Biyernes, Nobyembre 21, 2025

November 21, 2025

PANALANGIN NG BAYAN
Nobyembre 21
Ang Pagdadala kay Maria sa Templo

Sa araw na ito, sa paggunita natin sa Pagdadala kay Maria sa Templo, hilingin natin sa Ama na ipagkaloob sa atin ang biyaya ng pagiging bukas-loob sa pag-aalay ng ating buhay sa Diyos.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, baguhin Mo kami upang maging katulad ni Maria, aming ina.

Ang paglilingkod ng mga lalaki at babae nawa’y ialay ng Simbahan bilang karapat-dapat na handog sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng sumasampalataya kay Kristo nawa’y dinggin ang tinig ng Diyos na nananawagan sa lahat upang maging banal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang halimbawa ni Maria nawa’y magningning sa pamamagitan ng buhay ng mga taong itinalaga sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawa’y maramdaman ang presensya ni Kristo sa pamamagitan ng ating nakapagpapasiglang presensya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y maging karapat-dapat ang kanilang sakripisyo sa pamamagitan ng ating matuwid na pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, ipagkaloob mo na kami, tulad ni Maria, ay tumugon ng pagsang-ayon sa iyong kalooban at tuparin ito sa aming mga buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Group of Believer Poblite November 20, 2024 at 6:12 pm

PAGNINILAY: Sa ating Ebanghelyo Ngayon ipinakikita ni Jesus kung sino Ang kanyang Ina at mga kapatid. Sino ang aking Ina? Sino Ang aking mga kapatid? Ang kanyang kasagutan ay napakaganda dahil kung sino man ang sumusunod sa kalooban Ng DIYOS ay siyang Ina ko at mga kapatid, napakasarap damahin ang ganitong pangungusap Ng Panginoon.

Katulad ni Mama Mary Siya ay napaka palad sapagkat si Maria ang siyang unang nakasunod sa kalooban Ng DIYOS, Siya ang unang nagsabuhay sa mga salita Ng Diyos Bago Tayo, Siya rin ang unang tumanggap sa Kalooban Ng Diyos Ng tanggapin Niya ang pag dadala Ng Anak Ng Diyos na si Jesus at sa pagtupad sa Plano Ng pagliligtas Ng Diyos sa tao.

Kaya mga minamahal kung mag kapatid tularan natin si Maria sa dikala niyang pagsunod sa kalooban Ng DIYOS . Tandaan natin, na ang pakikinig at pagsunod sa salita Ng Diyos ay pagpapakita Ng pagmamahal sa Diyos tulad ni Maria ay Ganap na nagmamahal.

PANALANGIN: Panginoon, ipagkaloob mo na kami, tulad ni Maria, ay tumugon ng pagsang-ayon sa iyong kalooban at tuparin ito sa aming mga buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

GAWAIN: Tularan mo si Maria sa pagiging masunurin sa kalooban Ng DIYOS, maging masunurin ka.

Reply

Joshua S. Valdoz November 20, 2025 at 8:35 pm

PAGNINILAY: Sa ating Ebanghelyo para Bukas ipinakikita ni Jesus kung sino Ang kanyang Ina at mga kapatid. Sino ang aking Ina? Sino Ang aking mga kapatid? Ang kanyang kasagutan ay napakaganda dahil kung sino man ang sumusunod sa kalooban Ng DIYOS ay siyang Ina ko at mga kapatid, napakasarap damahin ang ganitong pangungusap Ng Panginoon.

Katulad ni Mama Mary Siya ay napaka palad sapagkat si Maria ang siyang unang nakasunod sa kalooban Ng DIYOS, Siya ang unang nagsabuhay sa mga salita Ng Diyos Bago Tayo, Siya rin ang unang tumanggap sa Kalooban Ng Diyos Ng tanggapin Niya ang pag dadala Ng Anak Ng Diyos na si Jesus at sa pagtupad sa Plano Ng pagliligtas Ng Diyos sa tao.

Kaya mga minamahal kung mag kapatid tularan natin si Maria sa dikala niyang pagsunod sa kalooban Ng DIYOS . Tandaan natin, na ang pakikinig at pagsunod sa salita Ng Diyos ay pagpapakita Ng pagmamahal sa Diyos tulad ni Maria ay Ganap na nagmamahal.

PANALANGIN: Panginoon, ipagkaloob mo na kami, tulad ni Maria, ay tumugon ng pagsang-ayon sa iyong kalooban at tuparin ito sa aming mga buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

GAWAIN: Tularan mo si Maria sa pagiging masunurin sa kalooban Ng DIYOS, maging masunurin ka.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: