Podcast: Download (Duration: 7:41 — 5.5MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes
Manalangin tayo sa pamamagitan ni Kristo at sambahin natin ang Amang nasa Langit sa ating pananampalataya, pag-ibig, at mahabaging awa.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng awa, basbasan Mo kami.
Ang mga Kristiyano saanman nawa’y hindi maging mga taong ang kilos ay legalismo at panlabas lamang kundi maging mga taong may puso na ginagawa ang nararapat bilang mga anak ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga bansa sa mundo nawa’y matutong gumalang at tumulong sa isa’t isa at hindi maggamitan lamang kundi makipag-ugnayan ayon sa katarungan at pagkakasundo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ayon sa udyok ng habag ni Kristo, nawa’y hindi natin hatulan ang mga nagkakamali kundi bigyan pa sila ng bagong pagkakataon, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawa’y tumanggap ng tulong mula sa mga taong may kakayahan at pamamaraan na pagaanin ang kanilang pinapasan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao nawa’y mamahinga sa kalipunan ng mga banal sa piling ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoong Diyos, huwag mo kaming hingan ng anumang sakripisyo maliban sa tunay na pagbabalik-loob, tapat na pananampalataya, at paglilingkod na may pagmamahal. Bigyan mo kami ng lakas at dumito ka sa amin ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
Pages: 1 2
« Huwebes, Hulyo 17, 2025
Sabado, Hulyo 19, 2025 »




{ 6 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ipinadama ng Diyos ang kanyang kapangyarihan upang iligtas ang tao at patnubayan sila tungo sa mabubuting relasyon sa kanya. Ang Unang Pagbasa ay ang paghahanda sa ikasampung salot na ipapadala ng Panginoon sa Egipto dahil sa pagkamagitas ng Faraon na ayaw palayin ang mga Israelita. Nagbigay ng Panginoon kay Moises ng mga gawain upang ipagdiwang ng bayang Israel ang unang gabi ng Pampaskuwa. Ang mga hayop ay ihahandog, at ang mga dugo nila ay ipipintura sa mga poste ng bawat pintuan, bilang tanda na dadaan ang Panginoon sa kanila, at kikitilin niya ng buhay ng mga sanggol ng mga Egipcio. Nag-utos din ang Diyos na magsalu-salo sa gabing iyon bilang pag-aalala ng kaligtasan kanyang gagawin.
Ang Pista ng Pampaskuwa ay ginugunita ng mga Hudyo taun-taon bilang pag-aalala sa kadakilaan ni Yaweh na nagligtas sa kanila mula sa pagkaalipin sa Egipto. Sa Bagong Tipan, si Hesus ang Korderong Pampaskuwa na gaganapin ang pinakaganap at kumpletong paghahandog na mag-aalis ng mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang Pagpapakasakit, Pagkamatay sa Krus, at Muling Pagkabuhay mula sa Kamatayan. Ito ang pagliligtas ng Diyos, na minahal tayo sa puntong nakibaka at nagtagumpay siya laban sa kasamaan at kamatayan. Ang Eukaristiya ay tanda ng Misteryong Paskwal, na si Kristo ay nananahan sa presensiya natin sa pagtanggap natin sa kanyang Salita at Katawan. Sa huli, ang Misa ay siyang panglasap natin tungo sa kaluwalhatian ng langit, kung tayo rin ay makikibahagi sa gawain ng Panginoon sa ating pakikiisa at pagiging mga saksi niya.
Ang Diyos ay Diyos ng pag-ibig. Siya’y nahahabag sa pinagdadaanan ng tao sa buhay. Kaya tayong mga Kristiyano ay tinatawag na mahalin ang kapwa-tao sa pagpapamalas ng kabutihan. Ang Ebanghelyo ngayon ay isang paghaharap ni Hesus sa mga eskriba at Pariseo sapagkat napansin nila ang mga Apostol ay nangingitil ng uhay sa Araw ng Pamamahinga. At ayon sa Kautusan ni Moises, labag sa utos tungkol sa sabat ang pagtratrabaho. Ngunit ang tugon ni Hesus ay ang kwento ni Haring David at ang kanyang mga kasamahan nang sila’y mamamatay na sa taggutom, at kinain nila ang tinapay mula sa altar na dapat ang mga pari katulad ni Ahimelech lang ang maaring hawakan ito. Kaya ito’y naging espesyal na pagkakataon sapagkat ginawa iyon ni David upang mapalusog sila. Ang naging aral ng salaysay ay nang sabihin ni Hesus na ang Araw ng Pamamahinga ay ginawa ng Diyos para sa tao, at hindi ang tao ang gumawa ng okasyong iyon. Bilang Anak ng Tao, si Kristo ay Panginoon ng Araw ng Pamamahinga.
Ang ikatlong utos ay nagsasaad sa paggalang at pagsamba sa Diyos na lumikha ng sandaigdigan sa loob ng 6 na araw at isinaalang-alang ang ika-7 bilang pamamahinga. Kaya sa ating mga Kristiyano, ang ating “sabbath” ay tumapat tuwing araw ng Linggo sapagkat inaaalala natin ang Muling Pagkabuhay ng ating Panginoon. Ang Pagkabuhay ng Panginoon ay itinuturing na “ikawalong araw” sapagkat ito’y tanda ng pagbubukang-liwaway ng bagong nilikha. Tayo ay minarapat na biyayaan ng karapatang maging mga anak ng Ama. Tinitignan niya ang puso ng bawat taong mapagkumbaba sa kabila ng mga abilidad at kakayahan.
Ito’y nagpapaalala sa atin na mahalaga ang batas para sa ating kaayusan at disiplina. Subalit ang diwa ng batas ay kailangan nating ipairal na dapat manaig sa ating mga puso ang paggawa ng mabuti sa kabila ng mga paghihigpit sa ating mga paligid. Kaya ang mahalaga dito na sa bawat araw, lalung-lalo na sa Linggo, maghari nawa ang ating pagmamahal sa Diyos at kapwa-tao sa kabila ng mga striktong pagsunod sa kautusan. Kung tayo ay itinuturo na gumawa ng tama at talikdan ang masama, gawin natin itong pagkakataon na gumawa ng mabuti, at kasama na diyan ay ang pagpapamalas ng ating awa at malasakit sa ibang tao.
Isang pari ang nakasabay naming kumain ng tanghalian noong nakaraang Biernes Santo. Ang hain ay lechon manok, spare ribs, lechon paksiw at monggo. At sinabi nya, kumain lamang kayo, hindi ang kinakain natin ang susi sa langit kundi ang pakikitungo mo sa kapwa mo. Ibig nyang sabihin na hindi kasalanan ang kumain ng karne sa biernes santo at ang hindi pagakain nito ay kalulugdan ka na ng Diyos. Ang nais ni Hesus sa ebanghelyo ay HABAG at hindi ang pagsunod sa mga tradisyong batas. Sinusunod mo nga ang mga alituntunin sa araw ng Pamamahinga pero ikaw naman ay nanlalamang ng kapwa ay wala ring saysay. Binigyang diin ni Hesus sa huling parte ng ebanghelyo ang Habag. Nais nya palambutin ang ating mga puso, wag maging madamot o makasarili, patawarin ang mga kagalit, wag matuwa sa masamang nangyari sa isang tao kahit pa sya ay masama. Wag ipanalangin ng masama ang kaaway, tulungan ang mga walanv wala, balo, matandang dalaga, maysakit at bilanggo. Napakasarap isipin kung ang lahat ng tao ay nag iibigan pero hindi ito imposible, simulan natin sa bawat isa, what goes around, comes around. Lahat tayo ay may awa sa katawan, ilabas natin ito at ipadama sa iba.
And the key phrase, in the very beginning of this verse, it says, “The Lord gave the people favor in the sight of the Egyptians.” And obviously we know that it’s God who gave Moses the strength, grace, power to become great in the land of Egypt. God is behind all of that.Jun 18, 2018
Despite all of the miraculous events in the first nine plagues, God warned Moses that Pharaoh will not listen to you. Apart from this being an unplanned and unintentional obstacle to the LORD’s plans, He reminded Moses that Pharaoh’s stubbornness was done so that My wonders will be multiplied in the land of Egypt.
Gospel;
Jesus is basically saying, “You don’t know what it means to really worship God.” The Pharisees are trying to worship God; they’re trying to follow all the religious rules, and make sure others do; but they got it all wrong. Jesus, finally, boldly says in verse 8, “For the Son of Man is Lord of the Sabbath.”
PAGNINILAY:
“Ang Anak ng Tao ay Panginoon ng Araw ng Pamamahinga.” (Mateo 12:8)
Sa Ebanghelyo ngayon, hinamon ni Hesus ang makitid na pananaw ng mga Pariseo tungkol sa interpretasyon ng batas. Sa mata ng batas, mali ang ginawa ng mga alagad — ngunit sa mata ng Diyos na puspos ng awa at pag-unawa, higit ang pangangailangan ng tao kaysa sa legalismo.
Ipinapaalala sa atin ni Hesus na ang batas ay ginawa upang paglingkuran, at protektahan ang kapakanakan ng mga tao, hindi upang maging pabigat. Ito ay paanyaya rin sa atin na huwag maging mabilis humusga sa kapwa base sa panlabas na kilos. Baka tulad ng mga Pariseo, tayo rin ay nakakalimot na ang Diyos ay mas interesado sa puso natin kaysa sa panlabas na pagsunod.”Awa ang ibig Ko at hindi hain.” (Mateo 12:7) — Ito ang puso ng Diyos: Isang pusong marunong umunawa, kumalinga, magpatawad, at magmalasakit.
Subalit sa panahon ni Hesus, ang Sabbath ay naging mabigat na pasanin dahil sa labis na pagbibigay-diin sa teknikal na aspeto ng batas. Ipinagbabawal ang 39 uri ng gawain, kasama na ang pag-aani, kaya ang ginawa ng mga alagad ay kinondena ng mga Pariseo.
Ang tagpo sa Ebanghelyo ay itinutuwid ni Hesus ang makitid na pagkaunawa sa batas. Ang diwa ng Sabbath ay hindi simpleng pahinga kundi kapahingahan sa Diyos — pagtanggap ng Kanyang awa, biyaya, at pagkakalinga. At higit sa lahat, si Hesus mismo ang bagong Sabbath — sa Kanya tayo nakasusumpong ng tunay na kapahingahan: sa Kanyang habag, pagpapatawad, at pagkalinga. (cf. Mateo 11:28)
Ano ang ibig sabihin ng si “Hesus ang bagong Sabbath”?
Si Hesus ang katuparan ng Sabbath
Sabi sa Mateo 12:8:
“Sapagkat ang Anak ng Tao ay Panginoon ng Araw ng Pamamahinga.”
Ipinapakita rito na ang tunay na layunin ng Sabbath ay hindi lang pahinga, kundi ang makapiling ang Diyos, at si Hesus mismo ang presensiya ng Diyos sa gitna ng tao. Sa Kanya matatagpuan ang tunay na kapahingahan.
Si Hesus ang nagbibigay ng tunay na kapahingahan
Sa Mateo 11:28-30, sinabi Niya:
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatang lubha, at kayo’y aking papagpapahingahin.”
Ipinakikilala ni Hesus na ang tunay na pamamahinga ay hindi lang sa araw, kundi sa Kanya mismo. Hindi na ito nakatali sa partikular na araw kundi sa relasyon sa Kanya.
Ang Sabbath ay hindi na batas kundi relasyon
Sa Bagong Tipan, ipinakita ni Hesus na mas mahalaga ang pag-ibig at habag kaysa sa legalismo ng Sabbath (Mateo 12:1-14; Marcos 2:23–28). Sa halip na sundin lang ang batas nang literal, inanyayahan Niya tayong magsimula ng bagong pamumuhay sa biyaya, hindi sa takot o obligasyon.
Hindi lang isang araw ang Sabbath; si Hesus mismo ang ating kapahingahan. Sa Kanya, tayo ay tunay na “nakapapahinga” mula sa kasalanan, pangamba, at bigat ng buhay.
Binhi ng Kamalayan:
-Naiintindihan ko ba ang tunay na layunin ng mga batas ng Diyos, lalo na ang Sabbath?
-Tuwing araw ng Linggo, ito ba’y araw ng tunay na kapahingahan para sa aking kaluluwa?
-Sa aking paglilingkod, pinapairal ko ba ang diwa ng habag higit sa pormalismo?
Ang tunay na kabanalan ay nasusukat sa ating kakayahang magmahal at magpatawad. Ang Sabbath ay paanyaya ng Diyos sa Kanyang mga anak: “Pumahinga ka sa Akin.”
Panalangin:
Panginoong Hesus, salamat sa Iyong halimbawa ng malasakit at awa. Turuan Mo kaming lumampas sa mga panlabas na tuntunin upang makilala ang tunay na diwa ng Iyong kalooban — ang magmahal, umunawa, at magpatawad. Gawin Mo kaming mga tagapagdala ng Iyong awa sa aming pamilya, pamayanan, at simbahan. Amen.
MAGNILAY: Ang pagiging mahabagin ang pangunahing katangian ng Diyos. Ito rin ang pinaka-mensahe ng salita ng Diyos. Pero ipinagkait ito ng mga tagapagturo tulad ng mga Pariseo noon dahil sa kanilang paghihigpit nang wala sa lugar. Ang mga utos ng Diyos ay ginawa nilang pabigat sa balikat ng lahat. Imbes na magpalaya lalo pa nilang ginawang parang kulungan ang mga ito. Habag ang nadama ni Hesus sa mga alagad niyang nagutom kaya hinayaan silang pumitas ng mga butil. Hinusgahan agad ng mga Pariseo na nagkakasala sila dahil katumbas na nito ang pag-aani samakatwid pagtatrabaho na bawal sa Araw ng Pamamahinga. Sobrang kitid ng isip kaya’t ang bilis magparatang ng kasalanan. Kailanman hindi kasalanan ang tumugon sa pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng pawiin ang gutom. Anumang ibang utos ay maaaring isantabi kapag habag sa taong nangangailangan ang pinag-usapan. Walang pahinga ang habag sa kapwa.
MANALANGIN: Panginoon, huwag nawa akong mamahinga sa pagiging mahabagin.
GAWIN: Tuparin mo ang lahat ng utos sa diwa ng habag ng Diyos at habag sa kapwa.
Dear God,
Please bless me and my husband a healthy child.
Heal everyone who is sick.
And bless our family with good health.
AMEN.