Podcast: Download (Duration: 5:41 — 4.1MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes
Sa wakas ng panahon, ipadadala ng Diyos ang kanyang mga anghel upang tipunin ang kanyang mga hinirang. Habang ating ipinapanalangin ang pangangailangan ng lahat ng sangkatauhan, hilingin natin sa Diyos na matagpuan niya taong handang humarap sa kanya sa kanyang muling pagbabalik.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, sumaamin nawa ang Iyong habag.
Ang Simbahan sa pamamagitan ng kanilang pagsaksi sa kanilang buhay nawa’y higit na makahikayat ng mga tao at mga bansa sa daan ng kaligtasan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga Kristiyanong sumasampalataya nawa’y magpahayag ng kanilang pananampalataya sa buhay na walang hanggan at maunawaan ang walang hanggang bunga ng bawat kilos natin, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang ating sarili nawa’y maihanda natin sa pagdating ng paghahari ng Diyos sa pamamagitan ng tuwinang pamumuhay sa katotohanan, katapatan, at pagmamahal, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga biktima ng pag-uusig at pang-aabuso nawa’y makatagpo ng tunay na kagalingan upang makamit nila ang katarungan, kalayaan, at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao nawa’y bumangong muli sa kaluwalhatian ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoong Diyos, hindi namin alam ang oras ng iyong pagbabalik ngunit umaasa kaming hindi kami pababayaan ng iyong pagmamahal. Gawin mo kaming aktibong umaasa, at nawa’y tanggapin ka namin ngayon sa aming puso. Hinihiling namin ito kay Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Huwebes, Nobyembre 13, 2025
Sabado, Nobyembre 15, 2025 »




{ 11 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: 2 Linggo na lang ang natitira, at matatapos na ang Taong Panliturhiya ng ating Simbahan. Tatapos ang Kalendaryo sa pagdiriwang ng Pagkahari ni Kristo, tapos sisimula muli ang bagong taon sa pagpasok ng Panahon ng Adbiyento. At ang Adbiyento ay ang panahon ng paghahanda sa pagdating ni Hesus. Hindi lang ito tumutukoy sa pagdiriwang ng kanyang Pagsilang sa Kapaskuhan, bagkus ang Adbiyento ay isa ring paghahanda sa kanyang Muling Pagpaparito sa katapusan ng panahon.
Kaya ang turo ni Hesus sa Ebanghelyo ngayon ay kung gaanong katulad ng mga kapanahunan ni Noe at Lot ang pagdating niya bilang Anak ng Tao. Sinasabi dito na ang mga tao sa panahon ni Noe ay nasisikain, nagpapasaya na hindi akalain nila’y dumating ang malaking baha. Ganun rin sa panahon ni Lot na ang mga taga-Sodom at Gomorra ay nakikipagsaya, na hindi akaiaing nawawasak na ang kanilang mga lungsod na lubhang nagkasala sa Diyos. Tila nga ba’y parang natatakot tayo sa mga ganitong pangyayaring binabanggit ni Hesus, lalung-lalo ang panawagan na dapat mawalan ang isang buhay upang iligtas ito. Kaya kapag dalawang tao ay gumagawa ng bagay, sinasabi raw dito na isa lamang ang maiiwan, samantala isang tao naman ay kukunin mula sa lupa.
Sinabi ito ni Hesus hindi para tayo ay matakot, kundi tayo ay maghanda sa magiging hantungan ng bawat buhay natin. Hindi tayo maaring mag-angkin na may-ari ang sariling buhay, sapagkat lahat ng buhay ay galing sa Diyos. Tayo ay naparito upang alagaan ito at igalang ang dignidad sa paggawa ng tama at mabuti. At habang nanabik tayo sa Muling Pagpaparito ni Hesus, tayong lahat ay inaanyayahang na ipamalas ang ating pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa kapwa alinsunod sa dakilang kalooban.
Ganun rin ang ating disposisyon kung tayo ay dumadanas ng maraming pagsubok na mas patatagin natin ang pananampalataya sa Panginoon upang malagpasin natin ang mga pasan na ito sa patuloy na pag-iiral ang kagandang-loob niya.
Sa unang pagbasa ay patungkol sa mga taong pinag aaralan ang mga likha ng Diyos pero hindi nakikilala ang Panginoon. Isang halimbawa nito ang mga taong hindi naniniwala sa Diyos sa halip ay sa siyensya nananalig. Kesyo ang tao ay nagmula aa unggoy, ang kalawakan ay nanggaling sa isang pagsabog nantinatawag nilang “Big bang theory”. Kalunos lunos ang kanilang hahantungan lalong lalo na ang mga taong sumasamba at ginawang Diyos ang kalikasan katulad ng araw at mga bituin.
Sa ating ebanghelyo naman na aral ay ang pagiging handa sa pagdating ng Panginoon. Kung ikaw sa mga oras na ito ay makasalanan at patuloy pa ding gumagawa ng mga ipinagbabawal ng Diyos…ay hindi pa huli ang lahat kapatid,, Magsisi ka na, banggitin sa Diyos ang lahat ng iyong nagawang labag sa kautusan nya at humingi ng kapatawaran, patatawarin tayo ng Diyos sapagkat sya ay mahabagin at kinalulugdan nya ang mga nagsisi. Pagkatapos ay sikapin na matalikuran na ang kadiliman, mahalin mo ang Diyos at ang iyong kapwa, sa gayon ay magiging handa tayo sa pagdating nya. Samantalahin natin ang parating na Adviento, ihanda natin ang ating mga puso at kaluluwa at ipagdiwang natin ang Pasko ng may bagong anyo, anyo na kinalulugdan ni Hesus.
Pagninilay ni Jess C. Gregorio:
Ang isang walang buhay na nilalang ay magnet ng demonyo at kasamaan. Mga buwitreng umaaligid sa paghahanap ng mga patay na kaluluwa. Madaling utuin. Madaling igupo. Sisiw na trabaho para sa kanila. Iba ang mga taong na kay Hesukristo. Buhay sila. Alam nila ang Katotohanan. Alam nila ang Daan. Si Hesus mismo ang nakaluklok sa kanyang Banal na Espiritu. Walang panama ang mga demonyo. Walang puwang ang kasamaan. Malakas sila at nakakakita ng laban at kaaway bago pa man gumalaw ang kalaban. Nanaisin ba natin ito sa ating sarili? Kung sang ayon ka, ikaw ang kukunin ng Panginoon upang iligtas. Kung hindi, ikaw ang maiiwanan. Dalawa lang ang magiging uri ng tao sa pagwawakas ng panahon. Pilit iwinawaksi ng kaaway ang maaring kahihinatnan sa pag iingay sa lahat ng uri ng media, pagkaloko sa mga vanities nito na walang katotohanan, malaking pera o kayaman, puwesto at katungkulan, katanyagan at pagkilala, at lahat ng pagkakataon para malimutan ng tao ang Diyos at kanyang mga babala. Sa gitna ng lahat ng mga maaring mangyari, puwede naman tayong tumulad kay Noe at Lot. Ang pagkakaiba lang ngayon, mas madali at sigurado, sundan lang natin si Kristo.
KNOW, LOVE AND SERVE THE LORD…
Mag-ingat sa mga mapanlinlang.
Magdasal
Magbasa ng Bibliya.
Magnilay.
Kilalanin, mahalin at maglingkod sa Panginoon.
Iwasang maging bangkay upang hindi masilo ng mga buwitre. @
PAGNINILAY: 2 Linggo na lang ang natitira, at matatapos na ang Taong Panliturhiya ng ating Simbahan. Tatapos ang Kalendaryo sa pagdiriwang ng Pagkahari ni Kristo, tapos sisimula muli ang bagong taon sa pagpasok ng Panahon ng Adbiyento. At ang Adbiyento ay ang panahon ng paghahanda sa pagdating ni Hesus. Hindi lang ito tumutukoy sa pagdiriwang ng kanyang Pagsilang sa Kapaskuhan, bagkus ang Adbiyento ay isa ring paghahanda sa kanyang Muling Pagpaparito sa katapusan ng panahon.
Kaya ang turo ni Hesus sa Ebanghelyo para bukas ay kung gaanong katulad ng mga kapanahunan ni Noe at Lot ang pagdating niya bilang Anak ng Tao. Sinasabi dito na ang mga tao sa panahon ni Noe ay nasisikain, nagpapasaya na hindi akalain nila’y dumating ang malaking baha. Ganun rin sa panahon ni Lot na ang mga taga-Sodom at Gomorra ay nakikipagsaya, na hindi akaiaing nawawasak na ang kanilang mga lungsod na lubhang nagkasala sa Diyos. Tila nga ba’y parang natatakot tayo sa mga ganitong pangyayaring binabanggit ni Hesus, lalung-lalo ang panawagan na dapat mawalan ang isang buhay upang iligtas ito. Kaya kapag dalawang tao ay gumagawa ng bagay, sinasabi raw dito na isa lamang ang maiiwan, samantala isang tao naman ay kukunin mula sa lupa.
Sinabi ito ni Hesus hindi para tayo ay matakot, kundi tayo ay maghanda sa magiging hantungan ng bawat buhay natin. Hindi tayo maaring mag-angkin na may-ari ang sariling buhay, sapagkat lahat ng buhay ay galing sa Diyos. Tayo ay naparito upang alagaan ito at igalang ang dignidad sa paggawa ng tama at mabuti. At habang nanabik tayo sa Muling Pagpaparito ni Hesus, tayong lahat ay inaanyayahang na ipamalas ang ating pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa kapwa alinsunod sa dakilang kalooban.
Ganun rin ang ating disposisyon kung tayo ay dumadanas ng maraming pagsubok na mas patatagin natin ang pananampalataya sa Panginoon upang malagpasin natin ang mga pasan na ito sa patuloy na pag-iiral ang kagandang-loob niya.
Ang unang pagbasa mula sakarunungan ay nagpapaalala sa atin Nashua maging hangal dahil Ang strong hangal binibigyan ng pansin Ang mag makamundo o pang labas Hindi nakakita nag pinakamahala Ang Diyos napinakmahalaga. Kaya’s Ang strong nakikilala Ang Diyos at pinahahalaghan ay mga taong pinakamarunongbsa lahat . At sa ebanghelio Ang karanasaan sa asawa ni Lot bakit siya lumingion ay binabalikan Ang pamumuhay nag makamundo at makasalanan. Nais ipahayag nang Bhagwan ebanghelio na buhay nang Tao kukunin Ng Diyos muna Ang kalukuwa at iiwan muna Ang maluoa upang Ang ipalala sa ating Ang makapngyarihan ng Diyos.kaya’t maging laging handa.
PAGNINILAY: Ang ‘deadline’ ay parehong mabuti at masamang balita. Mabuting balita ito sa mga laging handa. Sa wakas matitikman na nila ang bunga ng kanilang pagtitiyaga. Oras ito ng pagkilala ng kanilang naging sakripisyo. Sandali ito ng tagumpay. Samantala, masamang balita ito sa mga hindi pinaghandaang darating. Sandali ito ng takot at pangamba sa mga pagpabaya at pag-aksaya na kanilang ginawa. Magkukumahog silang humabol pero huli na. Sesentensiyahan na ang mga nagawa at hindi nila nagawa sa buhay na ito. Ang paghuhukom ay tulad din ito Ng baha na biglang darating na di inaasahan, Kaya maging handa.
Ang propesiay Ng Ebanghelyong ito ay isang babala sa ating lahat: Maging handa tayong salubungin Siya bilang ating Hukom sa Kanyang pagdating. Maging handa tayong humarap sa Kanya at magbigay ng ating mga gawa sa sandali ng ating kamatayan – na hindi natin alam. Ang wakas ng lahat at maging ng ating buhay ay tiyak na darating. Kaya, kailangan nating maghanda para sa Kanyang pagdating. Pahintulutan ang Kaharian ng Diyos na tumagos sa bawat aspeto ng ating pang-araw-araw na buhay na sumasalamin sa VISYON ng buhay ni Jesukristo at sa MGA mahahalaga na Kanyang ipinahayag sa atin na pagmamahal at paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng ating mga kapatid nang may kababaang-loob. Mamuhay ng isang BANAL na buhay. Gawin ang PAGBABAYAD-PURI sa mga kasalanan na ating ginawa. At gawin nating alay sa Diyos ang ating mga gawa ng KAWANGGAWA na sa huli ay Siyang maghuhugas sa atin. Kung ginawa natin ang lahat ng ipinag-utos ng Diyos sa atin, wala nang dapat katakutan. Gawin nating PRIORIDAD ang Diyos upang kapag dumating ang wakas, tayo ay maging PRIORIDAD ng Diyos sa Kanyang Kaharian.
GAWAIN: Magbago ka na ngayon na!
PANALANGIN:
Panginoong Jesukristo, tulungan mo akong magpatuloy sa pagmamahal at paglilingkod sa Iyo upang bigyan ko ng prayoridad ang anumang hiling Mo sa akin. Nawa’y lagi kong hanapin ang Iyong kal Willen upang makapaghanda ako sa Iyong pagdating sa katapusan ng panahon o sa aking kamatayan.
Amen
REFLECTION
Luke 17:26–37 — The Parousia, Advent, and the Second Coming of Jesus
Today’s Gospel opens with a profound and serious invitation from Jesus: to prepare for the Parousia—the Second Coming of the Son of Man. This is the mystery emphasized every Advent, the season of longing, preparation, and conversion as we await the coming of the Lord.
Instead of giving us a date or specific details, Jesus tells us that His return will be like the days of Noah and Lot—quiet, seemingly ordinary, and arriving at a time when the world is busy with its daily routines: eating, drinking, celebrating, working, buying and selling. There is nothing wrong with these things, but they become dangerous when the heart becomes complacent and forgets God amid comfort and busyness.
The lesson: The real tragedy is not the suddenness of the Lord’s coming, but the unpreparedness of the heart.
Theological Insight: Eschatological Clarity
The Gospel carries a deep eschatological dimension (concerning the last things) that calls for reflection:
1. The Parousia is certain, but its hour is unknown.
In theology, this is called the “sudden and decisive manifestation of God’s Kingdom.” It is not meant to be dramatic or frightening, but the fulfillment of God’s justice, promises, and glory.
2. The imagery of “one will be taken, the other left.”
This is not merely about external actions. It refers to judgment according to the heart—those who remained steadfast in faith and awaited the Lord with fidelity.
3. “Whoever seeks to save his life will lose it.”
This is the radical challenge of the Gospel: Life cannot be preserved by security, wealth, or success, but only by surrendering to God’s will.
4. The warning about Lot’s wife.
Turning back symbolizes a heart attached to the world rather than to God. Where the heart is fixed, there the life will follow.
Application: An Advent Lifestyle for Everyday Living
To truly prepare for the Parousia, we do not need fear—what we need is conversion.
1. Prepare through holiness, not anxiety.
Advent spirituality means:
silent reflection,
sincere repentance,
concrete acts of kindness and love,
a heart awake and ready to obey.
2. Avoid being trapped by the “ordinary busyness” of life.
It is normal to work, raise a family, and make plans. What is wrong is failing to recognize God in all these things.
3. Set aside time for God daily.
True preparation is not “panic when Jesus arrives,” but daily living of one’s faith.
4. Do not fear what is to come—trust in God.
The Parousia must not be feared by the faithful; it is the complete victory of God’s love.
WORD OF THE DAY: PAROUSIA
Parousia (????????) – “Coming, appearance, presence.” In Christian faith, this refers to the Second Coming of Jesus to fully establish His Kingdom. It is not a terror event, but the climactic revelation of Divine Love and Justice.
Prayer
Lord Jesus, as we enter the season of Advent, awaken our hearts so we may be ready for Your Second Coming. Purify our hearts from anything that hinders us from following You. Teach us to be faithful in small and great things, in secret and in public. Do not let us grow complacent with worldly matters, but give us hearts that are always waiting, watching, and loving.
May we be found on the day of Your coming with the light of faith, the heart of love, and a life surrendered to Your will.
To You be all glory, now and forever. Amen.
Reflection
Focus/Target
Sa unang pagbasa sa book of wisdom sinasabi dito na ang tao ay may karunungan malaman lahat ng bagay at alamin ng bawat defination mga bagay bagay kagaya sa Siyensya. Ngunit iba ang focus sahalip na I acknowledged ang manglilikha na fofocus ang tingin natin sa bagay na nilikha at kahangalan na ituring natin sila bilang Dyos. Binabase natin ang buhay natin sa horoscope, conspiracy theory, salapi at mga ambisyon na gusto nating ma abot para maging tagumpay at pag focus sa mga material sa buhay.
At minsan kapag nakakaranas tayo ng pagsubok at paghihirap, ay nagofocus na tayo dito at naipagsasantabi nayin ang Dyos.
Nakakalungkot na ang Dyos ang lumikha ng lahat ng mabuti ngunit salat tayo sa pagkilala sa Dyos.
Sa Gospel, Nag bigay ng babala si Jesus na i re-focus natin ang mata natin sa kanya ipagsabtabi ang sarili at mag focus sakanya. Ang mga pag aari natin sa lupa ay nag lalaho at mga relasyon natin gaano man kabuti ay mawawala din sa lupa ngunit si Jesus ay walang hanggan.
Ang paanyaya ng Dyos ay tayo ay maligtas, sa pag babago ng ating isip at puso sakanya.
Even we bury the truth the truth remains alive.
It takes a great amount of humility to admit our faults but through humility we will be bless.
When we Sin –
it kills your soul
it kills your relationship
it kills happiness.
Confess our sin to God.
Make it a habit to be a repentant.
Pagbitiw sa kasalanan ay bagong pagpapala sa Diyos.
Amen.
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good.
#GvFriday
Thank You,Lord
Thank You so much and Praise to You, Father God and to our Lord Jesus Christ we love You! O Lord <3 Hallelujah! Hallelujah!!! Amen!