Podcast: Download (Duration: 6:57 — 5.0MB)
LITANIYA SA SIMBAHANG PINAG-UUSIG
Mapagmahal na Diyos, lumalapit kami sa iyo bilang isang Simbahang nagmula sa Krus ni Kristo, isang Simbahang lumaganap sa loob ng dalawang libong taon mula sa maluwalhating dugo ng mga martir.
Ating itugon:
Iligtas mo ang iyong sambayanan, Panginoon.
Mula sa diskriminasyon laban sa mga mananampalataya at laban sa buong Simbahan.
Iligtas mo ang iyong sambayanan, Panginoon.
Mula sa kadiliman ng mga bilangguan at sa kalungkutan ng pagkakatapon dahil sa aming pananampalataya kay Kristo
Iligtas mo ang iyong sambayanan, Panginoon.
Sa matinding pagkabagabag ng pagsamba nang patago sapagkat hindi ito pinapahintulutan.
Iligtas mo ang iyong sambayanan, Panginoon.
Mula sa kawalang-katarungan, digmaan, terorismo, pagpapahirap, pagpatay at lahat ng uri ng pasakit dahil sa aming pananampalatayang Kristiyano
Iligtas mo ang iyong sambayanan, Panginoon.
Atin ngayong itugon sa bawat pagsamo:
Sa iyo Panginoon kami umaasa!
Para sa mga Obispo at paring pinagbabawalang isagawa ang kanilang ministeryo sa Simbahan o sa anumang lugar.
Sa iyo Panginoon kami umaasa!
Para sa mga relihiyoso at mga misyonerong inihayo subalit hindi maisagawa ang kanilang misyon
Sa iyo Panginoon kami umaasa!
Para sa mga bukas-palad na lalaki at babaing pinipigilang maisakatuparan ang kanilang paghuhubog sa buhay relihiyoso
Sa iyo Panginoon kami umaasa!
Para sa mga magulang na nawawalan ng pagkakataong makapagbigay ng tamang aral sa pananampalataya sa kanilang mga anak.
Sa iyo Panginoon kami umaasa!
Sa mga propesyunal at mga ordinaryong manggagawang hindi mabigyan ng pantay na karapatan at oportunidad dahil sa kanilang pananampalataya.
Sa iyo Panginoon kami umaasa!
Amang mapagmahal, batid namin ang pagtutunggalian ng buhay at kamatayan dahil sa aming pakikiisa sa iyong Anak at sa aming pagsambit ng pananampalataya sa kanya. Pagaanin mo ang sakit na aming nadarama. Nawa ang mga paghihirap na nararanasan ng iyong Simhahan ay maging daan para sa buhay at paghihilom ng mundo. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules
Sa Diyos ang daigdig at ang sangkatauhan. Ipagkatiwala natin ang ating sarili sa kanya, nang may pananalig at umasa sa kanyang pagtatanggol.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, manatili nawa kami sa Iyong pagkalinga.
Ang Simbahan nawa’y tumingin sa kinabukasan nang may kapayapaan at pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa pamamagitan ng ating paggawa ng kabutihan, ang mga hinahamak, mga tinanggihan, at mga hindi minamahal sa ating lipunan nawa’y makadama ng kalinga ng Diyos sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayo nawa’y magkaroon ng matatag na pananalig kay Jesus na nagbubukas ng ating paningin sa kagandahan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit at ang mga nagdurusa nawa’y makita at madama ang mapagpagaling na presensya ng Diyos sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang ating mga yumaong kamag-anak at mga kaibigan nawa’y pagkalooban ng walang hanggang liwanag at biyaya, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming nasa Langit, punuin mo kami ng iyong pag-ibig at pawiin mo ang kadiliman sa aming buhay upang makakilos at makagawa kami sa liwanag ni Kristo, ang iyong Anak na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.
Pages: 1 2
« Martes, Nobyembre 25, 2025
Huwebes, Nobyembre 27, 2025 »




{ 12 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Tayo’y palapit sa pagtatapos ng Taong Panliturhiya ng Simbahan. At sa darating na Linggo, papasok tayo muli sa bagong taon sa Unang Linggo ng Adbiyento. Kaya ang mga Pagbasa ay nagpapaalala sa atin na maging handa at matatag sa oras na darating ang Panginoon upang tayo’y kanyang hatulan.
Ang Unang Pagbasa ay ang kasunod na paghahari sa Babilonia na kahalili at anak ni Nabucodnossor, na si Haring Belsasar. Namuhay si Belsasar sa buhay na marangya sa pag-iinom at pagsasamba sa mga diyus-diyosang yari sa ginto, pilak, tanso, bakal, at kahoy. Kaya nakita niya ang isang malaking kamay na sumusulat ng mga salita, na nanginig sa kanya na takot. Kaya tinanong niya si Daniel, na naging tagalarawan ng mga pangitain at panaginip noong namumuno ang ama ng hari sa Babilonia. At ipinaliwanag nang diresto ni Daniel ang mangyayari sa hari at sa kanyang pamumuno sa pamamagitan ng mga katagang: MENE, TEKEL, at PARSIN. Ang tatlong salitang ito ay nagpapahiwatig na ang pamumuno ni Belsasar ay malapit nang matapos, at mapupunta ang kanyang kaharian sa kamay ng mga taga-Persya. Ito ay nagpapahiwatig na sa kabila ng mga makamundong pagnanasa at paghihingi ng mga makamundong bagay lalung-lalo na ng mga nasa mataas na posisyon, ang lahat ng ito ay lilipas. Ngunit ang Diyos na hari ng lahat ay hindi kailanma’y lilipas dahil sa kanyang dakilang pag-ibig sa atin.
Ang Ebanghelyo ay patuloy na pagpapahayg ni Kristo tungkol sa darating na katapusan ng mundo. Matapos ikuwento ang pagbagsak ng Templo [na nangyari noong Taong 70 A.D.] at ang babala na huwag magpalinlang sa mga hangal na paasa, ngayon naman ay nagbibigay ng ginhawa ang ating Panginoong Hesukristo tungkol sa ating misyon at buhay bilang mga Kristiyanong inatasan na ipalaganap at maging saksi ng Mabuting Balita. Noon pa sinabi Hesus ang mga banta laban sa kanyang mga alagad, nang isugo niya sila sa bawat nayon at bayan ng Israel. Ngayon ay parang inulit niya ang kanyang mensahe na maging matatag kapag dumating ang mga oras ng kagipitan at pang-uusig. Sinabi ni Hesus na tayo ay maliligtas kung tayo ay magtitiis at magtiyatiyaga nang buong pananampalataya sa Diyos at katapatan sa kanyang dakilang kalooban. Alam natin na mahirap maging saksi ni Kristo sa mundong puno ng oposisyon laban sa mga itinuturo ng Diyos Ama sa pamamagitan ng ating Simbahan. Ngunit tandaan natin na si Kristo ay kapiling natin hanggang sa wakas ng mundo.
Mga kapatid, ang mga Pagbasa ay nagtuturo sa atin kung paano natin dapat yakapin ang bawat pagsubok na ating dinadatnan. Mahirap talaga kung tao ay nagdurusa, ngunit alalahanin natin na ginawa na iyan mismo ng ating Panginoong Hesukristo, nang siya’y ipinako sa Krus. Inako niya ang ating mga kasalanan, bagamat wala siyang kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang Pagpapasakit, upang maintindihan natin ang kahalagahan ng kaligtasang kaloob ng Ama sa pamamagitan ng kanyang Anak. Nawa’y huwag tayong maghina ng loob at pananalig na makakayanan nating daanin at umahon mula sa bawat pagsubok at pagdurusa na dumadating sa ating buhay.
ANG Tunay na pagmamahalan ay may kasamang kirot at sakit.
Tunay na pag ibig ay natatapos SA ginhawa.
Maging malapit SA Diyos para SA kapayapaan Ng bawat ISA.
Lumapit lagi SA Diyos pag Tayo ay nalilito,nahihirapan at nabibigatan SA buhay.
Ask for grace of perseverance to God so that someday our hurt and pain will soon be a blessing.
Amen.
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good.
Thank you, Lord.
#GvWednesday
Ano ang mga aral at hamon ng mga pagbasa;
Sa unang pagbasa ipinaalala satin ang na anuman ang meron ka ngayon, masaganang buhay, posisyon, kapangyarihan, kasikatan, ari-arian at komportableng buhay ay sa isang iglap ay kaya bawii lahat ng Diyos. Kaya’t manatili tayo na magpakababa at purihin ang Diyos na nagbigay sa atin ng lahat ng ating tinatamasa ngayon.
Sa ating ebanghelyo, may mga darating na pangyayari sa ating buhay na mauuga ang ating pananalig ngunit wag tayong bibitaw sa Diyos. May mga taong uusigin tayo pero yun ang panahon para magpatotoo tayo sa kaligayahang nadarama natin nung mgakaroon tayo ng relasyon kay Hesus. Ipinaalala din na huwag tayong mamgamba sapagkat hindi tayo iiwanan ng Diyos kaya’t wag din natin syang iiwan.
Pagninilay ni Jess C. Gregorio:
Kasusuklaman tayo kung puro Diyos na lang ang namumutawi sa bibig natin. Kung puro na lang tungkol sa kanya ang mga ipinopost natin sa social media. Baka raw sumobra na tayo sa langit. O tahasang sabihan ng tigilan na ang pinag gagawa natin dahil nakaka offend na tayo ng sensitivities ng mga nakakarami. Pero kung puro kalokohan at pawang papuri sa tao na nakakalaki ng ulo nila ang sasabihin natin, kung like tayo ng like, emoji tayo ng emoji ng mga ?????ay tuwang-tuwa ang lahat, enjoy na enjoy tayo sa mga papuring walang laman maliban sa nakikigaya lang tayo sa karamihan, tawa tayo ng tawa sa mga kuwentong barbero at life of the party tayo, puro naman huwad at pagpapanggap karamihan ng mga ito maki ayon lang para di ma out-of-place. Kakatuwa ano? Kung ano kapakinakinabang sa mga tao ayaw nila. Uusigin tayo. Ipagtatabuyan tayo. Kukutyain. Pagtatawanan dahil kakaiba raw tayo. Pag tsismis na klik na tayo, magbabago ang pagmumukha at parang interesadong intersado. Gustong manuod ng mga nangyayari sa mga buhay ng ibang tao, naeentertain, natutuwa, nalilibang. Pero kung ang babasahin, pakikinggan, o ang panonoorin ay tungkol sa Panginoon, boring na, aantukin, matutulog, walang kainte-interest malaman. Ang pinaka masakit marahil ay ang ipagtabuyan ka ng mga mahal mo sa buhay na nais mong mailigtas pero sarado talaga ang puso at isipan na kung saan aawayin ka pa at babansagan na sumisira ng pag sasama ng pamilya dahil puro Diyos na lang ang naririnig sa atin. Mag patuloy lang tayo sa ganitong pag uusig. Sabi ni Hesus, “Ipanatag ninyo ang inyong kalooban, huwag kayong mababalisa tungkol sa pagtatanggol sa inyong sarili; sapagkat bibigyan ko kayo ng katalinuhan at ng pananalitang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway. Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak, at mga kaibigan. At ipapapatay ang ilan sa inyo. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin, ngunit hindi mawawala ni isang hibla ng inyong buhok.”
PAGNINILAY
Kapag gusto nating malutas agad ang mga problema, o gumawa ng isang bagay para maging maayos ang lahat, lalo na sa mga relasyon, kailangan nating tandaan na ang pagpapagaling ay nangangailangan ng oras. Lahat ng bagay na may halaga ay nangangailangan ng oras, pasensya at tiyaga. Kadalasan, kapag ang tiyaga ang higit na kailangan, hindi natin nararamdaman ang pagtitiyaga. Sa halip, maaari tayong makaramdam ng pananakit, pakikipaglaban at galit. Ngunit kapag ang mahihirap na pagkakataon ay dumating sa atin, nagagawa nating ipamuhay ang Ebanghelyong ito sa paraang hindi natin maaaring ipamuhay kung lahat ng bagay sa ating buhay ay madali at komportable. Nawa’y ibaling natin ang ating mga mata sa pag-asa na makita ang pag-uusig bilang isang tawag sa higit na kabutihan. Nawa’y kunin natin ang pampatibay-loob mula sa mga salita ni Hesus: “Sa iyong pagtitiyaga ay matitiyak mo ang iyong buhay.”
Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming umasa sa Iyong Salita sa gitna ng napakaraming pagdurusa ngayon. Amen.
***
PAGNINILAY:
Lucas 21:12–19
Bago ibigay ni Hesus ang pahayag tungkol sa pag-uusig, ipinakita muna Niya ang isang nakagugulat na propesiya:
Ang Templo ng Jerusalem ang pinakamaganda, pinakamalaking, at pinakabanal na gusali ng Israel — ay mawawasak.
Nang humanga ang mga tao sa laki at ganda ng mga batong marmol, sinabi Niya:
“Darating ang panahon na walang maiiwang bato na nakapatong sa kapwa bato.” (Lucas 21:6)
Ang Templo ay simbolo ng katatagan, identidad, at presensya ng Diyos. Kaya ang anunsiyong ito ay parang sinabing yayanigin ang mismong puso ng kanilang pananampalataya.
Pagkatapos nito, sa Ebanghelyo ngayon itinuloy ni Hesus ang Kanyang pahayag at sinabi: “Darakpin kayo’t uusigin… dadalhin kayo sa mga sinagoga… ihaharap sa mga hari… ipapapatay ang ilan sa inyo.” (Lucas 21:12–16)
Sa talatang ito para bang sinasabi ni Hesus:
Kung ang Templo ay kayang gumuho, gaano pa kaya ang mga alagad?
Ngunit sa halip na takot ang ibigay, nagbigay Siya ng pag-asa at katiyakan: “Hindi mawawala ni isang hibla ng inyong buhok… Sa inyong pagtitiis ay tatamuhin ninyo ang buhay na walang hanggan.”
Sa bawat ikaapat na Miyerkules ng buwan ng Nobyembre ay ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko ang Red Wednesday at ang Misteryo ng Pagtitiis. Ito ay may malaking kaugnayan at akma sa Pagbasa sa Ebanghelyo sa araw na ito.
Ang Red Wednesday ay hindi lamang tungkol sa dugo ng mga martir — ito ay teolohikal na paalala ng tatlong mahalagang katotohanan:
1. Participatio in Passione Christi — Pakikiisa sa Paghihirap ni Kristo
Ang pag-uusig ay hindi tanda ng kahinaan ng Simbahan.
Ito ay tanda ng pagiging tunay na kahalili ni Kristo, sapagkat ang alagad ay hindi higit sa Guro.
2. Ang Pagtitiis ay Bunga ng Espiritu Santo
Nangako si Jesus: “Bibbigyan ko kayo ng katalinuhan at pananalitang hindi kayang tutulan ng sinuman.” Ibig sabihin, ang lakas at talino ng mga martir ay hindi galing sa kanila — ito ay regalo ng Espiritu Santo.
3. Ang Dugo ng mga Martir ay ‘Semen Ecclesiae’ — Binhi ng Simbahan
Sa bawat taong nagpapakasaksi kahit sa hirap, may bagong buhay na sumisibol sa Simbahan. Ang Red Wednesday ay hindi lamang pag-alala — ito ay pagpapalalim ng ating identidad bilang Simbahang handang maglingkod hanggang dulo.
Kung ang Templo ay gumuho, at kung ang mga martir ay nakaranas ng pagsubok, tayo rin ay haharap sa mga panahon ng “pagkakalog” sa buhay: pagkawasak ng relasyon, pagsubok sa ating gawain sa araw araw, hindi pagkakaintindihan sa pamilya dahil sa pananampalataya,
kritisismo sa paglilingkod sa Simbahan, pagod sa buhay ministerial o apostolate.
Ngunit ang sabi ni Jesus:
“Ito ang pagkakataon ninyo upang magpatotoo.” Hindi Niya sinabi: “Ito ang panahon para umatras.” Kundi: “Ito ang panahon para maging saksi.” Sa gitna ng pag-uusig, tahasan man o tahimik —nagiging buhay na Ebanghelyo tayo sa ating sariling mga Jerusalem.
Maraming Kristiyano ang inuusig ngayon—higit 360 milyong tao sa buong mundo. Ngunit higit pa rito, may “everyday persecution” na nararanasan ng karaniwang layko: pangungutya kapag nagdarasal, pagtutol ng pamilya sa ating commitment sa simbahan, panghihina ng loob sa gitna ng mabigat na ministry, panlalamig ng komunidad, kakulangan ng suporta sa misyon.
Sa Red Wednesday, tandaan nating ito:
Ang Diyos ay hindi nagpapabaya. Ang bawat luha ng mga saksi ay binibilang Niya. At ang bawat sakripisyo natin sa paglilingkod ay may bigat sa harap ng Langit.
Word of the Day: MARTURIA (????????)
Ibig sabihin: patotoo, witness. Mula rito nanggaling ang salitang martyr.
Hindi lang ang namamatay para kay Kristo ang martir —kundi ang taong araw-araw ay namumuhay bilang patotoo.
Ngayong Red Wednesday, tayo ay tinatawagan:
Hindi lamang magsuot ng pula — kundi mamuhay na may apoy na laging may ningas ng pagasa.
Panalangin:Panginoong Hesukristo, sa araw na ito, inaalala namin ang Iyong mga martir, ang mga inuusig, at ang mga nagdurusa dahil sa Iyong Pangalan. Bigyan Mo rin kami ng lakas upang maging matapang na saksi, hindi natitinag ng takot, hindi sumusuko sa pagsubok. Sa oras ng pagkakalog, pagningasin Mo ang aming pananampalataya. Sa oras ng pag-uusig, bigyan Mo kami ng pananalitang mula sa Espiritu Santo.
Sa oras ng panghihina, yakapin Mo kami at punuin ng pag-asa.
Gawin Mo kaming mga buhay na martir sa aming komunidad —
mga tagapagdala ng liwanag sa dilim, mga tagapagdala ng pag-asa sa hirap, at mga tagapagdala ng katotohanan kahit kapalit ay pagtitiis.
At tulad ng Iyong pangako, na “hindi mawawala ni isang hibla ng aming buhok,” pagkalooban Mo kami ng tibay hanggang sa dulo, upang matamo namin ang buhay na walang hanggan. Amen.
Nagtatapos ang kalendaryo ng ating simbahan sa pagdiriwang ng Kristong Hari.Sa paghihintay sa padating ng tagapagligtas tayong lahat ay inaanyahan at pinapaalahanan na ihanda ang ating mga sarili.Sa ating Ebanghelyo ngayon araw ay binibigyan tayo ng pagasa na ihanda ang ating sarili at wala dapat ikatakot sa mga ibat ibang nangyayari ngayon sa ating daigdig,lalot higit sa ating bansa.Ang sunod sunod na pagulan na naging sanhi ng pagbaha ay naging daan ng Diyos na ipakita sa ating mga Pilipino na matuldukan ang nangyayaring pagkasira ng kalikasan at wakasan ang ang korupsyon.Hindi ito pagpapahayag na malapit ng magwakas ang mundo,kundi pagpapakita na kailangan din ng ating Mundo ng pagkalinga at pagmamahal gaya ng ipinapadama sa atin ng ating Panginoon.Amen
Nagtatapos ang kalendaryo ng ating simbahan sa pagdiriwang ng Kristong Hari.Sa paghihintay sa padating ng tagapagligtas tayong lahat ay inaanyahan at pinapaalahanan na ihanda ang ating mga sarili.Sa ating Ebanghelyo ngayon araw ay binibigyan tayo ng pagasa na ihanda ang ating sarili at wala dapat ikatakot sa mga ibat ibang nangyayari ngayon sa ating daigdig,lalot higit sa ating bansa.Ang sunod sunod na pagulan na naging sanhi ng pagbaha ay naging daan ng Diyos na ipakita sa ating mga Pilipino na matuldukan ang nangyayaring pagkasira ng kalikasan at wakasan ang ang korupsyon.Hindi ito pagpapahayag na malapit ng magwakas ang mundo,kundi pagpapakita na kailangan din ng ating Mundo ng pagkalinga at pagmamahal gaya ng ipinapadama sa atin ng ating Panginoon.Amen
PAGNINILAY:
Lucas 21, 12-19 “Sa inyong pagtitiyaga ay tatamuhin ninyo ang kaligtasan.”
