Miyerkules, Setyembre 3, 2025

September 3, 2025

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Katulad ng mga taong nagdala kay Jesus ng lahat ng maysakit o sinasapian ng demonyo, dalhin natin sa ating makalangit na Ama ang lahat ng mga taong puspos ng paghihirap, pagkalumbay at nangangailangan ng mapagpagaling na pagmamahal.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na manggagamot, pagalingin mo kami.

Ang Simbahan nawa’y mapalaya ang mga tao sa anumang hadlang upang maipahayag ang Ebanghelyo sa mga lalaki at babae sa ating panahon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang nagugutom na daigdig lalo na ang mga hindi makatarungang pinagkaitan ng pagkain, damit o kalayaan nawa’y busugin ng Panginoon ng pag-asa at kalakasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa sa pag-aalala at pagkabahala nawa’y makatagpo kay Kristo ng sandigan bilang Daan, Katotohanan, at Buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa dahil sa pagkakasakit, at may mabigat na pasanin sa buhay, nawa’y makita ang higit na kahulugan ng kanilang buhay sa pagsubok na kanilang hinaharap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao at nagdadalamhati nawa’y magkaroon ng pag-asa sa Muling Pagkabuhay ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, bantayan mo ang iyong pamilya; iligtas at arugain kami sapagkat nasa iyo ang lahat ng aming pag-asa. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristo aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez August 26, 2021 at 1:27 pm

PAGNINILAY: Ang Diyos ay puno ng awa at malasakit sa mga mahihina upang sila’y maging malakas hindi lang sa katawan, kundi pati na rin sa kaluluwa.

Ang Unang Pagbasa ay ang simula ng panunulat ni San Pablo sa mga Kristiyano sa Colosas. Una ay ang pagbati ng kapayapaan at pagpapala mula sa Diyos Ama at sa ating Panginoong Hesukristo. Ikalawa ay ang pasasalamat sa Diyos at kay Kristo dahil sa pananampalatayang ipinahayag ni Pablo sa mga taga-Colosas, na sila ay sumampalataya at nakinabang sa angkin ng kaligtasan. Kaya ang bunga ay ang kanilang pagbunga nang kagandahang-loob dahil sa kanilang pakikinig kay Kristo ay pagiging mga saksi ng Mabuting Balitang nilalaman ng katotohanan.

Ang ating Ebanghelyo ay nagpapakita kung paanong pinagaling ng Panginoong Hesus ang mga maysakit ay iba pang bigat ng karamdaman. Matapos niyang mapalayas ang isang demonyong sumasanib sa lalaki (Ebanghelyo kahapon), dumalaw naman siya sa bahay ng 2 sa kanyang Apostol, ang magkapatid na sina San Andres at San Pedro. Dito’y pinagaling niya ang biyenan nila na nilalagnat noong panahong iyon sa pagpapatong ng kanyang kamay upang mawala ang sakit. At ang sumunod sa pagkalubog ng araw ay marami pang ginawang kababalaghan si Hesus na magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo. Sa sumunod na umaga ay pumunta siya sa ilang, ngunit natagpuan siya ng mga tao. Subalit sinabi niya na kinakailangan niyang ipahayag ang Mabuting Balita ng Paghahari ng Diyos sa iba’t ibang nayon at bayan, at ito’y kanyang ginawa sa rehiyon ng Judea.

Makikita dito na sa ilang ay nariyan ang lakas ng Panginoon na gumawa ng mga himala ay sa pamamagitan ng panalangin. Ang panalangin ay ang komunikasyon niya sa Diyos Ama bilang pagpapahayag ng pagtalima sa dakilang kalooban nito. Itinuturo sa atin ni Kristo na ang pagkaranas ng pagpapagaling sa buhay ay kinakailangan ng kaakibat na pananampalataya sa kanya. At ang pananampalatayang iyon ay isinasama sa pagsasabuhay ng kanyang kabutihan sa pagiging mabuti rin sa ating kapwa.

Kung nais nating maranasan ang tunay na kagalingan sa ating buhay ay maglingkod din po tayo sa ibang tao nang ipakita natin ang mabubuting pamamaraan upang kanilang sundan ang halimbawang iyan.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño September 1, 2021 at 11:14 am

“Ber” months… Dito nagsisimula ang mga Pilipino sa pagdiriwang ng kapaskuhan. Magandang panahon ito para samantalahin ang planong pagbabago, pagbabalik loob sa Panginoon, pagkakaroon ng magandang relasyon kay Hesus. Alam kong marami sa atin ang nagbabalak at gusto ng magpakabait, ito na ang tamang panahon.. Paano? Umpisahan mo sa pagsisisi sa iyong mga nagawang kasalanan, sumunod ay ihingi mo kapatawaran ang mga ito sa pamamagitan ng kumpisal o direktang pakikipag usap kay Hesus,, pangatlo ay sikapin na matalikuran na ang mga gawang mali lalong lalo na ang paninirang puri, hindi pagpapatawad sa kapatid o kaibigan, kahalayan, pakiki apid at panglalamang ng kapwa, Pang apat ay ang pagtulong sa kapwa at pagpapadama ng pagmamahal sa ibang tao katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili. Hindi na natin kailangan pang hintayin ang mismong Pasko o Semana Santa para gumawa ng mabuti. Pakatandaan na hindi natin hawak ang buhay, kinakailangan na maging handa tayo sa ating espiritwal. Tularan din natin si Hesus sa ebanghelyo na gumawa ng mga kabutihan at ayaw ipaalam sa mga tao. Tumulong tayo ng hindi pakitang tao. Wag ipagmalaki maging sa matalik na kaibigan at ang Diyos sa langit ang magbibigay sa iyo ng gantimpala. Maligayang Pasko nawa ang naghihintay sa atin ngayong 2021.

Reply

Jose M. Javier September 6, 2023 at 6:17 am

There Paul writes: “We always thank God, the Father of our Lord Jesus Christ, when we pray for you, since we heard of your faith in Christ Jesus and of the love that you have for all the saints.” Paul is thankful because he has heard of the Colossian Christians’ faith and love. Principle: Jesus Christ should hold the supreme rank in our lives because he is the head of the body, the church. Application: Because Jesus Christ fastened us to his body (the church) at salvation, we should glorify his eternal work for us.
For gospel:
We need enlightenment and healing from Jesus both physical and spiritual. Furthermore, let us not take for granted the power of our prayerful intercession for others most especially for the sick and for those who are not enlightened yet about the love of Jesus. Jesus doesn’t want me to settle where I am but calls me to go with him, bringing good news. Jesus went to a deserted place so that he might find time to be alone with God. Inspired by him I do the same, creating this moment of quiet so that I might meet with God.

Reply

BdKz September 3, 2025 at 1:19 pm

Your will be done.
I surrender to you, oh Lord.
God is good Sobra sobra
Sobra sobra God is good.
Amen
#GvWednesday

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: