Podcast: Download (Duration: 5:22 — 3.9MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Sabado
Taglay ang panibagong tiwala sa pag-ibig ng Diyos na laging nakahandang tumulong, ilapit natin sa kanya nang may pagpapakumbaba ang ating mga kahilingan.
Panginoon, dinggin Mo kami.
o kaya
Ikaw ang aming kapanatagan, O Panginoon.
Ang Santo Papa at mga obispo nawa’y patnubayan ng Espiritu sa kanilang pag-akay sa kawan ng Diyos lalo na sa mga krisis na hinaharap ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayo nawa’y pagkalooban ng Diyos ng masaganang biyaya ng pananampalataya upang magkaroon tayo ng tapang na harapin ang mga pagsubok sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nagpapatangay na lamang sa maunos na agos ng buhay nawa’y matagpuan ang Simbahan bilang isang payapang kanlungan, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa mga maysakit nawa’y maihatid ang habag ni Kristo sa pamamagitan natin bilang tagapaghatid ng kanyang mapagmahal na pangangalaga, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumaong tapat sa Diyos nawa’y magtamasa ng kapahingahan sa Langit sa presenya ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming Diyos, dagdagan mo ang aming pananampalataya upang ganap kaming makasalo sa buhay ng Simbahan upang matupad namin ang iyong banal na kalooban. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Biyernes, Abril 17, 2026
Linggo, Abril 19, 2026 »




{ 9 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang Muling Pagkabuhay ni Hesus ay nagdudulot sa atin ng pag-asang sumampalataya pa sa Panginoong buhay, upang malampasan natin ang bawat takot at pangamba sa ating buhay.
Ang Ebanghelyo ngayon ay ang kasunod ng pangyayari mula sa Ebanghelyo kahapon. Kung matatandaan natin, may ilan sa 5000 katao ang nais gawing Hari si Hesus, kaya’t inutos niya sa kanyang mga alagad na tumawid sa ibayo ng dagat papuntang Capernaum, habang siya naman ay aakyat ng bundok upang manalangin. At sa kanilang paglalakbay, naransan nila ang takot at pangamba nang magkaroon ng isang unos na ang kanilang bangka ay nasa punto na lulubog dahil sa lakas ng hangin at matataas na alon. At tila nga ba’y nadagdagan pa ang kanilang takot nang makita nila ang isang lalaking lumalakad sa ibabaw ng tubig, na inakala nila ito’y isang espiritu o multo. Ngunit nang magpahayag ang tao na huwag sila mangamba sapagkat siya ito, nakilala agad nila na ang Panginoong Hesukristo ang lumalakad patungo sa kanila. Kaya’t pinasakay nila si Hesus sa bangka, at nagpatuloy sila ang Capernaum.
Ang kababalaghang ito ng Paglakad ni Hesus sa Tubig at ang kanyang pagpahayag na ‘Ako Nga Ito’ ay nagpapaalala sa mga alagad ng kwento ng paglilikas ng mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Egipto. Nang magpakilala ang Diyos kay Moises sa pamamagitan ng punungkahoy na nagliliyab ng apoy, ang pangalan na ibinigay ng Panginoon ay ‘Ako Nga’. At ang isang tanyag na pangyayari sa paglilikas ng bayan ng Diyos ay ang pagtawid nila sa Dagat Pula, na nagpatunay sa tagumpay ng Diyos na naggabay at nagligtas sa kanyang bayan. Higit pa dito, ang katuparan ng plano ng Diyos Ama para sa kaligtasan ng sangkatauhan ay ang Misteryong Paskwal ng ating Panginoong Hesukristo, upang tayo ay matubos mula sa pagkaalipin ng kasalanan. Kaya ang kababalaghan ng Ebanghelyo ngayon ay nagsisilbing paaala na si Kristo ay hindi kailanma’y pinababayaan ang kanyang Simbahan, ang daong ng kaligtasan. Sa kabila ng mga hamon na hinaharap ng mga pinuno at laiko ng Simbahan, patuloy na namamalagi ang pag-ibig ng Diyos na hindi kailanma’y pababayaan ng Mabuting Pastol ang buong kawan, kahit ang isa sa kanila ay sumuway/nagkasala.
Nawa’y patuloy tayong lumapit sa ating Panginoong Muling Nabuhay sa gitna ng mga krisis, kapighatian, at paghihirap sa ating buhay na parang katulad ng unos, na patuloy tayong kumapit sa kanya, upang madaanan natin ang bawat hamon sa ating buhay nang may pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal.
“Huwag kayong matakot, ako ito”
Napakasarap marinig mula sa ating Panginoong Hesus ang salitang “huwag kayong matakot”. Ano ba ang kinatatakutan mo kapatid? Kamatayan, paghihirap, ang magutom, ang mawala sa kapangyarihan, multo, ang mawala ang mahal sa buhay, ang mawln ng pera, ang mangyayari sa kinabukasan?
Kapatid, sinabi ng Panginoon, huwag kayong matakot, andito ako.. kung panig sa atin ang Panginoon, sino ang may kayang kumalaban sa atin?
Ang aral at hamon ng ebanghelyo ngayon ay manalig ka at sumampalataya, sumunod ka lamang kay Hesus, sundin mo ang kalooban ng Diyos at sya na ang bahala sa iyo. Bakit ka mangangamba o matatakot sa kinabukasan, bakit mo poproblemahin ang mga bagay na hindi pa nangyayari?
Ang sikreto ay ito, don’t worry about anything but instead pray about everything. Huwag nyong aksyahin ang inyong panahon sa pangangamba at kaiisip, ibigay nyo lahat sa Diyos, ipagpasa Diyos ninyo lahat ng bagay, basta sumampalataya ka lamang ang sundin ang kalooban nya. Kapag sinabing sundin ang kalooban nya ay hindi tayo gagawa ng mga bagay na hindi nya kinalulugdan. Ang gantimpala mula sa langit ang kasunod.
MAGNILAY: Kapag dumarating ang bagyo ng buhay napakahalaga ang papel ng panalangin. Kahit maalon ang karagatan ng buhay nagiging kalmado tayo kapag sinasama natin ang Panginoon sa lahat ng ating pinagdadaanan. Hindi madali. Hindi nawawala nang tuluyan ang takot. Hindi naglalaho nang lubusan ang alinlangan pero mas panatag at mas nakakapag-isip nang tama kapag hinaharap natin ang lahat sa liwanag ng pananampalataya sa Diyos. Hindi tayo nilulunod ng mga matitindi nating emosyon. Hindi tayo nilulubog ng kawalan ng pag-asa. Inaangat tayo ng ugnayan natin kay Hesus. Kahit hindi pa malinaw sa ngayon ang eksaktong solusyon sa mga problema natin alam nating parating tayo doon. Isang araw nasa pampang na tayo ng ating patutunguhan.
MANALANGIN: Panginoon, itawid mo kami sa maalon na karagatan ng buhay. Kailanman huwag mo kaming bibitiwan at iiwan.
GAWIN: Pasakayin mo si Hesus sa bangka ng iyong buhay lalo kapag matindi ang alon at bagyo.
Ang bunga ng pasko ng pagkabuhay ni Hesus ay napalaya tayo sa kasalanan at nabigyan tayo ng bagong buhay! Ang pagyayari ito na nakita Nila si Hesus na naglalakad Ang Panginoon Hesus sa ibabaw ng tubig na patungo sa kanila samantala na sila’y puno ng takot. Na nais ipahiwatig na lagi nilang kasama Ang Panhioo. Ito rin Ang nais ipahiwatig sa atin nalagi nating kasama si Hesus sa atng pagpalain at Dito sa lupa kaya’t huwag tayo
Matakot. Kaya pala lagi niyang sinasabi suma inyo ang papaya pan. Dahil pinapalaahanan na lagi nating kasama si Hesus kasama natin siya lagi.
PAGNINILAY:
Juan 6, 16-21
Ang Muling Pagkabuhay ni Hesus, patuloy tayong binibigyan ng pagasa sa anumang suliranin na buhay. Sa gitna ng unos ng buhay, madalas tayong nababalot ng takot, pag-aalinlangan, at pangamba. Tulad ng mga alagad sa bangka na hinahampas ng alon, nararanasan din natin ang mga bagyo—problema sa pamilya, kabuhayan, kalusugan, at pananampalataya. Ngunit sa gitna ng kaguluhan, naroon si Hesus na dumarating—hindi upang dagdagan ang ating takot, kundi upang ito’y pawiin.
Ang katagang “Huwag kayong matakot. Ako ito!” ay hindi lamang simpleng pampalakas-loob—ito ay isang paghahayag ng presensya ng Diyos.
Ang “Ako ito” (sa Ingles: “It is I”) ay may malalim na ugat sa banal na kasulatan. Ito ay kahawig ng pagpapahayag ng Diyos sa Lumang Tipan: “I AM WHO AM.” Ibig sabihin, si Hesus ay hindi lamang guro o propeta—Siya ay ang Diyos na kasama natin sa gitna ng unos.
Mapapansin natin hindi agad pinatahimik ni Hesus ang bagyo.
Una Niyang pinatahimik ang puso ng mga alagad. Ipinapakita nito na mas mahalaga sa Diyos na alisin ang ating takot kaysa agad alisin ang ating problema.
Minsan, hindi inaalis ng Diyos ang unos—ngunit pinatitibay Niya tayo sa loob nito.
Ang pahayag ni Hesus na “Huwag kayong matakot. Ako ito!” ay isang Christological revelation—pagpapakita ng Kanyang pagka-Diyos.
•Divine Presence (Emmanuel) – Ang •Diyos ay hindi malayo; Siya ay “sumasabay” sa atin sa gitna ng bagyo.
•Faith Over Fear – Ang takot ay bunga ng kakulangan ng tiwala; ang pananampalataya ay bunga ng pagkilala kung sino si Hesus.
•Grace in the Storm – Ang presensya ni Kristo ay hindi nangangahulugang walang unos, kundi may kasama tayo sa unos.
Sa teolohiya, ang tunay na kapayapaan ay hindi kawalan ng problema, kundi presensya ng Diyos sa gitna ng problema.
Pagsasabuhay:
Kapag tayo ay nababalot ng takot, alalahanin natin ang tinig ni Hesus.
Sa halip na mag-panic, manalangin at makinig.
Harapin ang mga hamon hindi dahil kaya natin, kundi dahil kasama natin Siya. Ulitin sa sarili araw-araw:
“Hindi ako nag-iisa. Kasama ko si Hesus.”
Word of the Day: “Pagtitiwala”
Ang tunay na pananampalataya ay hindi kawalan ng takot, kundi ang pagpiling magtiwala kahit may takot.
Panalangin:
Panginoong Hesus,
Sa mga sandaling ako’y natatakot at nanghihina, ipaalala Mo sa akin ang Iyong tinig:
“Huwag kang matakot. Ako ito.”
Tulungan Mo akong magtiwala
kahit hindi ko nauunawaan ang lahat.
Patatagin Mo ang aking puso
sa gitna ng unos ng aking buhay.
Ikaw ang aking lakas,
Ikaw ang aking kapayapaan,
at Ikaw ang aking sandigan.
Manatili Ka sa aking puso, Panginoon,
ngayon at magpakailanman.
Amen.
Salamat sa Diyos
PAGNINILAY
Sa unang pagbasa, ipinapahayag dito na dapat may focus sa pangangaral ng kaligtasan na nakay Jesus at hindi mapabayaan dahil lamang sa materyal na ikabubuhay .
“Noong mga araw na iyon, dumarami na ang mga sumasampalataya at nagreklamo ang mga Helenista laban sa mga Hebreo. Sinabi nilang ang mga babaing balo sa pangkat nila ay napapabayaan sa pang-araw-araw na pamamahagi ng ikabubuhay. Kaya’t tinipon ng Labindalawa ang buong kapulungan ng mga sumasampalataya at sinabi sa kanila, “Hindi namin dapat pabayaan ang pangangaral ng salita ng Diyos upang mangasiwa sa pamamahagi ng ikabubuhay. Kaya, mga kapatid, pumili kayo ng pitong lalaking kilala sa pagiging mabuti, matatalino at puspos ng Espiritu Santo, at ilalagay namin sila sa tungkuling ito. At iuukol naman namin ang buong panahon sa pananalangin at sa pangangaral ng Salita.” Nalugod ang buong kapulungan sa panukala ng mga apostol; kaya’t pinili nila si Esteban, isang lalaking matibay ang pananalig sa Diyos at puspos ng Espiritu Santo, at sina Felipe, Procoro, Nicanor, Timon, Parmenas, at Nicolas na taga-Antioquia, isang Hentil na naakit sa Judaismo. Iniharap sila sa mga apostol; sila’y ipinanalangin ng mga ito at pinatungan ng kamay.””Patuloy na lumaganap ang salita ng Diyos; at ang sumasampalataya ay parami nang parami sa Jerusalem. At maging sa mga saserdote, marami ang sumampalataya.”
Sa Salmo, ipinahayag dito ni David na ang Dios ay tapat sa kanyang pangako na ipalaganap ang dakilang niyang pag-ibig ng Dios sa paskal ni Jesus upang ang sinumang nakabatid nito sa pakikinig ng salita Niya sa biblia ay maliligtas.
“Panginoo’y tapat sa kanyang salita,
at maaasahan ang kanyang ginawa.
Minamahal niya ang gawang matapat,
ang pag-ibig niya sa mundo’y laganap.
Sa gospel reading, ipinahayag dito ang pasimula na kapag si Jesus ay nasa bangka ng mga alagad na nagpapalaganap ay huhupa ang unos dito sapagkat may pangako siya na sasamahan sila hanggang sa katapusan ng panahon.
“Nang nagtatakipsilim na, ang mga alagad ay pumunta sa tabi ng lawa, sumakay sa bangka, patawid sa Capernaum. Madilim na’y wala pa si Hesus. Lumakas ang hangin at lumaki ang alon. Nang makagaod sila nang mga lima o anim na kilometro, nakita nila si Hesus na lumalakad sa ibabaw ng tubig, palapit sa bangka. At sila’y natakot. Ngunit sinabi niya sa kanila, “Huwag kayong matakot. Ako ito!” Tuwang-tuwa nilang pinasakay si Hesus sa bangka; at pagdaka’y sumadsad ang bangka sa kanilang patutunguhan.”
Kumusta naman tayo. Naniniwala ba tayo na sasamahan tayo ni Jesus sa ating gawaing pagliligtas ng espiritu ng tao hanggang sa katapusan ng panahon ? Prioridad ba natin ang gawaing pagbabahagi ng mabuting balita ng kaligtasan sa paskal ni Jesus (Great Commission) o mas binibigyan natin ng atensiyon ang paghahanap ng materyal na ikabubuhay ?
“Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya’t humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon (Mateo 28:18-20).
continuation ….
Sa Marcos 4:36-40, may dalawang uri ng bangka kung saan ang unang bangka ng mga alagad ay nakaranas ng kahirapan o unos sa pagtawid pero naroon si Jesus sa gitna nila habang ang ikalawang uri ay “mga bangka” na walang naranasang kahirapan at wala roon si Jesus.
Ang unang bangka ay simbolo ng grupong kinaaniban kung saan may kahirapan (persecution, etc.) na nararanasan sa pagpapalaganap ng kaligtasan na nakay Jesus kaya naroon sa gitna nila si Jesus habang ang ibang “mga bangka” ay mga grupong walang nararanasang kahirapan dahil ang gawain nila ay pagtutulungan sa pag-asenso sa materyal na pangangailangan at pagpapaasa sa mga positibong bagay na mangyayari sa buhay kaya wala sa gitna nila si Jesus .
“Kinagabiha’y sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Tumawid tayo sa ibayo.” Kaya’t iniwan nila ang mga tao at sumakay sila sa bangkang sinasakyan ni Jesus upang tumawid ng lawa. May iba pang mga bangkang nakisabay sa kanila. Habang naglalayag, inabot sila ng malakas na bagyo kaya’t ang bangkang sinasakyan nila’y hinampas ng malalaking alon at ito’y halos mapuno na ng tubig. Si Jesus ay natutulog noon sa may hulihan ng bangka, nakahilig sa isang unan. Ginising siya ng mga alagad at sinabi, “Guro, balewala ba sa inyo kung mapahamak kami?” Bumangon si Jesus at sinaway ang hangin, “Tigil!” at sinabi sa lawa, “Tumahimik ka!” Tumigil nga ang hangin at tumahimik ang lawa. Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad, “Bakit kayo natatakot? Hanggang ngayon ba’y wala pa rin kayong pananampalataya? (Marcos 4:36-40)
continuation ..
Ang nakasakay sa ibang mga bangka ay yaong mga grupo na ang hangarin kay Jesus ay upang mabigyan ng materyal o pisikal na kapakinabangan imbes na gumawa ng pagkaing di napapanis na siyang pagliligtas ng mga espiritu ng tao.
“May ibang mga bangkang dumating na mula sa Tiberias. Ito ay malapit sa pook na kung saan sila ay kumain ng tinapay pagkatapos pasalamatan ng Panginoon. Nakita nga ng mga tao na wala si Jesus maging ang mga alagad niya. Pagkatapos sumakay rin sila sa mga bangka at pumunta sa Capernaum at hinahanap nila si Jesus.Natagpuan nila siya sa kabilang dako ng lawa. Pagkakita nila, tinanong nila siya: Guro, kailan ka pumunta rito? Sumagot si Jesus sa kanila at sinabi: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Hinanap ninyo ako hindi sa dahilang nakita ninyo ang mga tanda. Ang dahilan ay nakakain kayo ng mga tinapay na sebada at nasiyahan. Huwag kayong gumawa para sa pagkaing nasisira kundi gumawa kayo para sa pagkaing mananatili sa walang hanggang buhay. Ito ay ang ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao sapagkat siya ang tinatakan ng Diyos Ama.Sinabi nga nila sa kaniya: Ano ang gagawin namin upang aming magawa ang mga gawaing mula sa Diyos? Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: Ito ang gawain mula sa Diyos, na kayo ay sumampalataya sa kaniya na isinugo ng Ama (Juan 6:23-29).