Podcast: Download (Duration: 7:11 — 9.0MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules
Pakinggan natin ang paanyaya ng Diyos na humingi tayo sa kanya ng mga bagay na tunay na mahalaga.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ikaw ang aming Diyos at ang lahat sa amin.
Ang Santo Papa at ang mga obispo nawa’y magabayan at maliwanagan ng karunungan ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.
Atin nawang gamitin nang mahusay ang mga mahahalagang bagay para sa ating ikabubuti at huwag tayong maging mga alipin ng kasakiman at pagkamasarili, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga naghahanap sa katotohanan nawa’y higit na lumalim araw-araw ang kanilang pagpapahalaga sa pananampalataya kay Kristo bilang perlas na walang katumbas, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit at mga nag-aaruga sa kanila nawa’y mabiyayaan sa kanilang mga pagsasakripisyo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga namatay na sa buhay na ito nawa’y mamahinga sa walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.
Diyos Ama sa Langit, bukal ng lahat ng kabutihan sa buhay, tulungan mo kaming gamitin nang wasto ang iyong mga biyaya at magbunyi kami sa kayamanan ng iyong pagmamahal. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Martes, Hulyo 30, 2024
Huwebes, Agosto 1, 2024 »
{ 5 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Patuloy natin naririnig mula sa ating Panginoong Hesukristo ang mga Parabula tungkol sa Paghahari ng Diyos, ayon sa isinulat sa Ika-13 Kabanata ng Ebanghelyo ni San Mateo. Sa kasaysayan, ang kaharian ay isang lugar kung saan ito ay nasa ilalim ng sistema ng monarkiya. Ito’y pinaghaharian ng mga hari, reyna, duke, dukesa, at mga noble. Sila’y nakatira sa isang malaking palasyong binabantayan ng mga Kabalyero, at sila’y tinuturing bilang mayaman at makapangyarihan. Pero alam na po natin sa kasaysayan ay may hangganan ang kanilang pamumuno at ilang bansa ay inalis ang sistema ng monarkiya. Subalit iba ang Kaharian ng Langit, ang mismong Paghahari ng Diyos sa Sanlibutan. Tunay na hindi ito’y lingid sa kaisipan ng tao no’ng panahong iyon, pero sa pagdating ni Hesus sa Galilea, ipinahayag niya na tayo’y magsisi at sumampalataya sa Mabuting Balitang dala ang mensahe ng paghaharing iyon.
At sa 2 parabula, ang Kaharian ng Langit ay inihantulad sa isang kayamanang nakalibing sa bukid at isang perlas na may mahalagang presyo. Kung baga binenta ng 2 lalaki ang lahat ng kanilang mga ari-arian upang bilhin ang mga mahahalagang bagay na iyon. Habang tayo’y namumuhay, patuloy tayong humahangad at tumatanggap ng mga kayamanang makakapagsaya sa ating mga pangangailangan at kagustuhan ng bagay. Ngunit ang dapat bigyang pansin na ang tunay na kayamanan ay nakasalalay sa Panginoon lamang. Siya’y mismo nagsabi na mag-imbak tayo ng mga kayamanang mula sa langit. Siya’y mismong nagbigay ng mga biyayang ating hinahangad at natatanggap mula noon hanggang ngayon, kaya’t marapat lang na tayo’y sumampalataya sa kanya at maging tapat sa kanyang kalooban para sa ating lahat.
At nawa tayo’y maging mga ganap na Kristiyano upang ipalaganap at ibahagi ang Paghahari ng Diyos sa ating mga buhay dahil kung tayo ay magiging mabuting ehemplo at gagawa ng kabutihan, makakamit natin ang kayamanan ng walang hanggan sa Paraiso.
We praise and thank you Lord for all your goodness ,blessings and graces you bestowed in us,for the gift of life, family,good health,protection guidance & wisdom.Lord i lift up to you those who are suffering from sickness touch them with your healing hands,may their faith be their strength and courage to trust in You,give us the peace,understanding & to love one another.Lord forgive me for my sinfullness and unworthiness.all these i pray in the mighty name of our Lord Jesus Christ through the intercession of Mother Mary and the Holy Spirit,A M E N??????
Sabi ni Jesus piliin natin ang kayamanan hindi nasisira ng tanga at
kalawang.
Sa ating Gospel sabi ni Jesus ang paghahari ng Diyos.ay katulad ng kayamanang o perlas na mahalaga na nakabaon.
Anong kayamanang ito na dapat nating piliin, hanapin, angkinin, na kahit lahat ng ariarian mo sa mundong ito ay iyong iiwan dahil ang treasure na iyon ay sobrang mahalaga.
As a person masasabi ko na ang kayamanan ko ay may konting material at ariarian, my family, my relatives, my friends are my wealth right now.
Pero sabi ni Jesus may higit pa sa kanila na kayamanan na ating pakamithiin.
SA ATING PANAHON ANG KAYAMANANG ITO AY ANG BANAL NA SALITA NG DIYOS.
WALA NG HIHIGIT PA NA KAYAMANAN KAY JESUS , SA KANYANG BANAL NA SALITA.
kung ituon natin ang ating puso at isipan sa Salita ng Diyos ating isabuhay ito sa araw araw nating buhay daig mo pa ang isang taong mayaman sa mundong ito.
Ang Kapayapaan, contentment sa buhay, kagalakan sa araw araw kahit ikaw ay dumadaan sa matinding pagsubok ay kay JESUS mo lamang makakamtan. Ito ang kayamanang hindi nasisira ng tanga at kalawang.
Live a life according to the Will of God
Amen..
PAGNINILAY:
Ano ang nagpapasaya sa atin? Naranasan na ba natin ang isang bagay ng labis na handa tayong gawin ang halos lahat ng bagay upang makuha ito? Iniisip natin na ang ating kaligayahan ay nagmumula sa kung ano ang mayroon tayo at kung ano ang nagawa natin. O may mga swerte na dumarating o nangyayari lang sa buhay natin na nagpapasaya sa atin. At may mga bagay na kailangan nating hanapin o tuklasin para tayo ay maging masaya. Inihambing ni Hesus ang kaharian ng Diyos dito, isang kayamanan, isang mahalagang perlas. Ang ilan sa atin ay natitisod ito kahit hindi malinaw na hinahanap ito, ang iba ay natutuklasan ito pagkatapos ng maraming paghahanap. Nahanap na ba natin ang ating kayamanan at ang ating perlas? Handa na ba tayong ibenta ang lahat para makuha ito? Ang lahat ay nakalilinlang kung wala ang kayamanang ito. Ang Kaharian, Salita, ng Diyos ay higit na mahalaga kaysa anupaman. Nawa’y huwag natin bigyan halaga ang mga kayamanan ng mundong ito, malugod na talikuran, ibenta ang lahat, upang makamit ang pinaka dakilang kayamanan na ito!
Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming malaman ang kaibahan ng mga pang-akit ng mundo at ang mga kahalagahan ng Iyong Kaharian.? Amen.
***
MAGNILAY: Sino kaya yung kaya nating mawala ang lahat huwag lang siya? Sino yung kaya nating bitiwan, talikuran at iwan ang lahat makuha lang natin siya? Kung sinuman siya siya ang tanging yaman ng ating puso! Minsan gusto nating maniwala na si Hesus siya. Pero masasabi ba natin sa kanya na mawala na ang lahat huwag lang siya? Na kaya nating bitiwan, talikuran at iwan ang lahat para sa kanya? Ilang beses ba natin siyang ipinagpalit at inihuli sa lahat? Mabuti na lang para kay Hesus mawala na lahat huwag lang tayo. Bibitiwan, tatalikuran at iiwan niya ang lahat huwag lang tayong mawalay sa kanya. Maging pagka-Diyos niya hinubad niya madamayan niya lang tayo sa ating abang kalagayan. Tayong minamahal ng Panginoon ay kayamanan ng puso niya. Sana tayo rin. Siya ang maging tanging yaman ng puso natin.
MANALANGIN: Panginoon, patawad sa mga pagkakataong hindi ikaw ang aking naging prayoridad.
GAWIN: Isa-isang bitiwan, talikuran at iwan ang mga dahilan kaya malayo ang puso mo kay Hesus.