Sabado, Agosto 9, 2025

August 9, 2025

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Sa pananalangin, lumapit tayo sa Diyos Ama na nagbibigay sa atin ng kapangyarihan sa lahat ng sangnilikha.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Walang hanggang Ama, lumakad nawa kami sa gabay ng pananampalataya.

Ang Simbahan at ang kanyang sambayanan nawa’y mapatatag sa pananampalataya at gawing sandigan ang Panginoon sa kanilang mga pagsubok at pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga puso ng mga lider ng mga bansa nawa’y huwag maging bato at huwag maimpluwensiyahan ng kasamaan ng pagkamakasarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong naging manhid na sa pagkakasala nawa’y magbalik-loob sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong may dinadalang mabigat na pasanin sa buhay dahil sa kanilang karamdaman nawa’y maunawaan ang kahulugan ng kanilang mga pagsubok, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y ligtas na maihatid sa tahanan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, inilalagay namin sa iyong paanan ang aming mga pangangailangan at nananalangin kami nang may pananalig sa iyong tulong at awa sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 29, 2021 at 7:38 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay ang utos ni Moises sa mga Israelita ukol sa Shema, Israel, na isang paanyaya sa bayang Israel na dinggin nila ang kanyang pahayag na ibigin nila ang Panginoong Diyos na buong puso, isip, at kaluluwa. Ito ay kanilang isasabuhay at ituturo sa mga susunod na henerasyon. Sa dulo ay ang paanyaya ni Moises sa banal na takot ng mga Israelita sa Diyos na magiging tapat sa kanya. At makikita natin sa panahon ni Hesus na ang dakilang utos ang bumubuod sa Tora: pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa kapwa. Pantay-pantay po dapat ang gawain natin ito bilang mga tunay at tapat na Kristiyano.

Ang Ebanghelyo naman ay ang sumusunod na kwento matapos ang Pagbabagong-Anyo ng Panginoon. May isang lalaking naghihingi ng tulong sa mga Apostol na pagalingin ang kanyang anak na inaalilo ng isang demonyo. Sinasabi rito na ang bata ay hinahagis ang sarili sa tubig at muntik nang mamatay sa apoy dahil sa masasamang espiritu na iyon. Ngunit hindi kaya ng mga Apostol na palayasin ang demonyo, kaya nakita ni Hesus ang kaganapan at nagmakaawa ang lalaki na tulungan siya. Subalit nakita ng Panginoon na maliit ang pananampalataya ng ama, kaya nagmakaawa muli rito na tulungan na mawala ang pag-aalinlangan. Dahil sa dasal na iyan ng lalaki, pinalayas ni Hesus ang demonyo at gumaling ang anak ng taong iyon. Nakita rin natin ang tanong ng mga Apostol kung bakit hindi nila ito makakayanan, na ang tugon naman ni Kristo ay ang ganitong sitwasyon ay makakagawa sa pamamagitan ng panalangin.

Ang kababalaghang ito ay isang kwento ng pananampalataya. Sa mga pagkakataong nag-aalinlangan tayo at parang nais nating sumuko, ang Panginoon ang nagpapaalala sa atin na patatagin natin ang ating pananampalataya sa Diyos nating Ama at sa kanya. Katulad ng lalaking ama sa Ebanghelyo, tayo rin ay nagdadasal na tulungan tayo ni Kristo na malampasan natin ang bawat pagdududa na palagi nating tignan ang magadang kinabukasan sa gita ng mga problema at pagsubok sa buhay. At sa pamamagitan ng pananampalatayang iyon, malilipat natin ang bundok ng mga makamundong alanganin upang palaging nakatuon tayo sa ating Diyos.

Reply

Jose Javier August 7, 2021 at 5:42 am

Ang pananampalata na Walang paggawa ay baliwala dahil sa paggawa lang natin mapapatunayan Ang tunay at sinserong pananampalataya sa Kanta.

Reply

Alberto Calderon Jr. August 7, 2021 at 7:44 am

O Diyos na buhay, puprihin ka magpakailanman, Sa bayang pangako aming aasahan, masaganang lupa sa dawagan, upang mga pangngailangan ay matugunan. Hindi kailanman ang Diyos ay lumiban, sa ano mang tipanan. Ang Diyos ay dapat sambahin at dakilaan. Upang Siyay namay masiyahan. Ang pagsamba natin at katapan, ay sapat na sa kaligtasan, at ang Diyos itoy ay kalulugdan. O Hesus namin mahal, alisin sa aming katauhan, mga espiritung mapaglinlang, sa Iyong kapangyarihan , kamiy sakupin Ninyong hirang. Kami biyayaan ng lubos na kapanyarihan , kapangyarihan pananampalatayang walang hanggan. Bagamat tiwala namin , sa Inyo ay kay lamlam, ay patuloy kmi binigyang kapangyarihan hindi mapaparam, dahil sa pagibig ninyong magpakailan man. Amen…

Reply

Ferdy Baetiong Pariño August 7, 2021 at 8:29 am

Pagmasdan mo ang kalangitan, ang mga bituin, buwan at araw, ang hangin ang karagatan, ang mga halaman, hayop at tao, walang sinuman ang makakagawa ng mga ito kundi ang Diyos, anupa’t may alinlangan ka p at hindi ka pa manalig ng lubusan. Kapatid, katulad ng mga apostol sa ebanghelyo, kung ikaw ay maliit ang pananalig, kahit anong dasal mo ay walang mangyayari. Kung tayo ay hihiling sa Diyos, ibigay natin ang buong tiwala at pananampalataya sa Kanya, pagkatapos magdasal ay wag ng mangamba, at habang nag iintay nman ng kasagutan ng Diyos ay gumawa ka ng mabuti, magsisii, humingi ng kapatawaran at talikuran ang masamang gawi, at ang iyong hinihiling ay siguradong darating kung ikaw ay naniniwala.

Reply

MEL MENDOZA August 8, 2025 at 3:50 pm

PAGNINILAY:

Ang sentral na aral ng Ebanghelyo sa araw na ito ay malinaw: ang kapangyarihan sa misyon at paglilingkod ay hindi nagmumula sa ating sariling galing, kundi sa pananampalatayang buhay at nakaugnay sa Diyos.

Kristolohiya: Si Jesus ang tunay na pinagmumulan ng pagpapagaling at pagliligtas; ang tagumpay sa misyon ay nagmumula sa ating pakikiisa sa Kanya.

Pneumatolohiya: Ang Espiritu Santo ang nagbibigay-buhay sa ating pananampalataya at nagpapakilos sa atin upang gawin ang tila imposibleng gawain.

Ekklesyolohiya: Bilang Simbahan, tinatawagan tayong mamuhay sa panalangin at tiwala sa Diyos upang maging mabunga ang ating misyon.

Soterolohiya: Ang himala ng pagpapagaling ay tanda ng mas malawak na pagliligtas na iniaalok ni Kristo mula sa kasalanan at kamatayan.

Sa Unang Pagbasa, gaya ng mga Israelita noon, tayo rin ay tinatawagan na gawing buhay na sentro ng ating pagkatao ang pagmamahal sa Diyos — hindi lang sa simbahan kundi sa ating tahanan, paaralan, trabaho, at libre nating oras. Ang Diyos na ating kalakasan ay karapat-dapat sa ating buong puso, kaluluwa, at lakas na pagsamba.

Sa Salmo, ito Ang Awit 17 na panalangin ni David na taimtim, hinggil sa kanyang kaligtasan at paghihimagsik ng kanyang puso na marinig ng Diyos .
— Hiniling ni David na matugunan ang kanyang panalangin dahil sa kanyang katapatan at pagiging matuwid .
— Inihambing niya ang Diyos sa nagbabantay na ina-kalapati at ang mata bilang pinakanararangal na bahagi ng katawan — sinisimbolo nito ang matindi at tapat na proteksyon ng Diyos .

Sinasabi ng Salmo ang Diyos ay ating matatag na kanlungan. Sa gitna ng banta at pangamba, tayo’y magtiwala na Kanyang didiringgin ang ating panalangin — tayo ang “pupil ng Kanyang mata,” mahalaga at inaalagaan. Bilang ating kalakasan, Siya ang ating sandigan sa mga laban ng buhay.

Bilang pagtatapos, ang pananampalataya, kahit kasing liit ng butil ng mustasa, ay nagiging makapangyarihan kapag nakaugat kay Kristo at binubuhay ng Espiritu Santo. Ang tunay na tagumpay sa misyon ay nagmumula sa Diyos, hindi sa tao.

Samakatwid, kinakailangan ang malalim na pakikipag-ugnayan sa Diyos sa panalangin at pagtitiwala upang makita ang “paglipat ng bundok,” na sumasagisag sa mga imposibleng bagay na nagiging posible sa Kanyang kapangyarihan.

Sa tuwing Sabado, inaalala natin ang Mahal na Birhen Maria, huwaran ng ganap na pananampalataya. Tulad niya, na buong kababaang-loob na tumugon sa tawag ng Diyos, nawa’y matuto rin tayong magtiwala sa Kanya sa lahat ng oras.

Mahal na Ina, turuan mo kaming magtiwala at maglingkod nang may kababaang-loob, upang ang mga bundok ng aming buhay ay malampasan sa tulong ng iyong Anak na si Hesus. Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: