Podcast: Download (Duration: 8:38 — 10.3MB)
Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat (A)
Mga Gawa 1, 1-11
Salmo 46, 2-3. 6-7. 8-9
Habang umaakyat ang D’yos,
ang tambuli’y tumutunog.
Efeso 1, 17-23
Mateo 28, 16-20
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Solemnity of the Ascension of the Lord (White)
World Communication’s Sunday
UNANG PAGBASA
Mga Gawa 1, 1-11
Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol
Mahal na Teofilo:
Isinalaysay ko sa aking unang aklat ang lahat ng ginawa at itinuro ni Hesus buhat sa pasimula hanggang sa araw na siya’y umakyat sa langit. Bago siya umakyat, tinagubilinan niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo ang mga apostol na kanyang hinirang. Pagkatapos ng kanyang pagbabata, maraming ulit siyang napakita sa kanila. Sa gayon, napatunayang siya’y buhay. Napakita sya sa kanila sa loob ng apatnapung araw at nagturo tungkol sa paghahari ng Diyos. At samantalang siya’y kasama-sama pa nila, kanyang tinagubilinan sila: “Huwag muna kayong aalis sa Jerusalem. Hintayin ninyo roon ang ipinangako ng Ama na sinabi ko na sa inyo. Nagbinyag nga sa tubig si Juan, ngunit di na magtatagal at bibinyagan kayo sa Espiritu Santo.”
Kaya’t nang magkasama-sama si Hesus at ang mga alagad, nagtanong ang mga ito, “Panginoon, itatatag na ba ninyong muli ang kaharian ng Israel?” Sumagot siya, “Ang mga panahon at sandali ay itinakda ng Ama sa kanyang sariling kapangyarihan, at hindi na kailangan pang malaman ninyo kung kailan iyon. Ngunit bibigyan kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.” Pagkasabi nito, siya’y iniakyat sa langit samantalang nakatingin sila sa kanya; at natakpan siya ng ulap.
Habang sila’y nakatitig sa langit, dalawang lalaking nakaputi ang biglang tumayo sa tabi nila. “Mga taga-Galilea,” sabi nila, “Bakit kayo narito’t nakatingala sa langit? Itong si Hesus na umakyat sa langit ay magbabalik tulad ng nakita ninyong pag-akyat niya.”
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 46, 2-3. 6-7. 8-9
Habang umaakyat ang D’yos,
ang tambuli’y tumutunog.
o kaya: Aleluya!
Magdiwang ang lahat ng mga nilikha,
pumalakpak kayong may awit at tuwa,
bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila!
Ang Diyos na Poon, Kataas-taasan,
ay dakilang haring dapat katakutan,
Siya’y naghahari sa sangkatauhan.
Habang umaakyat ang D’yos,
ang tambuli’y tumutunog.
Umakyat sa trono ang Panginoong Diyos,
hatid ng tambuling malakas ang tunog;
masayang sigawan ang ipinansuob.
Purihin ang Diyos, siya ay awitan,
awitan ang hari, siya’y papurihan!
Habang umaakyat ang D’yos,
ang tambuli’y tumutunog.
Ang Diyos, siyang hari ng lahat ng bansa,
awita’t purihin ng mga nilikha!
Maghahari siya sa lahat ng bansa,
magmula sa tronong banal at dakila.
Habang umaakyat ang D’yos,
ang tambuli’y tumutunog.
IKALAWANG PAGBASA
Efeso 1, 17-23
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso
Mga kapatid:
Hinihiling ko sa Diyos ng ating Panginoong Hesukristo, ang dakilang Ama, na pagkalooban niya kayo ng espiritu ng karunungan at ng tunay na pagkakilala sa kanya. Nawa’y liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo ang ating inaasahan sa kanyang pagkatawag sa atin. Ito’y ang kaluwalhatiang inilaan niya sa kanyang mga hinirang, at ang walang hanggang kapangyarihan niya sa atin na mga nananalig sa kanya. Ang kapangyarihan ding iyon ang muling bumuhay kay Kristo at nagluklok sa kanya sa kalangitan, sa kanan ng Diyos. Kaya’t nasa ilalim ng kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan. Higit ang kanyang pangalan kaysa lahat ng pangalan, hindi lamang sa panahong ito kundi pati sa darating. Ipinailalim ng Diyos sa kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng bagay, at siya ang ginawang ulo ng Simbahan. Ito ang katawan ni Kristo, ang kapuspusan niya na pumuspuspos sa lahat-lahat.
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYA
Mateo 28. 19a. 20b
Aleluya! Aleluya!
Humayo’t magturo kayo
palaging kasama ako
hanggang sa wakas ng mundo.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Mateo 28, 16-20
Ang wakas ng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, ang Labing-isang alagad ay nagpunta sa Galilea, sa bundok na itinuro sa kanila ni Hesus. Nang makita nila si Hesus, siya’y sinamba nila, bagamat may ilang nag-alinlangan. Lumapit si Hesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa Lupa. Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo. Tandaan ninyo: ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Sabado, Mayo 16, 2026
Lunes, Mayo 18, 2026 »




{ 11 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Ipinagdiriwang natin ngayong Linggo ang Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoon. Ang itinuturing na Ika-2 Misteryo ng Luwalhati sa Santo Rosaryo ay naganap 40 araw matapos ang Muling Pagkabuhay ng Panginoon. Makikita natin sa panunulat ni San Lucas sa Unang Pagbasa na matapos muling mabuhay si Hesus at magpakita sa kanyang mga alagad ay nagpakilala siya at gumawa ng mga iilang kababalaghan sa loob ng 40 araw. Makikita natin dito na kahit patapos na ang kanyang misyon sa lupa, patuloy pa rin ang misyong ito upang ipalaganap sa buong mundo. Kaya ito ang pagkakataong isusugo niya ang mga Apostol upang ipahayag ang Mabuting Balita sa lahat ng mga bansa mula Jerusalem hanggang sa Palestina at Israel. At aabot din ang mensahe ng Diyos hanggang sa pinakahuling dako ng mundo. Ang salaysay ni San Mateo ay ang pagsusugo sa mga Apostol na humayo at maging mga alagad sa lahat ng bansa. Ito yung magiging misyon nila na patuloy ang pag-iiral ng pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang sambayanang ibinukod, ang Simbahan na kanyang kinalulugdan.
Ngayong Kapistahan ng Pag-akyat ay tinatawag ding Pandaigdigang Araw ng mga Komunikasyon. Ipinapanalangin ng Simbahan na ang bawat larangan ng media ay maging tapat sa pamamahayag ng totoong balita, at hindi magkalat ng “fake news” upang manira ng kapwa tao. Sa kabila ng mga balita ng kaguluhan, karahasan, kalungkutan, at hidwaan, patuloy pa rin ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita. At kahit anumang mangyari sa ating buhay, magiging totoo ang pangako ni Hesus na sasamahan niya tayo hanggang sa katapusan ng panahon. Kaya ang kanyang maluwalhating pag-akyat ay tanda na gaya ng pagpunta ng Ulo patungo sa kanyang Kaharian, ang Katawang kumatawan sa atin ay susunod sa kanya upang makamtan ang lugar na pinaghandaan niya sa atin. Kaya nawa’y magkaroon tayo ng pag-asa na makakamit natin balang araw ang buhay na walang hanggan sa patuloy na pagiging saksi ng Mabuting Balita tungkol sa Paghahari ng Diyos sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO ALLELUIA ALLELUIA ALLELUIA!
Sharing from the Sunday Readings Matthew 28:
“Go!” Mula pagkabata hanggang sa ating pagtanda babalik at babalik tayo sa salitang go o humayo na nasa ating mga pagbasa (1st reading and Gospel). Isang salita ng ating Panginoong Jesus nang pagtitiwala na kaya nating humakbang at maglakad ng malaya tulad nang tayo’y nagsisimula pa lamang sa paglalakad. Go Lang anak! Kaya mo Yan! Mga salitang naglalaro sa aking isipan habang malayo sa aking mga mahal na Magulang. Sa paglipas ng maraming taon ako naman ang magsasabi nito, sige humayo ka na ng mapayapa. May kirot at lungkot ang bawat paglisan pero isang simula Ito ng bagong paglalakbay at ipagpatuloy ang sinimulan ng ating Panginoong Jesus at kanyang mga unang alagad. Sa gitna nang Pandemya, tayo’y magpatuloy at magtiwala sa Panginoon na may bagong bukas para sa ating lahat. Gawin natin nang may galak ang paggawa nang kabutihan sa pagtulong sa mga nangangailangan na Kapatid sa loob at labas ng ating pananampalataya sa ngalan ng Ama, Anak, at Ispiritu Santo. Amen
To God Be All The Glory In Jesus Name…Amen!
Pagninilay: Ipagdiriwang natin bukasang Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoon at Ika-Animnapung World Communications’ Day. Ang itinuturing na Ika-2 Misteryo ng Luwalhati sa Santo Rosaryo ay naganap 40 araw matapos ang Muling Pagkabuhay ng Panginoon. Makikita natin sa panunulat ni San Lucas sa Unang Pagbasa na matapos muling mabuhay si Hesus at magpakita sa kanyang mga alagad ay nagpakilala siya at gumawa ng mga iilang kababalaghan sa loob ng 40 araw. Makikita natin dito na kahit patapos na ang kanyang misyon sa lupa, patuloy pa rin ang misyong ito upang ipalaganap sa buong mundo. Kaya ito ang pagkakataong isusugo niya ang mga Apostol upang ipahayag ang Mabuting Balita sa lahat ng mga bansa mula Jerusalem hanggang sa Palestina at Israel. At aabot din ang mensahe ng Diyos hanggang sa pinakahuling dako ng mundo. Ang salaysay ni San Mateo ay ang pagsusugo sa mga Apostol na humayo at maging mga alagad sa lahat ng bansa. Ito yung magiging misyon nila na patuloy ang pag-iiral ng pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang sambayanang ibinukod, ang Simbahan na kanyang kinalulugdan.
Sa Kapistahan ng Pag-akyat ay tinatawag ding Pandaigdigang Araw ng mga Komunikasyon. Ipinapanalangin ng Simbahan na ang bawat larangan ng media ay maging tapat sa pamamahayag ng totoong balita, at hindi magkalat ng “fake news” upang manira ng kapwa tao. Sa kabila ng mga balita ng kaguluhan, karahasan, kalungkutan, at hidwaan, patuloy pa rin ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita. At kahit anumang mangyari sa ating buhay, magiging totoo ang pangako ni Hesus na sasamahan niya tayo hanggang sa katapusan ng panahon. Kaya ang kanyang maluwalhating pag-akyat ay tanda na gaya ng pagpunta ng Ulo patungo sa kanyang Kaharian, ang Katawang kumatawan sa atin ay susunod sa kanya upang makamtan ang lugar na pinaghandaan niya sa atin. Kaya nawa’y magkaroon tayo ng pag-asa na makakamit natin balang araw ang buhay na walang hanggan sa patuloy na pagiging saksi ng Mabuting Balita tungkol sa Paghahari ng Diyos sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
PAGNINILAY:
Mateo 28:16-20
Maligayang Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon sa Langit!
Maraming biblical scholars ang nagsasabing ang buong Ebanghelyo ni San Mateo ay nagsimula at nagtapos sa tema ng:
“God with us” — Emmanuel.
Sa simula:
“Tatawagin siyang Emmanuel na ang ibig sabihin ay ‘Kasama natin ang Diyos’ (Mateo 1:23).
At sa wakas:
“Ako’y laging kasama ninyo.”
(Mateo 28:20)
Remarkably, mula simula hanggang wakas ng Ebanghelyo, ipinapahayag ni San Mateo na si Hesus ay Diyos na nananatiling kasama ng Kanyang bayan.
Kaya ang Pag-akyat sa Langit ay hindi pagtatapos ng presensya ni Kristo—ito ay simula ng misyon ng Simbahan na dala ang katiyakang:
“Kasama natin ang Diyos.”
Sa pagtatapos ng Mabuting Balita ayon kay San Mateo, hindi nagwawakas ang misyon ni Hesus—bagkus ay dito nagsisimula ang misyon ng Simbahan. Ang Pag-akyat ni Hesus sa Langit ay hindi paglayo kundi pagpasok Niya sa ganap na kaluwalhatian ng Ama upang manatili Siyang kasama natin sa mas malalim na paraan.
Kapansin-pansin na bago ibigay ni Hesus ang dakilang misyong “Humayo kayo,” binanggit sa Ebanghelyo na may ilan sa mga alagad na “nag-alinlangan.” Napakaganda ng katotohanang ito sapagkat ipinapakita nitong ang Diyos ay hindi lamang tumatawag sa mga perpekto. Tinatawag Niya maging ang mga may takot, pagdududa, at kahinaan. Ang pundasyon ng misyon ay hindi lakas ng tao kundi kapangyarihan ni Kristo.
Ang Pag-akyat ni Hesus sa Langit ay tanda rin ng pag-angat ng ating pagkatao. Sa pag-akyat ni Kristo, dinala Niya ang sangkatauhan sa piling ng Ama. Kaya ang Langit ay hindi na isang malayong pangarap lamang kundi isang pangakong binuksan ni Kristo para sa atin. Ang ating tunay na tahanan ay nasa Diyos.
Ngunit bago makarating sa kaluwalhatian, may misyong ipinagkatiwala si Hesus:
“Humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa.”
Hindi sinabi ni Hesus na manatili lamang sa loob ng simbahan. Ang pananampalataya ay hindi dapat ikinukubli sa sarili lamang kundi ibinabahagi. Ang bawat Kristiyano ay isinugo upang maging buhay na saksi ng Mabuting Balita sa tahanan, komunidad, social media, ministeryo, at pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang “Pag-akyat sa Langit” ay hindi simpleng pisikal na pag-alis ni Hesus. Sa teolohiya ng Simbahan, ito ang “Enthronement of Christ” — ang pagluklok kay Kristo bilang Hari ng langit at lupa. Kaya sinabi Niya:
“Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa.”
Ito rin ang katuparan ng propesiya ni Propeta Daniel tungkol sa Anak ng Tao na binigyan ng walang hanggang paghahari. Sa Pag-akyat ni Kristo, nagsimula ang panahon ng Simbahan bilang misyunerong bayan ng Diyos.
Ang pinakamatinding katiyakan na winika ng Panginoong Hesus ay:
“Ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.”
Ito ang presensya ni Kristo sa:
-Banal na Eukaristiya
-Salita ng Diyos
-Simbahan
-sa mahihirap at nangangailangan
-at sa bawat pusong nananalig sa Kanya.
Ang tanong ng Ebanghelyo sa ating mga sarili:
-Ako ba ay tunay na saksi ni Kristo sa aking pamilya at komunidad?;
-May mga pagkakataon bang ikinahihiya kong ipahayag ang aking pananampalataya?; at
-Paano ko maibabahagi ang Mabuting Balita sa simpleng paraan araw-araw?
Minsan, ang pinakamakapangyarihang pangangaral ay hindi salita kundi nasa mabuting halimbawa, kababaang-loob, pagpapatawad, at pagmamahal.
Word of the Day: “Humayo”
Ang pananampalataya ay hindi nananatiling nakaupo lamang—ito ay ipinapadala. Ang tunay na alagad ay humahayo upang dalhin si Kristo sa iba.
Panalangin:
Panginoong Hesus,
sa Iyong pag-akyat sa Langit, pinatibay Mo ang aming pag-asa at binigyan Mo kami ng misyon. Turuan Mo kaming maging matatapang na saksi ng Iyong pag-ibig at katotohanan. Sa gitna ng aming kahinaan at alinlangan, ipaalala Mong Ikaw ay laging kasama namin. Gawin Mo kaming ilaw ng sanlibutan at daluyan ng Mabuting Balita sa lahat.
Amen.
ssalamat sa Diyos at sa kanyang banal na Espitu sa wisdom at sa mas malalim na reflection na ibinibigay Niya sa pamamagitan ninyo. Naway patuloy Niya kayong pagpalain na maibahagi sa iba ang Kanyang mabuting balita.
salamat sa Diyos at sa kanyang banal na Espitu sa wisdom at sa mas malalim na reflection na ibinibigay Niya sa pamamagitan ninyo. Naway patuloy Niya kayong pagpalain na maibahagi sa iba ang Kanyang mabuting balita.
Kasama ninyo ako sa lahat ng araw hanggang sa wakas ng panahon. Humayo at Ihayag. Kilala ito bilang isang kanta sa simbahan sa linggong ito, itong Hamon at utos ni Jesu Kristo. Ipinagdirawang natin ang pag-akyat ni Jesus pabalik sa Ama o Ascension Sunday.
Ipinahayag natin na si Jesu Kristo ay bumalik sa kalangitan hindi upang mawalay sa atin o iwan tayo kundi para ituro sa atin kung saan tayo papunta ang hantungan ng buhay sa tahanan ng Ama. At ipinapangako rin niya sa mga alagad sa huling linya ng ating ebanghelyo kasama ninyo ako hanggang sa wakas ng panahon. Hindi niya tayo iniiwan kundi tinuturo ang habang buhay na tahanan.
At bago umakyat si Jesus ibinilin niya sa mga alagad ang dalawang bagay, ang paghayo at pagpapahayag. Go into the nations and baptize them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit. Hindi lang ito simpleng pagpapadala kundi diligan din sila ng kapangyarihan at antas na gawing kaanib ng simbahan ang lahat ng mga bansa upang ang lahat ay maging kaisa sa buhay at misteryo ng Diyos.
Ipinapayag natin ang sinasabi at inaatas sa atin sa bawat pagtatapos ng Misa kaya naririnig natin ang salitang Go o humayo kayo. Ipinapadala rin tayo tulad ng mga apostol kasabay nito ang pagpapahayag hindi lang sa salita ng Diyos, sa ating gawa at pamumuhay sa ating pakikipagkapwa tao.
Ang pag-akyat ni Jesus sa langit ay hindi paglayo sa atin. Ang langit/kaharian ng Diyos ay nasa puso ng taong nanalig; ikaw ay nasa langit kapag nararanasan mo ang Diyos.
Impyerno pag malayo sa Diyos.
Pag-akyat ni Jesus, pag-uwi sa ama, pag-uwi sa ating mga puso.
Mahalagang malinis ang ating kalooban.
Pagdating ng Panginoon sa atin sa pamamagitan ng kaniyang Banal na Espiritu, make the Lord welcome into our hearts.
Make our houses homely. May pag-unawaan, pagmamahalan at pagpapatawad.
Sabihin sa Diyos ang galit, ang reklamo na nararamdaman, pero huwag iparanas sa ibang tao.
Huwag maging dahilan kung bakit umuwi ang isang tao.
Kapag ang tao ay masaya kasama tayo, buhay na buhay ang Diyos sa atin.
Welcome Home.
Amen
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good
#GvSunday
Blessed2026
Thank you, Lord, for a new day. Praying for a healing heart, peace, and strength. #BlessedEaster #PeaceInMiddleEast
Sa unang pagbasa ay sinulatan ni Lucas ang isang gentil na may mataas na posisyon ng Roma hinggil kay Jesus. Sa Lucas 1:1 at tinawag siya kagalang-galang:
“Kagalang-galang na Teofilo, marami na po ang nagsikap na sumulat tungkol sa mga bagay na naganap sa kalagitnaan namin.”
Subalit sa sulat ni Lucas sa Gawa 1:1, tinawag si Teofilo bilang minamahal na kapatid na sa pananampalataya. Ang pangangaral sa isang mataas na opisyal ay nagbunga kinalaunan na maligtas din at maging kapatid rin kay Cristo si Teofilo.
“Mahal na Teofilo, Isinalaysay ko sa aking unang aklat ang lahat ng ginawa at itinuro ni Hesus buhat sa pasimula hanggang sa araw na siya’y umakyat sa langit. Bago siya umakyat, tinagubilinan niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo ang mga apostol na kanyang hinirang. Pagkatapos ng kanyang pagbabata, maraming ulit siyang napakita sa kanila. Sa gayon, napatunayang siya’y buhay. Napakita sya sa kanila sa loob ng apatnapung araw at nagturo tungkol sa paghahari ng Diyos. At samantalang siya’y kasama-sama pa nila, kanyang tinagubilinan sila: “Huwag muna kayong aalis sa Jerusalem. Hintayin ninyo roon ang ipinangako ng Ama na sinabi ko na sa inyo. Nagbinyag nga sa tubig si Juan, ngunit di na magtatagal at bibinyagan kayo sa Espiritu Santo.”Kaya’t nang magkasama-sama si Jesus at ang mga alagad, nagtanong ang mga ito, “Panginoon, itatatag na ba ninyong muli ang kaharian ng Israel?” Sumagot siya, “Ang mga panahon at sandali ay itinakda ng Ama sa kanyang sariling kapangyarihan, at hindi na kailangan pang malaman ninyo kung kailan iyon. Ngunit bibigyan kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.” Pagkasabi nito, siya’y iniakyat sa langit samantalang nakatingin sila sa kanya; at natakpan siya ng ulap.Habang sila’y nakatitig sa langit, dalawang lalaking nakaputi ang biglang tumayo sa tabi nila. “Mga taga-Galilea,” sabi nila, “Bakit kayo narito’t nakatingala sa langit? Itong si Hesus na umakyat sa langit ay magbabalik tulad ng nakita ninyong pag-akyat niya.”
Sa ikalawang pagbasa, ipinahayag ni apostol Pablo ang kahalagahan na matanggap ang Espiritu Santo sapagkat ito rin ang kapangyarihan ng Dios na bumuhay muli sa mga naligtas sa pagdating ni Jesus. At matatanggap lamang ang Espiritu kung mapakinggan at mapanaligan ng tao ang nakapaloob biyaya sa pangalan ni Jesus.
“Hinihiling ko sa Diyos ng ating Panginoong Jesukristo, ang dakilang Ama, na pagkalooban niya kayo ng espiritu ng karunungan at ng tunay na pagkakilala sa kanya. Nawa’y liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo ang ating inaasahan sa kanyang pagkatawag sa atin. Ito’y ang kaluwalhatiang inilaan niya sa kanyang mga hinirang, at ang walang hanggang kapangyarihan niya sa atin na mga nananalig sa kanya. Ang kapangyarihan ding iyon ang muling bumuhay kay Kristo at nagluklok sa kanya sa kalangitan, sa kanan ng Diyos. Kaya’t nasa ilalim ng kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan. Higit ang kanyang pangalan kaysa lahat ng pangalan, hindi lamang sa panahong ito kundi pati sa darating. Ipinailalim ng Diyos sa kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng bagay, at siya ang ginawang ulo ng Iglesia. Ito ang katawan ni Kristo, ang kapuspusan niya na pumuspuspos sa lahat-lahat.”
Sa gospel reading, nangako si Jesus ng proteksiyon sa mga nagpapalaganap ng kaligtasan hanggang sa huling yugto nito .
“Lumapit si Hesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa Lupa. Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko sa inyo. Tandaan ninyo: ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.”
Kumusta naman tayo. Sa Diablo parin ba tayo takot gayong naibigay na kay Jesus ang lahat ng kapangyarihan sa langit at lupa upang protektahan ang mga nagpapalaganap ng kaligtasan? Hindi ba kay Jesus tayo dapat matakot na labagin ang habilin niyang “great commission” upang mabuo na ang bilang ng mga gentil na dapat maligtas (Roma 11:25)?