“HYPMON?”
Habang papalapit ang pagtatapos ng liturgical year, tinuturuan tayo ni Jesus na ang tunay na alagad ay hindi umiikot sa kaginhawaan, kundi sa katapatan. Sa Ebanghelyong ito, hindi itinatago ni Jesus ang katotohanan: may pag-uusig, may pagtakwil, may pagsubok.
Ngunit kasabay ng babala, may isang pangako: “Hindi kayo mawawala. Ako ang bahala sa inyo.”
Ito ang mensahe ng pag-asa na akmang-akma sa Red Wednesday, araw ng pakikiisa sa mga Kristiyanong inuusig sa buong mundo — mga kapatid nating nagmimisa sa lihim, nagtatago ng Bibliya, at nagbabayad ng buhay para kay Cristo.
THEOLOGICAL INSIGHT
1. Ang pag-uusig ay tanda ng tunay na misyon
Sa teolohiya ng krus, ang paghihirap para kay Cristo ay hindi sumpa, kundi tatak ng pagiging tunay na saksi ng tagumpay ni Hesus sa Krus.
2. Si Kristo ang nagsasalita sa atin
“Ako ang magbibigay sa inyo ng wastong pananalita.” This is the theology of divine accompaniment — hindi lang tulong, kundi aktuwal na pakikipamuhay ng Diyos sa atin.
3. Kaligtasan sa pamamagitan ng tapat na pagtitiis
Ang salitang ginamit dito ay HYPMON? — matatag na pagtitiis na may paniniwalang kasama mo ang Diyos sa bawat hakbang.
WORD OF THE DAY: “HYPMON?”
Kahulugan:
Matatag at tapat na pagtitiis na nakaugat sa tiwala sa Diyos.
Hindi ito passive suffering. Hindi ito pagsuko. Ito ay tapang na manatiling tapat kay Kristo kahit may pag-uusig, pagod, takot, o hindi pagkakaintindihan.
Bakit ito ang salita ng Red Wednesday?
Dahil ito ang birtud ng mga martir at mga Kristiyanong nagbubuwis ng buhay para sa pananampalataya. Sila ay hindi sumuko — sila ay nag-hympon?: nanatiling tapat hanggang wakas
Kapag tinanong natin ang sarili: “Bakit kailangan ang pag-uusig? Bakit may hirap sa paglilingkod?” Ang sagot ni Hesus ay malinaw: Dahil dito nahuhubog ang katapatan.
Sa paggawa natin ng mabuti, sa paglilingkod sa komunidad, sa pagiging tapat sa Simbahan, minsan may hindi makakaunawa, may tututol, may manlalamig.
Ito rin ang naranasan ng mga inusig — hindi sila pinangalagaan ng mundo, pero inalagaan sila ng Diyos.
At ito rin ang pangako sa atin: “Sa inyong HYPMON? — sa inyong matatag na pagtitiis — tatamuhin ninyo ang kaligtasan.”
Hindi takot ang mensahe ni Hesus, kundi pag-asa. At sa Red Wednesday, muling ipinapaalala na ang dugo ng mga martir ay hindi talo — kundi binhi ng mas masiglang pananampalataya.
PAGSASABUHAY
I-alay ang iyong pagod at pagsubok para sa persecuted Christians.
Manalangin para sa mga Kristiyanong nagtatago upang makapagsimba.
Maging tapat sa pananampalataya kahit may hindi sumasang-ayon.
Huwag sumuko sa paglilingkod. Ito ang ating personal na hympon?.
Maging tinig ng pag-asa sa iba. Baka ikaw ang sagot sa kanilang panalangin kapatid.
PANALANGIN
Panginoong Hesus, Ngayong Red Wednesday, ipinagdarasal namin ang lahat ng Kristiyanong dumanas at dumaranas pa ng pag-uusig. Pagpalain Mo sila ng lakas, tapang, at kagalakang galing sa Iyo.
Turuan Mo rin kami, Panginoon, na yakapin ang hypomon? — ang matatag na pagtitiis na hindi sumusuko, ang katapatan na hindi natitinag, at ang pag-asang laging kumakapit sa Iyong salita.
Gawin Mo kaming mga saksi ng liwanag sa mundong madalas kumokontra sa pag-ibig. Ngayon at magpakailanman, Ikaw ang aming kaligtasan.
Amen.
PAGNINILAY: Minsan kailangang usigin dahil sa pananampalataya upang malaman kung paninindigan ba natin ito o hindi. Marami sa atin ang pananampalataya ay kinamulatan at kinagisnan lamang at hindi personal na desisyon. Marami ay kampante lang at hindi ito ganap na pinahahalagahan. Mga tagasunod lamang sa pangalan pero hindi sa gawa. Kailangan talagang dumanas ng pag-uusig para magkaalaman kung sino ang totoo at nagpapanggap lang. Ang totoong tagasunod mananatili at maninindigan hanggang wakas. Gayunman, ipinapanalangin natin ang mga Kristiyanong inuusig sa iba’t-ibang paraan sa buong mundo kaya nga ang araw na ito ay tinatawag na MIYERKULES NA PULA. Matigil na nawa ang pagdurusa lalo ng mga ang tanging kasalanan ay mahalin at paglingkuran ang Panginoon nang tapat. Makiisa tayo sa kanila sa pamamagitan din ng pagmamahal at paglilingkod kahit masaktan.
PANALANGIN: Panginoon, dumanas nawa kami minsan ng pag-uusig sa ikalalago ng aming pananampalataya.
GAWAIN: Magpasalamat sa mga pagkakataong makapagpatotoo sa Panginoon.
PAGNINILAY: Tayo’y palapit sa pagtatapos ng Taong Panliturhiya ng Simbahan. At sa darating na Linggo, papasok tayo muli sa bagong taon sa Unang Linggo ng Adbiyento. Kaya ngayong Red Wednesday, ng mga Pagbasa ay nagpapaalala sa atin na maging handa at matatag sa oras na darating ang Panginoon upang tayo’y kanyang hatulan.
Ang Unang Pagbasa ay ang kasunod na paghahari sa Babilonia na kahalili at anak ni Nabucodnossor, na si Haring Belsasar. Namuhay si Belsasar sa buhay na marangya sa pag-iinom at pagsasamba sa mga diyus-diyosang yari sa ginto, pilak, tanso, bakal, at kahoy. Kaya nakita niya ang isang malaking kamay na sumusulat ng mga salita, na nanginig sa kanya na takot. Kaya tinanong niya si Daniel, na naging tagalarawan ng mga pangitain at panaginip noong namumuno ang ama ng hari sa Babilonia. At ipinaliwanag nang diresto ni Daniel ang mangyayari sa hari at sa kanyang pamumuno sa pamamagitan ng mga katagang: MENE, TEKEL, at PARSIN. Ang tatlong salitang ito ay nagpapahiwatig na ang pamumuno ni Belsasar ay malapit nang matapos, at mapupunta ang kanyang kaharian sa kamay ng mga taga-Persya. Ito ay nagpapahiwatig na sa kabila ng mga makamundong pagnanasa at paghihingi ng mga makamundong bagay lalung-lalo na ng mga nasa mataas na posisyon, ang lahat ng ito ay lilipas. Ngunit ang Diyos na hari ng lahat ay hindi kailanma’y lilipas dahil sa kanyang dakilang pag-ibig sa atin.
Ang Ebanghelyo ay patuloy na pagpapahayg ni Kristo tungkol sa darating na katapusan ng mundo. Matapos ikuwento ang pagbagsak ng Templo [na nangyari noong Taong 70 A.D.] at ang babala na huwag magpalinlang sa mga hangal na paasa, ngayon naman ay nagbibigay ng ginhawa ang ating Panginoong Hesukristo tungkol sa ating misyon at buhay bilang mga Kristiyanong inatasan na ipalaganap at maging saksi ng Mabuting Balita. Noon pa sinabi Hesus ang mga banta laban sa kanyang mga alagad, nang isugo niya sila sa bawat nayon at bayan ng Israel. Ngayon ay parang inulit niya ang kanyang mensahe na maging matatag kapag dumating ang mga oras ng kagipitan at pang-uusig. Sinabi ni Hesus na tayo ay maliligtas kung tayo ay magtitiis at magtiyatiyaga nang buong pananampalataya sa Diyos at katapatan sa kanyang dakilang kalooban. Alam natin na mahirap maging saksi ni Kristo sa mundong puno ng oposisyon laban sa mga itinuturo ng Diyos Ama sa pamamagitan ng ating Simbahan. Ngunit tandaan natin na si Kristo ay kapiling natin hanggang sa wakas ng mundo.
Mga kapatid, ang mga Pagbasa ay nagtuturo sa atin kung paano natin dapat yakapin ang bawat pagsubok na ating dinadatnan. Mahirap talaga kung tao ay nagdurusa, ngunit alalahanin natin na ginawa na iyan mismo ng ating Panginoong Hesukristo, nang siya’y ipinako sa Krus. Inako niya ang ating mga kasalanan, bagamat wala siyang kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang Pagpapasakit, upang maintindihan natin ang kahalagahan ng kaligtasang kaloob ng Ama sa pamamagitan ng kanyang Anak. Nawa’y huwag tayong maghina ng loob at pananalig na makakayanan nating daanin at umahon mula sa bawat pagsubok at pagdurusa na dumadating sa ating buhay.
PAGNINILAY:
Ang Ebanghelyo ngayon ay nagbigay sa atin ng babala ni Jesus sa mga Apostol, mga alagad (at sa atin bilang Kanyang mga tagasunod).
Ito ay tungkol sa paghihirap, pagtitiis at pag-uusig na ating mararanasan na kailangan nating tiisin. Ngunit sinasabi ni Jesus sa ating lahat na ang ating PAGTITIIS para sa Kanya ay GAGANTIMPALAAN. Kaya, inaanyayahan niya tayo na YAKAPIN ang lahat ng paghihirap, malaki man o maliit, alang-alang sa pag-IBIG sa Kanya. Kapag tinatanggap natin ang paghihirap nang may KABABAAN NG KALOOBAN, tayo ay nagiging makapangyarihan at saksi ni Jesus sapagkat tayo ay nakikibahagi sa tiisin at sakripisyo ni Cristo. Magpatuloy at manindigan nang matatag sa harap ng mga tiisin, tulad ng isang apoy na patuloy na nagaalab sa harapan ng hangin. Tiyakin natin ang ating buhay, ating kaluluwa, ang ating walang-hanggan na kaligayahan – at na tayo ay nakaugat sa ating relasyon sa Diyos. Kapag nagsisikap tayong nakaugnay kay Cristo at kumapit sa Kanya, ang KANYANG BIYAYA ay aapaw sa bawat aspeto ng ating buhay. Tayo ay susubukin. Kaya, kailangan nating palaguhin ang ating PANALANGIN at ialay ang lahat ng ating pagsakripisyo sa Kanya upang tayo ay maprotektahan Hanggang wakas.
GAWAIN: Magpasalamat sa Diyos kung Ikaw ay nakakatagpo Ng maraming tiisin sa Buhay, dahil sinasamahan ka ni Jesus, at Yan ang kanyang pangako.
PANALANGIN:
Panginoong Jesus, dinadala ko sa iyo ang aking mga sakit at mga kahirapan: at ang poot na nadarama ko mula sa iba, ang sakit na idinulot sa akin ng iba. Lumalapit ako sa iyo kung ano ako, alam na kilala mo ako, at nakatingin sa akin nang may pag-ibig. Tulungan mo ako na sa kabila ng paghihirap at problema na aking hinaharap, ako ay makatindig nang tuwid at magpatotoo sa iyo bilang aking Hari at Tagapagligtas.
Amen