Podcast: Download (Duration: 3:58 — 2.9MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado
Ipinahayag ni Kristong ating Panginoon ang ating kaligtasan sa kanyang Kamatayan at Muling Pagkabuhay. Sa pamamagitan niya, ang Lingkod na Nagdurusa, dalhin ang ating mga panalangin sa Ama ng lahat ng awa.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, maunawaan nawa namin ang iyong pamamaraan.
Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y magpakita ng maliwanag na pangarap na may masigasig at matatag sa gitna ng magulong mundong ating ginagalawan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang kapayapaan at pagkakasunduan nawa’y mamayani sa samahan ng mga bansa at lahat ng tao sa daigdig, manalangin tayo sa Panginoon.
Atin nawang mapagtanto na ang tunay na kadakilaan ay hindi sa pamamagitan ng kapangyarihan at katayuan sa lipunan kundi matatagpuan ito sa paglilingkod natin sa ating kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawa’y iugnay ang kanilang paghihirap sa mga pagdurusa ni Kristo sa krus, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao nawa’y mapalaya sa kanilang pagkakasala at magtamo ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming nasa Langit, bigyan mo kami ng tapang na tanggapin ang anumang pagdurusa na darating sa aming buhay. Akayin mo kami sa kaganapan ng kaligayahan sa iyong presensya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Biyernes, Setyembre 26, 2025
Linggo, Setyembre 28, 2025 »




{ 6 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay mula sa isa namang propeta sa Kasulatan: si Zacarias (hindi yung aswa ni Elisabet & ama ni San Juan Bautista). Nakakita siya ng isang pangitain ng isang anghel na may dalang panukat para sukatin ang Jerusalem. Ganun din ay may mga anghel na sumunod. Nakita nila na walang bakod ang ipapader dahil ang Panginoon ang magiging bakod mismo ng Jerusalem. Kaya sinabi ng Panginoong Diyos na naninirahan siya sa Banal na Lungsod, kaya hinikayat niya magalak ang Israel sa kanyang pagpapadama ng banal na presensiya. At sa huli, sinabi ni Zacarias na maraming bansa ang magsasama-sama, at pagbubuklurin sila ng Diyos. Ang propesiyang ito ay natupad sa pagdating ng Panginoong Hesukristo, na siya ang isinugong Mesiyas upang pag-isahin tayo sa iisang diwa at pananampalataya. Higit pa rito, naparito si Kristo upang iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan.
Ang Ebanghelyo ngayon ay ang ikalawang pagpapahayag ng Panginoong Hesukristo ukol sa kanyang nalalapit na Misteryong Paskwal sa pamamagitan ng kanyang Pagpapakasakit, Pagkamatay sa Krus, at Muling Pagkabuhay. Ang reaksyon ng mga alagad ay parang hindi nila nauunawaan, subalit ayaw din nilang kwestiyonin ang sinabi ng Panginoon. Makikita natin ang pagpapaubaya ng mga Apostol tungkol sa anumang magiging kilos o desisyon ni Kristo. Subalit itong pangyayaring magaganap sa Jerusalem ay siyang magiging tanda ng kanilang pagbibigay-saksi sa Mabuting Balita. Pagkatapos bumaba ang Espiritu Santo sa kanila, sila rin ay magpapahayag tungkol sa dinanas ni Hesukristo para tayo ay maligtas. Dumanas din sila ng mga dusa alang-alang sa pananampalataya, ngunit hindi sila bumitaw kailanman. Ganun din sana tayo bilang mga Kristiyano, na huwag tayong matakot harapin ang mga sitwasyon ng buhay dahil kaisa natin ang Krus ni Hesus na magdadala sa atin tungo sa tunay na kaligayahan: ang buhay na walang hanggan.
Ang mga pagbasa ngayon ay ipinapakita na ang sambayan ng Diyos ay nasa ilalim ng kanyang pagiingat, pangangalaga at proteksyon at hindi na kailangan ng anupamang pader para ito ay mailigtas sa lahat ng kapahamakan. Ang Panginoong Diyos mismo ay sapat na. Ang sabi nga Salmong tugunan “Ang Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukukop”. Ang tangi nating gagawin ay magtiwala, panampalaya, at magpuri sa ating Dakilang Tagapaligtas.
Sa Mabuting Balita bagamat hindi maunawaan ng mga alagad ni Hesus ang tungkol sa kanyang babatahing pagpapakasakit,at pagkamatay, at kanyang muling pagkabuhay ay buong puso naman sila naniniwala at iniaasa ang lahat sa Kanya. Ito ang isang napaka-unang magandang katangian ng mga tagasunod ni Hesus na dapat natin asamin lahat sapagkat walang hindi makapangyayari sa Diyos. Ito din ang panukat sa ating lahat kung hanggang saan ba tayo dadalhin ng ating mga pananampalaya kung dumating man sa atin ang matitinding pagsubok sa buhay bilang mga tagasunod ni Kristo Hesus. Ang lagi nating sambitin at itaas sa Diyos ay “Mangyari nawa sa amin ang naayon sa Iyong kalooban”. Amen?
Walang wagas na pag-ibig sa mundong ibabaw maliban sa pag-ibig ng Diyos. Ang pag-ibig na ito ang nagbibigay sa atin ng kakayahang ibigay ang buhay natin sa ibang tao. Ang basihan ng ating tiwala kahit kanino ay naka sandal sa matapat na pagmamahal ng taong iyun sa Panginoon. Gagalaw siya sa pagmamahal na ito at ang Panginoon ay nasa kanya. Kailanman ay hindi ka niya ipagkakanulo o pababayaan. Kung kayo ay nasa Panginoon, mauunawaan niyo ito. Hindi na kayo mangangamba.
ang lahat ay magsaya, magalak, papurihan, sambahin ang ating Diyos sapagkat niloob ng Diyos na Siya ay mananahan sa bawat isa sa atin.
TRULY GREAT IS THE LOVE OF GOD TO HIS CREATION FOR EVEN WE ARE SINNERS HE MADE HIMSELF BE ONE WITH US UP TO OUR GENERATION, TO ALL GENERATIONS.
GLORY TO GOD, GLORY TO CHRIST.JESUS! GLORY TO THE HOLY SPIRIT! HOLY TRINITY GLORY TO YOU!
He made Himself one with us from generation to generation by giving His only Begotten Son Jesus Chirst, He suffered, died on the Cross and muling.nabuhay upang makasama Niya tayo sa Kanyang Kaharian.
salamat Panginoon ko sa mga Banal na Sacramentong itinatag mo upang magoahangga ngayon ay tunay na makaisa Ka namin sa KATAWAN, KALULUWA AT ISPIRITU. TRULY WE ARE ONE UNITED THROUGH YOUR HOLY BODY THAT WE ARE RECIEVING IN THE HOLY EUCHARIST.
KAMI DIN PO AY NAGSUSUMAMO NA BUKSAN MO DIN.PO ANG PANDINIG, PANG-UNAWA AT MGA PUSO NG MGA KAPATID NAMIN NA HINDI NANINIWSLA NA IKAW AY KASA-KASAMA KA NAMIN SA PAMAMAGITAN NG IYONG SACRAMENTO NG BANAL NA EUCHARISTIYA.
OH HALLELUJAH!
TUNAY NA ANG ATING Panginoong sumasaatin ay Pader na kailanman ay di matitibag sa mga taong tunay na nananalig, sumasanpalataya at sumusunod sa Kanyang Banal na Kalooban.
Amen.
MAGNILAY: Hindi maunawaan ng mga alagad ang sinabi ni Hesus tungkol sa kanyang paghihirap dahil una sa lahat ay ayaw naman nila itong unawain talaga. Nasa rurok sila ng pagkamangha sa kanya dahil sa galing niyang mangaral at gumawa ng mga kababalaghan. Lahat ng senyales na siya na nga ang Mesiyas na kanilang pinakahihintay ay nasa kanya na. Pakiramdaman nila napakasuwerte nila na sila ang naging barkada ng Panginoon at nakikinita na nila na sila ang kaniyang magiging mga gabinete kapag nakaluklok na siya bilang politikal na lider. Bigla-bigla ay ipinahayag ni Hesus na siya’y itatakwil at ipagkakanulo. Biglang bagsak ang kanilang ekspektasyon. Kapag nangyari iyon bagsak ang kanilang mga pangarap at ambisyon. May pakiramdam na sila kung ano ang ibig sabihin niyon pero takot silang magtanong kasi sana mali ang pakiramdam nila. Sana nagbibiro lang ang Panginoon. Takot talaga silang harapin ang totoo na si Hesus ay haharap sa hamon ng krus kasama sila.
Pinipili rin natin minsan ang pakikinggan mula sa Panginoon. Ayos lang sa atin kung madali, komportable at kapaki-pakinabang. Pero kung ang kabaligtaran ang totoo takot at ayaw na natin. Ayaw natin ng krus, ng sakripisyo, ng mahihirapan tayo. Ayaw nating umalis kung saan komportable na tayo. Gusto nating sundan ang Hesus na walang krus. Ayaw natin siyang tingnan bilang nagdurusang Mesiyas. Gusto natin yung maluwalhating Mesiyas.
Madalas kung ano yung iniiwasan natin ang siyang magdadala sa atin sa tunay na paglago, pag-usad at tagumpay. Kung ano ang mas mahirap, ang may mas sakripisyo, ang may pagdurusa ang talagang mag-aangat sa atin. Pero kailangan natin ng tapang na pakinggan ang ayaw nating marinig, ang harapin ang iniiwisan natin at yakapin kung ano ang kalooban ng Diyos sa atin.
MANALANGIN: Panginoon, tulungan mo kaming harapin ang katotohanan ng aming pagsunod sa iyo. Tulungan mo kaming tanggapin ang krus.
GAWIN: Pakinggan ang ayaw mong mapakinggan. Unawain ang ayaw mong maunawaan. Talunin ang takot mo na harapin ang katotohanan.
PAGNINILAY:
Lucas 9:43b-45
“Hiwaga”
Ang Ebanghelyo ngayon (Lucas 9, 43b-45) ay nagsasalaysay ng isang mahalagang sandali kung saan si Hesus, sa gitna ng paghanga at pagkabighani ng maraming tao sa Kanyang mga himala, ay muling nagpahayag ng masakit na katotohanan—na Siya ay ipagkakanulo. Sa halip na tanggapin ng mga alagad ang katotohanang ito, nanatili silang nalilito at nag-alinlangan na magtanong. Dito ipinapakita na ang pananampalataya ay hindi lamang tungkol sa pagkamangha sa mga dakilang gawa ng Diyos, kundi higit sa lahat ay ang pagtanggap sa hiwaga ng Kanyang krus.
Sa teolohiya, ang tagpong ito ay isang paglalapit ng kaluwalhatian at krus. Sa gitna ng paghanga ng marami kay Hesus, ipinapaalala Niya na ang tunay na kaligtasan ay dadaan sa paghihirap, pagtatakwil, at kamatayan. Ang hindi pagkaunawa ng mga alagad ay nagpapakita ng limitasyon ng tao sa pag-intindi sa plano ng Diyos. Ang misteryo ng Krus ay hindi basta mauunawaan ng isip, kundi ng puso na handang manalig. Dito natin nakikita ang doktrina ng “mysterium fidei”—ang hiwaga ng pananampalataya.
Madalas, gusto rin nating manatili sa mga sandali ng tagumpay at kasaganaan, ngunit mahirap tanggapin ang mga pagsubok at krus ng buhay. Katulad ng mga alagad, tayo man ay nalilito sa mga plano ng Diyos, lalo na kung ito’y masakit o taliwas sa ating inaasahan. Ngunit ipinapakita sa atin ng Ebanghelyo na ang tunay na pagsunod kay Kristo ay nangangahulugang pagtanggap hindi lamang sa mga himala, kundi pati sa mga krus na dala ng pananampalataya.
Word of the Day:
“Hiwaga” – Ang mga plano ng Diyos ay hindi laging madaling unawain. Ang hiwaga ng Krus ay nagdadala ng kaligtasan, at ang hiwaga ng pananampalataya ay humahantong sa tiyak na tagumpay ng Diyos.
Panalangin: Panginoong Hesus, turuan Mo po kaming tanggapin ang hiwaga ng Iyong plano, lalo na sa mga pagkakataong hindi namin nauunawaan. Palakasin Mo ang aming pananampalataya upang huwag kaming matakot sa mga krus ng buhay, kundi makita ang liwanag ng Iyong pag-ibig sa likod nito. Amen.