Podcast: Download (Duration: 7:12 — 5.1MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes
Inihandog ng balo sa Templo ang lahat-lahat sa kanya. Pinapaging mapagkumbaba tayo ng kanyang pagiging mapagbigay. Maging mapagbigay tayo sa ating pananalangin para sa ating kapwa bilang pagtugon sa Diyos na nagbibigay sa atin ng biyayang walang humpay.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Mapagbigay na Diyos, basbasan Mo kami.
Bilang Simbahan, maging mapagbigay tayo nang sapat upang magbahagi tayo hindi lamang mula sa ating kasaganaan kundi mula rin sa ating kasalatan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga lingkod bayan nawa’y maging malaya sa kasakiman at pagmamalabis sa kapangyarihan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga balo, mga solong magulang, at mga ulila nawa’y umunlad sa kabanalan at mabasbasan ng pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawa’y maibahagi ang kanilang pagdurusa sa pagpapakasakit ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang ating mga yumaong kamag-anak at mga kaibigan nawa’y tanggapin sa walang hanggang tahanan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming nasa Langit, buksan mo ang aming mga puso sa mga nakapaligid sa amin upang makilala namin ang iyong presensya sa aming mga kapwa at mga kaibigan at matuklasan namin ang kaligayahan ng pagbabahagi ng aming buhay sa kanila. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Linggo, Nobyembre 23, 2025
Martes, Nobyembre 25, 2025 »




{ 11 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Ang ating Ebanghelyo ay katulad ng Ebanghelyo ng nakaraang Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (Nobyembre 7, 2021). Ito’y tungkol sa babaeng balo na naghandog ng 2 kusing sa lalagyan ng kayamanan sa Templo. Mababa ang pagtingin noon ng mga Hudyo sa mga balo, sapagkat itinuturing sila noong mga panahong iyon na walang kadala-dala. Subalit makikita natin sa Ebanghelyo na ang itinuturing daw na walang kwenta ay siya pang bida at magandang asal. Ang biyuda ay nag-alay ng 2 kusing, samantala ang iba ay napakalaking salapi ang inihulog. Kaya ang papuri ni Hesus ay napunta sa babaeng balo sa pag-aalay ng higit pa sa lahat.
Makikita dito sa tauhan niya na binigay niya nang buong puso kahit 2 kusing lang ang nagbubuhay sa kanya mula sa karukhaan. Makikita dito na ang pagbibigay ay hindi dapat ipinapagmalaki, kundi dapat ito’y gawin nang mula sa puso. Ang ibang sekta ay mayroon tinatawag na tithing system, sapagkat may tala sila ng mga miyembro ng kasapi nila na kailangan magbigay ng bawat isa na halagang 10 porsiyento. Subalit dito sa atin, nagbibigay tayo ng kahit anong halaga at kahit kailan sapagkat hindi tayo pinipilit na magbigay, basta ito’y nanggagaling mula sa puso. At ang pagbabahagi ng mga biyaya sa ibang tao ay may pagpapalang ibibigay na hindi nating inaasahan, at ito ay siksik, liglig, at umaapaw. Kaya sa pagtatapos ng Kalendaryo ng Simbahan, nawa patuloy tayo na gumawa ng mga mabubuting bagay katulad ng pagbibigay at pagbabahagi na galing sa puso.
Sa usaping pagtulong, ano ang nagawa mo na nasa palagay mo ay may malaking impact sa iyong kapwa, komunidad o sa kalikasan? Ang mga biyaya mo bang natanggap ay sinolo mo lang at hindi nagpamahagi sa walang wala? Kung tumulong ka man, ito ay barya lamang at labis lamang sa iyong kayamanan? Maigsi lamang ang buhay ng tao, ang lahat ng mayroon ka ay mawawala din. Hindi masama ang mag impok pero masama ang magdamot. At sinabi din ni Hesus na nag maghahangad ng marami ay syang nawawalan.
Kapatid, kung ano man ang iyong tinatamasa ngayon maging karangyaan, kasikatan, kapangyarihan, posisyon, kayamanan, ari arian, maraming salapi.. ay kaloob lahat ng Diyos at sa isang iglap lamang kung nanaisin ay kaya nyang bawiin lahat maging ang buhay mo. Hindi mo masusuklian ang Diyos ng materyal na bagay na meron ka, pero masususklian mo sya sa pagsunod sa kalooban nya at isa dito ang pagtulong sa nangangailangan. Be generous qnd the Lord will be generous.
Ang pag-gawa ng kabutihan at pagbibigay ng buong buo sa kung ano ang meron tayo, ito ang simula ng karunungan na mula sa Diyos at ang
walang kapantay na kasiyahan.
Pagninilay ni Jess C. Gregorio:
Bakit nga ba tayo nagpapakitang tao lamang? Kahit sa pagtulong, anduon ang ugat ng pagdamay pero karamihan dito ay palabas lamang at pagpapanggap. O kaya may kalakip na tubo o kapalit na inaasahan. Papuri ng mga nakakakita sa ating mistulang kabaitan? Sa panahon ng Social Media ngayon, likes and followers, na magbibigay pa ng mas malaking balik na pera sa Peysbuk at Yutub? Pansin na nagpapalaki ng ulo natin? O kaya ay pampalubag loob lang para di na tayo gambalain ng humihingi ng tulong? Minsan sa dami at laki ng yaman natin, barya-barya lang ibinibigay natin sa takot na mawalan, o sinadyang hindi magbigay ng sapat sa kadahilanang pinaghirapan natin ang lahat, kahit na ang maliit na maitutulong sa ating naipundar, at bagama’t mayroon at itinabi ay may pasabi pang, “sensya na hindi na ako makakatulong,” at nasa likod ng isip ang kaisipan na panlalait, “Hoy, magsumikap ka nang umasenso ka, tularan mo ako, napakatamad mo!” Ang lupit natin ano? Para bagang atin ang grasyang tinatamasa natin. Hindi natin alam kaya pinasosobrahan ang biyaya ay para sa iba at hindi lahat ay para sa atin. May kapalit na dilubyo ang pagiging sakim, kung hindi sa buhay natin, sa buhay ng mga magiging anak natin, at mga anak nila. Kasi ang itinago nating talento, ginto, at ari-arian ay hindi naman talaga atin. May nagmamay ari na sa pagtatapos ng buhay natin ay mag aaccounting ng Kanyang yaman. Ang hindi bumalik ay pabigat na matitira sa lahat ng hindi pinagkalooban nito. Sa kamalasang palad, hindi na tayo ang mga iyun, kakainin sila ng layaw, pag iimbot, kasakiman, kalupitan, at pagmamataas sa kanilang kaniya-kaniyang buhay. Sila ay ang mga magmamana ng itinabing sobrang yaman na hindi naibalik sa Maykapal. Ang nagbibigay ng sobra sa kanilang pangangailangan ay patuloy na magiging mayaman na walang dilubyo na naka abang sa kanilang buhay. May aral na malalim ang Mabuting Balita sa araw na ito para sa extreme consumerism at materialistic times na mayroon tayo ngayon.
PAGNINILAY
Tinitingnan ng Diyos ang puso. Minsan maaari nating ipagmalaki ang ating pagiging bukas-palad, ngunit nagbibigay ba tayo ng tahimik mula sa ating puso o ng may pagmamalaki, kung ano ang mas gugustuhin nating itago, o mula sa ating sobra lamang? Nakamamangha kung paano napansin ng Diyos ang mahirap na balo na naglalagay ng dalawang maliliit na barya sa kabang-yaman. Gayunpaman, walang nakatakas sa Kanya, wala. Hindi nakatakas sa Kanya ang mabuti o masama, ngunit mas gusto Niyang pansinin ang pinakamaliit na kaloob na dinadala natin sa Kanya anuman ang ating edad, talino, o talento. Ito ang hinihiling sa atin ng pag-ibig: magmahal ng buong puso, ng buong sarili. Gaano man kaliit at kawalang-halaga ang nadarama natin sa ating pag-aalay, kapag inilagay natin ito sa harap ng Diyos, ang Diyos ay makakagawa ng higit pa rito. Alisin nawa ng Panginoon sa ating puso ang lahat ng hindi Niya kinalulugdan upang tayo ay maging sobrang mapagbigay sa ating pagmamahal.
Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming maging mapagbigay ng aming mga ari-arian sa lupa. Amen.
***
Panginoon, kung ano man ang ipinagkaloob mo na mga bagay -bagay sa amin dito sa lupa, tulungan nyo po kami maibalik namin ito sa inyo na bukal sa aming kalooban sa pamamagitan ng pagtulong namin sa aming kapwa. Ito’y akong dasal sa pamamagitan ng Iyong bugtong Anak na si Jesukristo, amen.
PAGNINILAY (Sa Lunes sa Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon/Paggunita kay San Andres Dung-lac, pari at martir at mga kasama, martir): Tinitingnan ng Diyos ang puso. Minsan maaari nating ipagmalaki ang ating pagiging bukas-palad, ngunit nagbibigay ba tayo ng tahimik mula sa ating puso o ng may pagmamalaki, kung ano ang mas gugustuhin nating itago, o mula sa ating sobra lamang? Nakamamangha kung paano napansin ng Diyos ang mahirap na balo na naglalagay ng dalawang maliliit na barya sa kabang-yaman. Gayunpaman, walang nakatakas sa Kanya, wala. Hindi nakatakas sa Kanya ang mabuti o masama, ngunit mas gusto Niyang pansinin ang pinakamaliit na kaloob na dinadala natin sa Kanya anuman ang ating edad, talino, o talento. Ito ang hinihiling sa atin ng pag-ibig: magmahal ng buong puso, ng buong sarili. Gaano man kaliit at kawalang-halaga ang nadarama natin sa ating pag-aalay, kapag inilagay natin ito sa harap ng Diyos, ang Diyos ay makakagawa ng higit pa rito. Alisin nawa ng Panginoon sa ating puso ang lahat ng hindi Niya kinalulugdan upang tayo ay maging sobrang mapagbigay sa ating pagmamahal.
Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming maging mapagbigay ng aming mga ari-arian sa lupa. Amen.
PAGNINILAY:
Lucas 21:1-4
“Lubos”
Sa Ebanghelyo ngayon mula kay San Lucas 21:1-4, ipinakita ni Hesus ang isang napakalalim na katotohanan tungkol sa tunay na halaga ng pagbibigay. Habang pinagmamasdan Niya ang mga mayayamang naghuhulog ng malaking alay mula sa kanilang sobra, napatingin Siya sa isang dukhang babaing balo na naghulog lamang ng dalawang kusing—maliit sa mata ng mundo, ngunit napakalaki sa mata ng Diyos. Ang mata ni Hesus ay hindi humanga sa laki ng halaga kundi sa lalim ng pag-aalay, sapagkat ang dalawang kusing ng balo ay hindi lamang pera; ito ang kabuuan ng kanyang bios, ang mismong ikabubuhay niya. Sa pagbibigay niya nito, hindi lamang siya nag-alay ng kung ano ang kayang mawala, kundi ibinigay niya ang kanyang buong sarili, ang lahat ng kanyang pag-asa, at ang kanyang kabuuang pagtitiwala sa Diyos. Sa eksenang ito, ipinakita ni Hesus na ang tunay na sukatan ng Diyos ay hindi nakabatay sa dami, kundi sa sakripisyong kaakibat ng pagbibigay. Ang balo ay naging larawan ng “total self-gift”—isang alay na sumasalamin sa mismong pag-aalay ni Kristo sa Krus.
Ang dalawang kusing ay may malalim na kahulugan. Ito ay larawan ng isang pusong marunong magtiwala nang walang pag-aalinlangan, ng isang taong naniniwala na kung ibibigay niya ang lahat, ang Diyos ang bahalang magpuno. Ang dalawang kusing ay nagiging simbolo ng dalawang pinakamahalagang iniaalay natin bilang mga Kristiyano—ang ating oras at atensyon, ang ating puso at pananampalataya. May mga pagkakataong ang kaya lang nating ibigay ay tila “maliit”—pagod na minsan sa ministry pero nagpapatuloy; kapos sa oras pero humahabol pa rin; masakit o mabigat ang pinagdadaanan pero patuloy na naglilingkod dahil mahal ang Diyos. Ngunit katulad ng balo, ang mga maliliit na bagay na ito na ibinibigay natin nang buong puso ay nagiging pinakamahalagang alay sa Diyos. Sa ating paglilingkod bilang COMRE, EMHC, PPC, o iba pang apostolado, ang bawat sakripisyong hindi nakikita ng marami ay itinuturing ng Diyos na “higit kaysa kanilang lahat.”
Ang hamon sa atin ngayon ay magbigay hindi lamang ng sobra, kundi ng may pag-ibig at sakripisyo. Huwag tayong matakot na maging tapat kahit maliit lang ang kaya natin, sapagkat ang Diyos ay hindi naghahanap ng kahanga-hangang halaga, kundi pusong nagtitiwala. Ang “dalawang kusing” ng balo ay paalala na kahit kaunti ang ating mayroon, kapag ito ay inialay nang buong pagtitiwala, nagiging mahalaga, maganda, at mabunga sa harap ng Diyos. Ito ang diwa ng ating pananalig—ang magbigay nang buong-loob, magtiwala nang lubusan, at umasa na ang ating kakulangan ay laging pupunan ng biyaya ng Diyos.
Panalangin: Panginoong Hesus, itinataas namin sa Iyo ang aming sarili tulad ng dukhang balo na nag-alay hindi ng sobra, kundi ng kanyang buong kabuhayan. Turuan Mo kaming magbigay mula sa puso—hindi dahil sa nakikita ng tao, kundi dahil sa pag-ibig namin sa Iyo. Palalimin Mo ang aming pagtitiwala, lalo na sa mga panahong kapos kami sa lakas, oras, o kakayahan. Gawin Mo kaming tapat na lingkod na handang mag-alay ng aming “dalawang kusing” araw-araw—ang aming pagod, panahon, pagmamahal, at pananampalataya. Nawa’y punuin Mo ang aming kakulangan at baguhin Mo ang aming maliliit na alay upang maging dakilang biyaya para sa iba. Ito ang aming dalangin, sa Ngalan mo Hesus. Amen.
Pagninilay: Pasiya, higit at buo.
Daniel 1: 1-20, Luke 21: 1-4
Binigyan tayo ng Panginoon ng layang magpasya, pumili, gawin, sundin sa ating buhay.
Sabi ng Panginoon; inilalatag ko sa inyong harapan: ang BUHAY AT KAMATAYAN;
Piliin niyo ang BUHAY, BUHAY NA MAGHAHATID SA INYO SA BUHAY NA WALANG HANGGAN SA PILING NG ATING DIYOS.
Kaya napzkahalaga na makita sa atin ng Pznginoon ang PAGPAPASYA.
Sa pamamagitan nito, dito natin mararanasan ang di malirip maisip ng ating puso at isipan, ang presensiya, paggabay, pagtulong, pagsaklolo ng ating Panginoon baway sigunfo ng ating buhay.
Kaya itong si Daniel, kahit sa mahigpit na pagsubok ng kanyzng pananalig, panaNampalataya sa Diyos, dahil ito ay kanyang matinding.PASYA, hindi siya binigo ng Diyos ay patuloy na sinamahN sa kanyang paglalakbay.
sa ating Ebanghelyo: ipinKikta sa atin piliin natin ang PINAKAHIGIT na BUO NA PAG AALAY ng ating sarili, ng ating kayamanan, ng oras, ng panahon sa ating Panginoon..
Ang higit na pagkakaloob sy sa panahong wala kang ibang inaasahan kundi ang Diyos sapagkat buo at higit sa lahat ang pinili mo ang unahin ang para sa ating Diyos, ang ating Diyos sa.gitna ng iyong kasalatan.
Dito mo maipapakita sa ating Diyos.na Siya nga ang iyong kayamanan, ang lahat lahat sa iyong buhay. Total dependence on God alone. Tiyak di na rayo bibiguin.
Generosity is not about the amount you give it’s about your character.
Give with your heart, love and trust in the Lord.
ibabalik Ng siksik liglig at umaapaw Ng Diyos.
Amen.
Thank you, Lord.
God is good dobra dobra
Dobra sobra God is good.
#GvMonday
Pagninilay: Ang ating Ebanghelyo ay katulad ng Ebanghelyo ng nakaraang Ika-34 Linggo sa Karaniwang Panahon o ang Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari sa Sanlibutan (Nobyembre 23, 2025). Ito’y tungkol sa babaeng balo na naghandog ng 2 kusing sa lalagyan ng kayamanan sa Templo. Mababa ang pagtingin noon ng mga Hudyo sa mga balo, sapagkat itinuturing sila noong mga panahong iyon na walang kadala-dala. Subalit makikita natin sa Ebanghelyo na ang itinuturing daw na walang kwenta ay siya pang bida at magandang asal. Ang biyuda ay nag-alay ng 2 kusing, samantala ang iba ay napakalaking salapi ang inihulog. Kaya ang papuri ni Hesus ay napunta sa babaeng balo sa pag-aalay ng higit pa sa lahat.
Makikita dito sa tauhan niya na binigay niya nang buong puso kahit 2 kusing lang ang nagbubuhay sa kanya mula sa karukhaan. Makikita dito na ang pagbibigay ay hindi dapat ipinapagmalaki, kundi dapat ito’y gawin nang mula sa puso. Ang ibang sekta ay mayroon tinatawag na tithing system, sapagkat may tala sila ng mga miyembro ng kasapi nila na kailangan magbigay ng bawat isa na halagang 10 porsiyento. Subalit dito sa atin, nagbibigay tayo ng kahit anong halaga at kahit kailan sapagkat hindi tayo pinipilit na magbigay, basta ito’y nanggagaling mula sa puso. At ang pagbabahagi ng mga biyaya sa ibang tao ay may pagpapalang ibibigay na hindi nating inaasahan, at ito ay siksik, liglig, at umaapaw. Kaya sa pagtatapos ng Kalendaryo ng Simbahan, nawa patuloy tayo na gumawa ng mga mabubuting bagay katulad ng pagbibigay at pagbabahagi na galing sa puso.