang hanggan.
Ang krus ang pinakatuktok ng pag-ibig ng Diyos: ibinigay Niya ang Kanyang Anak hindi upang hatulan tayo, kundi upang iligtas tayo. Dito natin nakikita na ang kaligtasan ay hindi bunga ng ating sariling kakayahan, kundi ng biyayang dumadaloy mula sa pag-ibig ng Ama na nagbigay ng Kanyang Bugtong na Anak.
Ang Krus ay teolohikal na misteryo ng kenosis—ang lubos na pagpapakababa ng Anak ng Diyos upang itaas tayo tungo sa kaligtasan. Sa krus, nagtagpo ang hustisya at habag ng Diyos: hustisya, sapagkat may kabayaran ang kasalanan; at habag, sapagkat si Kristo mismo ang nagbayad. Ang kapistahang ito’y nagpapaalala na ang kaligtasan ay hindi teorya lamang, kundi konkretong kaganapan sa kasaysayan na nagpapatuloy sa ating buhay.
Huwag tayong matakot yakapin ang ating mga krus—ang mga pagsubok, sakit, at sakripisyo—sapagkat sa pamamagitan nito, natututo tayong magmahal tulad ni Kristo. Ang bawat pagtitiis at pag-aalay ay nagiging pakikibahagi sa krus na nagbibigay ng buhay at pag-asa.
Panalangin: Panginoon Hesukristo, sa krus Mo ipinakita ang sukdulang pag-ibig ng Diyos para sa amin. Turuan Mo kaming yakapin ang aming mga krus nang may pananampalataya at pag-ibig. Nawa’y makita namin sa bawat paghihirap ang pag-asa ng kaligtasan. Amen.
Kaligtasan at pagpapala ng krus pag inunawa ang halaga ng sakit at paghihirap. Bear them with beauty & joy.
Struggling is a sign of fighting, growing, becoming stronger, and creating good character.
Our struggles is a reminder that we are walking with Jesus.
Ang problema ay yakapin ng may pagmamahal ito ay nagiging regalo.
Bearable, beautiful and better when carrying cross with love.
VIP – Victory in Progress.
Ang paghihirap is in VIP.
Hagdanan lang pagpunta sa langit ito ay ang Krus, paonti onti daanan lahat ng pagsubok makakarating din sa kalangitan.
Harapin ang pagsubok ng may pagmamahal makakatanggap ng bagong regalo, pag papala, at panalo galing sa Diyos.
Amen.
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good.
#GvSunday