Linggo, Abril 12, 2026

April 12, 2026

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A)
Missalette (Tagalog)

Sa araw na itong pinararangalan natin si Hesus na Hari ng Banal na Awa, buksan natin sa Kanya ang ating mga puso at manalangin nang buong kababaang-loob at pananalig:

Mahabaging Hesus, dinggin ang aming panalangin.

Para sa Simbahan, sa Santo Papa at sa iba pang mga namumuno: nawa’y maging liwanag at daluyan sila ng awa ng Diyos sa lahat, sa mga mananampalataya man o hindi. Manalangin tayo.

Para sa mga nagpapakumpisal: nawa’y laging maging karapat-dapat silang kasangkapan ng mahabaging pag-ibig ni Kristo. Manalangin tayo.

Para sa mga tulad ni Tomas na nahihirapang maniwala sa Muling Pagkabuhay: nawa’y sa pagsaksi ng pamayanang Kristiyano matulungan silang maibsan ang pagdududa at lumakas ang kanilang pananampalataya. Manalangin tayo.

Para sa lahat ng nahihirapan dahil sa sakit sa katawan, isip, o kaluluwa: nawa’y matagpuan nila ang kagalingan at aliw sa pagmamahal at pagmamalasakit ng mga mananampalataya. Manalangin tayo.

Maawaing Hesus, salamat sa mga kaloob ng Banal na Espiritu—ang Iyong kapayapaan at kapatawaran. Nawa’y ilapit kami nito sa Iyo at sa isa’t isa, at gawing kaming instrumento ng Iyong pagmamahal para sa lahat ng aming kapatid. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 10 comments… read them below or add one }

Reynald Perez April 10, 2020 at 10:52 am

Kadalasang maririnig natin ang salawikaing ito: “Ang pagkikita ay pagsasampalataya!” Ngunit hindi laging ganun ang sitwasyon. Tuwing mga taong A, B at K ng linggong ito, pareho lang ang Salmong Tugunan (Salmo 117) at ang Banal na Ebanghelyo (Juan 20:19-31) dahil ipinapakita ng mga pagbasang ito ang pag-ibig at awa ng Diyos na parang isang karagatan, kaya nga tuwing linggong ito ay ipinagdiriwang ang Linggo ng Banal na Awa ng Diyos. Pagkatapos ang kamatayan ng ating Panginoong Hesukristo, umalis si Apostol sa Santo Tomas dahil inahahanap niya ang kanyang kapatid na isang tagasunod sa Panginoon. Ang salitang ‘Tomas’ ay galing mula sa salitang Hebro na ‘Didymio,’ na may ibig sabihin “ang Kambal”. Hinahanap-hanap ng mga kawal ang mga alagad na malapit kay Hesus dahil ipinautos nito ng mga pinunong Hudyo kay Gobernador Poncio Pilato. Pero noong gabi ng ika-5 na Abril, 33 A.D., nakapinid ang mga pintuan ng kinaroroonan nila dahil natatakot ang mga sampung alagad, lalo na si San Pedro na nagkaila sa Panginoon ng tatlong beses. At isang saglit, nagpakita ang Panginoong Hesukristo sa kanila na wala diyan si Santo Tomas. Pagkatapos dumating siya at ibinalita sa kanya ng mga minahamal na kapatid na apostol na nabuhay nga ang kanilang Guro, ngunit tinanggi niya ito at maniniwala siya kung makikita niya ang mga sugat ng Panginoon. At nangyari nga nang makalipas ng isang linggo, noong ika-12 na Abril, 33 A.D., nakapinid ang mga pintuan pa rin kung saan natitipon ang mga alagad na kasama na nila si Tomas. At ganun nga, nagpakita si Hesus at tinanggal niya ang pagdududa ni ng Apostol tungkol sa Muling Pagkabuhay sa pananampalataya. Buong pananampalataya sinabi ni Tomas: “Diyos ko at Panginoon ko” (Juan 20:28)! Kaya ipinakita ni Hesus ang bagong salawikain: “Ang pagsasampalataya ay pagkikita!” Pinalad niya ang mga taong hindi nakikita sa kanya pero naniniwala. Ang ating Ebanghelyo ay nagpapakita sa Mabathalang Awa ng Diyos na parang isang karagatan. Alam natin na ang karagatan ay ang pinakamalaki at pinakamalawak na anyo ng tubig. Ganyan din ang awa ng Diyos dahil tulad ng isang karagatan na hindi natin alam kung saan natatapos, hindi kukupas ang kanyang pag-ibig at awa, kaya tunay nga nakasabi sa tugon ng Salmong Tugunan ngayon: “Butihi’y Poo’y purihin, pag-ibig n’ya’y walang maliw” (Salmo 117:1). At sabi nga ng karamihan: “Kung gaanong kalalim ang naranasang awa ng Diyos, ganoon din kalalim ang pag-ibig ng Diyos na nararanasan. At dahil sa awa at pag-ibig na ito ng Diyos, sumisibol ang pananampalataya na handang magtaya, kahit ng buhay at kamatayan para sa Diyos at kapwa.” Sa ating paglakbay sa daan ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, nawa’y maranasan natin ang awa ng Diyos sa pamamagitan ng Muling Pagkabuhay ni Hesus at ibahagi at iparamdam ang mensahe ng awa sa ating mga kapwa.

Reply

Barbara Silvia L. Manalo April 19, 2020 at 5:56 am

Panginoon Dyos sumasampalaya kami sa iyo ,Ikaw ang mapangyarihan sa lahat,Pinupuri at pinasasalamatan ka namin. Amen.

Reply

Mel Mendoza April 13, 2023 at 10:49 pm

Sa Linggong ito ay ipinagdiriwang ng ating Inang simbahan ang Mabathalang Awa ng Panginoon. Tunay nga na walang katapusan na parang dagat ang awa ng Diyos! Una, sa kabila ng pagtalikod at pagtatwa sa kanya ng kanyang mga alagad ang unang bungad pa din ni Hesus sa kanila ay Kapayapaan! Makadalawa nya inulit ang pagbati sa kanyang mga alagad ng Kapayapaan! Sa ating mga tao napakahirap o pwedeng sabihing imposible na babatiin mo ng kapayapaan ang isang taong nagbigay sa iyo ng kapighatian, dusa at lumbay pero sa ebanghelyo ay ipinakita na hindi ito imposible sa Diyos sapagkat ang kanyang karagatan ng awa ay walang hanggan. Pangalawa, ang muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus ito ay nagbigay ng bagong pagasa sa kanyang mga alagad upang ipagpatuloy na ipangaral ang kaligtasan at pagmimisyon at
pagmiministeryo ni Hesus upang marami ang makasalo sa ipinangako sa ating lahat ang buhay na walang hanggan sa piling ni Kristo-Hesus bago pa man nangyari ang Misteryo ng Paskuwa. Pangatlo, ang maging saksi ng muling pagkabuhay ni Hesus sa kabila na hindi naman natin nakita ang Panginoon ay napakalaking ng grasya’t biyaya na kaloob ng Diyos sa ating mga mananampalataya. Hindi katulad ni Tomas na nangangailangan pa ng katibayan bago nagwika ng “Panginoon at Diyos ko”. Sapat na sa atin mananampalataya ang mga iniwang Salita at gawa ng Diyos na isinulat ng kanyang mga propeta at ang ipingaral ng Mesiyas sa Mabuting Balita.

Reply

Atlan filipe April 7, 2026 at 8:28 pm

Sa Linggong ito ay ipinagdiriwang ng ating Inang simbahan ang Mabathalang Awa ng Panginoon. Tunay nga na walang katapusan na parang dagat ang awa ng Diyos! Una, sa kabila ng pagtalikod at pagtatwa sa kanya ng kanyang mga alagad ang unang bungad pa din ni Hesus sa kanila ay Kapayapaan! Makadalawa nya inulit ang pagbati sa kanyang mga alagad ng Kapayapaan! Sa ating mga tao napakahirap o pwedeng sabihing imposible na babatiin mo ng kapayapaan ang isang taong nagbigay sa iyo ng kapighatian, dusa at lumbay pero sa ebanghelyo ay ipinakita na hindi ito imposible sa Diyos sapagkat ang kanyang karagatan ng awa ay walang hanggan. Pangalawa, ang muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus ito ay nagbigay ng bagong pagasa sa kanyang mga alagad upang ipagpatuloy na ipangaral ang kaligtasan at pagmimisyon at
pagmiministeryo ni Hesus upang marami ang makasalo sa ipinangako sa ating lahat ang buhay na walang hanggan sa piling ni Kristo-Hesus bago pa man nangyari ang Misteryo ng Paskuwa. Pangatlo, ang maging saksi ng muling pagkabuhay ni Hesus sa kabila na hindi naman natin nakita ang Panginoon ay napakalaking ng grasya’t biyaya na kaloob ng Diyos sa ating mga mananampalataya. Hindi katulad ni Tomas na nangangailangan pa ng katibayan bago nagwika ng “Panginoon at Diyos ko”. Sapat na sa atin mananampalataya ang mga iniwang Salita at gawa ng Diyos na isinulat ng kanyang mga propeta at ang ipingaral ng Mesiyas sa Mabuting Balita.

Reply

Jonh Kiven S Berdin April 7, 2026 at 8:47 pm

Diyos sapagkat ang kanyang karagatan ng awa ay walang hanggan. Pangalawa, ang muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus ito ay nagbigay ng bagong pagasa sa kanyang mga alagad upang ipagpatuloy na ipangaral ang kaligtasan at pagmimisyon at
pagmiministeryo ni Hesus upang marami ang makasalo sa ipinangako sa ating lahat ang buhay na walang hanggan sa piling ni Kristo-Hesus bago pa man nangyari ang Misteryo ng Paskuwa. Pangatlo, ang maging saksi ng muling pagkabuhay ni Hesus sa kabila na hindi naman natin nakita ang Panginoon ay napakalaking ng grasya’t biyaya na kaloob ng Diyos sa ating mga mananampalataya. Hindi katulad ni Tomas na nangangailangan pa ng katibayan bago nagwika ng “Panginoon at Diyos ko”. Sapat na sa atin mananampalataya ang mga iniwang Salita at gawa ng Diyos na isinulat ng kanyang mga propeta at ang ipingaral ng Mesiyas sa Mabuting Balita

Reply

Joshua S. Valdoz April 11, 2026 at 2:50 pm

PAGNINILAY: Kadalasang maririnig natin ang salawikaing ito: “Ang pagkikita ay pagsasampalataya!” Ngunit hindi laging ganun ang sitwasyon. Tuwing mga taong A, B at K ng linggong ito, pareho lang ang Salmong Tugunan (Salmo 117) at ang Banal na Ebanghelyo (Juan 20:19-31) dahil ipinapakita ng mga pagbasang ito ang pag-ibig at awa ng Diyos na parang isang karagatan, kaya nga bukas ay ipagdiriwang ang Linggo ng Banal na Awa ng Diyos. Pagkatapos ang kamatayan ng ating Panginoong Hesukristo, umalis si Apostol sa Santo Tomas dahil inahahanap niya ang kanyang kapatid na isang tagasunod sa Panginoon. Ang salitang ‘Tomas’ ay galing mula sa salitang Hebro na ‘Didymio,’ na may ibig sabihin “ang Kambal”. Hinahanap-hanap ng mga kawal ang mga alagad na malapit kay Hesus dahil ipinautos nito ng mga pinunong Hudyo kay Gobernador Poncio Pilato. Pero noong gabi ng ika-5 na Abril, 33 A.D., nakapinid ang mga pintuan ng kinaroroonan nila dahil natatakot ang mga sampung alagad, lalo na si San Pedro na nagkaila sa Panginoon ng tatlong beses. At isang saglit, nagpakita ang Panginoong Hesukristo sa kanila na wala diyan si Santo Tomas. Pagkatapos dumating siya at ibinalita sa kanya ng mga minahamal na kapatid na apostol na nabuhay nga ang kanilang Guro, ngunit tinanggi niya ito at maniniwala siya kung makikita niya ang mga sugat ng Panginoon. At nangyari nga nang makalipas ng isang linggo, noong ika-12 na Abril, 33 A.D., nakapinid ang mga pintuan pa rin kung saan natitipon ang mga alagad na kasama na nila si Tomas. At ganun nga, nagpakita si Hesus at tinanggal niya ang pagdududa ni ng Apostol tungkol sa Muling Pagkabuhay sa pananampalataya. Buong pananampalataya sinabi ni Tomas: “Diyos ko at Panginoon ko” (Juan 20:28)! Kaya ipinakita ni Hesus ang bagong salawikain: “Ang pagsasampalataya ay pagkikita!” Pinalad niya ang mga taong hindi nakikita sa kanya pero naniniwala. Ang ating Ebanghelyo ay nagpapakita sa Mabathalang Awa ng Diyos na parang isang karagatan. Alam natin na ang karagatan ay ang pinakamalaki at pinakamalawak na anyo ng tubig. Ganyan din ang awa ng Diyos dahil tulad ng isang karagatan na hindi natin alam kung saan natatapos, hindi kukupas ang kanyang pag-ibig at awa, kaya tunay nga nakasabi sa tugon ng Salmong Tugunan ngayon: “Butihi’y Poo’y purihin, pag-ibig n’ya’y walang maliw” (Salmo 117:1). At sabi nga ng karamihan: “Kung gaanong kalalim ang naranasang awa ng Diyos, ganoon din kalalim ang pag-ibig ng Diyos na nararanasan. At dahil sa awa at pag-ibig na ito ng Diyos, sumisibol ang pananampalataya na handang magtaya, kahit ng buhay at kamatayan para sa Diyos at kapwa.” Sa ating paglakbay sa daan ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, nawa’y maranasan natin ang awa ng Diyos sa pamamagitan ng Muling Pagkabuhay ni Hesus at ibahagi at iparamdam ang mensahe ng awa sa ating mga kapwa.

Reply

FraAlvin April 11, 2026 at 7:27 pm

Kapatid, ang pamilya ay parang isang team, sama-sama kayo sa hirap at giling! Kapag sama-sama, mas maganda ang bonding, mas madali ang mga problema, at mas masaya ang mga tagumpay. Tulad ng sinasabi, “United we stand, divided we fall.” Ang pamilya ang iyong biggest support system, kaya mahalaga ang sama-sama para sa emotional support, love, and care. Plus, mga memories na hindi mabibili ng pera, ‘di ba?

“Ang pamilya na sama-sama, yumayabong na magkakasama!”

Kaya sa Loob ng tahanan naandyan yaong, pagmamahalan, naandyan yaong pagkakaisa, naandyan yaong pagbabahaginan,,, LOVE, UNITY, and SHARING.

Kaya sa ating mga pagbasa, sa unang pagbasa sinasabi dito, na ang mga kapatid ay NANATILI sa mga itinuturo ng mga apostol, sama-sama bilang magkapatid, sa paghati-hati ng tinapay at sa panalangin. At Ito ang bunga ng Banal na Eucharistiya na ating pinagsasaluhan ngayon.

Kaya ang Eucharistiya ay ang ating tahanan ngayon at tayong lahat ay iisang pamilya, sama sama sa pananampalataya, at nagpupuri sa Diyos. Kaya kinalulugdan tayo ng Diyos.

Sabi sa 2ng pagbasa: binigyan tayo ng Bagong buhay ni Kristo at yan ang pinakamalaking pag-asa natin na nakamit sa pamamagitan niya, na di masisira at di kukupas.

Dagdag pa ng Diyos: kaya dapat nating ikagalak ito, bagamat tayo ay nakakaranas ng matinding mga pagsubok. Sapagkat, ang ating pananampalataya ay dapat dalisayin gaya ng ginto na pinararaan sa apoy upang malaman na itoy dalisay o di kaya’y upang malaman kung tayo ay talagang tapat sa Diyos.

Kaya sa pagdiriwang nating sa Pasko ng pagkabukay ni Hesus, He reminds us, na… do not be afraid, Huwang kanang mag-alinlangan, maniwala kana…! Binigyan tayo ni Hesus ng Kapayapaan na nagmumula sa Diyos. At ang kapayaapaang ito ang siyang magbibigay sa atin ng kapanatagan ng isip at puso upang iwaksi ang mga takot sa buhay. Kaya si Tomas nung naghari sa kanya ang kapayapaan ni Hesus sa kanyang isip at puso. Anong sinabi niya,?
PANGINOON KO AT DIYOS KO!

Kaya sa banal na Eucharistiya, habang itinataas ng Pari ang tinapay at alak ating sinasambit ang Wika ni Santo Tomas, PANGINOON KO AT DIYOS KO, na nagpapahiwatig ng ating pananampalataya sa pagkakilanlan kay Hesus na muling nabuhay, na naging BUHÁY sa ating mga buhay.

At yang ang Dakilang pagibig at Awa ng Diyos sa ating lahat na kanyang tinubos.. Kaya ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Banal na Awa ng Diyos/ Divine Mercy… upang ihatid sa atin na ang pag-ibig at awa ng Diyos na parang isang karagatan na walang hangganan , at di nagmamaliw.

Kaya sa paglalakbay natin Sa pasko ng pagkabuhay, sisirin natin sa pamamagitan ng ating mga pananampalataya ang karagatan ng Awa ng Diyos.

Manging halimbawa ng panalangin sa iba, maging mahabagin, at mapagmahal upang maisabuhay natin ang Dakilang Awa ng Diyos para sa ating kapwa. Amen

Reply

Mel Mendoza April 11, 2026 at 11:02 pm

PAGNINILAY:
Juan 20, 19–31

Natunghayan natin sa tagpo sa Ebanghelyo na ang mga alagad ay nakakulong—hindi lamang sa isang silid, kundi sa takot, pangamba, at kawalan ng pag-asa. Ngunit sa kabila ng saradong pinto, si Hesus ay pumasok at nagsabi:
“Sumainyo ang kapayapaan!”
Ito ang puso ng Linggo ng Banal na Awa ng Diyos:
Hindi hadlang ang ating saradong puso, sugat, o kasalanan, ang awa ni Hesus ay pumapasok kahit sarado ang ating sarili.

Ang mga Sugat bilang Awa, hindi Hatol.
Ipinakita ni Hesus ang Kanyang mga sugat. Hindi ito para patunayan lamang na Siya ay buhay kundi upang ipakita na:
•Ang Kanyang sugat ay naging daan ng awa;
•Ang Kanyang paghihirap ay naging bukal ng kapatawaran;
Sa Linggo ng Banal na Awa, ang sugat ni Kristo ay hindi tanda ng pagkatalo—
kundi pintuan ng biyaya.

Ang panuntunan ni Tomas na “To See is to Believe”.
Madalas nating husgahan si Tomas, ngunit sa totoo lang siya ay larawan ng bawat isa sa atin. Bakit siya wala sa unang pagpapakita ni Hesus?
Maaaring:
Siya ay nasaktan at nadismaya (politically disgruntled);
Siya ay lumayo upang iproseso ang sakit;
O marahil, nahirapan siyang maniwala muli pagkatapos masaktan.

Kadalasan kapag ang isang tao ay sugatan, madalas siyang umiiwas sa komunidad. At kapag tayo ay wala sa presensya ng pananampalataya, lalo tayong nawawalan ng paniniwala.
Ang pagkawala ni Tomas ay hindi aksidente—ito ay paanyaya upang makita ang kahalagahan ng komunidad (sense of belongingness) at presensya ng Diyos.

Mula “Seeing is Believing” tungo sa “Believing is Seeing”.
Sinabi ni Tomas:
“Hindi ako maniniwala hangga’t hindi ko nakikita…”
Ngunit nang makatagpo niya si Hesus, ang kanyang pahayag ay naging:
“Panginoon ko at Diyos ko!”
Hindi na niya kailangang hawakan—
ang puso niya ang hinawakan ng awa ni Hesus.
At dito binago ni Hesus ang pananaw:
“Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nakikita.”

Ito ang hamon sa atin ng Ebanghelyo:
Hindi na “to see is to believe”—
kundi “to believe is to truly see.”

Ang Banal na Awa na Awa ng Diyos para sa mga nagdududa at nasasaktan. Hindi pinagalitan ni Hesus si Tomas. Hindi Niya sinabi: “Nasaan ka nung una?” Sa halip, Siya mismo ang lumapit at nag-anyaya:
“Halika, tingnan mo… hawakan mo…”
Ito ang awa ng Diyos:
Hindi Niya tayo itinataboy kapag tayo ay nagdududa, bagkus, lalo Niya tayong nilalapitan

Hamong Espiritwal:
Sa Linggo ng Banal na Awa, tanungin natin ang ating mga sarili:
Ako ba ay parang mga alagad na nakakulong sa takot?
Ako ba ay parang Tomas na nawawala dahil sa sugat ng puso?
O handa ba akong magtiwala kahit hindi ko nakikita?
Ang tunay na pananampalataya ay hindi nakasalalay sa nakikita, kundi sa pagtitiwala sa awa ng Diyos.

Panalangin:
Panginoong Hesus, sa aking pagdududa at kahinaan,
lumapit Ka sa akin tulad ng paglapit Mo kay Tomas. Turuan Mo akong maniwala kahit hindi ko nakikita,at magtiwala sa Iyong walang hanggang awa. Amen.

Reply

BdKz April 12, 2026 at 6:22 pm

Wealth blinds us to the needs of others, but wounds open our eyes to the pain of others.
Wealth makes us self-sufficient, but wounds remind us we need God.
Wealth can harden your heart, but only wounds can soften our hearts.
Wealth can forget suffering, but wounds make us more compassionate.
Wealth can create distance between us, but wounds connect us to others.
God does not save us because of His wounds.
People are often dissatisfied with what they have.
We don’t need more; we need more God in our lives.
Be contented and compassionate to others.
Where there is mercy, there is peace. There can only be joy if there is peace.
No mercy, no peace.
No peace, no joy.
Amen
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good
#GvSunday
Blessed2026
Thank you, Lord, for a new day. Praying for a healing heart, peace, and strength. #BlessedEaster #PeaceInMiddleEast

Reply

Jovy Uy April 14, 2026 at 3:45 pm

PAGNINILAY

Sa unang pagbasa, ipinapahayag na sekreto ng pagliligtas kaya dumadami ang napabilang sa Iglesia of katawan ni Jesus ay ang pagkakaisa ng mga ligtas na na nagsasalo salo at nagsasama-sama sa paghayo o pagbabahay-bahay upang ibahagi ang kaligtasan sa pangalan ni Jesus kung kaya’t gumagawa ang Espiritu Santo ng pagliligtas .

“Ang mga kapatid ay nanatili sa itinuro ng mga apostol, sa pagsasama-sama bilang magkakapatid, sa paghahati-hati ng tinapay, at sa pananalangin.Dahil sa maraming himalang nagawa sa pamamagitan ng mga apostol, naghari sa lahat ang magkahalong pitagan at takot. At nagsama-sama ang lahat ng sumasampalataya at para sa lahat ng kanilang ari-arian. Ipinagbibili nila ito at ang pinagbilhan ay ipinamamahagi sa lahat ayon sa pangangailangan ng bawat isa. Araw-araw, sila’y nagkakatipon sa templo, naghahati-hati ng tinapay sa kanilang tahanan, at nagsasalu-salong masaya ang kalooban. Nagpupuri sila sa Diyos at kinalulugdan ng lahat ng tao. Bawat araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas.”

Sa Salmo, ipinahayag ni haring David kung ano ang ipapahayag upang mayvmaligtas at ito ay ang pagibig ng Dios sa paskal ni Jesus.

“Ang taga-Israel,
bayaang sabihi’t kanilang ihayag,
“Ang pag-ibig ng Diyos, ay hindi kukupas.”
Mga saserdote ng Diyos na Panginoon,
bayaang magsaysay:
“Ang pag-ibig ng Diyos, walang katapusan.”
Lahat ng may takot sa Panginoong Diyos, dapat magpahayag,
“Ang pag-ibig niya’y hindi magwawakas.”

Sa ikalawang pagbasa, ipinapahayag ang ating pag-asa sa pagkabuhay muli ni Jesus na sa paniniwala natin dito ay nagkakaroon ng bunga at ito ay ang ating kaligtasan.

“Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesukristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo’y isinilang sa isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesukristo. Ang bagong buhay na iyan ang nagbigay sa atin ng malaking pag-asa na kakamtan natin ang isang kayamanang walang kapintasan, di masisira, at di kukupas. Ang kayamanang iya’y nakalaan sa inyo doon sa langit. Sapagkat kayo’y sumampalataya, iingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos samantalang hinihintay ninyo ang kaligtasang nakalaang ihayag sa katapusan ng mga panahon.Ito’y dapat ninyong ikagalak, bagamat maaaring magdanas muna kayo ng iba’t ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon. Ang ginto, na nasisira, ay pinararaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayun din naman, ang inyong pananampalataya, na higit kaysa ginto, ay pinararaan sa pagsubok upang malaman kung talagang tapat. Sa gayon, kayo’y papupurihan, dadakilain, at pararangalan sa Araw na mahayag si Hesukristo. Hindi ninyo siya nakita kailanman, ngunit nananalig na kayo sa kanya. Dahil dito’y nag-uumapaw na sa inyong puso ang kagalakang di kayang ilarawan sa salita. Sapagkat inaani na ninyo ang bunga ng inyong pananampalataya — ang inyong kaligtasan.”

Sa gospel reading, ipinapahayag dito na matapos umakyat si Jesus sa templo sa langit upang ialay ang kanyang dugo sa umaga ng Linggo ng kanyang pagkabuhay ay bumalik siya sa araw ding yun sa hapon at dahil nakabalik siya sa lupa ay nangangahulugan na tinanggap niya alay niyang dugo na kinamtan ang walang hanggang katubusan (Hebreo 9:11-12). Pinatunayan niya ito sa kanyang mga alagad ng magpakita siya sa kanila at sinabing may kayapaan na siyang dala sa Iglesia .

Si Tomas na hindi nakakita kay Jesus ay nagduda kaya bumalik si Jesus pagkalipas ng 8 araw ay nagpakita kay Tomas na anino ng mga Israelita na nagduda at nagtakwil sa kanya. Sa ikalawang pagbabalik ni Jesus ay matutupad ang kapayapaang dala ni Jesus na kanyang ibibigay sa mga Israelita na nanampalataya sa kanya. Ito ay katuparan ng ginagawa ng Mataas na Pari ng Israel na pumasok sa loob ng kanilang templo upang magwisik ng dugo at kapag nakalabas siya ay patunay na tinanggap ng Dios ang alay niya .

“Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila. “Sumainyo ang kapayapaan!” sabi niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita ang Panginoon. Sinabi na naman ni Hesus, “Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayun din naman, sinusugo ko kayo.” Pagkatapos, sila’y hiningahan niya at sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawad na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.”Ngunit si Tomas na tinaguriang Kambal, isa sa Labindalawa, ay wala roon nang dumating si Hesus. Kaya’t sinabi sa kanya ng ibang alagad, “Nakita namin ang Panginoon!” Sumagot si Tomas, “Hindi ako maniniwala hangga’t di ko nakikita ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at naisusuot dito ang aking daliri, at hangga’t hindi ko naipapasok ang aking kamay sa kanya.

Makalipas ang walong araw, muling nagkatipon sa loob ng bahay ang mga alagad; kasama nila si Tomas. Nakapinid ang mga pinto, ngunit pumasok si Hesus at tumayo sa gitna nila. Sinabi niya, “Sumainyo ang kapayapaan!” Saka sinabi kay Tomas, “Tingnan mo ang aking mga kamay at ilapit dito ang iyong daliri. Ipasok mo ang iyong kamay sa aking tagiliran. Huwag ka nang mag-alinlangan, maniwala ka na.” Sumagot si Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko!” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako? Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.”

Kumusta naman tayo. Nakasisiguro na ba tayo na nakamtan na natin ang kaligtasan na bunga ng ating pananampalataya sa paskal ni Jesus? May pakikisama na ba tayo sa gawaing pagliligtas o di pa tayo siguradong ligtas kaya ng mga naligtas noong Pentecostes ? (Awit 133:1-4) ?

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: