Martes, Enero 2, 2024

January 2, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
ENERO 2

Itinuring ni Juan Bautista ang kanyang sarili na hindi karapat-dapat sa tungkuling ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos. Sa kabila nito, tinupad niya ang kanyang misyon sa diwa ng paglilingkod at kababang-loob. Taglay ang ganitong diwa, lumapit tayo sa Ama upang tulungan niya tayo sa ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Guro, lukuban nawa kami ng Iyong Espiritu.

Ang mga lingkod ng Simbahan nawa’y tumupad sa kanilang tungkulin nang may pagpapakumbaba at kabutihang-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may katungkulan sa pamahalaan nawa’y magtaglay ng tapat na hangaring kumilos para sa kapakanan ng lahat ng mamamayan at hanapin ang ikabubuti ng lahat sa halip na unahin ang pansarili nilang kapakanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang at guro nawa’y maging inspirasyon ng mga kabataan at mag-aaral at mahikayat sila sa pagtitiyaga at pagsisikap sa pag-aaral sa kabila ng kahirapan at pagkabigo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y magkaroon ng kapanatagan ng loob sa pamamagitan ng ating pagmamahal at pangangalaga, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa na, ay makatagpo nawa ng kapayapaan at kaligayahan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, sa pamamagitan ni San Juan, tinuturuan mo kaming maging mga abang lingkod. Loobin mo na matularan namin ang kanyang halimbawa upang makasalo kami sa iyong buhay sa Kaharian kung saan ikaw ang Panginoon magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez December 29, 2019 at 10:53 pm

Pagninilay: Tayo ay nasa ikalawang araw ng taong 2020, at kakasimula lang po ng Bagong Taon. Patuloy tayong nagninilay sa kadakilaan ng Diyos ngayong Kapaskuhan. Ating inaalala ang kanyang pagbaba mula sa langit sa anyo ng isang Sanggol upang ang ating abang antas ay kanyang itataas na tayo’y marapat na tawaging mga anak ng Diyos Ama. Binababala tayo ni San Juan Apostol sa Unang Pagbasa na mag-ingat sa mga taong magliligaw sa atin patungo sa maling landas. May mga bagay na nakakapagpaakit sa atin na sumunod tayo, subalit ito pala ay isang balak upang tayo’y magkasala. Kaya nga hinikayat tayo ni San Juan na manatili tayo sa Panginoon at maging matapat sa kanyang kalooban upang makaharap tayo sa kanya kapag dumating na ang Huling Paghuhukom. Ang Ebanghelyo ngayon ay nagpapakita sa kababaang-loob ni San Juan Bautista. Nang siya’y itinanong kung siya ba ay si Elias o ang propeta, o higit sa lahat ang Mesiyas, matuwid ang kanyang pagtanggi sa kanila. At ipinahayag rin niya nang may kababaang-loob na may isang taong darating na higit pa sa kanya, at hindi siya karapat-dapat ikalas ang mga sandalyas nito. Kaya ito ang tanda ng kanyang pagbibinyag gamit ang tubig para sa pagpapatawad ng kasalanan dahil alam ni Juan na si Hesus ay mas dakila kaisa sa kanya. Siguro naitatanong natin kung bakit si San Juan Bautista ay naririnig ngayong Pasko ng Pasilang, kung siya’y madalas marinig tuwing Adbiyento? Alam po natin na si San Juan Bautista ay ang tagapaghanda ng daan para sa Panginoon. Kaya itinuturo niya sa atin ang kababang-loob na tanggapin natin ang kaligtasan ng Diyos at ipadama natin sa iba’t ibang sitwasyon sa buhay. Kaya nga ito ang dahilan kung bakit ipinagdiriwang natin ang Pagsilang ng Mesiyas dahil sa kababang-loob ni Hesus bagamat siya ay Diyos na makapiling sa atin nang hindi kailanma’y nagkasala, upang tayo ay maging karapat-dapat na tawaging mga anak ng Diyos Ama. Nawa sa ating pagsisimula ng Bagong Taon ay mapanibago ang ating buhay na tayong lahat ay maging magpakumbaba at gawin ang tama at mabuti para sa ikabubuti ng tao at ikalulugod ng Diyos.

Reply

Malou Castaneda January 1, 2024 at 9:47 pm

PAGNINILAY
Ang kakayahan nating mag-isip ay isang regalo mula sa Diyos. Ito ay nagbibigay-daan sa atin upang mailarawan kung sino ang gusto nating maging at kung paano natin nais na tapusin: “When you wish upon a star…makes no difference who you are…” Upang itama ang ating mga karanasan at ang mga magkasalungat na personalidad na pinaka hinahangaan natin. Sino ang higit na hinahangaan natin? Ang sagot dapat ay si Hesus, ang kagalakan ng hangad ng tao. Nawa’y maging handa tayong ituwid ang landas patungo kay Kristo, upang maging isang walang takot na saksi tulad ni Juan. Nawa’y sagutin natin ang mga mapaghamong tanong at tumugon sa poot ng may kalinawan at lakas ng loob. Ipagpatuloy natin ang ating paglalakbay sa pamamagitan ng pagsunod sa bituin na patungo sa Kanya, Hesus ang Mesiyas.

Panginoon, tulungan Mo kaming maging mulat sa Iyong presensya sa lahat ng aming nakakaharap. Nawa’y magbigay kami ng katibayan sa Iyo sa aming buhay. Amen.
***

Reply

Jess C. Gregorio January 1, 2024 at 9:53 pm

Pagninilay ni Jess C. Gregorio sa Mabuting Balita:

Wala tayong alam sa Kaharian ng Diyos kung hindi ang naituro mismo ng Espiritu niya na nasa atin. Bagama’t alam natin ang kuwento ng pinagdaanan ng bayan ng Diyos, mga sinabi ng kanyang mga propeta, at ginawi ng mga kinalulugdang tao, wala tayong karunungan para maintindihan mga iyan, o makilala man lang Siya sa mga nangyayari sa ating mga paligid. Hinahabi ng mga demonyo ang mga kuwentong isinisiwalat at pinaniniwalaan ng mga taong wala sa Espiritu. Mga pawang kasinungalingan na pinang uuto ng mga mahina at makasalanan. Kung hindi na nila mapabulaanan ang mga kababalaghang gawa ng Diyos sa kabayanan, ay tahasang sinasabi na gawa ng demonyo ang lahat ng iyan. Tatanungin kuno kung saan galing ang kapangyarihan? Sino ang nagbigay ng autoridad? Kung iyong sasabihin ang Diyos Ama at Anak sa Espiritung nananahan, sila ay magbibingi-bingihan. Magbubulag-bulagan. At sasabihing sa ating walang iba kundi sa kampon ng kadiliman. At yuyurakan, pagbabalaan, tatakutin ang mga Kristiyanong nagpatianod sa galaw at lakas ng Espiritung Mahal. Na ang pakay ay pahinain muli ang naibigay na kapangyarihan. Tunay nga na maraming saserdote at levita sa paligid nuon at magpa hanggang ngayon. Buti na lang may San Juan Bautista nuon. Pero sino tayo ngayon?

Reply

Joshua S. Valdoz January 2, 2024 at 1:50 pm

PAGNINILAY
Ang kakayahan nating mag-isip ay isang regalo mula sa Diyos. Ito ay nagbibigay-daan sa atin upang mailarawan kung sino ang gusto nating maging at kung paano natin nais na tapusin: “When you wish upon a star…makes no difference who you are…” Upang itama ang ating mga karanasan at ang mga magkasalungat na personalidad na pinaka hinahangaan natin. Sino ang higit na hinahangaan natin? Ang sagot dapat ay si Hesus, ang kagalakan ng hangad ng tao. Nawa’y maging handa tayong ituwid ang landas patungo kay Kristo, upang maging isang walang takot na saksi tulad ni Juan. Nawa’y sagutin natin ang mga mapaghamong tanong at tumugon sa poot ng may kalinawan at lakas ng loob. Ipagpatuloy natin ang ating paglalakbay sa pamamagitan ng pagsunod sa bituin na patungo sa Kanya, Hesus ang Mesiyas.

Panginoon, tulungan Mo kaming maging mulat sa Iyong presensya sa lahat ng aming nakakaharap. Nawa’y magbigay kami ng katibayan sa Iyo sa aming buhay. Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: