Linggo, Abril 19, 2026

April 19, 2026

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A)
Missalette (Tagalog)

Taglay ang mga pusong pinag-alab ng Salita ng Diyos na kapapahayag at kapapaliwanag pa lamang, idulog natin ang ating mga panalangin para sa pangangailangan ng mundo at ng bawat isa sa atin. Sama-sama tayong manalangin:

Mahabaging Hesus, dinggin ang aming panalangin.

Para sa Simbahan, na tagapag-ingat ng Salita ng Diyos: nawa buong linaw Niyang maipahayag ito upang maliwanagan ang isipan ng mga tao at maganyak ang kanilang mga puso para isabuhay nila ito. Manalangin tayo.

Para sa Santo Papa at sa iba pang pinuno ng Simbahan: sa pamamagitan ng kanilang pagtuturo, nawa lumalim ang ating kamalayan sa Muling Pagkabuhay at sa buhay na kapangyarihan nito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Manalangin tayo.

Para sa lahat ng magulang at guro: sa diwa ni Kristong Muling Nabuhay, sila nawa’y makapagkintal sa mga puso ng kanilang mga anak at ng mga tinuturuan ng kapayapaan, galak, at hangaring maging mabuting tao. Manalangin tayo.

Para sa lahat ng nabibigatan dahil sa mga pagkabigo at pagkadismaya sa buhay: nawa matagpuan nila kay Kristong Muling Nabuhay ang liwanag at lakas ng loob na nagpasigla sa puso ng dalawang alagad na naglalakbay patungong Emaus. Manalangin tayo.

Panginoong Hesus, salamat sa paglalakad Mong kasama namin sa paglalakbay ng buhay. Alisin Mo ang aming mga pag-aalinlangan, hilumin Mo ang aming mga sugat, at papaghatian Mo kami ng Tinapay ng Buhay, hanggang makarating kaming kasama Ka sa aming tunay na tahanan sa langit, Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 10 comments… read them below or add one }

Reynald Perez April 18, 2020 at 6:21 am

Pagninilay: Patuloy nating sinasariwa ang kaligayahang dulot ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo. Ang Ebanghelyo ngayon ay naranig na natin noong Miyerkules sa loob ng Walong Araw o Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay. Ito yung patukoy sa dalawang alagad na naglalakbay sa nayon ng Emaus. Tatlong “P” ang nais iparating na mensahe sa atin:
1.) PAGPAPAKITA NI HESUS: Walang manunulat ng Ebanghelyo ang makasasabi kung anong nangyari nang si Hesus ay muling nabuhay. Ngunit inilalarawan nila na siya’y nagpakita sa maraming tao upang patunayan na siya’y namatay at muling nabuhay para bigyan tayo ng bagong pag-asang magdudulot sa ating misyon sa buhay. Kaya nang nagpakita si Hesus sa dalawang alagad na ito, hindi nila nakikila sapagkat nagduda sila tungkol sa kanyang Pagpapakasakit at Pagkamatay sa Krus, dahil nga katulad ng maraming humahanga sa kanya, inaasahan nila siya’y magiging dakilang mandirigmang lulupig sa mga Romano upang itayo ang bagong kaharian ng Israel. Pero sa pagpapakita sa kanila ni Hesus, ibinuksan niya muli ang kanilang mga puso at itinuro ang nakasaad sa sinabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa kanya at ang kanyang misyon bilang Mesiyas, mula kay Moises hanggang sa mga propeta.
2.) PAGLALAKBAY KASAMA SI HESUS: Nang nagpakita si Hesus sa dalawang alagad, sumabay siya sa kanila at tinanong ang kanilang pinag-uusapan at pinagtatalunan. Kaya ganyan ang pagpapaliwanag niya sa kanila tungkol sa kanyang misyong nagmula mismo sa Diyos Ama, na ayon na din sa isinalaysay ng Banal na Kasulatan. Ang palalakbay kasama si Hesus ay ipinapahiwatig sa atin na ang Diyos ay kasama natin sa bawat oras at pagkakataon. Wala siyang ninais ng masama o pagdurusa, ngunit tayo’y nagdudurusa sapagkat dito’y sumusukat ang ating katatagan at pananampalataya sa kanya. At tayo’y nabiyaya ng kaligtasan dahil itong Diyos na ito ay niloob na tayo’y kanyang kinupkop bilang mga anak niya at tayo’y makibahagi sa kanyang mensahe ng pag-ibig. Ito’y naganap nang si Hesus ay nagpakasakit at namatay upang ipawalang-sala tayo mula sa ating pagsusuway, pagmamakasarili, at pagkukulang. Siya’y muling nabuhay para tayo’y bigyan ng bagong pag-asa at nabubuhay na pananampalataya.
3.) PAGKILALA NATIN KAY HESUS: Inanyaya ng dalawang alagad na makituloy si Hesus sa kanila sa gabi. At sa pagkakataong iyon, nakilala nila siya sa paghahati ng tinapay. Naintindihan at naunawaan nila ang pagtuturo sa kanila ng Panginoon at paghahati ng tinapay. Yung gabing naganap iyan ay maaaring gabi ng ating kalungkutan at alinglangan sapagkat nang mabuksan ang kanilang mga puso’t isipan at nakilala si Hesus, ibinalita nila sa mga Apostol ang pagtatagpo nila kasama ang Panginoon. Itong Ebanghelyong ito ay tumutukoy sa istruktura ng Banal na Eukaristiya, na kung saan inilalapit natin ang ating mga kalooban na makinig sa ipinangaral na Salita at tanggapin nang may kababang-loob ang Kabanal-banalang Katawan ng ating Panginoon, ang katawang nadurog na may dalang pag-ibig upang tao’y akayin muli mula sa ating pagkakasala tungo sa ipinangakong buhay na walang hanggan sa kalangitan.
Mga kapatid, ang tatlong “P” na ito ay nagsisilbi sa katotohanang hindi matitinag anuman ng kasinungalingan, pagtatakpan, at pagdududa: ang Pagkabuhay na mag-uli ni Hesukristo. Ang Diyos ay nagpapakita sa atin ng mga tao, bagay, at pangyayari upang ipaala sa atin na dapat tayo’y makibahagi sa kanyang plano ng pagmamahal, katulad ng ginawa niya nang tayo’y iniligtas sa pamamagitan ng Misteryong Paskwal ng kanyang Anak. Ang Diyos ay naglalakbay kasama natin upang ipakita na siya’y nasa piling natin at nawa’y dapat manalig tayo sa kanya kahit sa mga oras ng pagsubok sa buhay. At ang magandang tugon natin ay yung pagkilala natin sa kanya. Ang bawat pagsamba natin sa kanya lalung-lalo tuwing tayo’y dumadalo sa Banal na Misa ay may kaakibat na taimtim na panalangin para sa kahilingan natin at ng ibang tao, at mas higit pa ang pagsasaloob natin sa kanyang dakilang plano para sa ikakabuti at ikaliligtas ng marami. At ito’y patunay na anumang balakid, pagsusuway, at pagmamatigas ng tao, palaging magtatagumpay ang Diyos, katulad ng tagumpay ni Hesukristo mula sa kamatayan.

Reply

Mel Mendoza April 20, 2023 at 1:51 pm

Ang ebanghelyo sa ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ay panawagan din ito sa ating lahat na mananampalataya ng katulad ng panawagan sa atin ni Papa Francisco sa sinodo na tayo ay makilakbay na bilang iisang simbahan patungo sa kaharian ng Diyos. Tayong mga mananampalataya ay inaasahang na makapanghikayat ng iba pa sa isang paraang ekunumikal na walang pipiliin lalo higit doon sa mga pinanghihinaan na ng loob at nasa lugmok na kalagayan ng pananampalataya.

Reply

Joshua S. Valdoz April 18, 2026 at 2:40 pm

Pagninilay: Patuloy nating sinasariwa ang kaligayahang dulot ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo. Ang Ebanghelyo bukas ay narinig na natin noong Miyerkules sa loob ng Walong Araw o Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay. Ito yung patukoy sa dalawang alagad na naglalakbay sa nayon ng Emaus. Tatlong “P” ang nais iparating na mensahe sa atin:
1.) PAGPAPAKITA NI HESUS: Walang manunulat ng Ebanghelyo ang makasasabi kung anong nangyari nang si Hesus ay muling nabuhay. Ngunit inilalarawan nila na siya’y nagpakita sa maraming tao upang patunayan na siya’y namatay at muling nabuhay para bigyan tayo ng bagong pag-asang magdudulot sa ating misyon sa buhay. Kaya nang nagpakita si Hesus sa dalawang alagad na ito, hindi nila nakikila sapagkat nagduda sila tungkol sa kanyang Pagpapakasakit at Pagkamatay sa Krus, dahil nga katulad ng maraming humahanga sa kanya, inaasahan nila siya’y magiging dakilang mandirigmang lulupig sa mga Romano upang itayo ang bagong kaharian ng Israel. Pero sa pagpapakita sa kanila ni Hesus, ibinuksan niya muli ang kanilang mga puso at itinuro ang nakasaad sa sinabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa kanya at ang kanyang misyon bilang Mesiyas, mula kay Moises hanggang sa mga propeta.
2.) PAGLALAKBAY KASAMA SI HESUS: Nang nagpakita si Hesus sa dalawang alagad, sumabay siya sa kanila at tinanong ang kanilang pinag-uusapan at pinagtatalunan. Kaya ganyan ang pagpapaliwanag niya sa kanila tungkol sa kanyang misyong nagmula mismo sa Diyos Ama, na ayon na din sa isinalaysay ng Banal na Kasulatan. Ang palalakbay kasama si Hesus ay ipinapahiwatig sa atin na ang Diyos ay kasama natin sa bawat oras at pagkakataon. Wala siyang ninais ng masama o pagdurusa, ngunit tayo’y nagdudurusa sapagkat dito’y sumusukat ang ating katatagan at pananampalataya sa kanya. At tayo’y nabiyaya ng kaligtasan dahil itong Diyos na ito ay niloob na tayo’y kanyang kinupkop bilang mga anak niya at tayo’y makibahagi sa kanyang mensahe ng pag-ibig. Ito’y naganap nang si Hesus ay nagpakasakit at namatay upang ipawalang-sala tayo mula sa ating pagsusuway, pagmamakasarili, at pagkukulang. Siya’y muling nabuhay para tayo’y bigyan ng bagong pag-asa at nabubuhay na pananampalataya.
3.) PAGKILALA NATIN KAY HESUS: Inanyaya ng dalawang alagad na makituloy si Hesus sa kanila sa gabi. At sa pagkakataong iyon, nakilala nila siya sa paghahati ng tinapay. Naintindihan at naunawaan nila ang pagtuturo sa kanila ng Panginoon at paghahati ng tinapay. Yung gabing naganap iyan ay maaaring gabi ng ating kalungkutan at alinglangan sapagkat nang mabuksan ang kanilang mga puso’t isipan at nakilala si Hesus, ibinalita nila sa mga Apostol ang pagtatagpo nila kasama ang Panginoon. Itong Ebanghelyong na yan ay tumutukoy sa istruktura ng Banal na Eukaristiya, na kung saan inilalapit natin ang ating mga kalooban na makinig sa ipinangaral na Salita at tanggapin nang may kababang-loob ang Kabanal-banalang Katawan ng ating Panginoon, ang katawang nadurog na may dalang pag-ibig upang tao’y akayin muli mula sa ating pagkakasala tungo sa ipinangakong buhay na walang hanggan sa kalangitan.
Mga kapatid, ang tatlong “P” na ito ay nagsisilbi sa katotohanang hindi matitinag anuman ng kasinungalingan, pagtatakpan, at pagdududa: ang Pagkabuhay na mag-uli ni Hesukristo. Ang Diyos ay nagpapakita sa atin ng mga tao, bagay, at pangyayari upang ipaala sa atin na dapat tayo’y makibahagi sa kanyang plano ng pagmamahal, katulad ng ginawa niya nang tayo’y iniligtas sa pamamagitan ng Misteryong Paskwal ng kanyang Anak. Ang Diyos ay naglalakbay kasama natin upang ipakita na siya’y nasa piling natin at nawa’y dapat manalig tayo sa kanya kahit sa mga oras ng pagsubok sa buhay. At ang magandang tugon natin ay yung pagkilala natin sa kanya. Ang bawat pagsamba natin sa kanya lalung-lalo tuwing tayo’y dumadalo sa Banal na Misa ay may kaakibat na taimtim na panalangin para sa kahilingan natin at ng ibang tao, at mas higit pa ang pagsasaloob natin sa kanyang dakilang plano para sa ikakabuti at ikaliligtas ng marami. At ito’y patunay na anumang balakid, pagsusuway, at pagmamatigas ng tao, palaging magtatagumpay ang Diyos, katulad ng tagumpay ni Hesukristo mula sa kamatayan.

Reply

Ruel April 18, 2026 at 5:32 pm

Ang dalawang alagad na patungo Emmaus ay isang karanasan na pag Ang isang taong meron pinadadaan ay hindi mo nakiikila yung mga taong kasabay mo .Na ito palang mga Tao ito ay mga makakatulong sa iyo para samahan ka at ibalik ka sa kaliwanagan ng buhay.

Reply

Dexter April 18, 2026 at 8:11 pm

Ang dalawang alagad na patungo Emmaus ay isang karanasan na pag Ang isang taong meron pinadadaan ay hindi mo nakiikila yung mga taong kasabay mo .Na ito palang mga Tao ito ay mga makakatulong sa iyo para samahan ka at ibalik ka sa kaliwanagan ng buhay.

Reply

Dexter Marcial April 18, 2026 at 8:11 pm

dalawang alagad na patungo Emmaus ay isang karanasan na pag Ang isang taong meron pinadadaan ay hindi mo nakiikila yung mga taong kasabay mo .Na ito palang mga Tao ito ay mga makakatulong sa iyo para samahan ka at ibalik ka sa kaliwanagan

Reply

Danilo Marcial April 18, 2026 at 8:13 pm

Pasko ng Muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo. Ang Ebanghelyo ngayon ay naranig na natin noong Miyerkules sa loob ng Walong Araw o Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay. Ito yung patukoy sa dalawang alagad na naglalakbay sa nayon ng Emaus. Tatlong “P” ang nais iparating na mensahe sa atin:
1.) PAGPAPAKITA NI HESUS: Walang manunulat ng Ebanghelyo ang makasasabi kung anong nangyari nang si Hesus ay muling nabuhay. Ngunit inilalarawan nila na siya’y nagpakita sa maraming tao upang patunayan na siya’y namatay at muling nabuhay para bigyan tayo ng bagong pag-asang

Reply

nolan astoveza April 19, 2026 at 6:39 am

katulad ng dalawang alagad kung paanong imbitahan si hesus sa kanilang tahanan upang makilala pa nilang lubusan si hesus, sanay ganunrin tayo na patuluyin natin si hesus sa ating mga pusi at tahanan ng lubusan nating makilala ang kadakilaan ng ating panginoon,
sapag sabay ni hesus sa dalawang alagad makikita natin dito na sbawat oraas ay maaring makasabay natin ang panginoon ng hindi natin nakikilala, ngunit maging isang halimbawa sana tayo sa iba na hindi natin nakikila o kakilala na baka isa sa mga nakakasalamuha natin ay silang mag bibibgay saatin ng kaliwanagan at pagasa sa ating buhay upang maging succesfull tayo.. sa ating pag lalakbay nawa patuloy tayung humakbang ng Tama, pasulung kasama si hesus upang umalay sabawat hakbang natin sa landas ng ating buhay.. dahil ang liwanag sadilim ay mas nag niningning kung sa puso natin si hesus ang uunahin
amen

Reply

BdKz April 19, 2026 at 2:04 pm

Presensya,pakikinig,pagmamahal, mga regalo sa isang tao na hindi siya nag-iisa.
You cannot give what you do not have.
Go back to Jesus – spend more time with God before spending time with other people. Manalili sa Panginoon – presensya,pakikinig,pagmamahal. Mapupuno ng grasya na puwedeng ipagkaloob sa iba. Puwede maging instrumento para sa pagbabago ng buhay ng ibang tao. Magpabago muna sa tulong ng grasya ng pagpapala ng Diyos.
Amen
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good
Blessed2026
Thank you, Lord, for a new day. Praying for a healing heart, peace, and strength. #BlessedEaster #PeaceInMiddleEast#GvSunday

Reply

Jovy Uy April 19, 2026 at 9:28 pm

PAGNINILAY

Sa unang pagbasa, pinatunayan ng mga apostol na ang propesiya ni haring David ay natupad sa pagkabuhay muli ni Jesus na siyang rurok ng pagkalubos ng kaligtasan ng mga tao (Roma 10:9-10).

“Mga kapatid, masasabi ko sa inyo nang tiyakan na ang patriyarkang si David ay namatay at inilibing; naririto ang kanyang libingan hanggang ngayon. Siya’y propeta at nalalaman niya ang pangako sa kanya ng Diyos: na magiging haring tulad niya ang isa sa kanyang mga inapo. Ang muling pagkabuhay ng Mesiyas ang nakita’t hinulaan ni David nang kanyang sabihin:‘Hindi siya pinabayaan sa daigdig ng mga patay;
At hindi itinulot na mabulok ang kanyang in katawan.’Itong si Hesus ay
muling binuhay ng Diyos, at saksi kaming lahat sa bagay na ito. Nang itaas siya sa kanan ng Diyos, tinanggap niya sa kanyang Ama ang ipinangakong Espiritu Santo at ito’y kanyang ipinagkaloob sa amin, tulad ng inyong nakikita at naririnig ngayon.”

Ikalawang pagbasa, pinatunayan ni apostol Pablo na sa paskal lamang ni Jesus maliligtas ang tao sa kasalanan at walang hanggang kamatayan sa impierno.

“Alam ninyo kung ano ang itinubos sa inyo sa walang kabuluhang pamumuhay na inyong minana sa inyong mga magulang. Ang itinubos sa inyo’y di mga bagay na nasisira o nauubos, paris ng ginto o pilak, kundi ang buhay ni Kristong inihain sa krus. Siya ang Korderong walang batik at kapintasan. Itinalaga na siya ng Diyos sa gawaing ito bago pa nilikha ang daigdig, at alang-alang sa inyo, ipinahayag siya bago sumapit ang katapusan ng mga panahon. Dahil sa kanya, nanalig kayo sa Diyos na sa kanya’y muling bumuhay at nagparangal, anupat ang inyong pananampalataya at pag-asa ay nasa Diyos.”

Sa gospel reading, ipinahayag ni Jesus na ang komunyon na simbolo ng kanyang paskal ay naipaparating sa puso at isip ng tao na maitanim at mapaniwalaan ito bilang natatanging paraan upang maligtas ang tao.

“Nang siya’y kasalo na nila sa hapag, dumampot siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos, saka pinaghati-hati at ibinigay sa kanila. Nabuksan ang kanilang paningin at nakilala nila si Hesus, subalit ito’y biglang nawala. At nawika nila, “Kaya pala gayon ang pakiramdam natin habang tayo’y kinakausap sa daan at ipinapaliwanag sa atin ang mga Kasulatan!”Noon di’y tumindig sila at nagbalik sa Jerusalem. Naratnan nilang nagkakatipon ang Labing-isa at ang ibang mga kasama nila na nag-uusap-usap, “Muli ngang nabuhay ang Panginoon! Napakita kay Simon!” At isinalaysay naman ng dalawa ang nangyari sa daan, at kung paano nila siyang nakilala nang paghati-hatiin niya ang tinapay.”

Kumusta naman tayo. Naipapaalam ba sa atin ang paskal ni Jesus sa tuwing may komunyon tayo at nakapaniwala tayo ng lubos sa paraang ito ng pagliligtas ng sangkatauhan?

“Ipahayag mong si Jesus ay Panginoon at sampalatayanan mo sa iyong puso na binuhay siyang mag-uli ng Diyos. Kapag ginawa mo ito, ikaw ay maliligtas.  Ito ay sapagkat sa pamamagitan ng puso ikaw ay sumasampalataya patungo sa pagiging-matuwid. Sa pamamagitan ng bibig ikaw ay nagpapahayag patungo sa kaligtasan (Roma 10:9-10).

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: