Biyernes, Marso 27, 2026

March 27, 2026

Biyernes sa Ika-5 Linggo
ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Jeremias 20, 10-13
Salmo 17, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 7

Sa kahirapa’y humibik,
at ako’y iyong dininig.

Juan 10, 31-42


Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Friday of the Fifth Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Jeremias 20, 10-13

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Naririnig kong nagbubulungan ang karamihan.
Tinagurian nila akong “Kilabot saanman.”
Sinasabi nila, “Isuplong natin! Isuplong natin!”
Pati matatalik kong kaibiga’y naghahangad ng aking kapahamakan.
Wika pa nila, “Marahil ay malilinlang natin siya;
pagkatapos, dakpin natin at paghigantihan.”
Subalit ikaw’y nasa panig ko, Panginoon, malakas ka’t makapangyarihan;
Madarapa ang lahat ng umuusig sa akin, hindi sila magtatagumpay kailanman.
Mapapahiya sila sapagkat hindi sila magwawagi.
Mapapahiya sila habang panahon, at ito’y hindi na makakalimutan.
Makatarungan ka kung sumubok sa mga tao,
Panginoon, Diyos na Makapangyarihan,
alam mo ang laman ng kanilang mga puso’t isip.
Kaya’t ikaw ang maghiganti sa mga kaaway ko, ipinagkakatiwala ko sa mga kamay mo ang aking kapakanan.
Awitan ninyo ang Panginoon, inyong purihin ang Panginoon
sapagkat inililigtas niya ang mga api mula sa kamay ng mga gumagawa ng masama.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 17, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 7

Sa kahirapa’y humibik,
at ako’y iyong dininig.

O Panginoon kong aking kalakasan,
minamahal kita nang tunay na tunay.
Panginoo’y batong hindi matitibag,
matibay kong muog at Tagapagligtas.

Sa kahirapa’y humibik,
at ako’y iyong dininig.

D’yos ko ang sa akin ay s’yang nag-iingat,
Tagapagtanggol ko at aking kalasag.
Sa ‘yo, Panginoon, ako’y tumatawag,
sa mga kaaway ako’y ‘yong iligtas.

Sa kahirapa’y humibik,
at ako’y iyong dininig.

Gapos ako ng tali ng kamatayan;
siniklot ng alon ng kapahamakan.
Nabibingit ako sa kamatayan,
nakaumang na sa labi ng libingan.

Sa kahirapa’y humibik,
at ako’y iyong dininig.

Kaya’t ang Poon ay tinawag ko;
sa aking kahirapan, humingi ng saklolo.
Mula sa templo n’ya, tinig ko’y narinig,
umabot sa kanya ang aking paghibik.

Sa kahirapa’y humibik,
at ako’y iyong dininig.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Juan 6, 63k. 68k

Salita mo, Kristong mahal,
Espiritung bumubuhay,
nagtuturo’t umaakay
sa nagnanais makamtan
ang langit na walang hanggan.

MABUTING BALITA
Juan 10, 31-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, ang mga Judio’y kumuha ng bato upang batuhin si Hesus. Kaya’t sinabi sa kanila ni Hesus:

“Maraming mabubuting gawa mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin ba sa mga ito ang dahilan at ako’y inyong babatuhin?” Sinagot siya ng mga Judio, “Hindi dahil sa mabuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos! Sapagkat nagpapanggap kang Diyos gayong tao ka lang.” Tumugon si Hesus, “Hindi ba nasusulat sa inyong Kautusan, ‘Sinabi ko, Mga diyos kayo?’ Mga diyos ang tawag ng Kautusan sa mga pinagkatiwalaan ng salita ng Diyos, at hindi maaaring tanggihan ang sinasabi ng Kasulatan. Ako’y hinirang at sinugo ng Ama; paano ninyong masasabi ngayon na nilalapastangan ko ang Diyos sa sinabi kong ako ang Anak ng Diyos? Kung hindi ko ginagawa ang mga ipinagagawa ng aking Ama, huwag ninyo akong paniwalaan. Ngunit kung ginagawa ko iyon, paniwalaan ninyo ang aking mga gawa, kung ayaw man ninyo akong paniwalaan. Sa gayun, matitiyak ninyong nasa akin ang Ama at ako’y nasa kanya.”

Tinangka na naman nilang dakpin siya, ngunit siya’y nakatalilis. Muling pumunta si Hesus sa ibayo ng Jordan, sa pook na noong una’y pinagbibinyagan ni Juan. Nanatili siya roon, at maraming lumapit sa kanya. Sinabi nila, “Si Juan ay walang ginawang kababalaghan, ngunit totoong lahat ang sinabi niya tungkol sa taong ito.” At doo’y maraming sumampalataya kay Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 11 comments… read them below or add one }

maria April 12, 2019 at 10:22 pm

Panginoon, pinupuri po kita at sinasamba, maraming salamat po sa patuloy mong pag dinig sa aming munting tinig, ilayo mo po kami sa ano mang uri ng panganib, ikaw ang aming sandata at lakas, at kasama nmin sa bawat sigundo ng aming buhay, igawad at basbasan mo po kami ng iyong mapagpalang mga kamay o butihing ama, maraming salamat po, ito po ang aming dalangin sa matamis na pangalan ni hesus. amen!

Reply

Reynald Perez April 8, 2022 at 5:13 am

PAGNINILAY: Tayo ngayon ay nalalapit na sa pagpasok sa Semana Santa. Ngayong araw na ito ay ginugunita natin ang mga hapis ng ating Mahal na Ina. Kaya nga ang tawag sa Biyernes bago ang Linggo ng Palaspas ay “Viernes de Dolores”. Nararapat lang na sa nalalapit na paggunita sa Pagpapakasakit at Pagkamatay ng ating Panginoon, inaalala natin din ang mga dinaanang dusa ni Birheng Maria dahil sa dinanas na paghihirap ng kanyang Anak.

Narinig natin sa Ebanghelyo kung paano nagiging mainit ang tensyon sa pamamagitan ni Hesus at ng mga Hudyo. Nais nilang batuhin siya dahil sa pahayag na siya ang “Anak ng Diyos”. Ang pagiging Anak ng Diyos ay nauukol sa sinabi ng Salmo 110, na ang Panginoon Diyos ay nagpapahayag sa Panginoon na umupo sa kanan ng Diyos hanggang mapasuko ang kaawa ng kapwang Panginoon. Kaya inaakusahan nila si Hesus ng paglalapastangan sa Diyos. Subalit ilang beses nang pinahayag ni Hesus tungkol sa kanyang sarili. Bilang Anak ng Diyos, siya ay tunay na Diyos na naging Tao upang iakay ang mga tao patungo sa Ama. Subalit hindi kailanman itinanggi ni Kristo na siya’y Diyos na totoo dahil siya’y nagmula sa Ama upang tuparin ang misyon na sundin ang kalooban ng kanyang Ama. At marami nang beses tinangka siyang batuhin ng mga tao, subalit siya’y lumihis sa gitna nila.

Hindi ito dahil natatakot siya, kundi alam niya na hindi ba dumating ang oras niya na mamatay. Isasalaysay ni San Juan sa Biyernes Santo na ang Pagpapakasakit at Pagkamatay ni Hesukristo ay bahagi ng pagluluwalhati sa Diyos Ama at sa planong pangkaligtasan, upang ang lahat ng sumasampalataya at nananalig sa ginawang sakripisyo ni Kristo ay maligtas, magkaroon ng makabuluhang pamumuhay sa daigdig, at makamtan balang araw ang buhay na walang hanggan sa kalangitan.

Kaya habang tayo’y nalalapit sa mga Mahal na Araw, ito ang ating pagkakataon na baguhin ang ating sarili sa pamamagitan ng pagsisisi, buong pusong paghihingi ng kapatawaran sa ating Panginoon, panunumbalik-loob, at pagsisikap na gawin ang tama ang mabuti ayon sa pamantayan ng ating Poong Maykapal. Nawa ang ating pananamapalataya sa Diyos Ama at sa kanyang Anak ay magdulot nawa ng makabuluhang aksyon na magmalasakit sa ating kapwa at sa ibang tao.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño April 8, 2022 at 9:56 am

Ang kwento ni Jeremias sa Unang Pagbasa ay nararanasan din natin sa ating buhay ngayon. Kapag tayo ay nasa panig ng Diyos ay marami ang babayo sa atin. Maging ang malalapit nating kaibigan ay hahanapan tayo ng butas o pagkakamali. Lalo na sa Pilipinas na may ugaling itak talangka. Minsan maging sarili mong kapatid ay hihilahin ka pababa at tila ayw na makita kang umuunlad at nagpapakabanal. Kaya’t anuman ang pagbayo na gawin sa atin ng kapwa natin ay manatili lamang tayong tapat sa Panginoon at sya na ang bahala sa ating mga kaaway.

Ang ebanghelyo ay kahalintulad din ng nakaraang ebanghelyo. Ang pagsasabi ni Hesus na sya ay Diyos na hindi kayang tanggapin ng mga hudyo. Na umabot sa puntong nais na nman nilang batuhin sya. Nakatalilis lamang si Hesus kaya hindi nangyari pero ang tunay na dahilan ay sapagkat hindi pa iyon ang tamang panahon ng pagpapahirap sa kanya.

Minsan tayo ay may matagal na at paulit ulit na pinagdarasal pero hindi dumarating. Pero kung tayo magdarasal ng taimtim at ibibigay natin ang buong tiwala sa Diyos at tatanggalin na ang pangamba ay sigurado itong darating. Hindi man sa oras na gusto natin pero siguradong darating.. in HIS time…. in HIS sweet time. If only you believe.

Reply

Jess C. Gregorio March 21, 2024 at 9:08 pm

PAGNINILAY SA MABUTING BALITA ni Jess C. Gregorio:

Ang isang maunlad na pamayanan ay karaniwang mayaman, maraming bagay na nagpapadali ng pang araw-araw na buhay, maraming pinagkaka abalahan, maingay, magulo, matatalino mga nakatira dito, mapulitika, puno ng ambisyon, paligsahan, kabuhayan, at marami pang iba na umiikot sa isip at gunita. Kailangang umayon ang bawat isa sa pangkahalatang ugali at nakasanayan na. Anumang kakaiba ay pinupuna. Kahit na ang nakasulat ay tila walang silbi idagdag pa ang mga naririnig at nakikita, dahil ang kaalaman ay sa mundong gumagalaw ang gusto lang paniwalaan, hindi na matanggap ang sinasabing katotohanan. Ang sinumang hindi maintindihan ay babatuhin at pipigilan. Kahit na ang Diyos ay di makapasok sa puso ng mga mapupusok. Sarado ang isip sa ingay ng paligid, wala nang mainam pa kundi ang nasumpungang buhay na tagilid. Wala ng Diyos at puno ng pagdududa, wala ng katotohanang tinatanggap kahit ipaliwanag pa. May gawin mang kabutihan ang pakay ay sisirain, pagkataong kaiba sa atin. Bingi na nga ang taong bilib sa sarili, kinain na ng mundong ginawa niya at sinang ayunan ng marami. Ang lahat ay dapat lumuhod sa mundo kung hindi ay agagawan ka ng kuwento. Kaya wala ng nagawa si Kristo. Tumakas at nilisan ang pook patungong ibayo. Nailarawan ni Hesus ang pagkakaiba ng ibayo, sa tahimik at matiwasay na paligid, kung saan mga nilalang ay kalmado, may pangangailangan ng prubisyon at umaasa sa sa kaitaasan para sa grasyang kailangan. Dito ang tao ay may pananampalataya. May pananalig dahil naniniwala na ang lakas ng Diyos ay sapat na. Ang panahon ay hindi mabilis, may mga oras upang makinig, ito lang naman ang hiling ni Hesus para mabuksan mga pusong umaasa sa kalinga at lakas ng Diyos na Maykatha. Kaya kung tayo ay parati nang balisa, mga Salita ng Diyos ay tila wala nang bisa, pumili ng lugar na malayo sa kaguluhan, walang ingay, at walang taong madaldal. Duon sa “ibayo” na mayroon tayo Siya ay matatagpuan. Pupunuin tayo ng lahat ng gusto nating malaman at kahilingan, siksik liglig at umaapaw, huwag lang natin siyang batuhin, dakpin, at patayin muli tulad ng mga Hudyo na minsan nang nagkamali. Ang “ibayo” na sinasabi niya ay sa kumpisalang ating pupuntahan, sa pangungumunyon at pagtanggap sa kanya sa mga Banal na Misa, at ang makinig at makasalamuha Siya sa Adoration Chapel na kanyang totoong Presensiya. Ito ang lugar ng bagong Jordan. Kung saan tayo ay bininyagan ng tubig nuon sa simbahang kinamulatan natin. At tulad ng dati, naghihintay duon si Hesus sa atin.

Reply

Malou Castaneda March 21, 2024 at 10:50 pm

PAGNINILAY
Ang pag-ibig ay ipinapakita hindi sa salita kundi sa gawa.
Si Hesus mismo ang nagsabi na makikilala nila tayo sa pamamagitan ng mga bunga na ating ibinibigay, dahil ang mabuting puno ay hindi mamumunga ng masama, ni ang masamang puno ay mamumunga ng mabuti. Marami tayong pinag-uusapan tungkol sa pagbibigay ng patotoo at mahirap paniwalaan ang isang taong hindi naipapakita sa kaniyang mga gawa kung ano ang kaniyang sinasabi o ipinangangaral ng kaniyang bibig. Tayo ay binobomba ng mga salita, ng mga nag-aanunsiyo, pulitiko, media at lahat ng uri ng mangangaral. Sa kanila, tulad ng sa ating sarili, sinasabi natin: Kung ang iyong mga gawa ay hindi katumbas ng iyong mga salita, sa gayon ay hindi kami maniniwala sa iyo. Hilingin natin sa Panginoon na ipakita sa atin kung saan nagkukulang ang ating buhay sa ating ipinahahayag. Upang maisabuhay natin ang ating ipinapahayag at maipahayag ang ating pamumuhay.

Panginoong Hesus, gawin Mo kaming mga tagatupad ng salita, at hindi mga tagapakinig na nakakalimot. Amen.
***

Reply

HOD March 22, 2024 at 5:17 pm

Pagninilay
Sa gospel po natin ngayon ay pinukol ng bato si Hesus ng isa sa mga hudyong nakapaligid sa Kanya. At ng tanungin ni Hesus kung ito ba ay dahil sa mga nagawa niyang mabuti. Subalit hindi daw ito dahil sa mga nagawa niyang mabuti kundi dahil sa sinabi niyang siya ang Diyos subalit siya ay tao lamang.

Hindi na po ito bago sa mga taong nagpapahayag ng salita ng Diyos. Madalas ay nakakakuha ito ng panghuhusga mula sa mga taong hindi matanggap na may isang taong katulad niya ang nakagagawa ng mga ganitong bagay. Samakatuwid, insecure!

Sa buhay po natin ngayon, kapag po tayo ay nakakgawa ng kabutihan, hindi po lahat natutuwa. Hindi po lahat tanggap na gumagawa ng kabutihan ang isang tao.

Hindi po natin masisisi ang iba dahil sa panahon po ng social media ngayon ay madami na ang nagpapakita ng pag gawa ng kabutihan sa social media hindi dahil sa may malinis na intensyon na makatulong, kundi para nalang din sa mga kikitain kapag maraming engagements ang kanilang video. Dito ay makakakuha sila ng bashers at sasabihan na for the content.

Mayroon din naman na gumagawa ng kabutihan at pinapakita sa social media hindi upang kumita o hangaan subalit upang mamulat ang iba na may magagawa kung ang bawat isa ay gagawa ng munting kabutihan sa kapwa sa bawat araw. At may roon din silang mga bashers.

Pero ano po ang pinagkaiba? Yung mga hindi malinis ang intensyon ay magrereact sa mga bashers, hanggat maraming engagement ang video jila mas maraming kita. Kung kaya naman masisipag din sumagot at mang asar pa sa mga bashers.

Subalit ang iba na malinis ang intensyon ay hindi pumapatol sa mga tumutuligsa sa kanila at patuloy sa kanilang gawain. Katulad nang siya ay pukulin ng bato, inalam nya lang kung bakit at nilisan na ang lugar na iyon at pumunta sa ibang lugar kung saan siya tanggap.

Kung ano man po ang ibinabato ng mundo sa atin ngayon – pangamba, pagsasalat, karamdaman, kahihiyan at iba pa… Palampasin lang po natin at itaas ito sa Panginoon. Isuko po natin ang lahat nang mga ito at pagsumikapan na sumunod sa Kanya. Do your best and God will do the rest.

Huwag po natin pahirapan ang sarili natin na saluhin lahat ng mga ipinupukol sa atin at isipin kung bakit? Tulad ni Hesus, move on… move forward. Trust in the Lord.

Reply

Ruel March 27, 2026 at 6:13 am

Ang tawag sa araw na Ito ay Vietnam dolores dahil traditsiyon na nagpaalam si Hesus Kay Maria sa kanyang Ina na haharap na si Hesus sa kamatayan upang sundin ang AMA at para sa ikakaligtas ng tanan. Sa pagharap nito Hesus ay pagtanggap ng isang Ina ng katotohana ay ito’y hapos ng isang Ina subalit pinagnilayan mabuti ni Hesus ang human ni prophets Simeon sa kanya aa ang kayang anak na lingual ay isang 7palaraw na tatarak sa puso niya ngunit ikakaligtas ng sanlibutan na isnagbkatotohanan unit pasakit pero bunga nito mabutihan. Ang ebanghelio ay hindi matanggap ng mga hudiio ang katototihan kaya’t nais nilang batohin si Hesus pero si Hesus sa pagpapahayag ng katotohanan kamatayan ay hinrap niya.

Reply

Mel Mendoza March 27, 2026 at 8:54 am

PAGNINILAY:
Juan 10, 31–42,
Viernes de Dolores

Sa tuwing Biyernes bago ang Linggo ng Palaspas ay ginugunita natin ang Viernes de Dolores, (kapistahan ng Our Lady of Sorrows tuwing Setyembre 15 bilang opisyal na pagdiriwang sa buong Simbahan). Sa Mabuting Balita ngayon hindi lamang si Hesus ang ating pinagninilayan kundi pati ang pusong ina na nasasaktan—ang Mahal na Birheng Maria. Ang pagtatangkang pagbato kay Hesus ay hindi lamang tanda ng pagtanggi ng tao sa Diyos, kundi simula na rin ng mas malalim na hapis na tatahakin ng isang Ina.

Nang sabihin ni Hesus, “Ang Ama at Ako ay iisa,” ipinahayag Niya ang Kanyang banal na pagkakaisa sa Ama. Ngunit sa halip na manampalataya, pinili ng mga pinuno ng templo ang magbulag-bulagan. Ito ang trahedya ng puso ng tao: kapag sarado ang puso, kahit ang katotohanan ay nagiging kasalanan sa paningin.
Ngunit sa kabila ng pagtanggi, ipinakita ni Hesus ang Kanyang tunay na pagkakakilanlan:
•Siya ang Bagong Templo—ang presensya ng Diyos sa gitna ng tao;
• ang tunay na Altar—kung saan ihahandog ang Kanyang sarili;
• ang Dakilang Pari—na namamagitan para sa atin;
• at ang Kordero—na mag-aalay ng Kanyang buhay para sa kaligtasan ng sanlibutan.

At dito pumapasok ang sakit ng Ina. Habang unti-unting inilalantad ni Hesus ang Kanyang misyon, unti-unti ring tinatanggap ni Maria ang espada ng dalamhati sa kanyang puso. Ang bawat pagtanggi kay Hesus ay sugat din sa puso ng Ina. Ang bawat hakbang patungo sa Krus ay hakbang din ng isang Ina sa pakikiisa sa paghihirap ng Anak.

Ang pahayag ni Hesus na Siya at ang Ama ay iisa ay isang malinaw na pagbubunyag ng Kanyang divinity. Hindi Siya basta propeta lamang—Siya ang Salita na nagkatawang-tao.
Ang pagtanggi sa Kanya ay hindi lamang simpleng hindi paniniwala; ito ay pagtanggi sa mismong presensya ng Diyos sa kanilang harapan.

Sa kabilang banda, ang Kanyang mga gawa ang nagsisilbing “sakramento” ng katotohanan—nakikita sa gawa ang hindi matanggap ng isip. Kaya’t ang pananampalataya ay hindi lamang nakabase sa salita, kundi sa karanasan ng gawain ng Diyos sa ating buhay.

Pagsasabuhay:
Sa ating panahon, may mga pagkakataon din na “binabato” natin si Hesus—hindi man literal, kundi sa pamamagitan ng:
•pagtanggi sa Kanyang kalooban;
•pagpili sa kasalanan kaysa katotohanan;
• sa pagiging sarado sa Kanyang paanyaya ng pagbabago

Ngayong Viernes de Dolores, inaanyayahan tayong:
1. Buksan ang puso sa katotohanan ni Kristo;
2. Makiramay sa hapis ng Mahal na Ina;
3. At maging tapat sa ating pananampalataya kahit may pagtutol
Tanungin natin ang sarili: Ako ba ay kabilang sa mga bumabato, o sa mga sumasampalataya?

Word of the Day: “Pananampalataya”
Isang paniniwalang hindi lamang nakabatay sa nakikita, kundi sa pagtitiwala sa katotohanan ng Diyos—kahit ito ay hindi tanggap ng mundo.

Panalangin:
Ama naming mapagmahal,
buksan Mo ang aming puso upang makilala si Hesus bilang Iyong Anak,
ang aming Panginoon at Tagapagligtas.
Sa paggunita namin sa hapis ng Mahal na Ina, turuan Mo kaming makiisa sa Kanyang pananampalataya at pagtitiis.
Nawa’y huwag naming tanggihan si Kristo sa aming buhay, kundi tanggapin Siya bilang Ilaw at Pag-asa ng aming kaluluwa. Amen. ?

Reply

Jovy Uy March 27, 2026 at 2:52 pm

Daily Bible Readings
27 March 2026

Jeremias 20:10-13

Salmo 17:2-3 3- 7

Juan 10:31-42

PAGNINILAY

Sa unang pagbasa, ang karanasan ni propeta Jeremias at isang anino ay propesiya sa maging karanasan ni Jesus na nagpapatunay lamang na ang mga kasulatan sa biblia ay patungkol kay Jesus.

“Naririnig kong nagbubulungan ang karamihan.
Tinagurian nila akong “Kilabot saanman.”
Sinasabi nila, “Isuplong natin! Isuplong natin!”
Pati matatalik kong kaibiga’y naghahangad ng aking kapahamakan.
Wika pa nila, “Marahil ay malilinlang natin siya;
pagkatapos, dakpin natin at paghigantihan.”

Sa Salmo, ipinapahayag dito ang magiging karanasan ni Jesus sa kamay ng kanyang mga kababayan.

“Gapos ako ng tali ng kamatayan;
siniklot ng alon ng kapahamakan.
Nabibingit ako sa kamatayan,
nakaumang na sa labi ng libingan. Kaya’t ang Poon ay tinawag ko;
sa aking kahirapan, humingi ng saklolo.
Mula sa templo n’ya, tinig ko’y narinig,
umabot sa kanya ang aking paghibik.”

Sa gospel reading, ipinahayag dito ang naging karanasan ni Jesus sa kanyang kababayan bilang katuparan ng mga propesiya ni Jeremias at ni haring David. Sinumang nadatnan o nakatanggap ng salita ng Dios at nabatid ang katuparan nito kay Jesus ay magiging dios o anak ng Dios siya.

“Noong panahong iyon, ang mga Judio’y kumuha ng bato upang batuhin si Hesus. Kaya’t sinabi sa kanila ni Hesus:“Maraming mabubuting gawa mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin ba sa mga ito ang dahilan at ako’y inyong babatuhin?” Sinagot siya ng mga Judio, “Hindi dahil sa mabuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos! Sapagkat nagpapanggap kang Diyos gayong tao ka lang.” Tumugon si Hesus, “Hindi ba nasusulat sa inyong Kautusan, ‘Sinabi ko, Mga diyos kayo?’ Mga diyos ang tawag ng Kautusan sa mga dinatnan ng salita ng Diyos, at hindi maaaring tanggihan ang sinasabi ng Kasulatan. Ako’y hinirang at sinugo ng Ama; paano ninyong masasabi ngayon na nilalapastangan ko ang Diyos sa sinabi kong ako ang Anak ng Diyos? Kung hindi ko ginagawa ang mga ipinagagawa ng aking Ama, huwag ninyo akong paniwalaan. Ngunit kung ginagawa ko iyon, paniwalaan ninyo ang aking mga gawa, kung ayaw man ninyo akong paniwalaan. Sa gayun, matitiyak ninyong nasa akin ang Ama at ako’y nasa kanya.”

Kumusta naman tayo. Nabatid na ba natin ang katuparan ng mga kasulatan kay Jesus sa kanyang paskal upang maging dios o anak ng Dios tayo.

“Datapuwat ang lahat ng tumanggap sa kaniya ay binigyan niya ng kaparapatang maging mga anak ng Diyos. Sila ay ang mga sumampalataya sa kaniyang pangalan. Ipinanganak sila hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao kundi ng kalooban ng Dios (1 Juan 1:12-13).

Reply

Jovy Uy March 27, 2026 at 4:57 pm

Sa unang pagbasa, ang naging karanasan ni propeta Jeremias at isang anino at propesiya sa magiging karanasan ni Jesus na nagpapatunay lamang na ang mga kasulatan sa biblia ay patungkol kay Jesus.

“Naririnig kong nagbubulungan ang karamihan.
Tinagurian nila akong “Kilabot saanman.”
Sinasabi nila, “Isuplong natin! Isuplong natin!”
Pati matatalik kong kaibiga’y naghahangad ng aking kapahamakan.
Wika pa nila, “Marahil ay malilinlang natin siya;
pagkatapos, dakpin natin at paghigantihan.”

Sa Salmo, ipinapahayag dito ang magiging karanasan ni Jesus sa kamay ng kanyang mga kababayan.

“Gapos ako ng tali ng kamatayan;
siniklot ng alon ng kapahamakan.
Nabibingit ako sa kamatayan,
nakaumang na sa labi ng libingan. Kaya’t ang Poon ay tinawag ko;
sa aking kahirapan, humingi ng saklolo.
Mula sa templo n’ya, tinig ko’y narinig,
umabot sa kanya ang aking paghibik.”

Sa gospel reading, ipinahayag dito ang naging karanasan ni Jesus sa kanyang mga kababayan bilang katuparan ng mga propesiya tulad ng Jeremias at ni haring David. Sinumang nadatnan o nakatanggap ng salita ng Dios at nakabatid ang katuparan nito kay Jesus ay magiging dios o anak ng Dios siya.

“Noong panahong iyon, ang mga Judio’y kumuha ng bato upang batuhin si Hesus. Kaya’t sinabi sa kanila ni Hesus:“Maraming mabubuting gawa mula sa Ama ang ipinakita ko sa inyo; alin ba sa mga ito ang dahilan at ako’y inyong babatuhin?” Sinagot siya ng mga Judio, “Hindi dahil sa mabuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos! Sapagkat nagpapanggap kang Diyos gayong tao ka lang.” Tumugon si Hesus, “Hindi ba nasusulat sa inyong Kautusan, ‘Sinabi ko, Mga diyos kayo?’ Mga diyos ang tawag ng Kautusan sa mga dinatnan ng salita ng Diyos, at hindi maaaring tanggihan ang sinasabi ng Kasulatan. Ako’y hinirang at sinugo ng Ama; paano ninyong masasabi ngayon na nilalapastangan ko ang Diyos sa sinabi kong ako ang Anak ng Diyos? Kung hindi ko ginagawa ang mga ipinagagawa ng aking Ama, huwag ninyo akong paniwalaan. Ngunit kung ginagawa ko iyon, paniwalaan ninyo ang aking mga gawa, kung ayaw man ninyo akong paniwalaan. Sa gayun, matitiyak ninyong nasa akin ang Ama at ako’y nasa kanya.”

Kumusta naman tayo. Nabatid na ba natin ang katuparan ng mga kasulatan kay Jesus sa kanyang paskal upang maging dios o anak ng Dios tayo.

“Datapuwat ang lahat ng tumanggap sa kaniya ay binigyan niya ng kaparapatang maging mga anak ng Diyos. Sila ay ang mga sumampalataya sa kaniyang pangalan. Ipinanganak sila hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao kundi ng kalooban ng Dios (1 Juan 1:12-13).

Reply

BdKz March 27, 2026 at 8:30 pm

We are the product of our choices.
3 desisyon sa pagpili –
*Ang tinitingnan? – what you consumes, consumes you, you become what you focus. Tingnan ang mabuti makakaranas ng mabuti. Ang marunong na tao alam ang tama sa mali. Ang matalinong tao alam ang mabuti at iniiwasan ang mali.
*Kahulugan na ibinigay sa ating mga nararanasan sa ating buhay? – ang kahulugan ang ugat ng nararamdaman mo. Meaning equals emotions. Tinitingnnan ng Diyos ang laman ng puso habang ginagawa natin ang kagustuhan ng Diyos. Kahulugan ng ating buhay ay binigay na ng Diyos mababasa sa Bibliya.
Basic Instruction Before Living Earth – BIBLE
Mas mahirap ang buhay kung hindi iisipin ang kahulugan ng buhay sa salita ng Diyos. God is with you, forgives you and love you.
*Ano ang gagawin mo ngayon? – Nagmumula ang ating ginagawa sa ating emotions. Depends on what we feel.
Why you are doing what you are doing is the most important question.
Why not what.
Masagot ang mga tanong ay pedeng tayo gamitin ng Diyos na pagpapala ng iba.
Amen
-Father Jowel Gatus
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good.
Blessed2026
Thank You, Lord for a new day. Praying for a healing heart, peace, and strength. Amen #PeaceInMiddleEast #GvFriday

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: