Martes, Agosto 5, 2025

August 5, 2025

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Manalangin tayo sa Diyos bilang tapat niyang bayan na laging nakatingin kay Kristo. Kung paanong pinalakas niya ang pananampalataya ni San Pedro, alam natin na ganoon din siya sa atin, iaabot niya ang kanyang kamay upang palakasin at itindig tayong muli.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Anak ng Diyos, iligtas mo kami.

Ang Simbahan ng Diyos, nawa’y magabayan ng kapangyarihan ng presensya ng Panginoon sa gitna ng mga krisis at daluyong na kanyang nararanasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga bansang pinaghihiwalay ng mga digmaan at pag-aalitan nawa’y magkaroon ng katarungan at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lagalag, walang patutunguhan at waring nagpapadala na lamang sa agos ng mga unos ng buhay nawa’y makatagpo sa Simbahan ng tahanan ng kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng kasiyahan sa mapagpagaling na awa ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y matagpuan ang kanilang kapahingahan sa presensya ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, habang tinatanggap mo ang aming mga panalangin, bigyan mo kami ng matatag na pananampalataya at walang kupas na tiwala sa iyong Anak na aming Tagapagligtas, siya na nabubuhay at naghahari kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 29, 2021 at 7:30 pm

PAGNINILAY: Hindi natin makakalimutan no’ng sinalanta tayo ng isang mapinsalang bagyo, at ayon sa sa ating kasaysayan, ito ang pinakamalakas at pinakamapinsalang trahedya na naganap sa ating bansa. Hindi talagang inaasahan ng ating mga kababayan na ganyang kalupit ang paghampas ng mga alon sa kanilang mga bahay, at ganundin, malungkot ang sinapitan nilang mawala ng tirahan, ari-arian, at ang kanilang mahal sa buhay. Kaya makalipas ng halos walong taon matapos ang pananalanta ni Yolanda, patuloy silang bumabangon sa kabila ng trahedyang kanilang dinanas.

Mga kapatid, kapag sinalanta tayo ng mga kalamidad katulad ng bagyo, lindol, sunog, at pagsabog ng bulkan, ang unang reaksyon natin ay takot dahil ayaw nating mamatay, lalung-lalo na ang ating mga mahal sa buhay. Kaya nagpupursigido tayong maging handa at alerto upang hindi madamay. Pero sa kabila nito, naniniwala ba tayo na ang Panginoon ay nasa piling natin? Sa ating Ebanghelyo (Mateo 14:22-36), makikita natin ang isa pang himala ni Hesus pagkatapos ang pagpapakain sa limang libong pagkain. Ang bangka ng mga alagad ay pinahahampas ng mga alon ng dagat at hangin, kaya sila’y natakot na lumubog. Biglang nagpakita sa kanila si Hesus na lumalakad sa ibabaw ng tubig. Kaya itong si Simon Pedro ay pursigidong lumakad patungo sa Panginoon. Ngunit dahil siya’y tumingala sa dagat, bigla siyang lumunod, kaya sinagip siya ni Kristo at tinanong kung bakit siyang nag-alinlangan.
Mga kapatid, makikita natin sa Ebanghelyong itong himala ni Hesus ay nakasentro sa pananampalataya. Ang kanyang pagdeklara na “AKO” ay inaalala ang pagpapahayag ng Diyos kay Moises sa nagliliyab na puno (Cf. Exodo 3:14). Ang kanyang paglalakad sa ibabaw ng tubig ay nagaalala kung paanong hinati ng Diyos sa pamamagitan ni Moises ang Pulang Dagat para makalakad ang mga Israelita sa tuyong lupain (Cf. Exodo 14:15-31). Kaya si Kristo ang bagong Moises sapagkat ang kaligtasang bigay niya ay ang pag-aalay ng kanyang buhay sa Krus.

Sa gitna ng ating mga problema sa buhay, dapat tayo’y sumampalataya sa Panginoon para tulungan tayong iharap ang mga ito nang may pagtitiis at patuloy na gumagawa ng mga mabubuting bagay. Sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y lumapit tayo sa Panginoon upang tulungan tayong masolusyon ang ating mga personal na suliranin. Nawa siya’y maging kaagapay natin sa kabila ng mga “bagyo ng ating buhay”.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño August 3, 2021 at 9:30 am

Ang nagpalubog kay Pedro ng sya’y lumakad sa ibabaw ng tubig ay pagkakaroon ng maliit na pananalig. Ang tao ay natatakot, naguguluhan ang isip, nangangamba ay dahil sa kawalan ng pananalig at pag aaalinlangan. Kapag tayo ay magdarasal, tanggalin mo na ang pangangamba, ibigay mo na ng husto ang pananalig kay Hesus at mapayapang maghintay ng kasagutan sa iyong mga kahilingan, Sapagkat kapagbikaw ay nagdasala at nag alinlangan pa katulad tayo ni Pedro na lulubog dahil sa liit ng pananalig. At sana tingnan natin si Hesus na tunay na anak ng Diyos Ama na sya nating tagapagligtas at hindi isang Multo.

Reply

Jose M. Javier August 8, 2023 at 5:08 am

Miriam and Aaron began to talk against Moses because of his Cushite wife, for he had married a Cushite. “Has the LORD spoken only through Moses?” they asked. “Hasn’t he also spoken through us?” And the LORD heard this. Here in Numbers 12 we find an evil accusation being brought against Moses by his own brother and sister. According to verse 1, Aaron and Miriam spoke against Moses because he had married a Cushite (Ethiopian) woman.
In Numbers 12, Moses’ brother and sister, Aaron and Miriam, try to launch a revolt against his authority. They appear to have a reasonable complaint. Moses teaches that Israelites are not to marry foreigners (Deut. 7:3), yet he himself has a foreign wife (Num. 12:1). If this complaint had been their true concern, they could have brought it to Moses or to the council of elders he had recently formed (Num. 11:16-17) for resolution. Instead, they agitate to put themselves in Moses’ place as leaders of the nation. In reality, their complaint was merely a pretext to launch a general rebellion with the aim of elevating themselves to positions of ultimate power.

God punishes them severely on Moses’ behalf. He reminds them he has chosen Moses as his representative to Israel, speaking “face to face” with Moses, and entrusts him with “all my house” (Num. 12:7-8). “Why then were you not afraid to speak against my servant Moses?” he demands (Num. 12:8). When he hears no answer, Numbers tells us that “the anger of the Lord was kindled against them” (Num. 12:9). His punishment falls first on Miriam who becomes leprous to the point of death, and Aaron begs Moses to forgive them (Num. 12:10-12). The authority of God’s chosen leader must be respected, for to rebel against such a leader is to rebel against God himself.
For the gospel;
Peter’s walk on the water teaches us that in the middle of storms we can have peace IF we keep our eyes on Jesus. The storms of life give us good reason to be afraid. But Jesus is bigger than even the scariest of storms. Jesus spoke from the place of chaos; Jesus spoke from the waves to reassure his disciples. He said, “Take heart, it is I; do not be afraid.” Now in Greek the phrase, “It is I,” is literally “I AM.” So a better translation of these verses would be, “Do not fear, the I AM is here.”

Reply

MEL MENDOZA August 5, 2025 at 12:11 am

PAGNINILAY:
Matapos mapakain ni Hesus ang mahigit na limanglibo tao kahapon, sa araw na ito ang karugtong ng Ebanghelyo pinasakay ni Hesus sa bangka ang kanyang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Siya’y umakyat sa burol upang manalangin. Ipinapahayag ni San Mateo sa gitna ng dilim ng gabi at pangambang dulot ng unos, dumating si Hesus — lumalakad sa tubig, handang abutin ang kanyang mga alagad. Ang Mabuting Balita, ay nagaanyaya din sa atin na manalig, maniwala, at muling itutok ang ating paningin kay Kristo, ang tanging makapagliligtas sa atin sa gitna ng bagyo ng buhay.”

Ang bangka kung saan naroon ang mga alagad ay sumasagisag sa Simbahan — isang pamayanang patuloy na naglalayag sa gitna ng karagatan ng mundo. Habang pinapaharap sa mga pagsubok, takot, at pag-uusig, ang Simbahan ay nananatiling buo, hindi dahil sa lakas ng mga alagad, kundi dahil sa presensya ni Kristo na patuloy na dumarating at umaalalay.

Sa ating personal na buhay, ang bangka ay maaari ring sumagisag sa ating sariling puso, pamilya, o komunidad — minsan panatag, ngunit madalas ay hinahampas ng unos ng mga pagsubok.

Ang malakas na hangin at alon ay sumisimbolo sa mga takot, pangamba, problema, at pag-aalinlangan na bumabayo sa ating pananampalataya. Kahit na sumusunod tayo kay Kristo, hindi tayo ligtas sa bagyo ng buhay. Ngunit tandaan natin: hindi tayo nag-iisa sa bangka.

Si Simon Pedro ay kumakatawan sa ating hangarin at kahinaan.
Siya ay puno ng tapang at pananabik ng makitng si Hesus na naglalakad sa tubig— “Panginoon, kung ikaw nga iyan, papuntahin mo ako sa iyo sa ibabaw ng tubig!”Ito ay larawan ng ating kagustuhang mapalapit sa Diyos, ng pananampalatayang handang sumubok, lumakad, at sumunod, kahit mahirap.
Ngunit nang ituon ni Pedro ang mata sa malalakas na alon, siya’y natakot at lumubog. Ito ang pagsasalarawan ng ating kalikasan — na kahit may pananampalataya tayo, madali tayong madaig ng pangamba, duda, o kawalan ng tiwala kapag hinaharap na ang unos. Ito ay paalala na sa sandaling alisin natin ang ating tingin kay Hesus at tumingin sa bigat ng problema, tayo rin ay lumulubog.

Ang Pag-abot ni Hesus ng Kanyang kamay ito ay larawan ng biyaya.
Hindi pinagalitan ni Hesus si Pedro sa kanyang pagdududa, bagkus agad siyang inabot. Ito ang grasya ng Diyos: hindi Niya tayo hinahayaan malunod sa sarili nating kahinaan. Minsan kailangan lang nating isigaw ang dasal ni Pedro: “Panginoon, iligtas mo ako!” At sa bawat sigaw natin ng pananampalataya — kahit pa ito ay sinabayan ng takot — palaging nariyan si Kristo upang abutin tayo.

Binhi ng Pananampalataya:
-Nasaan ako ngayon? Nasa gitna rin ba ako ng unos?
-Tumititig pa rin ba ako kay Hesus o masyado na ba akong nakatuon sa mga alon ng problema?
-Handa ba akong sumigaw ng “Panginoon, iligtas mo ako”?
Hindi tayo kailanman pababayaan ni Kristo. Kahit sa madilim na gabi at gitna ng bagyo, lalapit Siya, lalakad Siya patungo sa atin, at aabutin Niya tayo.

Panalangin sa Gitna ng Unos ng Buhay:
Panginoong Hesus, sa gitna ng unos ng aming buhay,kapag kami’y natatakot at nakakaramdam ng panghihina,huwag mong hayaang lumubog kami sa aming pag-aalinlangan.
Abutin mo po ang aming mga kamay tulad ng ginawa mo kay Pedro. Palakasin mo ang aming pananampalatayaat turuan kaming laging tumingin sa Iyo sa gitna ng takot, problema, at pagod.
Sa bawat alon na humahampas sa aming buhay — mga pagsubok, sakit, kawalang-katiyakan — tulungan mo kaming manalig na Ikaw ay naririyan, lumalapit at umaalalay. Hesus kami ay nananalig sa Iyo!

Ina ng Diyos, Mahal na Birheng Maria, ipanalangin mo kami upang matuto kaming magtiwala nang buo sa Anak mong si Hesus. Amen.

Reply

BdKz August 5, 2025 at 1:18 pm

Believe your belief,
Doubt your doubt.
Maniwala sa mabuti at makakabuti sa iba.
Makinig at unawain ang salita ng Diyos.
God is good Sobra sobra.
Sobra sobra God is good.
Amen.
#GvTuesday

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: