Biyernes, Agosto 8, 2025

August 8, 2025

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Sa pamamagitan ng paglimot sa sarili, pinapasan natin ang ating krus sa araw-araw sa pagsunod sa yapak ng ating Panginoon. Manalangin tayo upang mapawi ang pagiging makasarili na naghihiwalay sa atin sa Diyos.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Makapangyarihang Diyos, bigyan Mo kami ng kapangyarihan.

Ang Santo Papa at mga obispo nawa’y pasanin ang kanilang krus ng pastoral na pagkalinga at tungkulin na walang makasariling sakripisyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng tumanggap ng bigat ng tungkuling publiko nawa’y lumago sa pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang responsable, totoo, at malinis na pagsasagawa ng kanilang tungkulin, manalangin tayo sa Panginoon.

Buong puso nawa nating suportahan ang pagsulong ng katotohanan at labanan ang patagong impluwensya ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga biktima ng opresyon nawa’y magtamo ng katarungan, kalayaan, at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdusa at namatay para sa pananampalataya nawa’y umani ng makalangit na gantimpala, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng aming Panginoong Jesu-Kristo, tanggapin mo ang mga panalangin ng naglalakbay mong bayan na naghahangad na matagpuan ang iyong kalooban sa pagsunod sa mga yapak ng iyong Anak, siya na nabubuhay at naghahari kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Reynald Perez August 5, 2019 at 12:23 am

PAGNINILAY: Sa ating Ebanghelyo (Mateo 16:24-28), nais ipahayag ni Hesus ang tatlong hamon upang tayo’y maging mga alagad niya araw-araw:
1.) LIMUTIN ANG SARILI. Ibig sabihin nito ay ang lahat ng tinatanggap nating mga biyaya at pagpapala ay hindi lang mula sa kalikasan at sa tao, kundi sa Panginoon. Kaya dapat tayo’y magpakumbaba at magtiwala sa kanya na susundin natin ang kanyang kalooban.
2.) PASANIN ANG KRUS. Binuhat ni Kristo ang kanyang Krus mula sa Praetorio hanggang sa Golgota. Binuhat niya sa kanyang mga balikat ang pag-iinsulto ng mga tao at mga pinuno ng mga Hudyo, pagngungutya ng mga kawal na Romano, at higit sa lahat ang pagkakasala ng tao laban sa Diyos. Sa ating buhay, maraming pagsubok at paghihirap ang ating dinadanas araw-araw. Pero ang hamon ng Panginoon sa atin ay pagtitiis at pagtitiyaga sa gitna ng mga ito. At habang ginagawa natin iyan, patuloy tayong gumagawa ng mga mabubuting bagay. Kaya ang krus ay hindi na simbolo ng parusa, kundi simbolo ng tagumpay dahil kay Hesus na namatay para tayo’y mailigtas mula sa kasalanan.
3.) SUMUNOD SA AKIN. Ang pagiging tunay na alagad ng Panginoon ay hindi palaging madali. Minsan ito’y mahirap sapagkat hindi ito gawa ng Diyos at hindi siya tumatawa, kundi nakasalalay ang ating mga pagdurusa sa mga kontemporaryong sitwasyon. Ang ating misyon bilang mga Kristiyano ay ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita at pakikisalamuha sa pamumuhay ng mga tao. Kaya nga napakahalaga ang dalawang hamon sa itaas dahil sa karanasan (experience). Kapag dinanas natin ang mga bagay na ito at naging matatag sa ating pananampalataya sa Panginoon, napakahalaga ang ating matutunan bilang mga alagad niya.
Kaya sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa tayo’y maging mga alagad ng Panginoon sa ating araw-araw na pamumuhay kahit sa mga mabubuti at di-inaasahang pangyayari. At huwag natin kalimutan na magtiwala at sumampalataya sa kanya upang tayo’y maging matatag sa pasunod sa kanyang kalooban.

Reply

Mylene Farinas August 9, 2019 at 9:16 am

Glory to God in the highest! You alone are God, you alone are Lord, you alone has great power to save a nation! Your Word and your commandments are our guide for us to continuously belong to you. And, we pray to give the us courage and strength to submit to Thy will, always. Amen.

Reply

Reynald David Perez August 10, 2023 at 8:12 pm

PAGNINILAY: Sa ating Unang Pagbasa (Deuteronomio 4:32-40), ipinaalala ni Moises sa mga Israelita ang Diyos na nag-ukit ng tipan matapos ang kanilang matagumpay na paglikas mula sa pagkaalipin sa Egipto. Ilang taon silang nakaalipin sa Egipto ay tila nga ba’y nakalimutan nila ang Diyos na lumikha ng sandaigdigan at tumawag sa kanila na mamuhay sa pananampalataya sa pamamagitan ng mga ninunong sina Abraham, Isaac, at Jacob. Kaya pinaalala ni Moises na ang Diyos ang gumawa ng magandang bagay noon ay siya rin ang Diyos na nagligtas sa kanila mula sa paghihirap ng mga Egipcio. Kaya ang tugon nila ay ang pagsunod sa kanyang mga utos, upang sila ay mamuhay nang matagal sa lupang ibibigay niya matapos ang kanilang paglalakbay patungo sa Lupang Pangako.

PAGNINILAY: Sa ating Ebanghelyo (Mateo 16:24-28), nais ipahayag ni Hesus ang tatlong hamon upang tayo’y maging mga alagad niya araw-araw:
1.) LIMUTIN ANG SARILI. Ibig sabihin nito ay ang lahat ng tinatanggap nating mga biyaya at pagpapala ay hindi lang mula sa kalikasan at sa tao, kundi sa Panginoon. Kaya dapat tayo’y magpakumbaba at magtiwala sa kanya na susundin natin ang kanyang kalooban.

2.) PASANIN ANG KRUS. Binuhat ni Kristo ang kanyang Krus mula sa Praetorio hanggang sa Golgota. Binuhat niya sa kanyang mga balikat ang pag-iinsulto ng mga tao at mga pinuno ng mga Hudyo, pagngungutya ng mga kawal na Romano, at higit sa lahat ang pagkakasala ng tao laban sa Diyos. Sa ating buhay, maraming pagsubok at paghihirap ang ating dinadanas araw-araw. Pero ang hamon ng Panginoon sa atin ay pagtitiis at pagtitiyaga sa gitna ng mga ito. At habang ginagawa natin iyan, patuloy tayong gumagawa ng mga mabubuting bagay. Kaya ang krus ay hindi na simbolo ng parusa, kundi simbolo ng tagumpay dahil kay Hesus na namatay para tayo’y mailigtas mula sa kasalanan.

3.) SUMUNOD SA AKIN. Ang pagiging tunay na alagad ng Panginoon ay hindi palaging madali. Minsan ito’y mahirap sapagkat hindi ito gawa ng Diyos at hindi siya tumatawa, kundi nakasalalay ang ating mga pagdurusa sa mga kontemporaryong sitwasyon. Ang ating misyon bilang mga Kristiyano ay ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita at pakikisalamuha sa pamumuhay ng mga tao. Kaya nga napakahalaga ang dalawang hamon sa itaas dahil sa karanasan (experience). Kapag dinanas natin ang mga bagay na ito at naging matatag sa ating pananampalataya sa Panginoon, napakahalaga ang ating matutunan bilang mga alagad niya.

Kaya sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa tayo’y maging mga alagad ng Panginoon sa ating araw-araw na pamumuhay kahit sa mga mabubuti at di-inaasahang pangyayari. At huwag natin kalimutan na magtiwala at sumampalataya sa kanya upang tayo’y maging matatag sa pasunod sa kanyang kalooban.

Reply

Jose M. Javier August 11, 2023 at 5:18 am

In this pericope it is revealed that Yahweh is unique in all history, having been motivated by love, He chose to deliver His enslaved people from Egyptian bondage and bring them to the Promised Land, and Israel was to take it to heart and obey His commands so it would go well with them.
Fot gospel;
Christ warns that those who follow Him must be willing to give up all else in the world, and to take on hardship and persecution, as needed. He adds that some standing there will not die before seeing Him coming in His kingdom; this prediction is fulfilled in the next passage. Jesus declares that He, the Son of Man, will come with His angels in the glory of His Father. He is describing what is sometimes called in the Bible the “Day of the Lord.” When that day comes, Christ will repay each person according to what he or she has done.
The verb translated “see” may also mean “to perceive or understand.” So, Jesus could have been saying, “Before you die some of you will understand (more fully about) the Son of Man’s Kingdom.

Reply

Mel Mendoza August 11, 2023 at 9:33 am

Ang Mabuting Balita sa araw na ito(Mateo 16:24-28) ay panawagan para maging alagad. Inilahad ni Hesus sa ebanghelyo ang mga mahalagang katangian ng isang alagad at ito ay ang pagpatay ng lahat ng sariling mga nasa. Katulad ng nalaglag na binhi ng trigo na namatay at nagbigay ng maraming bunga ganito ang metapora na ninanais sa atin ng Diyos. Sa mga ibang pagbasa napakinggan natin ang sobrang kalungkutan ng isang mayamang binata na sumusunod naman sa mga Kautusan pero hindi naman nya kayang iwanan ang karangyaan, at ganun din ang isang tagasunod ni Kristo na kailangan nya muna ipalibing ang kanyang ama. Mga karanasan at mga yaman sa buhay na hindi basta basta maiiwanan at nagiging balakid sa mga nagnanais sumunod sa Panginoon.

Maaring mga hadlang na maituturing ang mga nabanggit pero ang mga ito ay pwedeng gamitin para maging mas marami ang sumunod sa mga panukala ng Diyos. Katulad ng kayaman ito ay may kasamang kapangyarihan na kung nagagamit ng tama ay marami ang makikinabang. Ang pagbabahagi ng kayaman lalo higit sa mga lubhang nangangailangan ay katulad ito ng pagpipira-piraso ng tinapay ni Hesus na naka-tala sa isa sa mga ebanghelyo mula Kay San Lucas. Ito ay bumubuo ng isang pamayanan at sambayanan ng Diyos at pinapakita na ito ay pinaghaharian ng pagibig. Sa ganitong pamamaraan dadami ang maakit na makakasama sa paglalakbay patungo sa kaharian ng Diyos Amang nasa langit. Wala itong pinagkaiba sa nahulog na binhi ng trigo sa lupa namatay pero doon lang nakapamunga ng marami. Sa kabilang banda ang naghahangad ng mas pa sa kailangan sa buhay na ginagamit lamang sa sariling kapakanan at hindi naipamahagi sa iba ito naman ang pagpatay mismo ng ninanais ng Diyos sa bawat isa sa atin. Ang pagka-ganid, pagka-sakim, at pagka-lulong sa yaman at kapangyarihan ng mundong ito ay ang dapat patayin.

Ang lahat ng kayamanan, rangya’t kapangyarihan ay maglalaho at lilipas na tulad nating dadaan lang sa ibabaw ng mundo ng isang beses lamang. Sa huli at sa paguulat natin sa ating mga nagawa sa buhay natin sa mundo ay hahantong tayo sa paglilitis, ang mas piniling mahalin ang buhay sa mundo kapalit ng walang kapararakan paglustay ng buhay, panahon, yaman at kapangyarihan nito ay siya ang mawawalan nito sa kabilang buhay. Kaya dito palang sa lupa ay asamin nating pagimbakan ng ating yaman, talino, panahon, at kapangyarihan ang tunay na kayamanang walang hanggan na mananahin sa piling ng Diyos. Amen!

Reply

MEL MENDOZA August 7, 2025 at 11:49 pm

PAGNINILAY:
Mateo 16:24–28
“Kung ibig ninuman na sumunod sa akin, limutin niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin.” (Mateo 16:24)

Sa Ebanghelyo ngayon, binibigyang-diin ni Hesus ang isang paanyaya na salungat sa alok ng mundo: Hindi madaling sumunod sa Kanya. Hindi ito daang magaan, hindi ito tungkol sa kasikatan, karangyaan, o kasiyahan. Sa halip, ito’y daang may sakripisyo, tahimik na paglilingkod, at kababaang-loob.
Kaugnay nito atin po pagnilayan ang sumusunod:

Una. Ang Tawag ng Kenosis: Paghuhubad sa Sarili
Ang pagiging alagad ay panawagan sa kenosis — isang salitang teolohikal mula sa Filipos 2:7, na nangangahulugang “pagbubuhos” o “pagwawalang-laman.”“He emptied himself…” – Filipos 2:7
Ang tunay na alagad ay handang hubarin ang makasariling ambisyon, pansariling plano, at paghahanap ng ginhawa. Hindi ito kawalan ng halaga sa sarili, kundi isang mas malalim na pagpapakasalalay sa kalooban ng Diyos.
Taliwas ito sa mundo na nagsasabing:“Gawin mo ang gusto mo.”“Unahin mo ang sarili mo.”“Iwasan mo ang hirap.” Ngunit sa pananampalataya, ang paglimot sa sarili ay hindi pagkawala kundi pagtatagpo sa ating tunay na pagkatao kay Kristo.

Pangalawa. Ang Daan ng Mundo: Hedonismo, Individualismo, Relatibismo
Sa kasalukuyang kultura, tatlong ideolohiya ang madalas naghahari sa puso ng tao:
-Hedonismo“Kung masarap, gawin mo.” Iniuuna ang pansariling kasiyahan, kahit kapalit ay kasalanan.
– Individualismo“Ako muna.” Walang pakialam sa kapwa; ang mahalaga ay ang sariling kapakanan.
– Relatibismo “Ang totoo ay depende sa paniniwala.” Itinanggi ang katotohanang moral; ang opinyon ay ginagawang pamantayan ng tama at mali.
Ngunit ang panawagan ni Kristo ay: “Itakwil ang sarili, pasanin ang krus, at sumunod sa akin.” Ito’y paanyaya sa pananampalatayang hindi magaan, ngunit tunay. Hindi ito tungkol sa “comfort zone,” kundi sa “Christ zone.”

Sa panghuli ay ang Krus: Simbolo ng Pag-ibig, Hindi Parusa.
Sa teolohiya, ang krus ay hindi simpleng paghihirap. Ito ay:
Pag-ibig na handang magsakripisyo.
Paglilingkod na hindi naghahanap ng kapalit.
Katahimikan sa gitna ng hindi pagkakaintindi.

Sa ating panahon na gustong maging: viral, visible, at validated, ang panawagan ni Kristo ay: Manahimik. Magpakumbaba. Magpatawad kahit walang sorry. Maglingkod kahit walang pumapalakpak.
Sa ganitong pananampalataya nasusubok kung sino ang tunay na alagad — Hindi sa panlabas na anyo, kundi sa panloob na katapatan sa Diyos.

Binhi ng Kamalayan (Pagninilay):
-Handa ba akong hubarin ang sarili upang si Kristo ang maging sentro ng aking buhay?
-Kaya ko bang yakapin ang katahimikan, pagtitiis, at paglilingkod, kahit walang nakakapansin?
-Mas pinipili ko ba ang kalooban ng Diyos kaysa sa kaginhawahan at kasikatan?

Sa Unang Pagbasa, binalikan ni Moises ang kamangha-manghang kabutihan ng Diyos sa Israel: sa kabila ng kanilang pagiging matigas ang ulo, hindi sila iniwan ng Panginoon. Paalala ito sa atin na may layunin ang bawat paghihirap, at hindi tayo kailanman pababayaan ng Diyos.

Ang Salmo naman ay panawagan sa atin na alalahanin at pagbulayan ang mga gawa ng Diyos. Sa gitna ng ating krus, balikan natin ang kabutihang ginawa ng Panginoon — ito ang magbibigay lakas upang magpatuloy.

Inspirasyon mula sa ginugunita nating Santo sa araw na ito, kay Santo Domingo de Guzman. Bilang tagapagtatag ng Order of Preachers (Dominicans), si Santo Domingo ay naging saksi sa kahalagahan ng pananampalataya, panalangin, at pangangaral. Sa gitna ng mga pagsubok ng kanyang panahon, pinili niya ang buhay ng sakripisyo upang maipahayag ang liwanag ng katotohanan ni Kristo.

Panalangin: Panginoong Hesus, turuan mo akong talikuran ang sarili kong kagustuhan, pasanin ang aking krus ng may pananampalataya, at sumunod sa Iyo sa gitna ng gulo ng mundo. Nawa’y makita ko sa krus hindi ang bigat kundi ang biyaya, hindi ang kahihiyan kundi ang tanda ng pag-ibig. Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: