Martes, Abril 14, 2026

April 14, 2026

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Martes

Manalangin tayo sa Diyos Ama, na sa pamamagitan ng kanyang Espiritu, ay muling nabuhay si Kristo at siya ring magbibigay ng buhay sa ating mga mortal na katawan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng langit at lupa, pagpalain Mo kami.

Ang mga ginawaran ng katungkulan nawa’y pukawin ng Espiritu sa pagtupad ng kanilang pamumuno ayon sa diwa ng pag-ibig at paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang patuloy na panibaguhin sa Espiritu ang ating mga sarili at lumago tungo sa kaganapan ng pag-ibig ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa lahat ng nakikiisa sa pagdiriwang ng Eukaristiyang ito, nawa’y matulungan natin ang isa’t isa nang may pag-ibig na nagpapahayag sa Santatlo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y maipagamot at mabigyan ng lunas sa pamamagitan ng kabutihang-loob ng kanilang pamilya at mga kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y magdiwang sa maluwalhating Muling Pagkabuhay ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, ibuhos mo ang iyong Espiritu sa aming mga puso upang baguhin ang aming buhay sa pamamagitan ng buhay na kaloob sa amin ng Muling Pagkabuhay ni Kristo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Reynald Perez April 25, 2022 at 11:35 pm

PAGNINILAY: Ang Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay ay pagsasariwa ng kaligtasang dulot ng Pagpapakasakit at Pagkamatay ni Hesus, na nagkaroon ng kabuluhan nang siya’y muling nabuhay mula sa libingan at nanaig ang kamatayan at kasalanan.

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang patuloy na diskurso ng ating Panginoong Hesukristo kay Nicodemo, isang Pariseong nais makinig at matuto mula sa kanya. Kahapon ay narinig natin kung paanong makakamit natin ang buhay na walang hanggan. Ngayon ay patuloy si Hesus sa pagsasabing kailangan nating ipagsilang na muli sa binyag. Hindi naunawaan ni Nicodemo ang pahayag na ito na akala niya’y papasok pa ang tao sa sinapupunan ng ina. Dito pinaunawaan ni Hesus na walang nakapunta ng langit kundi ang Anak ng Tao. At sinipi ni Hesus ang kwento ng Bilang 21:4-9 kung saan itinaas ni Moises ang isang ahas na tanso sa isang poste, ganun din ang pagtataas sa Anak na Tao upang magkaroon ng buhay na walang hanggan ang mga sumasampalataya.

Makikita natin ang planong pangkaligtasan ng Diyos na natupad sa pamamagitan ni Hesus. At nangyari nga ang pangyayaring ito nang gunitain natin ang kanyang Pagpapakasakit at Pagkamatay sa Krus noong Semana Santa. Ayon kay San Juan, si Nicodemo na kahit Pariseo ay naging malapit na kaibigan ni Hesus, kaya siya’y dumala ng mga pampalasa upang pahiran ang Katawan ng Panginoon. At makalipas ang ilang taon, sinasabi na si Nicodemo ay napabilang sa Ang Daan (sa Antiqouia silang tinawag na mga “Kristiyano”).

Ang Unang Pagbasa ay isang magandang paalala na kinalulugdan ng Panginoong Diyos sa kanyang Sambayanan. Makikita natin ito sa sinaunang Simbahan na patuloy na lumalago dahil sa pangangaral at pagbibigay-saksi ng mga Apostol para kay Kristo. Kaya sila’y nagkaisa sa ilalim ng iisang pananampalataya sa Ama at sa Anak. Ang pagkakaisa ay mahalaga upang makamit natin ang buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan ng pakiisa, nawa’y sikapin natin magpakatao para sa iba sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti at talikdan ang mga masasama.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño April 26, 2022 at 9:20 am

Sinabi ni Hesus:
“At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang, gayun din namin kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

Ang mga nakagat ng ahas ay hindi namatay ng tumingala sa ahas na ipinagawa ng Diyos kay Moises. Ang mga tuklaw ng ahas aya ang ating mga kasalanan at paghihirap dito sa lupa. Kaya’t kinakailangan nating tumingala sa langit at manalangin kay Hesus. Ikaw kapatid, kanino ka tumatakbo kapag binabayo ng ka nga mga pagsubok sa buhay? Sa alak?, sa bisyo? nagtatampo sa Diyos? Lalong inululubog ang sarili sa kasalanan? Sinisira ang buhay? Nag iisip magpatiwakal?
Kapatid, Diyos ang gawin nating takbuhan, sa simbahan tayo magtungo at tumingala kay Hesus na nakabayubay sa Krus. Bibigyan nya tayo ng kapayapaan ng isip, pauunlarin nya tayong muli, mararamdaman natin ang presensya nya na lagi lang syang nasa tabi natin. Magsisi tayo, humingi ng kapatawaran, magsikap matalikuran ang kasamaan at magugulat ka sa gantimpalang hatid sayo ng Panginoon… at dun mo madarama ang tunay at wagas na kaligayahn na hindi nabibili ng salapi.

Reply

Malou Castaneda April 8, 2024 at 9:50 pm

PAGNINILAY
Tayo ba ay masiglang mga tao? Ang isa sa mga masayang sigaw na maaaring pabalik-balik sa pagitan ng dalawang grupo ng mga tao ay ang may isang panig na sumisigaw, “Mayroon kaming espiritu, oo, mayroon kami. Mayroon kaming espiritu; kayo kaya?” Higit na mahalaga kaysa espiritu ng pangkat ang pagkakaroon ng Banal na Espiritu. Ang Banal na Espiritu ay nagbibigay-inspirasyon sa atin – hiningahan tayo ng buhay – upang mabuhay tayo bilang mga tagasunod ng Panginoong Hesus na Muling Nabuhay. Sa pamamagitan ng Espiritung aktibo sa ating buhay, maipapahayag natin ang Mabuting Balita ng Panginoong Hesus. Dapat tayong patuloy na manalangin para sa, at maging bukas sa, aktibidad ng Espiritu sa ating buhay. At sa gayon, tunay nating mararanasan ang kaugnayan natin sa Diyos Ama, Panginoong Hesus, at sa lahat ng ating mga kapatid kay Kristo.

Nawa’y patuloy nating pahintulutan ang Espiritu ng Panginoong Nabuhay na Mag-uli upang palakasin tayo at bigyan ng kapangyarihan na maging halimbawa ng presensya ng Diyos sa mundo.

Reply

Mel Mendoza April 14, 2026 at 12:27 am

PAGNINILAY:
Juan 3, 7b-15

Ang tagpo sa Ebanghelyo ay ang patuloy na pakikipag-usap ni Hesus kay Nicodemo, ito ay isang paanyaya sa radikal na pagbabago ng pagkatao—ang ipanganak na muli. Sa teolohikal na pananaw, ito ay tumutukoy hindi lamang sa moral na pagbabago kundi sa isang sakramental na realidad, lalo na sa Binyag, kung saan ang tao ay ipinapanganak “sa tubig at sa Espiritu.”

Si Nicodemo, bilang Pariseo at guro ng batas, ay kumakatawan sa isang pananampalatayang nakasentro sa kaalaman at pagsunod sa batas. Kaya nang marinig niya ang “ipanganak na muli,” agad niya itong naunawaan sa literal at pisikal na paraan. Ipinapakita nito ang limitasyon ng panrelihiyong kaalaman kapag wala ang bukás na puso sa misteryo ng Diyos.

Ngunit kakaiba si Nicodemo sa ibang mga Pariseo. Siya ay lumapit kay Hesus, nagtatanong, at naghahanap ng katotohanan. Ang kanyang mga tanong ay hindi mula sa pagtutol, kundi mula sa pusong naghahanap at unti-unting naniniwala. Siya ay larawan ng isang taong nasa proseso ng pananampalataya—hindi pa ganap ang pagkaunawa, ngunit bukás sa liwanag ng Diyos.

Ang “hangin” o Espiritu ay sumisimbolo sa malayang pagkilos ng Diyos—hindi kayang kontrolin o lubusang maunawaan ng tao. Kaya’t ang bagong kapanganakan ay hindi bunga ng talino o posisyon, kundi ng biyaya ng Espiritu Santo na tinatanggap ng pusong mapagkumbaba.

Sa huli, itinuro ni Hesus ang mas malalim na hiwaga:
Kung paanong itinaas ni Moises ang ahas sa ilang, gayundin ang Anak ng Tao ay itataas—isang malinaw na pagtukoy sa Krus. Ang Krus, na tila tanda ng kamatayan, ang naging daan tungo sa buhay na walang hanggan.
Dito makikita na ang kaligtasan ay dumarating sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo na inialay ang Kanyang sarili para sa atin.

“Ang kamatayan ni Kristo ang naging daan tungo sa buhay na walang hanggan.”

Word of the Day: “Ipanganak na Muli”
Isang pagbabagong-ugat ng puso—mula sa lumang pagkatao patungo sa bagong buhay na ginagabayan ng Espiritu Santo.

Pagsasabuhay:
•Ako ba ay katulad ni Nicodemo—may kaalaman ngunit may mga bagay pa ring hindi nauunawaan?
•Bukás ba ang puso ko sa misteryo at pagkilos ng Espiritu Santo?

Ang hamon sa atin ng Mabuting Balita:
Lumapit kay Hesus nang may kababaang-loob. Hayaan ang Espiritu Santo na baguhin ang ating puso—kahit hindi natin lubos maunawaan ang lahat. Sapagkat ang tunay na pananampalataya ay nagsisimula sa pagtitiwala, hindi lamang sa ganap na pagkaunawa sa batas.

Panalangin:
Panginoong Hesus, ipanganak Mo akong muli sa kapangyarihan ng Iyong Espiritu. Alisin Mo ang aking pagkapit sa aking sariling pagkaunawa, at buksan Mo ang aking puso sa Iyong banal na kalooban. Sa Iyong Krus, matagpuan ko nawa ang tunay na buhay na walang hanggan.
Amen.

Reply

BdKz April 14, 2026 at 1:17 pm

Maging Katoliko sa ating mga kilos,gawa at buhay araw-araw.
Maki ugnay sa Diyos sa panalangin.
If you don’t feel like it and are busy.
Intention and petition – end of the war.
Pagkakaisa sa panalangin- Lord, give us peace. Touch the hearts of people battling in other countries. Peace may reign.
Amen
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good
#GvWednesday
Blessed2026
Thank you, Lord, for a new day. Praying for a healing heart, peace, and strength. #BlessedEaster #PeaceInMiddleEast

Reply

Jovy Uy April 15, 2026 at 1:58 pm

PAGNINILAY

Sa unang pagbasa, ipinahayag dito ang resulta ng pagkatanggap ng Espiritu Santo at pagkaligtas ng kanilang espiritu. Naging masigla, matapang at nagkaisa sila pagpapalaganap ng salita ng Dios.

“Nagkaisa ang damdami’t isipan ng lahat ng sumasampalataya at di itinuring ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat. Ang mga apostol ay patuloy na gumagawa ng kababalaghan at nagpapatotoo sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus. At ibinuhos ng Diyos ang kanyang pagpapala sa kanilang lahat. Walang nagdarahop sa kanila, sapagkat ipinagbibili nila ang kanilang lupa o bahay, at ang pinagbilhan ay ibinibigay sa mga apostol. Ipinamamahagi naman ito ayon sa pangangailangan ng bawat isa. Gayun ang ginawa ni Jose, isang Levitang taga-Chipre, kaya’t Bernabe ang itinaguri sa kanya ng mga apostol, ibig sabihi’y “Matulungin.” Ipinagbili niya ang kanyang bukid at ibinigay sa mga apostol ang pinagbilhan.

Sa gospel reading, sapagkat patay ang a mga espiritu ng tao dahil sa minanang kasalanan, sinabi ni Jesus kay Nicodemus na dapat mabuhay muli ang espiritu ng tao upang makita ang Dios at makapasok sa kaharian Niya. Binigyan ang pagkakaiba ng espiritu sa laman ng tao na ang paraan upang mabuhay muli ang “espiritu” ng tao sa pamamagitan ng pakikinig ng salita ng Dios tulad sa ugong ng hangin. Sa pakikinig ng salita ng Dios naisisilang muli ang espiritu ng tao upang maligtas . Napakinggan ng Israel na tingnan ang bronseng ahas na itinayo ni Moses upang gumaling sa kagat ng ahas. Lahat na tumingin dito kahit walang lumalabas na gamot sa tikin ay gumagaling. Ito ay anino ng paniniwala lamang sa paskal ni Jesus upang tayo ay mapatawad ang lahat ng kasalanan forever (Ephesians 1:13, Juan 6:63, Roman 10:17).

“Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus kay Nicodemo: “Huwag kayong magtaka sa sinabi ko sa inyo, ‘Lahat ay kailangang ipanganak na muli.’ Umiihip ang hangin kung saan ibig at naririnig ninyo ang ugong nito, ngunit hindi ninyo alam kung saan nanggagaling at kung saan naparoroon. Gayun din ang bawat ipinanganak sa Espiritu.” “Paano pong mangyayari ito?” tanong ni Nicodemo. Sumagot si Hesus, “Guro pa naman kayo sa Israel ay hindi ninyo nauunawaan ang mga bagay na ito? Tandaan ninyo: ang aming nalalaman ang sinasabi namin, at ang aming nasaksihan ang pinatototohanan namin, ngunit hindi ninyo tinatanggap ang aming patotoo. Kung hindi ninyo pinaniniwalaan ang sinasabi ko tungkol sa mga bagay sa sanlibutang ito, paano ninyo paniniwalaan kung ang sabihin ko’y tungkol sa mga bagay sa langit? Walang umakyat sa langit kundi ang bumaba mula sa langit – ang Anak ng Tao.“At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang, gayun din namin kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

Kumusta naman tayo. Nabuhay na ba muli (born again) ang patay nating “espiritu” dahil sa original sin, nakita mo na ba ang Dios at makakapasok na ba tayo ng may kasiguruhan sa kaharian ng Dios? Nagkaroon ba tayo ng kasiglahan na makiisa sa gawaing pagliligtas ng mga patay na espiritu ng tao bilang resulta na mapuspos tayo ng Espiritu Santo at patunay na born again na ang ating espiritu pero hindi pa katawan o laman?

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: