Martes, Agosto 6, 2024

August 6, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Agosto 6
Pagbabagong-Anyo ng Panginoon

Sa pagbabagong-anyo, inihayag ng Ama ang kaluwalhatian ng kanyang Anak. Hindi natin nakikita ngayon ang kanyang kaluwalhatian, subalit sa ating paghihintay sa Kaharian, manalangin tayo sa Ama sa ngalan niya.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Loobin mong sumikat sa amin
ang iyong kapangyarihan at kaluwalhatian, Panginoon.

Sa pamamagitan ng Simbahan nawa’y magningning ang kaluwalhatian ni Kristo habang tapat tayong nakikinig sa kanya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga bansa nawa’y maakay ng minamahal na Anak sa mga landas ng kapayapaan at katarungan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y lumago sa biyaya at sa gayo’y mamasdan ng iba ang “liwanag ni Kristo” sa ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong nagdurusa nawa’y makita ang kanilang hinaharap sa nagbagong-anyong Manunubos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magkaroon ng bagong-anyo at makatulad ng niluwalhating Katawan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, nakamamanghang narito kami! Tanggapin mo ang mga panalangin ng pamayanang ito, natitipon upang marinig ang iyong mga salita at mag-alay ng sakripisyo ng iyong Anak, na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 7 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 29, 2021 at 7:27 pm

PAGNINILAY: Ang Pagbabagong-Anyo ng Panginoon ay isang kaganapan sa buhay ng ating Panginoong Hesukristo na nagbago hindi lang sa kanyang buhay, kundi pati rin sa ating mga buhay. Kaya ang salitang ‘transfiguration’ ay nagmula sa wikang Latino, na ibig sabihin nito ay “pagbabago sa buhay”. Nais kong bigyan pansin ang tatlong punto ng pangyayaring ito gamit ang motto ng mga Katipunero: KKK.

1.) KALUWALHATIAN. Pag-akyat ng Bundok ng Tabor kasama ang tatlong Apostol na malapit sa kanya, nagbagong-anyo si Hesus, at nagliwanag ang kanyang mga damit na parang sumisikat ang araw.

2.) KATUPARAN. Nagpakita sina Moises at Elias sa kanya. Si Moises ay kumakatawan sa Kautusan, habang si Elias naman ay kumakatawan sa mga propeta. Dito natin mamasdan na si Hesus ay ang katuparan ng Kautusan at turo ng mga propeta. Tumatalima siya sa kalooban ng Ama dahil nakikita niya at tinatanggap na siya’y magpapakasakit, mamamatay, at mabubuhay na mag-uli sa Jerusalem para sa ating kaligtasan.

3.) KABUTIHANG-LOOB. Pagkatapos ang lahat ng mga ito, tumakip ang isang malalaking ulap na lumibot kina Hesus at ang kanyang tatlong alagad. At biglang nagsalita ang tinig ng Panginoong Diyos, at ibinunyag na si Kristo ay ang kinalulugdang Anak, kaya making tayo sa kanya. Ganun din ginawa nina San Pedro, Santiago, at San Juan nang pinakiusapan sila na huwag sabihin ang mga pangyayari hanggang mamuhay na mag-uli ng Panginoon. Kaya may dalang kabutihang-loob ang pangyayari ito sa ating buhay dahil sa Panginoong Hesus na sumunod sa dakilang kalooban ng Diyos Ama para sa ating kaligtasan mula sa ating mga pagkakasala upang balang araw tayo’y iako niya sa kaluwalhatiang ng Kaharian ng Langit.

Mga kapatid, dahil sa Pagbabagong-Anyo ng Panginpon, dito natin makikita at matutuo ang tunay na pagbabago sa ating buhay bilang mga Kristiyano. Sumunod tayo sa kalooban ng Diyos, at makinig sa kanyang Salita, lalo na sa mga turo ng kanyang Bugtong na Anak, na ating binabasa sa Banal na Bibliya at pinapakinggan sa Banal na Misa. Isabuhay natin ang mga ito upang makita natin ang kaluwlahatian ng langit sa kataupusan ng ating pamumuhay sa daigdig. Sa ating paglakbay sa daang ito, nawa’y maranasan din natin ang pagbabago ng ating mga puso’t kaisipan sa pamamagitan ng pagtalima sa kalooban ng Panginoong Diyos at pakikinig sa at pagpapahayag ng Mabuting Balita ng Panginoong Hesukristo.

Reply

Alberto Calderon Jr. August 6, 2021 at 6:02 am

O Hesus namin ikaw ay nagnining, na parang araw sa umagang kay lambing. Sinugo ka ng Amang Panginoong Diyos, upang hanguin. Mga tao sa sala kamiy patatawarin. Kaming aba, patuloy kang hihirangin, sa pagkaunawa na kamiy bubuhayin, dito sa lupa at sa walang hanngang paraiso kamiy aakayin. Sa kaniningan moy , taoy tila nabulag, sa pagkakaunawa na parang isang bata, pagtayo ng kubol nais ng tao , ay makontento doon na lamang sa bundok mamahinga..Ngunit ang panginoon , ay may unawa, Sya ay baba , at magpapatirapa sa krus ay mababata, ng hirap at dalita. Sa pagsunod sa kalooban ng Ama, kasalanan ng tao , ay buburahin nya. Purihin ka panginoong Hesus , purihin ang Diyos na dakila, naway nining moy kumawala, sa aming bulag na mga puso at kaluluwa, naway magsilbing liwanag Ka, upang sa sala ng kadiliman ay maibsan ng liwanag ng iyong pagpapala. Amen..

Reply

Ferdy Baetiong Pariño August 6, 2021 at 9:03 am

Pagbabagong anyo ni Hesus. Ano ang nais ipahiwatig sa atin ng ebanghelyo ngayon?
Mga kapatid, panahon na, ngayon na… marahil maraming beses na nating sinsabi sa ating sarili, sa ibang tao at sa Diyos na tayo ay magbabago na. Ngunit ang kadalasang nangyayari ay nagbago lamang tayo ng ilang araw at bumabalik na nman sa masamang gawain. Kapatid, alam natin na mahirap magpakabanal agad sa mundong ito, sinsabi din iyan ng mga kaparian. Dahan dahan lang, unti unti, dalasan ang pakikipag usap sa Diyos, humingi ng kapatawaran, magsisi, at dahan dahang talikuran ang kasamaan, pag naramdaman mo na ang sarap ng feeling ng gumagawa ng mabuti sa kapwa ay maadik ka dito, gagawa ka na lagi ng kabutihan, at unti unti ay magkakaroon ka ng relasyon sa Diyos, lagi mo na syang kakausapin maliit na bagay man o malaki, ituturing mong kaibigan si Hesus. Ang pagbabagong anyo ni Hesus ay nag aanyaya sa atin na magbago din ng anyo, hindi baduy ang maka Diyos, hindi baduy ang mabait, hindi baduy ang matulungin, mas maganda sa paningin ng tao at ni Hesus. Simulan natin ang pagbabago, ngayon, anuman ang edad mo ay hindi pa huli ang lahat, simulan natin ngayon at mararamdaman mo ang tunay na kaligayahan at peace of mind na hindi nabibili ng pera.

Reply

DANILO DAYAO, O.P. August 5, 2024 at 6:52 pm

PAGNINILAY:

Sa pagdiriwang ng Pagliliwanag sa Bagong Anyo ng Panginoon, tayo ay inaalala sa kahalagahan ng pagkilala at pagtanggap sa tunay na kaluwalhatian ni Jesus. Sa unang pagbasa, ipinakita sa atin ni Daniel ang pananaw ng walang hanggang kapangyarihan at kaharian ni Jesus. Ang Salmo ay nagpapaalala na ang Panginoon ay maghahari magpakailanman, at ang kanyang lakas ay mananatili.

Sa ikalawang pagbasa, si Pedro ay nagpatotoo sa kanyang personal na karanasan sa pagbabagong-anyo ni Jesus, na nagpapatunay sa kanyang pagka-Diyos at kaluwalhatian. Sa Ebanghelyo naman, ang pagbabagong-anyo ni Jesus sa bundok ay nagpakita ng kanyang banal na kalikasan, isang paalala na siya ang Anak ng Diyos na dapat nating pakinggan at sundin.

Ang mga pagbasa ngayon ay nagpapalalim sa ating pag-unawa sa tunay na kalikasan ni Jesus. Ang kanyang pagbabagong-anyo ay hindi lamang isang pagpapakita ng kanyang kapangyarihan, kundi isang paalala na tayo rin ay tinatawag na magbago at maging bahagi ng kanyang kaharian. Ang tinig mula sa ulap ay isang paanyaya na makinig at sumunod kay Jesus, sapagkat sa kanya natin matatagpuan ang tunay na kaligtasan at kapayapaan.

Sa ating pagninilay, maaaring tanungin natin ang ating sarili: Paano ko tinatanggap ang kaluwalhatian ni Jesus sa aking buhay? Paano ako nagiging masunurin sa kanyang mga turo at utos? At paano ko maipapakita ang aking pananampalataya sa aking mga gawa at pakikipag-ugnayan sa iba? Nawa’y patuloy tayong gabayan ng Espiritu Santo upang makita at maranasan ang tunay na kaluwalhatian ng ating Panginoon sa araw-araw na pamumuhay.

???

Reply

Joshua S. Valdoz August 5, 2024 at 9:37 pm

PAGNINILAY: Pagbabagong anyo ni Hesus. Ano ang nais ipahiwatig sa atin ng ebanghelyo ngayon?
Mga kapatid, panahon na, ngayon na… marahil maraming beses na nating sinsabi sa ating sarili, sa ibang tao at sa Diyos na tayo ay magbabago na. Ngunit ang kadalasang nangyayari ay nagbago lamang tayo ng ilang araw at bumabalik na nman sa masamang gawain. Kapatid, alam natin na mahirap magpakabanal agad sa mundong ito, sinsabi din iyan ng mga kaparian. Dahan-dahan lang, unti-unti, dalasan ang pakikipag usap sa Diyos, humingi ng kapatawaran, magsisi, at dahan dahang talikuran ang kasamaan, pag naramdaman mo na ang sarap ng feeling ng gumagawa ng mabuti sa kapwa ay maadik ka dito, gagawa ka na lagi ng kabutihan, at unti unti ay magkakaroon ka ng relasyon sa Diyos, lagi mo na syang kakausapin maliit na bagay man o malaki, ituturing mong kaibigan si Hesus. Ang pagbabagong anyo ni Hesus ay nag aanyaya sa atin na magbago din ng anyo, hindi baduy ang maka Diyos, hindi baduy ang mabait, hindi baduy ang matulungin, mas maganda sa paningin ng tao at ni Hesus. Simulan natin ang pagbabago, ngayon, anuman ang edad mo ay hindi pa huli ang lahat, simulan natin ngayon at mararamdaman mo ang tunay na kaligayahan at peace of mind na hindi nabibili ng pera.

Reply

Joshua S. Valdoz August 5, 2024 at 9:43 pm

PAGNINILAY: Pagbabagong anyo ni Hesus. Ano ang nais ipahiwatig sa atin ng ebanghelyo ngayon?
Mga kapatid, panahon na, ngayon na… marahil maraming beses na nating sinasabi sa ating sarili, sa ibang tao at sa Diyos na tayo ay magbabago na. Ngunit ang kadalasang nangyayari ay nagbago lamang tayo ng ilang araw at bumabalik na nman sa masamang gawain. Kapatid, alam natin na mahirap magpakabanal agad sa mundong ito, sinsabi din iyan ng mga kaparian. Dahan-dahan lang, unti-unti, dalasan ang pakikipag usap sa Diyos, humingi ng kapatawaran, magsisi, at dahan-dahang talikuran ang kasamaan, pag naramdaman mo na ang sarap ng feeling ng gumagawa ng mabuti sa kapwa ay maadik ka dito, gagawa ka na lagi ng kabutihan, at unti-unti ay magkakaroon ka ng relasyon sa Diyos, lagi mo na s’yang kakausapin maliit na bagay man o malaki, ituturing mong kaibigan si Hesus. Ang pagbabagong anyo ni Hesus ay nag-aanyaya sa atin na magbago din ng anyo, hindi baduy ang maka-Diyos, hindi baduy ang mabait, hindi baduy ang matulungin, mas maganda sa paningin ng tao at ni Hesus. Simulan natin ang pagbabago, ngayon, anuman ang edad mo ay hindi pa huli ang lahat, simulan natin ngayon at mararamdaman mo ang tunay na kaligayahan at peace of mind na hindi nabibili ng pera.

Reply

Celine loveko August 6, 2024 at 3:27 pm

PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO ALLELUIA!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: